Professional Documents
Culture Documents
May - Akda
Wong Meng Voon ay ipinanganak noong July 27, 1937 sa Perak, Malay. Siiya ay
kilala ding bilang Meng Yi, siya ay isa sa mga pinaka kilala sa Singapore bilang
isang Chinese na manunulat. Mas kilala din sa mga isinulat niyang "mini-fiction". Si
Wong din ay aktibong ipinapakila ang "Chinese mini-novel genre" sa buong mundo
sa pamamagitan ng kaniyang mga malikhaing mga obra .
Alam ba ninyo na Best Actress sa Las Palmas Gran Canaria International Film
Festival sa Spain ang pelikulang "Lola" kung saan ito ang kauna-unahang panalo ni
Rustica ng karangalan sa pag-arte Gayunman, dalawang beses na siyang nominado sa
Best Supporting Actress Award para sa Famas, una’y noong 1978 para sa pelikulang
“Walang Katapusang Tag-Araw” ni Ishmael Bernal para sa Lea Productions kung
saan gumanap siyang ina ni Elizabeth Oropesa at ikalawa’y noong 1980 para sa
pelikulang “Menor de Edad” bilang ina pa rin ni Elizabeth at sa direksyon pa rin ni
Ishmael para sa Crown Seven Productions. Ngayon lang niyang nasungkit ang
parangal sa pag-akting at sa isa pang prestihiyosong film festival na tulad ng Las
Palmas.
Nanomina bilang Movie Actress of the Year – 2014 sa PMPC Star Awards for
Movies, para sa pelikulang "Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?",
Nanalo ng Lifetime Achievement Award – 2014 sa PMPC Star Awards for Movies,
nanalo ng Best Performance by an Actress in a Leading Role (Drama) – 2014 sa
ENPRESS Golden Screen Awards, para sa pelikulang "Ano ang kulay ng mga
nakalimutang pangarap?", NanaloWo ng Crystal Simorgh sa Best International
Actress – 2011 Fajr International Film Festival, para sa pelikulang "Lola", Nanalo ng
Best Supporting Actress – 9th sa Gawad Tanglaw Awards, para sa pelikulang
"Tarima", nanalo ng Best Actress – 2010 sa Gawad Urian Awards, para sa pelikilang
"Lola", nanalo ng Best Actress – 2010 sa Las Palmas International Film Festival, para
sa pelikulang "Lola", Lifetime Achievement Award – 2010 sa FAMAS Awards Won –
2008 TOFIL Awardee para sa Arts and Culture, Special Mention for Essay, Filipino
Division – 1988 sa Palanca Awards, para sa kaniyang "Talinhaga, Hinaing at Pag-ibig
ng Isang Makata”.
II.Buod:
Isang araw, sa kanilang mumunting tahanan kung saan nandoon ang mga mag-iina na
sina Lian-chiao at ang mga anak niyang sina Siao-lan na tatlong taong gulang at si Ah
Yue mas matanda kay Siao-lan ng tatlo o apat na tao. Katatapos lang ni Lian chiao na
maglaba sa gilid ng balon at kaniya na ding napaliguan ang bunsong anak. Makikita
sa kaniyang mukha ang hirap at pagod na kaniyang nararamdaman sapagkat
pagkagising niya'y nagtratrabaho na siya idagdag pang siya ay binubugbug na
kanyang asawa kahit na siya ay buntis at malapit ng manganak.Ngunit kahit na siya'y
buntis ay nagtratrabaho pa rin siya sapagkat walang mangyayari sakanila kung wala
siyang gagawin. Sa kabutihang palad ay nandiyaan si Ah Yue para siya ay tulungan sa
pagsasampay sa mga nalabhan . Sa pito o walo nitong gulang ay alam na niya ang
hirap ng buhay. Maya maya pa ay nabanggit ni Ah Yue na kailangan ng maghanda ng
hapunan. Kaya naman dali daling nagluto si Lian-chiao ng sa ganon hindi siya saktan
ng kanyang asawa ngunit sa kasamaang palad naabutan siya ni Li Hua kaya naman
nagdabog na naman ito. Nagpakumababa uli si Lian chiao para hindi na siya saktan ,
natalo na naman siguro si Lian Hua kaya mainit ang ulo nito.Sandali lang ay bumalik
uli si Li Hua kahit na gabi na para daw siya ay makabawi sa pagkatalo kanina. Dahil
sa gabi na din ay natulog na silang magiina. Ngunit pagkalipas lang ng ilang oras ay
nakaramdam ng kirot sa kaniyang tiyan si Lian-chiao na nagpapahiwatig na
manganganak na siya. At dahil nga sa bata pa ang mga anak ay wala siyang
katulungan para tawagin ang sugarol na Asawa. Kaya naman kahit na hirap Na hirap
at nananakit na ang kaniyang tiyan ay nagpunta pa rin siya sa Hsiang Chi Coffee
Shop kung saan naglalagi ang asawa. Sa lubak lubak na daanan siya naglakad, gamit
ang lampara para pangilaw sa kaniyang dinadaanan ay sa kasamaang palad ito ay
nasira kaya naman hirap siyang lumakad dulot ng kawalan ng ilaw at dahil Nadin sa
sakit na kaniyang nararamdaman. Bagamat siya ay nahihirapan siya pa rin ay
nagpatuloy sa kinaroroonan ni Li Hua.
III.Pagsusuri
A.Pamagat
“Ang Tahanan ng Isang Sugarol” ay kathang isip lamang pero pag-binasa natin
ito ay parang totoo na kung saan parang nararanasan natin ang nangyayari sa
kuwentong ito. Dito rin ay parang inaakit ng manunulat na basahin ito ng mambabasa
dahil dito sinasabing maraming aral na makukuha ditto. Ang kuwentong ito ay parang
makatotohanan na nangyayari sa buhay ng isang tao, ang manunulat na si Rustica
Carpio ay parang benase niya ito sa tunay na kuwento ng isang tao hango sa totoong
pangyayari/karanasan. Ito rin ay sadyang makatotohanan pagkat marami ang katulad
ni Lian-Chiaon na namaltrato ng asawa na kung tawagin sa ingles ay Battered Wife na
karaniwang hindi nakikita ng mga tao, ito ay isang paalala at pagmulat sa mata nating
lahat na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang katayuan sa buhay. Di lahat ay pare-
pareho ang kapalaran, marami ang taong minalas at isa na ngang patunay ang tahanan
ng isang sugarol. Dito sa pamagat na ito makikita natin ang hirap na dinaranas ni
Lian-Chiao at kaniyang mga anak, makikita na napilitang gawin ang lahat ng
mabibigat na bagay na di dapat para sa kanila. Ito ay isang bunga na maagang pag-
aasawa at pinipilit ipaasawa. Ang pamagat ay isang palaisipang mapapaisip ka kung
bakit ganun ang pamagat, na kung saan ano ba ang mangyayari o bakit ganun ang
pamagat. Ang pamagat ng kwento ay sadyang nakakaakit, punong-puno ng
kuryusidad mapapaisip ka talaga kung ano ang meron at bakit ganun ang pamagat.
Namumulat nito ang mga taong nagbubulag-bulagan sa katotohan, ito ay sadyang
nakakapanghalina at nakakaantig ng damdamin. Ito’y isang likha na daan patungo sa
mga nakatagong lihim ng buhay. Ang pamagat ng kwentong ito ay sapagkat umiikot
ang kwentong ito sa tahanan ng isang sugarol o adik sa sugal. Kung saan ipinapakita
dito ang mga nangyayari o nagaganap sa loob ng tahanan ng isang sugarol at
nabibigyang pansin din ang mga magiging epekto ng isang bisyo sa taong iyon at sa
loob ng kaniyang pamilya. Kagaya ng kwentong ito kung saan ang asawa ng sugarol
ay nagpapakahirap na gumawa ng nga gawaing bahay bagamat siya ay buntis ay hindi
ito naging hadlang na gawin niya lahat ng trabaho sa kanilang tahanan dahil maliliit
pa ang kanilang mga anak . Na kahit siya ay pagod at sobra ng nahihirapan hindi niya
pa rin iniisip ang kaniyang sarili na magpahinga kundi hindi siya tumitigil na
magtrabaho. Sapagkat wala ang asawa niya na dapat na kaniyang kasangga sa buhay,
bagamat isa din ang asawa niyang sugarol ang dumagdag pa sa kaniyang
pagpapahirap. Kagaya na lang kapag umuuwi ang kaniyang asawang sugarol at kapag
nakita nitong walang ginagawa ang buntis na asawa ay siguradong malilintikan ito
kahitman ito ay buntis. Ipinapakita din sa kwento ang nagiging epekto ng isang bisyo
kapag ikaw ay nalululong o naadik na . Kagaya sa asawang sugarol , payat ito at
nangingitim ang mga bahagi ng kaniyang katawan ngunit wala siyang pakialam sa
kaniyang kalusugan kundi ang importante lang ay ang pagsusugal niya. Nagiging
mainitin din ito at napagbubuhatan ang kaniyang pamilya, buntis man ang asawa at
bata man ang kaniyang mga anak lalo nakapag siya ay natatalo sa pagsusugal ay
talagang nasasaktan niya ang mga ito.
B. Tagpuan
Hsiang Chi Coffee Shop - kung saan dito naglalagi si Li Hua . Dito siya naglalaro ng
sugal. Ito ang pasugalan na madalas na pinupuntahan ni Li Hua para magsugal ng
ilang oras. Pagmamay-ari ito ng babaeng nagpahiram ng kotse kay Li Hua dahil
manganganak na si Lian Chiao kaya naman kailangan nyang maidala agad sa
Hospital. Dito rin kung saan nagmamadyong ang asawa ni Lian-Chiao na si Li Hua na
araw-araw na pumupunta rito para humilata sa kama ng opyo, uminom ng alak, at iba
pa. Dito rin sa Hsiang Chi Coffee Shop ay dito ginaganap ang pagmamadyong na
kung saan kung ang mga gamit nilang pera ay chips/dolyar. Si Li Hua ay laging
pumpunta dito para magmadyong kasam ang kanyang mga kumpare na mahilig ding
magmadyong. Dito rin ay parang tahanan na ito ni Li Hua dahil sa lagi-lagi nalang
siyang pumupunta rito at umuuwi lang sa bahay nila pag-nagugutom. Dito sa Hsiang
Chi Coffee Shop ay parang akala natin simple lang ito pero ang hindi natin alam ay
sugalan ito, inuman ng mga sugarol na kagaya ni Li Hua.
Hospital- dito idadala ni Li Hua ang manganganak na Asawa na si Lian -chiao gamit
ang kotse na nirentahan.
C. Tauhan
Ah Yue- ang panganay na anak nina Li Hua at Lian-chiao. Siya ang madalas na
katulungan ni Li Hua sa mga gawaing bahay. Siya ang mas nakakaintindi sa kaniyang
ina at kahit siya ay bata pa alam na niya ang hirap ng buhay kaya naman tinutulungan
niya ang kaniyang ina sa abot ng kaniyang kakayahan.
Si Ah Yue ay isang mabuting anak at isa rin itong masunurin na tao, kung ano ang
sasabihin ng kanyang ina ay lagi niya itong sinusunod at hindi ka makakarining sa
kanya ng mga reklamo. Sa murang edad natutunan niya ang mga gawaing bahay at
pati narin ang mga mabibigat na trabaho imbes na nandun siyang tumtatakbo,
naglalaro ay nandun siya sa bahay nila upang magtrabaho dahil kung hindi siya
magtatrabaho ay papagalitan siya ng kaniyang amang sugarol. Kahit na mahirap ang
buhay ay hindi siya nagreklamo dahil ayaw niyang mapagalitan sa kanyang ama.
Siao-lan - ang tatlong taong gulang na anak Nina Li Hua at Lian- chiao. Siya ay
makulit na bata ngunit mahal na mahal ng kaniyang ina.
Matabang Babae - ang asawa ng may ari ng Sugalan. Siya ang nagbukas ng pintuan
kay Lian-chiao. At siya din ang nagmamayari ng kotseng nirentahan ni Lian Hua para
maipunta ang asawang si Lian Chiao sa hospital.
D. Simbolismo
Ang dalawang iyon ang nilagay naming epekto dahil yun ang mas nangibabaw
na emosyon sa amin. Pagkaawa sa kanyang asawang buntis dahil tinagurian siyang
ilaw ng tahanan pero siya na rin ang nagiging padre de pamilya na kung siya na lang
ang gumagawa ng mga mabibigat na bagay imbes na ang kanyang asawa ang
gumagawa ng mga ito at siya na rin ang bumubuhay sa kaniyang mga anak.
Pagkaawa pa kasi parang balewala lahat ng kaniyang ginagawa at pagsasakarapisyo at
ang mas masakit dito sa bahagi ng kuwento ay malas siya kung ituring ng kaniyang
asawa dahil hindi siya nito mabigyan ng anak na lalaki. Sa tatlong kuwentong binasa
naming ay ang tahanan ng isang sugarol talaga ang nakaantig sa aming damdamin.
V. ARAL NG BUHAY/KONKLUSYON
-Sa totoo lamang ay hawak natin ang ating kapalaran kung saan nasa iyo kung ano
ang gusto mong mangyari sa iyong buhay. Nasa sa iyo kung gusto mong maging
matiwasay at maganda ang mga mangyayari sa iyo o mapasama at malulong ka sa
isang bagay na magdududlot sa iyong buhay ng kamalasan. Kaya naman tayo ay
magisip ng matiwasay kung ano man ang mga desisyong iyong tatahakin sapagkat
kung ano man ang iyong napili siguradong ito ay magkakaroon ng resulta .
Ang ilang mga bagay na ating nilalaanan ng oras, panahon, yaman at iba pa ay
maglalaho rin kung kayat maging mahusay sa paglalaan.
-Kung saan ipinapahiwatig dito na walang permanente sa mundo sapagkat lahat tayo
ay maglalaho sa itinakdang oras sa atin ngunit habang naririto tayo sa mundong
ibabaw maging mahusay tayo sa mga bagay na kailangan nating gawin lalo na at lahat
tayo ay temporaryo lamang at di na rin magtatagal. Kaya naman gawin ang mga dapat
gawin habang nabubuhay pa lamang tayo . Ipakita natin sa lahat lalong lalo na sa
panginoong maykapal na karapatdapat tayo sa buhay na ibinigay sa atin . Kung saan
maging matiwasay tayo sa paglaan ng oras at mga gawain. Hindi porket binigyan tayo
ng karapatan sa ating sarili ay gagawin na natin an gating mga kagustuhan dapat ay
iniisip din natin ang ikakabuti ng ibang tao lalo na kapag isa ka ng magulang ,dapat
ay maging responsable kang mga magulang sapagkat may mga anak kang umaasa
sayo.
Dapat magkaroon ng kontrol sa sarili, kontrol sa sariling kagustuhan at kontrol
sa mga bagay na hinayaan mong makapasok sa iyong buhay o isip
--> kung ang buong oras ay inilalaan sa pagsusugal, asahan mong ang ang iyong
tahanan ay magulo. Walang kaayusan ang iyong pamilya dahil hindi ito naasikaso.
Ang oras na inilulustay sa pagsusugal ay dapat na itutok sa tahanan upang sa
ikabubuti ng pamilya at maiiwasan ang kaguluhan. Hindi gaya ni Li Hua na kung
saan mas piniling bigyan ng oras ang pagsusugal. Mula umaga hanggang hapon, siya
ay nasa pasugalan at hinahayaang maging magulo ang kanyang tahanan at pamilya.
Hindi niya natutulungan ang kanyang asawa sa gawaing bahay at gayundin ang pag
aalaga sa kanilang anak.
--> bago gumawa nga desisyon, isiping mabuti ang magiging kalabasan nito. Sa
paggawa ng desisyon, kailangang piliin ang mas mabuti laban sa ikasasama ng lahat.
Huwag nating tularan si Li Hua na mas pinili ang pagsugal laban sa kanyang pamilya.
Hindi niya inisip ang kalagayan ng kanyang asawa at mga anak. Mas inisip niya ang
kanyang sarili. Naging iresponsable siyang ama dahil sa mga desisyon niyang hindi
naayon sa sitwasyon ng kanyang buhay.
Ang ilang mga bagay na ating nilalaanan ng oras, panahon, yaman at iba pa ay
maglalaho rin kung kayat maging mahusay sa paglalaan.
--> may mga bagay na naglalaho lalo na kung nakasasama ito. Ang mga bagay na
hindi nakabubuti sa sitwasyon ay kusa ring maglalaho. Kaya't kailangan nating
maging mahusay sa paglalaan upang ang ating buhay ay maging masaya at masagana.
Upang maiwasan ang mga ibat-ibang problemang kinakaharap ng ating buhay. Kung
kayat hanggang maaga pa ay kailangang palitan ng kabutihan ang mga masasamang
bagay-bagay na ating nagagawa. Sobrang bilis ng panahon, sobrang dami ng
pagkakataon.
--> ang desisyon sa ating buhay ay nasa ating sarili mismo. Walang tao ang
magdedesisyon para sa ibang tao. Kung tayo'y may kagustuhan, kailangan nating
kontrolin ang ating sarili. Tanungin sa ating sarili kung makabubuti ba sa ating
kapakanan sa buhay. Huwag nating hayaang lamunin tayo ng atung pansariling
kagustuhan.Huwag nating hayaang pumasok ang lahat ng mga masasamang desisyon
sa ating isip. Kailangang pag-isipan ng mabuti bago ito gawin. Ang lahat ng desisyon
sa buhay ay may kaakibat na responsibilidad.
Republic of the Philippines
Ilocos Sur Polytechnic State College
South Cluster, Tagudin Campus
Tagudin, Ilocos Sur
MGA MANUNURI:
JOHN CARLO MARTINEZ
JANEZZA KYLA BAUTISTA
LERINA VALDEZ
DENNY G. GOMINTONG
GURO
Nobyembre 2019