You are on page 1of 5

Governor Pack Road, Baguio City, Philippines, 2600

College of Teacher Education

“Nanay”

Ni Fanny Garcia

Maikling Kwento

Ipinasa bilang Katugunan

sa Pangangailangan sa Asignaturang

Pilipino 100

Ipinasa ni :

Angelique M. Bunanig

Ipinasa kay:

Ginang Illuminada Isican

1
I. BUOD

Ang pagiging ina ang isa sa pinakamahirap at pinakamasarap na tungkulin na gagampanan ng

isang babae sa kanyang buhay. Parang halos lahat ata ng babae ay gustong magasawa’t anak.

Bumuo kumbaga ng sariling nilang pamilya. Nakasanayan sa halos lahat ng kultura sa mundo na

magiging ganap na nanay ka lang kung may asawa’t anak o kahit anak lang. Samakatuwid,

kailangan magbuntis ang isang babae para maging isang ganap na ina. Eto ang ipinakita ni Fanny

Garcia sa kanyang akda na Nanay. Isinalaysay ni Garcia ang hirap ng sensitibong pagdadalang

tao ng isang babae. Mababasa din sa akda ang pinagsamang moderno at tradisyon na kaisipan sa

panganganak.

Sa kwentong ito, ang pangunahing tauhang si Eloisa, kasama ang kanyang pamilya ay ginawa ang

lahat upang magdalang tao siya nang ligtas at maayos. Sumasalamin dito ang katotohanang hindi

biro ang pagbubuntis, ika nga ng nakararami ay tila nasa ilalim ng hukay ang iyong isang paa.

Bukod sa ina, nakasalalay din dito ang kahihinantnan at kaligtasan ng isang inosenteng buhay sa

loob ng kanyang sinapupunan. Ngunit, ang inaasahang panibagong miyembro ng pamilya bilang

apo, pamangkin at lalong-lalo na bilang isang anak ay nawala at ipinagkait ng tadhana kay Eloisa.

Sa haba ng pagdadalang tao sa huli ay makukunan ka lang eto din ang isa sa pinakamasakit na

mangyayari sa pagbubuntis ng isang babae na ipinakita sa akda, ang panggagalaiti niya sa puno

ng santol dahil ang santol ay anak na anak siya ni isa ay wala.

2
II. KASUKDULAN

Ang inaasahang panibagong miyembro ng pamilya bilang apo, pamangkin at lalong-lalo na

bilang isang anak ay nawala at ipinagkait ng tadhana kay Eloisa. Sa pagkakataong ito,

nakaramdam ako ng lubos na panlulumo at panghihinyang sa buhay na muntik na nilang maasam.

Masakit. Sayang. Marahil sasabihin ng ilan na si Eloisa ay hindi kailanman naging ina sa kwento

ngunit nais kong kontrahin ang paniniwalang ito. Bagamat hindi lubusang naging ina si Eloisa sa

kanyang anak dulot ng bagsik ng pagkakataon, para sa akin ay ina na pa rin ito sa anak maski

hindi pa nito nasisilayang mabuti ang mundo. Kahit na nakatira pa lamang ito sa kanyang sariling

mundo sa loob ng kanyang ina ay minahal na ito ni Eloisa nang tunay. Maituturing ko na si Eloisa

bilang ganap na ina sa pagkakataong ito, dahil hindi lahat ay may kakayahang magpaka-ina sa

isang sanggol na hindi mo pa nakikita. Hindi nararapat alisin sa saril ang kanyang karapatang

tawagin at kilalanin bilang isang ina. Ang pagkawala ng kaputol ng iyong pusod at buhay ay

isang bagay na mahirap tanggapin lalong-lalo na’t naging kaparte sila ng iyong pagkatao sa loob

ng maraming buwan. Masakit at mahirap itong bitawan para sa isang inang nangarap bumubo ng

pamilya. Sa pamamagitan ng puno ng santol na ginamit ni Fanny Garcia bilang representasyon ng

pag-asa, mas naipakita sa pangunahing tauhan na mayroon pang kinabukasang naghihintay para

sa kanya. Mabagal man ang prosesong ito kung iahahalintulad sa pagpapatubo ng mga bunga sa

isang puno, sa huli magiging kapaki-pakinabang naman ang pag-aantay dito. Ang mga bungang

ito, bagamat mahirap at matagal makamit tulad ng ating pag-asa sa buhay ay panigurado pa ring

darating nang masarap at sariwa. Kailangan lamang mas matutong mag-hintay sa mga bagay na

ninanais natin at unawain namang hindi lahat ng ating hiling ay mapapasaatin. Kaya para sa iyo

paano nga ba masusukat ang pagiging ina, simple lamang ang sagot, mababakas mo ito sa

kanyang damdamin at gawi. Nararapat na laging alalahanin na ang pagiging ina ay wala sa

panlabas na kaanyuan kung hindi mababakas ito sa kanyang kalooban.

3
III. Mga Tauhan

Ang pangunahing tauhan sa Maikling Kwento na pinamagatang “Nanay” ni Fanny Garcia ay sina

Eloisa at Dante. Sila ay mahirap na mag asawa na biniyayaan ng panginoon magkaanak. Ngunit

hindi naging madali ang pagbubuntis ni Eloisa dahil ito may karamdaman na Cervicitis kung

tawagin. Si Eloisa ay isang guro ng Literatura. Naging sensitibo ang pag dadalang tao nito kung

kaya’t madalas itong magkulong sa loob nang bahay.

Isa sa mga tauhan sa Makiling Kwento ay ang ina ni Eloisa, bilang isa ina nais ibahagi nito kay

Eloisa ang mga kaugalian na nalalaman nito sa pagbubuntis maging sa panganganak. Kung kaya’t

lahat nang itong pinakinggan ni Eloisa.

Si Dante na isa sa mga punong tauhan sa nasabing kwento ay isa lamang pobreng hindi

nakapagtapos kung kaya’t maging ang panganganak ni Eloisa ay hindi lubos napaghandaan.

Kinakailangan pa nitong umutang o humiram sa mga kaibigan at kamag anak.

Si Cora ang kapatid na Eloisa na nakapag asawa ng German ay isa sa mga tauhan na nagbigay ng

lungkot at pagkadismaya sa pagkawala ng kaniyang pamangkin matapos malaman na namatay

ang pinagbubuntis ni Eloisa.

4
IV. ARAL/APLIKASYON
Sa aking pagbabasa sa akda ni Fanny Garcia na “Nanay” ay hindi ko mapigilang isipin, ano- ano
kaya ang mga hirap na napagdaanan ng aking ina na maihahalintulad ko sa naging karanasan ni
Eloisa? Dito’y natandaan ko ang mga kwento ng aking ina noong mga panahong pinagbubuntis
niya pa ako. Tulad ni Eloisa, pinakikinggan rin niya ang mga payo ng matatanda pagdating sa
kanyang pagdadalang- tao. Ayon sa kaniya ay mas nakikinig nga raw siya sa aming lola kaysa sa
mga bilin ng doktor dahilan upang magkaroon sila ng di pagkakaintindihan ng aking ama.
Naniniwala kasi ang aking ina sa “paglilihi” tulad ng mga nasabi sa kwento.

ANG MGA TRADISYON AT PANINIWALA SA PAGBUBUNTIS SA MODERNONG


PANAHON:Maraming nabanggit sa kwento na patungkol sa mga paniniwala sa pagdadalang tao.
Ito ang mga unang bilin ng ina ni Eloisa sa kaniya nang bumisita ito sa kanila. Isa lamang ito sa
hanngang ngayon ay marami pa rin ang naniniwala. Walang siyentipikong pagbabasehan ang
“Paglilihi’ ngunit marami pa rin dito sa ating bansa ang naniniwala dito. Sa aking pag-ooserba at
pagtatanong, kadalasang sagot na aking natatanggap ay maaring dahil sa kung titignan naman
daw ang mga nakakatanda, naging maayos naman sila sa pagbubuntis. Ika nga, Karanasan ay
matibay na karansan. Para sa iba, wala naman daw mawawala kapag susunod sa mga sinasabi
ng mas nakakatanda. Hindi na rin daw kasi kailangan magbayad ng malaking salapi di tulad ng
pagpapa- check up sa mga doctor (mas matatalakay sa mga susunod na talata). Nakakatuwa na
kahit papaano sa kwento, naibalanse ni Eloisa na makinig pa rin sa payo ng doktor ay makinig rin
sa kaniyang ina patungkol sa mga paniniwala nila. Dito ko naisip na isang mabuti siyang ina.

DALAWANG KLASE NG INA: Narinig ko sa naging diskusyon sa aming klase na patungkol


raw ang kwento sa “pagiging HINDI isang ina.” Dito’y napakunot ang aking noo at napaisip. Oo
nga naman, hindi naibigyan si Eloisa ng pagkakataon upang makasama ang anak at maging ina
nito sa mundo. Ngunit, para sa akin maituturing ko pa ring ina si Eloisa. Bakit?Hindi ba ay
maitururing pa rin siyang ina dahil, kahit papaano’y nabigyan siya ng pagkakataon na maalagaan
ang anak sa sinapupunan niya? Para sa akin, may dalawang klase ng ina. Una, Mga ina/nanay na
nagmamahal at ang pangalawa, Naging ina dahil nagluwal lamang ng bata.Para sa akin, si Eloisa
ay isa pa rin sa mga ina/nanay na nagmamahal. Hindi man siya nabigyan ng pagkakataon na
makasama ang anak sa ibabaw ng mundo ay nabigyan naman siya ng oras upang maiparamdam
ang pagmamahal ng isang ina habang ito’y kaniyang pinagbubuntis. Naramdaman ko ang
pagmamahal niya sa kanyang anak kahit bigo siyang maipakita dito ang mundo. Para sa akin, ang
mga tulad ni Eloisa ay mas karapatdapat na matawag na ina kaysa sa mga nagluwal nga ng anak
ngunit pinagkakaitan naman nila ng pagmamahal at pag- aaruga ang mga sanggol nila.

ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA BANSA: Sa panahon ngayon, kailangan may


salapi na maipupundar para sa mga bayarin sa ospital kapag nagdadalang- tao. Ito ang dahilan
kung bakit may mga tao pa rin na sumusunod na lamang sa mga payo ng mga nakakatanda kaysa
pumunta at magpa- check up sa mga doktor.

Ito ang nakikita kong dahilan kung gaano ka- importante ang Family Planning sa buhay ng mag-
asawa. Dapat ay handa sila sa mga bagay na kahaharapin lalo na sa pagdadalang- tao ng babae.
Dito ay pumasok sa aking isipan ang mga kababayan nating naghihirap.Paano kaya nila
nagagawang igapang ang kanilang buhay lalo na ang mga kababaing nagdadalang- tao? Maaring
nakakatanggap sila ng libreng serbisyo mula sa mga health clinic sa kanilang mga barangay.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ng health clinic sa mga baranggay ay may tamang
pasilidad upang mapagsilbihan ang lahat ng taong nakatira dito.

You might also like