You are on page 1of 4

Panambitan (Tulang Bikol)

Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng Panambitan Myrna Prado

Nais iparating ng tula sa atin ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa bawat tao. Lalo na sa mayayaman at mahihirap, mga mayayaman na lalong yumayaman, mga mahihirap na lalong nasasadlak sa kahirapan, mga mayayaman na dapat tumulong sa mga nangangailangan at nag hihirap. Ngunit mas lalo pa silang nagiging gahaman sap era at walang ibang iniisip kundi ang sariling kagustuhan. Samantalang ang mga mahihirap walang permanenteng buhay, minsan pa nga gumagawa nalang sila ng masama para lang may maipakain sa pamilya nila. Kaya tumataas ang bilang ng kriminalidad at di umaasenso ang bansa. Marami ring kurapsyong nagaganap sa pamahalaan kaya wala dapat ipagtaka ang mga tao. Hinahanap rin ng sumulat ang pag kakaroon ng pagkakapantay-pantay ng tao . Hinahanap nya rin ang presensya ng panginoon upang sagutin ang lahat ng ito. Pero kung ako sakanila at pinanganak akong mahirap, mag sisikap talaga ako sa buhay, di ako mag aanak ng madami na alam ko namang di ko kayang buhayin, mag aaral akong mabuti para mag karoon ng magandang trabaho at kahit na hirap sa buhay di ko susubukang gumawa ng masama kasi alam kong mas doble pa ang balik ng kasamaang ginawa ko. Yun ay kung naging mahirap kami, ee sa kasamaang palad saktuhan lang kami sa buhay at nakukuha ko naman yung gusto ko kaya di ako magiging mahirap !!!!!

Layunin Ang Portfoliong ito ay nag lalaman ng mga natalakay naming aralin sa Filipino IV. Nakapaloob dito ang mga gawaing makakatulong upang mas lalo pang maintindihan ang mga napag aralan sa loob ng isang taon. Layunin nitong makapag bigay alam sa mga taong makakabasa nito

Pag-Islam: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim


Salin Mula Sa Inglis ni Elvira B. Estravo

Buod: Ang Pag-Islam ay paraan ng mga muslim para mabinyagan ang isang sanggol. May 3 seremonyang panrelihiyon ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng sanggol. Ang una na nga rito ay ginagawa pagkapanganak sa kanya. Isang pandita ang magbabasa ng adzan sa tapat ng tainga ng sanggol. Ito y ginagawa para itanim na sya ay Muslim at dapat ang unang salita na maririnig nya ay pangalan ni Allah. Ang ikalawang seremonya ay kilala bilang panggunting o pagubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak, nag hahandog ang mga magulang ng isang kanduli salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Inaanyayahan rin dito ang mga kamaganak,kaibigan at ang pandita. Ang pag hahanda nila ay depende sa uri ng kanilang pamumuhay. Karaniwan ay nag papakatay sila ng kambing o baka ang tawag sakanila ay aqiqa. Sa okasyong ito ditto binibigyan ng pangalan ang bibinyagan ng pandita pagkatapos nyang gumupit ng kapirasaong buhok sa bata tapos ilalagay nya ang buhok sa mangkok na may tubig, pag lumubog ang buhok sya raw ay daranas ng paghihirap. Isa rin sa bahagi ng seremonya ay ang paghahanda nila ng buaya. Ito ay kakanin na hugis buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang ginawang mata at laman ng niyog ang ginawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gating kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilotna may kaalaman sa kaugaliang ito.Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Ang Ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa paggitan na ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na Gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para naman sa mga babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag aari. Ang pag islam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

Paalam sa Pagkabata
Salin Ni Nazareno D. Bas

Celso -Pangunahing tauhan sa kwento. Anak ni Isidra at ang lalaki sa bahay-pawid.


Isidra x Ina ni Celso, asawa ni Tomas. Tomas x Asawa ni Isidra, tumayong pangalawang ama ni Celso.

Buod: Laging sinasaktan ni Tomas si Isidra dahil sa nakaraan nito kaya pati si Celso ay nadadamay sa pag away ng mag asawa. Laging ipinapamukha ni Tomas ang pagkakamali ni Isidra sa pamamagitan ng pag papakita nito ng lambat na ginamit nung lalaki sa bahay-pawid. Yung lalaki sa bahay-pawid ay may gusto kay Isidra kaya ginaya nya ang istilo ng pananamit at ang kilos ng asawa nito. May nangyari sakanila at nag bunga ito kaya nabuo si Celso. Hindi ito pinaalam kay Celso hanggang isang araw ay napadaan sya sa bahay pawid at namataan ang lalaking tumutugtog ng gitara, nagulat sya ng bigla na lamang syang niyakap nito, gusto nyang pumiglas pero hinigpitan pa lalo ng lalaki ang pagyakap sa kanya. Ngumiti sa kanya ang lalaki at pinahid ang luha sa mga mata ni Celso, hinawakan rin nito ang ulo ni Celso at unti-unting lumuwag ang pag hinga niya. Tinawag sya ng kanyang amain at

You might also like