Layunin: Nabibigyang-linaw at kahulugan ang mga di pamilyar na salita Pretest
Tukuyin ang mga sumusunod na larawan batay sa
sariling kahulugan. 1. Ito ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid ngunit mas mabigat kaysa hangin. May pakpak ang lahat ng mga salipawpaw. 2. Ito ay isang sasakyang pangkatuwaan at libangan na binubuo ng isang bilog at umiikot na kalatagan o plataporma at mga upuang pampasahero. Karaniwang yari ang mga upuan o sakayan sa anyo ng mga kahoy na mga kabayo o ibang pang mga hayop, na kadalasan ding kumikilos pababa at pataas bilang paggaya sa pagtakbo ng kabayo habang sinasaliwan ng tuluy-tuloy na musikang pang-sirkus. Karaniwang matatagpuan ito sa mga karnabal o kapag may peryahan tuwing kapistahang bayan. 3. Lagayan ng pera kadalasan mga papel na pera ang nakalagay dito. Maari rin itong lagyan ng mga identipikasyon sa may ari upang magkaroon ng pagkakakilanlan. 4. Ginagamit ng mag aaral sa eskwelahan upang maging sulatan ng mga aralin, aktibidades at mga takdang aralin. 5. Lagusan ng hangin upang ito’y makapasok. Ito rin ay nakakatulong upang maging maliwanag ang tahanan. 6. Kaibigan o matagal ng kasama maaring lalaki o babae. 7. Kasama sa buhay, kasal. 8. Guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran. 9. Kutsara o tinidor: ginagamit sa pagkain. Ano ang inyong mapapansin sa inyong paunang pagsusulit? Ang di pamilyar na salita ay ang mga salitang hindi mo lagi naririnig sa araw-araw. ● Maaaring ito ay matalinghaga o kaya'y mayroong malalim na kahulugan, o kaya naman ay mga sinaunang salita ng ating mga ninuno. ● Kadalasang ginagamit ang mga di-pamilyar na salita sa mga tula upang makadagdag sa kariktan at kasiningan nito. Halimbawa ng di pamilyar na salita at ang mga kahulugan nito gunamgunam- alaala, isip lumilinggatong –nagbibigay ng kaguluhan sa isip magpaumat-umat- magpakupad-kupad, mabagal matangkakal- marunong tumingin,gumagabay nakabadha- nakahiwatig o nakakita pagkasi- pagkakaibigan o pakikisama salaghati- yamot o inis, galit sanghaya- eksena sutla- makinis,malambot at makinis palamara- taksil Magbabasa tayo ng isang tula at isulat sa inyong kwaderno ang mga salitang di pamilyar. Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag napagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibinyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah. Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag- anakan at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya. Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim. Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita na ginamit sa akda. Hanapin ang sagot sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. Hanay A Hanay B ___________1. Pagislam A. Isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak ___________2. Pandita B. Ang pangalawang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim ___________3. Walian C. Seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim ___________4. Maulidin Nabi D.Nagbibigay ng pangalan sa bibinyagan ___________5. Penggunting E. Isang panalangin na binibigkas sa unang seremonya sa pagbibinyag ___________6. Sunnah F. Isang katutubong hilot ___________7. Adzan G. Seremonya sa pagbibinyag sa batang babae ___________8. Aqiqa H. Gawa ito sa kanin, itlog at niyog ___________9. Kanduli I. Isang mahalagang banal na araw sa mga Muslim ___________10. Buaya J. Hayop na pinapatay bilang alay