ng mga Muslim (Sanaysay Muslim) Ni Elvira B. Estravo
Ipinasa ni: Bartolome, Diana Rose M.
Ipinasa kay: Gng. Illuminada Oledan
Ang mga Muslim ay naniniwala na ang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan. Ang mga Muslim ay mayroong tatlong seremonya na katulad ng pagbibinyag ito ay tinatawag nila ng Pag-islam. Ito ang kanilang pinaniniwalaan na pagbibinyag ng mga Muslim.
Ang pag-islam ay isang pandita pagkatapos na maputol na hibla ng buhok ng
sanggol. Ito ay kanilang inilalagay sa mangkok na may tubig. Sa kanilang paniniwala kapag ito ay lumutang magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng sanggol kapag ito’y lumubog siya ay makadaranas ng paghihikaos at paghihirap.
Ang pangalawang seremonya ay kilala bilang paggunting o pangubad.
Ginagawa ito sa ika-pitong araw ng kapanganakan. Ito ay isang seremonya na bahagi ng kanilang tradisyon. Isa sa kanilang tradisyon ang paghahanda ng buaya nilalagyan nila ito ng manok na niluto sa ginataang kinulayan ng dilaw. Ito’y ginagawa nila para sa kaligtasan ng bata sa kung maglalakbay siya sa tubig.
Ang ikatlong seremonya ayang pag-islam. Ang Gawain ng seremonyang ito
ay pagtutuli. Tinatawag na pag-islam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa batang babae. Ito ay ginagawa nila upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ito ay kanilang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang araw ng mga Muslim. Ayon sa sanaysay na ito ang pagbibinyag sa sanggol ay tatahakin nito sa kanyang buhay para malaman kung maganda ang kanyang tatahaking buhay o siya ay magiging matagumpay at kang siya ba ay maghihirap at para din sa kanyang kaligtasan. Ibinabase nila sa pagkuha ng hibla ng buhok ng isang sanggol ang magigng buhay nito.
Ang nagsulat na si Elvira B. Estravo ang pag-islam ay tungkol sa mga
nakagawian ng Muslim. Para sa akin ito ay para sa magandang kinabukasan ng isang sanggol. Para sa pinakamainam na paraan para sa kaligtasan at bilang patnubay ng islam.