You are on page 1of 2

Gawain 3.

Manood at Matuto Panuto: Panuoring ang isang dokyumentaryo


(https://www.youtube.com/watch?v =C25pMbVccQ) mula sa youtube, suriin ang
pagkakasalaysay ng mga pangyayari at sumulat ng isang sanaysay mula sa mga impormasyong
nabanggit sa video.

Ritwal ng pagtutuli ng mga katutubong Yakan


Itinuturing na mahalagang ritwal ang pag-islam o pagtutuli sa ilang batang babae ng
katutubong Yakan. Ano nga ba ang ritwal na ito at paano ito naiiba sa pagtutuling alam ng
karamihan? Ang pag-islam ay isang ritwal na pagtutuli sa mga batang babae na Yakan pero hindi
tulad ng ibang pagtuli, walang tinatanggal na parte alteration sa ritwal na ito. Isinasagawa ang
pagtutuli sa mga batang edad 2 hanggang 7 taong gulang. Tinatawag na “panday” ang
sumasagawa nito. Pinaniniwalang maituturing na may malinis na kalooban ang mga batang
tinuli.

Kinausap ni Atom Araullo, isang journalist, ang nanay ng isang batang natulihan. Base sa
kanyang sinaad, ang bata ay kabado at natatakot nang malaman na mapuputol ang bahagi ng
kanyang katawan. Isinaad ng isang babaeng panday na ang kanyang tekniko sa pagtuli ng mga
bata ay hindi pagpapakita ng matulis na kutsilyo upang hindi makaramdam ng takot ang mga
batang itinutuli. Ipinahayag din ng babaeng Yakan na ang bulak ay itinuturing handog sa Diyos.

Isang pag-aaral ni Dr. Sitti Amilasan noong 2008 tungkol sa pagtutuli ng mga katutubong
Yakan. Kanyang kinumpirma na hindi nasusugatan ang mga natutuli. Subalit, maaring
makaranas ng pagmamaga sa labas ng ari. Posible ring makaramdam ng kirot sa ari ng bata.
Dahil sa ritwal, nawawala rin daw ito sa loob ng isang oras. Sinabi din ng doktora na mataas ang
panganib kapag ang ginamit na kutsilyo ay madumi. Ngunit, wala sa talaan ang mga batang
napanganib ditto. Ikinuwento rin ng doktora na ang kanyang walong taong anak na babae ay
nagpa-islam din dahil iyon daw ang tradisyon at paniniwala ng kaniyang pamilya dahil
mayroong matatanggap na relihiyosong gantimpala.

Ang mga ritwal ay isang mahalagang aspeto ng relihiyon sapagkat pinapayagan nila ang
mga mananampalataya na ipahayag at muling kumpirmahin ang kanilang mga sistema ng
paniniwala. Ang mga ritwal katulad ng pagtutuli ng mga katutubong Yakan ay napaka-
importante dahil tumutulong ang mga ito upang mabuo ang aming mga pagkakakilanlan, kapwa
isa-isa at sa komunal. Ang mga ritwal ay kung paano natin ipinapasa ang karunungan at
paniniwala sa buong henerasyon. Ang lahat ng mga lipunan ay may kanilang mga ritwal, at
syempre, ganoon din ang lahat ng mga relihiyon.

You might also like