You are on page 1of 2

PAGISLAM

(Isang Kuwentong Muslim)

Talasalitaan:

ABDULLAH -> nanggaling sa dalawang salita: ABD at ALLAH na nangangahulugang SERVANT at GOD, sa tahasang sabi
"servant of God" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay iknakabit madalas sa mga pangalan ng kalalakihang Muslim.
Samantala, ang katumbas naman nito sa mga pangalan ng kababaihang Muslim ay AMATULLAH.

BANG -> ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim. Ginagawa ito ilang oras pagkapanganak ng sanggol at
sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal mula sa Koran sa kanang tenga ng sanggol upang maikintal sa
isipan nito ang pangalan ni Allah.

PENGGUNTING -> ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong araw mula nang maipanganak ang sanggol. Ito ay
ginagawa sa paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng buhok at ilulublob ito sa mangkok na may tubig sa paniniwalang
kapag lumitaw ang hibla ng buhok na ito sa tubig ay mamaging maganda ang kapalaran ng bata at kung lumubog naman
ito ay mamalasin ang bata.

PAGISLAM -> ikatlong seremonya ng pagbibinyag ng mga Muslim na ginagawa naman sa ikapito hanggang ikasampung
taon ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa lalaking Kristiyano.

SUNNAH -> ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng Mulim kung saan tinatanggalan ng clitoris ang babae sa
paniniwalang ito ang dahilan ng pagkalibog ng babae para makipagtalik sa lalaki o sa ibang lalaki.

MAULIDIN NABI -> Pasko ang katumbas nito sa mga pagdiriwang pang-Kristiyano. Ito ay kandore o kaarawan ni
Mohammad, ang kauna-unahan at kaisa-isang propeta ni Allah.

Narito ang BUONG KUWENTO mula sa aklat na PLUMA 7 ng Phoenix Publishing House, pp. 75--77, na sinipi rin mula sa
aklat na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas (Pat Villafuerte, et al.):

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag
ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit
maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang kanyang pinakahhihintay. Parang gusto
niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay... Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya.
Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah.

"Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang bagong silang na sanggol.

"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin," wika niyang sabay haplos sa
pawisang noo ng asawa.

Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon na lamang ang kanyang
kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iiyak.

"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni Ibrah

Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang kanyang ina.

"Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang bang."

Hindi na pinakinggan ni Ibrah angiba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam.
Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang nainimbita ito para sa seremonyang dapat
isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-daling hinagilap ang kanyang
dasalan para sa gagawing seremonya
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol
ang bang

"Allahu Akbar, Allabu Akbar

Allahu Akbar, Allabu Akbar

Ash-hadu, Allah la Ilaaha

Ash-hadu, Allah la Ilaaha

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.

...ang magandang aral niya."

"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam.

"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng Imam.

"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah. Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba
at inihatid ito sa kanyang tirahan.

Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang
bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya.

Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak. "Ano kaya ang
mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.

"Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.

At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon nang lahat ang mga kapitbahay na
tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at
pasalamat sa pagkakaroonnila ng supling. Samantala, angkababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at
paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin.

Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang
paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata.
Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.

“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.

Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang puso. Nakapipiho silang
papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.

Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at
regalo sa bata. siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo
sa paggunting kay Abdullah.

“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah”, wika ng isang panauhin.

“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.

“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot ni Aminah.

“Sana Kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.

“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah.

You might also like