You are on page 1of 3

PAGISLAM

(Isang Kuwentong Muslim)

Mga Tauhan:

Ibrah -> ama ni Abdullah at asawa ni Aminah

Aminah -> babaeng Muslim at asawa ni Ibrah

Tarhata -> kapatid na babae ni Ibrah at tumulong sa panganganak ni Aminah

Abdullah -> sanggol na lalaki sa kuwento

Imam -> tawag sa paring Muslim

Pandita -> guro na dalubhasa sa pagbabasa ng Koran

Talasalitaan:

ABDULLAH -> nanggaling sa dalawang salita: ABD at ALLAH na nangangahulugang SERVANT at GOD, sa
tahasang sabi "servant of God" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay iknakabit madalas sa mga
pangalan ng kalalakihang Muslim. Samantala, ang katumbas naman nito sa mga pangalan ng
kababaihang Muslim ay AMATULLAH.

BANG -> ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim. Ginagawa ito ilang oras
pagkapanganak ng sanggol at sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal mula sa Koran sa
kanang tenga ng sanggol upang maikintal sa isipan nito ang pangalan ni Allah.

PENGGUNTING -> ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong araw mula nang maipanganak ang
sanggol. Ito ay ginagawa sa paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng buhok at ilulublob ito sa mangkok
na may tubig sa paniniwalang kapag lumitaw ang hibla ng buhok na ito sa tubig ay mamaging maganda
ang kapalaran ng bata at kung lumubog naman ito ay mamalasin ang bata.

PAGISLAM -> ikatlong seremonya ng pagbibinyag ng mga Muslim na ginagawa naman sa ikapito
hanggang ikasampung taon ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa lalaking Kristiyano.

SUNNAH -> ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng Mulim kung saan tinatanggalan ng clitoris
ang babae sa paniniwalang ito ang dahilan ng pagkalibog ng babae para makipagtalik sa lalaki o sa ibang
lalaki.

MAULIDIN NABI -> Pasko ang katumbas nito sa mga pagdiriwang pang-Kristiyano. Ito ay kandore o
kaarawan ni Mohammad, ang kauna-unahan at kaisa-isang propeta ni Allah.

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang
rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid
na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating
na ang kanyang pinakahhihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki
ay... Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang
bata at si Aminah. "Lalaki! At malusog na malusog!"
mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang bagong silang na sanggol.

"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin,"
wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon na lamang ang
kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iiyak.
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni
Ibrah. Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi
ang kanyang ina. "Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang
Imam upang maisagawa na ang bang." Hindi na pinakinggan ni Ibrah
angiba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita
niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang nainimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa
para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-daling hinagilap ang
kanyang dasalan para sa gagawing seremonya.

Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong ng Imam sa
kanang tainga ng sanggol ang bang. "Allahu
Akbar, Allabu Akbar

Allahu Akbar, Allabu Akbar

Ash-hadu, Allah la Ilaaha

Ash-hadu, Allah la Ilaaha

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.

... ang magandang aral niya."


"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang magagandang aral niya,"
dugtong pa ng Imam.

"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng imam.


"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah.
Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan.
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila maatim na ang
kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya.
Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak.
"Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.
"Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon nang lahat ang
mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang kambing na
sadyang inihanda bilang alay at pasalamat sa pagkakaroonnila ng supling. Samantala, angkababaihan
nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga
panauhin.

Ilang sandal pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong
awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at
gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang
mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.

“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.

Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang puso.
Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa
buhay.

Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga
panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata. siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-
abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.

“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah”, wika
ng isang panauhin.

“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.

“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot ni
Aminah.

“Sana Kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.

“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang
inaantok na si Abdullah.

- Mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon


sa Pilipinas

nina Patrocino
Villafuerte, et al.

You might also like