You are on page 1of 9

FILIPINO



Tayo ay nasa ikatlong aralin na para sa unang yunit ng
talakayan sa asignaturang Filipino. Sa aralin ito ay matatalakay
ang isang maikling-kuwento na pumapaksa sa isa sa
pinakamahalagang sakramento sa mga muslim. Ito ay
maihahalintulad natin sa sakramento ng binyag para sa ating
mga katoliko. Ang pagbibinyag ay isa sa mga sakramento ng
Simbahang Katoliko na maituturing na bahagi na rin ng
kulturang Pilipinong minana natin mula sa mga Espanyol. Para
sa marami, hindi lamang ito isang seremonyang dapat daanan
ng isang sanggol kundi ito ay may malalim na kahulugan sa
buhay ng isang tao.
Matatalakay rin sa araling ito kung ano ang mga salita
na maaari nating gamitin para sa mas maayos na pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari. Hindi lamang ang pangyayari o ang
mga naganap sa isang kwento ang dapat pagtutunan ng
mambabasa gayundin ng manunulat kundi maging ang maayos
na balangkas at pagkakabanghay ng bawat pangyayari.

1. Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na


mga pamantayan
2. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento,
mito/alamat/kuwentong-bayan

Santos, B. C. (2020). Punla 7. C.M. Recto Avenue: Rex book store.

MODULE 3
CHIM SHOLAINE R. ARELLANO,LPT

ANGELA N. LUSTAÑAS, LPT, MAED


MARY JANE S. CARANDANG,LPT,MAED

Learning continues in the new normal … 1


MODYUL 3: PANITIKAN: ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
: GRAMATIKA: MGA SALITA GINAGAMIT SA PAGSASALAYSAY
O PAGSUSUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI

PAGPAPAYAANAN NG KAALAMAN

A. PANIMULANG PAGTATAYA

PAGTUTUGMA
Panuto: Basahin at alamin kung ano ang tinutukoy ng sumusunod na mga pahayag na
nasa Hanay A. Hanapin ang iyong kasagutan sa Hanay B at isulat ang titik ng p sagot
sa patlang na nasa unahan ng bawat bilang.

C. 1. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t a. Banghay


ito ang pinakamaaksyon. b. Kakalasan
I. 2. Ito ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. c. Kasukdulan
A. 3. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng d. Pagislam
mga pangyayari. e. Pandita
H. 4. Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling f. Penggunting
kuwento. g. Simula
G. 5. Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa h. Tagpuan
bahaging ito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang i. Tauhan
iikutan ng kuwento. j. Tunggalian
B. 6. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito k. Wakas
ang nagbibigay daan sa wakas.
J. 7. Dito makikita ang suliraning kahaharapin ng tauhan.
K. 8. Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento.
D. 9. Ang seremonyang ito ay kahalintulad ng seremonya ng
pagbibinyag.
F. 10. Ginagawa ito sa ikapitong araw pagkapanganak sa
sanggol.

B. BALIK-TANAW
Sumulat ng tatlong (3) kaugalian at tradisyon ng mga taga-Mindanao sa
nakaraang talakayan. Ano ang napansin mo sa kanilang kaugalian at tradisyon?
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

C. PAGTALAKAY SA PAKSA

Alam mo ba?

Ang pagislam ng mga Muslin ay kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag sa


mga Kristyano. Ang seremonyang ito ay karaniwang ginagawa ng mga Muslim sa
Mindanao hanggang sa kasalukuyan.
Ang seremonya ng pagislam ay nahahati sa tatlo. Ang unang seremonya ay
ginawa ilang oras pagkapanganak ng isang sanggol. Dito ay babasahan ng dasal ng
isang Imam (mataas na punong panrelihiyon ng mga Muslim) o pandita (guro dalubhasa
sa Koran) sa kanang tainga ang sanggol upang maikintal sa isip ng sanggol ang
pangalan ni Allah, ang kanilang diyos.

Learning continues in the new normal … 2


Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na penggunting. Ginagawa ito sa
ikapitong araw pagkapanganak ng sanggol. Dito binibigyan ng pangalan ang sanggol.
Ang magulang ang naghahanda at nag-iimbita ng kanilang mga kaibigan, kaanak, at
kakilala bilang pasasalamat kay Allah. Sa seremonyang ito ay gumugunting ng buhok
ang Imam o pandita sa sanggol at inilalagay ito sa mangkok na may tubig. Kapag ang
buhok ay hindi lumubog sa tubig ay magtatamasa ng masagana at maunlad na buhay
ang sanggol at kabaligtaran naman kung ito’y lulubog.

PANITIKAN

Pagislam
Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang
maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip
nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na
tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang kanyang
pinakahihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki
ay... Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik
siyang makita ang bata at si Aminah.

"Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday habang


binibihisan ang bagong silang na sanggol. Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa
kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin," wika niyang sabay haplos sa
pawisang noo ng asawa. Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na
hawak pa rin ng panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita
niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iyak. "Makisig at lalaking-lalaki
talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni Ibrah. Nasa
gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang kanyang
ina. “Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang
bang."

Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na
tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak
ng asawa at magalang nainimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang
bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-daling hinagilap
ang kanyang dasalan para sa gagawing seremonya. Tahimik na nakamasid ang mga
kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng
sanggol ang bang.

"Allahu Akbar, Allabu Akbar


Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
...ang magandang aral niya."

Learning continues in the new normal … 3


"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang
magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam."Kailan naman ang paggugunting?"
nakangiting tanong ng Imam.

"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah.


Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan.
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila
maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng
buo nilang kaya. Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-
asawa ang ipapangalan sa anak. "Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?"
sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah. "Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na
bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.

At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon
nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang
katulong ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasalamat sa
pagkakaroonnila ng supling. Samantala, angkababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng
hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin. Ilang
sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang
katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na
kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na
buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na
pinagmasdan ito ng lahat.

“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang
nakapaligid. Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang
kagalakan sa kanilang puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng
kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.

Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa


mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa
kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa
paggunting kay Abdullah. “Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang
huling yugto ng pagislam ni Abdullah”, wika ng isang panauhin. “Pihong mas
malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa. “Hayaan ninyo at pitong taon mula
ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot ni Aminah. “Sana Kasabay ng
Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba. “Tiyak iyon”, halos panabay na wika
ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah.

Elemento ng Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali,


maikli, at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay natatapos basahin sa
isang upuan lamang. Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute, ang maikling
kuwento ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw
na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan.

Learning continues in the new normal … 4


Ang isang maikling kuwento, o anumang akdang pasalaysay saan mang lugar
ito nagmula ay dapat na nagtataglay ng sumusunod na mga elemento:

 Tauhan- Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. Ang tauhan ay maaaring


maging mabuti o masama
 Tagpuan- Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento.
Malalaman dito kung ang kuwento ay nangyari bas a panahon ng tag-ulan, tag-
init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsodo lalawigan, sa bundok o sa ilog.
 Banghay- Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
o Simula- Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging
ito. Dito ipinakikila ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.
o Tunggalian- Dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa
mga suliraning kanyang kakaharapin.
o Kasukdulan- Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito
ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito nabibigyang-solusyon ang suliranin
at dito malalaman kung magtatagumpay baa ng pangunahing tauhan o
hindi.
o Kakalasan- Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay
nagbibigay ng daan sa wakas.
o Wakas- Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya
o malungkot.

Ating muling balikan ang kuwentong-bayang “Si Usman, Ang Alipin” at ating suriin
ang mga bahagi o elemnto nito.

Mga Tauhan: Tagpuan:


Usman Banghay Sa Palasyo ni Zacaria
Zacaria
Potre Maasita

Simula: Si Usman ay naninirahan sa isang malayong sultanato. Siya ay isang matapang,


malakas, mataas, at higit sa lahat ay matapat na alipin. Samantala, may isang pangit,
malupit at masama ang ugali na hari ang namumuno sa kanilang sultanato. Siya ay
may anak na dalagang nagngangalang Potre Maasita. Dahil sa ayaw niya ng
makakalamang sa kanyang kaanyuang pisikal, nagsagawa siya ng kautusan na ang
lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapar kitlin at
maglaho.
Tunggalian: Pumunta sa palengke si Usman at siya ay nakita ng mga tauhan ni sultan
Zacaria at agad na iniutos sa mga ito para ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin.
Nakita si Usman ng anak na dalaga ni sultan Zacaria at agad itong umibig sa binate.
Nagmakaawa ito sa kanyang ama na palayain si Usman ngunit hindi siya pinakinggan
ni sultan zacaria kaya umisip siya ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ni
Usman. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit lahat ito ay
nakarating sa kanyang ama. At sa sobrang galit ay ipinakulong din niya. Nagkaroon ng
pagkakataon na maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita.
Kasukdulan: Lumabas nag pinal na kautusan ng hari at parusang kamatayan ang
inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na
pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba

Learning continues in the new normal … 5


ang pook. Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng
kanyang pagkamatay.
Kakasalan: Sinubukan nina Usman at Potre maasita na makalaya mula sa bilangguan.
Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman at potre maasita na tulungan
ang mga sugatan, nasawi at mga naulila.
Wakas: Nang bumalik sa normal ang sitwasyon, nagpakasal sina Usman at Potre
Maasita at sila na ang namuno sa kanilang lugar. Lahat ay nagalak sa kanilang bagong
sultan at sultanan

GRAMATIKA

Mga Salitang Ginagamit sa Pagsasalaysay o Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang o panuto ay gumagamit tayo ng mga


salitang una, ikalawa, huli, para masundan ng mambabasa ang mga hakbang na
inilalahad. Subulit, kapag isang kuwento na ang isinasalaysay o pinagsusunod-sunod
ay hindi naman magandang pakinggan kung ang mga salitang ito ay madalas na
gagamitin.
Mapapaganda at magiging mas kaiga-igayang basahin ang pagsasalaysay kung
gagamitin ang mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento tulad ng mga salitang isang araw, samantala, maya-maya, hindi nagtagal, sa
wakas, at iba pa.

Halimbawa:
Noong unang panahon, may isang maralitang mag-iinang nakatira sa tambakan.
Isang araw, nagkasakit ang mga bata dahil nakakain sila ng pagkaing sira na napulot
ng ina sa tambakan. Dali-daling naghanap ang ina ng makakatulong sa kanila.
Nagkataong naroon si Donato, ang kapitbahay na nagmamalasakit sa pamilya niya.
Maya-maya pa’y isinugod ang mga bata sa pinakamalapit na pagamutan. Hindi
nagtagal at ligtas na iniuwi ang mga bata. Sa wakas, natapos din ang pag-aalala ng
kanilang ina. Salamat sa maagap na pagtulong ng isang mabuting kapitbahay.

KARAGDAGANG PAGKATUTO

A. AKTIBITI
Aktibiti 3.1
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga pangungusap sa hanay A. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa hanay B. Isulat ang iyong sagot sa linya.

HANAY A HANAY B
D. 1. Ang makisig na ama ng sanggol a. abdullah
G. 2. Ang nanguna sa seremonya ng penggunting at bang b. Allah
sa sanggol. c. Aminah
B. 3. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baro-baruan sa d. Ibrah
silid ng sanggol e. Ikapitong araw
A. 4. Ang pangalang ibinigay sa sanggol f. Ilang oras
F 5. Panahon na isinagawa ang seremonya ng pagkasilang ng
paggugunting sanggol

Learning continues in the new normal … 6


H. 6. Ang edad kung kailan ang bata ay dapat g. Imam
mabasahan ng bang h. Ikapitong taon
E. 7. Ang seremonya ng pagbibigay ng pangalan at i. Kambing
paggupit sa buhok ng sanggol at paglalagay nito sa j. Penggunting
mangkok na may tubig k. Tarhata
J. 8. Dito nagaganap ang huling yugto ng pagislam sa
buhay ng sanggol
I. 9. Ang inihanda at inihandog para sa pagdiriwang ng
pagislam
K. 10. Ang katawagan ng mga Muslim para sa Diyos o
panginoon

Aktibiti 3.2
Panuto: Batay sa ating tinalakay tungkol sa mga salitang ginagamit sa pagsasalaysay ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, punan ang mga linya ng ankop na salitang
nagpapakita ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (gawing gabay ang mga
halimbawang natalakay) upang mabuo ang diwa ng pagsasalaysay sa ibaba.

Isang araw______ sumakay ng kanyang motorsiklo si Rodrigo papunta sa


kanyang trabaho. Samantala__________ bumangga ang kanyang motor sa isang puno
kaya’t bumagsak siya at nawalan ng malay. Maya-maya_______ ay dumaan ang isang
taong staff pala ng barangay na naka-off duty. Di nagtagal____________ siyang dinala ng
taong ito sa pagamutan kahit pa hindi naman siya kilala nito. Sa wakas______ sa isang
nagmamalasakit na estranghero. Utang niya ang buhay sa makabagong mabuting
Samaritano.

E. MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 3.1
(Pangkatang Gawain)
Panuto: Bukod sa maikling kuwento, ang mga dokumentaryong tumatalakay sa
kuwento ng isang tauhan ay isa ring uri ng akdang pasalaysay at mayroon ding mga
elementong katulad ng sa maikling kuwento. Gumawa ng isang pagsusuri tungkol sa
isang dokyu-film na iyong napanood. Gawing gabay ang elemento ng maikling-
kuwento na ating tinalakay. Maaaring pumili sa isa sa mga nakatala sa ibaba. Isulat ang
inyong sagot sa isang malinis na papel.

Narino ang link ng mga paksang inyong susuriin. Pumili lamang ng isa.
Kawayang Pangarap (Dokumentaryo ni Kara David)-
https://www.youtube.com/watch?v=MANQfAU5QGQ )
Titser Annie (Dokumentaryo ni Kara David)- https://www.youtube.com/watch?
v=5lMEkeKzZh8

Gawing gabay ang format na ito sa pagbuo ng pagsusuri.

Mga Tauhan Tagpuan


Banghay
Arthur, Sayda, at Malolos, Bundok,
mga pamilya Maynila, Simbahan
Learning continues in the new normal … 7
Simula: Si Arthur ay nagpuputol ng kawayan para makagawa siya ng alkansya na
ibebenta nila sa probinsya. Si Sayda naman ay tumutulong sa pagdidisenyo ng
alkansya.
Tunggalian: Tiniis ni Arthur at ng ibang niyang kasama na matawag sila ng ibang
tao ng masasamang salita. Pero di nila ito ginawang harang sa buhay nila.
Kasukdulan: Nag punta sila sa Malolos para pagbenta ng alkansya na ginawa nila.
Nakabenta sila ng sampong alkansya sa simbahan sa unang benta nila at naka
isangdaan naman sila sa kasunod na araw. Nag lipat sila sa maynila dahil madami
daw ang bibili dun kaya pununta sila at naghanap ng matitigilan. Di nagtagal ay
pinalayas sila ng guardya sa mall dahil nakapansin na sila kina Arthur kaya lumipat
sila sa LRT di din sila nagtagal dun dahil pinaalis sila sa pwesto nila kaya lumipat
ulit sila.
Kakalasan: Di nagtagal ang mga alkansya na dala nila ay nabasa at nangitim pero
nakaipon sila ng mahigit 3,500 na pera.
Wakas: Nagpunta sila sa palengke para bumili ng mga lulutuin nila para magdiwang
ng pasko kahit tapos na ito. Nakauwi na sila para magluto at maghanda ang pagkain
para sa pamilya ni Arthur.
Aral na nakuha sa iyong napanood: Gumawa ng paraan sa buhay kung paano tayo
uusong sa mga paghihirap na natatamo natin.

F. PAGLALAPAT
Panuto: Bilang paglalapat. Sagutin ang mga sumusunod na kasagutan. Isulat ang iyong
sagot sa isang malinis na papel.

1. Ano ang paniniwala mo o ng iyong pamilya tungkol sa pagbibinyag?


2. Naranasan mo ba ang pangyayaring ito? Bakit oo o bakit hindi?
3. Batay sa iyong sariling pagkaunawa, mahalaga ba itong isagawa sa buhay ng isang
sanggol? Ipaliwanag.

G. PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Suriin kung ang pahayag ay masasabing katotohanan o opinyon. Isulat sa


patlang ang K kung katotohanan o ang O kung hindi.

K. 1. Isang Imam ang nagsasagawa ng seremonya ng bang para sa bagong silang na


sanggol.
O. 2. Ang mga lalaking anak ay palaging nagmana sa ama at ang mga babaeng anak
ay sa ina naman nagmana.
K. 3. Siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa mga batang hindi
lumulubog ang buhok sa mangkok na may tubig na isinagawa sa seremonya ng
paggunting.
O. 4. Pagkalipas ng pitong araw, pagkasilang ng sanggol ay isinasagawa ng mga
Muslim ang seremonya ng paggunting.
K. 5. Ang seremonya ng Pagislam ay binubuo ng tatlong ugto at pinakahuli rito ay
isasagawa sa ikapitong taong edad ng sanggol.
K. 6. Ayon kay Genoveva Edroza-Matute, ang maikling kuwento ay isang mahabang
kathang maraming pangyayari.

Learning continues in the new normal … 8


K. 7. Ang panimula ng isang kuwento ay dapat nakawiwili upang ituloy ng
mambabasa ang kanyang pagbasa.
O. 8. Ang tauhan ay hindi mahalaga sa isang maikling kuwento.
K. 9. Ang kasukdulan ay ang pinakamaaksiyong bahagi ng maikling kuwento
sapagkat dito malalaman kung magtatagumpay baa ng pangunahing tauhan.
O. 10. Hindi mahalaga ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang kuwento, basta ito ay may pamagat.

HUSAY SA PAGPAPAKATAO

PAGBABAHAGI NG PANANAW
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala, o
kultura ng iyong lugar na kinalakhan o kinabibilangan? Ano-ano ang iyong mga
gagawin? Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel. 5-10 pangungusap
lamang.

Learning continues in the new normal … 9

You might also like