You are on page 1of 7

Name of Teacher Raffy T.

Alcontin Section
Leaning Area FILIPINO – 7 Time
Grade Level GRADE 7 Date Hulyo 8, 2021

I. OBJECTIVES/LAYUNIN
A. Content Standards Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao
B. Performance Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong
Standards panturismo
C. Learning Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-
Competencies/ sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat, at kuwentong-
bayan*(F7PS-Id-e-4)

Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari sa Maikling Kwento


II. CONTENT
(Pagislam)
III. LEARNING
RESOURCES
A. References K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding
CG Codes (Filipino-Grade 7)
1. Teacher’s Guide pages Curriculum Guide (Filipino-7) p.140
2. Learner’s Materials Self Learning Module
pages
3. Textbook pages Pinagyamang Pluma 7,May-akda: Alma M. Dayag Pahina: 72-84
4. Additional Materials Filipino Curriculum Guide.:
from Learning Resource https://umindanao.mrooms.net/pluginfile.php/1032586/mod_resource/
(LR) portal content/1/Filipino-%20CURRICULUM%20GUIDE.pdf
Basic Education Filipino Department Filipino 7:
https://www.hau.edu.ph/intra/courseoutline/pdf/basiced-jhs-
fmtjhs/FIL7.pdf
Proseso ng Pagislam
https://www.slideshare.net/sweetpope28/pagislam?next_slideshow=1

B. Other Learning
Resources
IV. PROCEDURES Activities and Processes
A. Classroom Routine Mga Gawain:
❖ Pagdarasal

❖ Pagbati

❖ Pagmarka ng mga dumalong mag-aaral

❖ Pagbabalik sa Nakaraang Leksyon

Sisimulan ng guro ang leksyon sa pamamagitan ng pagtatanong o


gawin tungkol sa nakaraang leksyon.

Mga tanong o gawain:

1. Ano ang paksa na ating napag-aralan noong nakaraang araw?


2. Magbigay ng isang pangungusap o pangyayari na nagsasaad ng
sanhi at bunga.

B. Activity MOTIBASYON

Bago simulan ang pormal na pagpapakilala ng bagong paksa ay


magkakaroon muna ng isang aktibidad na kung saan ang mga mag-
aaral ay papakitaan ng mga larawan ng isang pangyayari.
Panuto: Tignan at suriin ang bawat larawan. Alamin kung saan sa
mga larawan ang una, pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglimang
naganap. Lagyan ng numero ang bawat larawan .
SAGOT 3, 4, 2, 1, 5

C. Analysis Katanungan sa mga larawang pinakita:

• Sa tingin ninyo, tama ba ang pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari? Bakit?

Pagkatapos ng pagususuri sa mga larawan, magtatanong ulit ang


guro.

• Mga katanungan:

1. Sino sa inyo ang may kakilala o kaibigang Muslim?


2. Nakadalo na ba kayo sa isang seremonyang pang-muslim,
katulad ng pagbibinyag?
3. Ano ang mga napansin ninyo sa kanilang uri ng pagdaraus?

D. Abstraction PAGBIBIGAY TERMINOLOHIYA NG MGA SALITA

Upang lubos na maintindihan ng mag mag-aaral ang mga


terminolohiyang ginamit sa kuwentong panunuorin, susuriin muna ang
mga di pamilyar o mahihirap na salita sa kuwento.

• Bahagi ng maikling-kuwento – Ito ay tumutukoy sa


pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
• Pagislam – isang proseso ng pagbibinyag ng mga Muslim.
• Imam – mataas na punong panrelihiyon ng mga Muslim.
• Pandita – guro o dalubhasa sa Koran.
• Koran – Banal na librong pang-Muslim
• Sunnah – paglilipat sa mga mahahalagang mensahe.
• Abdullah - nanggaling sa dalawang salita: ABD at ALLAH na
nangangahulugang SERVANT at GOD, sa tahasang sabi
"servant of God" ang ibig sabihin ng pangalang ito. Ito ay
ikinakabit madalas sa mga pangalan ng kalalakihang Muslim.
Samantala, ang katumbas naman nito sa mga pangalan ng
kababaihang Muslim ay AMATULLAH.
• Bang - ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga
Muslim. Ginagawa ito ilang oras pagkapanganak ng sanggol at
sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal mula
sa Koran sa kanang tenga ng sanggol upang maikintal sa isipan
nito ang pangalan ni Allah.
• Penggunting - ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong
araw mula nang maipanganak ang sanggol. Ito ay ginagawa sa
paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng buhok at ilulublob
ito sa mangkok na may tubig sa paniniwalang kapag lumitaw
ang hibla ng buhok na ito sa tubig ay mamaging maganda ang
kapalaran ng bata at kung lumubog naman ito ay mamalasin ang
bata
• Sunnah - Ito naman ang tawag sa pagtutuli sa mga babaeng
Muslim kung saan tinatanggalan ng clitoris ang babae sa
paniniwalang ito ang dahilan ng pagkalibog ng babae para
makipagtalik sa lalaki o sa ibang lalaki.
• Maulidin Nabi - Pasko ang katumbas nito sa mga pagdiriwang
pang-Kristiyano. Ito ay kandore o kaarawan ni Mohammad, ang
kauna-unahan at kaisa-isang propeta ni Allah.

Ang guro ay ipapabasa sa mag-aaral ang BUONG KUWENTO NG


PAGISLAM mula sa aklat na PLUMA 7 ng Phoenix Publishing House,
pp. 75--77, na sinipi rin mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon sa
Pilipinas (Pat Villafuerte, et al.):

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah


nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang
kaniyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru -baruan patungo sa silid na
pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah
na dumating na... dumating na ang kaniyang pinakahihihintay. Parang
gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay...
Hindi na niya napigil ang kaniyang sarili. Napasugod siya. Totoong
sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah.
"Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday
habang binibihisan ang bagong silang na sanggol.
"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din Niya
ang ating panalangin," wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng
asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa
rin ng panday. Gayon na lamang ang kaniyang kagalakan nang makita
niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iiyak.
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa
kaniyang ama," bulong sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may
sinasabi ang kaniyang ina.
"Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang
maisagawa na ang bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan
ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya
sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para
sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak
ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-daling hinagilap ang
kaniyang dasalan para sa gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad
na ibinulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang.
"Allahu Akbar, Allabu Akbar
Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
...ang magandang aral niya."
"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo
ang magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng Imam.
"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah.
Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa
kaniyang tirahan.
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa.
Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang
palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya.
Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-
asawa ang ipapangalan sa anak. "Ano kaya ang mabuting ipangalan
sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.
"Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating
anak," pagmamalaki ni Ibrah.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao;
halos naroon nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y
kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang kambing na sadyang
inihanda bilang alay at pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling.
Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-
kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga
panauhin.
Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng
Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit
ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng
kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay
ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng
lahat.
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng
karamihang nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang
kagalakan sa kanilang puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah
ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.
Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya.
Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata.
Siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang
kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng
pagislam ni Abdullah,” wika ng isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,”
nakangiting sagot ni Aminah.
“Sana kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong
pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah.

Matapos bashin ang kwentong pagislam ay magtatanong ang guro ng


mga sumusunod:

1. Ano ang una, pangalawa at pangatlong proseso ng seremonyang


binyag ng mga Muslim?
2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong proseso sa pagbibinyag ng isang
batang muslim?
E. Application Ang guro ay magpapagawa sa mag-aaral ng isang sanaysay tungkol
sa proseso ng pagkakasunod-sunod:

1. Gumawa ng sanaysay na hindi hihigit sa 300 salita.


2. Sa iyong sanaysay; bilang mag-aaral, ipaliwanag ang kahalagahan
ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa paggawa ng isang maikling
kwento.
3. Sa huling bahagi ng iyong sanaysay; Magbigay ng iyong sariling
pananaw ukol sa kung papaano mo mapapanatilng sagradu ang isang
pagdiriwang pang-relihiyon, katulad sa kwentong Pagislam.

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________

RUBRIK

Kategor Higit na Nakami Bahagy Hindi Walan Iskor


ya Inaasah t ang ang Nakamit g
an Inaasa Nakami ang
(5) han t ang Inaasah Napatu
(4) Inaasah an nayan
an (2) (1)
(3)
Introduk Nakapan Nakala Nakalah Hindi Hindi
syon ghihikaya had sa ad sa malinaw nakita
t ang introduk introduk ang sa
introduks syon syon introduk ginawa
yon. ang ang syon at ng
Malinaw pangun panguna ang sanays
na ahing hing panguna ay.
nakalaha paksa paksa hing
d ang gayundi subalit paksa.
panguna n ang hindi Hindi rin
hing panlaha sapat nakalah
paksa t na ang ad ang
gayundin pagtana pagpapa panlahat
ang w ukol liwanag na
panlahat dito. ukol dito. pagpapa
na liwanag
pagtana ukol dito.
w ukol
dito.
Diskusyo Makabul Bawat May Hindi Hindi
n uhan ang talata ay kakulan nadebel nakita
bawat may gan sa op ang sa
talata sapat na detalye mga ginawa
dahil sa detalye panguna ng
husay na hing sanays
pagpapal ideya ay.
iwanag at
pagtalak
ay
tungkol
sa paksa.
Organisa Lohikal Naipakit Lohikal Walang Hindi
syon ng at a ang ang patunay nakita
mga mahusay debelop pagkaka na sa
Ideya ang ment ng ayos ng organisa ginawa
pagkaka mga mga do ang ng
sunudsu talata talata pagkaka sanays
nod ng subalit subalit lahad ng ay.
mga hindi ang mga sanaysa
ideya; makinis ideya ay y.
gumamit ang hindi
din pagkak ganap
alahad na
ng mga nadebel
transisyu op.
nal na
pantulon
g tungo
sa
kalinawa
n ng mga
ideya.
Konklusy Nakapan Naipaki Hindi May Hindi
on ghahamo kita ang ganap kakulan nakita
n ang pangkal na gan at sa
konklusy ahatang naipakit walang ginawa
on at palagay a ang pokus ng
naipapaki o pasya pangkal ang sanays
ta ang tungkol ahatang konklus ay.
pangkala sa palagay yon
hatang paksa o pasya
palagay o batay sa tungkol
paksa mga sa
batay sa katibaya paksa
katibayan n at batay sa
at mga mga mga
katwirang katwiran katibaya
inisa-isa g inisa- n at mga
sa isa sa katwiran
bahaging bahagin g
gitna. g gitna. inisaisa
sa
bahagin
g gitna.
Mekanik Walang Halos Maramin Napakar Hindi
s pagkaka walang g ami at nakita
mali sa pagkaka pagkaka nakagug sa
mga mali sa mali sa ulo ang ginawa
bantas, mga mga mga ng
kapitalisa bantas, bantas, pagkaka sanays
syon at kapitalis kapitalis mali sa ay.
pagbaba asyon at asyon at mga
ybay. pagbab pagbaba bantas,
aybay. ybay. kapitalis
asyon at
pagbaba
ybay.
Gamit Walang Halos Maramin Napakar Hindi
pagkaka walang g ami at nakita
mali sa pagkaka pagkaka nakagug sa
estruktur mali sa mali sa ulo ang ginawa
a ng mga estruktu estruktur pagkaka ng
pangung ra ng a ng mali sa sanays
usap at mga mga estruktur ay.
gamit ng pangun pangung a ng
mga gusap usap at mga
salita. at gamit gamit ng pangung
ng mga mga usap at
salita. salita. gamit ng
mga
salita.
Kabuuan
F. Assessment Ang mag-aaral ay hahatiin sa tatlong grupo, ang bawat grupo ay
magsasagawa ng mga sumusunod:

• Ang grupo ay gagawa ng isang pagsasadula tungkol sa


Pagislam.
• Sa kanilang pagsasadula kinakailangan makita ang
pagkasunod-sunod na pangyayari mula sa napanood na
kwentong Pagislam.
• Ang mga mag-aaral ay malayang maging malikhain sa kanilang
Kriteria Bahagdan %
May kahandaan sa kasuotan, 15%
props at musika
Maganda ang ekspresyon ng 30%
mukha
Malakas ang dating sa 10%
manonood.
Mahusay ang pagpili ng mga 20%
salita
Makikitaan ng pagiging malikhain 25%
sa presentasyon
100%
pagsasadula.
• Binibigyan ang bawat grupo ng 15 minuto para sa
presentasyon.

Pamantayan sa dula-dulaan

G. Assignment
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento Pagislam na ayon
sa pagkasunod sunod nito. Hanapin sa loob ng kahon lagyan ng 1 to 5
bilang ang mga pahayag.

SAGOT
Ayon sa paniniwala ng Maguindanao, pag lumutang ang
buhok, magiging maginhawa at matagumpay ang
tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito’y lumubog,
siya’y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap.
Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito
hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa
sere- monyang ito ang pagtutuli.
Ito ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita
ang babasa ng adzan o koran sa kanang tainga ng
sanggol.
Ang pagislam ay ginagawa ng walian. Ang seremonya ay
karaniwang gi- nagawa sa araw ng Maulidin Nabi o ibang
banal na araw ng mga Muslim.
Ito ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad.
Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog
ang mga magulang ng isang salu - salo bilang pasasalamat
sa pagka- roon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga
kaibigan, kamag-anak at pandita

Prepared by:

RAFFY T. ALCONTIN
BSED- FILIPINO

You might also like