You are on page 1of 29

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

i
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Modyul 7: Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Allan Rey B. Calwit Paulba Elementary School


Jimmy E. Pedragosa Cabarian Elementary School
Marieta Q. Quidep Barayong Elementary School
Marilyn P. Cipriano Sta. Cruz Elementary School
Joan D. Paynita Busac Elementary School
Rosemaie H. Benitez Tinampo Elementary School

Tagasuri: Delia V. Mendoza, Ph.D. EPS in Araling Panlipunan, SDO Ligao


Rachel R. Baltazar MT II, Ligao West Central ES (P)
Romeo B. Lorico MT II, Ligao National High School
Iriz R. Paz SSP I, Barayong National High School
Leo Irwin C. Lindio SSP II, Paulba National High School

Tagalapat: Daryl Prepotente IT teacher, DPPMHS

ii
SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN – MODYUL 7
Unang Markahan, Linggo 7, Araw 1

Ang Pinagmulan ng Relihiyong Islam

Kumusta na? Handa ka na


ba sa panibagong aralin?
Siguradong magugustuhan mo
ang aralin natin sa araw na ito.
Tatalakayin natin ang tungkol sa
pinagmulan ng relihiyong Islam.
Tara magsimula na tayo. Basahin
ang mga layunin sa ibaba.

Mga Layunin:
Essential competency: Natatalakay ang paglaganap at
katuruan ng Islam sa Pilipinas. AP5PLP-Ii- 10

Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas.


1. Natatalakay ang pinagmulan ng relihiyong Islam.
2. Natutukoy ang mga pangyayari sa pagkabuo ng relihiyong Islam.
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa buhay.

Talahulugan:
a. itinatag - itinayo o ginawa
b. templo - lugar na pinagsasambahan
c. rebulto - isang istatwa na ginagalang o sinasamba
d. mangaral - magsalita o magpakilala ng kadakilaan ng diyos

Panimulang Pagsubok:

Atin munang simulan


ang araling ito sa isang payak
na pagsubok sa ibaba.

1
Hanapin ang sumusunod na mga salita sa kahon sa ibaba.
Islam Muslim Muhammad Gabriel Mecca
Hira Kaaba Islam Allah Imam

Mahusay! Ang mga salitang iyong hinanap ay matutunghayan sa pagpapatuloy


mo sa araling ito.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Ang Meccaay matatagpuan sa Gitnang-Silangan.

Ang relihiyong Islam ay itinatag ni Muhammad. Si Muhammad ay pinanganak


tinatayang taong 570 CE sa Lungsod ng Mecca sa Arabia. Sa panahong ito, ang
Mecca ay magulong lugar kung saan ang mga mayayaman lang ang may
kapangyarihan at nabubuhay ng matiwasay. Hindi naging madali ang pamumuhay

2
para sa isang tulad ni Muhammad na mahirap at ulila sa magulang. Hindi nakatulong
sa kanya ang Kaaba, isang templo sa Mecca kung saan matatagpuan ang
napakaraming rebultong itinuturing na diyos ng mga tao. Mas pinili niyang mag-isa sa
isang kweba sa Bundok Hira at manalangin sa kanyang Allah, isang arabong salita
na nangangahulugang diyos.
Isang gabi taong 610 AD, nagpakita sa kanya si Anghel Gabriel at inutusan
siyang banggitin ang sumusunod na talata:

Ihayag! (o basahin!) sa ngalan ng iyong Panginoon at Nagmamahal, Na lumikha-


Ihayag! At ang iyong Panginoong ang Pinaka Masagana,-
Siya na nagturo (ng paggamit) ng panulat,-
Nagturo sa tao ng hindi nito alam.
— Quran, sura 96 (Al-Alaq), ayat 1-5

Dito nagsimulang mangaral sa publiko si Muhammad. Ayon sa kanya, isa lang


ang panginoon at ang wastong paraan ng pamumuhay ay Islam o pagpapasakop sa
panginoon. Nagpatuloy ang mga mensahe ni Allah kay Muhammad sa kanyang mga
nalabing panahon. Dahil siya ay hindi marunong magbasa at magsulat, ang mga
mensaheng ito ay kanyang binanggit na s’ya namang sinulat ng kanyang mga
tagasunod. Taong 632 namatay si Muhammad. Inipon ang nasulat na mga mensahe
sa kasunod na taon at sa taong 635 nabuo ang Qur’an. Ang Qur’an ay s’yang naging
banal na aklat ng relihiyong Islam hanggang sa kasalukuyan. Muslim naman ang
tawag sa mga taga-sunod ng Islam. Imam naman ang kanilang pinunong panrelihiyon.
Maraming sa kanila ang naging aktibo sa pagmimisyon hanggang dumami sila.
Naging aktibo ang mga Muslim sa pakikipagkalakalan. Dahil dito lumuwas ang
iba sa kanila sa Mecca at tinawid ang mga Karagatang Indian, Atlantiko, at Pasipiko.
Malaking bahagi nila ang nakarating sa Timog-Silangang Asya.

Subukan natin ang


iyong galing sa
pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod
na mga pagsasanay.

3
Pagsasanay 1
Punan ang patlang ng wastong salita. Piliin sa ibaba ang pangalan ng sumusunod
na larawan.

Ang _________ ang banal na


aklat ng Islam.

Ang _____ ay isang templo sa


Mecca.

Sa ______ nagdasal si
Muhammad at kinausa ni
Anghel Gabriel.

Hira Kaaba Qur’an

Pagsasanay 2
Sagutin ang sumusunod na crossword puzzle. CHANGE ACROSS T PAHALANG

4
Pahalang

Pababa

Pagsasanay 3
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa journal.
1. Ano ang iyong magiging damdamin kung ikaw ay nabuhay sa panahon ni
Muhammad? Bakit?
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang pananampalataya sa buhay
mo?

Pangwakas na Pagsubok

Magaling! Nakasagot ka
sa mga pagsasanay. Ngayon,
sagutin mo naman ang
Pangwakas na Pagsubok.
Siguradong kaya mo ‘to.

5
A. Patapat-tapatin. Hanapin ang kasunod na pangyayari sa Hanay A sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
Hanay A Hanay B
____ 1. Ang mayayaman lang ang a. Nangaral sa publiko si
may kapangyarihan sa Mecca. Muhammad
____ 2. Magulong lugar ang Mecca at b. Nabuo ang Qur’an.
hindi ito natutugunan ng mga rebulto
sa Kaaba.
____ 3. Inutusan ni Anghel Gabriel si c. Nahirapan mumuhay si
Muhammad na ipakilala ang diyos. Muhammad lalo’t isa s’yang
ulila.
____ 4. Si Muhammad ay hindi d. Nagdasal mag-isa si
marunong magbasa at magsulat. Muhammad sa Bundok Hira.
____ 5. Inipon ang mga pinasulat ni e. Sinulat ng mga kaibigan ni
Muhammad. Muhammad ang mga
salitang kanyang binanggit.

B. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Lagyan ng bilang


1-5 sa patlang. At isulat ito sa iyong kwaderno.
____ Kinausap si Muhammad ni Anghel Gabriel
____ Nangaral si Muhammad
____ Ang Mecca ay magulong lugar.
____ Inipon ang mga salita ni Muhammad at nabuo ang Qur’an.
____ Nagdasal si Muhammad sa Bundok Hira.

Karagdagang Gawain
1. Sagutin. Ano ang magagandang katangian ni Muhammad na dapat nating
tularan? Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

6
SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN – MODYUL 7
Unang Markahan, Linggo 7, Araw 2

Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas


Magandang buhay sa iyo! Napagtanto mo kung saan nagmula at paano
lumaganap sa mundo ang relihiyong Islam. Ngayon, malalaman natin kung paano ito
nakarating sa Pilipinas.

Layunin:
1. Natatalakay ang pagdating ng Islam sa Pilipinas.
2. Nakagagawa ng timeline tungkol sa paglaganap ng relihiyong Islam.
3. Napapahalagahan ang relihiyong Islam.

Talahulugan:
Sa pag-aaral sa modyul na ito, malalaman natin ang ibig sabihin ng mga
sumusunod na salita:
a. Tarsila – matandang kasulatan
b. Buwansa – pamayanan sa Sulu
c. Masjid – simbahan ng Muslim
d. Madrasah – paaralan ng mga Muslim

Panimulang Pagsubok Suriin ang mapa. Sa iyong palagay, saan


unang dumating ang Islam sa Pilipinas? Saan-saang bahagi ng bansa
lumaganap ang relihiyong Islam? Matalunton/Masundan mo kaya kung
saang lalawigan ng bansa ito lumaganap?

7
Mga Gawain sa Pagkatuto
Gawin natin ito!!!
Basahin.

8
Dumating noong 1210 ang mga Arabong mangangalakal sa katimugang
bahagi ng kapuluan.

-1450

1210 dumatingsi Tuan Mashaika.

1390 ng

9
Pagsasanay 1
Hanapin sa Hanay B ang naglalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong
sagot.
HANAY A HANAY B
1. Makdum ___ a. Asawa ni Dayang Paramisula
2. Raha Baginda ___ b. Anak ni Raha Baginda
3. Tuan Mashaika ___ c. Pinuno ng Malabang at Cotabato
4. Lakandula ___ d. Pinuno ng Tondo
5. Raha Sulayman ___ e. Arabong misyonero
6. Sharif Alawi ___ f. Nagtatag ng Buwansa
7. Abu Bakr ___ g. Pinuno ng Maynila
8. Dayang Paramisula___ h. Nagdala ng Islam sa Lanao
9. Kabungsuwan ___ i. Nagdala ng pananampalatayang Islam sa
Sulu

10
Pagsasanay 2

Punan ng wastong titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang
tinutukoy.

1. Matandang kasulatan

T S

2. Nagdala ng binhi ng relihiyong Islam sa Sulu

M K

3. Nagpalaganap ng relihiyong Islam sa Maguindanao.

4. Nagdala ng relihiyong Islam sa Cotabato patungong Misamis Oriental,


Bukidnon hanggang sa Lanao, ayon sa lumang kuwento.

S I L

5. Mula sa Borneo, saan nakarating ang relihiyong Islam?

Pagsasanay 3

Gumawa ng timeline tungkol sa paglaganap ng relihiyong Islam sa Pilipinas


mula 1210 hanggang ika-16 na dantaon. Isulat ito sa isang malinis na coupon bond.

Pangwakas na Pagsubok
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari kung paano lumaganap ang relihiyong
Islam sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.
_____1. Nakarating si Kabungsuwan sa Lawa ng Lanao at nahikayat niya ang
mga datung Maranao na mananampalataya sa relihiyong Islam.
_____2. Noong ika-16 na dantaon, nakarating ang relihiyong Islam mula Maynila
patungong Lawa ng Laguna hanggang sa Balayan, Batangas at Mindoro maging sa
Kabisayaan ay lumaganap ito.
_____3. Naging Sultan ng Sulu si Abu Bakr at nagpagawa siya ng mga Masjid at
Madrasah.
_____4. Naniniwala ang mga Muslim na ang mabilis na paglaganap ng Islam ay
bunga ng pakikipagkasundo ni Kabungsuwan sa mga namumunong angkan ng Sulu.
_____5. Mula naman sa Cotabato nakarating ang Islam sa Look ng Saranggani
hanggang sa Golpo ng Davao.

11
Karagdagang Gawain

Kapanayamin ang ilang Muslim sa inyong pamayanan at itanong kung paano


nila pinapahalagahan ang relihiyong Islam. Isulat ito sa iyong journal.

12
SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN – MODYUL 7
Unang Markahan, Linggo 7, Araw 3
Pamagat
Pagtalakay sa mga Haligi ng Relihiyong Islam
Layunin
Isang masayang pagbati sa’yo! Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang
pagdating ng Islam sa Pilipinas. Ngayon naman, pag-aaral mo ang mga Haligi ng
Islam.

Sa modyul na ito, inaasahang:


1. Natatalakay ang mga Haligi ng relihiyong Islam.
2. Natutukoy ang mga katuturan ng mga Haligi ng relihiyong
Islam.
3. Napapahalagahan ang mga Haligi ng relihiyong Islam.

Talahulugan

Sa pag-aaral mo sa modyul na ito, malalaman mo ang kahulugan ng sumusunod


na salita:
Haligi -tukod, pilar, poste
pag-aayuno -hindi pagkain sa loob ng isang panahon.
paglalakbay -pagpunta sa ibanglugar
misyonero -alagad ng simbahan na gumaganap ng
misyon o pagpapalaganap ng relihiyong
kinabibilangan.
mangangalakal -isang tao na bumibili at nagbebenta o
nakikipagpalit ng kalakal upang tumubo.

Panimulang Pagsubok
Word Hunt: Hanapin sa kahon ang limang haligi ng relihiyong Islam. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
S H A H A D A A N G
A L O N G M A L I T
L I W A Y A M I L S
A G I Y A M I S L A
T U N G W A Y I N U
B K Z A K A T G A M
K D A K U M I N T I
D I G Y A W A T I N
G E W A N T I N G K
H A J J M A S K I B

13
Mga Gawain sa Pagkatuto
Basahin Mo
Lumaganap ang relihiyong Islam sa Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao ng
mga misyonero at mangangalakal na Muslim mula sa Malaysia.
Sa pagtuturo ng relihiyong ito, naisalin at natutunan ng mga Pilipino ang
Limang Haligi ng Islam.
Ang limang Haligi ng Islam ay ang:
1. Shahada - o pagpapahayag ng panininiwala. Ang pagbigkas ng, “Walang
ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang propeta o sugo Niya”.
2. Salat – o pagdarasal nang limang ulit sa isang araw na nakaharap sa
dako ng Mecca, ang Banal na Lungsod ng Islam.
3. Zakat – o pagbibigay ng tulong na pananalapi para sa mga mahihirap na
kapatid na Muslim.
4. Saum/Sawn – o pag-aayuno (abstinence) tuwing panahon ng Ramadan.
Ang pag-aayuno ng mga Muslim ay ginagawa sa loob ng 40 araw.
Sinisimulan ito sa pagsikat ng araw at natatapos sa paglubog nito.
Ipinagbabawal ang pagkain, pag-inom, paninigarilyo, mga kasayahan at
ang paggawa ng mga gawaing mabibigat. Ang Hari Raya Puasa ang
pagwawakas ng pag-aayuno. Ito ang pinakapista at napakaraming
pagkain ang inihahanda ng mga Muslim sa araw na ito.
5. Hajj – o paglalakbay sa Banal na Lungsod ng Mecca. Ang Banal na
Lungsod ng Mecca ang sentro ng pananampalataya ng mga Muslim.
Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1
A. Alamin kung anong Haligi ng Islam ang tinutukoy sa sumusunod. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
_____1. Ito ay pag-aayuno tuwing panahon ng Ramadan
_____2. Paglalakbay ito sa Mecca
_____3. Ito ang pagdarasal ng limang beses sa isang araw
_____4. Pagbibigay ito ng tulong na pananalapi para sa mga mahirap na kapatid na
Muslim.
_____5. Ito ang pagbigkas ng, “Walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad
ang propeta ni Allah”.
Pagsasanay 2
Isulat ang mga Haligi ng Islam sa iyong kwaderno.

14
Pagsasanay 3
Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang S kung
sang-ayon ka sa ipinapahayag ng pangungusap at DS kung di-sang-ayon. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Pagtawanan ang mga Muslim sa kanilang paraan ng pagsamba. ______
2. Ang pagtulong sa kapwa ay gawain ng lahat, anuman ang relihiyong kanyang
kinabibilangan. ______
3. Nararapat na alamin ng bawat isa ang mga aral ng kanilang relihiyong
kinaaniban. ______
4. Ikahiya ang relihiyong iyong kinabibilangan. ______
5. Palawakin ang kaalaman tungkol sa mga relihiyong umiiral sa ating bansa sa
pamamagitan ng pagbabasa. ______
Pangwakas na Pagsubok
Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Shahada ______ A. Pagdarasal ng limang ulit sa isang
buong araw
2. Zakat ______ B. Pagbibigay ng tulong sa mga
nangangailangan.
3. Salat ______ C. Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
4. Saum ______ D. Paglalakbay sa Banal na Lungsod
ng Mecca.
5. Hajj ______ E. Ang pagpapahayag ng paniniwala
Karagdagang Gawain
Sa iyong palagay, maganda ba ang naging impluwensiya ng Islam sa buhay ng
mga Pilipinong Muslim? Bakit?

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

15
SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN – MODYUL 7
Unang Markahan, Linggo 7, Araw 4
Pamagat
RELIHIYONG ISLAM: Kultura at Paniniwala.
Layunin
Isang Pagbati! Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kultura ng mga
Muslim.

Sa modyul na ito, inaasahang:


1. Natatalakay ang mga kultura ng mga Muslim.
2. Naibabahagi ang ilang gawaing may kaugnayan sa relihiyong Islam.
3. Napapahalagahan ang kultura ng mga Muslim bilang mga Pilipino.

Talahulugan
a. kultura- tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabuuan.

b.kaugalian- isa itong moralidad, kabutihang asal, wastong kagawian at kahalahang


personal

c.pag-aayuno - hindi pagkain ng kompleto sa isang araw (fasting)

d.relihiyon- paniniwala ng isang tao; isang anyo ng pagsasamba

e.banal- sagrado, walang bakas ng anumang kasamaan.

Subukin
Alamin natin ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem sa iyong journal.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Iba-iba ang mga relihiyon ng mga Pilipino sa bansa batay sa kanilang paniniwala.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng relihiyong Islam?

A. Allah ang tawag nila sa kanilang Panginoon at Koran ang kanilang banal na
aklat.
B. Makikita ang mga santo at birhen sa kanilang sambahan.
C. Nananalangin at nag-aayuno kapag Mahal na Araw.
D. Bibliya ang tawag sa kanilang banal na aklat.

2. Bawat relihiyon ay may pinaniniwalaang Diyos o Panginoon na siyang


tagapagligtas. Tulad ng mga Muslim, naniniwala sila na walang ibang Diyos maliban
kay__________.

16
A. Hesukristo B. Propeta C. Allah D. Bathala

3. Ang mga Kristyano ay nag-aayuno sa panahon ng Kwaresma o tinatawag na


Mahal na Araw, ang mga Muslim ay nag-aayuno sa panahon ng____________.

A. Pasko B. Ramadan C. Pista D. Binyag

4. Sino ang kinikilalang propeta o sugo ng Diyos ng mga Muslim?

A. Jonas B. Gabriel C. Adan D. Muhammad

5. Saan nakatala ang aral ng mga Muslim?

A. Qur’an B. Bibliya C. Diksyunaryo D. Pahayagan

Nasagot mo bang lahat?

Magaling! Ikaw ay maaari nang magpatuloy.

Mga Gawain sa Pagkatuto


Pag-aralan Mo

Kapag nakakita ka ng ganitong larawan ano ang pumapasok sa isipan mo?

Basahin Mo
Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga Arabong
Muslim naibahagi nila ang kanilang mayamang kultura sa mga katutubo.
Ang Islam ay isang relihiyong may paniniwala sa iisang Diyos, si Allah. Itinatag
ito ng propetang si Muhammad bandang 600 C.E. Tuwing panahon ng Ramadan ay
nagkakaroon sila ng pag-aayuno.

17
Narito naman ang ilan sa mga kaugalian ng mga Muslim.

 Ang mga Muslim ay mayroong kaugalian na maalaga sa pamilya.


 Sila ay may kaugalian na dapat magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
 Sila ay may kaugalian ng pagbabayanihan.
 Sila ay may kaugalian na dapat maging praktikal sa buhay.
 Wala silang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kanila.
 Ipinagbabawal sa kanila ang pag-inom ng alak, pagsusugal at pagkain ng
karneng baboy.

Pagsasanay
A. Panuto: Batay sa iyong binasa at pinag-aralan, sagutin ang mga sumusunod
na tanong.

1. Ano ang tawag sa panahon ng kanilang pag-aayuno? Paano nila ito


isinasagawa?
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_

2. Paano naipapakita ng mga Muslim ang kanilang katapatan sa kanilang


pananampalataya?
________________________________________________________
________________________________________________________
_____

B. Buuin ang Puzzle na ito.

1.

2. 6.

3. 7. 8.

4.

18
Pahalang Pababa
1. tawag sa Diyos ng mga Muslim 2. tawag sa panahon ng pag-aayuno ng
mga Muslim
3. pinakabanal na pook na matatagpuan 8. banal na aklat ng mga Muslim
sa Arabia.
4. isang relihiyon na naniniwala na
walang ibang Diyos kundi si Allah
6. siya ang propetang nagtatag ng
relihiyong Islam
7. simbahan ng mga Muslim

C. Gawin Mo

Panuto:Sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sagot sa kahon sa baba.

Magbigay ng tatlong mahahalagang kultura


ng mga Muslim.

Pagtataya

May natutunan ka ba?


Upang masukat ang iyong natutunan sa aralin , gawin ang pagtataya sa ibaba.

A. Pagtukoy ng Konsepto. Punan ang patlang ng wastong sagot.

1. ______________________ ang tawag sa relihiyong pinaniniwalaan ng mga


Muslim.

2. Ang panahon ng pag-aayuno ng mga Muslim ay tinatawag


na______________.

19
3. ____________________ ang banal na aklat ng mga Muslim.

4. Si ___________________ ang propetang nagtatag ng religong Islam noong


bandang 600 C.E.

5. Naniniwala sila sa iisang Diyos na si _______________________.

B. Sagutin ng Tama o Mali.


Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay kaugaliang Muslim at Mali kung
ito ay hindi kaugaliang Muslim.

______________1. Ang mga Muslim ay may kaugalian ng pagiging praktikal.


______________2. Ang mga Muslim ay naniniwala sa pagtanggap ng kamatayan.
______________3. Ang mga Muslim ay may kaugalian ng pagkakaroon ngn
positibong mga pananaw sa buhay.
______________4. May paniniwala ang mga Muslim na mayroon silang nag-
iisang Diyos na si Allah.
______________5. Ang mga Muslim ay may kaugaliang pagiging maalaga sa
kanilang pamilya.

Karagdagang Gawain
Isulat ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa relihiyong Islam.

ISLAM
1. Diyos na kanilang pinaniniwalaan
2. Panahon ng pag-aayuno
3. Lugar ng sambahan
4. Banal na aklat
5. Isang kaugalian na may pagkakaiba sa
isa’t-isa.

20
SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN – MODYUL 7
Unang Markahan, Linggo 7, Araw 5

MGA ARAL AT KAUTUSAN NG RELIHIYONG ISLAM

Handa ka na ba?

Pagkatapos mong pag-aralan ang tungkol sa mga


Haligi ng Islam, sa modyul na ito matututunan mo ang mga
aral at kautusan ng relihiyong Islam.

Mga Layunin:
Sa modyul na ito ay inaasahang:
1. Natatalakay ang mga aral o kautusan ng relihiyong Islam.
2. Nakagagawa ng graphic organizer ng mga aral o kautusan ng relihiyong
Islam.
3. Napapahalagahan ang mga aral o kautusan ng Islam.

Talahulugan:
Basahin at unawain mo ang mga kahulugan ng sumusunod na salita
upang lubos mong maunawaan ang aralin sa araw na ito.

SALITA KAHULUGAN
Islam - Salitang Arabic na nangangahulugang
kabuuang pagsuko, pagpapasakop at
pagtalima sa Diyos.
Allah - Kinikilalang Diyos ng Relihiyong Islam.
Propeta - Isang taong inaangking pinili ng Diyos upang
maghatid ng mga propesiya o hula sa mga
tao.
Kautusan / Aral - Tagubilin na dapat sundin.
Qur’an / Koran - Ang pangunahing aklat ng pananampalataya
ng Islam at itinuturing ng mga Muslim na
totoong salin ng mga salita ni Allah kay
Muhammad sa pamamagitan ng anghel na si
Jibril (Gabriel)
Tawhid - Ito ay salitang nanggagaling sa Arabic na
“wahhada” na ang ibig sabihin ay panatilihin,
nag-iisa, pag-isahin o gawing isa.

21
Panimulang Pagsubok:

Piliin sa kahon ang mga kautusan ng relihiyong Islam. Isulat ang sagot sa
ibaba.

• * Huwag paslangin ang inyong mga anak dahil sa


• pangamba sa kahirapan.
• * Huwag makikiapid sa hindi mo asawa.
• * Pangalagaan ang ari-arian ng ulila.
• * Huwag magsamba sa mga diyos-diyosan.
• * Tuparin ang iyong mga pangako.
• * Huwag magtambal ng anuman sa kanya.
• * Gawin ang lahat ng paraan at timbangin sa lahat ng
• pagkakapantay.


Mga Kautusan ng Islam

1._________________________________________________
2._________________________________________________
3._________________________________________________
4._________________________________________________
5._________________________________________________

Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Tanong

Sa mga sagot mo sa itaas, ano pa kaya ang ibang kautusan ng relihiyong


Islam?

B. Tandaan Mo

MGA KAUTUSAN NG RELIHIYONG ISLAM

1. Huwag magtambal ng anuman sa Kanya


-Mayroon lamang isang Diyos. Ang paniniwala sa Tawhid o sa Kaisahan ni
Allah ay ang tunay, pinakalohikal at pinakamakatuwirang prinsipyo.

22
2. Maging mabuti sa magulang
-ang katuwiran ay nagtatalaga na ang mga magulang ay dapat na parangalan
at pasalamatan para sa lahat ng sakripisyo na kanilang ginawa para sa kanilang mga
anak.

3. Huwag paslangin ang inyong mga anak dahil sa pangamba sa kahirapan


-Kagaya ng mga magulang na may mga karapatan gayundin ang mga anak
mayroon ding mga karapatan.

4. Huwag gawiin ang nakakahiyang mga gawa kahit pa hayagan o patago man.
-Makatuwirang bagay na ang mga hindi marangal ay nararapat na iwasan kahit
saan man. Ganundin kagaya ng mayroong hayag na mga kasalanan ay mayroong
tagong kasalanan.

5. Huwag pumatay ng sinumang taong ipinagbawal ng Diyos maliban sa


pamamagitan ng tamang paglapat ng batas
Ang lahat ng pagpatay ay ipinagbabawal maliban sa ilalim ng tamang paglapat
ng batas at katarungan.

6. Pangalagaan ang ari-arian ng ulila


-Nangangahulugang pangalagaan ang mga karapatan ng mahina. Ang mga tao
ay natatandaan ang mga karapatan ng malalakas ngunit ang mahihina ay
nakakalimutan.

7. Gawin ang lahat ng paraan at timbangin sa lahat ng pagkakapantay


-Ang katapatan ay nararapat na panuntunan sa lahat ng pakikipag-ugnayan.

8. Sa tuwing magsasalita, maging makatarungan kahit pa ito ay kaugnay ang


malapit na kamag-anak
-Maging pantay sa lahat ng tao pagdating sa katarungan.

9. Tuparin ang iyong mga pangako


-Ang lahat ng mga pangako ay nararapat na matupad lalo na yaong mga
ginawa sa pangalan ng Diyos. Kung kaya Siya ay nagtagubilin sa inyo upang kayo
ay maabot ang pagkamatuwid.

10. Tahakin ang tuwid na landas ng Diyos


-Tanging ang landas ng Diyos ang matuwid. Ang ibang landas ay hindi matuwid
at hindi ka nito gagabayan patungo sa Diyos.

Muslim ang tawag sa mga taong sumasamba sa relihiyong Islam. Sila ay


may kinikilalang Diyos na si Allah at may propetang si Mohammed na kung saan
siya ang taong inaangking pinili ng Diyos upang maghatid ng mga propesiya o
hula sa mga tao. Ang Qu’ran o Koran ang banal na aklat ng Islam, dito nakasaad
ang Kautusan o aral ng relihiyong Islam [MaluwalhatingQu’ran 6:151-153]
• Ano ang pananaw mo sa mga kautusan ng relihiyong Islam?

23
Pagsasanay
Gawain 1:
Gumawa ng graphic organizer ng mga Kautusan ng relihiyong Islam.

Gawain 2:
Unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang at alamin kung anong
Kautusan ang inilalarawan nito. Pumili sa mga Kautusan sa itaas.
Bilang lamang ang isulat sa patlang.
___1. Masunurin at magalangsi Aby sa kanyang mga magulang.
___2. Si MangLito ay naniniwala sa iisang Diyos lamang.
___3. Isinauli ni Maya ang napulot niyang pera.
___4. Ang ama ni Rhea ay isang abogado ito ay walang kinikilingan
pagdating sa batas mahirap man o mayaman ay pantay-pantay.
___5. Ang pangakong mag-aaral ng mabuti ay tinupad ni Shika.

Gawain 3:
Sagutin ang bawat katanungan. Isulat ang sagot sa iyong journal.
1. Pumili ng kapartner at pag-usapan ang Kautusan ng relihiyong
Islam at magbigay pananaw ang bawat isa.
2. Bilang bata, alin sa mga Kautusan ang nais isabuhay mo?
Magbigay ng halimbawa.

Pangwakas na Pagsubok

Ilagay ang tamang salita sa patlang upang makumpleto ang Kautusan ng


relihiyong Islam. Pumili sa mga salita sa loob ng kahon.

1. Gawin ang lahat ng paraan at ___________ sa lahat ang


pagkakapantay.
2. __________ang ari-arian ng ulila.
3. Sa tuwing magsasalita, maging ____________kahit pa ito ay
kaugnayang malapit na kamag-anak.
4. ____________ang iyong mga pangako.
5. Huwag pumatay ng sinumang taong ipinagbawal ng Diyos maliban sa
pamamagitan ng___________ paglapat ng batas.

24
6. Huwag __________ang nakakahiyang mga gawa kahit pa hayagan o
patago man.
7. Huwag paslangin ang inyong mga anak dahil sa _________ sa
kahirapan.
8. Maging __________sa mga magulang.
9. ____________ang tuwid na landas ng Diyos.
10. Huwag __________ng anuman sa Kanya.

Pagpipilian ng Tamang Sagot

tuparin magtambal tamang tahakin

gawiin mabuti pangamba timbangin

makatarungan pangalagaan

Karagdagang Gawain

Kapanayamin ang isang Muslim sa inyong lugar o kamag-aral na


Muslim, tanungin ang kanilang pananaw tungkol sa kautusan o aral ng
kanilang relihiyon.

25
SANGGUNIAN

https://backtojannah.com/is-kaaba-an-idol/
https://www.whyislam.org/quran/favorite/
https://simerg.com/2013/07/30/the-cave-of-hira-the-place-of-the-first-revelation-of-
the-holy-quran/
https://www.pinterest.com/pin/408068416226933810/
https://www.woestenhoeve.nl/

26
For inquiries or comments, please contact:

27

You might also like