You are on page 1of 13

1

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY CAVITE


INTERNATIONAL SCHOOL
General Trias City, Cavite

FIL01S: Filipino 7
Course Learning Kit
Subquarter B
September 27 to October 14, 2021
This set of modules was prepared by Ms. Maricris P. Rodriguez, Junior High School
faculty member of the LPU International School. The author of the modules may be
different from your actual teacher. Please refer to the Class Orientation Kit for details and
instructions from your subject teacher.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
2

SESSION TOPIC (PAKSANG TALAKAYAN): PAGISLAM

LEARNING TARGETS (MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO)


Matapos ang pag-aaral sa paksang ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Kaya ko na maisalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento, mito/alamat/ kuwentong-bayan
2. Kaya ko na maisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao
3. Kaya ko na magamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
(kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa; isang

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
3

araw, samantala, at iba pa), sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat (totoo/tunay, talaga,


pero/ subalit, at iba pa.

KEY POINTS (SUSING KAISIPAN)

Maikling Kuwento Elemento ng Maikling Pang-ugnay


Kuwento
Pang-angkop Pang-ukol Pangatnig
Tauhan Tagpuan Banghay

Core Content (Nilalaman)

Aralin 4: PAGISLAM (Maikling Kuwento)


Retorikal na Pang-ugnay (Wika)

“Ang pagpapahalaga’t respeto sa kultura, may hatid na kapayapaan at magandang


pagpapala.”

Pagganyak na Gawain (Conference session)


Natatalakay ang isang isyu o gawain sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong.
Ang pagbibinyag ay isa sa mga sakramento ng Simbahang Katoliko na maituturing na bahagi
na rin ng kulturang Pilipinong minana natin mula sa mga Espanyol. Para sa marami,hindi
lamang ito isang seremonyang dapat daanan ng isang sanggol kundi ito ay may malalim na
kahulugan sa buhay ng isang tao. Bilang panimulang gawain, ating pag-uusapan ang bagay na
ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang paniniwala mo o ng iyong pamilya tungkol sa pagbibinyag?


2. Naranasan mo ba ang pangyayaring ito? Bakit oo o bakit hindi?

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
4

3. Batay sa iyong sariling pagkaunawa, mahalaga ba itong isagawa sa buhay ng isang sanggol?
Ipaliwanag.

Ang pagislam ng mga Muslim ay kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag sa mga Kristiyano.


Ang seremonyang ito ay karaniwang ginagawa ng mga Muslim sa Mindanao hanggang sa
kasalukuyan.
Ang seremonya ng pagislam ay nahahati sa tatlo. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras
pagkapanganak ng isang sanggol. Dito ay babasahan ng dasal ng isang Imam (mataas na punong
panrelihiyon ng mga Muslim) o pandita (guro o dalubhasa sa Koran) sa kanang tainga ang
sanggol upang maikintal sa isip ng sanggol ang pangalan ni Allah, ang kanilang diyos.
Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na penggunting. Ginagawa ito sa ikapitong araw
pagkapanganak ng sanggol. Dito binibigyan ng pangalan ang sanggol. Ang magulang ang
naghahanda at nag-iimbita ng kanilang mga kaibigan, kaanak, at kakilala bilang pasasalamat kay
Allah. Sa seremonyang ito ay gumugunting ng buhok ang Imam o pandita sa sanggol at inilalagay
ito sa mangkok na may tubig. Kapag ang buhok ay hindi lumubog sa tubig ay magtatamasa ng
masagana at maunlad na buhay ang sanggol at kabaligtaran naman kung ito’y lulubog.
Ang ikatlong seremonya naman ay tinatawag na pagislam o ang seremonya ng pagtutuli.
Ginagawa ito kapag ang sanggol ay magdiriwang ng kanyang ikapito hanggang ikasampung
taon kasabay ng isang mahalagang araw sa mga Muslim.

Bago tayo dumako sa akda na tatalakayin ay


magbukas tayo ng mga termino na maaring hindi
tayo pamilyar upang mas lumawak ang ating
bokabularyo sa wikang Filipino!

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
5

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay sa


pagkakagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang imam ay umanas ng maikling panalangin sa tainga ng sanggol.


A. Bumulong C. Sumambit
B. Nagdeklara D. nagsabi
2. Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa dami ng regalong kanilang natanggap para sa
kanilang anak.
a. Handog c. Suporta
b. Pagkilala d. Tulong
3. Napipiho ng magulang na may magandang bukas ang kanilang anak.
a. Nababatid c. Nasisiguro
b. Nakikita d. Natatanaw
4. Maraming panauhin ang dumating sa kanilang tahanan ng binyagan ang kanilang anak.
a. Bisita c. Kaibigan
b. Kakilala d. Kasamahan
5. Sumapit ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang paggunting.
a. Dumating c. Sumilay
b. Lumitaw d. Suminag

“PAGISLAM”

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya
ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kaniyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-baruan
patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na
dumating na... dumating na ang kaniyang pinakahihihintay. Parang gusto niyang lumundag.
Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay... Hindi na niya napigil ang kaniyang sarili.
Napasugod
siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah.
"Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang
bagong silang na sanggol.
"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din Niya ang ating
panalangin," wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
6

Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon na
lamang ang kaniyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa
pagiiyak.
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kaniyang ama," bulong sa
sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang kaniyang
ina.
"Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo
niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at
magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na
anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-daling hinagilap ang kaniyang dasalan para sa
gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong ng Imam
sa kanang tainga ng sanggol ang bang.
"Allahu Akbar, Allabu Akbar
Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah Wa
ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
...ang magandang aral niya."
"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang magagandang aral
niya," dugtong pa ng Imam.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng Imam.
"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah.
Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kaniyang tirahan.
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila maatim na
ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya.
Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak.
"Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.
"Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni
Ibrah.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon nang lahat
ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang
kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling.
Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng
masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang
katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na
kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
7

maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang puso.
Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap
nito sa buhay.
Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga
panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang
nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah,”
wika ng isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot ni
Aminah.
“Sana kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang
inaantok na si Abdullah
.-Pinagyamang Pluma 7

ELEMENTO NG MAIKLING
KUWENTO

Ang akdang iyong binasa ay isang maikling kuwentong naglalahad ng kaugalian at


kulturang katutubo sa Mindanao. Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang
nagsasalaysay sa madali, maikli, at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay
natatapos basahin sa isang upuan lamang. Ito ay nagdudulot ng aliw at karaniwang kapupulutan
ng mga aral sa buhay. Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute, ang maikling kuwento ay
isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang- araw-araw na buhay na may isa o
ilang tauhan, at may isang kakintalan.
Ang isang maikling kuwento, o anumang akdang pasalaysay saanmang lugar ito nagmula ay
dapat na nagtataglay ng sumusunod na mga elemento:

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
8

• Tauhan- Ang nagbibigay-búhay sa maikling kuwento. Ang tauhan ay maaaring maging mabuti
o masamâ.
• Tagpuan - Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento. Malalaman dito
kung ang kuwento ay nangyari ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa
lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.
• Banghay-Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ngmga pangyayari.
o Simula - Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento. o Tunggalian - Dito
makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang
kahaharapin. o Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya't
ito ang pinakamaaksiyon. Sa bahaging ito nabibigyang- solusyon ang suliranin at dito
malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. o Kakalasan –
Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa
wakas. o Wakas – Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o
malungkot.

Retorikal na Pang-ugnay
Ang pag-uugnayan ng iba't ibang bahagi ng pagpapahayag ito ay mahalaga upang makita
ang pag- uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga
pang- ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig

1. Pang-angkop - Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


Ito ay nagpapaganda o nagpapadulas sa pagbigkas ng mga pariralang pinaggagamitan May
dalawang uri ng pang-angkop.
 Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na hari
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at
ikinakabit ang -ng

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
9

Halimbawa: huwarang pinuno


 Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting kapatid
2. Pang-ukol - Ito ay kataga/ salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.
• ayon sa/kay • ukol sa/kay
 ng • para sa/kay
• tungkol sa/kay
• hinggil sa/kay
 sa • alinsunod sa/kay
• kay/kina • laban sa/kay
3. Pangatnig – mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay •
Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon.
Halimbawa: at, pati
• Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay. Halimbawa: o, ni,
maging
• Pagbibigay sanhi/dahilan: Nag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o
nagsasabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
• Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan okinahinatnan. Halimbawa:
bunga, kayâ o kaya naman
• Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali. Halimbawa: kapag, pag,
kung, basta
• Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag-iba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagama't

IN-TEXT ACTIVITES

PowerPoint Presentation to be uploaded at MyLPU

Gawain 4: Isulat Natin

Layunin: Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
10

Buoin ang dayagram sa ibaba upang masuri ang kuwentong “Pagislam” batay sa mga
elementong napag-aralan natin.

Mga Tauhan: Tagpuan:

Banghay

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Teknikal na Panuto:
 App o Program na maaaring gamitin: MS Word
 Paper Size: Letter
 Paper Orientation: Landscape / Portrait
 Font style,font color,& font size: Malaya kayong makapamimili, siguruhin lamang na
nababasa Spacing: 1.0
 I -upload bilang PDF file sa MyLPU, ang filename ay LASTNAME_SECTION_PT4
(Isang beses lamang maaaring mag submit kaya siguraduhin ang file na ipapasa ay ang
tamang gawain o file).

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
11

Pamantayan:
Nilalaman - 6 puntos
Malikhain - 6 puntos
Organisado/sistematiko- 3 puntos
Kabuuang Puntos: 15 puntos

SESSION SUMMARY
(PAGLALAHAT)

• Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli, at


masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay natatapos basahin sa isang upuan
lamang.
• Tauhan- Ang nagbibigay-búhay sa maikling kuwento. Ang tauhan ay maaaring maging
mabuti o masamâ
• Tagpuan - Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento.
• Banghay-Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ngmga pangyayari.
o Simula - Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. o
Tunggalian - Dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kanyang kahaharapin
o Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya't ito ang
pinakamaaksiyon.
o Kakalasan – Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. o Wakas –
Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o malungkot.
• Pang-angkop - Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
• Pang-ukol - Ito ay kataga/ salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga
salita sa pangungusap.
• Pangatnig – mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
12

PAGTATAYA

Layunin: Natutukoy ang uri ng pang-ugnay na ginamit sa talata.


Pagsasanay 4: Isulat sa linya ang uri ng pang-ugnay na may salungguhit sa talata
Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak
Ano ang palagay ninyo (1) ukol sa kuwentong ito? May (2) isang tao na may (3)
dalawang anak na lalaki. Lumapit siya (4) sa nakatatanda at sinabi “Anak, lumabas
ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “ayoko po,” tugon niya. (5) Ngunit nagbago
ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa (6) anak na bunso at
(7) gayundin ang kanyang sinabi. “Opo,” tugon nito. (8) Datapwat hindi naman siya
naparoon. (9) Para sa iyo, sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban (10) ng kanyang
ama?
1._________________ 6._________________
2._________________ 7._________________
3._________________ 8._________________
4._________________ 9._________________
5._________________ 10._________________

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
13

At dito nagtatapos ang Modyul 4

Mga Sanggunian:

1. Julian, A. B., Lontoc, N. S., Jose, C. E., & Dayag, A. M. (2018). Pinagyamang Pluma
Wika at Panitikan (Ikalawang Edisyon ed.). Quezon City: Phoenix Publishing House
Incorporation. (Ang makikita sa taas ay hiniram lamang sa aklat na ito.)

Kasagutan sa Pagwawasto

Payabungin Natin
1. A
2. A
3. A
4. A
5. A

Pagtataya

Pagsasanay 4:
1. Pang-ukol
2. Pang-angkop
3. Pang-angkop
4. Pang-ukol
5. Pangatnig
6. Pang-angkop
7. Pangatnig
8. Pangatnig
9. Pang-ukol
10. Pang-angkop

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.

You might also like