You are on page 1of 15

1

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY CAVITE

INTERNATIONAL SCHOOL
General Trias City, Cavite

FIL01S: Filipino 7
Course Learning Kit

Subquarter B
September 27 to October 14, 2021

This set of modules was prepared by Ms. Maricris P. Rodriguez, Junior High School faculty member
of the LPU International School. The author of the modules may be different from your actual teacher.
Please refer to the Class Orientation Kit for details and instructions from your subject teacher.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
2

SESSION TOPIC (PAKSANG TALAKAYAN): ANG MAHIWAGANG TANDANG

https://www.listph.com/2020/07/an g-mahiwagang-tandang.html Accessed September 28, 2020

Tatalakayin natin sa modyul na ito ang isang dulang panlansangan

na maituturing na isang libangan noong unang panahon. Tatalakayin rin
natin sa wika ang mga pangungusap na walang paksa. Ang modyul na ito
ay tatalakayin natin sa buong isang linggo.

LEARNING OUTCOMES (MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO)

Matapos ang pag-aaral sa paksang ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Kaya ko na masuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling

karanasan
2. Kaya ko na maibahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o
ibang website na maaaring magamit
3. Kaya ko na ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng patalastas

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
3

KEY POINTS (SUSING KAISIPAN)

Dula Dulang Panlansangan Tibag

Senakulo Panunuluyan Moriones
Santakrusan Eksistensyal Modal
Padamdam Maikling sambitla Panawag
Pamanahon Pormulasyong Panlipunan

Core Content (Nilalaman)

Aralin 5: Ang Mahiwagang Tandang (Dula)

Mga pangungusap na walang paksa (Wika)

“Nasa Diyos ang awa

Nasa tao ang gawa.”

Pagganyak na Gawain
Naisusulat ang sariling kagustuhan at nahihinuha ang maaaring manyari kung
makuha ito.
Bawat tao ay may kahilingan o pangarap na nais abutin sa buhay. Kung bibigyan ka ng
pagkakataong humiling ng isang bagay para sa iyong buhay, ano ang hihilingin mo? Isulat
mo ito sa loob ng bituin at saka ipaliwanag sa loob ng kahon ang iyong hinuha sa kung
ano ang maaaring mangyari sa iyo kung sakaling makuha at hindi mo ito makuha.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
4

Kapag nakuha ko ito, ako marahil ay…

Kapag hindi ko ito nakuha ay….

Pamantayan:
Nilalaman - 5 puntos
Gramatika – 5 puntos
Malikhain - 3 puntos
Organisado/sistematiko- 2 puntos
Kabuuang Puntos: 15 puntos

Ang dulang iyong mababasa ay isang kuwentong mahika ng mga Mëranao na isinulat ni Arthur
P. Casanova.
Ipinakita sa dula ang malawak na kaalaman ni Casanova sa kulturang Mëranao gayundin ang
kanyang adbokasiyang gumamit ng katutubong panitikan bilang lundayan o material ng kanyang
dula at ang paggamit ng estilong kambayoka o dulang may sayawan at awit na kanyang natutuhan
sa kanyang karanasan bilang panteknikal na director at tour manager ng produksiyon ng MSU-
Sining Kambayoka.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
5

Bago tayo dumako sa akda na tatalakayin ay

magbukas tayo ng mga termino na maaring hindi
tayo pamilyar upang mas lumawak ang ating
bokabularyo sa wikang Filipino!

Layunin: Natutukoy ang kasalungat na salita sa loob ng pangungusap.

Panuto: Bilugan ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.

1. Karaniwan ang mga alaga niyang inahing manok at hindi ito isang mahiwagang manok.
2. Mahirap ang kanilang buhay sa una subalit naging maunlad ito nang dahil sa kanyang
pagsisikap.
3. Ang kanyang pagal na katawan ay nangangailangan ng pahinga upang manumbalik ang
kanyang lakas.
4. Nang yumao ang kanyang ama ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Sa halip, ito ang bumuhay
sa kanyang pagnanais na bumangon sa kahirapan.
5. Ang magagarang damit ng hari ay naiisip niya sa tuwing makikita ang gula-gulanit niyang
kasuotan.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
6

Mga Tauhan
Lokus a Mama - ang ama ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Babae
Lokus a Babae - ang ina ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Mama
Bagoamama-anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae
Mahiwagang Tandang - ang manok na nagsasalita at may angking hiwaga
Sultan Abdullah- ang sultan ng Kaharian ng Agamaniog
Reyna Aliah-ang reyna ng Kaharian ng Agamaniog
Sabandar – isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasangyaw ng sultan
Kanankan - isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasangyaw ng sultan
Guwardiya 1 at 2-mga bantay ng palasyo
Bata 1 at 2-- mga kalaro ni Bagoamama sa palasyo
Dama 1 at 2-mga alalay ng reyna at ng sultan
Mga Mandirigma-- magigiting na kawal ng sultan
Taumbayan 1, 2, 3, 4, 5, at 6—mga mamamayan ng Kaharian ng Agamaniog
Korong Babae - pangkat ng kababaihang tagapagsalaysay, set at props ng dula
Korong Lalaki-pangkat ng kalalakihang tagapagsalaysay, at set at props ng dula
Tagpuan:
Sa Kaharian ng Agamaniog. Isang matulaing kaharian ng mga Mëranao sa Lanao del Sur.

Ito ang mga link ng mismong kuwento:

Ang Mahiwagang Tandang (unang bahagi) https://www.youtube.com/watch?v=ML43bMhYw8Y

Ang Mahiwagang Tandang (ikalawang bahagi)

https://www.youtube.com/watch?v=UNTZkzHsDG8

-Pinagyamang Pluma 7

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
7

Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa

tanghalan/entablado. Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya
sa buhay na ipinamamalas sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng
buhay. Taglay nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga
suliranin o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o kinasawian. Gaya ng ibang katha. Ang
dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng pagbabago. Higit
na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita,
nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
Dipa man dumarating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay pinaniniwalaan nang kilala na ang dula sa
ating bansa. Nag-ugat ito sa mga ritwal at seremonyang isinasagawa noon ng ating mga ninuno tulad
ng cañao ng mga Igorot, ang bayak o embayoka ng mga Muslim (na kagaya ng iyong binasang dula),
ang Tatarin ng mga Tagalog, at iba pa.
Lalong naging mayabong ang dulaan sa bansa nang dumating ang mga Espanyol. Naipakilala nila sa
atin ang iba pang uri ng dula partikular ang mga dulang panlansangan at pantanghalan. Ilan sa mga
nakilalang dulang panlansangan sa bansa na laganap pa rin sa kasalukuyan ay ang sumusunod:
Tibag - Ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo. Ang mga tauhan o kasali sa pagtatanghal ay kahalo-halo ng taong- bayan.
Senakulo - Inilalarawan dito ang simula ng lahat--ang paglalang kay Eba at Adan, ang pagsilang kay
Jesus, ang kanyang kamatayan, at muling pagkabuhay. Itinatanghal ito bilang isang serye, mula Lunes
Santo hanggang Sabado de Gloria.
Panunuluyan - Ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, Disyembre 24 ng gabi bago mag-misa de
gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay Hesus.
Moriones - Ito ay dulang panrelihiyong ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro at
Marinduque tuwing Mahal na Araw. Ang mga karakter na gumaganap ay nakasuot o naglalagay ng
mga maskarang may iba't ibang kulay at iba pang palamuti o guhit sa kanilang katawan.
Santakrusan - Ito ay dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang marangyang parada ng mga
sagala at konsorte ang nagaganap. Sila ay lumilibot sa mga kalye hanggang sa makarating sa simbahan
upang maihatid ang krus.
Ang dulang panlansangan ay walang masasabing oras. Ito ay maaaring ganapin sa umaga, tanghali,
gabi, o depende sa pangangailangan. Ilan sa mga grupo ng mandudulang sumibol sa mga panahong ito
The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
8

ay ang Panday-Sining, Tanghalang Bayan, Gintong Silahis, Kamanyang Players at Kalinangang Anak-
Pawis. Kabilang sa mga nakilalang dulang naisula sa panahong ito ang Selda, Tunggalian, Huwelga,
at Barikada.

Pangungusap na walang paksa

Sa wikang Filipino ay may mga pangungusap na walang paksa. Ito ay ang sumusunod:
1. Eksistensyal – Ang mga pangungusap na eksistensyal ay nagpapahayag ng pagkamayroon
o ng kawalan.
Halimbawa:
a. May mga magsisipanood sa kalye.
b. Wala pang nanonood.

2. Modal – Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, puwede, maaari, dapat o kailangan.
Halimbawa:
a. Puwedeng sumali?
b. Maaari ba?

3. Padamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.

Halimbawa:
a. Bilis! c. Kay ganda ng buhay!
b. Laban! d. Ang bait!

4. Maikling Sambitla – Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig
na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Naku! c. Aray!
b. Grabe! d. Ay

5. Panawag – Matatawag ding vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing salita o panawag
na pangkamag-anak.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
9

Halimbawa:
a. Arthur! c. Hoy!
b. Ginoo! d. Kuya!

6. Pamanahon – Nagsasaad ng oras o uri ng panahon. May dalawang uri nito.

a. Penomenal – Pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayari pangkalikasan o

pangkapaligiran.

Halimbawa:
(1) Maalinsangan ngayon.
(2) Lumilindol!

b. Temporal – Nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian.

Halimbawa:
(1) Alas-dose na.
(2) Sabado ngayon
(3) Pasukan na.

7. Pormulasyong Panlipunan – Mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pang nakagawian na

sa lipunang Pilipino.
Halimbawa:
a. Mabuhay! c. Magandang araw
b. Makikiraan. d. Salamat.

IN-TEXT ACTIVITES

PowerPoint Presentation to be uploaded at MyLPU

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
10

Gawain 5: IsaTitik 1.0

Naipahahayag ang sariling pananaw sa mga pangyayaring kaugnay o kahawig ng

pangyayari sa akda.

Ipinakita sa dulang binasa na sa buhay ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng problema ito
man ay personal, sa pamilya, sa trabaho, at iba pa. Ngunit kung tayo ay magkakaroon ng positibong
pananaw, sipag determinasyon sa buhay, at pananampalataya sa ating Panginoon ay
mabibigyangsolusyon ang lahat ng ito. Kung sakaling maharap ka sa iba’t ibang problema gaya ng
kinaharap nina Bagoamama at Lokus a Babae, panno mo haharapin o tatanggapin ang mga ito?
Sagutin ang mga sitwasyon sa ibaba kaugnay ng pangyayaring ito sa buhay ng mag-ina. Ang sagot
ay hindi bababa sa 5 pangungusap at mas mainam na maglagay ng mga halimbawa sa realidad.

1. Malapit na ang pasukan, hindi ka pa naibibili ng gamit ng iyong magulang para sa paaralan.
Inuna muna nilang bayaran ang tuition fee mo para siguradong makapasok ka sa paaralan.
Paano mo sila matutulungan para sa iyong gamit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Malapit na ang iyong kaarawan. Naipangako ng iyong magulang na ipaghahanda ka nila

para sa espesyal mong araw. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng sakit
ang isa mong kapatid at kailangan ang pera upang siya ay maipagamot, ano ang gagawin
mo sa ganitong sitwasyon?
_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Narinig mo ang ksabihang “Hindi kasalanan ng tao kung siya ay ipanganak na mahirap
ngunit kasalanan na niya kung siya ay mamamatay o mabubuhay na mahirap.” Alam mong
laki sa hirap ang matalik mong kaibigan at tila nawalan na siya ng pag-asang makaahon sa
kahirapang kanilang nararanasan. Ano ang gagawin mo upang mapalakas ang kanyang
kalooban?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
11

Batay sa tatlong sitwasyon, paano mo mapatutunayan ang kasabihang “Sa buhay ay nasa
Diyos ang awa at nasa tao ang gawa” partikular sa pagharap sa mga problema o pagsubok
na nararanasan sa buhay.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Teknikal na Panuto:
 App o Program na maaaring gamitin: MS Word, MS PowerPoint at ibang pang app. 
Paper Size: Letter
 Maaaring maglagay ng disenyo sa pagiging malikhain (huwag lamang puro disenyo ang
nakalagay)
 I -upload bilang PDF file sa MyLPU, ang filename ay LASTNAME_SECTION_IsaTitik.1
(Isang beses lamang maaaring mag-submit kaya siguraduhin ang file na ipapasa ay ang
tamang gawain o file).

Pamantayan:
Nilalaman - 5 puntos
Gramatika – 5 puntos
Malikhain - 3 puntos
Organisado/sistematiko- 2 puntos
Kabuuang Puntos: 15 puntos

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
12

SESSION SUMMARY
(PAGLALAHAT)

Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na itinuturing na paggagad ng realidad.

 Tibag - Ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa
krus na pinagpakuan kay Kristo.
 Senakulo - Inilalarawan dito ang simula ng lahat--ang paglalang kay Eba at Adan, ang
pagsilang kay Jesus, ang kanyang kamatayan, at muling pagkabuhay.
 Panunuluyan - Ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, Disyembre 24 ng gabi bago
magmisa de gallo.
 Moriones - Ito ay dulang panrelihiyong ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro
at Marinduque tuwing Mahal na Araw.
 Santakrusan - Ito ay dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang marangyang parada
ng mga sagala at konsorte ang nagaganap.
Eksistensyal – Ang mga pangungusap na eksistensyal ay nagpapahayag ng pagkamayroon o ng
kawalan.
Modal – Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, puwede, maaari, dapat o kailangan.
Padamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito
Maikling Sambitla – Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Panawag – Matatawag ding vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing salita o panawag na
pangkamag-anak.
Pamanahon – Nagsasaad ng oras o uri ng panahon. May dalawang uri nito.
 Penomenal – Pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayari pangkalikasan o
pangkapaligiran.
 Temporal – Nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian.
Pormulasyong Panlipunan – Mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pang nakagawian na sa
lipunang Pilipino

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
13

Ngayon na natapos na
nating talakayin ang
mga aralin. Subukinpa
natin kung inyo bang
naunawaan angaralin!

https://hinessight.blogs.com/.a/6a00d83451c0aa69e201bb0
96945f0970d-800wig accessed September 5,2020

Nasusuri kung ang pahayag ay katotohanan o opinyon.

Lagyan ng tsek (√) ang mga pangungusap na walang paksa o ng ekis (x) ang hindi.

1. Ang galing niyang umarte.

2. Asus!

3. Lunes na bukas.

4. Ibig ko itong mapanood.

5. Makulimlim kahapon.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
14

Layunin: Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan

at naipaliliwanag ang patalastas na nabuo tungkol dito

Ikaw ay isang director ng commercial advertisement. Nahilingan kang gumawa ng

patalastas para sa produksiyon ng isang dulang panlansangang iyong napanood.
Gagawin mo ito upang mahikayat ang kapwa mo mag-aaral na panoorin din ang nasabing
dula. Sa pagbuo ng komersiyal ay gumuhit ng poster at maglagay ng mga tagline o quote
upang makapanghikayat sa makakakita nito. Ipaliwanag sa simpleng pamamaraan kung
bakit iyan ang nabuo mong patalastas.
Ang komersiyal na bubuoin ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng pamantayan na
nasa ibaba.

Pamantayan Laang Puntos

Malikhain, kawili-wili, at nakapupukaw ng 10
atensiyon ng mga manonood.
Malinaw na makikita ang mensaheng nais 7
iparating
Naipaliwanag nang mahusay ang 8
nabuong patalastas
Kabuoang Puntos 25 puntos

Teknikal na Panuto:
 App o Program na maaaring gamitin: MS Word
 Paper Size: Letter
 Maaaring maglagay ng disenyo sa pagiging malikhain (huwag lamang puro disenyo ang
nakalagay)
 I -upload bilang PDF file sa MyLPU, ang filename ay LASTNAME_SECTION_Isatitik.2
(Isang beses lamang maaaring mag-submit kaya siguraduhin ang file na ipapasa ay ang
tamang gawain o file).

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
15

At dito nagtatapos ang Modyul 5

Mga Sanggunian:

1. Julian, A. B., Lontoc, N. S., Jose, C. E., & Dayag, A. M. (2018). Pinagyamang Pluma Wika
at Panitikan (Ikalawang Edisyon ed.). Quezon City: Phoenix Publishing House
Incorporation. (Ang makikita sa taas ay hiniram lamang sa aklat na ito .)
2. Binibining Gaile. (2020, August 20). Aralin sa Baitang 7- Ang Mahiwagang Tandang
(Unang Bahagi). YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=ML43bMhYw8Y
3. Binibining Gaile. (2020b, August 27). Aralin sa Grade 7- Ang Mahiwagang Tandang
(Ikalawang Bahagi). YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=UNTZkzHsDG8

Kasagutan sa Pagwawasto

Payabungin Natin
1. Karaniwan
2. Maunlad
3. Pahinga
4. Bumuhay
5. Magagara

Pagtataya

Madali lang yan

1. Ekis
2. Tsek
3. Tsek
4. Ekis
5. Tsek

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.

You might also like