0% found this document useful (0 votes)
233 views33 pages

Filipino 6

Ang dokumento ay tungkol sa isang markahan sa asignaturang Filipino 6. Binibigyang diin nito ang pag-unawa at paggamit ng mga uri ng pang-uri at pangngalan sa wikang Filipino. Binibigyang halimbawa ang paglalarawan ng sarili, ibang tao, at kalikasan sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga ito.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

MAGIS ACADEMY

10 Tindalo St., Town and Country Executive Village, Marcos Hi-way,

East Cainta, Rizal
Tel nos. 646-2636, 655-5683
Email: [Link]@[Link]
Fb page: [Link]
Website: [Link].

EXCEPTIONAL STUDENTS EDUCATIONAL PROGRAM

S.Y. 2023 - 2024

FILIPINO 6

IKA-APAT NA MARKAHAN

Modyul No. 1 Pagbasa

Pamagat: Salamat, Kalikasan!

[Link] Pagkatuto:

 Naibibigay ang kahulugan ng salita na pamilyar at di- pamilyar

sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang tula.
 Naipahahayag ang paghahambing sa paraang simili.

II. Nilalaman:

Kasanayan:
 Napapalawak ang talasalitaan
 Natutukoy ang simili o pagtutulad sa pangungusap.
Sanggunian: Pinagyamag Pluma 6 (wika at Pagbasa)
Bukal ng lahi 6
Materyales: Libro at powerpoint slide

1
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Pagpapahalaga: Nabibigyan-halaga ang pag-aaral ng magandang
dulot ng Kalikasan sa ating buhay.
[Link]: Pagpapnuod ng video/tungkol sa kalikasan
/[Link]
[Link]: Bilang isang batang, sa paanong paraan mo
maipapakita ang pangangalaga mo sa ating kalikasan sa pang
araw-araw na pamumuhay.

TANDAAN!

2
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
I. Bago Magbasa

Talasalitaan: (magkapareho ang kahulugan)

natatakpan
pagmasdan
mga bagong tanim na halaman
malawak na kapatagan
galaw ng pakpak ng mga ibon habang lumilipad
paitaas na paglipad
dumaraan ang panahon
nakahiga

II. Pagbasa:

Salamat, Kalikasan! /[Link]

III. Pagkatapos ng pagbasa

Talasalitaan na may kahulugan

natatakpan - nalulukuban
pagmasdan - pagmalasin
mga bagong tanim na halaman - punla
malawak na kapatagan - kaparangan
galaw ng pakpak ng mga ibon habang lumilipad - pagaspas
paitaas na paglipad - pailanlang
dumaraan ang panahon - lumilipas
nakahiga – nakahimlay

Paghahambing sa pamamagitan ng Simili o Pagtutulad

3
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Simili o pagtutulad

ay ang ekspresyong nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang

bagay na magkaiba.
Ang paghahambing ay inilalahad sa pamamagitan ng mga salitang tila,
gaya, kapara, pareho, tulad, animo, o sa pamamagitan ng mga
panlaping mala-, ga-, o iba pang kauri nito.

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng bawat salita sa loob ng kahon at
isulat ang tamang sagot sa patlang.

4
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
punla nalulukuban pailanlang
pagaspas nakahimlay kaparangan
lumilipas pagmalasin

_______________ 1. natatakpan

_______________ 2. pagmasdan

_______________ 3. mga bagong tanim na halaman

_______________ 4. malawak na kapatagan

_______________ 5. galaw ng pakpak ng mga ibon habang lumilipad

_______________ 6. paitaas na paglipad

_______________ 7. dumaraan ang panahon.

_______________ 8. nakahiga upang magpahinga

Gawain 2
Panuto: Salungguhitan ang simili o pagtutulad sa bawat pangungusap.

5
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
1. Ang buhay ng tao ay katulad ng araw na sumisikat at lumulubog sa
loob ng ilang panahon.

2. Tila mga babaeng umiimbay ang mga tanim na palay.

3. Ang mga patak ng ulan ay musikang masarap na pakinggan.

4. Luntiang alpombra ang mga damo sa kaparangan.

5. Ang kalayaan ay katulad ng ibon.

Gawain 3

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

6
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
1. Ano- ano ang mga larawang pumasok sa iyong isipan habang binabasa ang
tula?
a. _____________________________
b. _____________________________
c. _____________________________
d. _____________________________
e. _____________________________
f. _____________________________

2. Ano ang damdamin ang ipinaparating ng may-akda ng tulang ito?

_____________________________________________________

Gawain 4
Panuto: Iguhit sa ibaba ang imaheng visual na nabuo sa iyong isipan noong
binasa mo ang seleksyon. Kulayan ito.

7
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Sa ibaba ng larawan, ilahad mo ang kagandahan ng kalikasan. Bakit natin
dapat na pasalamatan ang Maykapal sa kalikasang kanyang ipinagkaloob sa
atin?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

FILIPINO 6

8
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
IKA-APAT NA MARKAHAN

Modyul No. 2: Wika

I. Layuning Pagkatuto:

 Nagagamit ng wasto ang mga uri ng pang-uri sa pagsasalita

tungkol sa sarili, ibang tao sa paligid
 Naaggamit nang maayos ang mga pang-uri sa mabisang
pagpapahayag
II. Nilalaman:

Kasanayan:
 Natutukoy ang ang iba’t ibnag uri ng pang-uri
 Nakakabuo ng pangungusap gamit ang pang-uri
Sanggunian: Pinagyamag Pluma 5 (wika at Pagbasa)
Bukal ng lahi 5
Vinta (Paglalayag sa Wikang Filipino)
Materyales: Libro at powerpoint slide
Pagpapahalaga: Nabibigyan halaga ang pandiwa sa paligid at sa
buhay

III. Pagganyak: Pagpapakita ng larawan

[Link]: Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga halimbawa ng
mga uri ng panguri na nakikita sa kanilang paligid.

MGA URI NG PANG-URI

9
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Pagkilatis sa mga Uri ng Pang-uri

Ang Pang-uri - ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pangalan o

panghalip.

May ilang mga uri ng pang-uri

1. Panlarawan- ito ay mga pang-uring nagsasaad ng hitsura, laki, lasa,

hugis, kulay, o ibapang katangian ng pangalan o panghalip.

Halimbawa:

 Nagtataasan ang mga puno ng nara.

 Kulay bughaw ang kalangitan.

 Malawak ang Karagatang Pasipiko.

 Ito ang pinakamasarap na kapeng matikman ko.

2. Pantangi – ito ay mga pangngalang pangtangi na ginagamit upang

maglalarawan ng pangalan.

- Sapagkat pantangi, nagsisimula rin ito sa malalaking titik

kapag isinusulat.

Halimbawa:

 Paborito ni Lolo Jose ang kapeng Batangas.

10
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
 Nagbilin kami ng pansit Malabon kay Iday.

 Masarap ang ensaymadang Malolos.

 Matatamis ang mga suhang Davao.

3. Pamilang – ito ay nagsasabi ng dami o bilang, bigat, halaga, o

pinagkakasunod-sunod ng pangalang o panghalip.

Mayroon ding ilang uri ang mga pang-uring pamilang.

a. Patakaran o Kardinal – Ang mga ito ay naglalarawan ng karaniwang

paraan ng pagbibilang ng pangalan o panghalip.

Halimbawa: isa, dalawa, tatlo.

 Mayroong tayong tatlong araw para tapusin ang proyektong ito.

 Limang araw nang absent si Toto. Bakit kaya?

b. Panunuran o Ordinal –Ito ay naglalarawan ng pagkakasunod-sunod ng

mga pangalan o panghalip.

- Gumagamit ito ng mga panlaping pang – o ika-

Halimbawa:

una, pangalawa, pangatlo, ikalawa, ikatlo, atbp.

 Nakamit ng aming team ang unang gantimpala sa pagbigkas.

11
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
 Nagpamisa ang pamilya sa ikasiyam na araw ng pagkamatay ng

kanilang tiyuhin.

c. Pamahagi – naglalarawan ito ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati ng

kabuan ng isang bagay.
- Gumagamit ito ng mga panlaping ika-at ka-
Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)

 Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.

 Bigyan mo si Loida ng kalahati ng pansit.

d. Palansak – ito ay naglalarawan ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga

pangalan o panghalip.

Halimbawa: aanim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa o

tigagalawa, dalawahan
 Bumuo tayo ng tulang may wawaluhing pantig.

 Tigsasampung mansanas ang laman ng bawat supot.

e. Pahalaga – Naglalarawan ito ng halaga ng isang bagay,

- Gumagamit ito ng panlaping tig-

Halimbawa:

 Tiglilimang
May ilang piso ang
pagbabaybay isang bungkos
na sumusunod sa ng kangkong.
pagsulat ng mga pamilang.

1. gamit ng panlaping ping –

pang-una pang-apat pampito pansampu

pangalawa panlima pangwalo pandalawampu

pangatlo pang-anim pansiyam pang-isandaan

12
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Matatandaan na

a. ang pam- ay ginagamit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa

titik na b o p;

b. ang pan – ay sumusunod sa mga salitang –ugat na nagsisimula

sa patinig at sa iba pang mga katinig na hindi
kasama sa mga unang nabanggit.
 Ginagamit ang gitling kapag ikinakabit ang pang- sa mga
salitang ugat na nagsisimula sa patinig.

2. Gamit ng panlaping ika-

ikalawa ikalima ikawalo ikadalawampu

ikatlo ikaanim ikasiyam ikatatlumpu

ikaapat ikapito ikasampu ikalimampu

3. Gamit ng panlaping ka-

kalahati (1/2) kalima (1/5) kawalo (1/8)

katlo (1/3) kanin (1/6) kasiyam (1/9)

kapat (1/4) kapito (1/7) kasampu (1/10)

 bahagdan (1/100)

Ang mga halimbawang binaggit ay isang bahagi lamang ng kabuan.

13
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Kapag higit sa isang bahagi ang tinutukoy, ganito ang paraan ng
pagpapahayag:

 dalawang ikatlo (2/3) tatlong kapat (3/4)

 apat na kalima (4/5) limang kanim (5/6)

4. gamit ng panlaping tig-

tig-isa o tigisa tig-apat o tigapat tigpito

tigalawa tiglima tigwalo

tigatlo tig-anim o tiganim tigsiyam

Gawain 1

Panuto: Salungguhitan ang pang-uring ginamit sa loob ng pangungusap.

1. Malinaw at malakristal ang tubis sa lawa.

2. Nagkayayaang maligo ang dalawang batang paslit.

3. Masarap ang manggang hilaw na may kasamang bagoong Pangasinan.

4. Pinahiran niya ng sukang Ilokano ang noo ng maysakit.

14
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
5. Ngayon ang ikalabingwalong kaarawan ni Anna.

6. Umupo ang mayamang si Donya Clara sa uhanang upuan.

7. Sandaang kabit-kabit na mga lobo ang pinalipad sa himpapawid

8. Pitumpu’t pito ang putting rosas ang ikinabit nila sa arko.

9. Nagyeyelo sa lamig ang tubig sa ilog.

[Link]-pirasong papel ang laman ng lumang baul.

Gawain 2
Panuto: Punan ng angkop na pang-uring panlalarawan ang patlang.

1. Magdamag na inubo ang ____________________________ ina.

2. Kinagigiliwan ng lahat ang batang _____________________.

3. Gabing-gabi na halos natutulog ang ________________________

na si Brian sa kaaaral ng leksyon.

15
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
4. Halos napaso ako nang aking tikman ang _______________ na
champarado.

5. Pinirito ng Ate ang _______________ na saging na saba.

6. Nahiwa ako ng ___________________na kutsilyo.

7. Nakaharang ang _________________________ mesa sa daanan.

8. Nakatulog ang sanggol sa ____________________ na kama.

9. Maraming nahuling isda ang ___________________na mangingisda.

10. Isang ________________awit ang ihihandog nila sa mga manonood.

Gawain 3

Panuto: Isulat sa patalng ang pamilang na tumutugon sa bawat bilang na

nasa

loob ng pangungusap.

__________1. Kailangan natin ng (1/4) tasa ng arina.

__________2. Ano ang (8) buwan sa isang taon.

__________3. Si Ronel ang tumanggap ng (3) gantimpala.

16
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
__________4. (P 250) na raw ang kilo ng isda.

__________5. (2/3) ng solusyong ito ay tubig.

__________6. Sa Biyernes ang (10) kaarawan ni Leo.

__________7. Ano ang (18) titik sa alpabeto?

_________ 8. Kailangan nating lakarin ang may (1 ½) kilometrong daang

ito.

_________9. Ang bawat linya ay may (5) bata.

_________10. (4/5) ng kanyang baon ay kanyang innipon.

FILIPINO 6

IKA-APAT NA MARKAHAN

Modyul No. 3 Pagbasa

Pamagat: Ang Punong Mapagbigay

[Link] Pagkatuto:

 Nasasagot ang mga tanong sa binasang tula.

17
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
 Naipapaliwanag sa sariling pangungusap ang mensahe ng tula.

II. Nilalaman:

Kasanayan:

 Napapalawak ang talasalitaan

 Natutukoy ang uri ng pagtutugmang

Sanggunian: Pinagyamag Pluma 6 (wika at Pagbasa) Bukal ng lahi 6

Materyales: Libro at powerpoint slide

Pagpapahalaga: Nabibigyan-halaga ang mga nakukuha natin mula sa mga

puno.

[Link]: Pagpapanuod ng Video ([Link]

[Link]: Ano-ano ang mga pakinabang na makukuha natin mula sa

mga puno sa pang araw-araw na pamumuhay.

 Bilang isang bata, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagaalaga mo

sa mga puno.

TANDAAN!
I. Bago Magbasa

Talasalitaan:
malasakit
balintataw
umindayog
namalisbis
tumana

18
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
nababakas
katoto
nangulila
nag-aanyaya
tinagpas

II. Pagbasa:

Ang Punong Mapagbigay

III. Pagkatapos ng pagbasa

Talasalitaan na may kahulugan

tumana – taniman ng gulay
malasakit – pag-aalala, nababakas – nakita, naalala
pagmamahal katoto - kaibigan
balintataw – guniguni o isipan nangulila - nalulungkot
umindayog - umugoy-ugoy nag-aanyaya –nag-iimbita
namalisbis –tumulo, umagos tinagpas – tinaga

Gawain 1

Panuto: Tukuyin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng bawat salita.

Isulat sa patlang ang tamang sagot.

pagmamahal guniguni o isipan umugoy-ugoy

tumulo taniman ng gulay nakita

kaibigan nalulungkot nag-iimbita

tinaga19
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
_________________1. malasakit

_________________2. balintataw

_________________3. umindayog

_________________4. namalisbis

_________________5. tumana

_________________6. Nababakas

_________________7. katoto

_________________8. Tinagpas

_________________ 9. nangulila

_________________10. nag-aanyaya

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanugan

1. Ano ang pamagat ng tula?

_______________________________________________________

_____________________

20
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
_______________________________________________________

2. Sino-sino ang mga tauhan sa tula?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____________________
_______________________________________________________

3. Ano ang madalas na ginagawa ng tauhan noong siya ay bata pa?

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____________________
_______________________________________________________

4. Anong damdamin ang nadarama ng tulang ito?

_______________________________________________________
_______________________________________________________

FILIPINO 6

IKA-APAT NA MARKAHAN

Modyul Blg. 4 Wika

Pamagat: Kayarian ng Pang-uri

I. Layuning Pagkatuto:

21
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
 Nagagamit ng wasto ang kayarian ng pang-uri sa
pagsasalita
tungkol sa sarili, ibang tao sa paligid
 Nagagamit nang mabisa ang mga pang-uri sa pagpapahayag

II. Nilalaman:
Kasanayan:
 Natutukoy ang ang iba’t ibnag kayarian ng pang-uri
 Nakakabuo ng pangungusap gamit ang kayarian ng
pang-uri
Sanggunian: Pinagyamag Pluma 5 (wika at Pagbasa)
Bukal ng lahi 5
Vinta (Paglalayag sa Wikang Filipino)
Materyales: Libro at powerpoint slide
Pagpapahalaga: Nabibigyan halaga ang mga kayarian ng pang-uri
sa paligid at sa buhay

III. Pagganyak: Pagpapakita ng larawan

[Link]: Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga halimbawa ng
Kayarian ng panguri na nakikita sa kanilang paligid.

Kayarian ng Pang-uri

Pagsusuri sa Kayarian ng Pang-uri

May Apat na Kayarian ang pang-uri

22
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
1. Payak – ito ay pang-uring binubuo ng likas na salita lamang o salitang
walang lapi.

Halimbawa:
simpelng buhay payat na alimasag
lumang damit puting panyo
basag na baso bilog na mesa

2. Maylapi- ito naman ang pang-uring binubuo ng salitang-ugat na

kinakabitan ng panlapi.

Halimbawa:
malayang ibon mapagmahal na ina
luntiang damo mapang-akit na mga mata
makataong gawain palabirong bata

Ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga pang-uring maylapi ay

tinatawag na panlaping makauri.

Ang ilang pinakagamiting panlaping makauri ay ang mga sumusunod:

a. ma-

Halimbawa:

matibay mataas masipag maalalahanin

23
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
b. maka-

Halimbawa:

makabago makatao makaluma maka-diyos

c. mala-

Halimbawa:

malarosas malahigante maladiyosa malaprinsesa

d. mapag-

Halimbawa:

mapagmahal mapagmalaki mapagpatawa mapagbiro

e. mapang-, mapan-, mapam-

Halimbawa:

mapang-akit mapanira mapamihag mapang-api

f. pala-

Halimbawa:

paladasal palasumbong palabiro palaaral

g. -an,-han

Halimbawa:

24
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
putikan butuhan pangahan putian

h. -in, -hin

Halimbawa:

sipunin ubuhin patpatin dumihin

i. ma-, -in

Halimbawa:

maramdamin maawain matulungin mainipin

Matatadaang pinag-aaraln na antin ang mga panlaping ito bilang mga

panlaping makangalan. Samakatuwid, halos iisa ang panlaping makangalan at
panglaping makauri.

Ang salita ay magiging pangalang o pang-uri ayon sa gamit nito sa

pangungusap.

Halimbawa:

1. Ang Mabuti ay pinagpapala ng Diyos. (pangalan)

Ang mabuting bata ay pinagpapala ng Diyos. (pang-uri)
2. Tunay na nagmamahal sa mundo ang mga makakalikasan. (pangalan)
Kailangan natin ng mga batas na makakalikasan. (pang-uri)
3. Ang palaaral ay nakakakuha ng mataas na grado. (pangalan)
Si diego ay palaaral. (pang-uri)

25
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
4. Ibukod mo ang mga putian sa de-kolor. (pangalan)

Mahilig siya sa putiang pantalon. (pang-uri)

3. Inuulit- Ang pang-uring inuulit ay salitang ugat o salitang maylapi na may

pag-uulit.

Maaring ganap o di-ganap ang pag-uulit

Halimbawa:

1. daang-daan tao 3. marami-raming papel

2. putting-putting blusa 4. matagal-tagal na panahon

Mapapansing nagkakrooon ng pag-iiba sa kahulugan ng pangungusap sa

paggamit ng mga pang-uring ganap-o di ganap.

Suriin ang mga halimbawang ito.

Ipaliwanang ang ibig sabihin ng mga salitang inuulit.

Halimbawa

 Puting-puti ang suot ng babaeng ikakasal.

 Maputi-puti na itong kamisetang binabad sa sabon.
 Mapulang-mapula ang lipstick ng bidang babae.
 Mapula-pula na ang kamatis. Malapit na itong mahinog.
 Itim na itim na kanyang mahabang buhok
 Maitim-itim pa rin ang braso niyang nasaktan.

26
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
3. Tambalan – Ito ang pang-uring binubuo ng dalawang salitang pinag-
isa.

Halimbawa:

taos-pusong pasasalamat ilaw na patay-sindi

kaliwa’t-kanang paa taas-babang lagnat

Pagsusuri sa kailanan ng Pang-uri

Ang pang-uri ay mayroon ding kailanan. Ito ang nagsasabi kung ilang ang
pinatutungkulan ngb paglalarawan.

1. Isahan – angyong isahan ang pang-uri kung iisa lamang ang inilalarawan.

Ang pang-uring ito ay naippakita sa pamamagitan ng paggamit ng mga

panlaping pang-isa, tulad ng ma-, maka-, pala- at iba pang kauri nito.

Maari ring gamitin ang bilang na isa.

Halimbawa:

 Masigla na ang batang may sakit.

 Palabiro ang aking kuya.
 Isang matinding dagok ang kanilang nararanasan.

27
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
2. Dalawahan- ito ang pang-uring naglalarawan ng dalawa. Naipapakita ito
sa

paggamit ng salitang mga, dalawa, o kapwa at sa paggamit ng

mga panlaping magk-, magsing-magsin-o, magsim-.

Halimbawa:

 Dalawang basket ng bayabas ang kanilang napitas.

 Kapwa malilikot ang mga batang sina Edgar at Rex.
 Magsindami ang naipon nilang plastic na bote.

3. Maramihan- ito ang pang-uring nagallarawan ng tatlo o hgit pa.

Naipapakita ito sa pamamagitan ng sumusunod:

a. sa paggamit ng pantukoy na mga

b. sa pag-uulit ng unang pantig o bahagi ng unang pantig sa salitang ugat.

c. sa pamamagitan ng pog-uulit ng pantig na ka sa panlaping magka-

magkasing-

d. sa pagbanggit ng bilang na higit sa dalawa.

e. sa paggamit ng salitang marami o katumbas nito.

Halimbawa:

 Masasarap ang mga bagong huling isda at halimasag

 Magkakasingulang sina Bea, Leila at Annie
 Sampung hakbang ang layo ni Ginang Veles kay Arnaldo.

28
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
 Laksa-laksang langaw ang sumalubong sa kanila sa tambakan ng
basura.

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang kayarian ng pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat sa

29
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
patlang ang P kung ito ay payak, M kung maylapi, I kung
innulit at T kung tambalan.

______1. Kinain nila kaagad ang mainit-init na bibingka.

______2. Hinubad niyang dali-dali ang kanyang putikang uniporme

______3. Maladagat ng basura ang inaanod sa Manila bay.

______4. Hindi mahulugang -karayom ng mga taong sumamam sa fun run.

______5. Maputlang-maputla ang ginang na nawalan ng malay.

______6. Malawak ang kanyang kaalaman tungkol sa agrikultura.

______7. Pabalik-balik ang alon sa dalampasigan.

______8. Tapat ang mga doctor sa kanilang sinumpaang tungkulin.

______9. Tahimik na ang paligid matapos ang matinding hagupit ng bagyo.

______10. Hanggang ngayon ay abot-leeg pa ang tubig sa ilang bayan.

Gawain 2

30
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Panuto: Bumuo ng iba’t ibang mga pang-uri buhat sa ibinigay na salitang-
ugat

1. busog inuulit: __________________

[Link] tambalan: ________________

[Link] maylapi: _________________

[Link] inuulit: __________________

[Link] maylapi: _________________

6. init inuulit: ________________

7. tuhod tambalan: _______________

8. lambot inuulit: ________________

9. sarap maylapi: _______________

[Link] maylapi: _________________

31
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
Gawain 3

Panuto: Salungguhitan ang pang-uri. Suriin kung isahan, dalawahan o

maramihanang tinutukoy ng pang-uru sa pangungusap. Isulat ang

sagot sa patlang.

_________1. Sampung medalya ang pinagkaloob ng komite.

_________2. Magaganda ang mga lakambining itinanghal sa pista.

_________3. Magsimbango ang sampagita at kamya.

_________4. Napakahaba ng pelikulang aming pinanood.

_________5. Paulit-ulit ang mga katanungan ng pulis.

________6. Magkakampi ang mga batang sina Julian at Dodong.

________7. Makasaysayan at matatanda na ang mga simbahang makikita

sa

Ilocos.

32
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.
_______8. Maraming makabagong kagamitang mabibili sa Trade Fair.

Gawain 4

Panuto: Gawing maramihan ang sumusunod na mga pangungusap. Maaaring

palitan ang ilang mga salita sa pangungusap.

1. Magkasinggaling ang magpinsan

______________________________________________________.

2. Matamis ang prutas na ito.

____________________________________________________.

3. Magkakulay ang dalawang bandana.

____________________________________________________.

4. Kapwa maganda ang ginagawa nilang proyekto.

____________________________________________________.

5. Magkasimbigat ang dala nilang mga bag.

______________________________________________________.

33
This document is property of Magis Academy. Usage of this document other than its intended purpose, including reproduction,
redistribution, or forwarding of this document to any third party, in whole or in part, without the permission of the school, is strictly
prohibited.

You might also like