You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO 10


DULA

Pangalan ng mag-aaral: __________________________________________


Baitang: __________________________________________
Seksiyon: __________________________________________
Petsa: __________________________________________

A. Nilalaman ng Aralin

Ang aralin sa linggong ito ay tungkol sa dula at mga uri ng dula. Matatalakay din sa
araling ito ang kaibahan ng dula sa ibang uri ng panitikan.

B. Learning Competency with code

1. Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa


napakinggang usapan ng mga tauhan (PN 40).
2. Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa
daigdig (PB 41).
3. Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura
kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa (PU 44).

Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:


a) Matukoy ang pagkakaiba ng dula sa ibang uri ng akdang pampanitikan
b) Natutukoy ang uri ang dula batay sa kayarian nito
c) Nailalahad ang damdamin o mensahe ng binasang dula
d) Natutukoy ang kultura ng mga bata batay sa dulang sinulat sa kanilang lugar

C. Pangkalahatang Paalaala
Matapos mong mapag-aralan ang lahat ng ito ikaw ay:
1. Basahing mabuti at sundin ang isinasaad ng bawat panuto.
2. Sikaping matapos at masagutan ang lahat ng mga Gawain sa Pagkatuto.
3. Huwag ng gumammit ng ibang papel sa pagsasagot. Gamitin ang modyul na
ito sa pagsasagot.
4. Para sa iyong mga katanungan, makipag-ugnayan sa iyong guro.

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

D. Mga Gawain
Ating alamin

Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa yugto o ang kabanata at maraming
tagpo o ang pagpasok at paglabas ng tauhan sa isang eksena.. layunin ng dula ay ang
maitanghal sa entablado. Ito ay maaaring hango sa tunay na buhay o likha ng malaya at
malikhaing-kaisipan ng manunulat o script writer. Lahat ng itatanghal sa dula ay naaayon
sa iskrip (script).

Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap:

1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.


2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan

Narito ang elemento ng dula:

1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay
na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag
walang iskrip
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng
isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang
klase
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

SANGKAP NG DULA
1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin;
maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa
mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang
isang dula
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan;
sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

MGA URI NG DULA AYON SA ANYO


1.Trahedya-isang dulang ang bida protagonista ay humahantong sa isang
malungkot na wakas. Maari siyang mamamatay o mabigo sa paglutas ng
kanyang suliranin.

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

2.Melodrama-isang dulang may malungkot na sangkap ngunit nagtatapos


nang kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan. Humihikayat ito ng
pagkaawa para sa protagonista at pakamuhi sa antagonista.
3.Parsa-isang dulang pangunahing layunin ay mag-dulot ng katatawanan sa
mga tagapanood. Ito'y gumaamit ng eksaheradong pontamina,
pagbobobo(clowning) mga nakakatawa,nakakatawang komikong pagsasalita
ng karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di-akmang layunin at di
pakaunawaan.
4.Komedya-ang mga elementong, makaparsa, gaya ng pagbobobo
(clowning) pagbibigay ng mga biro, mga nakakatawang kilos o iba pang
sangkap ng maraming komedya. Ang komedya ay nakakahigit sa parsa higit
na seryoso at kapanipaniwala. Ang mga tauhan ay nakikita sa lipunan ng
mga indibidwal. Maaari silang pagtawanan o makitawa sa kanila ng may
pansin sa kanilang kalagayan o suliranin.
5.Saynete-isang yugtong nakakatawa diwa na nauukol sa mga popular na
tauhan.

Basahin ang Dula

PLOP! CLICK!
(Dobu Kacchiri)
Mga Tauhan:
KOTO
KIKUICHI
ISANG NAGDARAAN
KOTO: Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi
para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi?
KIKUICHI: Nariyan na!
KOTO: Nasaan ka?
KIKUICHI: Heto na ‘ko.
KOTO: May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong
hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong
magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
KIKUICHI: Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

KOTO: Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake.


KIKUICHI: Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.
KOTO: Umalis na tayo agad. Halika na!
KIKUICHI: Nakahanda na ako.
KOTO: Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang
dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang
pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa
kasayahang nalalasap mo.
KIKUICHI: Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya,
kapag nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong
magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO: Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot
dito.
KIKUICHI: Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO: Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan
ang pakiramdam ko.
KIKUICHI: Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO: Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka
na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo
ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?
KIKUICHI: Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na
lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin
kong malaking utang-na-loob.
KOTO: Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang
isang berso.
KIKUICHI: Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO: “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking
giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—
silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-
pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang
baba ng ilan, at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at
pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na


raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!…”
KIKUICHI: Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO: Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin!
KIKUICHI: Sige lang, sumusunod ako.
KOTO: Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito
nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
KIKUICHI: Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo,” gagawin kitang isang “Koto”.
KIKUICHI: Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO: Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat.
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga ‘yon.
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?
KIKUICHI: Ano nga bang dapat nating gawin?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako
sa kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag
ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa ‘yon? TitigiI muna ako rito
at panoorin sila pansumandali.
KOTO: Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI: Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO: Malalim doon.
KIKUICHI: Malalim na malalim doon.
KOTO: Subukan mo sa ibang direksiyon.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO : Mababaw doon.
KIKUICHI: Mukha ngang mababaw doon.
KOTO: Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI: Pero amo, teka muna sandali.
KOTO: Bakit?
KIKUICHI: Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.
KOTO: Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
6
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

KIKUICHI: Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa
kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO: Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo.
Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang painut-inot.
KIKUICHI: Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang
mabuhat ko kayo sa aking likuran.
KOTO: O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero
kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.
KIKUICHI: Salamat, nakahanda na ako.
NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat
sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang
magpapabuhat patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI).
KIKUICHI: Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa
dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa
ko ito nang walang kahirap-hirap, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-
tuwa ako.
KOTO: Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito
maintindihan. Ki-ku-i-chi! Na-sa-an ka?
KIKUICHI: Na-ri-to a-ko!
KOTO: Bakit di mo pa ako buhatin patawid?
KIKUICHI: Pero kabubuhat ko lang sa inyo.
KOTO: Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako
nabubuhat. Ang hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid.
KIKUICHI: (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawid na muli
rito Amo?
KOTO: Kailan? Aba’t walanghiya ‘tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’t
buhatin mo na ako agad.
KIKUICHI: Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na
kayo sa likod ko.
KOTO: Huwag kang magalaw.
KIKUICHI: Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito.

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

KOTO: Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw.


KIKUICHI: Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo!
NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!
KOTO: Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba
tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa.
KIKUICHI: Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako,
pero natalisod ako. Patawarin ninyo ako.
KOTO: Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon.
May nangyari ba sa sake?
KIKUICHI: Anong sabi n’yo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya.
KOTO: Giniginaw na ‘ko. Tagayan mo ako.
KIKUICHI: Sige po.
NAGDARAAN: Aba’t may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.
KIKUICHI: Nagtatagay na po ako. Glug, glug!
KOTO: Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.
KIKUICHI: Sigurado, Amo.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!
KOTO: Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
KIKUICHI: Pero katatagay ko lang po’t binigay ko sa inyo.
KOTO: Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
KIKUICHI: Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko
na ang baso.
KOTO: Sige, bilisan mo.
KIKUICHI: Eto na. Glug, glug!
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Aba’t may kasunod pa! Walang kasinsarap ang
sakeng ito!
KOTO: Tama na ‘yan. Uminom ka rin nang kaunti.
KIKUICHI: Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po
ba?
KOTO: O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
KIKUICHI: Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo.

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
8
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

KOTO: Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi
kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mo’ng pag-
inom.
KIKUICHI: Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito
nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po
kayong tagay.
KOTO: Aba’t talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ‘ko at
pinalalabas na iniinom ko’ng tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.
KIKUICHI: Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
KOTO: Ano? Ni isang patak wala nang natira?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila.
Bang! Bangg!
KOTO: Aray,aray ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin,
ngayon naman may gana ka pang bugbugin ako.
KIKUICHI: Ano’ng sabi ninyo? Bugbugin?
KOTO: Sinaktan mo na ako, ulol!
KIKUICHI: Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon
ninyo ang mga kamay ko.
KOTO: A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?
KIKUICHI: Aray, aray ko po! Inaakusahan n’yo na nga ako ng kung anu-anong hindi
ko naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang
isang walang kasalanang katulad ko?
KOTO: Aba’t ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko.
KIKUICHI: Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa?
KOTO: Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?
KIKUICHI: Nasa binti ko ang mga kamay ko.
KOTO: Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
KIKUICHI: Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo.
KOTO: Ano? Abusuhin?
KIKUICHI: Ano pa nga bang ginagawa ninyo?
KOTO: Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo.
KIKUICHI: Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanununtok sa akin?

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
9
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

KOTO: Aray, ano ka ba?


KIKUICH: Aray ko po, tama na!
NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero,
teka! Aba’t tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang
makaalis na ako habang may araw pa.
KOTO: Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!
KIKUICHI: Bakit ako sinasaktan?
SILANG DALAWA: A-a-ray….
KIKUICHI: Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang
pala kayong mabait. Santo-santito!
KOTO: Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang
ibang tao rito? Hulihin n’yo siya, hulihin n’yo! Huwag n’yo siyang patatakasin!

Gawain 1. Ibigay ang sagot na hinihingi ng bawat hanay. Magsaliksik ng iba pang
impormasyonng kailangan.

Magbigay Mensahe
Pamaga Saan ng
ng kultura Kaibahan ng Dula
t ng Nagmula Dulang
Mga ng bansa o
Dula at Katangian Uri ng Dula ang Binasa
Tauhan lugar na
may- dulang
pinagmulan Maikling
akda Binasa? Nobela Dagli
ng Dula Kuwento

Plop Koto Komedya Japan Pag-inom


Click ng alak
Kikuichi

E. Repleksyon
Natutuhan ko na ang
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Naunawaan ko na
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
10
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
CALATAGAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALATAGAN, BATANGAS

F. Sangguninan
Filipino 10 Modyul para sa mga mag-aaral
https://brainly.ph/question/161435

http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/

https://pdfcookie.com/documents/mga-uri-ng-dula-ayon-sa-anyodocx-7rv3zwok40ld

G. Susi sa Pagwawasto

Magbigay Mensahe ng
Saan Kaibahan ng Dula
Pamagat ng kultura Dulang Binasa
Nagmul
ng Dula Mga Katangia Uri ng ng bansa o
a ang Maikling
at may- Tauhan n Dula lugar na
dulang Kuwent Nobela Dagli
akda pinagmula
Binasa? o
n ng Dula

Plop Koto- Parehas Komedy Japan Pag-inom Huwag Isang Pasulat Isang
Click utusan na bulag a ng alak magsamantl paksa ang Dula tauha
ni a sa kapwa lamang ay n
ni Dobu
Kikuichi lalo na sa itinatangha
Kacchir
kanilang l sa
i Kikuichi
kahinaan. entablado
-amo ni
Koto

Prepared by:

CORNELIO B. CENIZAL
Master Teacher 1 Filipino

Address: Lucsuhin, Calatagan


Batangas 4215
(043) 419- 0075/ (043)786-2060
 lucsuhin_nhs@yahoo.com.ph
11

You might also like