You are on page 1of 27

Opus Deo Dignum

Basic Education Department


SY 2020-2021

Ang Pamilya Bilang


Pangunahing Lipunan
Asignatura: Filipino (Yunit II) Date: Agosto03, 2020
Antas: Grade 9 Inihanda ni: Teacher Chrisme S. Guc-ong

1
2
Junior High School

Aralin 5
Ang mga
Mananahi
Junior High School

Paksang-aralin

 Panitikan: Dula
 Wika: Mga Ekspresyong Nagpapahayag
 Kultura: Ang Buhay at Panitikan
ng mga Maranao.
4
Layunin
Junior High School

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari
sa isang dula
 Nakabubuo ng kiritikal na paghusga sa karakterisasyon ng
mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng akda
batay sa napakinggang mga pahayag.
5
Junior High School

 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng


katotohanan
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago
ang estruktura nito
Junior High School

Balik-Tanaw !!!
 Ano ang nakikita niyo sa larawan?
Junior High School 7

 Rogelio Braga
 Isang mandudula at nobelista
 Noong 2014, itinanghal sa lungsod ng Cotabato ang kaniyang mga
dula bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Human Rigths
Day sa lungsod.
 Ang dulang Ang mga Mananahi ay nasa kaniyang aklat ng mga
dula na Ang Pagdating ng barbaro at Iba pang mga Dula.
Junior High School 8

 Kinilala ang husay ni Braga sa pagsulat sa pamamagitan ng Literary


Excellence Award mula sa University of Santo Tomas (UST) noong
2000 at Don Carlos Palanca Memorial Awards for Lieterature.
 Kinilala rin siya ng Asian Cultural Center bilang mandudulang mula sa
Timog-silangang Asya
 Noong 2016, inilabas niya ang una niyang nobelang pinamagatang Colon.
Junior High School 9

Pagbasa at Pagtalakay sa

Ang mga Mananahi


Halaw sa dulang isinulat ni Rogelio Braga
Dula mula sa Pilipinas
Junior High School 10

Katanungan mula sa binasa


 Ano ang paniniwala ng mga taga-Mindanao tungkol sa mga
kaguluhang nangyayari sa kanilang paligid?
 Ano ang pagkakaunawa mo sa salitang ‘kalayaan’? Iugnay
ito sa pananahi.
Junior High School 11

Pagbasa ng Diyalogo (paghusga sa karakter ng mga tauhan)

 Habang binabasa ang diyalogo. Sa iyong palagay, ano ang tingin


ng mga karakter sa sumusunod na mga isyu? Magbigay ng mga
patunay mula sa teksto.
1. Kalayaan
2. Islam
3. Tungkol sa Lugar ng Kababaihang Muslim
at Lipunan
4. Relasyon ng mga Kristiyano at Muslim
Junior High School 12

Dula
 Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay
itanghal ang kaisipan ng may-akda sa pamamagitan ng
diyalogo, kilos, at galaw.
 Hindi buo ang dula kapag ito ay hindi naitanghal.
Sa pamamagitan ng pagtatanghal naibabahagi ng mandu-
dula ang kaniyang saloobin, at paniniwala tungkol sa mga
isyung panlipunan o personal na paksa ng kaniyang dula.

Combustion Reactions
Junior High School 13

Mga Uri ng Dula

1. Trahedya- tungkol sa mga antas at hangganan ng buhay


at pagkabigo ng pangunahing tauhan. Masakit na karana-
san o kamatayan ng pangunahing tauhan ang kadalasang
wakas ng dulang ito.
Junior High School 14

2. Komedya- nagtatapos ng masaya sapagkat ang mga


tauhan ay nagkakasundo at walang namamatay. Layunin
nitong libakin ang mga karaniwang pagkakamali at bisyo
sa lipunan at magpatawa rin sa mga manonood.
Junior High School 15
Junior High School 16

1. Tagpuan- daigdig na ginagalawan ng tauhan at dito


magaganap ang kuwento. Tinatawag rin itong millieu.
2. Tauhan- palaging may protagonista at antagonista ang isang
Dula. Sa Protagonista nakapukos ang pangyayari sa dula. Ang
Antagonista naman ang kalaban ng bida.
Junior High School 17

3. Banghay- tawag sa sunod-sunod na pangyayari sa dula. Sa


pamamagitan ng banghay, maitatakda ng mandudula ang
magiging takbo ng kuwento para sa dula.
4. Diyalogo- hindi ito palaging pasalita. Maari din itong pagta-
himik, o mga kilos at galaw ng mga tauhan.
Junior High School 18

Tatlong Bahagi ng Dula

1. Yugto- tawag sa paghahati ng dula. Hinahati ang dula upang mag-


karoon ng pagkakataon ang mga artista na maghanda para sa susu-
nod na yugto.
Junior High School 19

2. Tanghal- sa bahaging ito binabago ang tanghalan. Gina-


gawa ito sa pamamagitan ng pagpatay sa ilaw o pagladlad
sa kurtina ng entablado.
3. Tagpo- tawag sa paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang
gumaganap sa kuwento. Tinatawag din itong eksena.
Junior High School 20

Iba pang Elemento ng Tula


1. Iskrip o nakasulat na dula
 Kaluluwa ng dula. Walang dula kapag walang iskrip.

2. Aktor
 Ang nagbibigay ng buhay sa mga tauhan sa iskrip.

3. Tanghalan
 Ang alinmang pook na pinagpasyahang pagtanghalan
ng dula ay tinatawag na tanghalan.
Junior High School 21

4. Direktor
 Ang nagpapaliwanag sa nilalaman ng iskrip.
 Siya ang nag-interpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng
tagpuan, damit ng mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap
at pagbigkas ng mga tauhan.
5. Manonood
 hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng mga tao sapagkat ang layunin ng dula ay
maitanghal at mapanood.
Junior High School 22

Mga Ekspresyong Nagpapahayag


ng Katotohanan

 Ang mga halimbawa ng mga ekspresyong ginagamit sa


pagsasaad ng katotohanan ay talaga, tunay, tunay na
tunay, totoo, totoong totoo, sa totoo lang, at iba
pa. Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
ay maitu-turing ding mga pang-abay na panang-ayon.
Junior High School 23

Halimbawa
1. Talagang napakabait ni Hamida.
2. Tunay na may napakagandang kultura ang mga
taga-Minadanao
3. Tunay na tunay ang kanilang pagmamahal sa bayan at sa
kanilang kultura
4. Sa totoo lang, napakasagrado ng tradisyong panrelihiyon
ng mga Muslim.
5. Totoong isang mahusay na mananahi si Farida.
Junior High School 24

 Magbigay ng pangungusap na nagpapa-


hayag ng katotohanan
Junior High School PAGSASANAY 25

Panuto: ipaliwanag ang bagong kahulugan ng mga salitang-ugat na binago ang


estruktura.

Tahi Pagdudugtong ng dalawang piraso ng


tela sa pamamagitan ng sinulid at kara-
yom o makinang panahi.
1. Magtahi
2. Mananahi
3. Nagtatahi
4. Tahian
5. Tumahi
Junior High School PAGSASANAY 26

Panuto: Pumili na kapareha at manaliksik tungkol sa mga nangyayari sa Mindanao sa kasa-


lukuyan. Sa pamamagitan ng mga nasalikisik, suriin ang pagiging makatotohanan ng ilang
mga pangyayari sa dula. Gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong sa pagsusuri .

1. Ano ang mga pangyayri sa Mindanao na kapareho ng mga pangyayari sa dula?


2. Sa pamamagitan ng iyong mga nasaliksik, suriin ang pagiging makatotohanan ng
ilang mga pangyayari sa binasang dula.
3. Ibahagi sa ang natuklasan sa pamamagitang ng pag-uulat.
Junior High School

You might also like