You are on page 1of 19

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 7

I
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 5

Page | 1
APPROVAL SHEET

This is to certify that the module entitled Dula- Mutya ng Saging: Ang
Pagpapatalastas o Pag-aanunsiyo for Filipino Grade 7, Quarter 1 Week 5 written by
PATRICIA H. PASCUAL was edited and reviewed by the Division Quality Assurance
Team and is now approved for the utilization of the different schools in the Schools
Division of Laoag City.

ZENAIDA SONIA A. MORALES LORNA M. BALISBISANA


Editor Reviewer

NESTOR LUCERO MA. FLORDELIZA A. ESTAVILLO


Illustrator Lay-out Artist

2
MODYUL SA
FILIPINO 7

UNANG KUWARTER
LINGGO 5

Dula: Mutya ng Saging Payat na


Ang Pagpapatalastas o Pag-aanunsiyo

Development Team
Writer: Patricia H. Pascual
Editor: Zenaida Sonia A. Morales
Reviewer: Lorna M. Balisbisana
Illustrators: Mark Bryan Aguinaldo / Nestor Lucero
Lay out Artist: Ma. Flordeliza Estavillo
Management Team: Vilma D. Eda Joye D. Madalipay/ Domingo L. Laud
Lourdes B. Arucan Juanito S. Labao
Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 3


Layunin ng bahaging ito ng modyul na gabayan ka sa iyong lubos na pag-unawa
sa ikalimang araling nakapaloob sa Unang Kuwarter/Markahan ng Filipino 7. Sundin
ang mga panuto at gawin ang hinihingi ng mga pagsasanay at mga gawain.
Sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod na
Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies) na nakapaloob sa aralin 5.
Kailangan mong tapusin ang modyul na ito sa loob ng isang linggo.

ALAMIN
Narito ang mga layunin na kailangan mong
: matamo sa araling ito.

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao batay
sa dulang napakinggan. F7PN-Ih-i-5

2. Nasusuri ang pagkamatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan.


F7PB-Ih-i-5

3. Nagagamit sa sariling pangungusap ang salitang hiram. F7PT-Ih-i-5

4. Nailalarawan ang mga gawa at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang


panlansangan. F7PD-Ih-i-5

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 4


SUBUKIN Bago mo umpisahang pag-aralan ang Modyul
5, nais kong sukatin muna ang iyong kaalaman sa mga
aralin sa linggong ito. Sagutin ang sampung tanong
sa ibaba.

O, handa ka na ba kaibigan? Simulan mo na


ang pagsagot.

_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

I. Basahin at kilalanin ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang uri ng panitikan na itinatanghal sa entablado o tanghalan ay ang _______.


a. dula
b. epiko
c. pabula
d. maikling kuwento

2. Ang sumasalamin sa mga dulang Mindanao na kinagigiliwang panoorin ng mga


mamamayan ay ang ________.
a. kakikitaan ng kultura ng isang lipunan
b. kababanaagan ng kultura ng ibang bansa
c. makatotohanan lahat ng mga pangyayari
d. batay sa karanasan ng mga nasa karatig bansa

3. Ang anyo ng midya na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang
isang produkto o serbisyo ay ang _________.
a. komiks
b. patalastas
c. panawagan
d. komentaryo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 5


ARALIN
Araling Pampanitikan : Dula: Mutya ng Saging

5 Araling Panggramatika : Ang Pagpapatalastas


o Pag-aanunsiyo

BALIKAN Kumusta ka na muli kaibigan? Binabati kita sapagkat


umabot ka na sa Aralin 5. Sigurado akong handa ka na para
dagdagan ang iyong kaalaman at kasanayan sa Filipino.

GAWAIN 1

Kaibigan, nakapanood ka na ba ng dulang panlansangan? Ilarawan mo nga


ang imahe ng Mindanao sa pamamagitan ng relihiyon na Islam at ang
relihiyong Kristiyanismo sa mga dulang nabanggit sa ibaba.

Panuto: Ilarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa mga napanood
na dulang panlansangan. Isulat ito sa sagutang papel.

TAUHAN PAPEL NA PAGLALARAWAN SA


GINAGAMPANAN KILOS AT GAWI NG
MGA TAUHAN

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 6


TUKLASIN Mahilig ka bang magbasa? Isa itong libangan di ba?
Bukod sa nakatutulong ito upang lumawak ang iyong
kaalaman, marami ka pang matututuhan sa buhay.
Ngayon, babasa ka ng isang dulang sa palagay ko
ay maiibigan mo. Unawain mo itong mabuti.
Maligayang pagbabasa.

Kasanayang Pampanitikan

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong
dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

Mga Bahagi ng Dula

• Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.


• Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
• Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

Uri ng Dula Ayon sa Anyo:

• komedya
• melodrama
• trahedya

Elemento ng Dula

1. actor 5. manonood
2. dayalogo 6. tanghalan
3. director 7. tema
4. iskrip

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 7


Mahilig ka bang magbasa? Isa itong libangan di ba? Bukod sa nakatutulong ito
upang lumawak ang iyong kaalaman, marami ka pang matututuhan sa buhay.
Ngayon, basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng isang
halimbawa ng dulang Mindanao. Tiyak magugustuhan mo. Handa ka na ba?
Simulan mo na!

BASAHIN AT UNAWAIN MO

Mutya ng Saging
ni Leoncio P. Deriada

Mga Tauhan:
Philip Parker, 25, isang peace corps volunteer
Bondyong, 35
Igme, 28
Tura, 28
Temio, 18
Clarita, 17
Lolo Osting, 73
Lola Basyon, 70

Pook: Isang baryo sa Davao

Panahon: Ngayon

Unang Tagpo: Nag-iinuman sina Bondyong, Igme, Tura, at ang Amerikanong si Philip
Parker. Sa gitna nila ay isang mahabang mesang may galon ng tuba at mga mumurahing
baso. Si Philip at si Bondyong ay nakaupo sa isang bangko. Sa kabila naman ng mesa ay
nakaupo si Igme at si Tura. Si Clarita ay nasa loob ng tindahan. (Excerpt lamang)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 8


Philip: Talagang maganda.
Temio: (dahan-dahang iinumin ang tuba sa baso) You speak very good Tagalog, Mr.
Parker.
Philip: Thank You. Salamat. Call me Phil. You speak very good English, Temio. Temio:
Hindi naman. Matagal ka na ba rito? Have you been here long?
Philip: Three months.
Igme: Pero nag-aral siya ng Tagalog bago siya lumipat dito.
Temio: Nagtuturo ka ba sa community high school?
Philip: Yeah, on the side. I am doing a research. Temio: Research on what? Philip:
Philippine culture.

SURIIN
Kumusta kaibigan? Nasagutan mo na ba ang
naunang gawain? Subukan mo ring gawin ang mga
nasa ibaba.

GAWAIN 2

Pagpapalawak ng Talasalitaan. Magtala ng mga salitang hiram mula sa dulang binasa at


isulat ang kahulugan nito sa Filipino. Ihanay ito sa talahanayan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Ingles Bisaya Filipino/Kahulugan


1. tinuud Tama/wasto
2.
3.
4.
5.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 9


PAGYAMANIN
: Sa bahaging ito ay maglalaan ka ng sapat
na oras upang sagutin ang mga kasunod
na tanong upang masukat ang iyong pag-
unawa.

GAWAIN 3

Ilarawan ang mga gawi at kilos ng mga tauhan sa dula gamit ang talahanayan sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel

Tauhan Gawi/Kilos Wikang Ginamit Paraan ng


Pakikitungo sa
Ibang tauhan

Nasagot mo ba lahat ang mga katanungan? Magaling ka talaga!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 10


Pakatandaan mo ito kaibigan upang masagot mo nang tama ang gawaing ibinigay
sa iyo. Handa ka na ba? Sige, gawin mo na ang pagsasanay na ito.

Kasanayang Panggramatika

Ang PATALASTAS ay isang anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga


tao na bilhin o tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo. Mahalaga ang patalastas
upang maging mulat ang lahat na ang isang produkto o serbisyo ay may kalidad.
Kadalasang gumagamit ng taglines sa isang patalastas. Ang pagpapatalastas o pag-
aanunsiyo (Ingles: advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit
upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga
tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang
bagong kilos. Sa pinaka karaniwan, ang inadhikang resulta ay ang maimpluwensiyahan
ang ugali ng tagakonsumo o mamimili alinsunod sa isang alok na pangkalakalan
(commercial) o kalakal, bagaman karaniwan din ang pagpapatalastas na pampolitika at
pang-ideyolohiya. Sa wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na pinaghanguan ng
salitang Ingles na advertising, ay may kahulugang “ibaling ang isipan papunta sa isang
bagay.” Maaaring maging layunin din ng pagpapatalastas ang paasahin ang mga
empleyado at mga “kasalo” (mga shareholder) na matatag o matagumpay ang isang
kompanya. Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang binabayaran ng mga
isponsor at nakikita sa pamamagitan ng samu’t saring midyang tradisyonal (midyang
nakaugalian); kabilang na ang midyang pangmasa na katulad ng pahayagan, magasin,
patalastas sa telebisyon, patalastas sa radyo, patalastas na nasa labas ng gusali o
panlasangan, o tuwirang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo; o kaya sa pamamagitan
ng bagong midya na katulad ng mga blog, mga website, o mga mensaheng teksto. (mula
sa Wikipedia

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 11


ISAISIP Natutuwa akong nakasasama pa rin kita sa
bahaging ito. Huwag mo sanang kalilimutan ang iyong
napag-aralan sa unang aralin.

1. Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang


pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga
dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at
malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.
2. Ang mga mga bahagi ng dula ay simula, gitna, at wakas.
3. Ang patalastas ay isang anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga tao na
bilhin o tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo.

ISAGAWA
Napagtagumpayan mong sagutin ang mga
pagsubok. Ngayon naman, ikaw ay magsusulat.

GAWAIN 4

Panuto: Gumawa ng patalastas tungkol sa isang produktong nais pagkakitaan sa


pamamagitan ng isang poster. Gawing batayan ang pamantayan sa ibaba.

Rubrik sa Pagmamarka

(Maaaring baguhin)

1. Sining at Kaayusan 40%

2. Angkop na Salitang Gamit 30%

3. Nilalaman 30%

KABUUAN 100%

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 12


TAYAHIN Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng
pagsusulit sa kabuoan ng aralin. Kailangan mong
piliin ang angkop na sagot mula sa katanungan.
Sige tapusin mo na!

PABUOD NA PAGTATAYA

I. Pagmasdang mabuti ang patalastas at sagutin ang mga


sumusunod na tanong kaugnay nito. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

(Kuha sa google.com.)
13
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
1. Ang layunin ng patalastas na nasa itaas ay
a. Pagbawalan ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang Maliwanag Ilaw.
b. Binabalaan ang mga tao sa paggamit ng kuryente.
c. Ipinaaalam sa mga tao ang tamang paggamit ng ilaw.
d. Hikayatin ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang Maliwanag Ilaw.
2. Ang nadarama habang tinitignan ang patalastas ay
a. kasabikan c. kawilihan
b. kalungkutan d. kasiyahan
3. Ipinapakita ng patalastas ang isang produkto . Ito ay ang
a. bombilya c. INEC
b. kuryente d. MERALCO
4. Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang nakikita sa
a. Pahayagan at magasin
b. Blog at mga websites
c. Patalastas sa telebisyon at radyo
d. Lahat ng nabanggit

Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Kung gayon, natatandaan mo


pa ang mga araling napag-aralan mo. Binabati kita.
Hanggang sa susunod na mga aralin! Paalam!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 14


Mga Sanggunian
A. MGA AKLAT
Almario, Virgilio S. 2014. Manwal sa Masinop na Pagsulat. Lungsod ng
Quezon: Komisyon sa Wikang Filipino.
Arrogante, Jose A. et al. 1991. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko.
Mandaluyong City: National Book Store.
Baisa (2017). Pinagyamang Pluma. Ikalawang Edisyon. Phoenix Publishing
House, Inc.
Baisa (2012). Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, Inc.
Jamero, Dolores F. at Cecilia M. Guevarra, 2018. Batay sa K to 12 BEC Filipino
Panitikan at Wika. Quezon City: St. Bwernadette Publishing House Corporation.
Ulit, Perla G. et. al, 1998. Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas. Makati
City: Grandwater Publications and Research Corporation.
Panitikang Rehiyonal: Filipino Modyul para sa Mag-aaral

B. Larawang Ginamit
https://www.yourdictionary.com/cave
http://4.bp.blogspot.com/-
aWGz7Hoi7Hs/Uk1xOrBoW3I/AAAAAAAAAHA/W7BRb9WTRNY/s1600/
3.jpg
https://www.slideshare.net/melprosperomanalo/pagsamba-ng-mga-
sinaunang-pilipino
http://www.google.com.ph/images

C. Online Resources
https://www.deped.gov.ph/ DepartmentEducationCurriculumGuides
https://www.rexinteractive.com (The online educational portal for teachers,
students and parents)
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-
melc/
http://www.google.com.ph
https://tl.wikipedia.org/wiki/Dula
https://brainly.ph/question/161435
15
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
16 Filipino 7 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya
1. a
2. a
3. b
Gawain 1
RAMADAN/SANTAKRUSAN
Pamagat ng Dulang Napanood
TAUHAN PAPEL NA PAGLALARAWAN
GINAGAMPANAN SA KILOS AT GAWI
NG MGA TAUHAN
Gawain 2
Ingles Bisaya Filipino/Kahulugan
1.correct tinuud Tama/wasto
Gawain 3
Tauhan Gawi/Kilos Wikang Ginamit Paraan ng
Pakikitungo sa
Ibang tauhan
Philip Parker mabait English Magaling
makisama
Gawain 4
Halimbawa ng Patalastas
Panghuling Pagtataya
1. d 2. a 3. a 4. a
ka ng susi sa pagwawasto sa ibaba.
Ngayon, iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan
ito.
sapagkat natapos mo ang lahat ng pagsubok sa araling
Binabati Kita! Alam kong ikaw ay tuwang-tuwa Susi sa Pagwawasto
SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________ Baitang/Seksyon:______________

Paaralan: _______________________________________________________

Guro: ________________________ CP No. ng Magulang:________________

Paunang Pagtataya

1.

2.

3.

Gawain 1
RAMADAN/SANTAKRUSAN
Pamagat ng Dulang Napanood

TAUHAN PAPEL NA PAGLALARAWAN SA


GINAGAMPANAN KILOS AT GAWI NG
MGA TAUHAN

Gawain 2
Ingles Bisaya Filipino/Kahulugan
1. tinuud Tama/wasto
2.
3.
4.
5.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7


17
Gawain 3
Tauhan Gawi/Kilos Wikang Ginamit Paraan ng
Pakikitungo sa
Ibang tauhan

Gawain 4

Panghuling Pagtataya

1.
2.
3.
4.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 18


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

19
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7

You might also like