You are on page 1of 24

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 7

I
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 2
MODYUL SA
FILIPINO 7

UNANG KUWARTER
LINGGO 2

Araling Pampanitikan: Ang Mataba at


Payat na UsaAng Mataba at Payat na
Araling Panggramatika: Mga Salitang
Nagpapakita ng Posibilidad

Development Team
Writer: Patricia H. Pascual
Editor: Zenaida Sonia A. Morales
Reviewer: Lorna M. Balisbisana
Illustrators: Mark Bryan Aguinaldo / Nestor Lucero
Lay out Artist: Crisel G. Bangloy
Management Team: Vilma D. Eda Joye D. Madalipay/ Domingo L. Laud
Lourdes B. Arucan Juanito S. Labao
Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7 2


Layunin ng bahaging ito ng modyul na gabayan ka sa iyong lubos na pag-unawa sa
ikalawang araling nakapaloob sa Unang Kuwarter/Markahan ng Filipino 7. Sundin ang
mga panuto at gawin ang hinihingi ng mga pagsasanay at mga gawain.

Sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod na


Kasanayang Pampagkatuto na nakapaloob sa mga aralin 2.

ALAMIN
Narito ang mga layunin na kailangan mong
: matamo sa araling ito.

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang


napakinggan. F7PN-Ic-d-2
2. Natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang
akda.
F7PB-Ic-d-2
3. Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad ( maari, baka,
at iba pa).

3
SUBUKINMELC-Aligned O, kaibigan, sa bahaging ito, malalaman
WBLS-OBE natin Self-Learning
kung ano na ang Module
alam moFilipino
tungkol7 sa mga
aralin. Huwag mag-alala, panimulang pagsubok pa
lang naman ito. Sagutin mo lang ang mga tanong sa
abot ng iyong makakaya. Kapag tapos na, kunin sa
guro ang Susi ng Pagwawasto at iwasto ang mga
sagot nang matapat.
O, handa ka na ba kaibigan? Simulan mo
_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

I. Panuto: Basahin at tukuyin ang pinakaangkop na kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit sa ibaba. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
sagutang papel.

1. Nasupil ang damdamin ng mamamayan dahil sa trahedya.


a. naganyak c.nag-alab
b. napigil d. nagalit

2. Kailangan nating pangalagaan ang kapaligiran para sa susunod sa salinlahi


a. henerasyon c. kalahian
b. kamag-anakan d. sambayanan

3. Ikaw ang lunas sa kapagalan ko sa buong maghapon


a. kaginhawaan c. kahinaan
b. kasiyahan d. kapaguran

II. Basahin at punan ang patlang ng pinakaangkop na kasalungat ng


salitang may salungguhit sa ibaba. Isulat ang titik ng napiling sagot sa
sagutang papel.

4. Tumangis nang malakas ang dalaga sa pagkamatay ng ama habang __________


naman ang kaniyang sakim na kapatid.
a. napahagulgul c. nagsaya
b. umiyak d. nagdaramdam

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7


5. Malubha ang sakit niya samantalang ang kaniyang sanggol na isinilang ay
__________.
a. sakitin c. masigla
b. malala d. malusog

III. Basahin at kilalanin ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

6. Ito ay ang kaibahan ng pabula sa ibang anyo ng panitikan.


a. Masalimuot ang banghay nito.
b. Paggamit ng hayop bilang tauhan.
c. Pagkakaroon ng diyalogo o usapan.
d. Di-pangkaraniwang tagpuan at tauhan.

7. Ang pangunahing layunin ng pabula na masasalamin sa isang salawikain na


karaniwa’y nasa hulihan ng akda.
a. maglarawan c. mangatwiran
b. manghikayat d. magbigay-aral

8. Isang aliping Griyego na naging kilala sa kanyang kahusayan sa pagsulat at


pagkukuwento ng pabula.
a. Milo Winter c. Helen Babbit
b. Jean dela Fontaine d. Esopo

18-20 : Sumulat ng isang pangungusap


na nagpapahayag ng posibilidad.

5
IV. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong wastong pagkakasunod-
sunod.
WBLS-OBE Isulat ang titik ng napiling
MELC-Aligned sagot sa
Self-Learning sagutang Filipino
Module papel. 7

9. Ang Aso at ang Uwak. (Halaw sa mga Pabula ng Mindanao)


1. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kaniyang bibig. Nahulog ito sa
lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
2. Natuwa ang uwak at ibinukas ang bibig para humalakhak.
3. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi: “Sa lahat
ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
4. Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne.
5. May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.

a. 5-4-3-1-2 c. 1-2-3-4-5
b. 4-3-1-2-5 d. 5-4-3-2-1

10. Ang gintong-aral na mapupulot sa pabulang “Ang Aso at ang Uwak”.


a. Ang isang papuri minsan ay isang panlilinlang o panloloko na rin.
b. Ang taong magaling ay kinalulugdan ng nakararami.
c. Ang taong mapanghusga sa hukay napupunta.
d. Ang taong mainggitin lahat ng paninira ay sa bibig nanggagaling.

6
ARALI
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7

N Araling Pampanitikan : Ang Mataba at Payat


na Usa

2
Araling Panggramatika : Mga Salitang
Nagpapakita ng Posibilidad

Kumusta ka na kaibigan? Naging kawili-wili ba ang nakaraan


BALIKAN
mong aralin? Mabuti naman. Natutuwa ako’t lumalawak na
ang iyong kaalaman. Ngayon ay dalawang panibagong aralin
ang iyong pag-aaralan, isang magandang pabula at ang mga
elemento nito na tiyak maiibigan mo. Naghanda rin ako ng
iba’t ibang gawaing sadyang kapaki-pakinabang at hahamon
sa iyong kakayahan.

Humanda ka na kaibigan at ating susundan sina


Mataba at Payat na Usa sa kagubatan ng Mindanao. Tara na!

GAWAIN 1

Nakaramdam ka na ba ng pagkainggit sa iyong kapwa? O ikaw ang


pinagkainggitan? Batay sa iyong sariling karanasan o pananaw bigyang-kahulugan
ang salitang INGGIT gamit ang concept map sa ibaba. Isulat amg iyong sagot sa
sagutang papel.

INGGIT
7
TUKLASIN
WBLS-OBE
MELC-Aligned Self-Learning Module
Ngayon, nabigyan ka ba ng
Filipino 7
kabatiran tungkol sa
salitang INGGIT? Naliwanagan ba ang iyong
isipan tungkol sa konseptong ito? Magaling ka kung
gayon! Tiyak madali mong iintindihin ang
pabulang ipababasa ko sa iyo. Ngunit ano nga ba
ang pabula?

Kasanayang Pampanitikan
Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Isa itong
salaysay o kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop na nakapagsasalita, ngunit sa mas
malalim na pakahulugan ng kuwento, ang mga hayop na ito ay nagsisilbing
representasyon ng mga tao sa lipunan.

Ang pabula o fable ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ng
kuwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay. Sila ay kumikilos, nagsasalita, at
nag-aasal na parang mga tao.

Ang panitikang ito ay patok sa mga kabataan dahil ito ay nagbibigay ng moral na
aral sa mga mambabasa.

Mga katangian ng pabula


Upang mapukaw ang interes ng mga mambabasa, ito ang ilan sa mga katangiang
kailangang taglayin ng isang pabula:
 Dapat ay nakahihikayat o nakapagbibigay interes ang kuwento sa mga
mambabasa,
 Maayos ang pagkakasunod-sunod ng kuwento, at

8
 Mayroong ugnayan ang paksa sa napapanahong pangyayari o nagaganap sa
mundo upang maging mas epektibo ito sa mga mambabasa

Mga elemento ng pabula


• WBLS-OBE
Tauhan MELC-Aligned • Banghay • Tagpuan
Self-Learning Module Filipino 7

Mahilig ka bang magbasa? Isa itong libangan di ba? Bukod sa nakatutulong ito
upang lumawak ang iyong kaalaman, marami ka pang matututuhan sa buhay.
Ngayon, basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng isang
halimbawa ng pabula ng Mindanao. Tiyak magugustuhan mo. Handa ka na ba?
Simulan mo na!

BASAHIN AT UNAWAIN MO

Ang Mataba at Payat na Usa

Noong unang panahon, may magkapatid na balo sa bayan ng


Agamaniyog. Sila ay sina Mapiya a Balowa at Marata a Balowa. Bawat isa sa
kanila ay may anak na babae. Ang anak ni Mapiya a Balowa ay si Anak na
Mararaya at ang anak naman ni Marata a Balowa ay si Anak na Marata. Isang
araw, pumunta si Mapiya a Balowa at ang kanyang anak sa kagubatan upang
manguha ng mga ligaw na hayop para may makain. Mangunguha rin sila ng
panggatong. Pinagpawisan sila nang marating ang kagubatan. Nadako sila
malapit sa nakahigang usang ubod ng taba. Tinanong sila ng usa kung saan sila
pupunta. Sinabi ni Mapiya a Balowa na naghahanap sila ng ligaw na hayop.

Nang malaman ng usa na kailangan nila ng karne ng ligaw na hayop,


nagmamakaawang sinabi nito sa mag-ina na sa kanyang katawan na lamang
kumuha dahil mamamatay na rin siya. Nagtanong si Mapiya a Balowa kung
bakit mamamatay ang usa na mataba naman ito. Sumagot ang usa na dahil sa
katabaan, hindi nito makayanan ang kanyang katawan. Ngunit hindi rin ito
mamamatay kung maingat ang mag-ina sa pagkuha ng karne sa kanyang katawan
at hindi maaabot ang puso nito.

9
Naiiyak sa awa ang mag-ina kaya nang magsimula na silang maghiwa sa
katawan ng usa, naging sobrang ingat nila.

WBLS-OBE
NangMELC-Aligned
mapuno na ang kanilang lalagyan, nagpaikot-ikot
Self-Learning Module
ang usa sa lupa
Filipino 7
hanggang mawala ang sugat nito. Nagpasalamat ang usa sa mag-ina dahil
nabawasan na rin ang kanyang taba at ito’y umalis na.

Umuwi na sa bahay ang mag-ina. Ipinagbili nila ang nakuha nilang laman
ng usa at dinala ang iba sa kanyang tiyahin na si Marata a Balowa. Subalit hindi
ito tinanggap ni Marata a Balowa. Sa halip ipinabalik niya ito at ipinagmalaking
magkakaroon din sila ng katulad noon. Nagtanong si Marata a Balowa kung saan
nila nakuha ang karne ng usa at ikinuwento naman ng anak sa tiyahin niya ang
lahat.

Kinaumagahan, pumunta sa kagubatan si Marata a Balowa at ang


kanyang anak. Pinagpawisan sila sa kalalakad at tumigil sila sa ilalim ng puno.
Nagdududa na sila sa ikinuwento ng anak lalo na ang anak ni Marata a Balowa
na si Marata.

Matapos ang mahabang pagpapahinga, may nakita silang usang payat at


mahinang-mahina na halos di na makalakad. Nang makita ito ni Marata,
masayang-masaya niyang ibinalita sa kanyang ina. Nang makita ito ng kanyang
ina, nanlumo ito dahil sa kapayatan ng usa. Ngunit binalewala ito ni Marata at
sinabing papatayin pa rin nila ito at kukunin ang puso at atay. Nang marinig ng
usang sinabi ni Marata, nagmakaawa ito at sinabi pa nitong ito’y masakitin at
payat.

Hindi ito pinakinggan ni Marata. Lumapit siya sa usa at hiniwa ito.


Nagmamakaawa pa rin ang usa at sinabing huwag galawin ang kanyang puso at
atay dahil ito ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Patuloy sa paghiwa
ang mag-ina hanggang sa nasugatan nila ang puso at atay ng usa. Nang
maramdaman ng usa na unti-unti nga siyang pinapatay ng mag-ina, biglang
tumayo ito at nagpagulong-gulong sa mga laman na tinanggal sa kanyang
katawan. Nabuo na muli ang katawan ng usa na walang sugat.
10
Namatay ang mag-inang Marata a Balowa at Marata dahil sa ginawa nila
sa hindi pangkaraniwang usa.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at


WBLS-OBE Maranao
MELC-Aligned Self-Learning
Nina Nerissa Module
Lozarito-Hufana, FilipinoClaribel
Ph.D. 7 Diaz-
Bartolome, Ph.D

SURIIN
Kumusta kaibigan? Nasagutan mo na ba
ang mga naunang gawain? Subukan mo ring gawin
ang mga nasa ibaba.

GAWAIN 2

Gamit ang Character Profile sa ibaba, ilarawan ang mga pangunahing tauhang
nagsiganap sa kuwentong “Ang Mataba at Payat na Usa”.

Uri ng
hayop/hitsura

Magagandang Marata Mapiya Magagandang


Katangian: Abalowa Abalowa Katangian:

Marata Mararay
a
Mga
Mga
Kahinaan/kapintasan
Kahinaan/kapintasan

11
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
PAGYAMANIN
Sa bahaging ito ay maglalaan ka ng sapat
na oras upang sagutin ang mga kasunod
na tanong upang masukat ang iyong pag-
unawa.

GAWAIN 3

Nagustuhan mo ba ang kuwento? Sige kaibigan, sikapin mong sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang inyong sagot sa pahina ng aking Suri- Serye
sa sagutang papel.

1. Bakit nagpunta sina Mapiya a Balowa sa kagubatan?

Suri-Serye 1:

2. Ano ang kanilang nakita sa kagubatan?

Suri-Serye 2:

3. Bakit hindi nila pinatay ang nakita nilang matabang usa?


12
Suri-Serye 1:

4.WBLS-OBE
Anong di kapani-paniwalang
MELC-Aligned pangyayari ang naganap
Self-Learning Module sa pabula?
Filipino 7

Suri-Serye 1:

5. Bakit hindi tinanggap nina Marata a Balowa ang karne na ibinibigay nina
Mapiya a Balowa?

Suri-Serye 1:

6. Bakit hindi nagtagumpay na makakuha ng karne ang mag-inang Marata a


Balowa?

Suri-Serye 1:

Nasagot mo ba lahat ang mga katanungan? Magaling ka talaga!

13
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
Pakatandaan mo ito kaibigan upang masagot mo nang tama ang gawaing ibinigay
sa iyo. Handa ka na ba? Sige, gawin mo na ang pagsasanay na ito.

Kasanayang Panggramatika

Ang mga salitang nagpapahayag ng posibilidad ay mga salitang idinudugtong sa


pangungusap para magkaroon ng katiyakan ang magiging pangungusap.

Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

(a) marahil –
Nakapasa sina Mapiya a Balowa at Mararaya sa pagsubok dahil marahil sa
kanilang kabutihan-asal.

(b) sana –
Sana ay hindi namatay ang mag-inang Marata a Balowa at Marata kung hindi
sila naging ganid.

(c) pwede –
Pwedeng maging huwaran ang mag-ina dahil sa kanilang ipinakitang kabutihan
sa usa.

(d) maaari –
Maaari silang nabuhay kung hindi nila napatay ang usa.

(e) kung –

14
Makatatanggap ka ng gantimpala kung mabuti ang iyong hangad sa kapuwa.

(f) posible –
Posibleng may masamang magyayari sa mga taong hindi marunong umunawa
ng kapuwa.

(g) may posibilidad –


WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
May posibilidad siyang maghiganti dahil sa sakit na naramdaman.

(h) sa palagay ko –
Sa palagay ko ay magiging maganda ang kahihinatnan ng mga taong pinalaki
nang tama.

(i) tila – Tila mapapaiyak dahil sa kahihiyang ginawa.

Mga Salitang Nagpapakita ng Posibilidad:

1. Puwedeng magkatotoo ang sinabi ng manghuhula.

2. Kung talagang ayaw mo, maaari namang bumili ka na lang ng bago.

3. Posibleng mapahamak tayo kung hindi tayo mag-iingat.

4. Baka siya ang mananalo sa laban.

5. Sana ay magkita ulit kayo ng iyong kaibigan.

ISAISIP Natutuwa akong nakasasama pa rin kita sa


bahaging ito. Huwag mo sanang kalilimutan
ang iyong napag-aralan sa unang aralin.

15
1. Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Isa itong
salaysay o kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita, ngunit
sa mas malalim na pakahulugan ng kuwento, ang mga hayop na ito ay
nagsisilbing representasyon ng mga tao sa lipunan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7


2. Ang mga elemento ng pabula ay ang tauhan, tagpuan, at banghay.

3. Ang mga salitang nagpapahayag ng posibilidad ay mga salitang idinudugtong sa


pangungusap para magkaroon ng katiyakan ang magiging pangungusap.

Sa panahon ngayon napakaraming bago- salita,


ISAGAWA
fashion, pagkain at iba pa. Napakahalagang
sumunod sa agos ng buhay para matawag na ikaw
ay “in”.

GAWAIN 4

Laganap sa kasalukuyan ang pang-aabuso sa mga hayop ng mga tao. Pumili ng


isang hayop mula sa ibaba at sumulat ng isang bahagi ng pabula tungkol sa pang-
aaping nararanasan ng napili mong hayop (Picture Story). Gamitin ang mga
salitang nagpapakita ng posibilidad. Isulat ito sa sagutang papel

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
16
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
Narito ang iyong Pamantayan sa Pagmamarka (RUBRIC):

Mga Pamantayan Naging Naisakatuparan Naisakatuparan Hindi


mahusay at ngunit may ngunit mas naisakatuparan
konsistent minimal na lamang ang
pagkakamali pagkakamali

4 3 2 1
Nasunod ang mga
panuntunang
inilahad ng guro
Natalakay nang
may kaisahan ang
ibinigay na paksa
o tema

Nagamit ang
kasanayan sa
gramatikang
pinag-aralan
Naging kawili-wili
at
nakaeengganyong
basahin ang buong
sulatin
Sumunod sa
tamang gamit,
bantas, espasyo,
baybay at
pagkakabuo ng
talata.
Kabuoan = 20
puntos

17
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
TAYAHIN Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng
pagsusulit sa kabuoan ng aralin. Kailangan mong
piliin ang angkop na sagot mula sa katanungan.
Sige tapusin mo na!

PABUOD NA PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang naidudulot ng labis na pagka-inggit sa kapuwa?


a. Paggawa ng Mabuti.
b. Nabibigo sa buhay
c. Umuunlad ang buhay.
d. Nakagagawa nang hindi mabuti sa kapwa.

2. Sa aling bagay natin maihahalintulad ang pagbibigay ng usa ng karne sa mag-


inang nangangailngan ng makakain sa kasalukuyang pandemya?
a. Pamimigay ng ayuda o SAF.
b. Pagbibigay ng pabahay sa mga sinalanta ng bagyo.
c. Pagpapauwi sa mga OFW.
d. Pagpapakain sa mga naka-quarantine.

3. Mayroon bang magandang naidudulot ang pagiging mainggitin?

18
a. Mayroon kung gagamitin ito sa positibong paraan.
b. Mayroon kung dadaanin ito sa dahas.
c. Mayroon kung mayaman ka.
d. Mayroon kung dadaanin ito sa yabang.

4. Sa lahat ng gawain, mabuti man o hindi kanino tayo dapat managot?


WBLS-OBE
a. batas MELC-Aligned Self-Learning
c. Diyos Module Filipino 7

b. pamahalaan d. magulang

5. “Ang naghangad ng kagitna, sang salop ang nawala.” Anong ugali ang
nangingibabaw sa salawikaing ito?
a. Pagiging kuntento kung ano ang mayroon ka.
b. Pagiging sakim at mapagmalabis.
c. Mapagmataas
d. Mayabang

Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Kung gayon, natatandaan


mo pa ang mga araling napag-aralan mo. Binabati kita.
Hanggang sa susunod na mga aralin! Paalam!

19
Mga WBLS-OBE
Sanggunian MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
A. MGA AKLAT
Almario, Virgilio S. 2014. Manwal sa Masinop na Pagsulat. Lungsod ng
Quezon: Komisyon sa Wikang Filipino.
Arrogante, Jose A. et al. 1991. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko.
Mandaluyong City: National Book Store.
Badayos, Paquito B. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika. Makati:
Grandwater
Publications and Research Corporation.
Baisa (2017). Pinagyamang Pluma. Ikalawang Edisyon. Phoenix Publishing
House, Inc.
Baisa (2012). Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, Inc.
Jamero, Dolores F. at Cecilia M. Guevarra, 2018. Batay sa K to 12 BEC Filipino
Panitikan at Wika. Quezon City: St. Bwernadette Publishing House Corporation.
Ulit, Perla G. et. al, 1998. Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas. Makati
City: Grandwater Publications and Research Corporation.
Panitikang Rehiyonal: Filipino Modyul para sa Mag-aaral

B. Larawang Ginamit
https://www.yourdictionary.com/cave
http://4.bp.blogspot.com/aWGz7Hoi7Hs/Uk1xOrBoW3I/
AAAAAAAAAHA/W7BRb9WTRNY/s1600/3.jpg
https://www.slideshare.net/melprosperomanalo/pagsamba-ng-mga-
sinaunang-pilipino
http://www.google.com.ph/images

C. Online Resources
https://www.deped.gov.ph/ DepartmentEducationCurriculumGuides
20
https://www.rexinteractive.com (The online educational portal for teachers,
students and parents)
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-
melc/

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning


Kita!Module
Alam kongFilipino 7 tuwang-tuwa
Susi sa Pagwawasto Binabati ikaw ay
sapagkat natapos mo ang lahat ng pagsubok sa araling
ito.
Ngayon, iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan
ka ng susi sa pagwawasto sa ibaba.

Gawain 1

1. b
2. a
3. d
4. c
5. d
6. b
7. d
8. d
9. d
10. a

Paghuling Pagtataya

1.d 2. a 3.a 4. c 5. A

Gawain 1: Tipong Subjective-Mga salitang kaugnay sa salitang inggit

Gawain 2: Marata Abalowa, Marata Uri ng hayop/hitsura: Usa

Marata Abalowa - sakim,ganid


Marata - mapagsamantala, mainggitin

Mapiya Abalowa - maawain, mapagmalasakit


Mararaya - mapagbigay,matulungin

Gawain 3: Suri-Serye
1. upang mangaso at manguha ng panggatong
2. nakitanila ang isang matabang usa
3. dahil sa awa
4. ang muling pagkabuhay ng usa
5. ang gusto nila ay makakuha rin sila ng mas marami pa
6. dahil sa kanilang kasakiman

21
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
Pangalan: __________________________ Baitang/Seksyon:______________

Paaralan: _______________________________________________________

Guro: ________________________ CP No. ng Magulang:________________

SAGUTANG PAPEL

Panimulang Pagsubok Gawain 1

1. 1. _________________

2. 2. _________________

3. 3. _________________

4. 4. _________________

5. 5. _________________

6.

7.

8.

9.

10.

Gawain 2

1. 4.

2. 5.

22
3.

Gawain 3.
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________

Gawain 4:

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________

Panghuling Pagtataya

1.

2.

23
3.

4.

5.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 7

24

You might also like