You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFFICE OF SANTA ROSA CITY
APLAYA NATIONAL HIGH SCHOOL ANNEX
BRGY. MARKET AREA, SANTA ROSA CITY
A.Y. 2022 – 2023 | 3rd Quarter

Subject: FILIPINO 10 Section: 10- MATATAG Mode of Learning: Modular Mode


Teacher: John Dave F. Aripol DATE: MARCH 6-10, 2023 Schedule:
Monday: 6TH subject (2pm-3pm)
Wednesday: 6TH subject (2pm-3pm)
Thursday: 5TH subject (1pm-2pm)
Friday: 4th subject (11am-12nn)

Day 1
Paksa: Diskursong Pasalaysay
PANUTO: BASAHIN AT INTINDIHING MABUTI ANG MGA PAKSA AT IMPORMASYON NA
NAKALAHAD SA IBABA.
Ang diskorsal ay ang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang
kaniyang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita, mas maunawaan ang
salita, at maipahayag ang mas malalim na kahulugan nito.
Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat at epiko, at
mga kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng paksa
ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-
wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat na ito ay likas na napapanahon, may mayamang damdaming pantao,
may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan
sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at
masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang
labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang Mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling
kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
Mga Mapagkukunan ng Paksa
1. Sariling karanasan – pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao
sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu,
mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at
dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyong makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip o hangarin ng tao ay maaari ding maging batayan ng
pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – mula sa anomang tekstong nabasa, kailangang ganap na nauunawaan ang mga
pangyayari.
Katangiang dapat Taglayin ng Pagsasalaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at ‘di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. May kaakit-akit na simula.
5. Kasiya-siyang wakas.
Mga Bahagi ng Pagsasalaysay
1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang kuwento.
4. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw sa mga tanong na nagpanabik sa mga mambabasa sa
bahaging kasukdulan.
5. Wakas – kahihinatnan ng mga tunggalian sa kuwento. Dito rin ipinahahayag ang mahalagang
kaisipan o mensahe sa kuwento.

Opinyon - pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero maaaring pasubalian ng iba. Ito
ay batay sa paniniwala o kaalaman ng isang tao tungkol sa isang ideya, isyu, paksa o kuwento na
kaniyang nasuri. Ang pagbibigay ng opinyon ay hindi nangangahulugang pagpapahayag ng isang
tamang solusyon o sagot sa isang bagay. Ito ay maaaring magkakatulad at maaari ring
magkakasalungat depende sa pagkakaunawa, paniniwala o kaalaman hinggil sa isang isyu, paksa o
kuwento.
Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at larawan na siyang
nagsasalaysay sa diwa ng kuwento. Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang
Pilipinong sumulat ng komiks na pinamagatan niyang, “Pagong at Matsing.”
Mga Bahagi ng Komiks
1. Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)
2. Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling salaysay
3. Pamagat ng kuwento
4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
5. Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip


1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing tauhan.
3. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
4. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento.
5. Ayusin at pagandahin ang gawa.
Day 2
PANUTO : Mula sa natutuhan tungkol sa paggamit ng kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota, mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa
iyong buhay noong nagsisimula ka pa lamang mag-aral sa hayskul. GUMUHIT NG KOMIKS ISTRIP AT
Isalaysay ang iyong naging karanasan batay sa mga kraytiryang nakasulat sa ibaba. Isulat ito sa isang
boung bond paper.

Day 3
PANUTO: Basahin at unawain mo ang tulang nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga
katanungang may kaugnayan dito. Isulat ang iyong sagot sa ISANG CROSSWISE!
Pag-unawa sa Binasa:

1. Ano ang kahulugan ng simbolismong makikita sa linyang nakasaad? “Ang ilaw ng tahanan, ikaw
ang may hawak, iyong itinatanglaw kahit saan man mapunta.”
2. Magbigay ng matatalinghagang salitang ginamit sa akda at ibigay ang kahulugan nito.
3. Paano mo mabibigyang-pagkilala ang iyong ina o tumayong ina sa iyo?
4. Mabisa ba ang pagkakalahad ng mga salitang ginamit ng may-akda?Ipaliwanag.
5. Paano inilarawan ng may-akda ang paksa ng tula?

Day 4

Panuto: Lumikha ng tula tungkol sa iyong ina or para sa mga ina ng tahanan. Ang tula ay may 4 na
saknong at 4 na taludtod. May sukat na lalabindalawahin at may tugma. Lagyan ito ng sariling
pamagat. Isulat sa isang buong papel.

You might also like