You are on page 1of 27

MAIKLING

KUWENTO:
PAG ISLAM
UNANG MARKAHAN
MODYUL 5
LAYUNIN
Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa
Ibinigay na mga pamantayan .
(F7PD-Id-e-4)

Naisasalaysay nang maayos at wasto ang


buod, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento,
mito/alamat/kuwentong-bayan.
(F7PS-Id-e-4)

Jens Martensson 2
SUBUKIN
Panuto: Piliin ang tamang kasagutan.
1. Ito ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw- araw na buhay na may isa
o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan.
a. tula b. maikling kuwento
c. dula d. awiting bayan
2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagbibigay-buhay sa maikling kuwento.
a. tauhan b. tagpuan
c. kasukdulan d. Wakas
3. Ito ang pinaka-kapana-panabik na bahagi ng kuwento.
a. tauhan b. tagpuan
c. kasukdulan d. wakas
4. Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot.
a. tauhan b. tagpuan
c. kasukdulan d. wakas

Jens Martensson 3
5. Piliin ang titik ng tamang pagkakasunod-sunod ng maikling kuwentong “Pagislam”
1. Sumapit ang araw ng penggunting, naroon ang lahat ng kapitbahay.
2. Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng penggunting.
3. Hindi napigil ni Ibrah ang sarili nang marinig ang maliit na tinig ng pag-iyak kaya napasugod siya
upang makita ang bata at si Aminah.
4. Sinundo ni Ibrah ang Imam upang isagawa ang bang. Banayad na ibinubulong ng Imam sa
kanang tainga ng sanggol ang magagandang aral ni Allah.
a. 1,2,3,4 c. 2,3,1,4
b. 1,3,4,2 d. 3,4,1,2

Jens Martensson 4
BALIKAN
Panuto: Piliin ang tamang kasagutan.
1. Kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar
a. Epiko c. Maikling kuwento
b. Kuwentong bayan d. Pabula
2. Isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Isa itong salaysay o kuwento na ang mga tauhan
ay mga hayop na nagsasalita.
a. Epiko c. Maikling kuwento
b. Kuwentong bayan d. Pabula
3. Uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos di mapaniwalaan dahil may mga tagpuan o pangyayaring makababalaghan at di
kapani-paniwala.
a. Epiko c. Maikling kuwento
b. Kuwentong bayan d. Pabula

Jens Martensson 5
4. Isang anyo ng panitikang tuluyan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at
kadalasang umiikot sa isang suliranin.
a. Epiko c. Maikling kuwento
b. Kuwentong bayan d. Pabula
5. Anong kaisipang mahihinuha sa pabulang “Ang Mataba at Payat na Usa”?
a. Mahalin ang iyong kapatid.
b. Huwag tanggihan ang biyaya
c. Ang pagpatay ng hayop ay may kaparusahan .
d. Ang inggit ay maaaring makapagdulot ng kapahamakan.

Jens Martensson 6
PAG-ISLAM
M u s l i m a y
m n g m g a
g p a g i sl a o n y a n g
An d n g s er e m
h a l in t u l a i s t i ya n o .
ka s a m g a K r
in y a g y
pagbib e m o n ya n g i to a
Ang se r n g m g a
g in a g a w a
r a n i w a n g g g a n g s a
ka d a n a o h a n
a M in
Muslim s u k u ya n .
kasal

Jens Martensson 7
ANG PAG-ISLAM AY
NAHAHATI SA TATLO:
1
1. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang
oras pagkapanganak ng isang sanggol. Dito ay
babasahan ng dasal ng isang Imam (mataas na
punong panrelihiyon ng mga Muslim) o pandita
( guro o dalubhasa sa Koran) sa kanang tainga
ng sanggol upang maikintal sa isip ng sanggol
ang pangalan ni Allah, ang kanilang diyos.

Jens Martensson 8
2. Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na
penggunting. Ginagawa ito sa ikapitong araw
pagkapanganak ng sanggol. Dito binibigyan ng
2
pangalan ang sanggol. Ang magulang ay naghahanda
at nag-iimbita ng kanilang mga kaibigan, kaanak, at
kakilala bilang pasasalamat kay Allah. Sa
seremonyang ito gumugunting ng buhok ang Imam o
pandita sa sanggol at inilalagay ito sa mangkok na
may tubig. Ayon sa kasabihan kapag ang buhok ay
hindi lumubog sa tubig ay magtatamasa ng
masagana at maunlad na buhay ang sanggol at
kabaligtaran naman kung ito’y lulubog.

Jens Martensson 9
3. Ang ikatlong seremonya ay
3
tinatawag na pagislam o ang
seremonya ng pagtutuli. Ginagawa ito
kapag ang sanggol ay magdiriwang ng
kanyang ikapito hanggang ikasampung
taon kasabay ng isang mahalagang
araw sa mga Muslim

Jens Martensson 10
Imam na
nagbubulong sa
Penggunting
kanang tainga
ng sanggol

Jens Martensson
11
SURIIN
Basahin at suriing Mabuti ang
maikling kuwento PAG-ISLAM
(MAIKLING KUWENTO)
Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang
maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito
ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig
ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang kanyang pinakahhihintay.
Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay... Hindi na niya
napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang
bata at si Aminah. "Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday
habang binibihisan ang bagong silang na sanggol
"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating
panalangin," wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday.
Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas
ang sanggol sa pag-iiyak.

Jens Martensson 12
"Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama," bulong
sa sarili ni Ibrah.
Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang
kanyang ina
“Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang
bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah angiba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na
tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng
asawa at magalang nainimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang
bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-daling hinagilap ang
kanyang dasalan para sa gagawing seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong
ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang.

Jens Martensson 13
"Allahu Akbar, Allabu Akbar Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
...ang magandang aral niya.“
"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang
magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng Imam.
"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah. Masuyong
inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan.
Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila
maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo
nilang kaya.

Jens Martensson 14
Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan
sa anak. "Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay
Aminah.
"Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak,"
pagmamalaki ni Ibrah.
At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon
nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang
katulong ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasalamat sa
pagkakaroonnila ng supling.
Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at
paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang
katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na
kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na
buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na
pinagmasdan ito ng lahat.

Jens Martensson 15
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang
nakapaligid
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang puso.
Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap
nito sa buhay.
Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga
panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata. siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang
nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah”,
wika ng isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot ni
Aminah.
“Sana Kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang
inaantok na si Abdullah.

Jens Martensson 16
*Maaari niyo ring panoorin ang maikling
kuwento sa sumusunod na link:
https://www.youtube.com/watch?v=GbX
mEQaUq5s

Jens Martensson 17
Ang akdang iyong binasa at pinanood ay isang maikling
kuwentong mula sa Mindanao. Ang maikling kuwento ay isang
anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at
masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay
natatapos sa isang upuan lamang. Ito ay nagdudulot ng aliw
at karaniwang kapupulutan ng mga aral sa buhay.
Ayon kay Genoveva Edroza- Matute, ang maikling kuwento
ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may
isang pangyayari at may isang kakintalan.

Jens Martensson 18
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO

1. Tauhan – ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. Ang tauhan ay maaaring


maging mabuti o masama.
2. Tagpuan – ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling kuwento.
3. Banghay – ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Simula – ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.
b. Tunggalian – dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
mga suliraning kanyang kakaharapin.
c. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento at
pinakamaaksiyon. Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang-solusyon ang suliranin at
dito nalalaman kung matagumpay baa ng pangunahing tauhan o hindi.
d. kakalasan – sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ang
nagbibigay ng daan sa wakas.
e. Wakas – ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o
malungkot.

Jens Martensson 19
PAGYAMANIN
Gawain A. Pagsusuri sa Napanood/nabasang kuwento
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay?


Ilarawan ang kanyang reaksiyon? Sagot:
2. Paano niya ipinakitang nagpapasalamat siya kay Allah sa biyayang natanggap? Sagot:
3. Anong tradisyon o seremonya ang nakita mo sa akda? Isa-isahin ang mga ito. Sagot:
4. Paano ipinakita sa akda ang pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah sa kanilang
tradisyon at paniniwala?

Jens Martensson 20
Gawain B. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salita
Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.

(panauhin) 1. Maraming bisita ang dumating sa kanilang tahanan nang


binyagan ang kanyang anak.
(napipiho) 2. Nasisiguro ng magulang na may magandang bukas ang
kanilang anak.
(handog) 3. Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa dami ng regalong
kanilang natanggap para sa kanilang anak.
(mataginting) 4. Dinig ng lahat ang kanyang malakas na halakhak nang
makitang ngumiti ang bagong silang na sanggol.
(umanas) 5. Ang pari ay bumulong ng maikling panalangin sa tainga ng
sanggol.

Jens Martensson 21
ISAISIP
Panuto: Kompletuhin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang detalye sa
patlang. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
Allah Abdullah Tarhata Kambing Imam

Ilang oras pagkapanganak pitong araw pagkapanganak

pitong taong gulang Aminah Penggunting

1. Ang makisig at lalaking-lalaki na talagang nagmana sa kanyang ama ay si _______.


2. Ang nanguna sa seremonya ng penggunting at bang sa sanggol ay ang ___________.
3. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baro-baruan sa silid ng sanggol ay si________.
4. Ang pangalang ibinigay ni Ibrah sa anak ay __________.
5. Isinagawa ang seremonya ng penggunting noong panahon o araw na siya ay ____.
6. Ang bata ay nabasahan ng “bang” sa edad na __________.
7. Ang seremonya ng pagbibigay ng pangalan at paggupit sa buhok ng sanggol at paglalagay nito sa mangkok na may tubig
ay tinatawag na ____________.
8. glalagay nito sa mangkok na may tubig ay tinatawag na ____________. 8. Ang huling yugto ng Pagislam sa buhay ng
sanggol ay naganap sa kanyang______.
9. Kinatay upang ihanda sa pagdiriwang ang isang _________.
10. Ang sanggol na sumailalim sa Pagislam ay nagiging alagad ni ________.

Jens Martensson 22
ISAGAWA
Kilalanin kung ang pangyayari ay katotohanan o opinion
Panuto: Suriin kung ang pahayag ay masasabing katotohanan o opinion. Isulat sa patlang ang K kung
katotohanan at ang O kung opinion. Ipaliwanag sa mga patlang sa ibaba ang iyong kasagutan
___ 1. Isang Imam ang nagsasagawa ng seremonya ng bang para sa bagong silang na sanggol.
Paliwanag: ___________________________________________________________
___ 2. Ang mga lalaking anak ay palaging nagmamana sa ama at ang mga babaeng anak ay sa ina naman
nagmamana.
Paliwanag:___________________________________________________________
___ 3. Siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa mga batang hindi lumubog ang buhok sa
mangkok na may tubig na isinagawa sa seremonya ng paggunting.
Paliwanag:___________________________________________________________
___ 4. Pagkalipas ng pitong araw, pagkasilang ng sanggol ay isinasagawa ng mga Muslim ang seremonya ng
paggunting.
Paliwanag: ____________________________________________________________
___ 5. Ang seremonya ng Pagislam ay binubuo ng tatlong yugto at pinakahuli rito ay isasagawa sa ikapitong
taong edad ng sanggol.
Paliwanag: ____________________________________________________________

Jens Martensson 23
TAYAHIN
A. Buoin Natin
Punan ang Ladder Organizer sa ibaba upang maisalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayaring naganap sa seremonya ng pagislam sa anak ni Ibrah.
Ang Pagislam sa Buhay ni Abdulah

Huling Yugto ng Pagislam

Pagsasagawa ng Penggunting

Pagsasagawa ng Bang

B. Isalaysay Mo
Isalaysay mo na ngayon nang maayos at wasto ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa buhay
ni Abdulah. Siguraduhing nakapaloob ang mahahalagang pangyayaring naganap mula sa kanyang pagsilang
hanggang sa pagsasagawa ng iba’t ibang seremonya.
C. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala o kultura ng iyong lugar
na kinalakhan o kinabibilangan? Sagot:
• 2. Paano nakatutulong ang akdang gaya ng maikling kuwento sa pagpapala- ganap at pagpapanatili
ng kultura o paniniwala ng isang partikular na lugar? Sagot:

Jens Martensson 24
KARAGDAGANG GAWAIN
Sumulat ng tatlong tradisyon, paniniwala o kaugaliang isinasagawa sa lugar na sinilangan o
kinalakhan, o mga pagpapahalagang panrelihiyong iyong pinaniniwalaan o isinasabuhay na
katulad ng Pagislam. Magbigay ng maikling paliwanag sa bawat isa at saka sagutin ang mga
tanong kaugnay nito.

Jens Martensson 25
Tradisyon, Paniniwala o Kaugaliang
Aking PInaniniwalaan o Isinasabuhay
Na Katulad ng Pagislam

1. Ano o saan nagmula ang mga paniniwalang iyong naisulat?


Sagot:
2. Ano ang naging epekto nito sa iyong buhay?
Sagot:
3. Sa iyong palagay, mahalaga bang mapanatili ang mga ito?
Sagot:

4. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili o pagpapahalaga sa

mga ito at maging ang iba pang paniniwala o kulturang iyong

kinalakhan particular sa iyong lugar?


Sagot:
Jens Martensson 26
THANK YOU!!!

Jens Martensson 27

You might also like