You are on page 1of 40

Youth and Adult Mission

2023 Quarter 3
TRANS -EUROPEAN DIVISION

Mission Spotlight

Andrew McChesney
Editor

Isinalin sa Tagalog
Ni

(Gng.) Clemence B. Esperanza

1
Minamahal na Lider ng Paaralang Sabado,
Aming itinatampok sa tremestreng ito ang Trans-European Division, na namamahala sa gawain ng
Adventistang Iglesiang sumasaklaw sa 22 mga bansa: Albania, Bosnia,-Herzegovina, Croatia, Cyprus, Denmark,
Estonia, Finland, Greece, Hungary, Iceland, Ireland, Latvia, Lithuania, Macedonia, Montenegro, Netherlands,
Norway, Poland, Serbia, Slovenia, Sweden, at United Kingdon.
Ang rehiyon ay tahanan ng 207 milyong tao kasama ang 88,273 Adventista. Ang tumbasan ay isang
Adventista sa bawat 2,346 na tao.
Ang Ikalabintatlong Sabadong Handog ngayong tremestre’y tutulong sa proyekto ng misyon sa Latvia at
Montenegro. Sa Latvia, ang pundo’y makatutulong na palawakin ang Seventh-day Adventist outreach sa mga
bata at pamilya sa pamamagitan ng pagtatayo ng sentro ng impluwensya sa kabisera, ang Riga. Ang sentro ang
magiging lugar ng pagpupulong ng mga pathfinders; ang mga bata’y magkakaroon ng bahagi sa daycare center,
pag-aaral ng mga lenguahe, at camping sa araw ng tag-araw na bakasyon; paglahok ng mga pamilya sa health
club at gawaing sports; at magkakaroon ang komunidad ng pagkakataon sa mga serbisyo tulad ng pagmamasahe,
pangangalagang dental, pag-aayos ng buhok, at paglalaba. Makatutulong sa Montenegro ang pundo sa pagtatayo
ng isang youth camp sa Adriatic resort sa bayan ng Zelenika. Itatayo ang campo sa lugar ng sirang gusaling nasa
90-taon ang tanda at matagal nang ginagamit ng mga Pathfinders. Magsisilbi itong isang sentro ng pagpapaunlad
sa edukasyon at espiritual at misyon din para sa mga bata.
Natatanging Itatampok
Kung gusto ninyong gawing buhay ang inyong Paaralang Sabadong klase, nag-aalok kami ng mga
larawan at ibang mga materyales na sasabay sa bawat kuwentong misyon. Marami pang impormasyon ang nasa
ibaba ng bawat kuwento. Para sa larawan ng mga lugar para sa mga turista at ibang mga tanawin mula sa
itinampok na mga bansa, subukan ang walang bayad na photo bank tulad ng pixabay.com or unsplash.com.
Maaari ninyong ipakita ang mga larawan sa klase sa pamamagitan ng inyong computer o mobile device habang
inyong binabasa ang misyong kuwento, o maaari ninyong i-print ang mga larawan upang palamutian ang silid ng
inyong Paaralang Sabadong Klase o sa inyong bulletin board ng iglesia.
At karagdagan, maaari kayong mag-download ng PDF ng mga katunayan at mga aktibidad mula sa Trans-
European Division sa bit.ly/TED-2023. Sundan ninyo kami sa facebook.com/missionquarterlies. Maaari rin kayong
mag-download ng PDF version ng Mission magazine sa bit.ly/adultmission, at Mission Spotlight videos sa
bit.ly/missionspotlight. Kung masusumpungan ninyong epektibong paraang maibahagi ang misyong kuwento, maaari
bang ipaalam sa amin sa mcchesneya@gc.adventist,org.
Maraming salamat sa pagpahikayat ninyo sa ibang magkaroon ng kaisipang misyunero!

Andrew McChesney -Editor

2
Isang Buhay Na Himala Montenegro | Hulyo 1
Milanka

Regular na may medical check-up si Inay sa unang anim na buwan ng kanyang pagdadalang-tao sa
Montenegro. Walang napansin anomang hindi ordinaryo ang manggagamot.
Subalit lingid sa kaalaman ng Ina at ng manggagamot na may nagaganap na depekto sa maliit na si Voya
27 araw pagkatapos ng paglilihi. Hindi nabubuo ang kanyang gulugod nang maayos sa ibaba ng kanyang likod.
Mayroon siyang butas sa kanyang likod. Ang bahagi ng kanyang kordong panggulugod ay sumusundot sa butas
at mga nerbiyo’y napapaligiran ng isang lobo. May spina bifida si Voya.
Lumaki ang tiyan ni Ina, at nagtungo siya sa ikalawang manggagamot para sa tulong. Sinabi ng
manggagamot na may lobong may sukat na anim na pulgada (15 sentimetro) ang diyametro sa likuran ng kanyang
ang sanggol.
Nadala sa pagamutan si Ina. Tiyakang sinabi ng manggagamot na hindi maganda ang prospektibo ng
sanggol. Sinabi niyang maaaring mamatay ang sanggol o malubha ang pagiging kapansanan nito at iminungkahi
ang agarang pagsisilang upang tapusin ang pagbubuntis nang mabilisan.
Nang sumunod na araw, Biyernes, gumawa ng ultrasound ang manggagamot at natuklasang hindi
maigalaw ni Voya ang kanyang mga binti. Nagbigay ng konklusyon ang manggagamot na walang silbi ang mga
binti ni Voya.
Nang sumunod na araw, Sabbath, araw ng pahinga, pero hindi kay Inay. Umiyak siya nang buong araw.
Nang gabing iyon, napagod siya at nakatulog sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong araw.
Nang araw ng Linggo, nagising si Inay at nagtataka kung isa lang itong masamang panaginip. At naalaala
niya at nagsimula uling umiyak. Sa pagitan ng mga luha, nakipag-usap siya sa Dios.
“Oh Dios, makapangyarihan at dakilang Dios Kayo,” ang wika niya. “Magagawa Ninyo ang lahat ng
bagay. Kayo ang nagbigay buhay sa aking Voya, Kayo ang Saksi sa lahat ng mga nangyayari. Kung
pagpasyahan Ninyong kunin siya, hindi ito magiging madali sa akin, maaari po bang gawin Ninyo siyang
malusog? Anoman ang Inyong pasya, tatanggapin ko. Basta narito Kayo at huwag Ninyong pahintulutan anoman
ang mangyari nang wala Kayong kapahintulutan. Sa pangalan ng Dios nakikiusap ako sa Inyo. Amen.”
Pagkatapos ng panalangin, napuno ng kapayapaan ang puso ni Inay. Wala siyang kapangyarihan, at tangi
lang niyang pag-asa ang Dios. Naniniwala siyang gagawin ng Dios ang pinakamabuti. Subalit napakahirap na
bahagi ang paghihintay.
Nagpadala ng sinag ng pag-asa sa hapon ng Linggong iyon. Napansin ng manggagamot na napuno ang
pantog ni Voya. Isa itong pahiwatig na may nagaganap na isang bagay. Karaniwang ang mga batang may sirang
likuran ay walang laman ang mga pantog.
Pagkaraan ng sampung araw sa hospital, lumabas si Inay. Parang sinasabi ng manggagamot na “Hayaan
siyang lumabas. Pahintulutang maganap ang kagustuhan ng Dios.”
Maikling panahon ang lumipas, bumalik si Inay sa hospital. Gusto ng manggagamot na tingnan kung
kumikilos ang mga binti ni Voya. Nanalangin si Ina at Ama bago pumunta at nanalangin sila habang naghihintay
ng resulta.

3
At nagsagawa ng ultra sound ang manggagamot, ang mga binti’y nanatili sa dati. Limang minuto ang
lumipas. Sampung minuto, labinglimang minuto. Nanatili hindi kumikibo ang mga binti, at nagpapatuloy si Ina at
Ama sa panalangin.
“O Dios, ipamalas Ninyong muli sa amin ang Inyong kapangyarihan,” ang panalangin ni Ina. “Aliwin
Ninyo kami. Pagalawin Ninyo ang mga binti ng sanggol.”
Paglipas ng dalawanpung minuto, nagsimulang ikilos ng sanggol kapwa ang kanan at kaliwang binti.
Lubha ang kagalakan ni Ina at Ama! Bumalik siya ng tahanan at hinintay ang Marso 20, ang araw na inaasahang
isisilang ang sanggol.
Nagbabala ang manggagamot na maaaring isilang na patay ang sanggol. Subalit batid ni Ina sa kanyang
puso’y nagpasya ang Dios na bigyan ng buhay si Voya. Sa papalapit na araw ng buwan ng panganganak patuloy
siyang nanalangin nang walang humpay.
At bago siya magsilang, nanalangin siyang muli, “Mahal na Dios, sa ilang minuto, malalaman ko kung
nagpasya Kayong bigyan ng buhay o kamatayan si Voya. Muli hinihingi ko sa Inyo ang kanyang buhay. Subalit
hindi ang aking kagustuhan kundi ang Inyong kagustuhan ang siyang maganap. Salamat sa Inyo sa pangalan ni
Jesus. Amen.”
Naganap ang pagsisilang nang napakabilis. Binigyan ng lakas si Ina ng Dios. Napangiti siya nang may
kagalakan nang marinig ang iyak ni Voya.
Hindi naging madali ang buhay para sa batang lalaki. Ginugol niya ang karamihan sa kanyang
kamusmusan sa mga manggagamot at sa pisikal therapy. Gayonpaman sinabi ng manggagamot na siya’y buhay
na himala. Ang maliit na batang kanilang iniisip na walang pag-asang mabuhay ngayo’y matangkad, malakas na
tinedyer na gustong-gustong tumakbo at lumundag.
“Gumawa ng himala ang Dios sa aming Voya,” wika ni Ina, na ang pangalan ay Milanka. “Si Voya ay
sumasakay sa bisikleta at naglalaro ng soccer nang walang anomang pisikal na problema. “Salamat sa Dios sa
lahat ng bagay, ginawa Niya sa aking pamilya at sa akin.”
Ngayon isang estudyante si Voya sa Seventh-day Adventist Secondary School sa Novi Sad, Serbia, na
nabuksan sa tulong ng nalikom na Ikalabintatlong Sabadong Handog noong ikatlong semester ng 1997. Ang
Ikalabintatlong Sabadong Handog na ibinigay ng mga tao nang mahigit 25 taong ang nakalipas ay nakatulong kay
Voya na magkaroon ng Adventistang edukasyon ngayon.
Nagpapasalamat ang pamilya ni Voya sa ikalabintatlong Sabadong Handog ngayong tremestre.
Makatutulong ito sa pagtatayo ng Pathfinder Camp sa kanilang lupang tinubuang Montenegro kung saan ang
kapatid na babae ni Voya at ibang mga bata’y maaaring matutunan ang tungkol sa kahanga-hangang Dios na
sumasagot sa panalangin. Salamat sa inyong panukala ng masaganang Ikalabintatlong Sabadong Handog.

Story Tips

 Basahin ang tungkol kay Voya sa Children’s Mission quarterly.


 Download ang ibang larawan sa Facebook.bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division:bit.ly/TED-2023
 Inilalarawan ng misyong kuwento ang sumusundo na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I Will
Go” Strategic Plan: Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple individuals and families into spirit-
filled lives,” at Spiritual Growth Objective No. 7, “To help youth and young adults place God first and

4
exemplify a biblical worldview.” Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa website:
IWillGo2020.org.

Mission Post

 Ipinangaral ang unang mensahe ng Seventh-day Adventist sa Balkan Peninsula noong 1880, nang
magtungo si A. Seefried sa Skoplje, sa Macedonia, bilang kinatawan ng British at Foreign Bible Society.
 Si Petar Todor ang unang Seventh-day Adventist na ministrong isinilang sa Yugoslavia na naglingkod sa
kanyang sariling bansa. Siya at kanyang asawa’y nabautismuhan sa Arad, Romania, noong 1900.
Tatlong taon ang lumipas, sa Conferensya sa Cluj, Romania, napili siyang maglingkod bilang Bible
worker at nang sumunod na taon ipinadala siya sa Serbia bilang isang pastor.

5
Iniligtas ng Isang Aso Montenegro | Hulyo 8
Sekule

Pinandilatan ng isang nasa katandaang ama ang 21-taong gulang na Seventh-day Adventist na huminto sa
kanyang apartment para sa leksyon sa Biblia.
Ang kanyang 16-taon gulang na anak na lalaki’y wala sa tahanan upang tanggapin ang ilan papel na may
leksyon sa Biblia. Naganap ito sa Podgoria, kabisera ng Montenegro.
“Siya’y natatangi kong anak na lalaki,” ang wika ng ama kay Sekule. “Walang sinoman sa aking buhay
maliban sa kanya. Hinintay ko siya nang buong buhay ko. Gusto kong malaman ang ilang bagay tungkol sa iyo.
Mula ka ba sa isang sekta?”
Gustong sabihin ni Sekule sa tao na hindi siya bahagi ng isang sekta kundi isang Seventh-day Adventista.
Gayon pa man, natakot siya.
“Hindi kami isang secta,” ang wika niya. “Mga Kristiyano kaming naniniwala kay Jesu Cristo at sa
Banal na Espiritu, at gusto lang naming tulungan ang inyong anak na maunawaan ang pangunahing katotohanan
sa Biblia. Walang matutunan mali ang inyong anak.”
“Hindi ko gustong sumapi sa isang sekta siya,” ang wika ng ama.
Nang bumigkas ng isang pananakot ang ama naramdaman niya ang pagsiklabo ng lamig sa kanyang dugo
dahil sa takot.
“Kung dadalhin ang aking anak sa maling direksyon. Nakahanda akong patayin siya at ipagtanggol ang
aking pamilya,” ang wika niya.
Iyon ay taong 1990s, ang kalayaan ay nababalita na at ang dating Soviet Yugoslavia’y nabahagi sa ilang
bilang ng maliliit na mga bansa, kasama ang Montenegro. Ginagamit nina Sekule at ibang Adventista ang
kanilang kalayaan sa pamimigay ng pag-aaral ng Biblia sa kabisera.
Pagkatapos nang pagtatagpong may galit, nakipagtunggali sa Dios si Sekule sa loob ng isang linggo.
Nag-aalala siya tungkol sa maaaring mangyari kapag bumalik siya sa apartment. Araw-araw nadaragdagan ang
kanyang takot. Sa ika-anim na araw, lumuhod siya harap ng Dios at nagwika, “Ako’y mamamatay sa takot, hindi
ko alam kung ano ang mangyayari. Ang tanging solusyon ay hindi bumalik sa apartment, subalit hindi ito
solusyon dahil ipinangako ko sa anak na pupunta ako roon. Kailangan ko ang espesyal na bagay mula sa Inyo.
Tulungang po ninyo ako.”
Nang sumunod na araw inulit niya ang panalangin, kinuha ang mga leksyon sa Biblia at umalis ng bahay
upang mamigay ng mga leksyon. Habang naglalakad siya palapit sa unang apartment, dumaan siya sa parke na
tahanan ng mga pulutong mga mga ligaw na aso. Ang pinakamalaking aso’y humiwalay sa pulutong at sumunod
kay Sekule.
“Alis!” ang wika ni Sekule sa aso. “Lumayo ka!” Umurong nang ilang hakbang ang aso subalit
nagpatuloy sa pagsunod sa kanya.
Naghihintay ang aso sa harapan ng unang apartment na dinalaw ni Sekule. Sumunod ang aso sa kanya sa
kasunod na apartment. Nang dumating si Sekule sa gusali ng apartment ng mapaghinalang ama, sumunod sa
kanya ng aso hanggan sa hagdanan. Ito ang unang pagkakataong sinusundan siya ng aso sa gusali ng apartment.
Napagtanto ni Sekule na sinisikap ng Dios na hikayatin siya.

6
“Kasama ang aso, bakit ka matatakot?” parang sinasabi ng Dios, “Magpapadala ako ng anghel upang
ipagsanggalang ka kung kailangan mo ito. Ang aso’y nakikitang katibayan ng Aking presensya. Ang hindi mo
nakikita ang Aking proteksyon sa iyo.”
Nakaramdan ng kasiglahan si Sekule. Nang dumating si Sekule at ang aso sa pintuan ng apartment,
sinabihan ni Sekule ang aso na “Lumayo ka! Lumayo ka” Umatras ang aso nang tatlong hakbang sa hagdanan at
tumingin sa kanya.
Pinatunog ni Sekule ang doorbell. Ibinukas ng ama ang pinto. Nang makita si Sekule, nagalit siya at
umungol , “Subalit ikaw –” At kanyang nakita ang aso at umatras nang isang hakbang. Huminga at nagsalita sa
mas kalmadong boses, “Nagpasya ang aking anak na hindi na siya mag-aaral ng leksyon sa Biblia.”
Nang umalis si Sekule sa gusali, lumakad ang aso sa ibang direksyon. Hindi na muling nakita ni Sekule
ang aso.
Paglipas ng sampung taon, naging sikat na mang-aawit ang anak sa Montenegro. Minsan sa isang
panayam sa media, nagsalita siya tungkol sa kanyang pananampalataya. Ang wika niya, “Isa akong tunay na
mananampalataya, subalit may ilang mga bagay na pinaniniwalaan kong kakaiba sa ating tradisyunal na
relihiyon.”
Nang marinig ni Sekule ang mga salitang iyon, napuno ng kagalakan ang kanyang puso. Batid niya
ginamit ng Dios ang mga leksyon sa Biblia para sa Kanyang kaluwalhatian.
Hindi na alam ni Sekule kung ano ang nangyari sa anak. Hindi na siya umaawit o hindi na siya
naninirahan sa Montengro. Subalit alam ni Sekule ang isang bagay: iniingatan ng Dios ang mga taong
nagbabahagi ng ebanghelyo.
Ang bahagi ng Ikalabintatlong Sabadong Handog ngayong tremestre’y tutulong sa pagtatayo ng isang
bagong Pathfinder Camp sa bayang sinilangan ni Sekule sa Montenegro kung saan magkakaaroon ang mga bata at
kabataan ng pagkakataong malaman ang tungkol sa Dios. Salamat sa inyong panukalang malaya at masaganang
Ikalabintatlong Sabadong Handog.
Story Tips

 Bigkasin ang Sekule tulad sa: sek-OO-le


 Bigkasin ang Podrorica tulad sa:POD-gar-itsa. Ang pangalan ay nangangahulugan ng “sa ilalim ng
burol.”
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division:bit.ly/TED-2023
 Inilalarawan ng misyong kuwento ang sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I Will
Go” Strategic Plan: Mission Objective No. 1, “To revive the concept of worldwide mission and sacrifice
for mission as a way of life involving not only pastors but every church member, young and old, in the
joy of witnessing for Christ and making disciples”; Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple
individuals and families into spirit-filled lives,” , Spiritual growth Objective No.6, “To increase
accession, retention, reclamation, and participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual
Growth Objective No. 7, “To help youth and young adults place God first and exemplify a biblical
worldview.” Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa website: IWillGo2020.org.

7
Fast Facts

 Matatagpuan ang isa sa pinakamatandang punongkahoy sa Europa sa Bar, sa dalampasigan ng Adriatic


Sea, at mahigit sa 2,000 taon ang tanda. Nasa 33 talampakan (10 m) ang circumperensya ng matandang
punong olivo.
 Ang Lawa ng Skadar ang pinakamalaking lawa sa Balkans at isa sa may pinakamalaking reserbasyon para
sa ibon sa Europa. Tahanan ito ng 270 species ng ibon at pinakamahalagang hintuan ng mga lumilikas na
mga ibon. Maaaring makita ng mga bumibisita ang dalmatian pelicans, pygmy cormorants, storks, egrets,
ibises, herons at falcons.

8
Online Missionary Serbia | Hulyo 15
Nemanja

Habang nag-ee-scroll si Nemanja sa kanyang Instagram, napansing wala siyang matagpuan maraming
pahina ng mensahe ng Seventh-day Adventist sa kanyang katutubong wika, ang Serbian.
Nagtataka siya, “Bakit ang ating iglesia’y hindi gaanong ipinapahayag sa Instragram?” At pagkatapos
tinanong ang sarili. “Bakit wang sinomang gumawa ng tungkol sa bagay na ito?” Ang sumunod na tanong na
dumating sa kanyang isipan, “Bakit hindi ako gumawa ng tungkol dito?”
Kaya, sinimulan ni Nemanja ang online ministry na ngayon ay may mahigit ng 5,000 Instagram na
tagasunod sa buong mundo at may karagdagang mga kalahok sa dalawang ibang plataporma ng social media.
Karagdagan sa kanyang pagpopost ng mga mensahe’y tungkol sa Adventistang paniniwala sa social media,
pinamamahalaan ni Nemanja ang sampung maliliit na pulutong na nag-aaral ng Biblia na binubuo ng 20-30 mga
tao sa bawat Instagram. Nasa 10 kabataan ang nabautismuahn sa loob ng nakaraang dalawang taon at ang ilan ay
nag-aaral na maging pastor sa Adventistang seminaryo sa kabisera ng Serbia sa Belgrade.
Ano ang tulad ng nasa online missionary? Maaari itong nakatatakot, ang wika ni Nemanja, na 25 taong
gulang. May isang kabataang sumulat na pinagbabantaan ng masamang Espiritu ang kanyang buhay. Ipinakikila
ng masamang espiritu ang sarili bilang dios, at nagwikang may pinatay na siyang mga tao.
“Maaari mo ba akong ipanalangin? “ ang tanong ng kabataang lalaki kay Nemanja.
Nagtatag siya ng grupong mananalangin sa online na binubuo ng sampung katao at nanalangin sila.
Dalawang araw ang lumipas, sumulat ang kabataang lalaki at ipinahayag ang kanyang pagpapasalamat.
“Kahapon nabawasan ang pag-atake ng masamang espiritu at ngayon hindi na siya umatake,” ang nasa
sulat niya. Ang kabataang lalaki’y sumama sa isa sa online Bible study groups ni Nemanja. “Tinulungan siya ng
Dios,” ang wika ni Nemanja.
Ang isa pang Bible Study group ni Nemanja na grupo ng kababaihan ay tumanggap ng mensahe mula sa
isang babaeng nangangalang Tamara, mula sa Vienna, Austria. Sumulat siyang labis niyang hinahangad na
sumali sa Komunyong serbisyo subalit hindi alam kung saan pupunta. Pagkatapos na e-post niya ang kanyang
mensahe sa grupo, deretso siyang nagmensahe kay Nemanja at nagtanong kung saan iglesia dadalo. “Madali
iyan” ang tugon ni Nemanja sa sulat. “Basahin mo ang Biblia at manalangin at sasabihin sa iyo ng Dios kung ano
ang iyong gagawin.
Tumugon nang magalang si Tamara na binasa na niya ang Biblia at nanalangin. Nagpadala si Nemanja
ng mga materyales para pag-aralan at ilan sa kanyang Instagram posts. “Salamat sa iyo.” Ang sagot ni Tamara sa
sulat, “Subalit hindi ko pa rin natatagpuan ang kasagutan.”Sa panahon iyon, sumagot si Nemanja,
“Iminumungkahi kong magtungo ka sa isang Seventh-day Adventist Church”.
Hindi nasiyahan si Tamara sa kasagutan at nagpasyang bisitahin ang ibang iglesia. Nang dumating siya
sa lugar wala siyang mapagparadahan ng kanyang sasakyan. Nagpa-ikot-ikot siya at wala pa rin siyang makitang
bakanteng lugar. Habang umiikot siya sa iglesia sa Austria, isang Adventistang babaeng nasa 300 milya (500 km)
ang layo sa Bosnia at Herzegovina ang nakapansin sa unang paghahanap ng tulong ni Tamara sa grupo ng mga
babaeng nag-aaral ng Biblia.
“Hey Tamara,” ang sulat na tugon ng babae, “May serbisyo ng komunyon sa Sabado. Narito ang address
ng iglesia sa Vienna.”

9
Nagulat si Tamara, “Naghahanap ako ng lugar para paradahan at nakakaramdam na ng kalungkutan,” ang
tugon niya sa sulat. “Sa sandaling ito natanggap ko ang iyong mensahe.” Nagtungo siya sa iglesia ng Adventista
para sa komunyon sa araw ng Sabbath. Ngayon naghahanda na siya para sa bautismo.
Isang gabi, habang naghahanda si Nemanja para matulog, dumating ang isang kaisipan sa kanya.
“Kailangan mong ipinalangin si Aleksa.” Tinanggap ni Aleksa ang katotohanan pagkatapos na sumama sa online
Bible Study group subalit hindi pa nababautismuhan. Pagkatapos umalis siya sa grupo na nagsasabing, “Alam ko
ang katotohanan, subalit ayaw ko ito. Gusto kong ipamuhay ang buhay.”
Nagpasyang manalangin si Nemaja ng gabing iyon. Nanalangin siya ng payak na panalangin, “Maaari
po ba mahal na Dios hipuin ninyo ang kanyang puso. Amen.” Ang wika niya.
Nang sumunod na araw, sumulat si Aleksa, “Makinig, naramdaman kong parang hinihipo ng Banal na
Espiritu ang aking puso.”
Namangha si Nemanja. Iyon ang eksaktong kanyang ipinalangin.
“Mas maganda kung kanyang isinulat na ‘Gusto kong bumalik sa grupo’,” ang wika ni Nemanja.
“Isinulat niya ang kanyang naranasan, eksakto sa aking panalangin para sa kanya.” Bumalik siya sa grupo
pagkatapos nito.
Isa pang kabataang lalaki ang aktibong nagrereklamo laban sa Adventista sa social media. Sumulat sa
kanya si Nemanja, “Hey, bakit hindi mo basahin ang “The Great Controversy”
“Ok, susubukan ko,” ang tugong ng kabataang lalaki. Binasa niya ang buong aklat ni Ellen White nang
buong magdamag. Nang sumunod na araw, ang wika niya, “Parang magiging isa na akong Adventista.”
Tinanggap niyang nagtuturo ang Iglesia ng Adventista ng katotohanan sa Biblia. Ngayon naghahanda na siya
para sa kanyang bautismo.
Produkto si Nemanja ng edukasyong Seventh-day Adventist na pinunduhan ng isang Ikalabintatlong
Sabadong Handog. Bilang isang tinedyer, nag-aral siya sa Adventist Secondary School sa Novi Sad, Serbia na
nabuksan sa tulong ng nalikom na Ikalabintatlong Sabadong Handog noong ikatlong tremestre ng 1997. Salamat
sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog na may gumugulong na along epekto sa maraming buhay, na
nagpapatuloy sa maraming taon.
Story Tips

 Bigkasin ang Nemanja tulad sa : ne-Man-ya


 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Inilalarawan ng misyong kuwento ang sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I Will
Go” Strategic Plan: Mission Objective No. 1, “To revive the concept of worldwide mission and sacrifice
for mission as a way of life involving not only pastors but every church member, young and old, in the
joy of witnessing for Christ and making disciples”; Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple
individuals and families into spirit-filled lives,” , Spiritual growth Objective No.6, “To increase
accession, retention, reclamation, and participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual
Growth Objective No. 7, “To help youth and young adults place God first and exemplify a biblical
worldview.” Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa website: IWillGo2020.org.
Mission Posts

10
 Sa pormasyon sa Yugoslavia nang katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naitatag ang
Yugoslavia Conference sa Novi San, Serbia noon 1925, at sa katagalan ay inilipat sa Belgrade.

Nag-aatubiling Estudyante ng Seminaryo Serbia | Hulyo 22


Stanislav

Pagkatapos na ibigay ang puso kay Jesus nang tinedyer pa lang, naging aktibo si Stanislav sa kanyang
tahanang iglesia sa Serbia. Nangaral siya ng maraming sermon, gayon pa man hindi pa kailanman pumasok sa
kanyang isip ang maging pastor.
At nagmungkahi ang pastor ng iglesia na magtungo siya sa isang buwan retreat na tinatawag na “Isang
Buwan para Kay Jesus.”
Ayaw pumunta ni Stanislav. Ang kaganapan ay para sa mga kabataan, at siya’y malapit nang 40 na taong
gulang. Iniling niya ang kanyang kalbong ulo. Subalit ayaw tanggapin ng pastor ang hinding kasagutan.
“Kawili-wili itong pangyayari,” ang wika ng pastor. “Hindi, ayaw kong pumunta,” ang wika ni Stanislav.
“Kung ayaw mong pumunta para sa iyong sarili, pumunta ka para sa iglesia,” ang wika ng pastor. Kaya pumunta
si Stanislav.
Sumama ang kanyang kalooban, dahil isang tao lamang ang mas matanda sa kanya sa retreat. Sinikap
niyang umangkop sa mga kabataan. Gayon pa man isang pastor ang nagkaroon ng interes sa kanya.
“Kailangan mong pumunta sa ating Adventist seminary sa Belgrade,” ang wika ng pastor.
“Hindi, matanda na ako,” ang sabi ni Stanislav. “Bukod sa hindi na ako nag-aral sa maraming taon.
Nalimutan ko nang sumulat.”
Subalit lubhang mapanghimok ang pastor. Tunay na napakasigasig ng pastor sa kanyang pagsamo na
siya at si Stanislav ay lumuha pang magkasama.
“Ok,” ang sa huli’y wika ni Stanislav. “Subalit kung pupunta ako sa seminaryo, mawawalan ako ng
trabaho. Wala akong pera para pambayad sa tuwisyon at wala akong ipong pera.”
“Bahala ang Dios diyan,” ang wika ng pastor. Nangako si Stanislav na manalangin at mag-ayuno at
ginawa nga niya.
Kaagad-agad, nagsimulang mangyari ang mga bagay-bagay. Samantalang iniuurong ni Stanislav ang
kanyang kotse sa retreat, isang kotse ang bumangga sa kanya. Naisip niya, “Alam mo, marahil tanda ito na
kailangang kong pumunta sa seminaryo.”
At naglaro siya ng larong soccer kasama ang ilang mga kabataan. Samantalang kukunin niya ang bola,
patakbo siyang bumangga sa punongkahoy. Pumulandit ang dugo sa lahat ng panig. Naisip niya, “Marahil ito
ang ikalawang tanda.”
Habang nagpapahinga sa labas pagkaraan, may isang bagay na bumagsak sa kanyang mga mata, na
dahilan upang mamaga’t magpasara ang kanyang mata. Naisip niya, “Ito’y tiyak na tanda. Kailangan lang
bumuti ang aking pakiramdam at pagkatapos pupunta na ako.”
At nabingi ang isa niyang taynga. Nanalangin siya, “Ok, Panginoon Dios. Ito ang Iyong kalooban.
Pupunta na ako. Hindi ko na kailangang tapusin ang retreat.”

11
Sa sandaling iyon, naramdaman ni Stanislav ang nagtatanong na tinig, “Gagawin ko ba ito sa iyo?”
Naisip niya, “Magandang punto ito. Kahit na nga kalooban ng Dios ito para sa akin na pumunta, marahil
hindi Niya gagawin ang paraang ito.”
Nanatili siya sa retreat. Pagkatapos nagtungo siya sa seminaryo. Subalit hindi siya nakumbinsing isa
siyang pastoral materyal. Naisip niya, “Marahil, babagsak ako sa pagsusulit para sa pagpasok.”
Subalit pinasahan niya ito. At naisip niya. “Maganda, subalit tiyak kong babagsak ako sa personal na
panayam kapag tinanong nila ako tungkol sa aking buhay at motibo.” Nanalangin siya, “Panginoon Dios, maaari
bang alisin mo ang kopang ito sa akin. Subalit ang Iyong kalooban, hindi ang sa akin ang maganap.”
Pumasa si Stanislav sa panayam at tinanggap sa seminaryo.
Walang sapat na pera si Stanislav upang mabayaran ang kanyang tuwisyon. Hindi siya tumanggap na
magandang marka sa high school, at tiyak niyang walang sinomang magbibigay para sa kanyang pinansiyal na
pangangailangan.
Sa kanyang gulat, dumaloy ang pera sa kanyang account habang nakakuha siya ng A’s sa lahat. Hindi
niya alam kung saan nanggagaling ang pera subalit lagi nababayaran ang lahat niyang gastusin.
Tiyak na nakakatakot ang mga pagsusulit. Sa unang taon niya, lubhang nag-aala-ala si Stanislav sa
pagsusulit sa teolohiya. Wala siyang sapat na panahong maghanda para rito dahil hinihinging tapusin niya ang
kanyang gawain sa campus at ang gawain ng ilang mga estudyanteng umalis nang mas maaga. Nagawa lamang
pag-aralan ni Stanislav ang ikatlong bahagi ng mga materyales sa teolohiya.
Nanalangin siya, “Panginoong Dios, batid Ninyo, hindi ko sinadyang gawin ito. Ginawa ko ang
pinamahusay kong magagawa. Kailangan ko ang Inyong tulong.”
Nang umupo siya upang kumuha ng pagsusulit, nasumpungan niya ang lahat ng mga tanong ay batay sa
mga materyales na kanyang pinag-aralan! Madali niyang naipasa ang pagsusulit.
Ang araw na iyon ang punto ng pagbabago para kay Stanislav. Napagtantong kailangan niyang manatili
sa seminaryo at mag-aral.
Si Stanislav ang naging isa sa unang seminaryong estudyanteng tumanggap ng buong scholarship.
Ang minsang atubiling siminaryong estudyante’y nagsalita sa Adventist Mission, mga ilang linggo na
lang magtatapos na siya. ‘Mula sa pagiging mahinang estudyante, ngayon ako’y nakakakuha ng deretsong A’s,
na tunay na maganda,” ang wika ng 41-taong gulang. “Ang Dios ay gumagawa. Hindi ko ito magagawa kung
wala siya.”
Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog tatlong taon ang nakalilipas na tumulong na
mabuksan ang isang bagong iglesia sa kalakhang metro area ng Belgrade, Serbia kung saan nag-aral sa seminaryo
si Stanislav.
Story Tips

 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.


 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division:bit.ly/TED-2023
 Ang mga elemento sa misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day
Adventist Church’s “I Will Go” Strategic Plan: Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple
individuals and families into spirit-filled lives,” ; Spiritual growth Objective No.6, “To increase

12
accession, retention, reclamation, and participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual
Growth Objective No. 7, “To help youth and young adults place God first and exemplify a biblical
worldview.” Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa website: IWillGo2020.org.

Mission Posts

 Ginampanan ng mga Serbians ang isang mahalagang papel sa unang paglapag sa buwan. Tatlong
Serbian ang nagkaroon ng bahagi sa Apollo project. At karagdagan, isang Serbian na nangangalang
Mihajlo Pipin ang isa sa nagtatag ng National Advisory Committee para sa Aeronautics (NACA), na sa
kalaunan ay naging NASA.

13
Bagong Paraan Sa Paghahanap ng Asawang Babae Poland | July 29
Zbigniew

Masigasig si Zbigniew sa pananalangin para sa asawa nang magtapos siya sa kanyang pag-aaral sa
seminaryo sa Komunistang Poland. Pakiramdan niya kung magiging mabuti siyang pastor, kailangan niya ang
isang mabuting asawa.

Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang pagtatapos, ipinadala ng mga lider ng iglesia si Zbigniew at isang
dosenang ibang nagtapos sa timog silangang Poland upang kumatok sa mga pinto. Ang timog silangang ang
rehiyon ay malayo sa tahanan ni Zbigniew sa hilaga. Hahanapin ng mga kabataan ang mga taong
nangangailangan samantalang nag-aalok ng Kristiyanong aklat at magbigay ng pag-aaral sa Biblia.

Si Zbigniew at kanyang kasamahan ay lumalabas nang dala-dalawa, Nagpipintura sila ng mga pader,
naglilinis ng mga bahay. Hindi makapaniwala ang ibang taong maaari silang tumanggap ng tulong na walang
bayad. Tuwing gabi nag-aalok ang mga kabataan ng pag-aaral sa Biblia.

Isang araw, kumakatok sa mga pinto ng mga bahay sa bayan ng Lesko si Zbigniew at kanyang kasamang
naglalakad si Jarek,. Umuulan nang malakas. Itinago ng madilim na ulap ang araw, at lumaganap ang lamig sa
kapaligiran. Maraming tao ang nagsara ng kanilang mga pintuan.

Pagkaraan ng ilang mga bahay, bumukas ang isang pintuan at isang babae nasa 40 ang edad ang lumabas.

“Sino kayo?” ang wika niya. “Bakit kayo kumakatok sa aking pinto?”

Nagpaliwanag si Zhigniew at Jarek na mga Kristiyano sila at gusto nilang mangusap tungkol kay Jesus.

“Naghahanda na ako upang maligo,” ang wika ng babae. “Tatanungin ko ang aking asawa kung gusto
niyang makipag-usap sa inyo.”

Isinara niya ang pinto tulad nang ginawa ng kanyang mga kapitbahay. Nag-iisip si Zhigniew kung
babalik pa siya. Subalit bumalik siya pagkaraan ng ilang minuto.

“Ang aking asawa’y masama ang pakiramdan at ayaw niyang makipag-usap,” ang wika niya. “Subalit
gusto kong makilala kayo at gusto kung marinig ang marami tungkol kay Jesus. Maaari ba kayong bumalik?”

Sumangayon ang dalawang lalaki na bumalik. Nang kumatok sila sa pinto pagkaraan ng ilang araw,
inanyayahan sila ng babae sa kanyang sala. Nasa 10 tao ang kaupo roon. Sabik silang makinig kung ano ang
sasabihin ng kabataang lalaki tungkol kay Jesus.

Kabilang sa mga taong nasa silid ang isang kabataang babaeng nangangalang Maja. Mga ilang
pagkakataong, nagbabasa na siya ng Biblia sa kanyang sarili. Nanalangin din siya para sa isang mabuting asawa.
Nagsisigarilyo at naglalasing ang mga kabataang lalaki sa kanyang bayan, at naghahangad siya ng asawang tapat

14
sa Dios at malaya sa mga adiksyon. Pagkatapos ng pagpupulong sinabi ni Maja sa babae na nag-anyaya sa
kanya, “Si Zbigniew ang kanyang mapapangasawa.”

Maikling panahon pagkatapos ng pagpupulong, inanyayahan ni Zbigniew si Maja na mag-aral ng Biblia


sa ibang syudad mga 60 milya (100 kilometro) ang layo. Nagtungo siya at ang dalawa’y nagsimulang
magsagutan sa pamamagitan ng koreo. Ang taon ay 1986, bago dumating ang mga cellphone at email.

Nang sumunod na taon, noong 1987, nagdaos ang evanghelistang si Mark Finley ng kanyang
ebanghelyong pagpupulong sa hilagang daungan ng Gdansk, isang syudad na kilala sa pag-aaklas ng mga
manggagawa at ng Solidarity Trade Union. Inanyayahan ni Zbigniew si Maja na dumalo. Tuwing gabi,
sumasama siya sa 1,200 na ibang mga tao upang makinig tungkol kay Jesus sa punong-punong sinehan. Sa
huling pagpupulong, nagpasya si Maja na ibigay ang kanyang puso kay Jesus sa bautismo.

Ngayon, sina Zbigniew at Maja ay kasal na sa loob ng 35 taon at may dalawang may gulang ng mga anak
na babae, sina Maja at Natale. Hindi lang isang pastor si Zbigniew kundi isa ring tagapagturo sa seminaryo, lider
ng iglesia at regular na tagapagsalita sa Hope Channel sa Poland. Namamangha siya kung paano sinagot ng Dios
ang kanyang panalangin at panalangin ni Maja na makatagpo ng mabuting mapapangasawa.

“Nanggaling ang aking pamilya sa malayong hilaga ng Poland, at mula sa malayong hilaga ang aking
asawa ang kanyang wika. Imposibleng magtagpo kami kung walang langit na namagitan.”

Binigbigyan niya ng kredito ang literature evangelism ng Poland sa naging susi sa kanilang kasal. “Lagi
kong sinasabi sa aking kabataang estudyante sa seminaryo, ‘Kailangan ninyong maging maingat kapag
nagbabahay-bahay kayo baka maaari ninyong matagpuan ang inyong magiging asawa!’” ang wika niya.

Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong handog noong 2017 na tumulong na magtayo ng television
studio para sa Hope Channel Poland. Si Zbigniew ay regular na tagapagsalita sa Hope Channel Poland, ang local
affiliate ng Hope Channel International.
Story Tips

 Bigkasin ang Zbigniew tulad sa: zz-BIG-ni-yev


 Bigkasin ang Jarek tulad sa: YAR-ik
 Bigkasin ang Maja tulad sa: MY-uh
 Alaming ang larawan sa kabilang pahina ay nagpapakita kay Zbigniew Makarewicz kasama ang kanyang
asawang si Maja.
 Dapat malamang sa paglabas ni Zbigniew sa Hope Channel Poland, siya ay director ng Global Mission sa
Polish Union Conference; guro ng teolohiya at tourism sa seminaryo, ng Polish Senior College of
theology at Humanities; at membro ng editorial committee sa Polish Publishing House. Ang kanyang
dating kasamang naglalakad na si Jarek ay si Jaroslaw Dziegielewski, ang president ng West Polish
Conference.
 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist
Church’s “I Will Go” Strategic Plan: Mission Objective No. 2, “To strengthen and diversify Adventist
outreach among unreached and under-reached people groups.” and Spiritual Growth Objective No. 5, “To

15
disciple individuals and families into spirit-filled lives.” Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa
website: IWillGo2020.org.
Mission Posts

 Noong 1888, si J. Laubhan, isang Seventh-day Adventist na manggagawa at si H. Szkubowicz ay lumipat


mula sa Crimea patungong silangang Poland. Ang kanilang tatlong taong paggawa’y nagbunga sa unang
Adventistang Iglesia sa Poland.

Isang Paaralan Para Kay Berta Poland | Agosto 5


Berta
Nasabik si Berta nang marinig na magbubukas ang unang paaralang Seventh-day Adventist church
school sa Poland. Siya’y tunay na kwalipikadong guro, at naghahanap siya ng trabaho. Gustong-gusto niyang
magturo sa mga bata sa isang Seventh-day Adventistang paaralan.
Subalit may isang problema. Matatagpuan ang Adventistang paaralan malapit sa kabisera ng Poland,
Warsaw, at malayo sa kanyang tahanan sa Krakow.
“Hindi ito ang trabaho para sa akin,” ang malungkot na inisip ni Berta.
At isang kaibigan ang hindi inaasahang nagsimulang magsalita sa kanya tungkol sa Seventh-day
Adventist School. “Marahil maaari kang mag-aplay na magturo roon,” ang wika ng kaibigan.
‘Hindi, masyado itong malayo,” ang sagot ni Berta. Parang mas reyalistikong maghanap ng trabaho sa
Krakow.
At isa pang kaibigan ang nagsabi sa kanya tungkol sa Adventistang paaralan. “Narinig ko ang tungkol sa
Adventistang paaralan,” ang wika ng kaibigan. “Marahil gugustuhin mong mag-aplay na maging tagapagturo
roon.”
Pagkatapos mabanggit ng ikalawang kaibigan ang Seventh-day Adventist School, nag-isip si Berta kung
sadyang sinusubukan lang ng Dios na sabihin sa kanya ang maging guro roon. Nanalangin siya, “O Panginoong
Dios, ano ang aking gagawin? Mananatili ba ako rito sa Krakow, o tutungo sa paaralan doon?”
Nagpasya si Berta na mag-aplay sa dalawang pagtuturong trabaho – sa pampublikong paaralan sa Krakow
at sa Seventh-day Adventist school sa labas ng Warsaw. Nanalangin muli siya. “Pupunta ako sa unang
paaralang sasagot sa aking inaplayang trabaho,” ang kanyang panalanging. “Ipapakahulugan ko itong Inyong
kalooban, O Panginoon Dios.”
Nag-iisip siya kung aling paaralan ang sasagot na una sa kanyang liham ng pagnanais na magtrabaho.
Ang pampublikong paaralan ba o ang Adventistang paaralan? Ang Adventistang paaralan ang unang tumugon
ng kanyang liham. Salamat sa iyong interes sa posisyon ng pagtuturo,” ang sinasabi sa sagot. “Maaari kang
pumarito para sa pananayam tungkol sa trabaho?
At nag-alala si Berta. May anak siyang 16 na taong gulang na lalaking nangangalang Jacob. Nasa
Krakow ang lahat nitong kaibigan, at nag-aaral siya sa Krakow. Handa kaya siyang lumipat sa ibang lugar?
Mahalaga kay Berta na tanggapin ni Jacob ang kanyang pasyang iwanan ang kanilang tahanan at lumipat sa kabila
ng kanilang bayan.

16
Nanalangin uli si Berta. Nagpasya siyang bigyan ng pagpipilian si Jacob na tumira sa isang kamag-anak
sa Krakow o sumama sa kanya sa bagong paaralan. Hindi nag-atubili si Jacob. “Inay, lumipat tayong
magkasama,” ang wika ng batang lalaki. “Pumunta tayong magkasama. Gusto kong magkasama tayo.”
Nagulat si Berta at nasiyahan. Para sa kanya ang kanyang mga salita’y parang indikasyong
pinapatnubayan ng Dios ang kanyang landasin. Higit sa lahat, dalawang kaibigan ang nangusap sa kanya mula sa
kawalan tungkol sa pag-aaplay sa paaralang Adventista. At pagkatapos ang Adventistang paaralan ang nauna
kaysa paaralang publiko sa pagtugon sa kanyang aplikasyon para sa trabaho. Ngayon handa at masayang lilipat
ang kanyang tinedyer na anak na lalaki na samahan siya sa bagong tahanan.
Kaya tinanggap niya ang trabaho. Ngayon si Berta ang prinsipal sa Seventh-day Adventist Elementary
School, na matatagpuan sa bakuran ng seminaryo ng Adventistang Iglesia sa labas ng Warsaw. Walang siyang
pag-aalinlangang pinangunahan siya ng Dios patungo sa paaralan. Tulad nang nakaraang araw, ipinahayag ng
kanyang anak na ginawa niya ang tamang pagpapasya. Ang wika niya wala siyang Adventistang kaibigan sa
Krakow at hindi gaanong interesado sa mga aktibidad sa iglesia. Subalit ngayon marami na siyang kaibigang
Adventista at aktibo na sa iglesia.
“Mom, gumawa ka ng magandang pagpapasya sa pagtungo rito,” ang wika niya. “Natutuwa akong
naririto tayo.” Ang wika ni Berta wala siyang ibang paraan. Dinala siya ng Dios sa paaralan, at siya’y masaya.
“Iyan ang dahilan kaya ako naririto,” ang wika niya.
Salamat sa inyong Paaralang Sabadong misyong handog na tumulong sa pagtataguyod sa mga Seventh-
day Adventist Schools sa buong mundo.

Story Tips

 Dapat malamang ang preschool at elementary school ay matatagpuan sa bakuran ng Polish Senior College
of Theology at Humanities sa Pod Kowa, isang commuter na bayan mga 25 milya (40 kilometro) mula sa
Warsaw. Nasa kalahati ng mga estudyante ang nagmula sa hindi Adventistang tahanan.
 Dapat malamang kinakanlong at pinakakain ng paaralan ang ilang bilang ng mga Ukranian refugees at
tinuturuan ang kanilang mga anak sa panahong ng labanan sa Ukraine.
 Magbasa ng iba pa tungkol sa paaralan sa Trans-European Union website: bit:ly/Poland-school.
 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist
Church’s “I Will Go” Strategic Plan: Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple individuals and
families into spirit-filled lives.”; Spiritual growth Objective No.6, “To increase accession, retention,
reclamation, and participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual Growth Objective No.
7, “To help youth and young adults place God first and exemplify a biblical worldview.” Para sa marami
pang impormasyon, pumunta sa website: IWillGo2020.org.
Mission Post

 Noong 1900, isang Alemang nangangalang H. Schmitz ang nagsimulang mangaral sa Warsaw, Dahil
hindi siya makapagsalita ng Polish, nagbahay-bahay siya, binabasa ang pangalan sa mga pinto. Nang
may matagpuan siyang pangalang Aleman, kumatok siya. Sa loob ng ilang buwan, ang unang iglesia’y
naitatag na may mga kaanib na nagsasalita ng Aleman.

17
Pintuan ng Sabbath Sa Poland Poland | Agosto 12
Ryszard

Lahat ng estudyante’y pumapasok sa klase sa araw ng Sabado sa Komunistang Poland. Subalit hindi si
Ryszard. Gayon pa man laging niyang nagagawang pumasa sa kanyang mga klase. Subalit nagkaroon siya ng
bagong guro.
“Kalimutan mo na ang iyong pag-aaral,” ang wika ng isang kaibigan. “Mayroon tayong mahigpit na
bagong professor na hindi ka papayagan lumiban sa araw ng Sabado. Ihanda mo na ang iyong mga bag at umuwi
ka na.”
Hindi naalarma si Ryszard. “Hindi, hindi ko ihahanda ang aking mga bag at uuwi,” ang wika niya. “Una,
mananalangin ako sa Panginoon. Ipapaliwanag ko sa Kanya ang aking sitwasyon at hingin ang Kanyang
patnubay.”
Tulad ng panalangin ni Ryszard tungkol sa pakikipagkita sa professor, dalawang posibleng sinaryo ang
maaaring mangyari sa kanyang isipan. Sa unang sinaryo, tatanggihan ng professor ang kanyang kahilingang
malibre sa araw ng Sabbath, na magsasabing, “Walang halaga sa akin ang iyong paniniwala, Kailangan mong
pumasok sa aking klase.” Sa ikalawang sinaryo, sasabihin ng professor, “Maaari ka nang umupo. Mayroon akong
gustong sabihin sa iyo.”
Nang magtungo si Ryszard sa professor at ipinakilala ang sarili, “Ako’y mula sa iglesia ng Seventh-day
Adventist,” ang wika niya. “Ang Iglesia ng Seventh-day Adventist ay isang Protestanteng Iglesia. Naniwala kami
kay Jesus, kay Maria at sa kanyang mga disipulo. Namumuhay kami tulad nila. Ang Sabado ay sagradong araw
sa kanila at ganoon din sa akin. Kaya, hindi ko magagawang pumasok sa iyong klase sa araw ng Sabado.”
Tahimik na naghintay si Ryszard sa katugunan ng professor. Ang wika ng professor, “Maaari ka munang
umupo, At makinig ka muna sa aking kuwento.” Ang wika ng professor, sa nakalipas na mga taon, lumipad siya
patungong Estados Unidos para sa isang taong internship pagkatapos ng graduwasyon niya sa kanyang doctorate.
“Wala akong sinoman kakilala roon,” ang wika niya. “Nang lumapad ang eroplano, naisip ko, “Saan ako
titira?” sa kanyang pagkagulat, isang pamilya ang kumuha sa kanya sa airport at dinala siya sa kanilang tahanan.
Inanyayahan siyang tumira sa kanila at kumain ng kanilang pagkain. Nang gusto kong bayaran sila, tumanggi
sila.
Tumira ang professor sa pamilya sa loob ng isang taon. “Nang umalis ako upang bumalik sa Poland,
naisip ko, “Paano ko mababayaran ang mga taong ito? Paano ko maipapakita ang aking pagpapasalamat sa
kanilang ginawa sa akin? Ang wika ng professor. “Wala akong tiyak na ideya kung ano ang aking gagawin.
Ngayon narinig kong isa kang Protestante, mga Protestante rin sila, bibigyan kita ng kalayaan sa araw ng
Sabado.”

18
Namangha at nagulat si Ryszard sa kahanga-hangang balita. Sino ang mag-aakalang magpapadala ang
Dios ng isang Protestanteng pamilya sa parating na professor sa Estado Unidos na magiging daan para maingatan
niya ang Sabbath bilang isang Seventh-day Adventist sa Komunistang Poland nang sumunod na taon?
Mali ang kaibigan ni Ryszard. Binigyan siya ng professor ng kalayaan sa araw ng Sabado. Hindi
kailanman pumasok sa klase si Ryszard sa araw ng Sabado. Nang kunin niya ang huling pagsusulit, ang mga
katanungan ay lubhang payak na parang ginawa ng professor na tiyaking papasa siya sa klase.
Ngayon si Ryszard Jankowski, ay presidente ng Seventh-day Adventist Church sa Poland. Hindi niya
kailanman nalimutan kung paano siya tinulungan ng Dios na maingatan ang Sabbath sa Universidad.
“Nakita ko kung paano tayo pinangungunahan ng Dios kapag natigil sa isang sitwasyong parang walang
lalabasan.” Ang wika niya. “Ang wika ni Jesus, “Ako ang pintuang lagi ninyong masusumpungan lalabasan sa
mahirap na mga sitwasyon.”
Sa Juan 10:7-9, “Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Ako ang pintuan ng mga tupa. Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan:
datapuwa't hindi sila dininig ng mga tupa. Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y
maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan. “
Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog noong 2017 na tumulong sa pagtatayo ng television
studio para sa Hope Channel Poland. Si Ryszard ay regular na tagapagsalita sa Hope Channel Poland, ang local
na affiliate ng Hope Channel International.
Story Tips

 Bigkasin ang Ryszard Jankowski tulad sa: ri-TSARD YAN-kov-ski.


 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
Nakaraang Katotohanan

 Ang pangalang “Poland” (Polska” sa Polish) ay nanggaling mula sa tribo na Polanie, ang kahulugang “mga
taong nabubuhay sa kaparangan.”
 Ang syudad ng Warsaw ay halos ganap na nawasak sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na
muling naitatag gamit ang larawang iginuhit ni Bernardo Bellotos noon ika-14 na siglo bilang biswal na
patnubay, Kaya ang syudad ngayon ay parang tulad sa ika-14 na siglo kaysa ika-20 siglong bayan.
 Sa Poland, ang mga apilyedo ay depende sa kasarian, Ang isang sanggol na lalaki’y binibigyan ng apilyedo
na magtatapos sa “-cka/-cko” at ang sanggol na babae , “-ski/-ska”. Gaya halimbawa, kung ang huling
pangalan ng ama ay Kowalski at ikaw ay babae, magiging Kowalska bilang iyong huling pangalan.
 Kilala sa bilang “Mother of Modern Physics,” si Marie Curie. Ipinanganak na Marie Sklodowska sa Warsaw.
Kasama ang kanyang asawang Pranses, Pierre Curie natuklasan nila ang radium at polonium. Hindi lang siya
ang unang babaeng nanalo ng Nobel Prize kundi siya rin ang tanging unang tao at tanging babaeng nanalo ng
Nobel Prize nang dalawang beses at isa sa tanging dalawang tao sa dalawang larangan ng syensya.
 Ang Polish engineer na si Ignacy Lukasiewicz ang umimbento ng unang modernong ilaw sa kalye noong 1853.
Ang mga kalsda ng Warsaw ay gumagamit pa rin ang parehas na ilaw na ginawa ni Lukasiewicz.

19
Pagpapalaya sa mga Bilanggo - Poland | Agosto 19
Ryszard

Bigong-bigo si Christopher nang magtungo silang mag-asawa sa ebanhelyong pagpupulong sa Poland.


Sinabi ng kanyang asawang laging nagpapakita ng maikling video ang mangangaral bilang bahagi ng paglalahad
subalit na panahon iyon hindi. Masamang-masama ang kalooban ni Christopher.
Sa tahanan, pagsigaw niyang minumura ang kanyang asawa. Huli na ang pagtitimpi ito para sa kanyang
asawa. “Bukas, aalis at dadalhin ko ang mga bata,” ang wika niya. “Ang bahay na ito’y hindi kailanman nakarinig
ng anomang positibo mula sa iyo.” Bago matulog, tiningnan niya nang may pagkahabag si Christopher. “Hindi
kita napakinggan manalangin,” ang wika niya. “Bakit hindi ka manalanging sa Dios? Siya lang ang
makapagpapabago ng iyong puso.”
Minura ni Christopher ang kanyang asawa at natulog na. Subalit hindi siya makatulog. Sa ilang sandali
ng gabing iyon, bumangon siya, nagtungo sa kusina, at nagsimulang makipag-usap sa Dios. “Hindi ko alam kung
umiiral Ka, subalit ako’y napakasamang tao,” ang wika niya. “Sinaktan ko ang aking mahal na asawa at aking
mga anak. Umiinom ako ng alak. Hindi ko gustong mabuhay nang ganito. Matutulungan Mo ba ako?”
Nakipag-usap siya sa Dios nang 30 minuto. Subalit wala siyang narinig na katugunan.
Nang kinaumagahan, sumakay sa bus si Chrisotpher para magtrabaho. Sa bus, natagpuan niya ang mga
kaibigan at nagsimula silang mag-usap. Lagi silang gumagamit ng mga lapastangan o panlalait na pananalita at
wala pagkakaiba ito. Subalit sa unang pagkakataon, hindi nagustuhan ni Christopher ang kanilang mga
pananalita. Nagtataka siya kung ano ang mali sa kanya.
Sa trabaho, si Christopher at kanyang kamanggagawa’y pinagsama-sama ang kanilang mga pera tulad ng
karaniwan para pang-inom pagkatapos ng trabaho. Subalit hindi uminom si Christopher nang panahon iyon. Sa
halip, deretso siyang umuwi ng tahanan. “Panginoon, pigilan mo ang paglisan ng aking asawa,” ang kanyang
panalangin.
Sa tahanan, nag-impake ang kanyang asawa ng tatlong bag at handa nang umalis kasama ang mga bata.
“Honey, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon,” ang wika ni Christopher, “Maaari bang magsimula tayong
muli?
Huminto siya, “Ok, bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon,” ang wika niya.

20
Nang sumunod na araw, nagtungo si Christopher sa mangangaral sa ebanghelyong pagpupulong. Sa
pagitan ng paghithit ng sigarilyo, ang wika niya, “Gusto kong mabautismuhan. Panukala ng aking asawang
magpabautismo sa Biyernes, at gusto kong sumama sa kanya.”
Batid ng mangangaral kapag tumanggi siya, marahil hindi na muling hihilingin ni Christopher na
magpabaustimo. Nanalangin siya nang tahimik, “Panginoon, ano ang iyong gagawin kung hihingin niya ito sa
Iyo?”
“Alam ko naninigarilyo ako,” ang wika ni Christopher, “Subalit ipinapangako kong tatangagalin ko na ito
sa Biyernes.”
Nang Biyernes, ang wika ni Christopher, “Pastor, hindi ako nanigarilyo simula nang bumangon ako
ngayong umaga.”
Nag-aalala ang mangangaral kung ano ang gagawin. Nag-aalala siya kung ano ang iniisip ng mga kaanib
ng iglesia. Nagpasya siyang kunin ang peligro. Binautismuhan niya si Christopher kasama ang kanyang asawa.
Nag-iisip ang mangangaral kung ano ang mangyayari sa susunod. Hindi natagalan pagkatapos ng
pangyayari, nagtapat si Christopher na nagkaroon siya ng problema sa batas nang kabataan niya. Gusto niyang
maging saksi sa mga ibang kabataan lalaki sa bilangguan.
Ang mangangaral ay isinilang mula sa pamilyang Adventista at hindi kailanman nagkaroon ng
pagkakataon makihalubilo sa mga kabataang bilanggo. Hindi niya alam kung ano dapat gawin.
“Huwag kang mag-alala,” ang wika ni Christopher, “Maaari kong kausapin ang warden ng bilangguan
para sa kapahintulutan sa pagdalaw.”
“Ok, sasama ako sa iyo,” ang wika ng mangangaral. Tahimik, na nanalanging siya, “Maaari po bang
tulungan ako. Hindi ko alam kung paano kumilos sa kapaligiran ng mga bilanggo.”
Nagwika ang warden ng bilangguan nang matatag at direktso. “Kung nakababagot ang iyong sermon at
pagsinabihan ka ng sinoman huminto, hindi ka na makababalik.”
Nanalangin nang higit pa ang mangangaral, “Panginoon, mahirap itong hamon,” ang wika niya.
“Tulungan ako.”
Sa araw ng sermon, ang mga kabataang lalaking nadadamitan ng parehas na kasuotan ang pumuno sa
silid. Mukha silang nababagot. Naramdaman ng mangangaral na kailangan niyang baguhin ang kanyang sermon
kaagad-agad.
“Mga kaibigan,” ang wika niya, “alam ba ninyo kung bakit ako naririto ngayon?” Itinuro niya si
Christopher. “Dahil ang taong ito’y tulad ninyo nang siya’y tinedyer, Christopher maaari bang pumarito ka?”
Tumayo si Christopher. “Mga kaibigan, nauunawaan ko kayo,” ang wika niya. “Tumira ako rito. Hindi
ako ang pinakamabuting tinedyer. Nakagawa ng ilang masasamang bagay. Minsan sinikap kong tumakas sa
mismong bilangguan ito at tingnan ninyo ito” – iniunat ang kanyang mga pulso upang ipakita ang mga pilat kung
saan sinubukan niyang magpakamatay. “Subalit purihin ang Panginoon, may nagligtas ng aking buhay. Ngayon,
pumunta ako rito upang ibahagi sa inyo ang mabuting balita. Kapag lumaya na kayo mula sa bilangguang ito,
magagawa ninyo ang dating ginagawa ninyo noon o baguhin ang iyong buhay at mabuhay para sa Dios.
Inaanyayahan ko kayong piliin ang Dios.”
Pagkaraan ng araw na iyon, dumadalaw si Christopher at ang mangangaral sa bilangguan nang maraming
beses. At sinundan pa sila ng Polish television crew sa loob at sinabi ng mga kabataang bilanggo sa crew,

21
“Nagpapasalamat kami sa mga Seventh-day Adventists sa pagdalaw sa amin. May dala silang mga Biblia para sa
amin. Wala pa kaming mga Biblia noon pa man. Natutunan namin ang tungkol kay Jesus, kaligtasan,
pagpapatawad, at pagkakataong pagsisimula ng bagong pamumuhay. Ang mga salita ng mga bilanggo’y
pumuspos kay Christopher at sa mangangaral ng kagalakan.
“Napakahalaga sa amin ito,” ang wika ng mangangaral na si Ryszard Jankowski. “Mabibigyan tayo ng
bagong buhay ng Dios. Walang halaga kung anoman ang iyong nagawa. Binigyan ng Dios si Christopher ng
bagong buhay. At mabibigyan din Niya kayo ng bagong buhay.”
Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog noong 2017 na tumulong sa pagtatayo ng isang
television studio para sa Hope Channel Poland. Ang mangangaral sa ating kuwento’y si Ryszard Jankowski, na
ngayo’y presidente ng Seventh-day Adventist Church sa Poland at regular na tapagsalita sa Hope Channel Poland,
ang local na affiliate ng Hope Channel International.

Story Tips

 Bigkasin ang Ryszard Jankowski tulad sa: ri-TZARD YAN-kov-ski.


 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist
Church’s “I Will Go” Strategic Plan: Mission Objective No. 2, “To strengthen and diversify Adventist
outreach among unreached and under-reached people groups.” at Spiritual Growth Objective No. 5, “To
disciple individuals and families into spirit-filled lives.”; Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa
website: IWillGo2020.org.
Mission Post

 Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isinara ng sumakop na German awtoridad ang Polish Union at
ipinagbawal ang mga aktibidad ng mga Adventista. Lahat ng mga pag-aari ng iglesia ay sinamsam, at
idinaos nang palihim ang Sabbath na pagsamba.

22
Sinubukan ang Ama, Sinusubukan ang Dios - Poland | Agosto 26
Ryszard

Isang ama ang nagmamaneho sa kalawakan ng Poland kasama ang tinedyer na anak na lalaking si Tomasz,
nang gabing iyon. Habang naglalakbay, nagsaysay ang ama tungkol sa kahanga-hangang karanasang mayroon
siya kasama ang Dios sa daan.
“Kapag nangmamaneho ako ng aking kotse at may nangyaring ikinasisira ng sasakyan, karaniwang
tinutulungan ako ng Dios,” ang wika ng Ama. “May mekanikong darating upang tumulong, o may maghihinto ng
kanyang kotse at tutulungan ako, o ang aking kotse’y nasisira malapit sa garaheng may mekaniko.
Nakikinig si Tomasz sa kanyang ama na walang nakikitang reaksyon sa kanyang mukha. Pagkaraan nang
ilang sandali, huminto ang ama at anak sa estasyon ng gasolinahan.
Nang subukan ng Ama na paandarin ang sasakyan, hindi ito umandar. Ngayon may namamalas nang
reaksyon sa kanyang mukha. Napangiti siya.
“Tingnan mo, Ama” ang wika niya “Ngayon masusubukan natin kung ano ang iyong sinabi. Tunay bang
tutulungan ka ng Dios kapag may suliranin ang iyong sasakyan?”
Nagtanong si Ama sa babaeng nakatalaga sa gasolinahan. “May nakatalaga ba kayong mekaniko?” ang
tanong niya.
“Nagbibiro ka ba?” ang tugong ng babae. “Ngayon ay ikalabing-isa ng gabi. Umupa ka ng silid sa hotel
at subukan mo sa kinaumagahan.”
Umiling ang ama. “Hindi,” ang wika niya. “Kailangan kong ipakita sa aking anak kung paano
pinangungunahan ng Dios ang aking buhay.” Bumaba sa sasakyan si Ama at tinawagan ang mekanikong
tumulong sa kanya mga isang linggo na ang nakararaan.
Nagbigay ng edukadong sapantaha ang mekaniko kung ano ang sira ng kotse. Subalit hindi maunawaan
ni Ama ang kanyang tagubilin kung paano ayusin ang sasakyan at isa pa’y wala siyang mga kagamitan.

23
Bumaba si Tomasz sa sasakyan habang nakikipag-usap sa telepono ang Ama. “Ama,” ang wika niya,
“Doon, sa dako roon may isang grupo ng mga mekanikong may problema sa kanilang sasakyan at naghihintay ng
spare part. Marahil maaari nilang tingnan ang kotse.”
“Tawagin mo sila,” ang wika ni Ama. Lumapit ang mga mekaniko at inayos ang sasakyan sa loob lamang
ng limang minuto.
Nasiyahan si ama. “Tomasz, tingnan mo kung paano gumawa ang Dios,” ang wika niya. Nagpasalamat
sila sa mga mekaniko at umalis na sila maliban sa isa. Nagpaiwan siya. “Nakikila kita,” ang wika niya.
“Oh”, ang wika ni Ama. Maraming tao ang magkakahawig. Marahil na napagkakamalan mo ako na
kamukha ng iyong mga kakilala.”
“Hindi,” ang pilit ng tao. “Nakikilala kita, nakita kita sa Eastern program ng Seventh-day Adventistang
Iglesia.”
Naala-ala ni ama ang Eastern program. Tumulong siyang pangunahan ang programa. Naglingkod siya
bilang isang kabataang director ng Adventist Church sa Poland nang panahong iyon.
“Oo, ako iyon,” ang wika ni Ama.
“Isa akong Seventh-day Adventist,” ang wika ng tao, “Subalit hindi na ngayon.” Tiningnan ni ama ang
lalaki nang may malalim na pagmamahal sa kanyang mukha.
“Hindi isang pagkakataong naririto tayo at nagkaroon ng problema ang aking kotse upang magtagpo tayo
at mag-usap,” ang wika niya. Nanalanging si Ama kasama ang lalaki at binigyan niya ng aklat tungkol sa Dios.
At naghiwalay na sila.
Si Ama, na ang buong pangalan ay Ryszard Jankowski, hindi alam kung ano ang nangyari sa lalaki.
“Subalit tiyak ko na pinangungunahan tayo ng Dios sa mga kamangha-manghang paraan kapag sumusunod tayo
sa Kanya,” ang wika niya.
Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog noong 2017 na tumulong sa pagtatayo ng television
studio para sa Hope Channel Poland. Ngayon si Ryszard Jankowski ay pangulo ng Seventh-day Adventist
Church sa Poland at regular na tagapagsalita sa Hope Channel Poland, ang local affiliate ng Hope Channel
International.
Story Tips

 Bigkasin ang Ryszard Jankowski tulad sa: ri-TZARD YAN-kov-ski.


 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I
Will Go” Strategic Plan: Mission Objective No. 2, “To strengthen and diversify Adventist outreach among
unreached and under-reached people groups.” at Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple individuals
and families into spirit-filled lives.” Para sa marami pang impormasyon, pumunta sa website:
IWillGo2020.org.
Mission Post
 Ang Poland ang pinakamalaking eksporter ng amber sa buong mundo.

24
 Ang Paczki ay Polish pastry na hugis bola at may palamang matamis, tulad sa jelly doughnut. Tradisyunal na
inihahahin sa Fat Tuesday/mardi Gras, ang ilang Kristiyano ay gusto itong ihanda para magamit ang kanilang
mga itlog, gatas at butter bago ang kuwaresma. Ang taong Polish ay milyon ang kinakaing paczkis sa araw
lang na ito.
 Si Mikolah Kopernik, o Nicolaus Copernicus ay isang Polish na astronomer at mathematician, ang kanyang
Heliocnetric theory ang unang nagpahayag na ang mga planeta’y umiikot sa araw at hindi sa kabaliktaran.
 Ang Pierogi ay bersyon ng Poland sa dumplings at isa sa pinakakilalang Poland na pagkain saanmang panig sa
mundo.

Mula sa Pangangalakal Ng Bawal Na Gamot -Poland | Setyembre 2


Marek

Mga matalik na kaibigan ni Marek sa paaralan sina Matthew at Martin. Kapag nagkaroon ng awayan sa
paaralan, ang tatlong tinedyer ang laging sinisisi: sina Matthew, Martin at Marek.

Sa ngayon, patay na si Matthew; si Martin ay pitong taon sa bilangguan; at si Marek na dating


nangangalakal ng bawal na gamot ay nagsisilbi bilang kabataang lider ng Seventh-day Adventist Church sa
Poland.

Ano ang nangyari?

Lumaki sa Kristiyanong pamilya sa katimugang Poland. Nawasak ang kanyang buhay sa edad na 18 nang
iwanan siya ng kanyang nobya. Gusto na niyang mamatay. Nanatili siya sa bahay sa loob ng dalawang linggo,
nakahiga sa kama at lumuluha. Sa wakas nagpasyang manalangin at nanalanging, “O Dios, gusto ko siyang
bumalik.” Walang nangyari. At nanalangin uli, “O Dios, hindi ko na gustong gumising dahil napakasakit.”
Gayon pa man wala ring nangyari.

Humintong manalangin si Marek at naging atheista. Nagsimulang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.


At ang kanyang kaibigang si Martin ay nagpasyang magtinda ng droga at inanyayahan si Marek na sumama sa
kanya. Mabilis na naging matagumpay si Marek sa pagtitinda at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Naisip
niya, “Maganda ito, marami ka nang pera at maaari ka nang pumunta sa mga kasayahan sa lahat ng panahon!”

Lumipas ang dalawang taon, subalit walang masumpungang sinoman si Marek na sasama sa kanya sa
Bagong Taon. Isa itong malaking piyesta dahil aalingawngaw sa mundo ang taon ng 2000. Kaya si Marek, na 21
taong gulang, ay nagpasyang dalawin ang kanyang lola.

Nang gabing iyon, nasumpungan niya ang sariling tinitigan ang larawan ni Jesus sa tahanan ng kanyang
lola. Naisip niya, “Kahit hindi ako naniniwala sa Dios, tunay si Jesus. Naririto siya. Ngayong taon, ating
ipinagdiriwang ang ika-2000 anibersaryo ng Kanyang pagkasilang.”

25
Bumalik ang kanyang kaisipan kung paano niya binabasa ang Biblia nang bata pa siya. Naala-ala niyang
inilalarawan si Jesus ng Biblia bilang isang mabuting tao, na pinakikitunguhan ang mga tao nang mahusay.
Naisip niya, “Mabuti si Jesus. Mabuti ba ako?”

Sa sandaling iyon, nakarinig siya ng tinig, Nagwika ito, “Oo, mabuti ka. Ikaw ay mabuti, kasing buti ko
ikaw.” Sa mga araw na iyon hindi alam ni Marek kung sino ang nagsalita. Subalit ang boses ang dahilan upang
magsimula siyang mag-isip nang seryuso tungkol sa pagkakaroon ng Dios.

Mga ilang araw ang lumipas, dumalaw si Marek sa isang babaeng nangakong ipapahayag ang kanyang
kinabukasan. Binalasa niya ang mga baraha at nagbabala tungkol sa katapusan ng mundo. “Ang mundong ito’y
darating na sa kawakasan,” ang wika niya. “Kailangan ng mga taong manalangin. Kailangang magbago ang mga
tao.”

Namangha si Marek at nagtanong kung kailan ang katapusan ng mundo. Ang sabi niya eksaktong isang
taon. Naniwala si Marek sa kanya.

Sa mga panahong iyon, nagsimulang magbasa ng Biblia si Marek dahil gusto niyang malaman kung paano
magwawakas ang mundo. Naisip niya ang Apocalipses ang magbibigay ng kasagutan, at binasa niya ang aklat
nang tatlong beses at walang naunawaan anomang bagay. Bumaling sa ebanghelyong mga aklat, namangha siya
nang malamang may kaharian si Jesus kung saan ang mga tao’y magiging masaya at mabubuhay nang walang
hanggan. Gusto niya sa perpektong kaharian kapag nagwakas ang mundo. Sa pagitan ng mga kasayahan,
naghanap siya ng mga impormasyon kung paano makakapunta sa kaharian iyon.

Isang gabi, pagkatapos ng kasayahan, naka-upo siya sa kotse, kumakain ng biniling pagkain kasama ang
mga kaibigan. Sa labas ng bintana nakita niya ang isang tindahan ng mga aklat na tinatawag na Signs of the
Times. Kumuha ng kanyang atensyon ang pangalan. Naala-ala niyang nagsalita si Jesus tungkol sa mga tanda ng
mga panahon sa mga ebanghelyo.

Nang sumunod na araw, nagtungo siya sa tindahan ng mga aklat at nagtanong, “Mayroon ba kayong ilang
aklat tungkol sa Nostradamus?”

Ang babae sa counter ay nagsalita, “Wala, subalit kung interesado ka sa propesiya mayroon kaming The
Great Controversy.” Isa itong Adventistang tindahan ng mga aklat. Binili ni Mark ang makapal na aklat ni Ellen
White.

Namangha si Marek habang binabasa ang kuwento ng Kristiyanong Iglesia mula sa pagkawasak ng
Jerusalem hanggan sa Ikalawang Pagdating ni Jesus. Inulit niyang suriin ang nabasa sa Biblia at sa online.
Parang magkakatugma ang lahat ng mga bagay-bagay.

Sa sandaling iyon, nagsimulang kumisap-kisap ang ilaw ng bombilya sa kanyang ulunan at umugong sa
loob ng sampung segundo, 15 segundo, 20 segundo. Hindi ito pangkaraniwan at kinabahan si Marek.

Nang biglang, napansin niya ang kanyang sariling anyo sa bintana ng kabilang panig ng silid. Eksakto sa
sandaling iyon, humito ang pagkislap-kislap ng bombilya at muling nagliwanag nang buong liwanag. Ang
kasagutan ay maliwanag sa kanya. Naisip niya, “Oo, mayroon na akong liwanag tulad ng bombilya sa aking
ulunan.”

26
Iyon ang unang pagkakataon sa kanyang buhay na maramdaman ang presensya ng Dios at pag-ibig.
Lumuhod siya at nagwika, “O Dios ko, kung Ikaw ay tulad nito, gusto kong maglingkod sa Iyo.”

Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog noong 2017 na tumulong sa pagpapatayo ng


television studio para sa Hope Channel Poland. si Marek ay mahabang panahong lider ng kabataan ng Seventh-
day Adventist Church sa Poland at tagapagsalita sa Hope Channel Poland, ang local affiliate ng Hope Channel
International.

Story Tips

 Habang sa misyong kuwento’y inilalarawan ang, The Great Controversy na nagpapabago ng buhay.
Sumama sa Seventh-day Adventist World Church sa pampublikong promosyon at pamimigay ng Malaking
Tunggalian (The Great Controversy) ngayong 2023 at 2024. Dalawin ang greatcontroversyproject.com para
sa mas marami pang impormasyon.
 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I
Will Go” Strategic Plan: Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple individuals and families into spirit-
filled lives.”; Spiritual growth Objective No.6, “To increase accession, retention, reclamation, and
participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual Growth Objective No. 7, “To help youth
and young adults place God first and exemplify a biblical worldview.” Para sa marami pang impormasyon,
pumunta sa website: IWillGo2020.org.

27
. . . Pagiging Adventistang Lider - Poland | Setyembre 9
Marek

Nagsimulang mabago ang buhay ni Marek habang binabasa ang The Great Controversy sa Poland.
Nagpasya siyang ingatan ang ikapitong araw na Sabbath. Nabasa niyang masama ang paninigarilyo kaya
nagpasyang bitawan ang paninigarilyo. Subalit hindi niya magawa.

Sa araw ng Sabado, nadaanan niya ang isang poster sa kalsada na nag-aalok ng limang-araw na klase kung
paano pahintuin ang paninigarilyo. Ang address ay isang Seventh-day Adventist na iglesia. Hindi pa kailanman
narinig ni Marek ang denominasyon ito, kahit pagkatapos basahin ang The Great Controversy at sa pagbisita sa
Adventistang tindahan ng aklat kung saan binili niya ang aklat.

Deretsong nagtungo si Marek sa iglesia. Nakita niya ang poster ng The Great Controversy sa bulletin ng
iglesia at nalamang natagpuan niya ang tamang lugar. Ika-2 ng hapon ng Sabado, at karaniwang walang tao
pagkatapos ng pagsambang serbisyo. Subalit may mga grupo ng literature evangelist ang nanatili sa iglesia sa
pagtatapos ng sanlinggo at kanilang inanyayahan si Marek na bumalik sa susunod na umaga ng Sabbath upang
sumamba.

Bumalik si Marek nang sumunod na Sabbath at nawili sa sermon tungkol kay Jesus. Namangha siya sa
kabaitan ng mga pumunta sa iglesia. Sinabi sa kanyang ang malaking grupo ng mga kabataa’y magtatagpo sa
kalapit na syudad sa susunod na Sabbath at inaanyayahan siyang sumama sa kanila.

Nang sumunod na umaga ng Sabbath, naghintay si Marek sa kalsada para daanan siya ng mga Adventista.
Mainit na araw iyon at nakasuot siya ng shorts at T-shirt. Naghintay siya at naghintay. Parang nalimutan ng mga
Adventista siya. At narinig niya ang dalawang boses na nakipag-usap sa kanya. Ang wika ng isang boses,
“Manatili ka sa labas, at mawili sa magandang panahon.” Ang wika ng ikalawang boses, “Maghintay ka rito dahil
tunay na mahalagang pumunta ka sa pagpupulong na ito.”

28
Pagkaraan ng ilang sandali nagpakita ang mga Adventsita at dinala siya sa isang malaking pagpupulong ng
1,000 tao. Namangha si Marek sa pagsambang serbisyo. Bawat salita’y makahulugan sa kanya. Ang
mangangaral, na isang British pastor mula sa London, ay nagsalita hanggan sa hapon. At nagsalita siya, “Alam
kong dapat tapos na ako ngayon, subalit batid kong may isa ritong kailangan si Jesus.”

Nag-isip si Marek. “Sino ang nagsabi sa kanya tungkol sa akin?” At ibinahagi ng pastor ang kanyang
personal na kuwento. Isinilang siya sa isang relihiyusong pamilya subalit iniwan ang iglesia. Gumamit siya ng
ipinagbabawal na gamot at naglalasing. Ang iglesia at maging ang kanyang ina’y humito sa pananalangin para sa
kanya.

“At pagkatapos natagpuan ko si Jesus,” ang wika niya. “Kinuha niya ako mula sa mababang kinalalagyan
ko, at ngayon narito ako upang sabihin sa inyo ang tungkol sa Kanyang kapangyarihan. At kaya Niyang baguhin
ang inyong buhay.”

At pagkatapos ginawa ng pastor ang kanyang pagsamo, “Kung gusto ninyong baguhin ni Jesus ang inyong
buhay, pumunta lang kayo rito sa harapan,” ang wika niya.

Nakita ni Mark ang 1,000 taong nasa pulutong at nanliit sa kaisipang tatayo siya sa harapan nila. At ang
sumunod na salita ng pastor ang tumugon sa kanyang pag-aalinlangan.

“Huwag isipin ang tungkol sa ibang titingin sa iyo,” ang wika niya. “Basta lumapit dito, Pumarito sa
harap. Ito’y sa pagitan mo at ng Dios.”

Tumayo si Marek, Hindi na uli siya makakaupo. Pumintig ang kanyang puso nang mabilis at nagtungo sa
harapan. Sumama ang ibang tao sa akin. Habang nanalangin ang pastor, naunawaan ni Marek ang panukala ng
kaligtasan sa kauna-unahang pagkakataon. Namuhay siya ng masamang buhay at kinuha ni Jesus ang kanyang
lugar. Kinuha ni Jesus ang lugar ni Marek sa krus at pinalaya siya. Sinasabi ni Jesus, “Malaya ka na, Malaya ka
nang magkaroon ng lugar sa Aking kaharian.”

Nagsimulang umiyak si Marek at walang sinomang makapagpahinto sa kanya. Malayang umagos ang
kanyang mga luha. Subalit nasasabik at nagagalak din si Marek.

Tinapos ng pastor sa pagsasabi ng, “Samantalang papunta kayo sa inyong pananghaliang, sabihin sa bawat
isa kung ano ang ginawa ni Jesus sa inyo.”

Iningatan ni Marek ang salita ng pastor sa kanyang puso. Pagkatapos ng pagpupulong, tumakbo, lumapit
sa mga tao sa mga dalampasigan at sa pangunahing daan sa syudad. “Nakatagpo ko si Jesus!” ang kanyang
bulalas. “Binago Niya ang aking buhay at ako’y mapupunta sa Kanyang kaharian!”

Mula sa araw na iyon, binago ni Jesus ang kanyang buhay, gusto niyang maging abala sa mga gawaing
nagpapabago ng buhay ng mga tao. Ngayon, siya’y kabataang director para sa Adventistang Iglesia sa Poland.

‘Sa pamamagitan ng aking pangkabataang gawain ngayon, tunay na nararamdaman kong iniligtas ng Dios
ang aking buhay hindi lang para sa Kanyang kaharian kundi sa pisikal na kamatayan din,” ang wika ni Marek.

Habang nag-aaral siya sa Adventistang seminaryo, nalaman niyang natagpuan ang kanyang kababatang
kaibigan si Matthew patay na may tarak na punyal sa puso. Gumagamit siya ng maraming droga at walang

29
nakakaalam kung ano ang nangyari. Siya’y 23 taong gulang lang. Ang kanyang kababatang kaibigang si Martin,
na nagturo sa kayang magbenta ng mga droga’y nagtapos sa kulungan sa loob ng pitong taon.

Ang wika ni Marek binigyan siya ng Dios ng bagong buhay. “Tunay na gusto kong tumulong sa mga
kabataang masumpungan nila ang dahilan ng kanilang buhay sa lalong madaling panahon di-tulad nang naganap sa
akin,” ang wika niya. “Marahil magkakaroon sila ng mas mabuting pamumuhay pagkatapos nilang marinig ang
aking kasaysayan. Tunay na nagpapasalamat ako sa Dios. Iniligtas Niya ako mula sa lahat ng bagay, at binigyan
Niya ako ng lahat ng mga bagay. Kaya ibinigay ko ang lahat lahat sa Kanya.”

Salamat sa inyong Ikalabintatlong Sabadong Handog noong 2017 na tumulong sa pagpapatayo ng


television studio para sa Hope Channel Poland. Si Marek ay mahabang panahong lider ng kabataan ng Seventh-
day Adventist Church sa Poland at tagapagsalita sa Hope Channel Poland, ang local affiliate ng Hope Channel
International.

Story Tips

 Inilalararawan ng misyong kuwento na ang, The Great Controversy ay nagpapabago ng buhay. Sumama sa
Seventh-day Adventist World Church sa pampublikong promosyon at pamimigay ng Malaking Tunggalian
(The Great Controversy) ngayong 2023 at 2024. Dalawin ang greatcontroversyproject.com para sa mas
marami pang impormasyon.
 Dalawin ang website ng Hope Channel Poland (in Polish) at hopechannel.pl.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I
Will Go” Strategic Plan: Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple individuals and families into spirit-
filled lives.”; Spiritual growth Objective No.6, “To increase accession, retention, reclamation, and
participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual Growth Objective No. 7, “To help youth
and young adults place God first and exemplify a biblical worldview.” Para sa marami pang impormasyon,
pumunta sa website: IWillGo2020.org.

30
Walang Malulusutan -Latvia | Setyembre
15
Baiba
Ang sports ang sinisinta ni Baiba nang labis. Ibinibigay niya ang lahat sa sports. Tanging-tangi niyang
naiibigan ang paglalaro ng basketball at minamahal niya ang kanyang mga coaches o tagasanay. Tuwing sasali
siya sa mga laro, ibinibigay niya ang lahat sa pag-asang mananalo.
Subalit nang naghahanda para sa bautismo si Baiba napagtanto niyang kailangan niyang huminto sa
paglalaro ng basketball. Maraming paligsahan ang nakatakda sa Sabbath, at gusto ninyang parangalan ang Dios
sa pag-iingat ng Sabbath.
Ang labing-anim na taon gulang na babae’y nahaharap sa malungkot na gagawin sa kanyang bayang
sinilangang Latvia. Ang sports ay kanya nang buhay. Ngayon kailangan niyang sabihin ang balita sa kanyang
mga tagasanay. Nagbabanta ito ng hapdi at kirot. Parang mga magulang na sa kanya ang mga tagasanay, at
namuhunan na sila ng kanilang lakas at panahon sa pagsasanay sa kanya.
Kailangang sabihin din niya sa kanyang kasamahan sa koponan. Hindi lang siya bahagi ng koponan ng
basketball kundi kapitan din siya ng koponan. Nauunawaan niya kung wala ang kanyang partisipasyon,
nahaharap ang koponan sa malaking hamon sa arena ng basketball. Nanalangin si Baiba, “O Dios ko, paano ko
sasabihin sa kanila?”
Parang walang ibang malulusutan. Nagpasya ang tinedyer na maglaro ng isang huling laban sa araw ng
Sabbath. Sa kalagitnaan ng laban, nasumpungan ni Baiba ang sariling nag-iisa sa locker room. Ginagambala
siya ng kanyang konsensya, at lumuhod siya.
“O Dios, maaari bang gumawa Kayo ng isang bagay,” ang kanyang panalangin. “Ayaw ko nang maglaro
ng basketball sa araw ng Sabbath. Gusto kong sumunod sa Inyo. Subalit hindi ko alam kung paano sabihin sa

31
aking mga tagasanay. Magiging napakasakit nito para sa kanila. Subalit aking ipinapangako sa Inyo na ito ang
aking magiging huling Sabbath na paglalaro.”
Doon parang walang ibang daan para lumusot. Pagkatapos ng panalangin, masama ang naging
pakiramdan ni Baiba. Sinuri siya ng mga tagasanay at natuklasang ang presyon ng kanyang dugo’y sobrang
mataas nasa 200. Naospital si Baiba.
Pagkatapos dumaan sa maraming serye ng pagsubok, dumating ang manggagamot kay Baiba at may
nakakagulat na balita. “Ipinanganak kang may iisang bato,” ang wika sa kanya. “Hindi ka na maaaring maglaro
ng basketball.”
Hindi niya mapaniwalaan ang kanyang taynga. Nagbigay ang Dios ng malulusutan. Hindi siya nagulat
tungkol sa pagkakaroon ng isang bato. Subalit ngayon maaari na niyang ipaliwanag sa kanyang mga tagasanay at
kasama sa koponan kung bakit kailangan na niyang iwanan ang basketball. Sinabi niya ang balita sa kanyang
tagasanay at kasamahan sa koponan. Nakikiramay sila’t nauunawaan ito.
Masaya si Baiba na nagbigay ang Dios ng daang malulusutan, subalit nakaramdam ng kalungkutan sa
pamamaalam sa sports. Naging bahagi na ng kanyang buong buhay ang sports. At naalaala niyang mayroon
siyang mas mabuting bagay kaysa sports. Mayroon siyang Jesus.
Nanalangin siya, “Jesus, maaari bang bigyan mo ako ng isang bagong bagay sa aking buhay dahil hindi na
ako makapaglalaro ng sports.” Pagkaraan ng panalangin, binigyan siya ng kaibigan ng guitara upang patugtugin.
Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon tumugtog ng guitara sa nakaraang panahon at ngayon nagsasanay siya ng
ilang chords. Hindi ito masyadong mahirap. Pagkatapos lamang ng isang araw ng pag-aaral, nagagawa na niyang
tumugtog ng simpleng awitin sa kanyang sarili. Nasabik siya nang gayon na lamang! Pinagpala siya ni Jesus ng
talento sa musika.
Ngayon, si Baiba ay 42 taong gulang na at patuloy na tumutugtog ng guitar. Samantalang hindi na siya
naglalaro ng basketball, natutunan niyang maaari pa rin siyang sumama sa ibang sports. “Ang pagkakaroon ng
iisang bato ay hindi tumapos sa aking sports na pamumuhay” ang wika niyang nakangiti. “Maaari pa rin akong
pumunta sa skiing at ibang sports.”
Ang Ikalabintatlong Sabadong Handog ngayong tremestre ay magbibigay ng pagkakataon para sa mga tao
sa Latvia na maglaro ng sports sa kontekstong nakasentro kay Cristo. Ang bahagi ng Ikalabintatlong Sabadong
Handog ay tutulong sa pagtatayo ng isang gusali sa Riga kabisera ng Latvia, na magsisilbing sentro ng
impluwensya kung saan ang mga pamilya’y makalalahok sa sports at sumali sa health club. Salamat sa inyong
panukalang malaya at masaganang handog.

Story Tips
 Bigkasin ang Baiba tulad sa: BYE-ba
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Ang misyong kuwento’y naglalarawan ng mga sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I
Will Go” Strategic Plan: Spiritual Growth Objective No. 5, “To disciple individuals and families into spirit-
filled lives.”; Spiritual growth Objective No.6, “To increase accession, retention, reclamation, and
participation of children, youth, and young adults”; and Spiritual Growth Objective No. 7, “To help youth
and young adults place God first and exemplify a biblical worldview.” Para sa marami pang impormasyon,
pumunta sa website: IWillGo2020.org.

32
Misyong Post
 Ang gawain sa Latvia ay nagpasimula sa kalagitnaan ng 1890s nang si Gerhard Perk at ilang kolporteurs ay
pumasok sa ilang Baltic na mga syudad. Noong 1895, pinasimulan ni Perk ang ebanghelyong gawain sa Riga,
ang kabisera ng Latvia at noong Mayo 14, 1896, itinatag ni L. R. Contradi ang iglesia na may 12 kaanib doon.
 Ang mabilis na paglago ng iglesia sa Latvia sa unang katlong bahagi ng ika-20 siglo’y bunga ng aktibong
partisipasyon sa pangangaral. Sa isang komunidad na walang regular na ministro, isang matanda sa iglesia ang
nagwagi ng kabuuang 37 yumakap sa pananampalataya.
 Noong 1930s, isang mangangaral ang nagtatag ng espesyal na youth Bible class, choral society at isang orchestra
sa Latvia. Pagkaraan ng apat na taon ng pagsasanay, ang mga kabataan ay lumahok sa kampanya ng pangangaral
sa mga kanayunan. Naglakbay sa buong bansa at nagbibigay ng musika para sa pangangaral na serbisyo at
kaalinsabay ng pagbibigay ng konsyerto sa publiko na nagbibigay ng sapat na pundo para sa kagastusan sa
paglalabay.

Pananampataya Laban Sa Lahat Ng Posibilidad - Latvia | Setyembre 23


Armands

Ang pahayag ng 95 taong gulang na matandang babae’y gumulat sa pastor ng Latvia, si Armands. Sinabi
sa kanya ng babae, si Pauline, na gusto niyang gawin sambahan ng iglesia ng Seventh-day Adventist sa Riga,
kabisera ng Latvia ang kanyang dalawang palapag na bahay. Pagkatapos ibinigay sa kanya ang katibayan ng pag-
aari ng gusaling nagsasaad na pag-aari pa niya ito bago pa naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang taon ay 1991 at ang bagong-bagong kalalayang Latvia’y naghahanda upang ibalik ang karapatan sa
pribadong pagmamay-aari. Tinitingnan ng awtoridad ng Latvia ang pagbabalik ng mga ari-ariang sinamsam ng
Soviet sa mga taong may dokumento ng pagmamay-ari.

May mga papel na ganito si Pauline. Iniingatan niya ito simula ng taong 1972, nang ang orihinal na may-
aring si Anna’y may hangaring kanyang kinamatayan na gawin isang Adventistang iglesia ang kanyang dating
bahay.

Hindi pa kailanman nasubukan ni Armands ang bumawi ng ari-arian sa nakaraan mga araw, subalit
nakahanda siyang subukan ito. Sa isip niya, “Bakit hindi?”

Nagpasimula ang pakikipagsapalaran pagkatapos na ang isang Adventistang babaeng nangangalang Anna
ay nawala ang ari-arian nang maging bahagi ng Soviet Union ang Latvia noong 1940s. Nagmamay-ari siya ng
malaking bahagi ng lupa na may dalawang bahay na nakatayo. Ang isang bahay ay dalawang palapag na may
dalawang apartment sa bawat palapag. Ang ikalawa’y isang palapag na bahay na may tatlong apartment.

Mahal ni Anna ang Dios at ang Iglesia ng Seventh-day Adventists nang buong puso niya. Naniniwala
siyang babagsak ang rehimen ng Soviet isang araw at muling ibabalik ng Dios ang kanyang ari-arian. Ang nasa
isipan niya, “Paano ko mababawi ang ari-arian minsan ay naging akin at nang maipasa ko sa iglesia?”

33
Kanyang isinaysay ang kanyang hangaring sa isang Adventistang pastor, subalit hindi naman nakikita ng
pastor ang alinmang posibleng paraan upang maibigay niya ang isang bagay na hindi naman na sa kanya.

“Kapatid, wala ka ng pag-ari ngayon,” ang wika niya. “Paano mo ito maibibigay?”

Subalit nagtiwala si Ana na magbabago ang panahon. Kung sakaling hindi siya mabubuhay nang matagal
upang mabawi ang ari-arian at maibigay ito sa igelsia, hahanap siya ng sinomang tutulong sa kanya. Nagpasya
siyang sumulat ng testamento ng pagkakaloob kung kanino niya iiwan ang ari-arian at napagpasyahang sa mas
nakababatang kaibigang si Pauline ipagkaloob.

Noong 1963, lumagda si Anna ng testamento na iniiwan niya ang ari-arian kay Pauline sa kondisyong
ililipat ni Anna ito sa Adventistang Iglesia. Kanya ring ipinasa ang papeles ng pag-aari kay Pauline. Nilagdaan
ang testamento ng abogado at dalawang saksing mga kaanib ng iglesia.

Sa reyalidad, isa itong pantasyang dokumento dahil wala itong kapangyarihang legal. Sa ilalim ng batas
ng Soviet, walang anomang pag-aari si Anna. Ang ari-arian, tulad ng lahat ng dating pribadong ari-arian ay
naisabansa. Wala kahit anong pahiwatig na mababago ang alinman bagay. Perstroika at glasnost ay napakalayo.
Subalit lumagda ang dalawang saksi kasama ni Anna at ng abogado sa dokumento, pinatutunayang pag-aari ni
Anna ang ari-arian nang isang panahon.

Hindi nabuhay si Anna upang makita ang kanyang pangarap na magkatotoo. Namatay siya sa edad na 80
noong 1972, halos 20 taon bago nakuha ng Latvia ang kanyang kalayaan.

Sa maikling panahon pagkatapos nang kalayaan ng Latvia noong 1991, nagpasya si Pauline na maging
mabuti at tuparin ang kanyang pangako kay Anna. Si Pauline ay 95 na taong gulang kaya nga’t inilabas ang
testamento ng pagkakaloob at papel ng pagmamay-ari kay Pastor Armands. Buhay pa ang dalawang saksing
lumagda sa testamento at nanalanging magkatotoo ang pangarap ni Anna.

Sumangayon na tutulong si Armands, at lumagda si Pauline ng power of attorney para sa kanya.


Kailangan niyang maunawaan ang sitwasyon at ipaliwanag sa awtoridad na ang ari-arian ay pag-aari ni Pauline.
Medyo mahabang proseso ito. Naging komplekadong bagay ang mga anak ni Pauline at mga apo, na hindi kaanib
ng iglesia, na hinihingi ang karapatan sa ari-arian na ingatan ito ng pamilya.

Subalit sa katapusan, namayani ang pangarap ni Anna. Tinanggap ni Pauline ang karapatan ng
pagmamay-ari ng ari-arian at inilipat ito sa Iglesia ng Adventista. May pagpapasalamat na tinanggap ng iglesia
ang masaganang regalo at nagsimulang magdaos ng pagpupulong sa ari-arian. Natapos ang konstraksyon ng
bagong gusali ng iglesia noong 2004, apat na taon pagkamatay ni Pauline sa edad na 104.

Ngayon si Armands ay 76 na taong gulang at nagretiro na. Nakatira siya sa apartment sa lumang ari-arian
ni Anna. Gustong-gusto niyang isaysay ang kuwento kung paano tiningnan ang ari-arian nang may
pananampalatayang mga mata. “Ang pananampalataya ng dalawang kapatid sa pananampalataya’y kahanga-
hanga,” ang wika niya.

May pananampalataya sa Dios sina Anna at Pauline at ngayong tremestre ang Ikalabintatlong Sabadong
Handog ay magbibigay ng pagkakataong turuan ang mga tao tungkol sa pananampalataya. Ang bahagi ng
Ikalabintatlong Sabadong Handog ay makatutulong sa pagtatayo ng isang gusali sa Riga, ang kabisera ng Latvia
na magsisilbing sentro ng impluwensya na mga lenguahe at pangkalusugang samahan. Salamat sa inyong
panukala para sa masagana at malayang paghahandog.

34
Story Tips

 Dapat malaman ang buong pangalan ng mga tao sa kuwentong ito ay Armands Berzins, Pauline Aunina,
at Anna Terauds.
 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
 Inilalarawan ng misyong kuwento ang sumusunod na layunin ng Seventh-day Adventist Church’s “I Will
Go” Strategic Plan: Mission Objective No. 1, “To revive the concept of worldwide mission and sacrifice
for mission as a way of life involving not only pastors but every church member, young and old, in the
joy of witnessing for Christ and making disciples”; at Mission Objective No. 2, “To strengthen and
diversify Adventist outreach among unreached and under-reached people groups.” Para sa marami pang
impormasyon, pumunta sa website: IWillGo2020.org.
Nakaraang Katotohanan

 Ang ice hockey na sinusundan ng basketball ang pinakapapular na sport sa Latvia.


 Ang pinakamalaking ilog sa Latvia ay ang Daugava at ginamit ng mga Vikings, Russians at ibang taga
Europa para sa kalakalan, digmaan at pagnanakop. May kabuuang habang 634 na milya (1,020 km) nasa
590 talampakan (180 m) upang matawid papasok sa Latvia, ng hanging patungong bansa para sa 219
milya (352 km) at nadaragdagan sa halos 2,460 talampakan pakabila ng 750 m bago tumungo sa Dagat ng
Baltic sa Riga.
 Tanging si Friedrich Wilhelm Ostwald ang Latvian na nanalo ng Nobel prize. Ang siyentipikong nanalo
ng premyo sa chemistry noong 1909 sa kanyang ginawang catalysis, chemical equilibria at reaksyon ng
velocities.

35
Mula sa Supernatural 13th Sabbath | Setyembre 30
Oleg at Sveltana

Para kay Oleg, ang makasal ay nangangahulugan nang higit sa pagkakaroon ng kasama at kaibigan.
Nangangahulugan ito ng pamumuhay kasama ang sinomang may pantastikong kapangyarihan.
Nalaman niya ang tungkol sa kapangyarihan ng asawa nang nag-alok siya ng pagpapaginhawa sa kanyang
palagiang sakit ng ulo. “Gusto mo bang ilagay ko ang aking kamay sa iyong ulo,” ang tanong ni Sveltana.
Hindi naghintay ng tugong, inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Kaagad-agad, mawala ang
sakit ng ulo. “Oh, nakatulong iyan!” ang bulalas ni Oleg nang may pagkagulat.
Pagkatapos noon, kapag masakit ang ulo ni Oleg, alam niya kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung
paano ito ginagawa ni Sveltana, at hindi siya nag-aalala. Maraming bagay ang hindi niya maunawaan sa Soviet
Latvia. Subalit isang bagay ang alam niya ang katiyakang walang Dios. Pinalaki si Oleg sa atheistang tahanan, at
siya, tulad ng maraming tao sa atheistang Latvia, ay hindi naniniwala sa Dios.
Subalit naniniwala siya sa hindi nakikitang pwersa. Nawiwili si Sveltana na magbasa ng mga magasin
tungkol sa supernatural at may koneksyon sa hindi nakikitang pwersa. Minsan, nang nagkukumpuni ng kotse si
Oleg, nakarinig ng boses si Sveltana na nagsasabi sa kanyang gamitin ang kanyang kapangyarihang mental na
patigilin ang makina ng kotse. Bago pa siya mag-isip tungkol dito, huminto ang makina. Nakarinig din siya ng
boses na nagsasabing gumawa ng ibang bagay.
Hindi masyadong inisip ni Oleg ang tungkol sa boses hanggan sa sabihin ng boses sa kanyang asawang
patayin siya at kanilang tatlong anak. Tinanggihan ni Sveltana ang boses at nalugmok siya sa malalin na
kalungkutan. Sa loob ng tatlong araw, gusto na niyang mamatay. Nakatakot si Oleg at umalis siya kasama ang
kanyang mga anak. Tumawag ng ambulansya ang ina ni Sveltana at nagtapos si Sveltana sa isang psychiatric
hospital.
Nang makita ni Oleg ang psychiatrist, tinanong niya kung palalabasin na ang kanyang asawa sa psychiatric
hospital.

36
“Hindi ko siya maaaring pigilan dito dahil hindi naman siya baliw,” ang wika ng psychiatrist. “Hindi niya
kailangan ang hospital. Kailangan niya ng iglesia.”
Nagulat si Oleg. Isang Soviet psychiatrist nagmumungkahi ng Kristiyanismo?
Si Oleg at kanyang pamilya’y walang koneksyon sa alinman iglesia. Hindi niya tiyak kung ano ang
gagawin. Sa kawalan ng pag-asa, nagtanong ang ina ni Sveltana sa isang matandang babae sa kanyang
pinagtatrabahuan, “Alam mo ba kung saan ako makakakita ng Biblia o makakausap ng sinoman tungkol sa Dios?”
Nagkataong isang Seventh-day Adventist ang babaeng pinagtanungan. “Syempre, alam ko,” ang wika niya.
“Maaaring makipag-usap ang aking pastor sa iyong anak at bigyan siya ng Biblia.”
Nang palabasin si Sveltana, tumungo siya at si Oleg sa pastor at inilarawan ang sitwasyon.
Walang pag-aalinglangang ang pastor na masamang puwersa ang gumagawa. “Manalangin at ililigtas ka ng
Dios,” ang wika niya. “Kailangan ding pumunta ka sa iglesia.”
Nagsimulang pumunta sina Sveltana at kanyang mga anak sa iglesia. Sa loob ng tatlong buwan,
nabautismuhan siya.
Gumaan ang kalooban ni Oleg nang natagpuang ng kanyang asawa ang kapayapaan. Subalit hindi siya
kumbinsidong may Dios o kailangan niya ang Dios. Kung minsan pinagtatawanan niya si Sveltana at kanyang
mga anak sa kanilang pananalangin. Tinatanong din niya bakit sila pumupunta sa iglesia tuwing Sabbath.
“Pumunta ka at tingnan mo,” ang wika ni Sveltana.
Sa wakas – pumunta siya at nagustuhan ang kanyang nakita. Nang mag-alok ng pag-aaral sa Biblia ang
pastor, sumangayon siya. At pagkatapos ibinigay niya ang kanyang puso sa Dios at nabautismuhan. Kalaunan,
ang tatlo nilang anak ay nabautismuhan din.
“Ngayon, isa akong pastor ng iglesia,” ang wika ni Oleg. “Hindi ko naisip kailanmang magiging pastor
ako.”
Higit pa sa isang pastor si Oleg, Mula noong 1998, naging lider siya ng Adventistang kabataang gumagawa
kasama ng mga pathfinders at nasasangkot sa mga camp-outings ng mga bata at ibang mga aktibidad. Gumagawa
si Sveltana kasama niya. Tutulong si Oleg na pamahalaan ang Ikalabintatlong Sabado proyekto ngayon sa Riga,
kabisera ng Latvia, ang sentro ng impluwensya kung saan ang mga pathfinders, mga bata at pamilya’y maaaring
lumahok sa klase ng mga lenguahe, sports, at ibang aktibidad na nakasentro kay Cristo. Salamat sa inyong
masagana at malayang handog ngayon na tutulong sa proyektong ito at sa youth camp para sa Pathfinders sa
Montenegro.
Story Tips

 Bigkasin ang Sveltana tulad sa: svelt-ANA


 Download ng mga larawan sa Facebook bit.ly/fb-mq.
 Download Mission Post at Fast Facts mula sa Trans-European Division: bit.ly/TED-2023
Ang Ikalabintatlong Sabadong Proyekto sa Hinaharap
Itataguyod ng ikalabintatlong Sabadong Handog ngayong susunod na tremestre ang dalawang proyekto sa West-
Central African Division:

 Seventh-day Adventist Nursing at Midwifery Training College, Asamang, Abrepo Tikese, Ghana.

37
 Bilingual English/French elementary school, Bandjoun, Cameroon.

Leader’s Resources
Tiyaking na e-download ang inyong libreng Mission Spotlight video, na nagtatampok ng mga videong ulat mula
sa buong Inter-European Division at sa ibayo pa nito. E-download o stream mula sa Adventist Mission website
atbit.ly.missionspotlight.
Online Information
Ang mga sumusunod ay mga mapagkukunan ng mga impormasyong maaaring makatulong sa paghahanda ng mga
segmento ng Paaralang Sabado. Para sa higit pang impormasyon sa kultura at at kasaysayan ng mga bansang
itinampok sa tresemstreng ito dalawin ang:
Websites
Latvia: government website bit.ly/LatviaGov
Country Report bit.ly/LatviaCR
Latvia Travel: Official Latvian Tourism Portal bit.ly/LatviaTrav

Montenegro: government website bit.ly/MontenegroGov


WikiTravel bit.ly/MontenegroWT
Montenegro Travel Portal bit.ly/MontenegroTP

Poland: government website bit.ly/PolandGov


Poland.pl bit.ly/Poland_pl
InfoPlease bit.ly/PolandIP

Serbia: government website bit.ly/SerbiaGov


Serbia Travel bit.ly/SerbiaTrav

38
Britannica bit.ly/SerbiaBrit

Seventh-day Adventist
Trans-European Division bit.ly/SDA_TED
Baltic Union Conference bit.ly/SDA-BUC
Polish Union Conference bit.ly/SDA_PolandUC
South-East European Union Conference bit.ly/SDA_SEEUC
Latvian Conference bit.ly/SDA_LatviaConf

Maaaring makatulong ang materyales o kasangkapang nagpapamalas ng mithiing handog na ituon ang pansin sa
pangmundong misyon at maragdagan ang lingguhang misyong pagbibigay. Magpanukala ng mithiin para sa
inyong lingguhang misyong handog. Paramihin ito sa 15 beses, naghahatid ito ng dobleng mithiin para sa
Ikalabintatlong Sabadong Handog, na maaaring malikom sa ika-30 ng Setyembre. Paalalahanan ang mga bata at
kanilang mga magulang na ang kanilang regular na lingguhang misyong handog ay makatutulong sa misyunerong
gawain ng pangmundong iglesia, at ang isang-kapat ng Ikalabintatlong Sabadong Handog ay matutungo nang
tuwiran sa proyekto sa Trans-European Division. Sa Septyembre 23, iulat ang misyong pagbibigay sa darating na
ikalabintatlong Sabado. Bilangin ang handog at itala ang halagang naibigay sa katapusan ng Paaralang Sabado.
NKJV. Bible texts credited to NKJV are from the New King James Version ® Copyright © 1982 by Thomas
Nelson, Inc. Used by Permission. All rights reserved.
Masthead
EDITORIAL
Andrew McChesney Editor
Wendy Trim Editorial Assistant
Emily Harding Layout Editor

OFFICE OF ADVENTIST MISSION


Gary Krause Director
Rick Kajiura Communication Director
Gregory Whitsett Global Mission Centers Director
Jeff Scoggins Program Director

COMMUNICATION STAFF
Andrew McChesney Editor, Mission
Laurie Falvo Editor, Mission 360
Ricky Oliveras Video Producer
Caleb Haakenson Video Producer
Earley Simon Project Manager

Website: AdventistMission.org
Mission (ISSN 0190-4108) is produced and copyrighted © 2023 by the Office of Adventist Mission, General
Conference of Seventh-day Adventists, 12501 Old Columbia Pike, Silver Spring, MD 20904, U.S.A.
Printed in U.S.A.
Third Quarter 2023

39
Volume 112, Number 3

ADVENTIST® and SEVENTH-DAY ADVENTIST® are the registered trademarks of the General Conference of
Seventh-day Adventists®.
Permission is granted to reproduce material from this quarterly for use in local Sabbath Schools and children’s
ministries programs. Permission to reproduce any portion of this material for sale, publication in another
periodical, or other commercial use must be authorized in writing by filling out the online form located at:
bit.ly/AMpermission.
For subscription inquiries, e-mail Rebecca Hilde at rebecca.hilde@pacificpress.com or call 1-800-545-2449 or 1-
208-465-2527 Annual subscription rates per edition: domestic, U.S.$7.50; international, U.S.$14.50. North
American Division churches can receive a complimentary subscription by contacting the above telephone
numbers or e-mail address.

40

You might also like