You are on page 1of 48

2022 Pulong Panalangin

Pamagat:

Ang Pangkasalukuyang Katotohanan: Ang Mensahe ng Dios Ngayon

Sumulat: Dr. Yeury Ferreira

Opisyal na Petsa ng Pulong Panalangin ay:

Marso 19-26, 2022

Pangsanlibutang Araw ng mga Kabataan | Marso 19, 2022

Homecoming Sabbath | March 26, 2022

General Conference Youth Department

Writer: Yeury Ferreira


Project Coordinator: Andrés J. Peralta
Editor: Kenia Reyes
Designer: HADGraphic Inc.
Reviewed by: Biblical Research Institute
Tagalog Translator: Donna Felicitas
Layout Artist (Filipino): Miqneya Diolanda
Editorial
Ang layunin ng bawat Isang Linggong Pulong Panalangin na ating inihahanda dito sa Departamento ng
Ministeryo para sa mga Kabataan ng Comprehensia Heneral (General Conference Youth Department), ay
upang hikayatin ka sa mas malalim na pagkakakilala sa ating Ama sa Langit at mamuhay ng naaayon sa
kalooban ng Panginoon. Ang ating Global Youth Day ay pinamagatang “Ibigin ang mga Nakalimutan” at
ito ay nasentro sa pagpapakita kung gaano natin kamahal at kung gaano tayo nasabik sa mga taong hindi
natin nakita ng ilang panahon. Si Hesus ang dalisay nating halimbawa kung paano niya minahal ang
lahat ng nakapalibot sa Kanya, maging ang mga nakalimutan at napabayaan na ng lipunan at maging ng
iglesya. Aming laging pinananabikan na makita mula sa inyo ang katuparan ng mga proyekto ng GYD at
lagi naming dalangin na ang inyong pagmamahal sa paglilingkod ay magpatuloy kahit matapos na ang
pandaigdigang kaganapan na ito.
Ngayon, para sa ating Linggo ng Pulong Panalangin ay hinayaan natin na ang Banal na Espiritu ang
manguna sa atin upang maipaabot sa inyo ang mga mensahe na makakatulong sa inyo upang maunawaan
ang napaka importante at mahalagang paksa ng ating kapanahunan: Ang Pabalita ng Tatlong Isinugong
Anghel. Alam natin na tila ito ay isang nakakatakot at kumplikadong paksa, ngunit gaya ng matutuklasan
ninyo sa mga sermon, ang pag-unawa sa mga mensahe at pabalita na iniwan sa atin sa aklat ng
Apokalipsis ay magbibigay daan na lumago ang iyong pagibig sa ating Panginoon at makakatulong sa
mas malinaw na pagkaunawa ng iyong layunin. Sino ba ang ayaw ng matiwasay na landas? Alam kong
lahat tayo ay gusto ito, at ang kagandahan ng Biblia ay ipinapakita ng Panginoon sa atin ang lahat mula
mismo sa kanyang mga salita.
Kaya naman basahın ninyo ng mabuti at nang may panalangin ang mga sermon na ito, at itanim sa inyong
isipan na ang ating tuwinang pangunahing layunin ay ang mahalin at igalang ang ating Ama at ibahagi sa
mga nakapaligid sa atin kung sino Siya, at ibigin ang lahat, lalo na ang mga tila ba nakalimutan na natin.

Andres J. Peralta
Associate Youth Director
General Conference of Seventh-day Adventists
Tungkol sa May Akda

Dr. S. Yeury Ferreira

Si Yeury Ferreira ay isang ordinadong pastor ng Iglesia Adventista del Septimo Dia. Siya ay may
master’s degree sa Leadership, Systematic Theology, at Biblical Preaching. Mayroon din siyang PhD in
Preaching mula sa Andrews University. Siya ay nanungkulan na bilang pastor, ebanghelista o
mangangaral ng ebanghelyo, at sa kasalukuyan siya ang Hispanic Ministry Coordinator ng Greater New
York Conference, at isang adjunct professor sa Andrews University. Siya ang manunulat ng ilang mga
aklat, kabilang na ang Living Without Fear, kinilala bilang aklat ng taon ng 2021 para sa North American
Division; gayun din ang aklat na Preach the Work: A Guide to Sermon Preparation and Preaching, at ang
The Preacher and Preaching. Siya ay kasal at maligayang naninirahan kasama ang kanyang asawa na si
Mariel Ferreira at siya ay isang ama kina Ernesto at Elizabeth Ferreira.
BASAHIN MUNA ITO
1. Simulan na ang Iyong Pagpaplano Ngayon. Simulan ang iyong pagpaplano, buoin ang iyong
target, pagsama-samahin ang iyong grupo o team, at siguraduhin na kasama sa inyong team ang
inyong pastor.

2. Impormasyon ng Global Youth Day. Kumuha ng impormasyon tungkol sa proyekto na Global


Youth Day. Ang araw na ito ang magiging araw ng paglulunsad ng Isang Linggong Pulong
Panalangin para sa Kabataan. Maaari kang magtungo sa aming website, youth.adventist.org, o kaya
naman ay makipagugnayan sa inyong lokal na direktor pangkabataan upang malaman kung paano
kayo maaaring makilahok dito.

3. Italaga ang Inyong mga Prayer Warriors o Tagapanalangin. Tipunin ang grupo o team ng mga
nakatatanda na handang mangako ng regular na pagdarasal para sa iyo at sa iyong ministeryo.
Siguraduhin na ito ay isang grupo na maaari mong pagkatiwalaan sa pagbabahagi ng iyong mga
pangangailangang pam-personal at pang-ministeryo.

4. Pumili ng isang Theme Song. Ibilang ang mga miyembro ng choir ng kabataan. Kung ang inyong
iglesya ay walang choir ng kabataan, ito ang tamang pagkakataon at panahon upang magsimula ng
isa. Pumili ng mga kanta na gusto ninyong lahat at iyong tutugma sa mga paksa sa bawat gabi o kaya
naman ay mamili ng kanta na para sa isang buong linggo.

5. Bumuo ng isang Pangkat Para sa Pagsulong at Pagsusuri ng Lingguhang Pulong Panalangain.


Depende sa laki ng inyong iglesya, ang grupong ito ay maaaring apat hanggang walong tao na titingin
sa walong mga babasahin kasama ka. Isama lamang sa inyong grupo ang mga interesado at mga
nakatuon na kabataan, at mga pinuno ng mga ministeryong pang-kabataan (Pathfinder, Sabbath
School, etc. Ang inyong pastor o mga pastor); Mahalaga ito sapagkat ito ay nagbibigay ng
pagkakakilanlan sa buong grupo, sa halip na ikaw lamang o ang iyong assistant. Hilingin ang mga
kaanib ng grupo na mangako na magkita-kita sa loob ng tatlong linggo - kahit minsan sa isang linggo
para sa apat na leksyon, at isang karagdagang linggo upang tapusin ang mga bagay-bagay. Tiyakin
na matutukoy ninyo ang inyong mga layunin at direksiyon na nais ninyong tahakin, mabuti na kung
sa unang pagpupulong ay mamili kayo ng isang kabataan na magsasalita para sa bawat araw.

6. Isali ang Global Youth Day (GYD) sa Inyong mga Plano para sa Isang Linggong Pulong
Panalangin. Ang maganda sana, ang GYD ay maging isang panahon o oras upang turuan ang mga
kabataan kung paano ang kaunting pagsasakripisyo at pagbibigay ng oras at oportunidad para sa
iglesya at sa komunidad. Kung kayo ay may maliit na group ng mga kabataaan at wala pang
mapagkukunan para sa pagaayos ng isang malakihang pagpupulong ng GYD sa inyong komunidad,
maaari ninyong gamitin ang pagkakataon na ito upang mawala ang mga balakid sa pagitan ng mga
denominasyon sa pamamagitan ng pakikipagsosyo o pakikiisa at pagsasama-sama ng mga pondo o
mga pinagkukunan, mga kaisipan at kuro-kuro kasama ang iba pang grupo ng mga kabataan na mula
sa ibang iglesya sa inyong lugar.
Mga Tip para sa Online na Pagpupulong

Panatilihin itong simple.


Lagi nang pinakamainam na panatilihing simple ang inyong setup upang malimitahan o
maiwasan ang mga teknikal na pagkakamali.

Magkaroon ng mga nakahandang backup na kagamitan ano mang oras.


Kahit na sa simpleng setup, mayroon pa ring pagkakataon na ang mga kagamitan ay hindi
gagana. Mas mainam na laging maniguro at maghanda ng mga backup na mga kakailanganing
kagamitan hangga’t maaari. Siguraduhin na ang lahat ay kargada at konektado.

Ilaw, Ilaw, Ilaw!


Subukin ang inyong mga ilaw na gagamitin bago pa man magsimula ang lahat upang masigurado
na maayos ito at hindi nakakanlungan ang nais mong maipakita ng maayos. Kung ito ay gagawin
ninyo sa labas, tingnang mabuti kung nasaan ang araw. Ang sinag mula sa aray ay maaaring
makakanlong at maka-apekto sa kalalabasan ng inyong video.

Pagandahiin ang Kalidad ng Tunog at Bawasan ang Ibang Ingay.


Ang paggamit ng lapel na mikropono o kahit ng pangkaraniwang headphone-mic ay
makakatulong. Kung mahangin, humanap ng maaaring gamitin na panabing upang maharangan
ang hangin. Huwag kalilimutang humanap ng tahimik na silid para sa inyong livestream na
setup. MAG-IINGAT SA HOT MIC (pagkaiwang bukas ng mikropono na magdudulot na
maririnig ang mga kataga na dapat sana ay nanatiling pribado)! Laging siguraduhin na ang
mikropono ay nakabukas kung kailangan at nakapatay kung hindi ikaw ang magsasalita.

Siguraduhin ang lakas ng internet.


Subukin ang bilis ng inyong internet ilang araw bago ang inyong pagpupulong upang masiguro na
hindi ito pabago-bago, dahil kung hindi ay malamang na ang inyong livestream ay hindi
mapanood ng inyong mga tagasubaybay at manonood.

Ang paghahanda ang susi.


Rebisahin ang programa kasama ang iyong koponan o team at subukin ang inyong setup. Ito ay
makakatulong upang maiwasan ang mga di inaasahang pagkakamali bago magsimula ang
programa. Masyadong marami at mabilis ang mga kaganapan sa isang live na kapaligiran; mas
makakapag-isip ng maayos kung ano ang mga kinakailangang gawin kapag ito ay ginawa ng mas
maaga bago sa itinakdang araw.

Subaybayan ang inyong stream sa isang karagdagang display.


Importante ang pagsusubaybay upang masigurado ang isang maaasahan at propesyonal na
livestream. Ang karagdagang display ay magbibigay ng mahalagang pananaw sa pamamagitan
ng pagbibigay nito ng pagkakataon na makita mo ang inyong livestream gaya ng kung paano ito
makikita ng inyong mga manonood.

Tumingin sa kamera - hindi sa monitor!


Pigilin ang sarili na tumingin sa monitor! Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya na panatilihin
ang iyong mga mata na nakatingin sa kamera. Makakatulong din ito upang maipadama sa inyong
mga manonood na nakatuon ka sa kanila.
Tumugon sa mga komento ng live (hanggat maaari).
Ang ganitong interaksyon sa mga manonood ay makakatulong upang palakasin ang pakikipag-
ugnayan sa inyong mga manonood at makaka-engganyo ito sa kanila na magpabalik-balik upang
muling manood? at makilahok .

MGA TIP PARA SA ONLINE NA PANGANGARAL


Mangaral ng mas maiksi
Mangaral ng personal at malapitan
Mahalaga ang pagtingin ng mata sa mata
Maging iyong sarili at wag magpanggap
Pasiglahin ang iyong sarili
Ipangaral ang Kanyang mga Salita
Gumamit ng mga ilustrasyon
Batiin ang iyong mga manonood
Makipag-ugnayan sa iyong mga manonood
Panatilihing nakaugnay sa mga tema at pangyayari
Hikayatin ang iyong mga tagapakinig na ibahagi ang iyong mga sermon at pasalamatan sila
sa pagtitiwala nila sa iyo sa pamamagitan ng pagbabahagi nito
Huwag kakalimutan ang PANANALANGIN!
PAANO GAMITIN ANG AKLAT NA ITO SA
MALIIT O MALAKIHANG GRUPO
1. Espasyo para sa Pagsusulat. Ang aklat na ito ay dinisenyo upang punuin ng inyong mga kaisipan.
Gamitin ang mga itinalagang espasyo upang isulat ang inyong mga reaksiyon sa mga bagay na
maaaring narinig ninyo mula sa sermon at ang mga katanungan sa pagtatapos ng bawat araw. Maaari
rin itong magamit upang sumulat ng kahilingan sa panalangin o mga pagpupuri sa Dios. Hikayatin
ang mga kalahok na gamitin ito sa ano mang paraan na maibigan nila. Ito ay kanilang sulatan!
Sabihin mo sa kanila na walang mga kautusan, mayroon lamang mga gabay. Ang pinakamahalaga ay
ang pakikinig sa Panginoon at ang pagbubukas ng kanilang puso upang tumugon sa Kanyang
panawagan. Mga pinuno, kung inyong pagbubuhusan ng oras at may panalangin ang pagbabasa ng
mga araw-araw na babasahin at may pananabik sa maipapakita ng Panginoon ang mga bagong bagay
sa inyo, kayo ay magugulat kung ano ang mananalaytay sa inyong mga panulat o mga lapis papunta
sa mga pahina ng mga susulatan na ito.

2. Magsimula ng isang Prayer Journal (Sulatan ng mga Panalangin). Wala nang mas hihigit pa
para sa iyong personal na paglagong ispiritwal maliban sa oras na iyong iginugol sa pananalangin.
Ang grupo ng iyong mga kabataan ay lalago din sa iyong paglago. Ang pagkakaroon ng prayer
journal ay makakatulong upang makilala ang Panginoon sa bago at kapana-panabik na kaparaanan.
Magagawa mong masubaybayan ang iyong mga paglakad kasama ng Dios sa pagbalik mo sa mga
naisulat mo dito, sa mga nasagot na mga panalangin at makikita mo kung paano ka niya ginabayan sa
bawat hakbang na tinatahak mo sa araw-araw. Bago at sariwang mga kaisipan ang papasok sa iyong
isipan habang lumilipas ang oras kasama niya sa pagtatala ng iyong mga dalangin. Makakakita ka ng
maraming ideya at kaalaman online kung paano ang pagkakaroon ng isang prayer journal. Pumunta
lamang sa www.google.com at I-type and mga katagang “pagsisimula ng isang prayer journal.”

3. Araw-araw na mga Katanungan. Kasama ng pang araw-araw na mga sermon ang mga katanungan
na idinisenyo upang kayo ay makapag-isip. Bumuo ng maliit na grupo at pagusapan ang mga
katanungan na ito. Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ng mabuti ang mga puntos na nais
ipabatid ng mga katanungan. Pakinggan ang Banal na Espiritu habang ginagabayan ka Niya sa Banal
na Kasulatan. Himukin ang mga nagsisilahok na isulat ang kanilang mga kaisipan sa kanilang sulatan
o journal.

4. Ang Global Youth Day ang nakatakdang magpalabas ng opisyal na panahon o linggo para sa Pulong
Panalangin ng mga Kabataan. Ang tema para sa 2021 ay Reaching Out (Pag-abot o Pakikipag-
ugnayan). Bago pa ang itinakdang panahon ay tumawag na sa inyong pastor o lider ng kabataan sa
komperensya upang makita kung ano ang mga proyektong sasalihan ng inyong iglesya sa araw na ito
ng Marso 19. Kung ikaw ay nagpaplano ng isang buong araw na programa, ang Adventist
Development and Relief Agency (ADRA) ay may magandang aktibidad, ang In Their Shoes, na
maaari ninyong gawin sa hapon sa panahon ng inyong programang pangkabataan o AY program.

Ang In Their Shoes ay isang interactive na karanasan sa kahirapan na kung saan ang mga kabataan ay
magkakaroon ng 24-oras na paglalakbay sa buhay ng mga kabataan na naninirahan sa ibat-ibang
bansa sa buong mundo. Sa pamamagitan ng ganitong pananaw ay magsisimula nilang maunawaan
ang mga pagsubok at kahirapan na kinakaharap ng milyon-milyong tao sa mga umuunlad na mga
bansa sa bawat araw. Inyong matutuklasan kung ano ang ginagawa ng ADRA upang makatulong at
kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kung paano mamuhay ng isang uri ng buhay na may
Krisityanong paglilingkod.
Talaan ng Nilalaman

Sermon 1 – Ang Buong Katotohanan sa Isang Aklat

Sermon 2 – Ang Tunay na Superhero

Sermon 3 – Ang Tunay na “Star Wars”

Sermon 4 – Beauty and the Beast (Ang Kagandahan at ang Halimaw): Ang Tunay na Kwento

Sermon 5 – Ang Tama at Maling Pagsamba

Sermon 6 – Ang Tunay na Tatak ng Dios

Sermon 7 – Ang Tunay na Alien Invasion (Pagsalakay ng mga Alien)

Sermon 8 – Ang Tunay na Ebanghelyo


Sermon 1
Ang Buong Katohonanan sa Isang Aklat
(2 Timoteo 3:16-17)

Panimula
Ang Lupin ay isa sa mga pinakapinanuod na programa sa telebisyon noong 2021. Ang
kwento nito ay tungkol kay Assane Diop, anak ng isang dayuhan na nagmula sa Senegal at
nagpunta sa France upang sumubok na makahanap ng mas magandang buhay, ngunit ang
kanyang ama na si Babakar ay isinangkot sa pagnanakaw ng isang mamahaling kwintas na gawa
sa diamante ng kanyang pinagtatrabahuhan, ang mayaman at makapangyarihan na si Hubert
Pellegrini. Ang ama ni Assane Diop ay nadakip ng mga pulis at nabilanggo, kaya naman, sa
kahihiyan, napagpasyahan nitong kitilin ang sariling buhay mula sa kanyang piitan, at naiwan
nitong ulila ang binatilyong anak na si Assane. Makalipas and 25 taon at inspirasyon ang aklat
na Arsène Lupin na ipinagkaloob ng kanyang ama nung kanyang kaarawan - tungkol sa buhay ng
isang kabalyerong magnanakaw - nagpasya si Assane na gantihan ang pamilya ng mga
Pellegrini, gamit ang kanyang karisma at ang lahat ng natutunan niya mula sa nasabing aklat.

Si Assane Diop ay nakakagawa ng mga bagay na tila imposible, ngunit salamat sa


kanyang mga koneksyon, makabagong teknolohiya, dalubhasang pasimpleng mga bitag, halos
lagi niyang nalulusutan ang mga ito; kahit pa siya ay mali, lagi siyang may natatanging
pamamaraan upang makawala są mga masalimuot na sitwasyon. Ngunit wala sa mga diskarte at
pamamaraan na ito ang galing mismo sa kanya, dahil lahat ng ito ay natutunan nya mula sa aklat
ng pakikipagsapalaran ni Arsen Lupin. Sa madaling salita: Ang Lupin ay kwento ng isang
kabataang lalaki na ang buhay ay naapektuhan ng pagbabasa ng isang aklat! Hayaan mong
sabihin ko sa inyo na hindi ito natatanging pangyayari, may mga aklat talaga na may ganitong
kapangyarihan!

Ginigiliw kong mga kabataang lalaki at babae, sa unang mensahe na ito ay nais kong
ipakita sa inyo ang isang aklat na may kapangyarihang baguhin ang inyong buhay. Alam niyo ba
kung anong aklat ang tinutukoy ko? Ang Biblia: ang pinakamahalagang aklat sa kasaysayan. Ito
ay higit sa lahat ng ibang aklat at ito ang naglalaman ng buong katotohanan.

Sa hanay ng mga mensaheng ito, pag-aaralan natin ang kasalukuyang katotohanan o,


manapa, ang katotohanan sa panahon kung saan tayo ay nabubuhay. Gayun pa man, palagay ko
ay mahalaga, higit sa anupaman, na mailatag natin ang pundasyon na siyang magsisilbi nating
batayan ng lahat ng mga mensahe na ating pagtutunan ng pansin ngayong linggong ito. Kung
kaya naman, dapat nating sagutin ang dalawang katanungan na may kaugnayan sa Biblia:

Una, ano ang ating katunayan upang ating paniwalaan na ang Biblia ay natatangi bilang
kinasihang Salita ng Dios?

Pangalawa: Bilang kabataan, anong kapakinabangan ang maaari nating makamit sa pagbasa at sa
pag-aaral ng Biblia?
Pagsulong
I. Simulan natin sa pagsagot sa unang katanungan: Ano ang ating katunayan upang ating
paniwalaan na ang Biblia ay ang Kinasihang Salita ng Dios? Mayroong hindi bababa sa apat
na katunayan na magpapatotoo na ang Biblia ay ang Salita ng Dios.

Katunayan #1: Kamangha-Manghang Pagkakaisa


Ang Biblia ay koleksyon ng mga aklat na isinulat ng 40 na may-akda na nabuhay sa
panahon na sumasaklaw sa humigit-kumulang 1,500 taon. Ang mga taong ito ay nagmula sa
iba’t-ibang bansa at karamihan sa kanila ay hindi kilala ang isa’t-isa.
Isipin na lamang natin ang katotohanan na ang mga manunulat na ito ng Biblia ay
nagmula sa lahat ng uri ng pamumuhay; Halimbawa, si Moises ay isang pinunong political at
isang hukom, pinagaral są mga unibersidad sa Ehipto; si David ay isang hari, makata, musikero,
pastol, at mandirigma; si Amos ay tagapag-alaga ng mga hayop; si Josue ay isang heneral ng
militar; si Nehemias ay tigahawak ng kopa ng isang Paganong hari; si Daniel na isang Punong
Ministro; si Solomon na isang hari at pilosopo; si Lukas, na isang manggagamot at
mananalaysay; at si Pablo na isang guro.
Ngunit ang mga manunulat ng Biblia ay hindi lamang nagmula sa iba’t-ibang uri ng
pamumuhay at lugar; sila rin ay sumulat sa iba’t-ibang konteksto: si Moises ay sumulat habang
nasa ilang; si Jeremias, mula sa piitan; si Daniel, sa isang palasyo; si Lukas, habang naglalakbay;
si Juan, habang siya ay ipinatapon sa isla ng Patmos.
Gayundin, ang Biblia ay isinulat gamit ang iba’t-ibang pamamaraan at sa tatlong
magkakaibang wika, at sa kabila ng lahat, ito pa rin ay nagtataglay ng kamangha-manghang
pagkakaisa. Makikita natin na:

May isang tema ang Biblia: Ang Kaligtasan


May isang natatanging tauhan ang Biblia: Ang Panginoong Hesukristo
May isang masama sa Biblia: Ang Diablo
May isang layunin ang Biblia: Maipahayag ang katotohanan tungkol sa buhay at ang
katangian ng Dios!

Katunayan #2: Mahimalang Kaligtasan


Ang Biblia ay ang pinaka kinasusuklaman, inuusig, at tinutuligsang aklat sa kasaysayan;
wala nang ibang aklat na nakatanggap ng mas matinding pag-uusig maliban sa Biblia! Ito ay
tinutuligsa ng mga emperador, pilosopo, siyentipiko, at maging ng mga mananampalataya; at
kagaya ng makikita natin ngayon, sa kabila ng mga pang-uusig, nananatili pa rin ang Biblia.
Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng halimbawa:
Isang tanyag na Frances na hindi mananampalataya na si Voltaire, na namatay noong
1778, ay ipinahayag na isang daang taon mula sa araw ng kanyang kamatayan ay mamatay ang
Kristianismo at mawawala ang Biblia. Ano sa tingin ninyo ang nangyari? 50 taon mula sa
kanyang pagkamatay, ang kanyang palimbagan at tahanan sa Geneva ay ginamit upang
makagawa at makapaglabas ng napakaraming Biblia.
Ang mga kaaway ng Biblia ay dumarating at nawawala, ngunit ang Biblia ay nananatili.
Tama si Jesus nang sinabi niyang, “Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga
salita ay hindi lilipas” (Marcos 13:31).

Katunayan #3: Katumpakan ng Kasaysayan


Sinasabing ang Ingles na arkeologo at mananalaysay na si William Mitchell Ramsay
(1851-1939), isang ateista at anak ng mga ateista, ay naglayon na patunayan na ang Biblia ay
hindi kapanipaniwalang dokumento at ang lahat ng makasaysayang pahayag na ginawa ay
pawang mali.
Kung kaya, bumaling siya sa dalawang aklat ni Lukas: Ang Ebanghelyo at ang Mga
Gawa ng mga Apostol, dahil sa mga aklat na ito ng Biblia ay maraming nabanggit na lugar,
pangngalan, at mga petsa, na maaaring madaling mapatotohanan o itanggi ng mga sekular na
mapagkukunan ng kasaysayan.
Upang makamit ang kanyang layunin, personal na ginalugad ni Ramsay ang mga lupain
ng Biblia at kanyang ginugol ang dalawampu’t limang taon ng kanyang buhay sa pananaliksik.
Nakakagulat para sa kanya na makita - sa pamamagitan ng mga arkeolohikong paghuhukay- na
ang 32 bansa, 54 na lungsod, at 9 na isla na nabanggit ni Lukas sa kanyang ikalawang aklat ay
tunay na mga lugar.
Sa halip na mapatunayang mali ang Biblia, nakatuklas si Ramsay ng dose-dosenang
maaasahang katibayan na magpapatunay ng kawastuhan ng makasaysayang katotohanang ito.
Nagulat ang buong mundo nang si William Ramsay ay nagbagong-loob at naging isang
Kristiano, liban pa dito ay naging tagapagtanggol din ng katotohanan sa Biblia.
Mga minamahal na kabataan, ang Biblia ay hindi kathang-isip lamang, ito ay isang
wastong makasaysayang katotohanan!

Katunayan #4: Ang Katuparan ng mga Propesiya o Hula


Ang karagdagang katunayan na makapagsasabing ang Biblia ay ang kinasihang Salita ng
Dios ay nasa wasto at eksaktong katuparan ng mga hula o propesiya dito. Ang Biblia ang
tanging aklat ng relihiyon na naglalaman ng mga propesiya na eksaktong natupad sa kasaysayan;
ang Lumang Tipan pa lamang ay naglalaman na ng higit 2,000 propesiya na natupad.
Maaari ko kayong bigyan ng naraming halimbawa ng katuparan ng mga propesiya subalit
hayaaan ninyong ipakita ko sa inyo ang mga may kinalaman sa pagkatao ng ating Panginoong
Hesukristo. Sinasabi ng mga pantas na si Hesus ang tumupad sa higit 300 propesiya sa Lumang
Tipan. Kay Hesukristo ay nahulaang o ipinopresiya:

Ang mga taon ng kanyang ministeryo at kamatayan (Daniel 9:25-27).


Ang lugar ng kanyang kapanganakan (Mikas 5:2).
Ang kanyang mahimalang kapanganakan (Isaias 7:14).
Ang tala na magpapahayag ng kanyang pagdating (Mga Bilang 24:17).
Ang pagtataksil na kung saan siya ang magiging biktima (Zakarias 11:12).
Ang kanyang kamatayan at libing (Isaias 53:9-12).
Ang kanyang pagkabuhay na mag-uli (Mga Awit 16:9-11).
Bawat isa sa mga propesiya na ito ng Biblia at marami pang iba ay nangatupad na, at tayo
ay nakasisiguro na ang mga hindi pa natutupad ay maisasakatuparan. Purihin ang pangalan ng
ating Panginoon! Ang katuparan ng mga propesiya ay patunay na ang Biblia ay ang kinasihang
Salita ng Dios.

II. Sapagkat mayroon tayong sapat na katunayan na magpapatotoo na ang Biblia ay ang
kinasihang Salita ng Dios, sagutin naman natin ikalawang katanungan: Anong
kapakinabangan ang dulot ng pagbabasa ng Biblia sa atin bilang mga kabataan? Maraming
mga kabutihang dulot o kapakinabangan sa ating buhay ang pagbabasa at pagaaral ng Salita
ng Dios, ngunit ngayon, sa pamamagitan ng mensaheng ito, nais ko lamang ipakita sa inyo
ang tatlo sa mga ito:

Kapakinabangan #1: Sa Pagbabasa ng Biblia ay Nakikilala Mo ang Panginoon


Ang kaalaman tungkol sa Panginoon ay iba sa pagkilala sa Panginoon. Upang makilala
ang isang tao, kailangan mong maglaan ng oras para sa kanila, tularan ang kanilang pag-uugali at
mamuhay kasama nila; Ang Panginoon ay nakikilala sa pamamagitan ng Biblia. Sa pagbabasa
ng Biblia ay magkakaraoon ka ng batayan sa kanyang pagkatao, paguugali, ang kanyang
katarungan, ang kanyang awa at ang kanyang pagmamahal. “At ito ang buhay na walang
hanggan,” sabi ni Hesus, “na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong
sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo” (Juan 17:3).

Kapakinabangan #2: Sa Pagbabasa ng Biblia ay Nagkakaroon Ka ng Karunungan


Ang panonood ng balita sa umaga habang ikaw ay naghahanda sa pagpasok sa trabaho o
sa paaralan, ang pagtingin sa mga app notifications, o ang panonood ng mga palabas na may
kinalaman sa kalusugan at hindi nagdudulot sayo ng karunungan, kundi ipinapaalam lamang
sayo ang mga pangunahing kaalaman na dapat mong malaman; ito ay mga pangkalahatang
kalinangan lamang. Hindi mahalaga kung ilang aklat ang iyong nabasa tungkol sa agham,
literatura, pilosopiya, o sa batas; hindi ito makapagdudulot ng karunungan sa Iyo. Ang
karunungan ay hindi nagmumula sa talino ng tao!
Sa halip, ang Biblia ang nagpapakita sa atin kung paano masusumpungan ang
karunungan, ang paggamit nito, at kung paano ito matatamasa. Ito ay nagmumula sa pagkilala
sa Panginoon, ang paggalang sa Kanya at sa Kanyang Mga Salita; Ito ay bunga ng pagsaliksik sa
Kanyang Presensiya. Malinaw ang Biblia, tiyak at nagbibigay karunungan sa pang araw-araw na
pamumuhay. Pansinin kung ano ang sinasabi ng sumusunod na dalawang talata:

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa


walang muwang. (Mga Awit 119:130).
Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig
nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan. (Kawikaan 2:6).

Kapakinabangan #3: Sa Pagbabasa ng Biblia ay Nalalayo Ka sa Kasalanan at Patungo sa


Masaganang Buhay
Ang pagpupuspos ng ating sarili ng Salita ng Diyos at ang pagkaunawa na ang ating
pagsalig sa ating Panginoong Hesukristo ay magdudulot ng pagpapaliit ng pagkakataon na
mamuhay ang kasalanan sa ating mga puso at sa ating mga buhay. Ang pagbabasa ng Biblia ay
magdudulot ng pakiramdam na hindi sapat ang ating nalalaman at nanaisin natin na siyasatin pa
ang mga gawain ng pagtubos ni Kristo, ang kanyang biyaya, kung kaya’t matatanggihan natin
ang lahat ng uri ng tukso.
Pansinin kung ano ang sinasabi ng mga sumusunod na talata sa iyo: Paano
mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa
pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Ang banal mong kautusa’y sa puso ko
iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. (Mga Awit 119:9,11).
Sinabi ni Hesus, Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na
masaganang lubos (Juan 10:10).

Katapusan
Mga minamahal na kabataan, ang Biblia ay ang Kinasihang Salita ng Dios na may
kapangyarihan na baguhin ang iyong buhay. Kamakailan ay nagkaroon ako ng pagkakataon na
mapakinggan ang kwento ni Juan Briceño. Mula sa murang edad ay naisip niya na kayang
mamuhay ng tao na walang Dios, kung kaya dala ang ganitong kaisipan ay namuhay siya ng
ayon lamang sa kanyang nais; sa unang tingin ay parang maayos ang lahat: siya ay nagtatrabaho,
nagpakasaya, at laging nagpakasasa sa buhay, ngunit sa kanyang kalooban ay nakaramdam siya
ng kawalan.
Sa kagustuhan niyang mapunan ang nadaramang kakulangan ay bumaling siya sa droga.
Ipinahayag ni Juan na labis siyang nalulong sa mundo ng droga na ito ay umalipin sa kanya sa
loob ng 14 na taon. Hindi lamang siya gumamit nito, kundi umabot siya sa pagpapamudmod
nito. Kahabag-habag na kalagayan!
Ang mga kamag-anakan ni Juan ay nawalan na ng pag-asa sa pagbabago. Nagawa na
nila lahat ng posibleng kaparaanan na kayang gawin ng tao upang matulungan siya, ngunit ang
lahat ng iyon ay balewala.
Isang araw ay dumalo si Juan sa isang salo-salo para sa kaarawan ng kanyang kaibigan at
nakakita siya doon ng grupo ng mga kabataang lalaki na maayos ang kasuotan na ang pag-uugali
at pananalita ay naiiba sa karamihan ng kabataan sa kanyang edad. Di naglaon ay nalaman ni
Juan na ito ay grupo ng mga kabataang Adventista.
Noon din at sa disimuladong kaparaanan ay lumapit si Juan sa kanila ng may pag-
aalinlangan, habang iniisip na siya ay kanilang tatanggihan o itatakwil; ngunit sa kanyang
pagkabigla ay tinanggap siya ng grupo ng mga kabataan na yon ng may pagmamahal. Kinausap
siya ng mga ito, ipinanalangin, at sa pagtatapos ng pagtitipon ay pinagkalooban siya ng Biblia.
“Hindi pa ako kailanman nakahawak ng Biblia,” ang sabi ni Juan, “ngunit ng araw na
iyon, nang umalis ako sa pagtitipon, nagsimula akong magbasa ng Salita ng Dios. At, simula sa
araw na iyon, nagbago ang aking buhay.”
13 taon na ang nakakalipas simula ng gabi na nagsimulang magbasa ng Biblia si Juan.
Ngayon, si Juan ay hindi na isang taong nakagapos sa droga, siya ay malaya nang nabubuhay ng
matiwasay kasama ang kanyang asawa at mga anak. Ang Salita ng Dios ang nagsagawa ng
milagro sa kanyang buhay at nagpabago sa kanya! Purihin ang pangalan ng Panginoon!
Mga kabataaan, inaanyayahan ko kayo na pagaralan ang inyong mga Biblia araw-araw.
Magtalaga kayo ng regular na oras upang marinig ang tinig ng Panginoon. Sinisiguro ko sa inyo
na kung ito ay inyong makakaugalian, ang buhay ninyo ay siguradong mababago. At lagi
ninyong tatandaan na: Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa
pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa
pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at
handa sa lahat ng mabubuting gawain. (2 Timoteo 3:16-17).

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaral


1. Ano ang mga katunayan na mayroon tayo na nagpapatotoo na ang Biblia ay ang Kinasihang
Salita ng Dios?
2. Ilang mga propesiya ang natupad ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang buhay at
ministeryo?
3. Ano ang natuklasan ni William Mitchell Ramsay tungkol sa katumpakan ng makasaysayang
katotohanan ng Biblia?
4. Ano ang mga kapakinabangan sa atin, bilang mga kabataan, ang matatamasa sa pagbabasa at
pag-aaral ng Biblia?
5. Ano ang itinuturo sa atin ng 2 Timoteo 3:16-17?
Sermon 2
Ang Tunay na Superhero
(Pahayag 1:1)

Panimula
Hindi ko alam para sa iyo, pero ako ay laging namamangha sa mga kwento ng mga
superhero. Yung may mga taglay na kapangyarihan at silang mga natatanging may kakayahan
upang iligtas ang buong planeta, o minsan pa nga ay ang buong sansinukob! Nakukuha ng mga
superhero ang ating atensiyon at paghanga: nabasa natin ang kanilang mga kwento, napanood
ang kanilang mga pelikula, at binili ang kanilang mga video game. Sino ba naman ang hindi
namangha sa mga galaw nina Superman, Iron Man, Batman, Spiderman, Wonder Woman, Black
Panther at Captain America?
Ayon sa DC Comics at sa Marvel Universe, ang mga mga karakter o tauhan na ito ang
siyang nakatalaga upang harapin ang mga pwersa ng kaaway na nagbabantang lumipol sa atin.
Hindi sila natatakot sa anopaman, o sa kung kanino man at sa kanilang taglay na kapangyarihan
ay nagagawa nila ang mga bagay na hindi natin lubos maisip. Ang kanilang mga kwento ay labis
na nakakabigla at noong 2014 ay ang DC Comics magazine, na siyang tumampok kay Superman,
ay nakapagbenta sa eBay ng hindi bababa sa $3,207, 852!
Gayunpaman, may isang tunay na superhero, na hindi lamang kathang-isip o gawa-gawa
ng imahinasyon. Ang kapangyarihan ng superhero na ito ay siya lamang ang bukodtangi na
makapagdudulot ng kapayapaan sa bagabag na kalooban, kaaliwan sa mga nagdadalamhati,
pagasa sa mga labis na nagpipighati at kaligtasan sa mga nawaglit. Gusto mo bang malaman ang
pangalan nitong lubos na makapangyarihan na superhero na ito? Ang pangalan niya ay Hesus:
ang tunay na superhero ng kasaysayan.

Pagsulong
I. Habang binabasa mo ang Biblia, iyong mapagtatanto na ang bawat kwento gayun din ang
bawat aral ay naglalayon na ipakita sa atin ang katauhan, paguugali, at kapangyarihan ng
ating Panginoong Hesukristo. Ang superhero ng Biblia ay si Hesus!
Sa lahat ng aklat sa Biblia, isa sa may pinakamaraming nabanggit tungkol sa ating
superhero ay ang pinakahuling aklat: Pahayag. Ang aklat ng Pahayag ay isinulat ni Juan noon
panahon ng A.D.96. Alam mo ba kung sino si Juan? Naaalala mo ba?
Si Juan ay isa sa labindalawang disipulo, na bilang isang kabataang lalaki, ay tinawag ni
Hesus (Mateo 4:21) at walang pagaalinlangang tumugon sa kanyang paanyaya. Ang naging
resulta nito ay nabago ang kaniyang buhay.
Bago ang naging pagtawag sa kaniya, siya ay tinaguriang “anak ng kulog” (Marcos 3:17).
Matapos ninang matagpuan si Jesus, siya ay nakilala bilang ang “minamahal na disipulo” (Juan
21:20-24). Isang kahanga-hanga at napakagandang pagbabago! Alam mo bang nais din ni Jesus
na gawin ang ganito sa iyo? Kung iyo siyang tatanggapin ngayon bilang iyong tagapagligtas,
ang buhay mo ay mababago at hindi na muling magiging katulad ng dati!
Si Juan, ang minamahal na disipulo, ay sumulat ng limang aklat sa Bagong Tipan: ang
Ebanghelyo ni Juan, Mga Liham 1, 2, 3, at Pahayag. Ngunit alam mo ba? Ang mga kabataan
ngayon ay nais lamang basahin ang Ebanghelyo ni Juan at hindi ang Pahayag!
Narinig ko ang ilang mga kabataan na nagsasabing, “Ang aklat ng Pahayag ay
napakahirap unawain. Ito ay hitik sa mga simbolismo, matalinghagang mga numero, palihim na
mga code, at mga nakatagong susi.” Ang iba naman ay ipinagtapat sa akin na ayaw nila ng aklat
ng Pahayag dahil para itong isang nakakatakot na pelikula na kung saan ay pinaguusapan ang
tungkol sa mababangis na mga halimaw, mga dragon, kamatayan, mga salot, karamdaman, sakit,
at mga pagkawasak.
Ngunit ang mga ito ba ay may katotohanan? Ang Pahayag nga ba ay aklat ng pagkatakot
at mga nakatagong misteryo? Ang Pahayag ay hindi aklat ng katatakutan; ito nga ay
kabaligtaran: Ang Pahayag ay isang makulay na paglalarawan kay Hesukristo, na nagbibigay-
diin sa pananagumpay ng pagibig ng ating Panginoon! Upang iyong makita na totoo ang aking
mga sinasabi, hayaan mong basahin natin ang unang mga talata ng napakagandang aklat na ito:

Ito ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay ng Diyos sa kanya at kanyang


inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo.
Ang layunin ng paghahayag na ito'y ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga
bagay na malapit nang maganap. Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kanyang
nakita. Ito ang kanyang patotoo tungkol sa mensahe ng Diyos at sa katotohanang
ipinahayag ni Jesu-Cristo. Pinagpala ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga
nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na
itong maganap. (Pahayag 1:1-3).

Napansin mo ba ng mabuti? Ang aklat ng Pahayag ay ang pahayag ni Hesukristo. Ang


Ingles ng salitang Pahayag ay ang pagsasalin ng wikang Griyego na apokalypsis na ang literal na
ibig-sabihin ay upang ilantad o matuklasan. Nakakita ka na ba ng paglalantad ng isang likha ng
sining? Ito ay isang napakahalagang okasyon kung saan may isang tao na hihila ng tali, at sa
kauna-unahang pagkakataon ang likha ng sining ay makikita ng publiko ayon są layunin ng
lumikha nito. Ganito rin mismo ang ibig-sabihin ng salitang Pahayag o rebelasyon! Ito ay ang
pagaalis na tabing upang lumitaw ang kaningningan at buong kaluwalhatian ng ating Panginoong
Hesukristo!
Dahil sa kadahilanang ito kung kayat sa bawat aklat ng 22 kapitulo sa Pahayag, si
Hesukristo ang bida, na wari ba ay nagtataglay ng iba’t-ibang pangalan at may iba’t-ibang
tungkulin. Ang ating superhero ay nabanggit ng higit sa 38 na mga pangalan at katawagan; sa
unang tatlong kapitulo pa lamang, siya ay nabanggit na sa magkakaibang kaparaanan na higit sa
137 na beses, at sa kabuuan ng aklat ay mayroong mga 250 na patungkol sa kanyang dakilang
katauhan.
Matatagpuan natin ang ating superhero bilang:
Ang Una at ang Pinakahuli (Pahayag 1:17).
Ang Anak ng Dios (Pahayag 2:18).
Ang Banal at Totoo (Pahayag 3:7).
Ang Leon ng Tribu ni Juda (Pahayag 5:5).
Ang Salita ng Dios (Pahayag 19:13).
Ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon (Pahayag 19:16).
Ang Alpa at ang Omega (ang Panimula at ang Wakas). (Pahayag 22:12).

II. Ano ang mga kapangyarihan ni Hesukristo ang naitampok sa Pahayag? Napakarami! Ngunit
hayaan ninyong ipakita ko sa inyo ang tatlo sa mga ito. Umpisahan natin sa paguusap
tungkol sa ating superhero bilang Dios na Tagapaglikha. Sa Pahayag 3:14 ay sinasabi sa atin
na si Hesus ay “Ang Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng
Dios.”

Si Hesus ang panimula ng paglalang. Ang ibig sabihin ba nito ay siya ay isa ring
nilalang? Hindi maari! Ang salitang “panimula,” na ginamit sa talatang ito ay mula sa salitang
Griego na archē, na ang ibig sabihin ay tagalikha o tagapamahala. Ang ating superhero ay ang
manlilikha, ang tagalikha, at ang pinakamataas na pinuno ng paglikha! Tingnan natin kung ano
ang isinulat mismo ni Juan tungkol sa pagka-Dios ni Jesus:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay
Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa
pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala
siya. (Juan 1:1-3).

Sapagkat alam na natin na ang ating superhero ay ang manlilikha, pagusapan naman natin
ang ilan sa kanyang mga katangian. Alam mo ba na sa lahat ng mga pangalan at katawagan na
ginamit ni Hesus sa aklat ng Pahayag ay mayroon siyang isang paborito?
Ang kakaiba sa lahat, ito ay ang pangalang Cordero. Ginamit ang pangalang ito sa
Pahayag ng 28 beses upang tukuyin si Hesus! Tila medyo kakaiba para sa atin na ito ang
pangalan na pinakamadalas ginamit sa Pahayag upang tukuyin si Hesus, dahil ang larawan ng
cordero o ng tupa ay nagpapaalala sa atin ng karupukan at kahinaan.
Kailanman ay hindi pa ako nakarinig ng koponan ng basketball, o baseball, o soccer na
ginamit ang tupa bilang kanilang simbolo! Narinig na natin ang Bulls o mga toro, o kaya naman
ay Timberwolves o mga mababangis na lobo, ngunit hindi pa ako nakarinig ng isang koponan na
tinawag na “The Lambs of New York (Ang mga Tupa ng New York)”! Maiisip ba natin kung
ano ang mararamdaman ng kanilang mga taga-suporta? Walang magiging tagasuporta ang
koponan na may ganitong pangalan!
Nguni mahalaga na ating maunawaan na ibang-iba ang paggawa ng ating Panginoon kesa
sa ating mga tao. Kung sa karamihan ang simbolo ng tupa ay sumasagisag sa kahinaan, sa Biblia
ito ay sumisimbolo sa kapangyarihan at pananagumpay.
Halimbawa, sa kabanata 5 ng Pahayag, ang cordero o tupa ay inilarawan ng ganito:

At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng


matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong
sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong
lupa. (v.6)
Sa talatang ito ay makikita natin na ang cordero ay may pitong sungay at pitong mata.
Marahil ay medyo nalilito tayo at napapaisip: Ano ba ang ibig sabihin nito? Napakahalaga na
ating maunawaan na ang Pahayag ay isinulat gamit ang mga simbolo at para maunawaan ang
mga simbolo na ito ay kinakailangan na atin itong ihambing sa iba pang mga bahagi ng Biblia.
Sa makahulugang pananalita ng Biblia ang mga sungay ay kumakatawan sa
kapangyarihan, lakas, dangal, at kadakilaan (Deuteronomio 33:17; Bilang 23:22). Sa kabilang
banda, ang numero 7 sa Biblia ay simbolo ng kasakdalan. Kung kaya ang larawan ng pitong
sungay ay kumakatawan sa perpektong kapangyarihan (omnipotence o walang hanggang
kapangyarihan). Para sa bahagi nito, ang larawan ng pitong mata ay tumutukoy sa perpektong
kaalaman (omniscience o walang hanggang karunungan).
Purihin ang pangalan ng ating Panginoon! Ang ating superhero na kayang gawin lahat at
alam ang lahat! Ang kanyang kapangyarihan at kaalaman ay sakdal at perpekto! Sa kanya ay
walang kahinaan o pagkalupig! Siya ay walang hangganan at makapangyarihan sa lahat!
Sa katapusan, sinasabi sa atin ng Pahayag na ang ating superhero ay makapangyarihan
upang makapagligtas. Sinasabi sa Pahayag kabanata 5, talatang 9 at 10 patungkol sa cordero:

“Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat,


at magbukas ng mga tatak nito:
sapagka't ikaw ay pinatay,
at binili mo sa Dios ng iyong dugo
ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios;
at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.”

Si Hesus ay nagsakripisyo para sa iyo at sa akin, at dahil sa kanyang sakripisyo tayo ay


nakalaya mula sa kabayaran ng kasalanan at sa kaparusahan ng walang hanggang kamatayan
(Roma 8:1). Ang ating superheyo ay ang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng
mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa
pamamagitan ng kaniyang dugo; At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at
Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man (Pahayag
1:5-6).

Katapusan
Kailangan ni John Franco ng superhero na magliligtas sa kanya. Nawalan siya ng mga
magulang sa kanyang pagkabata; dahil sa trahedyang ito ay kinailangan niyang tumira sa
kanyang mga lolo’t lola, ngunit sa edad na 17 ay umalis siya sa kanilang tirahan at naglakbay
papuntang Brooklyn County sa New York.
Habang siya ay naroon, siya ay naging miyembro ng isang gang at sa edad na 20 taong
gulang pa lamang ay nahatulan siya ng dalawang taong pagkakabilanggo dahil sa armadong
pagnanakaw. Habang siya ay nasa kulungan ay nakaranas siya ng matinding depresyon.
Sa edad na 22 ay nakatanggap siya ng paglayang may pasubali, ngunit ang paggamit ng
droga, alak, at ang kanyang palagiang pagbalik sa masalimuot na landas ng depresyon ay
humantong sa kanyang pagkakapasok sa isang pagamutan at pangkaisipan na sentrong
pangkalusugan (mental health center). Nang siya ay nakaalis dito, wala siyang ibang
mapuntahan kung kayat siya ay naging palaboy sa New York.
Siya ay palagiang makikita na nakahiga sa lansangan, biktima ng paginom ng gamot na
sobra sa nararapat. Si Juan ay lubhang nangangailangan ng isang tao na tutulong sa kanya upang
makaahon sa malalim na hukay na kanyang kinalalagyan! Kailangan niya ang tulong ng isang
superhero upang mapanagumpayan niya ang kanyang pagkagumon at pagkakalulong!
Isang araw habang siya ay naglalakad sa kalsada ay nakakita siya ng isang polyeto na
nagaanunsyo ng pagsisimula ng isang linggong lecturang pang-ebanghelyo na pinamagatang
“Ang mga Rebelasyon ng Apokalipto (Revelations of the Apocalypse).” Nakita niya kung saan
ito gaganapin at siya ay nagpasyang dumalo.
Pagdating niya sa bahay sambahan ay narinig niya ang tagapagsalita na nagsabi na si
Hesus ang bukodtanging may kapangyarihan na makapagbigay ng kalayaan at bago pa man
matapos ang tagapagsalita sa kanyang mensahe ay napuno na ng luha ang mukha ni John. Sa
oras din na iyon ay hiniling niya sa Panginoon na gumawa ng milagro sa kanyang buhay.
Sa makapangyarihang kaparaanan ay gumawa ang Panginoon ng landas patungo sa
kanyang puso! Si Hesus, ang banal na superhero, ay dumating sa kanyang saklolo at binigyan
siya ng lakas upang harapin ang lahat ng kanyang pagkagumon! Ngayon, si John Franco
ay isa nang kabataang malaya sa pagkagumon at isang aktibong kaanib ng Iglesia Adventista del
Septimo Dia.
Mga minamahal kong kabataang ginoo at binibini, si Hesus ay ang tunay na superhero ng
buong kasaysayan. Kung kaya sa araw na ito ay nais kong ipaabot sa inyo ang paanyaya na
tanggapin Siya sa inyong mga buhay.

Kung pakiramdam mo ikaw ay nawawala, Si Hesus, ang iyong superhero, ay ang


iyong tagapagligtas!
Kung ikaw ay nanghihina, Si Hesus, ang iyong superhero, ay makapangyarihan sa
lahat!
Kung ikaw ay nalilito at hindi alam kung saan ka tutungo, Si Hesus, ang iyong
superhero, ay alam ang lahat ng bagay!
Kung pakiramdam mo ikaw ay nagapi at walang pag-asa, Si Hesus, ang iyong
superhero, ay ang Dios na manlilikha!
Halika! Halika! Isuko mo ang iyong buhay sa tunay na superhero ng kasaysayan: Si
Hesukristo!

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pag-aaral


1. Sino ang sumulat ng aklat ng Pahayag?
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Pahayag”?
3. Ilang mga pangalan ang ginamit ni Juan sa Pahayag?
4. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng cordero ng “pitong sungay” at “pitong
mata”?
5. Ayon sa Pahayag 1:5-6, ano ang nagawa ng ating superhero para sa bawat isa sa atin?
Sermon 3
Ang Tunay na “Star Wars”
(Pahayag 12:7-8)

Panimula
“A long time ago in a galaxy very far away (Noon unang panahon sa napakalayong
kalawakan)…” Pamilyar ba ito sa iyo? Ganito nagsisimula ang Star Wars, isa sa
pinakamatagumpay na serye ng mga pelikula sa kasaysayan. Ang lumikha nito ay si George
Lucas, na sa dekada sitenta ay naipalabas ang pinakauna sa siyam na serye ng pelikula na
nakapukaw sa atensiyon ng milyon-milyong tao.
Ang kwento ng Star Wars ay maaaring ibuod ng ganito: sa isang malayong kalawakan
isang matagal at madugong pagtutunggali ang naganap sa pagitan ng mga Jedi, na nagtataguyod
ng kaayusan at katarungan sa Republika ng Galactic, at si Luke Skywalker ang pinakasikat dito
sa lahat. Ang mga Sith naman, isang grupo ng mga nilalang na gumagamit ng pwersa ng
kadiliman sa kagustuhan nilang maagaw ang pamumuno sa kalawakan, sa pamumuno ni Darth
Vader, isang matalinong kabataang kabalyero na nagpalit ng kanyang tungkulin bilang
tagapagtanggol ng katarungan at katotohanan upang maitatag ang kanyang mabagsik na
imperyong pangkalawakan; mula sa kanyang himpilan sa Death Star ay binabalak ni Darth
Vader na puksain ang lahat ng kabutihan sa buong sansinukob, ngunit ang mga mababait na
pwersa ay nagagawang puksain ang kanilang mga plano, kung kayat muling nanunumbalik ang
kapayapaan sa daigdig sa pananagumpay ng kabutihan sa kasamaan.
Milyon-milyong mga tao ang nabighani sa kwentong ito! Bagama’t ang iskrip ng
nasabing pelikula ay kagila-gilalas, alam natin na ang Star Wars na ito ay umiiral lamang sa
matingkad na imahinasyon ni George Lucas.
Ngayon, paano kung sabihin ko sa inyo na meron talagang tunay na Star Wars,
maninwala ba kayo sa akin? Ilang libong taon ang nakaraan bago pa man nalikha ni George
Lucas ang Star Wars, si Juan, ang “minamahal na disipulo” at ang manunulat ng Pahayag ay
sumulat na tungkol sa tunay na Star Wars. Sa digmaan na ito ay nakasalalay ang kaligtasan ng
bawat tao.
Ang tunay na Star Wars na ito ay kilala bilang “Ang Tunggalian ng mga Kapanahunan o
Ang Dakilang Tunggalian.” Ipinapakita ng Pahayag na punong-puno ng kulay at may kasamang
special effects ang tunggalian na ito:

At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay


nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay
nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang
dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang
tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y
inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
(Pahayag 12:7-9).

Kung kaya ating pagaralan ang tunay na Star Wars na ito. Upang magawa natin ito ay
hahatiin natin ang ating pagaaral sa tatlong bahagi: Una: ipapakilala natin ang mga pangunahing
tauhan nito. Ikalawa: papasyalan at tutunghayan natin ang ibat-ibang kabanata nito. Ikatlo:
isasaalang-alang natin ang kalalabasan nito.
Pagsulong

I. Una, pagaralan natin kung sino ang mga pangunahing tauhan sa tunay na Star Wars.
Ang mga pangunahing tauhan sa Star Wars na ito ay sina Miguel at ang Dragon. Sino
nga ba sila? Ano ang mga ginagampanan nilang papel? Umpisahan nating kilalanin si Miguel.
Ang tauhan na ito ay lumabas ng mga 5 beses sa Biblia. Sa Daniel, kabanata 10:12-13;21,
makikita natin siyang nakikipaglaban para sa mga propeta. Sa Jude 1:9 ay makikita natin siyang
nakikipagtalo kay Satanas tungkol sa katawan ni Moises. Gayundin, ang Daniel 12:1 ay
nagsasabi na sa huling kapanahunan ay babangon si Miguel upang iligtas ang mga hinirang ng
Dios.
May dalawang susi na magbibigay daan upang makilala natin si Miguel; ang una: ang
pangalan niya ay nagmula sa wikang Hebreo na Mikha’el, na ang ibis sabihin ay “Sino ang
kagaya ng Dios?” Ang ikalawang susi: ayon sa Jude 1:0, Si Miguel ay isang “arkanghel” at,
ayon sa Daniel, ang “pinuno ng mga prinsipe” (Daniel 10:13, 21). Sa pamamagitan ng dalawang
susi na ito ay makakarating tayo sa konklusyon na si Miguel ay si Hesukristo. Si Hesus ay
katumbas ng Dios (Juan 1:1-3) at tinatawag na arkanghel (1 Tesalonica 4:16).
Sa pagiging malinaw kung sino si Miguel, kilalanin naman natin ang Dragon. Sinasabi
ng Pahayag 12:9 na ang Dragon ay “ang matandang ahas, ang tinatawag na diablo at Satanas.”
Pansinin na ang Dragon ay si Satanas, ang mortal na kaaway ng Dios.
Sa kabilang banda, sa tuwing inilalahad ko ang paksang ito ay mayroon laging isang
katanungan na lumalabas: Sino ang lumikha kay Satanas? Ano ang kanyang pinagmulan? Ang
Isaias 14:12-14 at Ezekiel 28:11-19 ay nagpapakita na ang Dios ang maylikha sa isang
perpektong nilalang na nagngangalang Lucifer, ang pangalang nangangahulugang”ang
Tagapagdala ng Liwanag.” Siya ay “iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at
sakdal sa kagandahan” (Ezekial 28:12), ngunit isang araw ay inalis niya ang kanyang paningin sa
Panginoon at tiningnan niya ang kanyang sarili; ang resulta nito ay siya ay napuno ng
“kasamaan” at “kasalanan” (Ezekiel 28:16).
Ang nilalang na ito na dating tagapagdala ng liwanag ay naging si Satanas ng dahil sa
kanyang sariling kagustuhan, naging kalaban ng Dios, at ang siyang may-akda ng kasamaan.
Ating napagtibay na si Hesus, ang prinsipe ng buhay, at si Satanas, ang nagpasimula ng
kasalanan, ay ang mga pangunahing tauhan sa tunay na Star Wars.

II. Ikalawa, ating tingnan ang iba’t-ibang kabanata ng tunay na Star Wars.
Ang unang kabanata ay naganap sa langit mismo at ito ay tinatawag nating ang
paghihimagsik. Sinasabi ng Pahayag 12:7 na may malaking digmaan sa langit. Ngayon,
mahalagang maunawaan natin na ang digmaang ito ay hindi isang pisikal na digmaan. Ang
salitang “digmaan”, na ginamit ni Juan, ay nagmula sa katagang Griego na polemos, na kung
saan nagmula ang tanyag na salitang polemic (balitaktakan). Ang digmaan na ito ay nagsimula
bilang digmaan ng mga palapalagay at mga argumento. Si Satanas, na siyang ama ng
kasinungalingan, ay sinikap sa abot ng kanyang makakaya na dungisan ang pagkatao ng Dios;
ang kanyang layunin ay ang umangat at maagaw ang lugar ng Dios (Isaias 14:12-14). Sinabi ni
Satanas na ang Dios ay malupit at ang nais lang nito ay panatilihing nakasasakop sa kanyang
mga nilalang. Ang sikat na manunulat na si Ellen White, sa kanyang komento sa unang kabanata
na ito ay sumulat:
Si Lucifer, ang nagtatakip na kerubin, ay ninais na manguna sa langit. Hinangad
niyang makuha ang pamumuno sa mga makalangit na mga nilalang, ang hilahin
sila palayo sa kanilang Tagapaglikha, at upang makuha ang kanilang
pagpupugay patungo sa kanyang sarili. Samakatuwid, nagsinungaling siya
tungkol sa Dios, iniugnay niya dito ang kanyang sariling kasustuhan na
pagdakila sa sarili. Gamit ang kanyang masamang katangian, ipinuhunan niya
ang mapagmahal na Tagapaglikha. Kung kaya nga nalinlang niya ang mga
anghel.1

Sa unang kabanata, si Satanas ay nalupig at pinatalsik mula sa langit kasama ang isang-
katlo ng mga anghel na piniling sumama sa kanya. Si Miguel ang nagwagi!
Ang ikalawang kabanata ay ang pagsalakay. Ano ang nangyari matapos ang
pagpapatalsik kay Satanas? Ginawa ng Dios ang kahanga-hangang paglikha. Genesis, kabanata
1, ang sabi dito ay nilikha ng Panginoon ang lahat ng bagay sa loob ng anim na araw at są ika-
anim na araw ay ginawa niya ang paglikha sa tao: “At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang
sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.”
(Genesis 1:27).
Inilagay ng Dios ang ating mga unang magulang sa paraiso na kilala bilang Eden at
binigyan sila ng kautusan na nagsasabing, “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay
makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay
huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang
mamamatay ka." (Genesis 2:16,17).
At iyon na nga ang panahon na sinalakay ni Satanas ang kapayapaan sa Eden.

“Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha
ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag
kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa
ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:
Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng
Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y
mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:
Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga
ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng
mabuti at masama.” (Genesis 3:1-5).

Nakalulungkot na ang ating mga unang magulang ay sinuway ang Panginoon at ang
bunga ay naging alipin sila ni Satanas. Marahil ay iniisip mo: Bakit hinayaan ng Dios na
mangyari ang pagsubok na ito? Bakit hindi niya pinanatiling malayo si Satanas kina Adan at
Eba? Makabubuti sa ating unawain na ang Dios ay Dios ng kalayaan. Hindi lamang siya
lumikha ng mga robot na kanyang kokontrolin mula sa malayo. Sina Adan at Eba ay may
malayang kalooban; sila ay maaaring mamili kung susundin ba ang Dios o susuwayin Siya: Ang
nakakalungkot, pinili nila ang landas ng pagsuway.
Ang ikatlong kabanata ng tunay na Star Wars ay pananakop. Akala ni Satanas ay
nawasak na niya ang mga layunin ng Dios; Gayunpaman, bago ang pagkakatatag ng mundo ay
may naidisenyo nang plano ng pananakop (Pahayag 13:8). Matapos ang pagkahulog, ipinangako
ng Dios ang isang tagapagligtas na siyang tatapos sa paghahari ng kasamaan. “At papagaalitin
ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at
ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” (Genesis 3:15).
Ang tagapagpalaya na ito ay walang iba kundi si Miguel. Ang ating Panginoong Hesus
ay siyang hahalili sa nagkasalang tao at haharapin si Satanas at ang kanyang mga demonyong
hukbo. At nagkaganun nga! Si Miguel, ang dakilang prinsipe na nagkatawang-tao (Mateo 1:18)
na sa kanyang kamatayan ay nagbayad ng halagang katubusan (Epeso 1:7), ngunit hindi nanatili
sa libingan, kundi sa ikatlong araw ay bumangon muli at sinakop ang imperyo ng kamatayan
(Hebreo 2:14).
Sa kanyang kapanganakan, buhay, kamatayan, at pagkabuhay na muli, si Hesus ang
siyang naputungang nanagumpay sa tunay na Star Wars. Salamat sa kanyang pananagumpay at
ang buong sansinukob ay nanagumpay laban kay Satanas: “Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at
ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo:
sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y
nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.” (Pahayag 12:10).

III. Salamat sa pananagumpay na nakamit ni Hesus alam na natin kung ano ang kahihinatnan ng
tunay na Star Wars

Walang duda na ang emperyo ng kasamaan ay mawawasak magpasawalang hanggan!


Sinasabi sa Pahayag 20:10 na ang diablo ay “ibubulid sa dagat-dagatang apoy at asupre.” Ang
kanyang pagkawasak ay magiging katapusan!
Si Ellen White, sa mga salitang patula, ay inilahad ang magiging katapusan ng tunay na
Star Wars:
Ang matinding tunggalian ay natapos na. Ang kasalanan at ang mga
makasalanan ay wala na. Ang buong sansinukob ay malinis. Ang pinag-isang
pintig ng pagkakaisa at kagalakan ay umaalingawngaw sa kalawakan ng mga
nilikha. Mula sa Kaniya na maylikha ng lahat, dumadaloy ang buhay, liwanag,
at kagalakan, sa lahat ng sulok at dako ng hindi masaklaw na kalawakan. Mula
sa pinakamaliit na atom hanggang sa pinakamalaki at pinakadakilang mundo,
lahat ng bagay, may buhay at walang buhay, sa kanilang hindi makulimlimang
kagandahan at lubos na kaligayahan, ay nagpapahayag na ang Dios ay
pagibig!2

Katapusan
Ano ang pinakamahalagang katotohanan ng tunay na Star Wars? Si Hesus ay ang
dakilang mananagumpay! Ang kanyang pananakop ay mas higit pa sa mga kathang-isip na
pananagumpay ng mga Jedi o ni Skywalker! Ang kanyang pananagumpay sa Krus ay tunay at
kamangha-mangha, at lahat ng naniniwala sa kanya ay natatamasa ang pananagumpay na ito sa
kasalukuyan at mararanasan ang kanyang maluwalhating katotohanan magpasawalang hanggan.
Lumabas si Jennifer kasama ang ilang kaibigan upang maglakad-lakad sa palibot ng
lungsod. Ang hapon na iyon ay puno ng kasiyahan. Nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan
habang ang isa sa kanila ay mapayapang nagmaneho sa isang bakanteng kalye; kagyat na sa
ilang segundo lamang ay nabago ang lahat. Isang nagmamaneho ang nawala są kanyang linya at
sumalpok są sasakyan kung saan naroroon si Jennifer. Malakas ang naging pagtama na
ikinamatay ng lahat ng sakay nito maliban sa kanya.
Siya ay agad na dinala sa emergency room; Ayon sa mga doktor ay mayroon na lamang
kaunting oras na nalalabi sa kanyang buhay, kaya tinawagan ng kanyang mga magulang ang
kanilang pastor at sila ay magkakasamang nagmakaawa para sa isang himala. Tanging himala na
lamang ang makapagliligtas sa kanya mula sa kamatayan at ito nga ay nangyari! Si Jennifer ay
nagawang makalabas sa intensive care! Ang kanyang pisikal at emosyonal na paggaling at
panunumbalik sa dati ay natagalan, ngunit makalipas ang ilang taon, bilang pagpapatotoo ay
nasabi niyang: Si Hesus ang nagbigay sa akin ng pananagumpay!
Minamahal kong kabataan, Si Hesukristo ang makapagbibigay sa iyo ng pananagumpay.
Sa tunay na Star Wars, ikaw din ay makapagsasabi na, “tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay
sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.” (Roma 8:37).

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaral


1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa tunay na Star Wars?
2. Sino si Miguel at ano ang kanyang ginagawa para sa mga hinirang ng Dios?
3. Tungkol saan umikot ang digmaan sa langit?
4. Ano ang pangakong binitawan ng Dios sa ating mga unang magulang?
5. Ano ang kahihinatnan ng tunay na Star Wars?
Sermon 4
Beauty and the Beast (Ang Kagandahan at ang Halimaw): Ang Tunay na Kwento
(Pahayag 12:17)

Panimula
Ang sikat na kwentong pambata na Beauty and the Beast ay nagpapakita ng isang hindi
kapani-paniwalang kwento ng isang prinsipe, na nang dahil sa isang sumpa, ay naging isang
halimaw. Ang tanging makakapawalang-bisa sa kanyang sumpa ay kung may isang tao na
magmamahal sa kanya sa kanyang katauhan; ito nga ay nangyari nang may isang kagiliw-giliw
na taga-baryo ang pumunta sa kanyang palasyo upang hanapin ang kanyang nawawalang ama.
Natapos ang kwento nang naputol ang sumpa at ang mga kabataan na ito ay nagpakasal at naging
maligaya, gaya ng kung paano pangkaraniwang nagwawakas ang mga kwento.
Ang Pahayag ay naglalahad sa atin ng isang nakamamanghang kwento: ang tunay na
kwento ng Beauty and the Beast (Ang Kagandahan at ang Halimaw). Sa kwentong ito, ang
original na halimaw ay hindi nagkaganon dahil sa isang sumpa, kundi ito ay resulta ng paglabag
sa Dios; hindi din siya umibig sa bida kundi hinabol nya ito para sa pansariling layunin. Masaya
ang naging katapusan nito ngunit hindi dahil may kasalan na naganap, kundi dahil nanagumpay
ang kagandahan sa halimaw.

Pagsulong
Samahan ninyo ako sa Pahayag kabanata 12 at ating basahin ang unang tatlong talata:

At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng


araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay
may isang putong na labingdalawang bituin; At siya'y nagdadalang tao; at siya'y
sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak. At
ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong
mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may
pitong diadema.

Sa Pahayag, kabanata 12, dalawang simbolo ang nangibabaw: ang babae at ang dragon.
Kawili-wiling tingnan na parehong ang babae at ang dragon ay nabanggit ng walong beses sa
kabuuan ng kabanata. Natatandaan nyo ba kung sino ang dragon? Sa ating nakaraang mga
mensahe ay nakilala natin siya bilang si Satanas, ang matandang ahas (Pahayag 12:9).
Ngayon, nais kong maunawaan ninyo na si Satanas ay gumagawa sa pamamagitan ng
paggamit ng mga gadyet. Kung kaya, ang dragon ay sumisimbolo rin sa mga kapangyarihan na
sumasalungat sa gawain ng Dios at nakikipagdigmaan laban sa kanya. Pero ano ba ang
sinisimbolo ng babae?
Bago natin sagutin ang katanungan na ito, hayaan niyong ipakita ko muna ng mabilisan
sa inyo ang isang simpleng tuntunin sa interpretasyon at pagpapakahulugan sa Biblia na
makakatulong sa ating maunawaan ang aklat ng Pahayag. Handa na ba kayo? Ang sabi sa
tuntunin na ito: Ang Biblia ay ang sarili niyang tagapagsalin o tagapagpaunawa.
Upang maisalin at maunawaan ang Biblia ang tangi mong kailangan ay ang Biblia din,
upang maipaliwanag nito ang kanyang sarili! Katulad din ng sa pagunawa ng makahulugang
mga simbolo, ang tanging kailangan nilang gawin ay saliksikin ang Biblia. Sa ganitong kaisipan
ay hayaan ninyong kayo ay aking anyayahan na basahin ang ilang talata na magpapaliwanag sa
simbolo ng babae o ng kababaihan:

Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawang babae, gaya naman ni Cristo na
umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang
pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita
(Epeso 5:25-26).
Sapagka't ako'y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't
kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na tulad sa
dalagang malinis. (2 Corinto 11:2).

Ang dalisay na babae, kagaya ng matatagpuan sa Pahayag 12, ay kumakatawan sa bayan


ng Dios o sa tunay na iglesia. Kung kaya, ang ating makikitang pangyayari sa kabanatang ito ay
ang pakikipagdigma ni Satanas laban sa bayan ng Dios o sa iglesia.
Ang iglesia? Sinasabi ba sa Pahayag ang tungkol sa Tunay na Iglesia? Tama, mga
minamahal na kabataan, at sa tingin ko ay napakahalaga na sumandali tayong tumigil dito upang
pagaralan ang paksa ng iglesia, sa paraan na kung paano ito ipinakita sa Biblia lalo na są aklat ng
Pahayag.
Kapag pinagusapan natin ang tungkol sa iglesia, ang unang dapat nating itanong sa ating
mga sarili ay: Mayroon bang iglesia ang Dios dito sa lupa? Ang sagot sa katanungan na ito ay
matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo, kabanata 16, talatang 17 at 18:

At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas:


sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama
na nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng
batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi
magsisipanaig laban sa kaniya.

Napansin niyo ba? Ang Dios ay may iglesia at tinatawag niya itong aking iglesia, ngunit
sa mundo ngayon ay mayroong higit sa 30,000 na Kristiyanong denominasyon at lahat sila ay
inaangkin na sila ang “iglesia ng Dios.” Paano nga ba natin malalaman kung alin nga ang tunay?
Ang Pahayag 12 ay nagpapakita ng hindi bababa sa limang mga katangian upang maging
posible na makilala natin ang tunay na iglesia. Nasusundan niyo ba ako? Magkakahiwalay
nating suriin ang bawat isa sa katangian ng mga ito.

Katangian #1: Ang Tunay na Iglesia ay Naniniwala sa Ebanghelyo


Ipinapakita sa pagkakasulat sa Pahayag 12:1 ang babae na “nadadamitan ng araw.” Ano
ang ibig sabihin nito? Natatandaan niyo ba ang tuntunin sa pagpapakahulugan sa Biblia? Ang
Biblia ang siyang sarili niyang tagapagpaliwanag! Magkasama nating basahin ang Malachi 4:2:
“Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may
kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya
mula sa silungan.”
Ang tunay na iglesia ay tinatanggap na ang kaligtasan ay tangi at eksklusibong sa
pamamagitan ng biyaya (Efeso 2:5-8). Ito rin ay naniniwala na ang kapatawaran ay nakakamit
ng hindi dahil sa mabuting gawa, kundi dahil sa pananampalataya. “Yaman nga na mga
inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng
ating Panginoong Jesucristo” (Roma 5:1)

Katangian #2: Ang tunay na iglesia ay ikinabubuhay ang pagasa ng ikalawang pagdating
Ang Pahayag 12:2 ay nagpapakita sa babae na dumaranas ng “sakit sa panganganak” at
ang “paghihirap sa panganganak.” Gayundin naman, sa Mateo 24:8 ay pinupukaw ang parehong
imahe ng “sakit ng panganganak” upang ipabatid ang mga tanda na nagpapahayag ng nalalapit
na pagbabalik ni KristoHesus; na ang mga sakit na nararanasan sa panganganak ay nagpapakita
ng nalalapit na paglabas ng bata. Sa ibang salita, ang tunay na iglesia ay namumuhay ng may
pananabik na paghihintay sa ating Tagapagligtas.

Katangian #3: Ang tunay na iglesia ay sumusunod sa mga kautusan ng Dios


Ayon sa Pahayag 12:17 ang supling ng Babae ay nailalarawan sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga kautusan ng Dios. Ang tunay na iglesia ay sumusunod sa Kautusan ng Dios!
Ngunit sa aling kautusan? Sa Sampung Utos na nasusulat sa Exodo 20, talatang 1-17.

1. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.


2. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang
anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong
Dios, ay Dios na mapanibughuin…
3. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan;
sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan
sa walang kabuluhan.
4. Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at
iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa
Panginoon mong Dios.
5. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa
ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
6. Huwag kang papatay.
7. Huwag kang mangangalunya.
8. Huwag kang magnanakaw.
9. Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.
10. Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng
iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang
kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Katangian #4: Ang tunay na iglesia ay naniniwala sa ispirituwal na mga kaloob, lalo na są
kaloob ng propesiya.
Sa parehong talatang 17 ng Pahayag kabanata 12 ay sinabi sa atin na ang tunay na
iglesiya ay mayroong “patotoo ni Hesus.” Karagdagan pa rito, sa Pahayag 19:10 and patotoo ni
Hesus ay ang “espiritu ng propesiya” o ang “kaloob ng propesiya.”

Katangian #5: Ang tunay na iglesia ay ang nanagumpay na iglesia


Ang babae sa Pahayag 12 ay mayroong “korona na may 12 bituin” (Pahayag 12:1) at ang
korona sa Biblia ay sagisag ng pananagumpay (Pahayag 2:10; 2 Timoteo 4:8).
Minamahal na mga kabataang lalaki at kabataang babae, ang Simbahang Adventista del
Septimo Dia ay nagtataglay ng mga katangian ng pagkakakilanlan ng tunay na bayan ng Dios:

Bilang iglesia ay naniniwala tayo na si Hesus ang bukodtanging daan patungo sa


langit at liban sa kanya ay walang kaligtasan.
Ang denominasyon ng “Adventista” ay nagpapatotoo sa pagasa na mayroon tayo sa
muling pagdating ni Hesukristo sa ikalawang pagkakataon.
Ating pinanghahawakan na ang Sampung Utos ay patuloy pa ring ipinatutupad at ito
ang batayan ng Kristianong katangian.
Tayo ay naniniwala sa kaloob ng propesiya at ito ay ipinahayag sa ministeryo ni Mrs.
Ellen White. Ang kanyang mga sulatin ang pinagkukuhanan ng payo, aral, at
pagtatama para sa iglesia, at malinaw na nababanggit dito na ang Biblia ay ang siyang
tanging batayan kung saan lamang dapat suriin ang lahat ng mga aral at karanasan.
Tayo ay nagtitiwala na kay Kristo tayo ay “higit pa sa mananagumpay” at salamat sa
kanyang buhay, pagkamatay, at pagkabuhay na muli na may kasiguruhan ang ating
pananagumpay.

Malinaw na nakasaad sa Pahayag 12:17 na ang dragon ay puno ng poot laban sa iglesia,
na si Satanas ay gagawin ang lahat ng paraan upang mawasak ang bayan ng Dios. Ngunit hindi
tayo dapat mangamba sapagkat si Hesukristo ang tagapagbantay ng iglesia, at kailanman ay hindi
pa siya natalo sa kahit anong laban.

Katapusan
Minamahal na mga kabataan, ang Dios ay may iglesia na naniniwala kay Hesus na
siyang tangi nitong tagapagligtas at namumuhay ng may pagsunod sa kanyang mga prinsipyo.
Kamakailan ay may isang kabataang babae na may kung ilang taon nang naghihirap sa
depresyon at pagkabalisa ang pumunta sa isa sa ating pagtitipon. Napaka-kaunti lamang ng
kanyang kaibigan at lagi na lamang siyang nakakulong są kanyang inuupahang bahay; Hindi siya
naglalalabas maliban na lamang kung papasok siya sa trabaho o pupunta sa pinakamalapit na
tindahan upang bumili ng alak at sigarilyo. Ang kanyang buhay, ayon na rin sa kanyang
pagkakatanda, ay walang kahulugan at walang direksyon; ang pagiisa ang tangi niyang kasama.
Isang araw ay nakatanggap siya, mula sa isa niyang kasamahan sa trabaho, ng isang
paanyaya na dumalo sa isa sa ating mga pagtitipon sa iglesya. Sa simula ay gumawa siya ng
maraming dahilan, ngunit sa tindi ng pangungulit ng kanyang kasamahan ay pumayag siyang
pagbigyan ito na pumasyal sa iglesia ng “isang beses lang, para masubukan.”
Sa wakas ay dumalo siya sa pagpupulong sa araw ng Sabbath at halos buong araw siyang
nakibahagi sa amin. Siya ay masayang kumain ng masarap na tanghalian, at sa hapon ay
lumabas siya kasama ang ilang grupo ng mananampalataya para maghatid ng pagkain sa mga
taong nangangailangan. Sa sarili niyang salita ay kanyang nasabi, “napaka-espesyal ng araw na
iyon”; kailanman ay hindi pa niya naranasan ang ganoong kagiliw na pagtanggap, kung kayat
siya ay bumalık ng sumunod na lingo.
Sa pagkakataong ito ay inanyayahan siya ng mga kabataan sa isang kasiyahan na
pagtitipon sa isa sa kanilang mga tahanan. Handa naman siyang sumama at doon niya napagtanto
na ang mga Kristiano ay nagpapakasaya sa buhay sa mabuti at malusog na pamamaraan na wala
ang alak at droga. Muli niyang nasambit na “Hindi ako makapaniwala sa kung ano ang
nangyayari at nakaramdam ako ng pagtanggap at pagpapahalaga.”
Lingo-lingo ay nakakatanggap sya ng mensahe sa kanyang telepono ng mga
nakakaganyak na mga talaga mula sa Biblia. Isang grupo ng mga kababaihan ang nagsama sa
kanya sa listahan ng kanilang natatanging panalangin; nawalan siya ng oras para makaramdam
na siya ay nag-iisa. Makalipas ang anim na buwan simula ng una niyang pagbisita ay nagpasiya
siyang magpabinyag. Bago ang kanyang bautismo ay ibinahagi niya ang kanyang patotoo at
sinabi niyang ang pagibig na ipinakita sa kanya ng mga bata, kabataan, at nakakatanda ay
nakatulong sa kanya upang mapanagumpayan ang kalungkutan.
Ngayon siya ay lubos nang malaya, iniwan at tinalikuran na niya ang kanyang bisyo ng
sigarilyo at alak, at higit sa lahat, masaya siya sa kanyang natatanging espesyal na relasyon sa
Dios at sa ibang tao.
Kung hindi ka pa kabahagi ng iglesia, inaanyayahan kita na sumali dito są lalong
madaling panahon!

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaral


1. Ano ang kinakatawan ng babae sa Pahayag 12?
2. Ano ang pangunahing tuntunin na dapat nating isaalang-alang pag nagaaral ng
Biblia?
3. Talakayin ang limang katangian ng iglesia ayon sa Pahayag 12.
4. Bakit tayo naniniwala na ang Iglesia Adventista del Septimo dia ay nagtataglay ng
mga katangian ng tunay na bayan ng Dios?
5. Ano ang pangunahing dahilan na pinaniniwalaan natin na mananagumpay ang
iglesia?
Sermon 5
Ang Tama at Maling Pagsamba
(Pahayag 13:1-18)

Panimula
Minamahal na mga kabataan, ang mensahe na ating paguusapan ay tumatalakay sa
pinakapuso ng aklat ng Pahayag. Ayon sa mga iskolar, ang kabanata 13 ay ang sentro ng buong
aklat. Ngayon, ano ba ang matatagpuan natin sa kabanatang ito? Bakit ba ito napaka halaga?
Anong mga aral ang meron dito para sa atin ngayon? Hindi na natin paiikot-ikutin pa, ating
pagaralan kung ano ang meron są pahayag kabanata 13 para sa atin.

Pagsulong
Sa Pahayag ay may ipinakikilalang tatlong kapangyarihan ng kasamaan: ang dragon, ang
hayop, at ang bulaang propeta (Pahayag 16:13). Marahil ay nagtataka kayo…sino nga ba sila?
Makikita ninyo kung gaano kadali lang tong malaman. Ipinapakilala ng Pahayag 12 at 13 ang
tatlong kapangyarihan ng kasamaan. Nakita na natin na ang kabanata 12 ay nakasaad ang
tungkol sa dragon (Pahayag 12:7-9), habang ang kabanata 13 naman ay tungkol sa “hayop” na
aahon mula sa dagat (Pahayag 13:1-10), at may isa pa ay na aahon mula sa lupa (Pahayag 13:11-
18). Ang tatlong kapangyarihan na ito ang bumubuo sa huwad na trinidad na kilala bilang ang
dragon, ang hayop, at ang bulaang propeta.
Atin nang nakilala na ang dragon ay si Satanas, ngunit…Ano ang sumasagisag sa
dalawang hayop na matatagpuan sa Pahayag 13?

Ang Unang Hayop (Pahayag 12:1-10)


Umpisahan natin sa pagbasa ng Pahayag 13:1 at 2:

At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na


umaahon sa dagat, na may sampung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga
sungay ay may sampung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng
kapusungan. At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang
kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng
leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kapangyarihan, at ang kaniyang
luklukan, at dakilang kapamahalaan.

Isang kakaibang nilalang…ito ay tunay ngang isang kakaibang hayop! Mayroon itong
katawan ng isang leopardo, bibig ng isang leon at mga binti ng isang oso. Ito siguro ay magiging
kawili-wiling materyal para sa isang sciencefiction na pelikula! Ngunit hindi ito isang pelikula,
ito ay tunay na pangyayari!
Ating suriin ang pambihirang hayop na ito. Upang magawa natin ito, kailangan nating
gamitin ang susi ng pagunawa ng biblikal na interpretasyon na ating pinagusapan sa ating huling
mensahe, naaalala nyo ba? Napakasimple lamang nito: hayaan nating ang Biblia ang
magpaliwanag sa kanyang sarili!
Para kilalanin ang kakaibang hayop na ito na aahon mula sa dagat ay mahalagang
mapagaralan natin ang ika-7 kabanata ng Daniel, kung saan ay isinalaysay ang tungkol sa isang
pangitain kung saan ay may apat pang kakaibang mga hayop ang sumulpot mula sa dagat.
Ang Daniel kabanata 7 ay ipinapakita sa atin ang pagsulpot ng apat na iba’t-ibang mga
hayop: ang una ay ang makapangyarihang leon na may dalawang makapangyarihang pakpak ng
agila sa likod nito (Daniel 7:4); ito ay nasundan ng isang oso na mas mataas ang isang bahagi
kaysa sa kabila at may tatlong tadyang sa kanyang bibig (Daniel 7:5). Mayamaya ay nasundan
ito ng pambihirang leopoldo na may apat na ulo at apat na pakpak (Daniel 7:6); sa katapusan ay
isang kakila-kilabot at hindi maipaliwanag na hayop ang umahon mula sa dagat na hindi kayang
ihambing ng propeta sa kahit ano pa mang nilalang, sapagkat meron itong bakal na ngipin at mga
kuko; bukod pa dito ay may sampung sungay ito sa kanyang noo (Daniel 7:7).
Nang makaron ng ganitong pangitain ang propeta, siya ay naguluhan kagaya rin na kung
paano kayo ay naguguluhan ngayon; Ngunit kalaunan ay ipinaliwanag sa kanya ng Dios ang
ibig-sabihin ng mga kataka-takang mga hayop na ito. Tingnan natin kung paano palilinawin ng
dalawang talata na ito ang lahat para sa atin:

Daniel 7:17: Ang apat na malalaking hayop ay ang apat na hari na mamamayagpag
sa lupa.
Daniel 7:23: Ang ikaapat na hayop ay ang ikaapat na kaharian na lilitaw sa lupa.

Ano ba ang kinakatawan ng isang hayop sa propesiya? Ito ay kumakatawan sa lakas


pang-politikal! Kung kaya, kapag sinabi sa atin ng Daniel at Pahayag ang tungkol sa hayop,
tinutukoy nila ang mga lakas pang-politikal. Hindi na ito nakakagulat, dahil maging sa
kapanahunan ngayon ay ginagamit ang mga hayop upang kumatawan sa mga pangkat ng
politika. Halimbawa, sa Estados Unidos ay ginamit ang asno upang kumatawan sa Partidong
Demokratiko at ang elepante naman ang kumakatawan sa Partidong Pangrepublika.
Mahalagang idagdag na ang simbolo ng “hayop” ay hindi lamang kumakatawan sa lakas
pang-politika, kundi ganun din sa lakas na mag-aalsa laban sa bayan ng Dios. Kung kaya ang
Biblia ay ipinapakilala ang apat na hayop ng Daniel 7 kasama ang apat na magigiting na kaharian
sa kasaysayan: ang Babylon, Medo-Persia, Grecia, at Roma.
Gamit ang paglilinaw na ito, tayo ngayon ay bumalik sa Pahayag 13, kung saan makikita
natin ang apat na hayop na binuod bilang isa, na tila ba gustong ipakita na sila ay
pinamamahalaan ng iisang lakas.
Kung kaya…Anong pangunahing katangian mayroon ang hayop sa Pahayag 13?
Tingnan natin:

1. Ito ay isang lapastangan na puwersa


Basahin natin ang Pahayag 13:6: At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan
laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din
naman ang mga nananahan sa langit.
Inilalahad ng Biblia ang dalawang kilos na panlalapastangan: una, ang pag-aangkin na
may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan (Lukas 5:21); at ikalawa, nagpakunwari na
siya ay Dios (Juan 10:33).

2. Iginigiit ang pagsamba


Ang talata 8 ng Pahayag 13 ay nagsasabing: At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay
magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng
Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.
3. Tuligsain ang Bayan ng Dios
Ang hayop na ito ay ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at
pagtagumpayan sila (Pahayag 13:7).

4. Gumawa ng Pagtulad kay Kristo


Ang maingat at masusing pagtingin sa “hayop” na ito ay maipapakita sa atin na ito ang
“antikristo,” ito ang maysa-demonyong kapangyaring pangtao na nagpapanggap bilang si Kristo.
Ngayon ay tingnan natin ang mga sumusunod na paghahambing sa pagitan ni Kristo at ng
hayop:

Kristo Ang hayop


(Gaya ng ipinakita sa Pahayag) (Sa Pahayag 13)

May pitong sungay (5:7) May sampung sungay (13:1)

May putong sa ulo (19:2) May sampung putong sa ulo (13:1)

Siya ay napatay (5:6) Siya ay nakatanggap ng malalim na sugat (13:3)

Siya ay nabuhay na maguli (1:18) Gumaling ang kaniyang sugat (13:3)

Tumatanggap ng kapangyarihan mula sa ama (3:21) Tumatanggap ng kapangyarihan mula sa dragon (13:4)

Siya ay nakaupo sa trono ng ama (3:21) Siya ay nakaupo sa trono ng dragon (13:2, 4)

Siya ay sinasamba ng buong sansinukob (5:13,14) Siya ay sinasamba ng mundo (13:4,8)

Sa madaling salita, ang hayop ng Pahayag 13 na umahon mula sa dagat ay isang pagtulad
kay Kristo. Ginagaya nito ang katauhan at ang pagsinta ni Kristo; ipinapakilala nito ang kanyang
sarili na may kapangyarihan ni Kristo, inaagaw nito ang karapatan at kapangyarihan sa lupa.
Sinasabi niya na siya ay nagpapatawad ng kasalanan at iginigiit ang pagsamba sa kanya.
Bago natin tapusin ang usapang ito, mga minamahal na mga kabataan, hayaan ninyong
tanungin ko kayo ng ilang mga katanungan:

May alam ba kayong kapangyarihan na maliban sa pagiging maka-Dios ay mayroong


ding kapangyarihang politikal sa lupa?
May alam ba kayong lakas na pangrelihiyon na iginagalang at hinahangaan ng mga
hari, presidente, at mga ministro ng estado?
May alam ba kayong kapangyarihan na tinatawag na “Kristiyano” na nanuligsa sa
ibang mga Kristiyano ng nakaraang kapanahunan?

Nais kong inyong mapagtanto ito sa inyong mga sarili. Ang hayop ng Pahayag 13 ay ang
antikristo na naghahangad ng pagsamba sa lahat ng kaparaanan.
Ang Ikalawang Hayop (Pahayag 13:11-18)
Ang ikalawang hayop ng Pahayag 13, ang kumukumpleto sa tatlong puwersa ng
kasamaan, ay ipinapakita bilang isang hayop na umahon mula sa lupa at may dalawang sungay
na kagaya ng sa tupa ngunit kung magsalita ay tila isang dragon (Pahayag 13:11).
Kagaya ng unang hayop, ang pangalawang puwersa na ito ay mayroon ding natatanging
katangian: una, ito ay umahon mula sa lupa; ikawala, mayroon itong dalawang sungay na gaya
ng sa tupa; at ang panghuli, ito ay tila dragon kung magsalita.
Ang ikalawang puwersa na ito ay kailangang tumindig sa isang lugar na walang nakatira
o kung mayroon man ay napakakaunti lamang, at ayon sa Pahayag 17:15, ang tubig sa propesiya
ay kumakatawan sa “katauhan, mga bansa, at mga wika,” kungkaya, ang lupa ay simbolo ng
“maliliit na katauhan.”
Gayundin naman, ang puwersa na ito ay kinakailangang itaas kasama ng mga prinsipyo
ng Kristianismo, sapagkat ito ay “may sungay na gaya ng sa tupa”; ngunit kahit na ito ay
naiangat upang ipagtanggol ang prinsipyong pang kristiyano, ang puwersang ito sa bandang huli
ay makapagsasalita na parang isang dragon. Sa madaling salita, nais nitong tukuyin na ito ay
aalsa laban sa prinsipyo ng mga kristiyano at ng Bayan ng Dios.
Minamahal na mga kabataan, hayaan ninyong tanungin ko ulit kayo ng ilang mga
katanungan:

May alam ba kayong kahit anong makapangyarihang bansa ngayon na sa simula ng


kasaysayan ay isang bansang Kristiyano, isang mag-aaral ng kasulatan, at higit sa
lahat, ay ng malayang pagsamba?
Mayroon bang bansa sa ngayon na may Kristianong pinagmulan, na sa paglipas ng
panahon ay naging makamundong bansa na sumasalungat sa mga prinsipyo at
paniniwala na nakatala sa Salita ng Dios?

Ang Pakay ng Huwad na Trinidad


Minamahal na mga kabataan, ano sa tingin ninyo ang nais mangyari ng huwad na trinidad
na ito na kinabibilangan ng dragon, ng hayop, at ng bulaang propeta? Ang layunin nito ay
maaaring pagbukludin sa isang salita: pagsamba. Nais ng dragon, ng hayop, at ng bulaang
propeta na ikaw ay sumamba sa kanila.
Upang makamit ang layunin na ito, ang huwad na trinidad ay nakatakdang salakayin ang
Sampung Utos, lalo na ang unang apat. Bago tayo magpatuloy, mayroon akong ipapaliwanag na
sa tingin ko ay makakatulong sa inyo upang maunawaan ang puntong ito. Ang Kautusan ng
Dios ay madaling bukludin sa dalawang dakilang kautusan, ayon sa Mateo 22:36-40: una, “ibigin
mo ang Panginoon mong Dios”; ikalawa, “ibigin mo ang iyong kapwa.”
Kung iyong titingnan ang Exodo 20, iyong mapapansin na ang unang apat na kautusan ay
tumutukoy sa pagibig sa Dios, at ang sumunod na anim na kautusan ay tungkol sa pagibig sa
iyong kapwa. Kaya nga:

Kung mahal mo ang Dios


Hindi ka magkakaroon ng ibang dios (Exodus 20:2-3).
Hindi ka gagawa ng ano mang imahe o kawangis na iyong luluhuran at sasambahin
(Exodo 20:4-6).
Hindi mo gagamitin ang pangalan ng Dios sa walang katuturan (Exodo 20:7).
Iyong ipapangilin ang ikapitong araw na siyang Sabbath (Exodo 20:8-11).

Kung mahal mo ang iyong kapwa


Iyong igagalang ang iyong mga magulang (Exodo 20:12).
Hindi ka papatay (Exodo 20:13).
Hindi ka mangangalunya (Exodo 20:14).
Hindi ka magnanakaw (Exodo 20:15).
Hindi ka magbibintang sa iyong kapwa (Exodo 20:16).
Hindi ka mag-iimbot (Exodo 20:17).

Minamahal na mga kabataan, ang kautusan ang susi sa pagiging matapat pagdating ng
katapusang digmaan, kung kaya, samakatuwid, ano ang magagawa ng huwad na trinidad?
Sasalakayin nito ng harapan ang unang apat na utos, na tumutukoy sa pagmamahal na
kinakailangang meron tayo para są Dios!
Iyan na yun! Ang dragon, ang hayop at ang bulaang propeta ay magsasama-samang
gumawa upang manghina ang iyong pagibig sa Dios; ang huwad na trinidad na ito ay
maghahangad ng pagsamba sa anomang kaparaanan, at upang maisakatuparan ito, kailangan
nitong burahin mula sa isipan ng mga bata, kabataan, at nakatatanda ang unang apat na kautusan
na nagsasabi sa atin ng tungkol sa pagibig at pagsamba sa tunay na Dios.

Katapusan
Mga kabataan, ang pagibig at pagsamba sa Panginoon ay ang pinakamahalagang bagay
sa ating buhay. At ako ay naniniwala na ang inyong pagibig sa Panginoon ay masusubok sa
ganitong kapanahunan! Kailangang lagi kayong maging handa, dahil sa takdang panahon ay
haharap kayo sa uri ng pagsubok na kagaya ng hinarap ng tatlong kabataang Hebreo (Daniel 3).
Kayo nga ay kakailanganing mamili sa pagitan ng pagsamba sa tunay na trinidad (Dios Ama,
Anak, at Banal na Espiritu) o sa huwad na trinidad (ang dragon, ang hayop, at ang bulaang
propeta).
Kung kaya, ang pinakamahalagang katanungan na maaaring itanong ay ang katanungan
na minsan nang itinanong ni Hesus kay Pedro: Mahal mo ba ako? (Juan 21:15). Talaga bang
mahal mo ang Panginoon? Inaanyayahan ko kayo na ibigin siya ngayon ng buong puso at buong
isip!

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaaral


1. Ano ang bumubuo sa huwad na trinidad?
2. Ayon sa Daniel 7:17-23, ano ang kumakatawan sa hayop?
3. Itala ang mga katangian ng unang hayop sa Pahayag 13.
4. Bakit tinutuligsa ng huwad na trinidad ang unang apat na utos sa Kautusan ng Dios?
5. Ano ang pinakamahalagang bagay sa buhay?
Sermon 6
Ang Tunay na Tatak ng Dios
(Pahayag 13:16-18)

Panimula
Alam niyo ba kung ano ang tawag ni Martin Luther kay Satanas? Si Luther, na may
magandang sense of humor, ay palagiang tinutukoy si Satanas bilang “unggoy ng Dios.” Alam
niyo ba kung bakit? Dahil si Satanas ay lagi na lamang gustong gayahin ang mga gawa ng
Panginoon! Halimbawa, naghasik ang Dios ng trigo; Si Satanas ay naghahasik ng damo (Mateo
13:24; 27-28). Inaanyayahan ng Dios ang kanyang mga anak na tahakin ang makitid na
tarangkahan at ang makitid na daan; si Satanas naman ay inuudyok ang kaniyang mga tagasunod
na tahakin ang malapad na pintuan at ang malawak na daan (Mateo 5:13-14). Inihahambing ng
Dios ang kanyang iglesia sa isang busilak na babae; Inihahambing ni Satanas ang kanyang mga
tagasunod sa isang maruming babae (Pahayag 12 at 17). Sa katapusan, ang Dios ay may tatak na
siya niyang gagamitin upang tatakan ang kanyang mga anak, habang si Satanas ay may tanda
kung saan ay kinikilala niya ang kanyang mga tagasunod.

Pagsulong
Minamahal na mga kabataan, kung may isang tema sa aklat ng Pahayag na siyang naging
paksa ng hindi pagkakasunduan, ito ay ang tanda ng hayop. Sa katunayan, kung sa kasalukuyan
ay kukuhanin mo ang iyong cellphone at iyong i-google ang katawagan na “the mark of the beast
(ang tanda ng hayop)”, masusumpungan mo ang hindi bababa sa 15 milyon na mga reperensiya o
pagtukoy dito. Talagang literal na imposibleng mabasa ang lahat ng nasa internet tungkol sa
paksang ito!
Ngunit alam niyo ba kung ano ang pinakainteresante at kawili-wili? Ang
pinakainteresante tungkol dito ay ang pagkakaroon ng libo-libong mga interpretasyon kung ano
nga ba talaga ang tanda ng hayop. Ang sabi ng iba ay ito daw ay ang barcode na makikita natin
sa mga produkto na nabibili natin sa mga pamilihan! Ang sinasabi ng iba na ito ay microchip na
ipinapasok sa ilalim ng balat, o iba pang mas sopistikado pa rito!
Kulang ang oras upang maitala ang lahat ng mga naibigay nang mga interpretasyon na
may kinalaman dito; kung kaya naman dahil sa ganitong kadahilanan, napaka-importante na
ating mapag-aralan ang paksang ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng Google, kundi ng Salita ng
Dios.

I. Ang Tatak ng Dios


Mga kaibigan, upang maunawaan natin kung ano ba ang tanda ng hayop, kinakailangan
muna nating matukoy ang tatak ng Dios. Kung ating matutuklasan kung ano ang tatak ng Dios,
magiging madali para sa atin ang malaman kung ano ang tanda ng kaaway, dahil ito ay ang
kabaliktaran nito.
Ang unang diretsong pagtukoy na ginawa sa Pahayag na patungkol sa tatak ng Dios ay
mababasa sa kabanata 7, talatang 1-4:

At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok


ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag umihip ang
hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. At nakita ko ang
ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios
na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na
pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, Na nagsasabi, Huwag
ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy,
hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating
Dios. At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't
apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel.

Kung ating susuriin ng mabuti ang talata, ating matutuklasan ang ilang mahalagang
katotohanan tungkol sa tatak ng Dios.
Unang katotohanan: Ang tatak ng Dios ay nakalagay sa noo ng mga alagad
ng Dios.
Ikalawang katotohanan: Ang mga natatakan ay kinikilala bilang ang
isangdaan at apat na pu’t apat na libo.

Alalahanin ninyo ang tuntunin ng interpretasyon na ating napagusapan dito sa hanay ng


mga mensahe, na hayaan ninyong ulitin ko: hayaan natin ang Biblia na magpaliwanag sa
kanyang sarili. Bilang pagsunod sa tuntunin na ito, nais kong basahin natin ang Pahayag,
kabanata 14, talatang 1: “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng
Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at
pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.”
Sa kabanata 14 ng Pahayag, muli nating matatagpuan ang kaparehong grupo na natatakan
sa kabanata 7; Ngunit, may makikitang pagkakaiba: Habang sa Pahayag 7 ang isang daan at apat
na pu’t apat na libo - ang simbolo ng bayan ng Dios sa huling kapanahunan- ay may tatak ng
Dios sa kanilang mga noo, sa Pahayag 14 ang isangdaan at apat na pu’t apat na libo ay may
pangalan ng tupa at ng Dios na nakasulat sa kanilang mga noo.
Parang may pagkakasalungat, ngunit kung paghahambingin ang dalawang talata na ito sa
Biblia ay magkakaraoon tayo ng ganitong konklusyon: ang tatak ng Dios ay ang pangalan ng
Dios na nakasulat sa noo ng kanyang mga tapat.
Marahil ay napapaisip kayo…Ang mga anak kaya ng Dios ay magkakaroon ng tattoo ng
pangalan ng kanilang Ama sa kanilang mga noo? Una sa lahat, kailangan ninyong maunawaan
na ang Pahayag ay aklat na nakikipagusap sa atin sa pamamagitan ng mga simbolo. Kung ang
Biblia, lalo na ang Pahayag, ay tumutukoy sa pangalan ng Dios, walang ibang pinaguusapan dito
kundi ang katangian ng Dios (Exodo 33:19; 34:6-7).
Kungkaya, sa huli ay ating masasabi na ang tatak ng Dios ay ang katangian ni Hesukristo
na makikita sa buhay ng kanyang mga tapat na tagasunod. Ang tatak ng Dios ay ang repleksyon
ng makalangit ng mga prinsipyo sa iyong buhay at sa aking buhay! Ngunit saan natin
matatagpuang naipapakita ang prinsipyo ng Panginoon sa ating buhay?
Atin nang naipaliwanag na ang Kautusan ang walang hanggang prinsipyo ng Dios. Sa
parehong kaparaanan, napakahalagang tandaan na kapag sinabi sa Lumang Tipan na tatak, ito ay
tumutukoy sa isang partikular na kautusan. Kung babasahin ninyo ang aklat ng Ezekiel, inyong
mapagtatanto kung alin sa Sampung Utos ang direktang tumutukoy sa tatak ng Dios:

Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang
maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na
nagpapaging banal sa kanila. (Ezekiel 20:12).
At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa
inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios. (Ezekiel 20:20).

Naunawaan ba nila ito? Ang Sabbath, ang ikaapat na utos sa Kautusan ng Dios, ay
kinilala bilang tanda. Bakit? Dahil kadalasan ang tanda ay nagsisilbing pagkilala sa isang tao o
sa isang bagay; nilalaman nito ang pangalan, katangian, kapangyarihan, at katauhan ng siyang
nagmamayari ng tatak. Halimbawa, sa tuwing nakikita ninyo ang pangulo sa telebisyon habang
hinaharap ang mga tao, kung inyong titingnang mabuti, mapapansin ninyo na sa harap niya o są
kanyang likuran ay naroon ang sagisag, ang tatak o sagisag ng presidente ng bansa. Ang tatak
ay kumikilala kung sino ang namumuno sa bayan.
Habang ating binabasa ang ikaapat na utos, na nagsasabi sa atin ng tungkol sa pangingilin
ng Sabbath, mapapansin natin na ito ay nagpapakilala sa Dios bilang ganap na pinuno ng
kanyang mga nilikha:

Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. Anim na araw na gagawa ka at


iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa
Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw,
ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong
baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: Sapagka't
sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng
nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang
araw ng sabbath, at pinakabanal. (Exodo 20:8-11).

Ang Sabbath ay ipinapakita sa atin ang Dios bilang maylikha na siyang namumuno sa
langit, sa lupa, sa dagat, at sa lahat ng mga bagay na nakapaloob dito. Ang Sabbath ay ang tatak
na nagtatangi sa mga tapat ng Dios na kumikilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.
Bilang katapusan, ating masasabi na ang tatak ng Dios ay ang karakter ng Dios na makikita sa
mga kumikilala sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan sa buong sansinukob. Sa pamamagitan
ng pangingilin ng Sabbath, ating kinikilala ang Dios bilang ating manlilikha at tagapagtaguyod!

II. Ang Tanda ng Hayop


Bilang ang tatak ng Dios ay ang karakter ng Dios na naipapamalas sa pagsunod sa
kanyang kautusan. Ano ngayon ang tanda ng hayop? Upang malaman ito ay ating basahin ang
Pahayag, kabanata 13, talatang 16-18:

At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya
at ang mga alipin; ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o są
noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang
mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang
pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang
ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay anim
na raan at anim na pu't anim.
Upang maunawaan kung ano ang nilalaman ng tanda ng hayop ay kinakailangan nating
tumigil sumandali upang suriin ang talaga 17. Napapansin natin na ang talatang ito ay nagsasabi
sa atin ng tatlong magkakaibang mga bagay:

Ang sa tatak.
Ang pangalan ng hayop.
Ang bilang ng pangalan nito.

Gayunpaman, kung ating babasahin ang mga talatang ito sa ibang salin ng Biblia,
mapapansin natin ang tatlong magkakaibang bagay na hindi nabanggit dito. Tingnan natin kung
paano isinalin sa New American Standard Bible (NASB) ang talatang ito: “At nang huwag
makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng
pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan…”
Napansin mo ba? Ang tanda, pangalan at bilang ng hayop ay pare-pareho lamang! Ang
tatlong elemento na ito ay magsasabi sa atin ng tungkol sa katangian ng hayop! Samakatuwid,
and tanda ng hayop ay wala nang hihigit pa sa katangian ng hayop o ng antikristo na makikita sa
kanyang mga tagasunod.
Naaalala niyo ba kung paanong ang disposisyon ng Dios ay makikita din sa Kanyang
mga tagasunod? Sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan! Ang pagkilala na siya ang maylikha at
may-ari ng lahat! Ngunit, paano ba nakikita ang karakter ng hayop sa kanyang mga tagasunod?
Simple lamang: Ang pagluluklok ng batas o kautusan ng tao na mas mataas kaysa sa kautusan
ng Dios. Hayaan ninyong mailarawan ko kung paano ito.
Gaya ng nakita natin, ang Dios ang siyang nagtatag ng Sabbath bilang palatandaan ng
kanyang kautusan. Ang Sabbath ay ipinangilin ni Jesus at ng kanyang mga apostol. Walang
talata sa Biblia na magtuturo na ang kabanalan ng Sabbath ay nailipat na sa ibang araw ng
sanlinggo, alam nyo ba kung ano ang ginawa ng karamihan sa iglesyang Kristiano? Tinalikuran
nila ang Sampung Utos at nagtalaga sila ng ibang araw ng pagsamba sa Panginoon.

Ang sabi sa The converts’ catechism of catholic doctrine, p.50:


Tanong: Ano ang Sabbath?
Sagot: Ang Sabado ay ang Sabbath.
Tanong: Bakit natin ipinapangilin ang Lingo sa halip na ang Sabbath?
Sagot: Ipinapangilin natin ang Lingo sa halip na Sabbath dahil ang Iglesia
Catolica ay pinalitan ang kataimtiman ng Sabbath sa Lingo.
Pinalitan nila ang Sabbath sa isang araw na itinalaga ng tao! Gaya ng makikita ninyo,
mga minamahal na kabataan, and mundo ay mahahati sa dalawang grupo: sa isang banda ay ang
mga may katangian at karakter ni Kristo at nabubuhay ng may pagsunod sa kanyang mga utos, at
sa kabilang banda ay yaong mga may katangian ng hayop (ng antikristo). Ang tanong ko sa inyo
ay: Alin sa dalawang grupo na ito ka mabibilang?

Katapusan
Nais ng Dios na ang katangian at karakter ni Hesukristo ang makita sa ating mga buhay.
Nais ng Diyos na sa inyong mga buhay ay makita at mahayag ang bunga ng umiiral na ganap na
pagsunod! Kamakailan ay nalaman ko ang tungkol sa kwento ni Brenda, isang tapat na
kabataang babae na nakapagpasyang mamuhay ng may pagsunod sa Dios na hindi nangangamba
kung ano ang magiging dulot nito. Siya ay nagpaplano sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang
master’s degree kasama ang kanyang mga kaklase, na magaganap sa tatlong buwan. Masaya si
Brenda, may isa na lamang siyang klase na kailangang tapusin, ngunit nang siya ay nagpatala na
sa nasabing klase ay napagtanto niya na ito ay kailangang kunin sa araw ng Sabado; Agad
niyang kinausap ang kanyang guro upang tanungin ito kung maaari ba siyang payagan na
kuhanin ang klase na mailipat ng ibang araw. Binigyan niya ito ng masinsinan at mahigpit na
paliwanag, ngunit tumangging magbigay ng pahintulot ang guro.
Hindi nagawang makapasok ni Brenda sa klase kung kaya kinailangan niyang maghintay
ng isang taon bago siya makapagtapos. Sa araw ng pagtatapos, habang ang kanyang mga
kaklase ay pumipila at lumalakad upang makamit ang kanilang mga digri, si Brenda ay
dumadalo sa isang iglesia upang mangaral. Ngunit alam niyo ba? Habang iniisip ni Brenda ang
kanyang testimonya ay nasabi niya na: “Nung araw na iyon ay marami ang naniwala na ako ay
malulungkot, ngunit ito ay kabaliktaran. Ako ay masaya na ako ay naging tapat sa aking Dios.
Nawala sa akin ang araw ng aking pagtatapos, ngunit natanggap ko naman ang kaligayahan ng
pamumuhay ng may pagsunod.”
Si Brenda ay isang halimbawa kung ano ang ibig sabihin ng pagkilala sa Dios bilang
pinaka-makapangyarihan at may-ari ng lahat; siya ay isang halimbawa ng kung ano ang ibig
sabihin ng pagtanggap ng karakter at katangian ni Hesukristo at mabuhay ng may pagsunod.
Hingin mo sa Dios na iyong maisakabuhay ang katangian ni Kristo at ang ikaw ay mamuhay ng
may ganap na pagsunod!

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaral


1. Bakit tinatawag o tinutukoy ni Martin Luther si Satanas na “Unggoy ng Dios”?
2. Anong mga tanyag na interpretasyon ang mayroon na may kinalaman sa tanda ng
hayop?
3. Ano ang tatak ng Diyos?
4. Bakit ang Sabbath ay nakaugnay sa tatak ng Dios?
5. Ano ang bumubuo sa tanda ng hayop?
Sermon 7
Ang Tunay na Alien Invasion (Pagsalakay ng mga Alien)
(Pahayag 9:11-16)

Panimula
Ilang buwan ang nakakalipas, si Barack Obama, ang dating pangulo ng Estados Unidos
ay nanguna at nag-trend sa social network at sa mga balita dahil sa ilang mga katagang kanyang
binitawan sa programa sa telebisyon na The late show. Lumalabas na ang host pala ng naturang
programa - kilala bilang si James Corden- ay nagtanong sa kanya kung may mga teorya ba siya
tungkol sa pagkakaroon ng mga alien. Sa pabirong paraan ay sumagot ang pangulo ng:

Kung tungkol sa mga alien, may mga ilang bagay na hindi ko maaaring sabihin sa inyo
sa ere. Ngunit ang katotohanan ay nang ako ay simulang nanungkulan, naitanong ko,
oo, ang sabi ko ay, “mayroon bang laboratoryo sa paligid kung saan natin itinatago ang
mga specimen ng alien at ang mga sasakyang pangkalawakan?” At alam mo, sila ay
bahagyang nagsaliksik, at ang kasagutan ay wala.

Subalit, sa isa pang programa ay tinanong din ang dating pangulo ng parehong tema at, sa
mas seryosong tono, sinagot niya na may mga imbestigasyon nang ginawa dito at, kung totoo,
maraming mga bagay ang mababago; idinagdag pa niya na “may mga bagong relihiyon na
magsisisulpot.”
Hindi na nakakagulat na ang mga katagang ito na nasambit ng isa sa mga pinakama-
impluwensiyang pinuno ng mga nakaraang taon ay nagudyok at nagdulot ng maraming mga
haka-haka at conspiracy theory na tayo ay nahaharap sa pagsalakay ng mga alien. Maraming
mga tao ang nagsimulang magisip na di magtatagal ay sasakupin tayo ng mga sinasabing
naninirahan sa ibang mga planeta!
Mahalagang maunawaan ninyo na ito ay mga haka-haka lamang o mga conspiracy theory
na walang batayan na kung ano pa man. Ganunpaman, ang aklat ng Pahayag ay nagsasabi sa
atin ng tungkol sa tunay na pagsalakay ng mga alien. Ito ang magiging pinakamatinding
pagsalakay sa kasaysayan, ngunit hindi mga nilalang mula sa ibang planeta na inimbento lamang
ng imahinasyon ng tao, kundi si Hesukristo, ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga
panginoon, ang siyang babalik sa lupa kasama ang kanyang mga anghel bilang pagbibigay
katuparan sa kanyang pangako.

Pagsulong
Puntahan natin ang aklat ng Pahayag, kabanata 19, talatang 11 hanggang 16, at ating
sama-samang basahin ang pagkakalarawan sa pinakamatinding pagsakop sa kasaysayan:

At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong
nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at
nakikipagbaka. At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay
maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di
nakaaalam kundi siya rin. At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang
kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. At ang mga hukbong nasa langit
ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng
mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang
tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at
kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng
kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya'y mayroong
isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI
AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Kahanga-hangang tagpo! Ang pinakamagiting na Generał ng mga general ay dumarating


bilang pinuno ng makapangyarihang hukbo, gayundin ang kanyang mga sundalo, na mga
nakasakay sa mga puting kabayo. Ang pangalan niya ay “Tapat at Totoo.” Sa ganitong
pangalan niya ipinakilala ang kanyang sarili nang buksan niya ang aklat ng Pahayag, at ngayon,
sa pagtatapos nito ay ipinakilala niyang muli ang kanyang sarili ng ganito.
Sa unang kapanahunan, ang magigiting na mga heneral ng Roma na namuno sa mundo sa
kapanahunan ng pagkakasulat ng Pahayag ay pumapasok sa Roma matapos ang kanilang
malakihang pakikipagdigma at mga pananakop, na nakasakay bilang pinuno ng kanilang mga
hukbo. Sila ay nadadamitan ng eleganteng mga kasuotan at nakasuot ng korona sa kanilang mga
ulo, isang simbolo ng pananagumpay; karagdagan pa rito, sa kanilang mga balikat ay may
malapad na alampay kung saan nakalantad at ipinapakita ang kanilang mga pangalan at ang
kanilang ranggo militar.
Si apostol Juan ay ipinapakilala si Hesus bilang isang matagumpay na Heneral na
nakadamit ng kulay pula - simbolo ng sarili niyang dugo, na dumanak para sa kapatawaran ng
ating mga kasalanan - at sa kaniyang ulo ay hindi isang korona ang dala, kundi maraming mga
korona, sapagkat marami ang kaniyang naging pananagumpay. Ang pangalan at ranggo militar
na kaniyang isinulat para sa kaniyang sarili ay hindi nagsasaad ng “Si Augustus Cesar,
pinakamataas na heneral ng Roma”, kundi “Hesukristo, Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga
Panginoon”.
Kaya mo bang isipin kung ano kaya ang mangyayari kung ang Pahayag ay naisulat sa
ating kapanahunan? Paano mo ilalarawan ang pagbabalik ng ating Panginoong Hesukristo?
Iiwanan ko ang katanungan na ito sa inyong imahinasyon. Ang nais kong sabihin sa inyo ay
walang ano mang salita ang makapaglalarawan sa karangalan at kadakilaan ng araw na iyon na
kung saan ay ihahayag ni Hesus ang kanyang sarili sa ikalawang pagkakataon ng buong
kaluwalhatian.
Bagamat hindi natin mailalarawan ng wasto ang pangyayari sa Ikalawang Pagparito, ang
Biblia ay naglalahad ng di bababa sa limang katotohanan na magsasalarawan kung paano ang
magiging pagbabalik ni Hesus:

1. Si Hesus ay literal na darating


Ang ikalawang buhay ni Kristo ay hindi lamang, gaya ng itinuturo ng ilan, isang
simpleng ispiritwal o simbolikong pagbalik; bagkus, ang ikalawang pagdating ay literal na
magiging isang kaganapan. Nang si Hesus ay umakyat sa langit matapos ang kanyang
pagkabuhay na muli, dalawang anghel ang kumausap sa mga disipolo at sinabing, “Kayong mga
lalaking taga Galilea,” ang kanilang wika, “bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit?
itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang
pagparoon niya sa langit.”” (Mga Gawa 1:11).
Si Hesus ay muling babalik ng mukhaan. Ang ikalawang pagdating ay magiging isang
literal na aparisyon, kagaya ng kanyang ipinangako. Ang Hesus na gumawa ng magigiting na
mga milagro, na siyang namatay at nabuhay na muli, ay siya rin namang darating upang tayo ay
hanapin at isama sa kanya.

2. Si Hesus ay darating na kitang-kita


Ang Pahayag, kabanata 1, talata 7, ay hindi nagbibigay puwang sa ating isipan ng
pagdududa kung paano ang magiging pagdating ng ating Panginoon: “Narito, siya'y
pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa
kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya
nawa.”
Si Hesus mismo ang naglarawan sa kanyang ikalawang pagparito bilang isang
pangyayaring masisilayan ng lahat: “At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa
langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita
nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at
dakilang kaluwalhatian.” (Mateo 24:30)

3. Si Hesus ay darating na naririnig


Malinaw ang Biblia sa aral nito na hindi lamang natin simpleng makikita ang pagbabalik
ni Hesus, kundi Siya rin ay ating maririnig: “Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula
sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang
nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli.” (1 Tesalonica 4:16).
Si Propeta Jeremias, patungkol sa katapusan ng mundo, ay idinagdag na: “Kaya't ihula
mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon ay
uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig mula sa kaniyang banal na tahanan; siya'y
uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng
ubas, laban sa lahat na nananahan sa lupa.” (Jeremias 25:30). Gayundin naman, ang Mga Awit
50:3 ay nagsasaad na, “Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na
mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.”
Kung sakali man na mayroon pang puwang ang pagdududa, si apostol Pedro ay tinukoy
din ang napakalawak na tunog: “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng
magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking
ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga
gawang nasa lupa ay pawang masusunog.” (2 Pedro 3:10). Malinaw na ang ikalawang
pagdating ni Kristo ay madagundong! Magkakaroon ng mga paghiyaw at mga trumpeta, at lahat
ng uri ng matitinding mga tunog.

4. Si Hesus ay darating na may kasamang hukbo ng mga anghel


Sa pagbabalik ni Hesus, hindi siya magiisa. Nakasaad sa Biblia na sasamahan siya ng
mga anghel: “Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama
niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang
kaluwalhatian” (Mateo 25:31). Pansinin ninyo na hindi ito tumutukoy lamang sa ilang mga
anghel, kundi silang lahat. Ang Daniel 7:10 ay nagbibigay ng pagsasalarawan ng mga anghel sa
langit: “Mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang
nagsitayo sa harap niya.” Ito nga ay tunay na napakaraming mga anghel, at lahat sila ay
darating kasama ni Hesus!
5. Si Hesus ay darating at gugulatin ang mundo
Ang pagbabalik ni Kristo ay yayanigin ang pinakapundasyon ng mundo, na tila ba isang
malawakang lindol ang gumugunaw na buong planeta:

At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol;
at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang
buong buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa
lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka
hinahampas ng malakas na hangin. At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong
aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
(Pahayag 6:12-14).

Wow! Isang lindol na may sapat na lakas upang durugin ang mga kabundukan at
makakapukaw sa lahat ng mga bulkan sa ibabaw ng lupa at magpapasimula ng matitinding
malawakan na mga tsunami. Kaya mo bang isipin ang mga ito? Mga naglalahong mga pulo at
mga malalaking lupain na pinupunit ng mga dambuhalang alon.
Minamahal na mga kabataan, ang ikalawang pagparito ni Kristo ay isang nalalapit nang
kaganapan! Mas malapit kaysa sa iyong iniisip at inaakala ay makikita na natin si Hesus kasama
ang kanyang mga banal na anghel! Si Hesus ay darating!

Katapusan
Ngunit mayroong isa pang katangian ang pagbabalik ni Kristo, nais mo bang malaman
kung ano ito? Na ito ay magiging isang kaganapang hindi mapag-aalinlanganan. Sa pagdating
ni Kristo ay mahahati ang daigdig sa dalawang pangkat: ang mga naligtas at ang mga nawaglit.
Ang Pahayag 6:15-16 ay naglalarawan sa pangkat ng mga nawaglit ng ganito:

At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang
mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay
nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; At sinasabi nila sa mga
bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami’y inyong itago sa mukha noong
nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero!

Sa marami ito ay magiging isang napakalungkot na araw, ngunit para sa iba ito ay
magiging pinakamagandang araw ng kanilang buhay! Inilarawan ni propeta Isaias ang pangkat
ng mga naligtas sa pamamagitan ng sumusunod na mga kataga: “At sasabihin sa araw na yaon,
Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating
hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.” (Isaias 25:9).

Oh! Anong dakila ng araw na iyon para sa mga naligtas! Ito ay magiging araw ng
pagbubunyi at kaligayahan. Ito ay magiging isang araw ng di maipaliwanag na kagalakan. Si
Kristo ay darating! Si Kristo ay napakalapit nang dumating!
Ito ang pagasa na pumuspos sa puso ni Luis. Bilang isang kabatan ay nakarinig siya ng
pabalita na si Hesus ay darating sa ikalawang pagkakataon, ngunit, kagaya ng karamihan, ito ay
kanyang ipinag-sawalang bahala.
Isang araw ay naanyayahan siyang dumalo sa isang pulong pangkabataan, at sa kanyang
pagkabigla, ang paksa na ipinapaliwanag ng tagapangaral ng gabing iyon ay tungkol sa
ikalawang pagparito ni Kristo. Nakinig si Luis ng mabuti sa bawat salita ng tagapangaral, ngunit
sa panahon ng panawagan ay hindi siya nakapagpasya.
Umalis siya sa iglesia lulan ng kanyang motorsiklo at sa di inaasahang pagkakataon ay
nasalpok siya ng isang sasakyan na nagmula sa kabilang direksyon. Himala siyang nakaligtas
dito! Siya ay halos mawalan ng malay nang madala siya sa isang ospital; sa daan, habang ang
mga paramedic ay ginagawa ang lahat upang maisalba ang kanyang buhay, siya ay nag-angat ng
panalangin sa Dios at hiniling na panatiliin ang kanyang buhay. Salamat sa Dios at may
himalang naganap!
Habang nasa ospital ay nagpasya si Luis na isuko ang kanyang buhay kay Hesus. Ilang
buwan ang nakalipas at siya ay nabautismuhan at siya ngayon ay isa nang mananampalataya sa
ebanghelyo at malugod na naghihintay sa muling pagdating ni Kristo.
Minamahal na mga kabataan, ang layunin ng mensahe ay hindi upang kayo ay matakot.
Bagkus, ang aming layunin ay mabigyan kayo ng pagasa! Ang Dios ay nagnanais na bigyan ka
ng pagkakataon ngayon! Ngayon ang pinakamabuting araw upang isuko mo ang iyong buhay
kay Kristo at maging handa para sa tunay na alien invasion (pasalakay ng mga alien): Ang
ikalawang pagparito ni Kristo ng buong kaluwalhatian at kadakilaan!

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaral


1. Paano inilalarawan ng Pahayag 19 ang pagbabalik ni Hesus?
2. Ilan ang makakakita sa pagbabalik ni Hesus ng buong kaluwalhatian?
3. Sino ang makakasama ni Hesus sa Kaniyang ikalawang pagdating?
4. Ano ang mangyayari sa mundo kapag dumating na si Kristo sa ikalawang
pagkakataon? Ano ang masasambit ng mga naligtas kapag nakita na nila si Hesus
na dumarating ng buong kaluwalhatian?
Sermon 8
Ang Tunay na Ebanghelyo
(Pahayag 14:6-12)

Panimula
Ayon sa kwento ay may isang pagkakataon kung saan ang magiting na tagapangaral na si
Billy Graham ay naghahandang sumakay sa isang elevator; bilang isang taong kilalang-kilala ng
publiko, pangkaraniwan nang madali siyang makilala ng mga tao. At walang ipinagkaiba ang
pagkakataon na ito na kung saan ay isang lalaki na naghihintay din sa elevator ang nakakilala sa
kanya, at nagtanong:

“Ikaw si Billy Graham, diba?”


“Oo,” sagot ni Graham.
“Ah,” sabi ng lalaki, “isa ka talagang pambihirang tao.”
“Hindi. Hindi ako pambihirang tao,” ang tugon ni Graham. “Mayroon lamang
akong isang pambihirang mensahe.”

Minamahal na mga kabataan, tayo rin ay may dakila at pambihirang mensahe. Ang aklat
ng Pahayag ay inilalahad ang huling paanyaya ng Dios para sa ngayong kapanahunan. Ang
mensaheng ito ay kilala bilang ang makatlong paanyaya ng ebanghelyo o, mas kilala bilang,
“Ang mga Mensahe ng Tatlong Anghel.”

Pagsulong
Akin kayong inaanyayahan, sa pagkakataong ito, na magkasama nating basahin sa
Pahayag, kabanata 14, talatang 6 hanggang 12 at bigyang pansin ang huling babala ng Dios sa
sangkatauhan:

At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting


balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't
bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot
kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang
panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng
lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.

At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho


ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng
kagalitan ng kaniyang pakikiapid.

At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng


malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang
larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay
iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo
sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at aspre sa
harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng
hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang
kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang
larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. Narito ang
pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng
pananampalataya kay Jesus.

Bago natin pagtuunan ang mga elemento na bumubuo sa mensahe ng tatlong anghel ay
mayroon munang ilang mga mahalagang aspeto ang kinakailangan nating malaman:
Una, ating pansinin kung ano ang laman nito. Ang pabalita ng tatlong anghel ay ang
walanghanggang ebanghelyo. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng katagang ebanghelyo?
Ito ay nangangahulugan ng “mabuting balita,” at ito ay ginamit sa Biblia upang italaga ang
mabuting balita mula sa Dios, na sa kapanganakan, buhay, kamatayan, at pagkabuhay na muli ni
Hesus ay masusumpungan ng tao ang tanging paraan ng kaligtasan.
Ang ebanghelyo ay kung ano ang nagawa ng Dios, ang ginagawa, at ang gagawin sa
pamamagitan ni Kristo para sa kaligtasan ng lahat ng nagsisisampalataya. Minamahal na mga
kabataan, ang ebanghelyo ay si Hesus! Sa kanyang pagkatao ay nabubuod ang buong
ebanghelyo, sapagkat “Sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang
pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Mga Gara
4:12).
Ikalawa, kung kanino ito nakapatungkol. Ang pabalita ng tatlong anghel ay may
katangiang pandaigdigan. Ang walanghanggang ebanghelyo ay kinakailangang maabot ang “mga
nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan” (Pahayag 14:6). Ang lahat
ng tao, anoman ang lahi o nasyonalidad, lenguahe o antas sa pamayanan, ay kinakailangang
harapin ang katotohanan. Ang bawat isa ay kinakailangang manindigan kung sasangayon o
sasalungat ba sa ebanghelyo!
Panghuli, ang paraan kung paano ito ipapangaral. Ang mensahe ng tatlong anghel ay
kinakailangang maipahayag ng may malakas na tinig. Minamahal na mga kabataan, ang
katagang ginamit dito sa Griego - ang orihinal na lenguahe kung paano isinulat ang Pahayag - ay
megafone. Tunog pamilyar ba? Kung kaya nga may salitang “megaphone”; ito ay isang aparato
na nagsisilbing pampalakas ng tunog at siyang nagpapakalat nito. Kinakailangan ang malakas na
pagpapahayag ng mensaheng ito!
Dala ang mga paglilinaw na ito sa ating isipan, tayo ay handa nang pagaralan ang
kahulugan at kahalagahan ng bawat isang mensahe ng tatlong anghel.

III. Unang Mensahe: Ang Panawagan sa Pagsamba


Ang unang mensahe ay mababasa ng ganito: “Matakot kayo sa Dios, at magbigay
kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at
magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng
tubig.”(Pahayag 14:7).
Ang unang mensahe ay maaaring maibuod ng tatlong mga pandiwa: “Matakot sa
Dios…magbigay kaluwalhatian sa kaniya…magsisamba.” Ito ang bumubuod sa kinakailangang
tugon sa ebanghelyo: isang tugon na batay sa pagibig at pagpapasalamat sa Dios para sa kung
ano ang nagawa Niya para sa atin sa pamamagitan ni Kristo.
Ngunit ano ang ibig sabihin ng matakot sa Dios? Marahil ay iniisip niyo na ito ay
nangangahulugan ng pagkasindak sa Dios ngunit hayaan ninyong sabihin ko sa inyo na ang
pagkatakot sa Dios ay hindi nangangahulugan ng pagkasindak sa kanya. Kung magkagayon, ano
pala ito? Ayon sa Biblia, ito ay ang mabuhay ng may pagsunod sa kanyang kautusan. “Ito ang
wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga
utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.” (Ecclesiastes 12:13).
Tayo ay may kautusan na dapat tayong magbigay kaluwalhatian. Ating niluluwalhati ang
Dios sa pamamagitan ng ating buhay at ating mabubuting gawa. “Sa ganito'y lumuluwalhati ang
aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad.”
(Juan 15:8). “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila
ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” (Mateo
5:16). Mahalagang inyong maunawaan, minamahal na mga kabataan, na ang inyong mabubuting
gawa ay hindi upang kayo ay maligtas, kundi ito ay para luwalhatiin ang Dios na nagligtas sa
inyo!
Sa katapusan, tayo ay inutusan na “Magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at
ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” (Pahayag 14:7). Ang Dios ang maylikha at ang siyang
tanging nararapat nating sambahin. Ang pinakahuling pakikibaka sa pagitan ng mabuti at ng
masama ay iikot sa pagsamba. Sino ang ating sasambahin: Ang Dios o ang dragon? Minamahal
na mga kabataaan, kailangang malinaw sa atin na ang Dios na maylikha ang tanging
karapatdapat sa ating pagsamba.

IV. Ikalawang Mensahe: Ang Panawagan para sa Pagtatanggol sa Katotohanan


Ang sabi ng ikalawang mensahe: "Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang
nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.” (Pahayag 14:8).
Ang ikalawang anghel ay nagsasabi sa atin ng tungkol sa pagbagsak ng ispiritwal na
Babylonia, pero ano ba ang Babylonia? Ang pangalan na ito sa Biblia ay nangangahulugan ng
“pagkalito,” habang sa aklat ng Pahayag ang simbolo ng Babylonia (ang sinaunang lungsod) ay
ginagamit upang tukuyin ang mga kalaban ng bayan ng Dios sa mga huling araw: isang
kapangyarihang pangrelihiyon at pampulitika na sinusubok manguna sa buong mundo bago ang
pagbabalik ng Panginoon.
Ang lakas o kapangyarihan na ito ay inilaan upang “linlangin” ang mundo sa
pamamagitan ng pagtuturo ng mga maling doktrina at aral. Minamahal na mga kabataan, ang
mensahe ng ikalawang anghel ay nananawagan sa atin na manindigan at ipagtanggol ang mga
katotohanan na paniniwala na matatagpuan sa Biblia. Kungkaya naman, nakapahalaga na tayo
ay manindigan sa katotohanan ng Dios!

V. Ikatlong Mensahe: Ang Panawagan sa Katapatan


Ang huling ebanghelyo ay nagpapahayag na:

At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng


malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang
larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay
iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo
sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa
harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng
hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang
kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang
larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. Narito ang
pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng
pananampalataya kay Jesus. (Pahayag 14:9-12).
Ang ikatlong mensahe ay isang babala mula sa Dios, na malinaw na tumutukoy sa mga
kabayaran ng pakikipagsanib sa pwersa ng kasamaan. Kaagad ay may tatlong magkakaibang
bagay na ipinagbabawal: ang pagsamba sa hayop, ang pagsamba sa image ng hayop, at ang
pagtanggap sa tanda ng hayop. Ito ang pinaka-taimtim na mensahe na matatagpuan sa Biblia at
ang pinakahuling maipapahayag bago ang pagdating ni Kristo. Kung aking ibubuod ang
mensahe ng ikatlong anghel sa isang kataga, ito ay ang: Manatiling matapat!
Oo, mga minamahal na kabataan, ang mensahe ng tatlong anghel ay ang panawagan para
sa pagsamba, tungo są pagtatanggol ng katotohanan at sa katapatan. Ito ang walanghanggang
ebanghelyo ng biyaya ng Panginoon na ipinamalas ni Hesukristo, na kinakakailangang
maiparating ng mabuti at may kalakasan sa lahat ng nilalang na naninirahan sa lupa.

Katapusan
Sa loob ng sanglinggong ito ay ating pinagaaralan ang mensahe ng Dios na inilalahad sa
Pahayag. Tayo ay nabubuhay sa kapanahunan na kung saan ang panlilinlang ang nakasanayang
pamamaraan! Gayunpaman, sa panahong ito tayo tinatawagan ng Panginoonn upang ipangaral
ang walanghanggang ebanghelyo ng may kalakasan at may kapangyarihan.
Maaaring ang pakiramdam mo ay hindi sapat ang iyong paghahanda o marahil ay wala
kang sapat na talento upang mangaral; Ganunpaman, sinisigurado ko sa iyo na higit pa sa iyong
mga kakayahan, mas interesado ang Dios sa iyong kagustuhan at kakayahan na magpagamit sa
kaniya. Naaalala niyo ba si Moises? Wala siyang kakayahan upang tuparin at tapusin ang
gawain na iniatang sa kanya ng Panginoon, kaniya pa ngang sinabi sa Panginoon na hindi niya
alam kung paano magsalita! Nguni isinuko ni Moises ang kaniyang kalooban at ginamit siya ng
Dios ng may kapangyarihan at may kalakasan!
Naaalala niyo ba si Jeremias? Nang tinawagan siya ng Dios, nakaramdam siya ng takot
sapagkat siya ay bata lamang, ngunit siya ay nagtiwala na ang Dios ay mananatili sa kanyang
tabi at kaniyang tinupad ang utos na ipinagkatiwala sa kanya!
Naaalala niyo ba si Pedro? Isa lamang siyang simpleng mangingisda na hindi
nakapagaral sa mga tanyag na unibersidad ng kanyang kapanahunan, ngunit kanyang isinuko ng
buo ang kanyang sarili kay Hesus at ginamit siya ng Banal na Espiritu ng buong lakas at may
kapangyarihan!
Mga kabataan, nais ng Dios na gamitin kayo ngayon na kasangkapan sa pagpapahayag ng
walanghanggang ebanghelyo na may malakas na tinig. Hingin ninyo sa Panginooon na gamitin
kayo bilang kanyang instrumento! Hingin ninyo sa Panginoon ang kanyang Banal na Espiritu!
Hingin ninyo sa Panginoon na gamitin kayo sa pagpapalaganap ng totoong ebanghelyo ng may
kalakasan at may kapangyarihan!

Mga Katanungan sa Pagninilay-Nilay at Pagaaral


1. Ano ang pangalan ng huling mensahe ng Dios sa sangkatauhan?
2. Ano ang nilalaman ng mensaheng ito?
3. Ilan ang bilang ng mga taong dapat makarinig dito?
4. Paano dapat maipahayag at maipangaral ang mensahe na ito?
5. Ibuod ang mensahe ng tatlong mga anghel at ibahagi ito sa iyong mga kaibigan.

You might also like