You are on page 1of 3

Isang Linggo malaking

Pagbabago

Noong unang panahon may isang batang lalaki na tinatawag na Julian. Si Julian ay tamad, walang galang,
at makasarili.

Palagi siyang naglalaro ng video games at hindi ginagawa ang kanyang mga aktibidad sa paaralan.

Isang araw nakakita siya ng post sa sosyal media tungkol sa isang Gaming tournament , para
makapaglaro dapat pumunta ka sa ibang probinsya at sobrang nakapalayo. Nag-impake lang siya ng
ilang gamit ka gaya ng cellphone, charger, at ang perang dala niya.

Nang makapasok siya sobrang napakamahal ng entrance fee ay isang libo at limang daang piso para
lamang maglaro. Nang matapos siyang maglaro natalo siya sa tournament. ngunit nang pumasok siya sa
istasyon kung saan siya sumakay sa subway patungo sa kanyang lugar

ay may nagpahayag na ang subway ay kansel at kailangang ayusin ang isyu nito.

Sobrang galit niya sa pagtatalo at kinailangan pang maghintay para bukas at nung naglalakad siya sinipa
nya lahat ng bato sa kanyang paraan . Naghahanap ng mauupuan at iniisip kung ano ang gagawin

sa gabi, alam niyang kailangan niyang matulog sa ibang lugar dahil hindi siya makakauwi. Merong
papunta na pusa sa kanya, ang pusa ay nagugutom at humihingi ng pagkain, sa sobrang galit nya sinipa
nya at tumakas agad ang pusa. Napakadilim sa gabi at sobrang gutom at takot, kumatok siya

sa ilang bahay na humihiling na matulog ng isang gabi lang sa isa sa kanila ngunit ayaw nila sa kanya
dahil wala syang respeto ang kanyang pag uugali. s

sinubukan niya ulit pero ngayon tinanggap naman ng Lalake.

"Anong pangalan mo?" Sabi ng tao. "Ako si julian ang subway papunta sa lugar ay nakansel hanggang
bukas kaya kailangan ko ng lugar na matutulog ngayong gabi"

Sabi ni Julian. "Napakadelikado maglakad mag-isa sa gabi lalo na sa mga lansangan" Sabi ng lalake.
"Alam ko kaya kailangan ko ng matutulog ngayong gabi ano po

ba pangalan mo sir? Sabi ni Julian. "Ang pangalan ko ay si James,Kumain ka na ba? gusto mo ng tubig?
ikaw ang bisita sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo?"

Sabi ng lalake. “Oo gusto kong kumain at may outlet ka ba na pwede kong icharge ang phone ko?" Sabi
ni Julian. "Malapit sa sopa ang outlet ko, maghintay ka
nalang hanggang sa pag-init ko ang iyong corn beef" Sabi ni James. Pagkatapos ni Julian kumain kinuha
ni James ang kanyang mga unan

sa kutson at habol para matulog si Julian. Nang magising si Julian ay laking gulat niya na wala siya sa
bahay kundi sa ibang lugar.

Wala na yung bag niya pati yung mga gamit na dinala nya. Nataranta si Julian at hindi niya alam ang
susunod na gagawin. lumipas ang dalawang oras

at gutom na si Julian nakita niya ang isang panaderya na nagbebenta ng tinapay sa halagang 5 pesos.
Hinalungkat ni Julian ang kanyang bulsa at nakita

ang 20 pesos. Bumili siya ng tatlong egg bread at kumain sa ibang lugar pero mas malapit. Pagkatapos
kumain ay nakakita siya ng balon,

naghintay siya na walang makakita sa kanya at makakuha ng 100 pesos. Mamaya nang malapit nang
magsara ang

tindahan ay bumili pa siya bilang walong egg bread para mamaya. Pagdating ng gabi ay nakakita siya ng
karton para ihiga niya

at nakita nya din ang poster tungkol sa isang panalangin ng pagpapatawad ni Hesus kaya nagdasal siya
ng isang daang beses at

humihingi ng tawad sa bawat bagay na kanyang ginawa . Lumipas ang tatlong araw at

napagtanto niya kung paano siya isinakripisyo at minahal ng kanyang pamilya, labis niyang pinagsisihan
ang pagiging masungit at

walang respeto niya sa kanila. Pagkatapos ay dumating ang isang aso at ninakaw ang kanyang pagkain.
Gutom na gutom at sobrang

lamig ng gabi ngunit may isang matandang babae lumapit sa kanya at binigyan si Julian ng pagkain at
pera at tinanong ang kanyang pangalan.

"Ano ang pangalan mo anak?" Sabi ng matandang babae. "Ang pangalan ko ay julian Apat na araw na
akong nandito na humihiling sa lahat na tulungan akong

makauwi. Ang kailangan ko lang ay kaunting pera para makapunta sa subway at makabalik sa aking
lugar" Sabi ni Julian.

"Tulungan na kita anak, punta na tayo sa bahay ko at ako na ang bahala sayo" sabi ng matandang babae.
Muli na namang nagtiwala si Julian sa isang tao dahil

alam na alam niyang nasa tabi niya ang Diyos sa pagkakataong ito.Tinanong ni Julian ang pangalan sa
matandang babae, "Ako si Ling Castro,

katulad mo noong nawala ako sa lugar ko ngunit may tumulong sa akin na hindi ko man lang siya kilala,
binigyan niya ako ng tubig, pagkain at pag-asa

at nangako siya sa akin na tutulungan ko ang kailangan tulad mo" Sabi ni Ling. Pagdating ni Julian sa
bahay niya naligo,
at kumain ng pagkaing niluto ng matandang babae. Laking gulat ni Julian kung gaano kasarap ang
pagkain "Saraap!"Wala akong pagkain na ganito dati" Sabi ni

Julian. Ngumiti si Ling "Ako ay isang kusinero, may ari ako ng restaurant tutulungan kitang magkaroon ng
pera para makauwi ka kung tutulong

kang maglinis at magluto sa restaurant ko" Sabi ni Ling. Tinanggap ni Julian ang kanyang hiling at Masaya
si Julian na sinagot ng diyos ang kanyang mga panalangin at sa kinabukasan ay tinuruan siya kung paano

maglinis at magluto. Apat na araw na ang lumipas at ngayon ay may sapat na pera si Julian para
makauwi ngunit bago iyon ay gustong mangako

ni Ling kay Julian "Julian kung may nakita kang nangangailangan ay tulungan mo siya at sabihin mong
ipasa mo sa iba ang iyong kabutihan" Sabi ni Ling.

Nagpapasalamat si Julian sa kanyang pag-aalaga sa kanya at tinanggap niya ang kanyang kahilingan.
Nang makauwi si Julian ay umiyak ang kanyang pamilya

at ipinagdiwang ang kanyang pag-uwi. Sa pagkakataong ito natutunan ni Julian ang kanyang aral na
magmahal sa kapwa, igalang, pananampalataya

at tulungan ang pangangailangan. Sa tuwing makakakita siya ng hayop na nagugutom sa mga lansangan
ay bibili siya ng pagkain at magpapakain sa kanila.

Kung tag-ulan ay ibibigay niya ang kanyang payong sa iba na hindi. Ito ang kwento ni Julian.

You might also like