You are on page 1of 10

Maria Angelika A. Bughao Gng.

Maribelle Mendoza
10 - Bonifacio July 01, 2016

Ang Ulirang Anak, 7 Mandirigma At Ang Dambuhala


SA ISANG munting kubo sa labas ng nayon nakatira ang isang balongbabae (viuda) at ang
kanyang kaisa-isang anak, isang binata. Masaya sila kapwa sa kanilang buhay. Mabait sa
ina ang binata, atnaghahanap-buhay sa pagka-kaingin ng palay sa gilid ng bundok.
Nanghuhuli din sila duon ng mga baboy damo.
Isang gabi, nang kaunti na lamang ang kanilang imbak ng tapa ng baboy damo, nagpa-
alam ang anak: “Inay, mangangahoy ako ng baboy damobukas ng umaga. Maaari po
bang ipag-saing ninyo ako bago sumikat angaraw bukas?”
Gumising nga ng maaga ang ina at nagsaing ng kanin. Bago-bago lamang sumisikat
ang araw nang lumabas ang anak upang mamundok, dala ang kanyang sibat at kasama
ang kanyang aso. Malayo na ang nayon nang marating at pasukin niya ang gubat.
Matagal siyang naglakad sa dilim at sukal, naghahanap ng baboy damo subalit wala
siyang namataan kahit anong hayop.
Napilitan siyang tumigil at magpahinga nuong tanghaling tapat nang mataas na
ang araw. Umupo siya sa isang malaking tipak ng bato, binuksan ang dalang sisidlan at
nagsimulang magbalot ng nga-nga.
Malalim siyang nag-iisip kung bakit bigung-bigo ang kanyang lakad nang
biglang kumahol ang kanyang aso. Sumikad patayo ang binata sabay sasubo ng nga-
nga at kumaripas sa aso. Nakita niyang sukol ng aso ang isang malaki at matabang baboy
damo, itim ang buong katawan at puti ang 4 paa.
Inasinta niyang maigi subalit bago niya maihagis ang sibat, mabilis na tumakas
ang baboy damo. Hindi inaasahan, sa halip na sumugod pababa patungo sa ilog na
karaniwang gawi ng mga hayop, tumakbo ito paakyat sa bundok. Humabol ang binata,
sunod sa kanyang aso, kapwa nahirapan sapagkat matarik at masukal ang bundok.
Limang ulit pang tumigil ang baboy damo at inasinta ng sibat ng lalaki, subalit 5 ulit
biglang umiwas ang hayop at muling tumakbo. Sa ika-7 ulit, tumigil ang baboy damo sa
ibabaw ng malapad na bato at naasintaat nasibat agad ng binata. Pumutol siya
ng yantok (caña, rattan) mula sa tabi-tabi at itinali ang 4 paa ng hayop. Tapos, pinasan
na niya angbaboy damo at uuwi na sana nang nagulat siya. Biglang bumukas ang
malapad na bato at lumabas ang isang lalaki!
“Bakit mo pinatay ang baboy ng aking panginuon?” tanong ng lalaki.
“Hindi ko po alam na may nag-aari pala dito sa baboy,” bulalas ng gulintang na binata.
“Nangangahoy lamang ako, na madalas ko nang ginagawa, nang masukol ng aso ko ang
baboy, at nagtulong kaming hulihin ito!”
“Sumunod ka sa akin at kausapin mo ang panginuon ko,” utos ng lalaki.
Kasunod sa lalaki, pumasok sa malapad na bato ang binata at nahantong sila sa isang
malaking silid (cuarto). Ang kisami (techo) atsahig (suelo) ay natatakpan ng
kakaibang tela na may malalapad na guhit (rayas), 7 kulay pula (rojo) at 7
dilaw(amarillo), salit-salit (alternating).
Nang lumitaw ang panginuon, ang damit (ropa) niya at putong(tocado) sa ulo ay may tig-
7 ring kulay na malalapad naguhit. Inutusan niya ang lalaki na kumuha ng nga-nga at
silang dalawa ng binata ay ngumuya. Sunod, nagpakuha ang panginuon ng tuba (vino de
cocotero) at dumating ang isang napaka-laking banga(tinaja) na sa silong lamang
nagkasiya. Gayon man, napaka-taas ngbunganga ng banga kaya binigyan pa
ng tuntungan upang maabot ng binata. Gamit ang kawayang sipsipan (pajita de caña,
bamboo straw), uminom ang panginuon at binata ng tig-7 tabo (vasos) ng tuba.
Pagkatapos, silang dalawa ay kumain ng kanin at isda. Saka sila nag-usap.
Hindi niya sinisisi (culpa) ang binata sa pagpatay sa baboy damo, sabi ng panginuon,
bagkus nais niyang maging magkaibigan sila, mistulang “magkapatid.” Pumayag ang
binata at 7 araw siyang nanatili duon bago nagpa-alam sa panginuon na dapat na siyang
umuwi sapagkat mag-aalaala ang kanyang ina.
Maagang-maaga kinabukasan, umalis sa mahiwagang “bahay” ang binata at masiglang
lumakad pauwi. Pagtagal, uminit ang araw at bumagal ang kanyang tahak hanggang
nuong tanghaling tapat (mediodia), napaupo
siya sa isang bato upang magpahinga. Inaantok, bigla
siyang nagisingnang pagtingala niya, nakita niyang nakapaligid sa kanya ang 7
mandirigma (guerreros,), hawak ang mga sandata (armas)
- sibat (lancia), kampilan (espada) at kalasag(escudo). Magka-kaiba ang kulay
ng damit ng bawat isa, at ang kulay ng damit ay siyang kulay ng kanilang mga mata.
“Saan ka papunta?” tanong ng pinunong mandirigma, pula ang suot, at pula rin ang
kulay ng mga mata.
“Pauwi ako sa aking ina,” sagot ng binata. Sinabi niyang matagal na siyang nawala at
malamang hinahanap na siya ng magulang. “Ako naman ang magtatanong ngayon: Saan
kayo papunta at mukhang handa kayong makipag-digmaan?”
“Mandirigma kami!” sagot ng mandirigmang pula, “at lumilibot kami upang patayin
sinumang masalubong namin. Ngayon, ikaw ang papatayin namin!”
Nabigla ang binata sa kataka-takang tangka. Makiki-usap pa siya sana
atmangangatwiran (disputar) subalit may narinig siyang bulong sa tabi: “Lumaban ka at
talagang papatayin ka nila!”
Lumingon siya sa pinagmulan ng bulong at nakita ang sarili
niyang sibat,kampilan at kalasag. Naalaala niyang iniwan niya sa bahay
ang kampilanat kalasag, kaya natanto niyang isang diwata (espiritu) ang bumulong sa
kanya. Sinunggaban niya ang mga sandata at sinagupa ang7 mandirigma!
Tatlong araw at 3 gabi silang nagbakbakan! Nuon lamang nakaharap ang7
mandirigma ng kalaban na kasing-bangis ng binata, hindi nila natalo kahit tulung-tulong
sila. Nuong ika-4 araw, tinamaan ang mandirigmang pula at namatay. Sunud-sunod,
napatay ng binata isa-isa ang iba pangmandirigma. Pagkaraan ng matagal at
madugong hamok, mistulang ulol(loco) ang binata at hindi na napahinahon ang sarili.
Hindi na siya nagtangkang umuwi. Sa halip, lumibot din siya upang patayin sinumang
matagpuan niya, tulad ng 7 mandirigma na tinalo at pinatay niya. Sa kanyang mapusok
na paglakbay, dumating siya isang araw sa bahay ng isang dambuhala ( gigante, giant).
“Sino man ang nakatira sa bahay na ito!” sigaw ng binata. “Lumabas kayo at makipag-
patayan sa akin!”
Hindi alam ng binata, ang bahay ay punung-puno na ng mga bangkay ng
mga mandirigma na tinalo at pinatay ng dambuhala. Nang narinig nghalimaw ang sigaw
ng binata, nagsiklab ang kanyang puot. Sinunggaban niya ang
kanyang kalasag at sibat na kasing laki ng isang punong kahoy. Ayaw niyang mag-aksaya
ng panahon gamitin ang inuka-ukang punong kahoy na hagdan (escalera) upang
bumaba, kaya tumalon na siya tuluy-tuloy sa lupa.
“Nasaan ang pangahas na makikipag-patayan?” Luminga-linga angdambuhala hanggang
namataan ang binata. “Ikaw lamang ba? Isang langaw ka lamang!”
Sa halip na sumagot, sinugod siya ng binata at 3 araw at 3 gabi silang
naghamok nang walang tigil hanggang bumagsak ang dambuhala, wakwak
ang baywang (cintura). Sinunog ng binata ang bahay ngdambuhala at lumibot uli upang
humanap ng iba pang papatayin, subalit narinig niya uli ang bulong ng diwata: “Umuwi
ka na at ang iyong ina ay balisang balisa sa iyong pagkawala.”
Nagsiklab ang luob ng binata at sumugod subalit wala siyang nakitang kalaban. Pina-
antok siya ng diwata at nakatulog ang binata. Pag gising niya, wala na ang pagka-
ulol niya at mahinahon na siya. Binulungan siya uli ng diwata:
“Ang 7 mandirigma na pinatay mo ay inutusang patayin ka ng panginuonng malapad na
bato sapagkat tinignan niya ang palad mo at nakita niyang mapapangasawa mo
ang ulilang babae na gusto niyang mapangasawa. Subalit nagwagi ka, at patay na ang
iyong mga kaaway. Umuwi ka na at maghanda ka ng maraming tuba dahil bubuhayin ko
uli ang mga kaaway mo at kayong lahat ay mabubuhay nang mapayapa.”
Tuwang tuwa ang ina nang dumating ang anak na binata, na akala niya ay matagal nang
patay. Lahat ng tao sa nayon ay dumating upang batiin ang binata at itanong kung ano
ang nangyari. Pagkatapos ilahad ng binata ang kanyang karanasan at bilin ng diwata,
humangos ang mga tao at nagdala ng maraming tuba sa bahay ng ina. Nuong gabing
iyon, dumalo at nagdiwang ang lahat. Pati ang diwata ay dumalo, kasama
angpanginuon ng malapad na bato, ang 7 mandirigma at ang dambuhala. Ang ulilang
babae ay napangasawa ng binata, at ibang maganda ring babae ang napangasawa
ng panginuon ng malapad na bato.
Maria Angelika A. Bughao Gng.Mendoza
10 - Bonifacio July 01, 2016
Ang Malaking Baha
Mito ng mga Tinggian
Hango sa “The Great Flood” ni F. Landa Jocano
                Ang mga Tinggian, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa mga burol
sa dakong loob ng Abra, ay may sarili nilang salaysay tungkol sa Malaking Baha.
Ang pinagsimulan ng matinding sakuna ay ang pagdukot ni Aponi-tolau kay
Humitau, isang adang tagapangalaga ni Tau-mari-u, bathala ng karagatan. Heto
ang kuwento.
Isang araw, katatapos lamang mangaso sa gubat ni Aponi-tolau. Siya ay humiga at
nagpahinga sa lilim ng isang puno. “Hay, nakakabagot naman,” sabi niya sa
kanyang sarili habang humihikab. Siya, ang bathala ng kabundukan at bayaning
pinapanginoon ng mga Tinggian, ay walang ginawa sa araw-araw kundi ang
mangaso at magtanim ng mga halaman at puno sa kagubatan ng kabundukang
Cordillera. “Pambihira, wala na akong ibang magawa rito…” Ilang ulit siyang
napapabuntunghininga habang nakatingala sa mga dahon ng punong kanyang
kinaroroonan.
Maya-maya ay bigla na lamang nagliwanag ang kanyang nababagot na mukha.
“Alam ko na! Ano kaya kung bumaba ako? Nagsasawa na ako rito sa kabundukan.
Tutungo ako sa kapatagan! Nais kong maglakbay. Bahala na kung saan man ako
makarating.” At siya’y masiglang tumayo at naghanda na sa kanyang paglalakbay
pababa ng kabundukan.
Pagdating sa kapatagan, ang binata’y naglakad nang naglakad nang walang iniisip
na patutunguhan. Walang nakatawag ng kanyang pansin sa paligid. Bagot na
bagot pa rin siya. Patuloy siya sa paglakad, hanggang sa siya ay mapadpad sa
tabing-dagat. Doon ay biglang nagbago ang kanyang pakiramdam. Ang payapang
bughaw na dagat, ang dambuhalang iyon na maamo sa ilalim ng nagniningning na
ginintuang araw sa umaga – ay lubhang pinamangha ang bathala. Hindi siya
nakatiis sa pang-aakit ng magaganda’t nagsasayawang mga alon. Kung kaya’t
gumawa siya ng isang balsang yari sa yantok (rattan) at namangka sa karagatan.
Sumagwan siya nang sumagwan, at siya ay nakarating sa dulo ng mundo. Doon, sa
lugar na iyong pinagtatagpuan ng langit at ng dagat, nakakita si Aponi-tolau ng
isang napakataas na toreng bato. Iyon ay walang iba kundi ang tahanan ni Tau-
mari-u, bathala ng karagatan. Binabantayan iyon ng siyam na naggagandahang
mga anak ng damong-dagat (seaweeds). Ang sinag ng araw sa karagatan na
naghahatid ng ginto’t pilak na kinang sa luntiang buhok ng siyam na
tagapangalaga, ang masasayang pagtatawanan, paglalaro, at paghahabulan ng
mga ito, ay labis na humalina sa diyos ng kabundukan.
Nilakasan ang loob, ang mandirigma’t bathala ng mga Tinggian ay nagtungo sa
mga pinto ng palasyo.
“Magandang araw. Mawalang-galang na sa inyo, mga binibini. Ibig ko lamang
malaman kung ano ang pook na itong aking kinaroroonan?” ang magalang niyang
tanong sa maririkit na tagapagbantay.
Subalit pawang mga tawa lamang ang isinukli ng mga diwata sa kanya. Nagtaka si
Aponi-tolau. “Ano ito? Magalang ang aking tanong, bakit nila ako
pinagtatawanan?” wika niya sa kanyang sarili. “Aba, heto’t niyayaya pa nila akong
pumasok sa palasyo, ngunit patuloy pa rin silang nagtatawanan! Pinaglalaruan ba
nila ako?” gulat na dagdag pa niya nang makitang iniimbitahan siyang pumasok ng
mga nimpa.
Sinundan niya ang magagandang dilag. Ngunit ang patuloy na halakhakan ng mga
ito ay nagpapanting sa tainga ng bathala.
“Aaahh!” biglang sigaw niya. “Bakit?! Bakit ang iingay ninyo?! Pinagkakaisahan
ninyo ako! Tigilan ninyo iyan!” ang galit na bulyaw niya. Ang mga diwata namang
inosente at sadyang masasayahin lamang ay biglang natigilan at natakot. Lalo pa
silang nangamba nang ilabas ng diyos ang kanyang mahiwagang kawit (hook), at
kanyang inihagis sa mga nimpa.
Nagtilian ang mga nahintakutang tagapangalaga ng palasyo. Natamaan ang
pinakabata sa kanila at siyang pinakamaganda, si Humitau. Kinuha siya ni Aponi-
tolau. Humiyaw nang napakalakas ang diwata, at nagpumilit pumiglas sa mahigpit
na pagkakahuli sa kanya ng bathala. Ngunit ang mahiwagang langis na inilagay ng
bathala sa dulo ng kanyang kawit ay pinanghina ang dugo ng nimpa hanggang sa
nawalan ito ng malay.
Isang malakas at marahas na pagkakagulo ang sumunod. Nagsigawan ang mga
bantay ng palasyo at nagsilabasan sa mga pintuan. Nagmamadaling binuhat ni
Aponi-tolau ang walang-malay na diwata, nagtungo sa kanyang balsa, at matuling
nagsagwan palayo. Ilang saglit lamang pagkaraang makaalis ng bayaning Tinggian,
lumabas buhat sa kanyang silid si Tau-mari-u para tingnan kung ano ang
nangyayaring kaguluhan. Subalit huli na ang lahat.
Sa kanyang matinding galit, tinawag ni Tau-mari-u ang mga alon at ang mga tuna
ng karagatan. “Hindi ito maaari! Ang pangahas na iyon! Ano ang karapatan niyang
umapak sa aking teritoryo? At sinaktan pa ang aking mga diwata! Hulihin ninyo at
dalhin ang lapastangang iyon sa akin! Ngayon din!” At hinampas nang malakas ng
mga alon ang balsa ng bathala ng kabundukan habang itinutulak naman ito
pabalik sa palasyo ng mga tuna.
Gulat at nabalot ng pangamba, humingi ng saklolo si Aponi-tolau sa kanyang ina,
si Lang-an ng Kadalayapan, diyosa ng hangin at ulan. Narinig ng ina ang palahaw
ng anak at kaagad siyang nagpadala ng malalakas na hangin upang hilahin si
Aponi-tolau papuntang pampang. Sa kabila ng pagngangalit ng mga alon at
pagpupumilit ng mga tuna, ang bayaning Tinggian ay nakarating sa dalampasigan
nang maayos at walang pinsala.
Lalong sumidhi ang galit ni Tau-mari-u. Agad siyang nagpatawag ng pulong sa mga
diyos at kalahating-diyos (demigods) ng mga katubigan.
“Mali ang kanyang ginawang panghihimasok sa iyong kaharian!” wika ng isang
bathala.
“At isa pa niyang pagkakasala ang pagdukot kay Humitau!” dagdag ng isa pa.
“Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Isang tampalasan! Ang aking Humitau, ang
kaawa-awa kong Humitau…” humihikbing ngitngit ni Tau-mari-u.
“Huminahon ka, kapatid. Nagkasala siya kaya’t siya’y karapat-dapat lamang na
maparusahan. Tutulungan ka namin,” alo naman sa kanya ng kanyang mga
kasama.
“Kung gayon, ano ang ipapataw natin sa kanya?”
“Baha. Isang malaking bahang wawasak sa lahat ng mga nasa lupang siyang
tirahan ni Aponi-tolau. Ito ang magiging kabayaran sa mga malagim niyang
ginawa.”
Mula sa langit ay nabatid ni Lang-an ang kanilang pinaplano. Dali-dali niyang
ipinatawag ang hangin sa hilaga at pinababa ito sa lupa upang magbigay ng
mensahe sa kanyang anak.
“Anak, bakit mo ba kasi ginawa ang gayon?” tanong ni Lang-an sa anak sa
pamamagitan ng hangin.
“Alam ko po ang aking ginagawa, Ina. Ako na po ang bahala sa aking sarili.
Magiging asawa ko si Humitau,” paliwanag ni Aponi-tolau.
“May binabalak na masama sa iyo ang mga bathala ng katubigan! Parurusahan ka
nila sa iyong ginawa! Gagawa sila ng isang malaking bahang pupuksa sa lahat ng
nasa lupa!”
“Hindi maaari!” biglang hiyaw ni Aponi-tolau.
“Anak, dapat kayong umakyat sa pinakatuktok ng kabundukan ng Cordillera para
makaligtas. Dalhin mo ang iyong asawa at magtungo kayo roon.”
Sumunod naman si Aponi-tolau. Nagpunta sila sa tuktok ng bundok at naghintay
roon. At ang baha’y dumating. Mula sa mga pintuan ng kanyang palasyo, kitang-
kita ni Tau-Mari-u ang malalakas na dambuhalang along humampas sa mga
kapatagan, umagos sa mga lambak, tumangay at nagwasak sa mga halaman,
hayop, at mga taong naninirahan sa lupa. Tumaas nang tumaas ang tubig
hanggang sa maabot nito ang tuktok ng bundok. Ilang mga dipa na lamang ang
agwat nito sa lugar kung saan naroroon si Aponi-tolau at kanyang asawa.
Binalot ng matinding takot, si Humitau ay napasigaw. “Panginoong Tau-mari-u!
Nagmamakaawa ako sa inyo! Hindi na ako marunong lumangoy… at hindi na
kailanman makatitira pa sa tubigan… matapos kong makain ang pagkain sa
kabundukan na ibinigay sa akin ni Aponi-tolau… Ang pagkaing iyo’y may gayuma…
na inalis sa akin ang aking kapangyarihan. Kaya… parang awa n’yo na… Iligtas n’yo
kami!” lumuluhang pagsusumamo niya.
Sa kabila ng kanyang galit, ang bathala ng karagatan ay nahabag sa kanyang
paboritong diwatang si Humitau. Kung kaya’t tinawag niya pabalik ang mga tubig
at alon. Subalit isinumpa niyang magmula noon ay maglulubog siya ng mga
sasakyang-dagat at maglulunod ng mga tao hangga’t hindi pinagbabayaran ni
Aponi-tolau ang kanyang mga kasalanan.
Nang humupa na ang baha, sina Aponi-tolau at kanyang asawa ay bumaba nang
muli sa kapatagan. Sa kanilang dalawa nagmula ang lahat ng mga tao sa
sandaigdigan.
Maria Angelika A. Bughao Gng. Maribelle Mendoza
10 - Bonifacio July 01, 2016

ANG PARUSA
Noong unang panahon ay hindi lamang ang mga tao ang nakapagsasalita.Ang mga
halaman, ang mga hayop at mga punongkahoy ay nakakapagsalita rin.Tulad ng mga tao
at mga hayop ay nakapaglalakad din ang mga halaman.Nakapaglilibot sila sa paligid. Ang
lahat ay Masaya sapagkat personal nanakikita ang kanilang mga kamag-anak at mga
kaibigan sa anumang oras nanaisin nila.Kung ang Haring Leon ang pinuno ng mga hayop,
si Haring Molave namanang pinuno ng mga punongkahoy at mga halaman. Nakatira siya
sa tuktok ngkabundukan. Bumababa lang siya sa bundok kapag may mahalagang
pakay.Matikas ang kanyang tindig at mayroon siyang natatanging lakas. Mabait siHaring
Molave pero matapang at istrikto rin. Isang araw ay inutusan ng hari angAcacia.´Ipaalam
mo sa lahat na nagpapatawag ako ng pulong. May importantengbagay akong
tatalakayin,µ ang sabi niya. ´Tiyakin mong makararating sa lahat mga puno at mga
halaman ang aking pasabi.µHindi nag-aksaya ng panahon ang Acacia. Noon din ay isa-isa
nitongpinuntahan ang mga puno at mga halaman para ipaalam ang pulong naipinatawag
ni Haring Molave.Sa araw nang pagpupulong, maaga pa sa takdang oras ay naghihintay
nasi Haring Molave sa designadong lugar. Ugali ng hari na mauna sa
kanyangnasasakupan. Ibig rin niyang magsilbing huwaran sa mga ito sa pagdating
satakdang oras ng usapan. Ang isa kasi sa mga ugaling ayaw na ayaw niya ay
angmaghintay at papaghintayin.Nakita ng hari kung paanong halos mag-unhan at
magtakbuhan ang mgapuno at mga halaman para makarating agad sa kanyang
kinroroonan. Matalasang mata ng hari at matalas din ang kanyang isip. Alam niya na
may isanghalaman na hindi dumating sa pulong. Ito ang buri. Nagdesisyon siya na
huwagbumalik sa tuktok ng bundok hangga·t hindi nakikita ang buri. Nainip na ang
hariay hindi talaga dumating ang burin g araw na iyon. Ilang araw pa ang nakaraanbago
humarap ang buri kay Haring Molave. Noon naman ay galit nag alit na anghari sa
pagwawalang bahala ng halaman sa kanyang pagpapatawag.´Pasensiya nap o at naaliw
ako sa aking paglalakbay,µ sabi ng buri sa hari.Pero galit nag alit na ang hari. ´Dahil
binalewala mo ang aking utos at sinayang mo ang aking oras sa paghihintay ay
parurusahan kita! Mula sa arawna ito, hindi mo na makikita kahit kalian ang iyong
magiging mga anak at mgakamag-anak, dahil mamamatay ka kapag nagsimula nang
tumubo ang iyong mgabuto!µHindi nakahuma ang buri nang marinig ang parusa ni
Haring Molave. Ibigman niyang magsisi sa pagbalewala s autos nito ay huli na ang lahat.
Kahit maglumuhod siya sa harap nito ay hindi na maaaring bawiin ang ibinigay
nitongsumpa.Mula noon, namamatay ang burin a hindi na nakikita pa ang kanilang mga
supling.
Maria Angelika A. Bughao Gng. Mendoza
10 - Bonifacio July 01, 2016

Kuwento
Ang Hukuman ni Sinukuan: Bakit naparusahan ang lamok?
Noong araw, si Mariang Sinukuan ang reyna sa bundok ng Arayat. Iginagalang siya ng
mga tao sa paligid ng bundok. At dahil isang diwata, iginagalang din siya ng mga hayop.
Sinasabi na may hukuman si Maria sa bundok ng Arayat at dito nililitis ang kaso ng mga
hayop.

Isang araw, umiiyak na dumating si Martines sa hukuman ni Mariang Sinukuan. Dali-dali


niyang ipinakita kay Maria ang kanyang dala-dalang mga basag na itlog. "Bakit? Ano ang
nangyari at nabasag ang iyong itlog?" tanong ni Maria. "Kasi po, kagabi, dumamba nang
dumamba si Kabayo at natapakan ang aking pugad," sumbong ni Martines habang
umiiyak.

Ipinatawag ni Maria si Kabayo. "Bakit ka dumamba ng dumamba kagabi kaya nabasag


ang mga itlog ni Martines?" tanong ni Maria sa Kabayo pagdating. "Kasi po, nagulat ako
sa biglang pagkokak ni Palaka," paliwanag ni Kabayo.

Ipinatawag ni Maria si Palaka. "Bakit ka biglang kumokak kagabi kaya dumamba nang
dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?" tanong ni Maria kay
Palaka pagdating. Kasi po, humihingi lang ako ng saklolo dahil dala ni Pagong ang
kanyang bahay at natakot akong mabagsakan," paliwanag ni Palaka.

Ipinatawag ni Maria si Pagong. "Bakit dala mo ang bahay mo kagabi kaya natakot at
kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog
ni Martines?" tanong ni Maria kay Pagong pagdating. "Kasi po, may dalang apoy si
Alitaptap at natatakot akong masunog ang aking bahay," paliwanag ni Pagong.

Ipinatawag ni Maria si Alitaptap. Bakit may dala kang apoy kagabi kaya nagbuhat ng
bahay si Pagong kaya natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba nang dumamba si
Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?" tanong ni Maria kay Alitaptap
pagdating. "Kasi po, natatakot akong masaksak ni Lamok. May dala siyang gulok araw-
gabi at apoy lamang ang panlaban ko sa gulok," paliwanag ni Alitaptap.

Ipinatawag ni Maria si Lamok. "Bakit may dala kang gulok araw-gabi kaya nagdala ng
apoy si Alitaptap kaya nagbuhat ng bahay si Pagong kaya natakot at kumokak si Palaka
kaya dumamba nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?"
tanong ni Maria kay Lamok pagdating. "Kasi po, hinahanap ko si Talangka," paliwanag
ni Lamok.
"Bakit naman galit ka kay Talangka?" tanong uli ni Maria kay Lamok. "Kasi po, sinipit
niya ako nang minsang magdaan ako sa kanyang  bahay. Mabuti at daplis lang ang sipit
niya. Wala akong gulok na dala noon. Nang bumalik ako ay nagtago siya at hindi
malaman kung saan nagpunta. Pero maski saan siya magsuot, hahanapin ko siya," galit
nag alit na paliwanag ni Lamok.

Dahil sa laki ng galit ni lamok, wala sa loob na iwinasiwas niya ang dala-dalang gulok.
Tinamaan si Palaka at kumokak ng malakas. Nagulat si Kabayo at dumamba nang
dumamba. Nagkanya-kanyang takbo sina Martines, Alitaptap, Pagong at iba pang mga
saksi. Nagulo ang buong hukuman ni Maria.

Dito nagalit si Maria at ipinasiyang parusahan si Lamok. "Masyado kang marahas,


Lamok," sabi niya. "Kung nagkasala si Talangka sa iyo, dapat na isinumbong mo siya
dito at bahala akong magparusa sa kanya. May batas tayo at hukuman para sa
pagkakasala. Pero dahil naging marahas ka, nagulo pati ang iyong mga kapitbahay. Pati
ang hukumang ito ay nagulo sa iyong kawalan ng pagtitimpi.

Pinarusahan ni Maria si Lamok na mabilanggo sa loob ng tatlong araw. Ipinagbawal din


niya ang pagdadala ng gulok sa paglilibot ni Lamok. Pinagbayad din niya si Lamok sa
mga nabasag na itlog ni Martines at pinayuhan si Martines na huwag nang gagawa ng
pugad sa lupa.

Natakot si Lamok na maparusahan uli kaya nang makalaya ay hinding-hindi na nagdala


ng gulok. Pero patuloy pa rin siya sa kanyang paghahanap sa kalabang Talangka. Si
Talangka naman ay lagi nang nasa butas at nagtatago kay Lamok. Kaya ngayon, pag may
aali-aligid at bubulong-bulong na kulisap sa iyong tenga, si Lamok iyon. At akala ay
butas ni Talangka ang butas ng iyong tenga.

You might also like