You are on page 1of 2

TEAR’S OF JOY

BY: JOYBELLE AREVALO

4Ps naging inspirasyon ng dating out-of-school youth

SIBALOM, Antique - Ipinanganak sa Barangay Lacaron sa bayan ng Sibalom, Antique noong Pebrero 19,
1996, pangalawa sa limang magkakapatid, anak ng dating magsasaka at karpentero.

Bata pa lang ay may mataas ng pangarap sa buhay si Joybelle o mas kilala sa tawag na Joy. Ipinanganak
sa Barangay Lacaron sa bayan ng Sibalom, Antique noong Pebrero 19, 1996. Isang masayahin at masipag
na bata si Joy pero sa kabila ng kanyang mga ngiti ay may dinaramdam ito sa katawan.

Bata pa lang ay sinusumpong na ng karamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa naipapakonsulta para


malaman kong ano ang sanhi nito. Madalas siyang hinihimatay sa hindi malamang dahilan at kung saan
man siya abutan ng sumpong na ito ay walang may nakakaalam. Sa murang edad ay natutunan ni Joy na
tumayo sa sariling paa. Tumulong siya sa kanyang mga magulang sa bukid o kaya minsan naglalabada
para may pambili ng bigas.

Grade VI siya nang umalis ang kanyang ina upang makipagsapalaran sa ibang lugar para mabigyan sila ng
magandang kinabukasan. Ilang buwas pagkatapos umalis ang kanilang ina ay hindi na ito nagparamdam
sa kanila. Parang gumunaw ang mundo ni Joy pero mas higit na naapektuhan ay ang kanyang ama.
Simula noon naging lasinggero na ang kanilang ama at sinasaktan sila kapag walang maaabutang
pagkain sa hapag kainan. Madalas na walang trabaho noon ang tatay nya, maswerte na lamang kung
mayroon itong kontrata sa konstruksyon.

Sa mga panahong lugmok sa depression ang kanilang ama, nagkawatak-watak silang magkakapatid. Bata
palang sila ay kinakailangan ng makipagsapalaran. Ang kanyang ate ay trese anyos palang ng namasukan
bilang kasambahay sa isa sa naging guro nito hanggang sa palipat-lipat ng mapapasukan. Si Joy ay kinse
anyos ng kunin ng isang doktora sa kanilang bayan upang makapag-ral kapalit nito ay maninilbihan siya
sa biyanan nitong 86 na taong gulang na. Habang ang kasunod sa kanya ay nanilbihan din sa ibang tao at
yung dalawang natirang kababatang kapatid ang kasa-kasama ng kanilang ama. Sa murang edad
naranasan na nilang magkakapatid ang pait ng buhay. Parang kayod kalabaw sila kung magtrabaho.

Taong 2016 ng lumuwas siya ng Manila upang hanapin ang ina. Nakipagsapalaran at pinasok ang iba’t
ibang trabaho kasama ng Ate. Sumunod rin sa kanya ang isa pang kapatid. Hindi maging madali ang
buhay nila pero sinikap nilang makatulong sa ama nila at nakababatang kapatid. Taong 2017 noong
naloko silang magkakapatid ng kaklase ni Joy na kong saan pinangakuan silang tutulungang upang
makapag abroad kapalit ng halagang P56,000. Dahil sa tiwala at pangarap sa pamilya ay nagpadala sila
sa isang pangakong napako lamang. Masakit man ang nawalan ng malaking pera pero hindi ito naging
hadlang para kay Joy. Bumalik siya sa kanyang pag aaral taong 2018 pero nabalitaan niyang naaksidente
ang kanilang ama sa motorcycle. Mahirap man ang buhay pero pinilit nilang makapagpadala ng pera
para may pang gamot ang kanilang ama.

Suwerting nakapasok ang pamilya nila sa 4Ps kaya nakapagdesisyon si Joy na umuwi sa Antique at
bumalik sa pag-aaral. Kimuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa University of Antique.
Kahit na alam niya sa kanyang sarili na mahihirapan siya pero pinursigi niya ito. Naging motivation niya
ang buhay nila upang ipagpatuloy sa ang pangarap sa kabila ng panghihina ng katawan ng kanyang ama
at kawalan ng permanenteng pagkakitaan. Dumating ang araw na halos magkasabay ang dagok ng
buhay niya halos isang buwan lang ang pagitan ng pagpapahospital ng bunsong kapatid nila at ng ama
nila. Sa kabila ng lahat ng pait at sakit ay nairaos niya rin ang pag-aaaral kasabay nito ang pag-aaalaga sa
amang maysakit, sa lolang may dementia, pag-gabay sa mga nakakabatang kapatid at Parent Leader ng
sa 4Ps sa kanilang barangay.

Motivation at determination ang puhunan niya upang makapagtapos sa pag-aaral. Kahit na hindi man
niya naabot ang pangarap na mapabilang sa Latin Honor pero ipinagpapasalamat niya parin na
nakapagtapos siya ng pag- aral ngayong July 2023. Para kay Joy, ang pangarap ay sabayan mo ng
sipag ,tiyaga, determinasyon at focus. Huwag kang magpapadala sa mga sagabal sa pangarap dahil ikaw
at ikaw sa sarili mo ang makakatulong sa iyo.

Laking pasasalamat niya sa ahensya at sa bumubuo nito. Ngayong tapos na siya, ipagpapatuloy niya pa
rin ang mga pangarap niyang maging lisensyadong sikolohista at kung papalarin ay makapaglingkod sa
DSWD lalong lalo na sa mga taong hindi pa masyadong pamilyar sa mental health.

“Marami akong pangarap at alam ko na sa pagtatapos ko ay ang simula ng bagong yugto ng buhay ko.
Laban lang tayo dahil ang mga luha noon ay nasuklian na ng mga ngiti ngayon. (Ipinasa ng Sibalom Team,
Antique POO)

You might also like