You are on page 1of 24

Gawain 4 Pagsusuri ng sitwasyon

Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon


na nagpapakita ng mga iba’t ibang isyu tungkol sa
buhay. Sa bawat sitwasyon, sagutin sa iyong
kwaderno ang sumusunod:
a. Ilalarawan ang isyu sa buhay na tinutukoy sa
sitwasyon.
b. Isa-isahin ang mga argumento sa mga isyung
nabanggit
c. Konklusyon sa bawat sitwasyon.
• Malaki ang pag asa ng mga magulang ni Jodi na
makapagtapos siya ng pag aaral at matulong sa pag
ahon ng kanilang pamilya mula sa kahirapan.
Matalinong bata si Jodi. Sa katunayan ay iskolar siya
sa isang kilalang unibersidad. Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon, nagging biktima siya ng
rape sa unang taon pa lamang niya sa kolehiyo. Sa
kasamaang-palad, nagbunga ang nangyari sa
kaniya. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang
gagawin mo? Itutuloy mo ba ang iyong
pagbubuntis? Maaari bang ituring na solusyon sa
sitwasyon ni Jodi ang pagpapalaglag ng dinadala
niya gayong bunga ito ng hindi magandang Gawain.
• Kasama si Agnes sa mga pinakamalubhang
nasaktan sa isang aksidente na naganap noong
nakaraang taon. Ayon sa mga doctor, nasa
comatose stage siya at maaaring hindi na
magkaroon ng malay. Ngunit posibleng
madugtungan ang buhay niya sa pamamagitan ng
life support system. Malaking halaga ang
kakailanganin ng kanilang pamilya upang
manatiling buhay si Agnes. Hindi mayaman ang
kanilang pamilya. Sa iyong palagay, makatuwiran
bang ipagpatuloy ang paggamit ng life support
system kahit maubos ang kanilang kabuhayan? O
nararapat na tanggapin na lamang ang kanilang
kapalaran gayong mamamatay rin naman si Agnes?
• Dahil sa matinding lungkot, nagpasiya si Marco
na kitlin ang sariling buhay dalawang buwan
pagkatapos ng kaniyang ika-16 kaarawan.
Nagsisimula pa lamang siya sa ikaapat ng taon
ng high school. Sa isang suicide note, inilahad
niya ang saloobin ukol sa mabibigat na mga
suliraning kinakaharap niya sa bahay at
paaralan. Humingi siya ng kapatawaran sa
maaga niyang pagpanaw. Makatuwiran ba ang
ginawang pagpapatiwakal ni Marco?
• Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak noong
13 taong gulang pa lamang siya. Sa lugar na
knaiyang tinitirhan, Madali ang pagbili ng
inuming may alcohol kahit ang mga bata.
Naniniwala si Jose na normal lamang ang
kaniyang ginagawa dahil marami ring tulad
niya ang lulong sa ganitong Gawain sa kanilang
lugar. Ayon pa sa kaniya, ito ang kaniyang
paraan upang sumaya siya at harapin ang mga
paghihirap sa buhay.
• Masalimuot ang buhay ayon kay Michael. Hindi
siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ang
kaniyang totoong ama. Ang kaniyang ina naman ay
nasa bilangguan dahil nasangkot sa isang kaso.
Napilitang makitira si Michael sa mga kamag anak
upang maipagpatuloy ang pag aaral. Ngunit hindi
nagging Madali para sa kaniya ang makisama sa
mga ito. Isang araw, may lumapit na nakakilala sa
kaniya at nagtanong kung nais niya bang subukin
ang shabu. Nag alangan pa siya sa simula, ngunit
kapipilit ng kakilala ay pumayag din siya. Ito na ang
simula ng kaniyang pagkalulong sa droga.
Naniniwala si Michael na ito ang pinakamainam na
paraan upang makaiwas sa mga suliranin sa buhay.

You might also like