You are on page 1of 9

MABABANG TIMBANG

PARA SA EDAD

Ang mga bata ang karaniwang biktima ng


malnutrisyon.

Ang malnutrisyon ay sanhi ng kakulangan,


labis o sobra o di-balanseng kaloriya,
sustansiya o parehong kaloriya at
sustansiya, na dapat meron para magamit
ng katawan.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay may dalawang
mukha ng malnutrisyon: ang kakulangan
sa nutrisyon o malnutrisyon at ang sobra
sa nutrisyon o mas kilalang obesity.

Ang edad anim na buwan hanggang dalawang taon


ang akmang panahon para sa tamang nutrisyon ng
sanggol, ayon sa mga dalubhasa.
Ito ay isang panahon ng pagbabago kung kailan
nangyayari ang unang growth spurt o ang mabilis na
paglaki ng sanggol at pag-develop ng kanyang utak.
Lalaki ang kanyang ulo at lalapad ang dibdib na kung
kailan mas iigting pa ang paglago ng kanyang utak,
puso at baga. Sa loob na anim na buwan lamang ay
dodoble ang kanyang timbang at tritriple naman ito
pagkaabot niya ng isang taong gulang

Dapat tapatan ang pagbulusok na ito ng


pagpapakain ng tamang dami at uri ng
pagkain at pangangalaga sa kalusugan
ng mga bata dahil isa itong kritikal na
panahon na maaaring ikapagpatuloy ng
paglusog ng bata kung mabibigyan ng
wastong pangangalaga at pagpapakain
o ang pagbagsak naman ng kalagayang
pang-nutrisyon kung hindi sapat na
dami at tamang uri ng pagkain ang
naibibigay sa sanggol.

Narito ang rekomendasyon ayon sa


Nutritional Guidelines for Filipinos na
binuo ng mga dalubhasa sa
pangunguna ng FNRI-DOST ukol sa
pagbibigay ng pagkaing paunti-unti
ang dami:
Sa edad anim na buwan hanggang
labing-isang buwan:

- 1/2 tasang am o dalawa hanggang tatlong


kutsarang nilaga at niligis na lamang-ugat;
2 1/2 kutsara ng hinog na saging, papaya o
mangga
1 1/3 dulot ng niligis na karne, isda o manok. Ang
isang dulot ng karne ay kasing laki ng kahon ng
posporo; dalawang
katamtamang laki ng isda naman ang isang dulot
ng isda;
1 1/2 tasa ng munngo, tatlong beses sa isang
linggo;
haluan ng apat na kutsaritang margarina o
mantika ang pagkain.

Sa edad pitong buwan:


- 1 kutsarang gulay na niluto nang
malambot; at
- kalahating piraso ng lutong itlog ng
manok.
Sa edad na walong buwan:
- 3/4 malapot na am o lugaw
- apat na kutsarang malambot na
prutas, hiniwa; at
- isang kutsarang gulay, hiniwa nang
maliliit.

Sa edad na sampu hanggang isang taon:


- isang tasang malambot na kanin;
- isang pirasong tinapay;
- apat na kutsarang prutas, hiniwa nang maliliit;
- isa hanggang dalawang kutsarang lutong gulay,
hiniwa nang maliliit;
- 1 1/3 dulot ng niligas na karne, isda o manok o
monggo; at
- kalahating piraso ng lutong itlog ng manok.

You might also like