You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Schools Division Office of Cavite Province
District of the City of Carmona
ANGELO L. LOYOLA SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan Petsa

Pangkat Guro

GAWAIN BLG. 1

Panuto: Basahin ang bawat teksto at tukuyin kung anong uri nito. Ipaliwanag.

Pangamba sa Second Wave


Unang Bahagi
Marami ang nangamba sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na
nananalasa na raw ang second wave ng COVID-19 sa bansa. Noong Marso pa raw ito nag-
umpisa kung saan biglang dumami ang mga nagpositibo sa virus. Ayon kay Duque, ang first
wave umano ay nangyari noong Enero kung saan isang turistang Chinese mula sa Wuhan ang
nagpositibo at sunud-sunod na ang pagdami ng kaso. Sa kasalukuyan, 13,597 na ang positibo
sa COVID-19 sa bansa at 857 na ang namamatay.
Anong uri ng teksto?
Ibigay ang
kahulugan ng teksto

Paliwanag:

Ikalawang Bahagi
Ang pahayag ng Health secretary ay sinansala naman ng Malacañang at sinabing first wave pa
lang ang nararanasan ng bansa sa kasalukuyan. Wala raw katotohanan ang ipinahayag ng DOH
na second wave. Kanya-kanya raw kasi ng interpretasyon ang mga tao. Sabi ni Presidential
Spokeperson Harry Roque, para ring abogado ang mga doktor na may kaniya-kaniyang opinyon o
interpretasyon.
Anong uri ng teksto?
Ibigay ang
kahulugan ng teksto

Paliwanag:

Ikatlong Bahagi
Wala namang dapat ipangamba sa sinabi ng DOH. First wave o second wave man ang
nararanasan ngayon, ang mahalaga ay ipagpatuloy ng mamamayan ang pag-iingat at pagiging
alerto. Hinihikayat ang lahat na sumunod sa social distancing at sa protocol ng DOH. Huwag
papasukin sa mall, groceries at iba pang establisimento ang walang face mask. Ipagbawal ang
pagkumpul-kumpol ng mga tao. Malalabanan ang virus na ito kung susunod sa mga ipinag-
uutos at makababalik na sa normal ang pamumuhay at gugulong ang negosyo. Huwag
mangamba.
Anong uri ng teksto?
Ibigay ang
kahulugan ng teksto

Paliwanag:

Ikaapat na Bahagi
Sa ilalim ng MECQ, maaari nang magbukas ang ilang malls, establisimento at pabrika pero
mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask. Sa pagluwag,
biglang nagdagsaan sa mall ang mga tao na sabik na 26 sabik dahil sa dalawang buwan na
lockdown. Nagkaroon din ng trapik sa EDSA at iba pang malalaking kalsada nang dumagsa ang
mga motorista.
Anong uri ng teksto?
Ibigay ang
kahulugan ng teksto

Paliwanag:

Sanggunian: Pangamba sa second wave (2020, May 23) Pilipino Star Ngayon https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon
/2020/05/23/2015861/editoryal-pangamba-sa-second-wave

Ikalimang Bahagi
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa
mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na
maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. Ang mga payong ito ay
maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na
may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad ngunit
tawagan mo muna ang health facility
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Anong uri ng teksto?
Ibigay ang
kahulugan ng teksto

Paliwanag:

Sanggunian: “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID19,” World Health Organization,
nakuha noong Mayo 25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/ pitong-simpleng-hakbang-upang-
maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-labansa-covid-19

Ikaanim na Bahagi
Alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si
Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na
anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay,
ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing
bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit
napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na
lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw,
sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan
ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari.
Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa
katatanong ng anak kaya´t nawika nito: ” Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming
mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.Dahil
alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang
sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag
niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam
kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga.
Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito’y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na
sana’y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na
nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan
niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang
pinang ay naging pinya.

Anong uri ng teksto?


Ibigay ang
kahulugan ng teksto

Paliwanag:

Sanggunian: https://www.mgakwentongbayan.com/alamat-ng-pinya/#google_vignette

You might also like