You are on page 1of 6

I.

LAYUNIN:

1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan


batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan- F7PN-Ia-b-1
2. Natutukoy ang mga salitang may kaugnayan sa Covid-19
3. Natutukoy ang mga maaring gawin upang maiwasan ang Covid-19

II. PAKSA: “Ang Hamon ng Covid-19”

a) Sanggunian:
a.1 https://www.doh.gov.ph/node/19137
a.2 www.doh.gov.ph › COVID-19 › Ga...
a.3 https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino

b.) Kagamitang Instruksyunal:

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)


Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa
kasalukuyang kalagayan ng ating komunidad o lipunan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa iyong
notebook o kuwaderno sa Filipino 7.

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Gawain1
1. Ano ang kahulugan ng bawat larawan? ____________________________
2. Ano ang posibleng mensahe ng mga larawan? _______________________________
3. Paano mo maiuugnay ang mga larawan sa kasalukuyang kalagayan ng ating komunidad?
_______________________________________________
4.
C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin)

Marahil ay may ilang nakakapanibago sa ating panahon ngayon lalo na sa larangan ng kalusugan.
Mahalaga na tayo ay may kamalayan sa mga nagaganap sa ating kapaligiran kahit tayo ay bata pa
lamang.
Bago natin basahin ang akda na may kaugnayan sa mga larawan sa itaas, atin munang alamin ang
kahulugan ng mga di pamilyar na salita na ginamit sa kuwento.

Gawain 2: Isulat sa iyong kuwarderno ang titik at salita ng tamang sagot.

1. Napuna ni Aling Juling na napapadalas ang pag-ubo ng kanyang asawa.


A. nakita B.napansin C.narinig D. nahalata

4. Hindi makakabuti sa iyong katawan ang pagkain ng sitsirya, mainam na kumain ka ng prutas at gulay
para ikaw ay maging malusog.
A. masustansiya B. mabuti C . madalas D. maayos

5. Pinagmasdan ni Liway ang mukha ng kanyang ina na tila nag-aalala sa lumalaganap na sakit sa
kanilang barangay.
A. nag-aalala B.nalungkot C. tinignan D. sinilip

6. Hindi kinalimutan ni Abed ang tinuran ng kanyang ina na palaging maghugas ng kamay at magtakip ng
ilong at bibig kung babahing o uubo.
A. ibinilin B.itinuro C.sinabi D. iniutos
7. Narinig ko ang tinig ng pasyente na nagpapasalamat sa mga nars na nag-alaga sa kanya habang siya
ay nasa kritikal na kalagayan dulot ng Covid-19.
A. boses B. sigaw C. galit D. pagaa-alala

Ngayon ay maari mo nang basahin ang maikling kuwento nila Amed at ng kanyang komunidad sa
akdang pinamagatang “ Ang Hamon sa Covid-19” na isinulat ni Gng. Maureen Munda

“Ang Hamon sa Covid-19”

Malakas ang tinig ni Aling Marta habang ginigising ang anak na si Amed. Si Amed ang panganay na
anak ni aling Marta na nasa edad 13 at nasa ika-pitong baitang. Ala-siyete na ng umaga at
nakahiga pa rin ito sa kawayang papag na tila ba pinaglumaan na ng panahon.

”Amed, anak, gumising kana kanina pa ang haring araw. Mag-almusal kana at papasok kapa” ang
utos ni aling Marta

“Nariyan na po, Inay” sagot ni Amed habang nililigpit ang kaniyang higaan.

Kapeng barako,tirang kanin kagabi at pritong itlog ang inihain ng ina sa kanyang mga anak. Sinikap
ng ina na busog ang kanyang mga anak bago pumasok sa paaralan.

Bumaba na rin si Liway, ang bunsong anak na babae ni Marta. Sa edad na 10 taon ay naaasahan na
niya ito sa ibang gawaing bahay.

Sa huling baitang ng hagdanang kahoy na paulit-ulit nalamang pinukpok ng martilyo at pako upang
hindi magiba, umupo si Liway. Inabutan siya ni Aling Marta ng kapeng mainit-init pa.

“Pagkahigop mo ng kape'y pumunta kana dito sa mesa at kumain, baka mahuli kayo sa klase” wika
ng kanyang ina.

“Opo inay” magalang na sagot ni Liway

Marso noon at ilang linggo nalamang ang natitira bago matapos ang klase .

Sa paaralan, tahimik lamang na nakikinig si Amed sa talakayan. Matatapos na ang kanilang gawain
ng tila may biglang pumasok sa isip ng batang si Amed. Napatingin siya sa kanyang guro at
nagpapahiwatig na nais niyang magtanong.

Napuna ito ng kanyang guro.

“Ano ang iniisip mo Amed, parang may gumugulo sa iyong isipan.” Mahinahong tanong ni Gng. Cruz

“Ma’am ano po ang Covid-19? Napanood ko po kasi sa balita kagabi na maraming nagkakasakit ng
Covid-19 at namamatay dahil dito” inosenteng tanong ni Amed.

“Buti at naitanong mo yan, babangitin ko rin sana ang paksang yan .Mahalagang may kaalaman tayo
sa karadamang ito kahit hindi pa ito nakakapasok sa ating lugar.Ayon sa mga eksperto ,Ang
corona disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.  Ang iba
sa mga taong nagkakaroon nito ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gumagaling din
naman . Ngunit marami rin ang nakararanas ng malubhang sakit, tulad ng pagkahirap sa paghinga o
paninikip ng dibdib,lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.

Ang pangunahing dahilan ng pagkahawa ay sa pamamagitan ng maliliit na patak, ang virus ay


maaari ring makahawa sa pamamagitan ng direktang paghawak” paliwanag ng guro. “Katulad
halimbawa ng simpleng pagtalsik ng laway ng taong may dala ng coronavirus na ito papunta sa
ibang tao ay maari nang mahawa nito.” " o kaya naman ay nagkaroon ka ng derektang kontak sa
mismong tao na may Covid-19" Dagdag pa niya

“Saan po nagmula ang sakit na ito?” pahabol na tanong ng batang si David.

“Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China. Napag-
alaman kamakailan lamang na ang mga kaso ay dulot pala ng isang uri ng hindi pa kilalang
coronavirus. Mabilis kumalat ang virus na ito lalo na kapag ikaw ay nagkaroon ng derektang kontak
sa taong may dala ng virus na ito. Kaya naman mahalagang mag-ingat ang bawat isa sa atin upang
makaiwas sa sakit na ito.” Tugon ni Gng. Cruz

Si Amed at ang kanyang mga kamag-aral ay nagpakita ng malaking interest sa usapin tungkol sa
COVID-19

Napaisip ang mga mag-aaral. Tahimik ang lahat na tila ba nag-iisip na sa murang edad ay paano
nila ito maiiwasan at mapapanatiling ligtas ang bawat isa sa miyembro ng kanilang pamilya.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kanilang sild-aralan, Si binibining Castro na nagtatrabaho


sa DOH sa kanilang lugar.

Nagbigay galang si binibining Castro bago kausapin ang kanilang guro. Pagkatapos mag-usap ay
ipinakilala ni Gng.Cruz ang binibini sa klase.

“Narito si binibining Castro mula sa Department of Health ng ating syudad San Fernando.Nais
niyang magbahagi ng mga kinakailangang gawin at iwasan upang makaiwas sa sakit na Covid-19”
nakangiting wika ng guro habang tinitignan niya isa isa ang ekspresyon ng bawat mag-aaral.

May nakangiti, may mukhang nag-aalala at tila kinakabahan. Ngunit ang lahat ay nagpakita ng
kagustuhan na malaman ang sasabihin ng binibini.

“O! mga bata, narito ako upang ibahagi sa inyo ang mga kailangan ninyong gawin at iwasan upang
hindi tayo magkasakit lalo na ng Covid-19 na isang pandemikong sakit. Ibig sabihin lang nito ang
Covid-19 ay hindi lamang sakit sa iilang lugar o bansa kundi ito ay sakit na lumalaganap sa buong
mundo.” Saad ni binibining Castro.

“Tandaan ninyo ang lahat ng impormasyon na sasabihin ko upang mapanatiling ligtas ang bawat isa
sa Covid-19.

Unang-una panatilihing malinis ang inyong katawan.

Ugaliing maghugas mabuti ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon loob ng 20 segundo upang
masiguro na matangal ang mga mikrobyo. Kumain ng gulay at prutas upang mapanatiling malusog
ang inyong katawan.

Mahalagang umiwas din sa mga taong may sakit kahit na simpleng ubo at sipon. Takpan naman ang
bibig at ilong kapag ikaw ay uubo o babahing gamit ang panyo o malinis na tela.

Mas mainam para sa mga batang tulad ninyo na manatili sa bahay.

Palaging magsuot ng facemask upang hindi mahawa at hindi makahawa at tandaan ang social
distancing o pagpaglalaan ng distansya sa kapwa”

Ang mga ito ay preventive measures o mga hakbang sa pag-iwas sa Covid-19.” Mahabang pahayag
ni binibing Castro.
Tumigil sa pagsasalita ang binibini at pinagmasdan niya ang mga bata sa loob ng silid-aralan.
Nakita niya na sila ay tahimik na nakikinig at ang iba ay tumatango pa na nagpapakita ng pagsang-
ayon sa kanyang tinuran at.bawat sinasabi ng binibini ay kanilang tinatandaan .

Bago nagpaalam ang binibini ay isinulat niya sa pisara ang salitang LIGTAS ang at kahulugan ng
bawat letra upang magsilbing paalala sa bawat isa paano makakaiwas sa COVID-19.

L-aging maghugas ng kamay

I-wasan ang paglabas ng tahanan at ang mataong lugar

G-awin ang pagtakip sa bibig at ilong kapag uubo o babahing

T-andaan ang social distancing o pagdistansya sa kapwa

A-lituntunin sa iyong barangay ukol sa pag-iwas sa Covid -19 ay sundin

S-iguraduhing may suot na face mask kapag nasa labas ng tahanan

Pag-uwi sa tahanan ay ikinuwento ni Amed ang mga impormasyon ibinahagi sa kanila ng kanyang
guro at ni binibining Castro.

Binuksan ni Aling Magda ang telebisyon bago nagwika sa mga anak. “Kailangan na maging maingat
tayo at gawin ang mga paalala para makaiwas sa sakit na ito at mahalaga na palagi tayong manood
o makinig ng balita lalo na tungkol sa Covid-19.

Kinagabihan,sa pamamagitan ng facebook post at text nagpahayag ang punong guro ng kanilang
paaralan na suspinde ang klase sa kanilang paaralan hanggang sa susunod na abiso mula sa
pamahalaan ng Lungsod.

Kinabukasan gaya ng nakasanayan, ay maagang nagising si Aling Marta. Inihanda niya ang mga
pinaglumaang damit. Nilabhan niyang muli ang mga ito upang gawing facemask na kanilang
magagamit.

“Tao po! Aling Marta, Si Julia po ng DSWD.” Pinagbuksan ng gate ni Aling Marta ang bisita ngunit
hindi na ito pumasok sa loob ng tahanan at mapapansin ang isang metrong layo niya kay Aling
Marta. Nag-abot ng facemask, alcohol at ilang gamit panglinis. Nagbigay paalala na ang kanilang
barangay ay may curfew mula ala-5 ng umanga hanggang ika-12 ng tanghali. Bago umalis si Julia
ay nag-iwan ito ng isang papel kung saan nakasaad ang mga alituntunin ng kanilang barangay ukol
sa nasabing Enhanced Community Quarantine.

Bumangon na si Amed , balak niyang yayain si David at Liway para maglaro at magpalipad ng
sarangola ngunit hindi sila pinayagan ni Aling Marta.

“Mula ngayon may ilang pagbabago sa ating pang-araw -araw na pamumuhay” ang panimula ni Aling
Marta para sa isang mahabang pag-uusap …

Tumango lamang si Amed habang si Liway naman na sa kabila ng musmos na edad ay hindi
kinakitaan ng pagtutol.

Marahil batid nila ang hamon ng Covid-19


D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
# 1)

Gawain 3
Gaano na ang kaalaman mo tungkol sa Covid-19 pagkatapos mong basahin ang akda
sa itaas. Suriin mo ang mga larawan sa ibaba at lagyan mo ng tsek ( ) ang mga larawan na
nagpapakita ng pag-iingat sa Covid-19 at ekis (X) naman ang hindi.
Bigyan mo rin ng paliwanag bakit ang larawan ang nagpapakita o hindi nagpakita ng pag-iingat sa
Covid 19.

1.___ 2.__ 3.__ 4.___

Gawain 3.1 Tukuyin ang mga salitang may kaugnayan sa Covid-19 sa pamamagitan ng pagsagot
sa puzzle

Pababa Pahalang

E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #2)

Gawain 4: Pagnilayin Natin!


Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa kumpletong pangungusap.

1.Paano mo mailalarawan si Aling Marta bilang ina?


2.Ano ang katangian na Amed na taglay mo rin? Magbigay ng paliwanag?
3.Anong problema ang kinahaharap ng komunidad nila Amed?
4.Anong uri ng pamumuhay nila Amed bago nangyari ang Covid-19?
5.Anong katangian ni Amed ang makikita sa pagtatanong niya sa kanyang guro tungkol sa Covid-19?
6.Ano-anong magagadang katangian ang ipinakita ng komunidad nila Amed sa pagharap sa Covid-
19?
F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

Gawain 5: Mula sa kwentong “ Ang Hamon ng Covid-19” Suriin mo ang kalagayang panlipunan ng
mga tauhan at ng kanilang komunidad. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwarderno.
1. “Ala-siyete na ng umaga at nakahiga pa rin ito sa kawayang papag na tila ba pinaglumaan na ng
panahon… Sa huling baitang ng hagdanang kahoy na paulit-ulit nalamang pinukpok ng martilyo at
pako upang hindi magiba, umupo si Liway.
Paano mo mailalarawan ang tahanan nila Amed?
A. Nakatira sa liblib na lugar ang pamilya nila Amed.
B. Mahirap lang ang pamilya nila Amed
C. Mayaman ang magulang ni Amed
D. Nakatira sila kalye
2. Maagang nagising ang ina nila Amed upang maghanda ng almusal at sinisigurado niyang busong
ang kanyang mga anak bago pumasok sa paaralan. Ipinakikita lamang ni Aling Marta na siya ay
may pagpapahalaga sa_________________
A. Edukasyon
B. Kalinisan
C. Kalusugan
D. Pagkain
3. Ano ang suliranin na kinakaharap ng mga tauhan?
A. Maraming mahirap sa kanilang lugar
B. May lumalaganap na sakit sa kanilang pamayanan
C. Maraming batang hindi nakakapag-aral sa kanilang barangay
D. Walang malasakit sa bawat isa ang mga tao sa kanilang barangay

4. Paano ipinakita ng mga tauhan ang pagnanais nilang maging handa laban sa Covid-19? Maaring
isa o higit pa ang iyong sagot
A. Nag-tanong si Amed sa kanyang guro kung ano ang Covid-19 at nakikinig ng mabuti sina Amed at
kanyang mga kamag-aral sa paliwanag ng guro.
B. Nagpunta ang kinatawan ng DOH sa kanilang paaralan upang magbigay impormasyon at paalala
tungkol sa Covid-19 at nagpunta ang mga taga DSWD sa mga tahanan kabilang ang bahay nila
Amed upang magbigay ng facemask at alcohol gayun din ang mga bagong alituntunin para sa
Enhanced Community Quarantine
C. Tahimik lamang ang mga mag-aaral sa sinasabi ni Bb. Castro at minsan ay tumatango pa tanda ng
kanilang pagsang-ayon sa sinasabi ng dalaga.
D. Kinagabihan,sa pamamagitan ng facebook post at text nagpahayag ang punong guro ng kanilang
paaralan na suspinde ang klase sa kanilang paaralan hanggang sa susunod na abiso mula sa
pamahalaan ng Lungsod.

5. Sa iyong palagay, Nauunawaan ba nila Amed at Liway ang kanilang sitwasyon na dulot ng Covid-
19?
A. Hindi, sa mura nilang isipan ay hindi nila nauunawaan ang bagsik ang sakit na Covid-19
B. Oo, Kaya hindi na sila tumutol ng pagbawalan silang palabasin ng kanilang ina
C. Oo,dahil ito ay naipaliwanag mabuti ng kanilang guro at ni Bb. Castro
D. Hindi,dahil nagpumilit pa silang lumabas upang maglaro at magpalipad ng sarangola

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin sa pang araw-
araw na buhay)

Ang hamon ng Covid-19 ay hindi lamang sa iilan. Ito ay laban para sa lahat kaya bilang kabataan at
mag-aaral marapat lamang na makibahagi ka sa kampanya ng pamahalaan
sa pagpukasa ng Covid-19.

Gawain 6: Kaya Natin ‘to


Maari mong gawin ang isa sa mga sumusunod bilang pagpapakita ng pakiki-isa sa paglaban sa
Covid-19.
A. Gumuhit ng larawan na nagpapakita sa mga dapat gawin upang maiwasan ang Covid-19
B. Kunan ng larawan ang sarili na ipinakikita ang tamang paghugas ng kamay
C. Magsulat ng maikling tula ukol sa pagpuksa ng Covid-19
Idikit o isulat sa iyong kuwaderno ang iyong natapos na gawain

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)


Ang akdang iyong binasa ay may pamagat na “Ang Hamon ng Covd-19”
Sa iyong pananaw, Ano ang pinakamalaking Hamon sa atin ng Covid-19?

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)


Gamit ang graphic organizer, magbigay ng maaring gawin upang maiwasan ang Covid-9

Covid-19

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o
remediation)

Marahil maging sa inyong lugar ay may mga pagbabago ring naganap dulot ng Covid-19.
Mag-lista ng hindi bababa sa 5 ng mga pagbabago na naganap sa inyong komunidad dulot ng
paglaganap ng Covid-19

Inihanda ni:

MAUREEN B. MUNDA
Guro sa Filipino 7

You might also like