You are on page 1of 2

Balita

Anchor 1: Magandang Magandang hapon sainyong lahat ito ang mga balitang nag hahatid sainyo ng purong katotohanan na balita.

Anchor 2: Balitang balita mula sa inyong kanto hanggang saan mang sulok ng bansa

Anchor1 and 2: ako po si Danielle manlutac at ako naman si fionna salonga ang iyong mga chismosa reporter para sa araw na ito

Anchor 1 and 2: kayo ay nakatutok dito sa chismosa viewers!

Anchor 1: (insert mga balita)

Anchor 2:

Anchor 1 Nandito si chizmisa Alexa Mendoza para sa unang balita.

Leanne: Walang nagawang mga paglabag ang ABS-CBN Corp. sa apat na ahensya ng gobyerno kaya dapat ma-renew agad ang
prangkisa nito sa lalong madaling panahon. Ito ang lumabas sa hearing nitong Lunes sa Senate committee on public services na
pinanguluhan ni Sen. Grace Poe at sinang-ayunan din ito ng nakakaraming senador. Wala ring nilabag ang ABS-CBN na anumang mga
batas sa korporasyon at regular itong nagbabayad ng mga buwis nito sa mga nakaraang taon, ayon na rin sa mga opisyal ng Bureau
of Internal Re¬venue sa hearing.

“Regular silang nagsasampa at nagbabayad ng kanilang mga buwis sa nakaraang bilang ng mga taon,” sinabi ni Simplicio Cabantac,
Jr., pinuno ng isang yunit ng Serbisyo ng Buwis sa Pagbabayad ng BIR. Sinabi ni ABS-CBN President Carlo Katigbak na hiwalay na
binayaran ng kumpanya ang ?8.859 bilyon na mga buwis na ipinigil sa mga empleyado nito mula 2009 hanggang 2018. Ayon naman
sa kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC), ang network ay sumusunod sa mga regulasyon, taliwas sa mga paratang
na isinampa laban sa kumpanya ng media.

Kinumpirma din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaaring pagkalooban ng provisional authority ng National
Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN upang makapagpatuloy ng operasyon.Bukod dito, sinabi rin niyang sa Mayo 4
pa talaga ang expiration ng prangkisa at hindi sa Marso 30. Samantala, inihayag ng mga opisyal mula sa Department of Labor ang
Employment na wala ring nilabag na labor laws ang Kapamilya network at nagpapasweldo ang kumpanya nang tama sa mga kawani
nito.

Tanong: Bilang isang mamamayan, dapat parin bang ipagpatuloy ang pagsasara at hindi pagbibigay ng renewal sa prangkisa ng abs
cbn network?

Chismisa Number (insert class number) pahayag mo i chika mo!

Alexa: salamat chismisa number (class no.)

Para naman sa akin hindi na dapat ituloy ang pagsasara at hindi pag bibigay ng renewal sa prangkisa ng abs cbn network. dahil
napatunayan naman na wala ring nilabag ang ABS-CBN na anumang mga batas sa korporasyon at regular itong nagbabayad ng mga
buwis nito sa mga nakaraang taon. Ayon rin naman sa kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC), ang network ay
sumusunod sa mga regulasyon, taliwas sa mga paratang na isinampa laban sa kumpanya ng media. Para saakin hindi ito dapat
ipasara dahil maraming tao ang dumedepende sa abs cbn lalo na ang kanilang mga empleyado. At ang mga kanilang natutulungan na
tao sa kanilang mga programa. Kung sila ay napatunayan na bias sa pag babalita naniniwala ako na dapat bigyan sila ng pangalawang
pag kakataon upang maayos ang kanilang pag kakamali.

Anchor 1:

Anchor 2: Nandito naman si chismiza Leanne mayrina sa pangalawang balita

Leanne: Kinumpirma ng Malacañang na pagbabawalan ang mga biyahe mula sa at papunta sa isang probinsya ng South Korea upang
maiwasan ang lalong pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Idinagdag na ang probinsya ng North Gyeongsang
sa mga lugar na pinapatawan ng "travel ban" ng gobyerno. Ang balita ay ipinabatid sa publiko ng gobyerno sa pamamagitan ni
presidential spokersperson Salvador Panelo, Miyerkules.

Paglilinaw ni Panelo, hindi sasaklawin ng travel restriction ang buong Korea. "Doon lang [North Gyeongsang] 'yung concentration ng
virus," sabi ng tagapagsalita ng presidente. South Korea ang nakapagtala ng ikalawang pinakamaraming COVID-19 infections, sunod
sa Tsina kung saan ito nagsimula. Ginawa ng gobyerno ang desisyon kahit una nang nanawagan ang sektor ng turismo na pag-aralan
muna ito nang husto.

Noong Lunes, matatandaang sinabi ng Department of Health na wala pang Pilipinong tinatamaan ng nasabing virus sa nasabing East
Asian country. Una nang nagpataw ng travel ban ang Pilipinas sa kabuuan ng Tsina, ngunit binawi ito para sa mga probinsya ng Hong
Kong at Macau. Mahigit-kumulang dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang bawiin ang travel ban sa Taiwan dahil sa parehong
sakit.

Leanne: Bilang isang mamamayan, ano ang masasabi mo sa hakbang na ito ng pamahalaan at ano pa sa tingin mo ang dapat gawin
nito upang mas lalong mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa?

Class number…..pahayag mo e chika mo!

Salamat sa iyo chismosa (class no)

Leanne: Bilang isang mamamayan, nauunawaan ko ang desisyon n gating pamahalaan sa pagpataw ng travel ban sa isang probinsiya
ng South Korea dahil sa walang humpay na paglaganap ng Corona Virus Disease o COVID. Kahit na umaapela ang Kagawaran ng
Turismo sa naturang travel ban, ito ay nararapat lamang upang tayo ay maprotektahan sa nasabing kumakalat na sakit. Sa aking
palagay, nararapat na makipag-ugnayan nang mabuti ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa na may kaso ng COVID upang makagawa sila
ng makabuluhang paraan na hindi naman maaapektuhan nag sobra ang turismo sa bansa. Maaaring magpatupad an gating
pamahalaan ng mga “preventive measures” para sa mga taong manggagaling sa mga bansang may kaso ng COVID kung para sa
kanila ay hindi makatao ang travel ban.

Anchor 2: Salamat leanne para sa akin naman

Anchor 1: At ngayon nagtatapos ang chikahan ngayon sa ating bayan. Tandaan laging maging alerto sa mga nagbabagang chika.

Anchor2: Maraming salamat sa inyo mga chizmosa.

Anchor 1 and 2: Muli kami ang balitang chismosa naghahatid ng totohanang chismis mula sainyong kanto at saan mang sulok ng
bansa.

You might also like