You are on page 1of 4

05/18/2020 STEPHANIE P.

FRONDOSO BSCE-1C SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

'Mahiya kayo':
Pagdepensa ng PNP sa
ECQ bday bash ng
NCRPO chief kinastigo

James Relativo (Philstar.com) - May 13,


2020 - 12:30pm
MANILA, Philippines — Nanggalaiti ang
ilang mambabatas at senador sa pagdepensa ng pamunuan ng Philippine National
Police sa nangyaring pa-birthday kay National Capital Region Police Office (NCRPO)
director Maj. Gen. Debold Sinas kahit umiiral ang lockdown protocols laban sa
coronavirus disease (COVID-19).

Bawal kasi ang mga "mass gatherings" habang may enhanced community quarantine
(ECQ), bagay na ipinagtanggol pa ni PNP chief Gen. Archie Gamboa.

"Hindi ba sila nahihiya sa sarili nila? ... Ang tapang din ng apog nilang ibalandra 'yun sa
social media pages ng PNP, at ipinakikitang exempted sila sa lockdown measures gaya
ng social distancing at pagbabawal sa mass gatherings," galit na sabi ni Bayan Muna
Rep. Ferdinand Gaite sa Inggles, Miyerkules.

Sabi pa ni Gaite, kabalintunaan na inaaresto ng PNP ang mga relief volunteers


ngayong ECQ kahit namimigay lang ng pagkain, habang tila libreng-libre ang mga
opisyal ng gobyerno na lumabag sa sarili nitong mga patakaran.
Ipinaskil ang mga naturang litrato sa opisyal na Facebook page ng NCRPO, bagay na
kanila ring binura matapos salubungin ng mga galit na netizens.

Bago naging director ng NCRPO, dating director ng Police Regional Office-7 si Sinas
at iniuugnay noon sa "massacre" ng 14 magsasaka sa Negros Oriental.

'Walang party na nangyari'


Pero tugon ni Gamboa, hindi naman daw "party" ang nangyari kung hindi "mañanita,"
na isang uri ng surprise birthday harana.
"Walang party nangyari, ang sabi ni General Sinas. Probably nagkaroon ng mañanita,"
sagot ng pinuno ng PNP.

"I don’t think na meron violation ito."

Bukod pa riyan, siniguro naman daw na may physical distancing na nangyayari at may
face masks ang mga dumalo. Pero klarong walang suot na face mask ang ilan sa litrato.

Tumugon na rin si Sinas sa isyu at sinabing hindi siya nagpa-party.

"Actually, walang nag-party. Mga well-wishers ko iyon. 'Yung mga tauhan ko na


dumalaw... siyempre tatanggapin ko 'yun," depensa niya.
05/18/2020 STEPHANIE P. FRONDOSO BSCE-1C SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

Uminit naman ang ulo ng mga militanteng konggresista sa "palusot" ng dalawang PNP
officials.

"Bahala na sila kung anong tatawagin nila diyan, pero party talaga 'yun, at may klarong
paglabag. Makikita naman sa mga litrato," dagdag ni Gaite.

"Kaysa i-absolve si Sinas, mas okey na tignan kung ano ang mga posibleng violations,
lalo na't may mga litrato."

Ngayong araw, ipinag-utos na ni Gamboa sa PNP Internal Affairs Service na


imbestigahan ang birthday celebration ni Sinas, matapos niyang depensahan ang pulis.

Napagkatuwaan pa ng ilang netizens ang nangyaring pagtitipon, at sinabing halos 50


ang nahagip ng camera sa isang litrato.

Double standards sa lockdown restrictions?

Ayon naman kay Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, dapat masampolan ang mga
pasimuno sa nasabing pagtitipon.

"Kung seryoso sila sa pagpapatupad ng batas sa lahat dapat sampahan ng kaso ang
mga yan at ikulong kasama ang libo-libo na kinulong nila dahil sa ECQ violations,"
banggit niya sa isang pahayag.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi nanagot ang ilang opisyal ng gobyerno sa
diumano'y paglabag sa quarantine protocols.

Abril nang tipunin ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator


Mocha Uson ang 322 kataong naka-quarantine sa isang resort sa Batangas para
pamahagian ng mga mga gamit sa personal hygiene.

Marso naman nang hindi mapanagot si Sen. Koko Pimentel dahil sa kanyang paglabag
sa quarantine protocols, kahit na napatunayang may COVID-19 siya.

"Pagpapakita na naman ito ng double standards sa pagpapatupad ng lockdown


restrictions. Inaaresto, dinadahas o binabaril ang ordinaryong tao, habang 'yung mga
nasa kapangyarihan paparty-party lang," sabi pa ni Gaite. — may mga ulat mula kay
The STAR/Paolo Romero at News5

Kinuha sa: https://www.philstar.com/pilipino-star-


ngayon/bansa/2020/05/13/2013741/mahiya-kayo-pagdepensa-ng-pnp-sa-ecq-bday-
bash-ng-ncrpo-chief-kinastigo?fbclid=IwAR03r-B8AS-eqYzTlmrCyOCDCjTRikv-
RxGKlafA-_ZnxXIsQD-eBKvQyFc
05/18/2020 STEPHANIE P. FRONDOSO BSCE-1C SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

Walang Nakatataas sa Batas


Reaksyong Papel ni Stephanie Frondoso

Labis ang naging epekto ng paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo na


matatandaang nagmula sa Wuhan, China. Milyon milyong tao ang nagpositibo at
namatay dahil sa pandemyang ito. Bukod pa rito, nagkaroon din ng malawakang
lockdown at pagsasara ng mga establisyemento at kawalan ng mga hanapbuhay na
nagresulta sa kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan sa mga bansang may
kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga bansang labis na naapektuhan ay ang ating bansa na


tinatayang umabot na ng 11,000 ang nagpositibo ng nasabing virus sa kasalukuyan.
Kasunod ng paglobo ng kaso ng nahawa ng virus na ito ay ang pagpapatupad ng
Bayanihan To Heal As One Act o Republic Act No. 11469 na nagbibigay sa pangulo ng
karagdagang awtoridad para labanan ang COVID-19 sa ating bansa.

Nemo est supra leges o walang nakakataas sa batas – maliban na lamang kung
ito ay ang nagpapatupad ng batas na ito. Nakakahiyang isipin na sa Pilipinas, kung
saan lahat ay “dapat” sakop ng batas, mapabata ka man o matanda, lalaki o babae,
maputi man o kayumanggi ang kulay, kapag linabag mo ang panuntunan ay ikaw ang
mahahatulan ng kaukulang parusa maliban na lamang kung ikaw ay may mataas na
posisyon sa iyong pinanunungkulan. Habang marami ang nagugutom at naghihirap
dahil sa kakulangan ng aksyon ng gobyerno, mayroon naman tayong mga
tagapagpatupad ng batas na nagbubunyi at nagkakatuwaan pa sa gitna ng Enhanced
Community Quarantine na dapat ay kasalukuyang pinapatupad. Sa ganitong
nakakatakot na panahon na dulot ng pandemya at kawalan ng angkop na kakayahan at
aksyon ng gobyerno, kung saan marami ang di nakakatanggap ng ayuda at tulong,
kung saan marami ang di nakakapagtrabaho, nakakalungkot isipin kung gaano kasira at
kabulok ang sistema na ating sinusunod at ang mga nangunguna pa sa paglabag dito
ay ang mga tagapagpatupad ng nasabing sistema.

Napatunayan na ng kasaysayan na ang mga nasabing “tagapagtanggol ng taong


bayan” ay nasasangkot sa iba't ibang uri ng paglabag ng karapatang pantao. Ito man ay
sapilitang pag-aresto o kahit pagpatay sa nakalabag umano ng batas kahit na walang
kaukulang ebidensya. Ang lakas ng loob ng gobyerno na sabihin sa publiko na ang
pagdadalamhati ay may kakayahang makialam sa batas, ngunit ito ay pabor lamang sa
mga tagapagpatupad ng batas. Tila nakalimutan nila na ating linalabanan ang
pinakamalaking banta sa katauhan ng ating henerasyon samantalang sila'y tila
nakahiwalay sa reyalidad na kahit ang ipinapatupad na batas na ito'y hindi sila
masasagasaan.
05/18/2020 STEPHANIE P. FRONDOSO BSCE-1C SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

Noong mga nakaraang araw, ang mga opisyal ng National Capital Region Police
Office ay nagdiwang ng kaarawan ng kanilang Director Major General Debold Sinas sa
Camp Bagong Diwa. Ito'y nagdulot ng pambabatikos ng mga netizen matapos magpost
sa social media na nagpakita ng paglabag nila sa mga protocol na inaasahang kanilang
ipinapatupad. Malinaw na ito'y paglabag sa RA 11469 o Bayanihan To Heal As One
Act.

Nakakatawang isipin na ang mga taong nasangkot ay ang mga taong laging
nagpapaalala sa publiko na iwasan ang mga pampublikong lugar, iwasan ang mga
handaan o social gathering at manatili sa bahay. Kamakailan ay iba't ibang balita ukol
sa pag-aresto ng mga mamamayan na hindi nagsusuot ng face mask sa labas at mga
volunteers na ikinukulong ng mga pulisya ang kumakalat sa social media. Sila'y
agresibo sa pagpapatupad ng mga batas na ito pero kung silang inaasahang susunod
dito ay lumabag, ang mga batas na ito'y tila naglalahong parang bula. Sa madaling
salita, ang due process ay pabor lamang sa mga nakatataas ang katungkulan - at hindi
sa taong bayan.

Mayroon pa silang lakas ng loob na sabihin sa mga tao na ang mga litrato ay
edited umano at ang salo salong iyon ay kinuha pa noong Disyembre, ngunit nakita
naman ng ating mga mata na ang mga taong dumalo ay nakasuot ng face mask sa
pagdiriwang. Hindi ko alam na ang pagsuot ng face mask sa isang selebrasyon ay parte
na ng ating nakasanayan? Ang kanilang desperadong gawain na linisin ang kanilang
mga kalat habang nanonood ang mga Pilipino ay nagpapakita ng katapangan ng
kanilang mga apog.

Ang kaisa isang bagay na natutunan ko sa mga nangyayari sa kabuuan ng


lockdown na ito ay kung paano naging mapili ang sistema ng hustisya.

Stephanie Pursona Frondoso


B.S. in Civil Engineering – 1C
Bicol University
College of Engineering

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


Prof. Cecilia Monreal

You might also like