You are on page 1of 8

EL FILI… 111

Radio Script

Title: Pampaaralang Panghimpapawid sa Baitang 10 Filipino


Topic: El Filibusterismo sa Bagong Pananaw, ni Dr. Jose P. Riza
Format: School-on-the-Air
Length: 30 Minutes
Scriptwriter: Gay Marie Guese
Layunin:
 Natutukoy ang mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang akda.
 Napapatunayan ang pag-iral ng mga kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi ng
akda.
 Natutukoy ang layunin ng may akda sa pagsulat ng El Filibusterism

1 BIZ: INSERT MSC RADYO ESKWELA (Jingle)

2 BIZ: MSC RADYO HENERAL (Jingle)

3 BIZ: MSC FOR 5 SECS AND FADE UNDER (Musical Break)

4 HOST: Halina’t mag-aral, tumuklas at matuto hatid sa inyo ng paaralang

5 panghimpapawid sa Filipino para sa ika-sampung baitang.

6 RADIO TEACHER: Ako si Teacher _________________ ang inyong lingkod mula sa

7 Samboang-Ngilay High School. Nagagalak ako na makasama kayong muli sa ating

pag-

8 aaral sa pamamagitan ng radyo. Sa loob ng 30-minutos ay ihahatid ko sa inyo ang

ating

9 araling siksik, liglig at umaapaw sa kaalaman na tiyak naming kapupulutan din ninyo

10 ng aral. Halina't tayo'y sabay-sabay na tumuklas at matuto sa pamamagitan ng radyo.

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER (Musical Break)

12 RADIO TEACHER: Bago natin simulan ang ating paglalakbay tungo sa ating aralin,

13 Ihanda na ang sarili, kunin ang LAS sa ikaapat na markahan sa Filipino 10 unang

linggo.
-MORE-

EL FILI … 222

1. BIZ: MSC UP AND UNDER

2. RADIO TEACHER: Ngayong araw at sa mga susunod pa nating talakayan ay lalakbayin

3. natin ang isang panitikang nagpamulat sa ating mga Pilipino na kamtin ang Kalayaan. Ito

ay

4. walang iba kundi ang El Filibusterism o ang ibig sabihin sa filipino ay “Ang Paghahari ng

5. Kasakiman”. Ito ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na

6. si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa

7. bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito rin ang karugtong o sikwel sa Noli

8. Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hírap habang sinusulat ito. (PAUSE)

9. Oh ayan! Ngayong alam nyo na, handa na ba kayo? (Pause) Kung handa na, Narito na ang

10. mga layuning ating bibigyang tugon ngayong araw. Una, Natutukoy ang mga kondisyon

ng

11. lipunan sa panahong isinulat ang akda. Pangalawa Napapatunayan ang pag-iral ng mga

12. kondisyon sa kabuuan o ilang bahagi ng akda. At pangatlo Natutukoy ang layunin ng

may

13. akda sa pagsulat ng El Filibusterismo. (PAUSE)

14. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER

15. RADIO TEACHER: Noong nakaraan ay tinalakay natin kung ano ang nobela. Ngayon

16. naman halina’t ating sisirin ang nobelang kaugnay na ng ating kasaysayan. (Pause)

17. Tara! Sabay-sabay na buklatin ang inyong LAS quarter 4 week 1 sa filipino 10 at atin nang

18. Sisirin ang historya ng nobelang tampok ngayon.

19. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER


-MORE-

EL FILI … 333

1. RADIO TEACHER: Bago natin alamin ang kaligiran ng El Filibusterismo nais ko munang

2. tingnan ninyo ang unang pahina ng inyong LAS. Pansinin kung sino ang nasa larawan.

3. (PAUSE) Kilala nyo ba siya? (Pause) TAMA! Siya si Doctor Jose Rizal ang ating

4. Pambansang Bayani. Kung kilala na ninyo siya, isulat ang kanyang katangian gamit ang

5. concept map sa ibaba ng larawan. Uulitin ko, Isulat ang katangian ni Doctor Jose Rizal sa

6. Concept Map. Handa na ba? Sa puntong ito bibigyan ko kayo ng tatlong minute upang

mag-

7. isip ng katangian niya at ilalagay ninyo ang bawat sagot sa kahon. Simulan na.

8. BIZ: MSC 3MIN UP ANDUNDER

9. BIZ: MSC BELL RING MSC.

10. RADIO TEACHER: Tapos na ang oras! Nasagutan nyo ba? Aba’y mahusay!

11. Ngayon, basahin natin ang sumusunod na buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El

12. Filibusterismo, pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa pagsusuri. Ayos ba? Halina’t

13. sabay sabay tayong magbasa.

14. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER

15. RADIO TEACHER: (babasahin ang buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El

16. Filibusterismo) (Tingnan ang huling pahina)

17. BIZ: MSC 5 MIN UP ANDUNDER

18. BIZ: MSC. BELL

19. RADIO TEACHER: Ayan! Natapus na nating basahin. (Pause) Naintindihan mob a ang
20. iyong binasa? (Pause) Mahusay ka! Kung naintindihan ninyo ito, tara na at ating subukin

ang

21. iyong natutunan.

22. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER

-MORE-

EL FILI … 555

1. RADIO TEACHER: Sagutin ang sumusunod batay sa Larong (Fact o Bluff). Isulat sa

2. puwang ang FACT kapag ang pahayag ay nagsasaad ng Katotohanan, at BLUFF naman

3. kapag ito ay panlilinlang lamang.

4. _______1. Ang Noli at El Fili ay kapwa nobelang panlipunan, tumatalakay sa pamumuhay,

5. pag-uugali at mga sakit ng mga mamamayan noon.

6. ______ 2. Ang Noli ay ipinalimbag sa Berlin sapagkat dooy mura ang pagpapalimbag at

ang

7. salaping ginugol ay ipinahiram ni Doktor Maximo Viola.

8. ______3. Naipalimbag at nailathala ni Rizal ang Filibusterismo sa tulong ni Valentin

Ventura

9. noong 1891.

10. ______4. GOMBURZA .Sa kanila inialay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El

Filibusterismo.

11. ______5. Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba, Laguna.

12. BIZ: MSC 5 MIN UP ANDUNDER

13. RADIO TEACHER: Tapos nyo na ba? Magaling! Ngayon ay gawin naman natin ang

Gawain

14. isa na makikita sa inyong LAS. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod ay mga kondisyon
15. sa lipunan nang isinulat ang akdang El Filibusterismo. Lagyan (/) ang patlang kapag ito

ay

16. tamang kondisyon at ekis (X) naman kapag hindi.

17. ___1. Ang mga mamamayan ay may kalayaan sa sariling bansa.

18. ___2. Nagdaranas ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka.

19. ___3. Si Rizal ay kinausap ng kanyang mga kababayan upang lisanin ang pulo

20. hindi lamang sa kanyang kapakanan kundi para sa kanila rin.

21. ___4. Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

22. ___5. Suliranin sa sistema ng pamamahal.

-MORE-

EL FILI … 555

1. Pangalawang Gawain; Magtala ng patunay sa sumusunod na kondisyong panlipunan,

2. batay sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo. Gumamit ng

3. karagdagang papel kung kinakailangan. Uulitin ko magtala ng patunay sa sumusunod na

4. kondisyong panlipunan, batay sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El

5. Filibusterismo.

6. 1. SULIRANIN SA PANANALAPI Patunay:

7. 2. PANGGIGIPIT NG MGA MANANAKOP Patunay:

8. 3. KAWALAN NG KARAPATAN NG MGA PILIPINO Patunay:

9. Handan a ba ang inyong mga ballpen sa pagsagot? (Pause) Simulan nyo na!

10. BIZ: MSC 5 MIN UP ANDUNDER

11. BIZ: MSC BELL RING AGAIN

12. RADIO TEACHER: Tapus na muli ang oras para sa una at pangalawang Gawain natin.

13. (Pause) sa puntong ito ay lubos ko kayong binabati sapagkat malapit nyo ng maktapos ang
14. LAS na ito. (Yehey Sounds)

15. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER

16. RADIO TEACHER: Ngunit bago paman tayo tuluyang magtapos, Tara na at ilapat natin

ang

17. inyong natutunan. Para sa panghuling panuto: Bumuo ng buod ng kaligirang

18. pangkasaysayan gamit ang TIMELINE. Itala ang mahahalagang pangyayari dito.

Gumamit

19. ng karagdagang papel kung kinakailangan. Tingnan ang kahon sa inyong LAS, at basahin

20. ang mga pamantayan nakapaloob dito. Maari ninyong basahin muna ang mga

pamantayan

21. bago ilagay ang iyong buod sa timeline. (Pause) Nakuha ba? Mahusay! Maari na ninyong

22. simulant ang huling Gawain.

-MORE-

EL FILI … 666

1. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER

2. RADIO TEACHER:

3. RADIO TEACHER: Natapos nyo na ba? Abay, Talagang ang husay ninyo! Lubos ko

4. kayong binabati sa araw na ito sapagkat isang leksyon na naman ang ating natapos. Kung

5. meroon kayong hindi nasabayan sa ating leksyon, maaring basahing muli ang inyong

6. activity sheet sa Filipino 10 quarter 4 LAS 1. Ayos ba? Magaling! Nais kong palakpakan

7. ninyong muli ang inyong sarili.

8. BIZ: MSC (Hand Clap)

9. RADIO TEACHER: At dito na nagtatapos ang ating aralin. Hanggang sa muli nating

10. pagsasahimpapawid, ako si __________________________. Laging tandaan


11. mag-aral nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang bukas. Paalam!

12. BIZ: INSERT MSC RADYO ESKWELA (Jingle)

13. BIZ: MSC RADYO HENERAL (Jingle)

14. BIZ: OUT

-END-

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, ang kanyang pamilya at mga
kaibigan ay dumanas ng maraming paghihirap dahil sa kanyang unang aklat na isinulat na NOLI
ME TANGERE, dumagdag pa ang suliranin sa lupa ng mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kaso ng problema sa lupa,
napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na
babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Isinulat ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Bagaman may
mga pagpapalagay na may plano si Rizal para sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Muling nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong
Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Dahil na
rin sa pangungumbinsi ng kanyang mga kaibigan, at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa
ibang bansa. Ito ang kanyang sinabi ni Rizal kanyang liham kay Blumetritt habang naglalakbay siya
papalayo sa bansa.
Isinulat ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Bagaman may
mga pagpapalagay na may plano si Rizal para sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Muling nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong
Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Dahil na
rin sa pangungumbinsi ng kanyang mga kaibigan, at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa
ibang bansa. Ito ang kanyang sinabi ni Rizal kanyang liham kay Blumetritt habang naglalakbay siya
papalayo sa bansa.
Ngunit patuloy na pinagtibay ni Rizal ang kanyang damdamin dahil sa kayang adhikaing
imulat ang isipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi.
Sa kabutihang palad, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula
sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang
pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni
Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora. Ang paghahandog na ito
sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay
itinuturing na isang nobelang political. Inilahad dito ang isang malatalaarawang pagsasalaysay ang
mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa,
pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,
masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng
nobela.

You might also like