You are on page 1of 7

BASILIO … 111

Radio Script

Title: Pampaaralang Panghimpapawid sa Baitang 10 Filipino


Topic: BASILIO : Buhay , Pangarap at Mitiin , Paniniwala at Saloobin
Format: School-on-the-Air
Length: 30 Minutes
Scriptwriter: Gay Marie Guese
Layunin:
 Nailalarawan ang katangian ng pangunahing tauhan batay sa pananalita/pagkilos na
isinasaad sa akda
 Natutukoy ang tunggalian naganap sa piling kabanata ng El Filibusterismo

1 BIZ: INSERT MSC RADYO ESKWELA (Jingle)

2 BIZ: MSC RADYO HENERAL (Jingle)

3 BIZ: MSC FOR 5 SECS AND FADE UNDER (Musical Break)

4 HOST: Halina’t mag-aral, tumuklas at matuto hatid sa inyo ng paaralang

5 panghimpapawid sa Filipino para sa ika-sampung baitang.

6 RADIO TEACHER: Ako si Teacher _________________ ang inyong lingkod mula sa

7 Samboang-Ngilay High School. Nagagalak ako na makasama kayong muli sa ating

pag-

8 aaral sa pamamagitan ng radyo. Sa loob ng 30-minutos ay ihahatid ko sa inyo ang

ating

9 araling siksik, liglig at umaapaw sa kaalaman na tiyak naming kapupulutan din ninyo

10 ng aral. Halina't tayo'y sabay-sabay na tumuklas at matuto sa pamamagitan ng radyo.

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER (Musical Break)

12 RADIO TEACHER: Bago natin simulan ang ating paglalakbay tungo sa ating aralin,

13 Ihanda na ang sarili, kunin ang LAS sa Filipino 10, ikaapat na markahan, unang

linggo.
-MORE-

BASILIO … 222

1. BIZ: MSC UP AND UNDER

2. RADIO TEACHER: Ngayong araw ay talakayan natin ang kabanata anim na pinamagatang

3. Si Basilio at kabanata tatlumpo’t isa “Ang Mataas na Kawani” ng El Filibusterismo.

(Pause)

4. Ngunit bago natin ito basahin ay atin munang alamin ang mga layuning ating bibigyang

5. tugon ngayong araw. Una, nailalarawan ang katangian ng pangunahing tauhan batay sa

6. pananalita/pagkilos na isinasaad sa akda at pangalawa, natutukoy ang tunggalian naganap

sa

7. piling kabanata ng El Filibusterismo. (Pause)

8. BIZ: MSC 5 SEC UP ANDUNDER

9. RADIO TEACHER: Ngayong batid na natin ang ating layunin, Simulan na natin ang mga

10. Gawain ngayung araw. Tuklasin natin ang unang Gawain. Pagsasanay 1: Talasalitaan

11. Panuto: Basahin ang mga pangungusap at unawain ang mga salitang may salungguhit.

Piliin

12. at bilugan ang kasingkahulugan nito sa pangungusap. Inuulit ko, basahin ang mga

13. pangungusap at unawain ang mga salitang may salungguhit. Piliin at bilugan ang

14. kasingkahulugan nito sa pangungusap. (PAUSE) handa na ba kayo? Mabuti! Tutulungan ko

15. kayong basahin ang mga pangungusap. (Pause) Unang pangungusap, Tinahak ni Basilio

ang

16. madilim na landas na di dinadaanan ng mga tao at buog ingat na tinunton ang daan patungo

17. sa kagubatan ng mga Ibarra. Ang salitang may salungguhit ay? _____ Tama! Ang salitang
18. “Tinahak” ang sinalungguhitan. Ngayon, hanapin at bilugan ninyo ang kasingkahulugan

nito

19. sa pangungusap na ating nabasa. Tapus na ba? Pangalawang pangungusap, Madalas siyang

20. napapabatid sa mga ugat na nakalambutod kaya iniiwasan na niya ang mga nakausling ugat

21. ng malaking puno. Ang salitang nakasalungguhit ay ang salitang “nakalambutod” bilugan

22. ang kasingkahulugan nito sa ikalawang pangungusap na ating nabasa.

-MORE-

BASILIO … 333

1. Pangatlo, Binili ni Kapitan Tiyago ang mga lupain ng mga Ibara nang samsamin at

sapilitang

2. kunin ng pamahalaan. Ang salitang sinalungguhitan ay “samsamin” bilugang muli ang

3. kasingkahulugan ng salitang samsamin. Pang-apat, Nahirang si Basilio ng mga taong dati’y

4. humahawak sa kanya at siya ang napiling bibigkas ng pasasalamat sa araw ng pagtatapos.

5. Ang sinalungguhitang salita ay Nahirang, bilugan ang kasingkahulugan nito. At paglima,

6. Natunton ni Basilio ang bahay nina Kapitan Tiyago at nang makita ang mga ito’y labis na

7. nagalak. Ang slitang may salungguhit ay Natunton, Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang

8. natunton. (Pause)

9. BIZ: MSC 5 MIN UP ANDUNDER

10. RADIO TEACHER: Tapos nyo na bang masagutan? (PAUSE) Nakita nyo ba ang

11. kasingkahulugan ng bawat salita? (Pause) Ang galing ninyo! Ngayon dumako naman tayo

sa

12. pangalawang Gawain. Pagsasanay 2: Panuto: Nakaranas na ba kayo ng mga kapaitan sa

13. buhay? O iyong hirap na pinagdaanan? (PAUSE) Paano ninyo napagtagumpayan ang

14. kapaitang inyong naranasan? Gamit ang Fan Fact Analyzer na makikita mo sa iyong LAS,

15. Punan ang hinihingi ng bawat kahon o ng Fan Fact Analyzer. Nariyan nakasaad kung ano
16. ang Pangyayari, Paano napagtagumpayan at ang aral na iyong napulot mula sa mapait na

17. pangyayaring iyong naranasan. (Pause) Nakuha mo ba? O sigi simulan mong punan ng

sagot

18. ang Fan Fact Analyzer.

19. BIZ: MSC 5MIN UP ANDUNDER

20. BIZ: MSC BELL RING MSC.

21. RADIO TEACHER: Tapus na ang oras! Naibahagi nyo na ba ang inyong karanasan?

22. (PAUSE) Magaling kung ganoon! Binabati ko kayo sapagkat dalawang Gawain na ang

23. inyong natapos ng may paghuhusay!

-MORE-

BASILIO … 444

1. Ngayong natapos na natin, nais kong basahin ninyo ang nasa pahina pangalawa ng Filipino

2. 10 quarter 4 LAS2 o iklawang lingo. Basahin at unawain ang buod ng Kabanata 6 at 31 ng

3. El Filibusterismo. Habang kayo ay nagbabasa ay hayaan ninyong basahin ko rin ito.

4. BIZ: MSC 5SEC UP ANDUNDER

5. RADIO TEACHER: (BABASAHIN ANG KABANATA 6 At 31 NA NASA BABA NG

6. SCRIPT)

7. BIZ: MSC 5MIN UP ANDUNDER

8. BIZ: MSC BELL RING MSC.

9. RADIO TEACHER: Naintindihan nyo ba ang pangyayari sa buod na inyong binasa?

10. (PAUSE) Napakahusay ninyo! Kung talagang naunawaan nyo na ay ating subukin ang mga

11. gawaing nakapaloob dito. Ihanda nang muli ang sarili sa ating Gawain.

12. BIZ: MSC 5SEC UP ANDUNDER

13. RADIO TEACHER: Pagsasanay 1: Panuto: Sa tulong ng Character Webbing, na makikita

14. mo sa baba ng iyong LAS, magbigay ng pagkakakilanlan sa pangunahing tauhang si Basilio


15. at pagkatapos ay bigyan ng mga patunay. Inuulit ko, magbigay ng pagkakakilanlan sa

16. pangunahing tauhang si Basilio at pagkatapos ay bigyan ng mga patunay.

17. Pagsasanay 2: Panuto: Bakit nilikha ni Dr. Jose Rizal si Basilio bilang isa sa

18. mga tauhan ng El Filibusterismo gamit ang Thinking Map. (Pause) Alam kong kaya

ninyong

19. sagutan ang ating Gawain. Sa puntong ito bibigyan ko muli kayo ng ilang minute para ito

ay

20. masagutan.

21. BIZ: MSC 5MIN UP ANDUNDER

-MORE-
BASILIO … 555

1. RADIO TEACHER: Tapos na muli ang laang oras. Napunan nyo ba ang Character

webbing

2. at Thinking Map? (Pause) Ang galing ninyo! Nawa’y nasagutan ninyo ng maypaghuhusay

3. ang bawat gawain natin ngayong araw. Para sa huling dalawang gawain natin. Nais kong

4. sagutin din ninyo ang bahaging ISAGAWA NATIN at ILAPAT NATIN na makikita parin

5. sa inyong LAS.

6. Sa bahaging Isagawa, sabay-sabay nating basahin ang talata.

7. Ang kalagayan sa buhay ni Basilio ay nakaapekto nang labis sa kanyang problemang

8. kinasapitan. Mabuti-buti na lang sana kung buhay pa tagapagkupkop niyang si Kapitan

9. Tiyago at maari siyang matulungan. Hindi magawang pumadrino ni Basilio humiling ng

10. tulong kay Simoun, malamang na matagal na siyang nakalaya lalo na’t ang mag-aalahas

ang
11. anino ng Kapitan Heneral.

12. Sa tulong salapi, nakalaya si Makaraig, ganoon din si Isagani pagkat pari ang amain nito.

13. BIZ: MSC 5SEC UP ANDUNDER

14. a. Ang talatang binasa ay kakikitaan ng mga tunggaliang higit na nagbibigay-kulay

15. sa akda. Paano ipinakita sa kabanatang ito ang tunggalian ng mayaman at

16. mahirap? Isulat ang iyung sagot sa inilaang bahagi ng iyong LAS.

17. At para sa huling gawain na “ILAPAT NATIN” Bumuo kayo ng isang sanaysay tungkol sa

18. kasabihang “Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkakamit ng tagumpay” Isulat parin ang

19. iyong gawa sa inilaang bahagi. Huwag kalimutang basahin din ang Pamantayan o Rubriks

20. sa gawain. (PAUSE) Maari na ninyong simulan.

21. BIZ: MSC 5SEC UP ANDUNDER


22. Alam kong kaya ninyong sagutan ang ating mga gawain. Sa muli, Nais ko kayong batiin

23. sapagkat natapos at napagtagumpayan natin ang aralin at gawain laan ngayong araw. Kung

24. meroong bahaging hindi malinaw sa inyo ay maaring basahin ninyong muli ang inyong

LAS.

Naintindihan ba? Mahusay! -MORE-

BASILIO … 666
1. BIZ: MSC (Hand Clap)
2. RADIO TEACHER: At dito na nagtatapos ang ating aralin. Hanggang sa muli nating

3. pagsasahimpapawid, ako si __________________________. Laging tandaan

4. mag-aral nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang bukas. Paalam!

5. BIZ: INSERT MSC RADYO ESKWELA (Jingle)

6. BIZ: MSC RADYO HENERAL (Jingle)

7. BIZ: OUT

-END-
Panuto : Basahin at unawain ang buod ng Kabanata 6 at 31 ng El Filibusterismo.

Kabanata 6 - Si Basilio
Nang tumunog ang kampana para sa simbang gabi, maingat na nagtungo si Basilio
sa gubat ng mga Ibarra na pag--aari na ngayon ni Kapitan Tyago. Ipinagdasal niya ang
kaluluwa ng ina at ginunita ang nakaraan.
Labintatlong taon na ang nakalilipas nang papilay-pilay niyang hinabol ang kanyang
baliw na ina sa lugar na iyon at namatay. Dumating ang isang lalaking sugatan at inutusan
siyang gumawa ng siga. Pagbalik niya Nakita niya ang isa pang estranghero na nakatayo sa
tabi ng patay na lalaki. Magkatulong silang naglibing sa dalawang namatay.
BASAHIN
Lumuwas si Basilio ng Maynila ngunit walang tumanggap sa kanya. Mabuti na lamang
at nakita niya si Kapitan Tyago. Nagprisinta siyang katulong kapalit ng kanyang pag-aaral sa
Letran. Maraming paghihirap ang dinanas niya sa nasabing paaralan. Ngunit dahil sa
natamong karangalan hinikayat siya ni Kapitan Tyago na lumipat sa Ateneo Municipal.
Pagtapos ay nakapapanggamot na siya. Huling taon na siya sa pag-aaral. Pagkatapos niya’y
pakakasal na sila ni Huli.

Kabanata 31 - Ang Mataas na Kawani


Nangakalaya ang mga esudyante, salamat sa kanilang mga kamag- anak na hindi
nag-atubiling gumastos, magregalo at magsakripisyo para sa kanila. Una’y si
Macaraig,pinakahuli si Isagani. Ang tanging di nakalaya ay si Basilo, dahil inakusahan siyang
nagmamay-ari ng isang ipinagbabawal na libro.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio sa pag-aakalang makakawala ito sa
utos ng Kapitan Heneral. Subalit lalo lamang itong nakasama pagkat matagal nang may
alitan ang heneral at ang Mataas na Kawani. Nagtalo ang dalawang pinuno ng bayan na may
kaugnayan sa pamumuno sa Pilipinas. Hindi naging katanggap-tanggap para sa Kapitan
Heneral ang pagtatanggol ng Matatas na Kawani sa mga Pilipino. Hindi pa man , minabuti
ng kawaning magbitiw sa tungkulin na siyang ikinatuwa ng heneral.

You might also like