You are on page 1of 5

Pamagat:Paraalang Panghimpapawid sa Grade 9 Filipino

Paksa:Tanka at Haiku
Pormat:School-on-the-air
Length:30 minutes
Scripwriter:Krizell Joy Marquez
Layunin:Pagkatapos makapakinig ng episode na ito ,ang mga mag aaral ng grade 9 Filipino ay inaasahang
Maipaliliwanag moa ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku;at Makapagsulat ka
ng payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat.

1.BIZ:INSERT SOA PROGRAM ID

2.BIZ:MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3.HOST:Isang masayang araw sa inyo mga minamahal naming mag aaral ng ika-siyam na baitang,magulang at

4. mga tagapakinig.Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino.Nagagalak ako na makasama

5. kayo sa pag-aaral sa radyong panghimpapawid sa Filipino.Ako ang inyong guro Krizell Joy Marquez.

6. Tumutok lamang sa inyong mga radyong upang marinig ang aking sasabihin.Siguraduhing walang ingay

7. o anumang bagay na makaiistorbo sa inyong pakikinig.Bibigyan ko kayo ng ilang segundo upang ihanda

8. ang inyong mga sarili.Ngayon ihanda na ninyo ang inyong mga kagamitan tulad ng ballpen,lapis

9. kwaderno aklat at modyul.

10.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

11.HOST:Bago natin simulant ang mahalaga nating aralin pakinggan muna natin ang isang paalala

12.INSERT INFOMERCIAL

13.HOST:Handa na ba kayo?(PAUSE)Bago nating simulant ang aralin,Nais ko munang magbigay ng pick up line

14. Sana new normal nalang ako Bakit? Para may kakayahan akong baguhin ang Sistema ng pang araw-

araw mo.(PAUSE)Hayan! Sana napangiti ko kayo!

15.MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

16.HOST:Ngayon an gating aralin ay Tanka at Haiku,inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay Maipaliliwanag

17 mo ang Pagkakaiba at Pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku at Makapagsusulat ka ng

18 payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.(PAUSE) Ngunit bago tayo magsimula sa

19 aralin(PAUSE).Tingnan nga natin kung matatandaan niyo pa ang Dulang Tiyo Simon.

20.HOST: Ilarawan nga si Tiyo Simoun sa dula?(PAUSE)Mahusay! Bagamat siya ay may kapansan,hindi pa rin siya

21. nawawalan ng pag asa sa buhay.Ano naman ang malaking impluwensya ng pangunahing tauhan kay

22. Boy?(PAUSE) Tama! Ang pagbabalik loob niya sa diyos.

-MORE-
Mga Pahayag…222

1.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

2.HOST:Sana hindi ninyo ito makalimutan ha!(PAUSE) Ngayon naman alamin natin ang mga sagot sa nakaraang

3. pagsusulit.Natatandaan pa ba ninyo ang inyong mga isinagot.Kung may hawak kayong kopya,kunin na

4. ninyo ito at tingnan natin kung ilan ang inyong puntos(PAUSE)Sige kunin na ninyo!

5.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

6. HOST:Para sa unang tanong ang sagot ay pananampalataya.(PAUSE) Ikalawang tanong ang sagot ay

7. matibay(PAUSE).Ikatlong tanong narinig,pang apat na tanong ang sagot ay matibay(PAUSE).

8. Ikatlong tanong narinig,pang-apat na tanong ang sagot ay nabendisyonan at Ikalimang tanong

9 ang sagot ay sumakabilang buhay.

10.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

11.HOST:Ilan ang sagot ninyong tama?(PAUSE) BINABATI KO KAYO! Maya-maya ay mayroon na naman tayong

12. Maikling pagsusulit. Kaya making nang mabuti,at huwag mag alala(PAUSE) siguradong mataas na

13. naman ang inyong makukuha.Kung mababa man ang inyong iskor huwag kang mag alala,kasi may

14. panahon ka pa para bumawi.

15.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

16.HOST: Kaya sige simulant na natin! Naniniwala ako na batay sa pag aaral natin kahapon ay naintindihan ang

17. nilalaman ng dula. Subalit napansin niyo ba , ang pagsulat ng tula at dula ay mag kaiba ang estilong

18 ginagamit (PAUSE) Kaya ngayon para mas maintindihan natin ang estilo sa pagsulat ng

19. tula,kailangang matukoy nating kung Ano nga ba ang uri ng tula,Ngunit bago natin gawin alamin

20. muna natin ang kahulugan ng tula.

21. BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

22.HOST: Alam ba ninyo na ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahahayag ng damdamin at kaisipan

23 Ng isang tao gamit ang maririkit na salita.Ito ay binubuo ng mga saknong at mga taludtud.Marami

24 tayong mga uri ng tula ,ngunit ang pagtutuunan natin ng pansin ngayon ay tula ng nagmula sa

25 bansang Hapon,ang tanka at haiku.

26.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

27.HOST: Upang mas madali nating maintindihan,magkakaroon muna tayo ng pahapyaw sa pagsilip sa

panatikan ng bansang Japan.Alam ba ninyo na ang Japan ang isa sa mga kilala at nangunguna sa

larangan ng ekonomiya at teknolohiya hindi lamang sa Asya.

-MORE-
Mga Pahayag…333

1. Kundi maging sa buong daigdig.Bagamat makabago na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao roon

2. Napananatili pa rin nila ang kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga sa panitikan.Patuloy nila

3. Itong ginagamit at pinagyayaman tulad na lamang ng tanka at haiku.

4.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

5.HOST: Ano ng aba ang Tanka,(PAUSE)Ang Tanka ay ginawa noong ikawalong siglo.Maikling awitin na binubuo

6 Ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtud. Karaniwang hati ng pantig na may limang

7 taludtud ay 7-7-7-5-5 ,5-7-5-7-7 o maaring makapagpalit palit din na ang kabuuan ng pantig ay

8 tatlumput isang pantig parin(PAUSE).Samantla ang haiku ay ginawa noong ika-15 siglo.Mas pinaikli pa

9. sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtud.Maaring ang hati ng pantig sa

10. mga taludtod ay 5-7-5 o maaring magkapalit-palit din ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.

11. At karaniwang paksa ay tanka ay pagbabago,pag iiibig, at pag iisa.Ang paksang gingamit naman sa

haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.

12.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS UNDER

13.HOST: Uulitin ko ang Ang Tanka ay ginawa noong ikawalong siglo.Maikling awitin na binubuo

14 Ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtud. Karaniwang hati ng pantig na may limang

15 taludtud ay 7-7-7-5-5 ,5-7-5-7-7 o maaring makapagpalit palit din na ang kabuuan ng pantig ay

16 tatlumput isang pantig parin(PAUSE).Samantla ang haiku ay ginawa noong ika-15 siglo.Mas pinaikli pa

17. sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtud.Maaring ang hati ng pantig sa

18. mga taludtod ay 5-7-5 o maaring magkapalit-palit din ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.

19. At karaniwang paksa ay tanka ay pagbabago,pag iiibig, at pag iisa.Ang paksang gingamit naman sa

20 haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.

21. Halimbawa ng haiku.Matandang Sapa/Ang palakay tumalon/ lumalagaslas.(PAUSE) O ayan suriin natin

22. ayon sa bilang ng bawat taludtud ito ay may sukat na 5(PAUSE) Magaling! Pangalawang taludtod ito ay

23. may sukat na 7 (PAUSE)Aba ,Mahusay! At ang pangatlong taludtod ito ay may sukat na 5(PAUSE)Tama

24. Kaya ang haiku ay binubuo ng labimpitong sukat.At ang Paksa nito ay Kalikasan mahusay! Ngayon

25 . nakuha baa ng ibig ipahiwatig ng halimbawa ng haiku?(PAUSE) Binabati ko kayo!

26. Ngayon ay halimbawa naman ay Tanka:Ngayoy mag-isa/Nakatingin sa tala/ Nakatingala /Habang

27 yakap ang hangin/Katahimikang Damhin.

-MORE-
Mga Pahayag…444

1. Ating suriin,Sa unang taludtod ito ay may sukat na 5(PAUSE)Tama! Sa ikalawang taludtod

2. 7(PAUSE)Magaling! Sa ikatlong taludtod 5(PAUSE)Mahusay! Ikaapat na taludtud 7(PAUSE) Tama!

3 At sa ikalimang bilang 7 (PAUSE) Magaling! At ang paksa nito ay Pag ibig.Napakahusay!

4 Napakadali di ba?

5.BIZ:MSC UP FOR 5 MINS

6.HOST: Ngayon tingnan natin (PAUSE).Suriin ang babanggitin kung tula kung ito ab ay tanka o haiku

7 Dinggin mo mahal/ Puso kong humihiyaw/Ngalan moy sigaw. Anong uri ng tulang Hapon ito?

8 Mahusay! Ito ay halimbawa ng haiku sapagkat mayroong itong tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5

9. Akoy gutom na/Para sa Pagbabago/ng ating bayan/Para sa ating bukas/Para sa kabataan.Anong uri

10 ng tulang hapon ito? (PAUSE) Magaling! Ito ay halimbawa ng tanka ,sapagkat mayroong limang

11 taludtod na may sukat 5-7-5-7-7(PUASE) Binabati ko kayo!

12.HOST: Malinaw na baa ng ating aralin?(PAUSE)Mabuti kung ganon! Ngayon alam kong kaya na ninyong

13 sumulat ng sarili ninyong tanka at haiku(PAUSE) Sige tingnan natin kung naunawan ninyo talaga

14 angating tinalakay. Ihanda ang inyong mga papel at ballpen! Magkakaroon tayo ng pagsusulit.At

15 katulad ng sinabi ko kanina ,kailnagng bumawi kayo ngayon.Panuto:Buklatin ang inyong modyul

16 sa pahina 95,Gawain 6 Basahin at unawaing mabuti ang tanka at haiku ,Pagkatapos ay sugutin ang

17 mga tanong .Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang tapusin ang pagsagot ,ang oras magsisimula

18.BIZ :MSC UP FOR 5 MINS

19.HOST: Tapus na ang limang minute.Ngayon tingnan natin ang inyong mga sagot !Paalala lamang maging

20 Tapat sa pagwawasto sa sarili ninyong sagot. Tandaan”Honesty is the Best Policy”

21.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

22.HOST: Para sa unang bilang,ang sagot ay Haiku 5-7-5.Nakuha ba ang sagot?(PAUSE) MAGALING!

23. Sa pangalawang bilang Tanka na may sukat na 7-7-5-5-7 (PAUSE).Sa pangatlong bilang

24 haiku 5-5-7(PAUSE) Nakuha ba lahat? Aba Magaling! Binabati ko kayo! Kung hindi naman at

25. mayroon kayang katanungan,Huwag kayong mag aalaal ,maari ninyo akong tanungin sa

26 pamamagitan ng pag chat sa grou[ chat natin o kaya naman pagtetext upang malaman ko

27 kung dapat pa bang palalimin ang ating aralin.

28.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

29.HOST: Mangyari ban a ipasa ang inyong mga iskor, sa pamamagitan ng text o kaya naman ay tawag

-MORE-
1. o kaya I pm sa akin.(PAUSE) Huwag kayong nag alala,ito ay upang malaman ko kung ano ang bilang

2. na dapat nating bigyang linaw para sa ikalalawak at ikalalalim sap ag-unawa.

3. HOST: Para sa karagdagang Gawain.Muli balikan natin ang tanka at haiku.(PAUSE).Sumulat kayo ng sarili

4. ninyong tanka at haiku.Itala ito sa malinis na papel.Ang pamantayan sa pagsulat ng Haiku at Tanka

5. ay ang sumusunod: PAKSA:5 Nilalaman :5 Estruktura:10 Kabuaan 20 puntos. Ang gawaing ito ay

6. idadag –dag natin sa intong portfolio,kung kayat hihintayin ko ang awtput ninyo sasusunod na araw.

7.BIZ:MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8. Naintindihan baa ng panuto:( PAUSE) Mainam kung ganun! Diyan na nagtatapos ang aralin sa araw

9 na ito. Upang lalong maragdagan ang inyong kaalaman,lagging tumutok sa ating Paaralang

10 Panghimpapawid.Laging tatandaan anumang hamon ang dumating sa ating buhay. Edukasyon ang

11. ating gabay! Hanggang sa muli ,Salamat…

You might also like