You are on page 1of 10

Date: January 11, 2022

Time: 7:30-8:00
May iba’t ibang uri ng… 111

Title: Polangui Radyo Eskwela sa Kindergarten


Topic: May iba’t ibang uri ng masusustansiyang pagkain
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Ma. Yvette Nadine Bejado
Objective: Pagkatapos ng aralin sa radyo, ang mga bata ay inaasahang matutukoy ang mga
pagkaing masustansya.

1 INSERT SOA PROGRAM ID

2 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 TAGAPAGDALOY: Rise and shine, Polangui! Broadcasting live from the

4 beautiful land where we celebrate Kalamay Festival, Polangui, Albay,

5 Region V- Bicol. Masayang pagbati para sa masagana at magandang buhay

6 mga mahal naming mag -aaral sa Kindergarten. Isa na namang umagang

7 hitik na hitik sa kaalaman at magagandang aral ang matutunghayan ninyo sa

8 araw na ito. Ito ang ….

9 MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

10 TAGAPAGDALOY: Polangui Radyo Eskwela: Uswag Polangui! Kaagapay niyo

11 sa pagkatuto, walang mahuhuli, lahat matututo. Mula sa bulwagan ng 107.9

12 LGU Polangui Radio and Internet TV, ito ang istasyon na magbibigay ng

13 bagong karunungan sa Kindergarten na ang Content Focus ay “Ang mga

14 pagkaing masustansya”. Ang ating mensahe ng araw ay “May ibat’-ibang

15 uri ng masusustansyang pagkain”. (HINTO) Kami ay masayang gagabay sa

16 inyong pag-aaral sa pamamagitan ng Radio and Internet TV. Ako ang

17 inyong Teacher Anchor, Teacher Zyrene Jay A. Barrameda ng Napo

18 Elementary School. Tawagin niyo na lang akong Teacher Zy. (HINTO)

19 Kunin na ang inyong Modyul 15. Yayain na si Teacher Nanay, tatay, o

20 kaya’y sina ate’t kuya upang kayo’y gabayan at tulungan.

21 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’t ibang uri ng...222

1 TAGAPAGDALOY: Simulan na natin ang ating aralin kasama ang inyong guro sa

2 radyo na si Teacher Ma. Yvette Nadine Bejado ng Napo Elementary School.

3 Isang masigabong palakpakan naman diyan, mga bata! (SFX: CLAPS)

4 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

5 GURO: Hello, kids! Maganda at masayang araw muli sa inyo mga batang Kinder.

6 Ganon din sa inyong mga magulang at iba pang tagagabay. (HINTO) Sa

7 muli, ako ang magiging guro ninyo sa radyo, ako po si Teacher Nadine.

8 (HINTO) Excited na ako sa talakayan natin ngayon! Sana ganun rin kayo

9 kids! (SFX: YEHEY) Mga bata, sabayan uli natin ang awit ni Teacher Cleo

10 na pinamagatang “Kumusta Ka”.

11 INSERT SONG: KUMUSTA KA NI TEACHER CLEO

12 GURO: Kumusta po kayo mga bata? (HINTO) Sa muli ay hangad ko na nasa

13 mabuti at ligtas kayong kalagayan. (SFX: YEHEY) Kumain na ba kayo ng

14 inyong almusal? (SFX: YEHEY) Gaya ng sabi ni teacher kahapon, huwag

15 kalimutan ang pagkain ng almusal para lagi tayong malakas at bibo. Naligo

16 na rin po ba kayo? Mahusay! (SFX: CLAPS) Talagang handang handa na

17 kayo para matuto. Bago tayo uli magsimula sa ating aralin, iunat-unat muna

18 natin ang ating katawan sa pamamagitan ng pagsabay sa dance exercise na

19 “Tayo’y Mag-ehersisyo” na makikita sa video. Tumayo po muna tayo.

20 (HINTO) Ready na po ba? Tara! Mag-ehersisyo na tayo!

21 INSERT VIDEO: TAYO’Y MAG-EHERSISYO NI TEACHER CLEO

22 GURO:Wow! Ang gagaling namang sumayaw! (SFX: CLAPS) Talagang

23 handang-handa ng matuto ngayong araw. (SFX: YEHEY) Maaari na

24 kayong umupo sa pinaka-komportableng lugar kasama ang inyong

25 tagagabay. (HINTO)

26 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’t ibang uri ng. . .333

1 GURO: Naalala po ba ninyo mga bata ang kuwento na ibinahagi kahapon?

2 Mahusay! (SFX: YEHEY) Sa mga hindi naman nagkaroon ng

3 pagkakataong makasabay at makapakinig sa radio kahapon, huwag kayong

4 mag-alala sapagkat babalikan natin ang kwentong “Ang Magkakaibigan sa

5 Bukid ni Tatay Berto”. (HINTO) Alam ko na excited na kayong marinig

6 muli ang kuwento. (SFX: YEHEY) Pero bago natin simulan ang

7 kwentuhan, halina’t sumabay sa pag-awit ng “Oras na ng Kwentuhan,” ni

8 Teacher Cleo. Handa na po ba kayo? (SFX: YEHEY)

9 INSERT SONG: ORAS NA NG KWENTUHAN NI TEACHER CLEO

10 GURO: Salamat mga bata sa pagsabay sa awitin na “Oras na ng Kwentuhan”.

11 Talagang wala akong masabi sa husay ninyo sa pagsayaw at pag-awit.

12 (SFX: CLAPS) Sa pagbalik-aral natin sa kwento, maaari bang ibahagi

13 ninyong muli ang mga dapat tandaan kapag nakikinig ng kwento? (HINTO)

14 Ano ang mga dapat nating tandaan kapag nakikinig ng kwento? (HINTO)

15 Maari ninyong sabihin ang inyong kasagutan kay Titser Nanay o Titser

16 Tatay, kay Titser ate o kay Titser kuya, at ipatype ito sa comment box.

17 Maari din kayong mag-text sa numerong ______ upang magbigay ng inyong

18 kasagutan. (HINTO) Inuulit ko po, ano ang mga dapat nating tandaan kapag

19 nakikinig ng kwento?

20 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

21 GURO: Ayan may sumagot na, tama po kayo, gamitin ang tainga sa pakikinig.

22 Magaling! (SFX: CLAPS) Tainga dapat ang gamitin sa pakikinig. Ano pa

23 po? (HINTO) Ang sagot ni ___ at _____ ay wag maingay! Tama kayo

24 diyan, mga bata! (SFX: YEHEY) Mas maiintindihan ninyo ang kuwento

25 kung walang ingay. Ano pa kaya? (HINTO)

MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


-MORE-
May iba’t ibang uri ng. . .444

1 GURO: Ang sagot naman ni ___ at ___ ay wag makikipaglaro, makinig lang ng

2 mabuti kay Teacher. Wow! Ang huhusay naman! (SFX: CLAPS) Talagang

3 handang-handa ng makinig ng kwento.

4 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

5 GURO: Ang kwentong muli ninyong pakikinggan ay pinamagatang,” Ang

6 Magkakaibigan sa Bukid ni Tatay Berto” Sabihin nga muli ang pamagat ng

7 kwento. (HINTO) Opo, ang pamagat ng kwento ay”Ang magkakaibigan sa

8 bukid ni Tatay Berto” (SFX: YEHEY) Ang kwentong ito ay isinulat ni Rita

9 D. Quierra at iginuhit ni Elenor L. Abasolo. Saang parte kaya ng kwento

10 makikita ang kanilang mga pangalan? (HINTO) Upang malaman kung saang

11 bahagi ng kwento makikita ang kanilang mga pangalan, tingnan ang modyul

12 at buksan sa pahina pito. (HINTO) Sa kwentong muli kong ibabahagi sa

13 inyo, alamin natin kung anu- ano ang ibat’-ibang uri ng masusustansyang

14 pagkain. Magsimula na tayo! (HINTO)

15 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

16 GURO: “Ang Magkakaibigan sa Bukid ni Tatay Berto” INSERT PPT SLIDE NO.6

17 Kuwento ni Rita D. Quierra at iginuhit ni Elenor L. Abasolo. (HINTO)

18 “Isang araw, masayang nagkukwentuhan ang tatlong magkakaibigang

19 Bebang, Bella, at Betty. Nakaupo sila sa ilalim ng puno ng banaba habang si

20 nanay Belen naman ay abala sa pagdidilig ng halaman sa bakuran. “Ang

21 ganda naman bestida mo Bella!” wika ni Bebang. INSERT PPT SLIDE NO.

22 7 “Binili ito ng aking nanay Bening sa bangketa kasama ang tatay Binong.”

23 Sagot ni Bella. INSERT PPT SLIDE NO. 8 “Bakit, ano ang trabaho ng tatay

24 Binong mo?” tanong ni Betty.

MSC UP 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’t ibang uri ng . . .555

1 GURO: “Nagtitinda ng karneng baboy, baka at manok sa palengke.” Sagot naman

2 ni Bella. “Si Nanay Bening naman INSERT PPT SLIDE NO. 9 ay

3 nagtitinda ng mga lutong kakanin na suman at puto, softdrinks at mga

4 pagkaing de lata, noodles, fruit salad at atsara, banana cue, nilagang mais at

5 lutong ulam” dagdag pa nito. INSERT PPT SLIDE NO. 10 Ikaw naman

6 Betty, anong trabaho ng Tatay Berto mo? “Siya ay nagtatanim ng mga prutas

7 at gulay sa bukid” wika ni Betty. “Ano-anong mga halaman ang tanim ni

8 Tatay Berto sa bukid? Tanong ni Bebang. “Meron siyang tanim na bayabas,

9 buko at mga gulay tulad ng bataw, petsay at mga halamang ugat tulad ng

10 kamote. INSERT PPT SLIDE NO. 11 “Tama pupunta tayo sa bukid ni

11 Tatay Berto sa darating na sabado”, dagdag pa nito. “Sige, gusto kong

12 makarating sa bukid ni tatay Berto! Wika nina Bebang at Bella na tuwang-

13 tuwa. “Tama, magdala tayo ng basket at punuin natin ng mga prutas at

14 gulay. ”Excited!” ang nakatawang wika ni Bella. INSERT PPT SLIDE

15 NO. 12 “Ako naman ang magkukuwento ng trabaho ng tatay Boboy ko,”

16 wika ni Bebang. “Ang tatay Boboy ko ay drayber ng bus patungong Bicol,

17 siya ay laging may dalang pasalubong katulad ng bibingka, biko at belekoy

18 para sa amin ni nanay Betsay. INSERT PPT SLIDE NO. 13 “Mababait

19 pala ang mga tatay natin.” wika ni Bella.

20 MSC UP 3 SECS AND FADE UNDER

21 Dumating na ang Sabado, sa bukid ni tatay Berto masayang masaya ang

22 magkakaibigan. Sila ay namitas ng bayabas at inilagay nila sa basket.

23 INSERT PPT SLIDE NO. 14 Samantala habang masaya silang

24 nagkukuwentuhan, lumabas si Nanay Bening na may dalang isang bilaong

25 bibingka, fruit salad at sabaw ng buko.

MSC UP 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’t ibang uri ng . . .666

1 GURO: Habang sila ay kumakain, naitanong ni Bella sa ina kung paano ang

2 pagawa ng fruit salad: Inisa-isa ni Nanay Bening ang pag-kakasunod sunod

3 na hakbang ng pagawa ng fruit salad. “Ihanda ang mga prutas at hiwain sa

4 tamang laki, ilagay sa mangkok ang lahat na sangkap at ihalo ang krema,

5 gatas at keso, ilagay ito sa refrigerator upang lumamig.” Sagot ni Nanay

6 Bening. INSERT PPT SLIDE NO. 15 Nabusog ang tatlong magkakaibigan

7 at masayang nagpaalam sa isa’t-isa. INSERT PPT SLIDE NO. 16

8 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

9 GURO: Napakinggan nyo bang mabuti ang kwento? (HINTO) Salamat naman

10 kung ganon. (SFX: YEHEY) Paniguradong hindi kayo mahihirapan sa

11 pagsagot sa aking mga tanong tungkol sa kwento. (HINTO) Paalala pong

12 muli, magpatulong kay Titser nanay, o kay titser tatay, o sa inyong

13 tagagabay upang i-type sa comment section ang inyong mga sagot. Maari rin

14 naman ninyong i-text sa numerong ____ ang inyong mga sagot.

15 MSC UP 3 SECS AND FADE UNDER

16 GURO: Para sa aking unang tanong, ano ang mga pagkaing paborito ng

17 magkakaibigan? (HINTO) Ipa-comment o ipa-text ang inyong sagot.

18 Uulitin ko po, ano ang mga pagkaing paborito ng magkakaibigan? (HINTO)

19 MSC UP 3 SECS AND FADE UNDER

20 GURO: Ang sagot nina ___, ___, at ___ ay bayabas, bibingka, at fruit salad. Tama

21 po! (SFX: CLAPS) Ikalawang tanong, ano ang mga tanim na halaman sa

22 bukid ni Tatay Berto? (HINTO) Ulitin ko po, ano ang mga tanim na

23 halaman sa bukid ni Tatay Berto?

24 MSC UP 3 SECS AND FADE UNDER

25 -MORE-
May iba’t ibang uri ng. . .777

1 GURO: Ayun kina ____, ___, at ___ay bayabas, buko at mga gulay, Magaling!

2 (SFX: CLAPS) Ang sagot naman nina ___ at ___ ay petsay at mga

3 halamang ugat tulad ng kamote, Tama rin sila! (SFX: CLAPS)

4 Masusustansiya ba ang mga pagkaing nabanggit? (HINTO) Tama! (SFX:

5 YEHEY) INSERT PPT SLIDE NO. 16 Ang mga gulay, prutas, at karne ay

6 mga pagkaing masustansiya. Sila ay may taglay na mga bitamina at mineral

7 na nagbibigay sa atin ng lakas at nakatutulong sa paglusog ng ating katawan.

8 (HINTO) Ang huhusay ninyo mga bata, tunay ngang nakikinig kayong

9 mabuti. (SFX: YEHEY) Mga bata, sa inyong tahanan mayroon din ba

10 kayong mga taniman o bukid? (HINTO) May tanim din ba kayong mga

11 gulay tulad ni Tatay Berto? (HINTO) Magaling! Ibahagi ninyo sa amin

12 kung ano ano ang mga masustansyang pagkain na mayroon kayo sa inyong

13 taniman o bakuran. (HINTO) Ayon kay Tim, mayroon silang talong, petsay

14 at malunggay. Sina Hey Jude, MJ, at Yoseph naman ay may sitaw,

15 kangkong, kamote, manga, at saging. Ang huhusay! (SFX: CLAPS) Ang

16 sagot naman ni Paul ay upo, ampalaya, petsay at labanos. Magaling!

17 (HINTO) Marami nga kayong mga tanim na masusustansyang pagkain.

18 (HINTO) Ngayon naman mga bata ay tutukuyin ninyo kung ang

19 babanggitin kong mga pagkain ay masustansyang pagkain o hindi.

20 Magpatulong muli sa inyong tagagabay sa pagsagot. Ipalagay ang masayang

21 mukha sa comment box kung ang pagkaing mababanggit ay masustansya.

22 Samantala, kung ito ay hindi masustansya, ipalagay naman ang malungkot

23 na mukha. (HINTO) Uulitin ko po, kapag ang pagkain ay masustansya, ang

24 ilalagay ay masayang mukha. Kapag naman hindi masustansya ang

25 pagkaing mababanggit, malungkot naman na mukha ang ilalagay sa

26 comment.

MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’y ibang uri ng . . .888

1 GURO: Handa na ba kayo mga bata? Simulan na natin. (SFX: YEHEY) INSERT

2 PPT SLIDE NO. 18 Ang pagkain ay ampalaya. Masayang mukha o

3 malungkot na mukha? (HINTO) Tama kayo! Masayang mukha (SFX:

4 YEHEY) Ang ampalaya ay masustansya sapagkat taglay nito ay Bitamina

5 A at iron. Mahusay! (SFX: CLAPS) Sunod na pagkain, INSERT PPT

6 SLIDE NO. 19 kendi at tsokolate. Masayang mukha o malungkot na

7 mukha? (HINTO) Ang tamang sagot ay malungkot na mukha. Nakasisira

8 ng ngipin at nakakapagdulot ng sakit sa lalamunan ang kendi at tsokolate.

9 (HINTO) Tama ang sagot niyo kids. Ang gagaling! (SFX: CLAPS)

10 Ikatlong pagkain, INSERT PPT SLIDE NO. 20 ang isda. Masayang

11 mukha o malungkot na mukha? Ulitin ko, isda. (HINTO) Ayon kina ____,

12 ____, at ____ masayang mukha. Ganun din kina MJ, Jeyan, Yuseph at Paul,

13 Tama! (SFX: CLAPS) Ikaapat, INSERT PPT SLIDE NO. 15 itlog at

14 gatas. Masayang mukha o malungkot na mukha? Itlog at gatas. (HINTO)

15 Magaling! (SFX: YEHEY) Ang tamang mukha ay masayang mukha.

16 (HINTO) Huli na ito, INSERT PPT SLIDE NO. 16 ang chichiria?

17 Masayang mukha o malungkot na mukha? (HINTO) Ang gagaling ninyo

18 mga bata, malungkot na mukha ang sagot. (SFX:YEHEY) Kung nakakuha

19 kayo ng apat o limang tamang sagot, tangapin ninyo ang Ang Galing Clap!

20 123 123 ang galing galing! (SFX: YEHEY) Sa mga nakakuha naman ng 2

21 hanggang tatlong tamang sagot, Good Job Clap naman ang para sa inyo!

22 123 123 Good Job! (SFX: YEHEY)

23 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’t ibang uri ng …999

1 GURO: Kung isa lamang ang nasagutan mo, huwag ka pong mag-alala, marami pa

2 tayong magiging gawain. Sigurado ako na makakabawi kayo sa susunod.

3 (SFX: YEHEY) Para sainyong gawain sa bahay, sagutan ninyo sa tulong ng

4 ng inyong tagagabay ang nasa pahina dalawangpu’t tatlo sa inyong module.

5 Ikakahon lamang ninyo ang mga larawan ng pagkaing masustansya.

6 (HINTO)

7 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

8 GURO: Binabati ko kayo mga bata! Napakahusay ninyo! (SFX: YEHEY)

9 Palakpakan nga natin ang ating mga sarili (CLAP SOUND). Para naman sa

10 inyong takdang aralin, kumain kayo ng mga masusustansyang pagkain araw

11 araw. (HINTO) Maraming salamat sa pakikinig at pagsubaybay sa mga

12 gawain sa araw na ito. Lubos akong nagagalak at nagpapasalamat sa inyo, at

13 sa inyong tagagabay, sa aktibong pakikilahok sa aralin natin ngayon. Mga

14 bata, palagi nating tatandaan na ang pagkain ng masustansyang pagkakain

15 ay makatutulong upang manatili tayong malusog at masigla. Maraming

16 salamat! Sana ay marami kayong natutunan sa araw na ito. Bukas ulit mga

17 bata! Ito po si Teacher Nadine at muling nag-iiwan ng paalala, “Ang

18 edukasyon ang pinakamainam na puhunan upang masiguradong may

19 patutunguhan.” Paalam po!

20 MSC UP FOR 2 SECS AND FADE UNDER

21 TAGAPAGDALOY: Maraming salamat, Teacher Nadine, sa isa na namang araw

22 na hitik na hitik sa kaalaman at karunungan, at may kuwentong kapupulutan

23 ng magagandang aral. (SFX: YEHEY) Mga bata, pakatandaan na piliin lagi

24 nating kumain ng masusustansyang pagkain. Para makapamuhay tayong

25 malusog at masigla. (HINTO)

26 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
May iba’t ibang uri ng …101010

1 TAGAPAGDALOY: Para sa karagdagang gawain, sagutan ang mga

2 pagsasanay na matatagpuan sa ikalawang araw sa Modyul 15. Kung

3 may katanungan sa pagsagot ng mga pagsasanay sa inyong modyul,

4 maaari ninyong kontakin ang inyong mga guro sa Kindergarten upang

5 kayo’y gabayan at tulungan. Abangan nyo pa rin kami at samahan

6 bukas para sa panibagong araw na punung-puno ng kaalaman at

7 karunungan. Sa dati pa ring oras, alas otso hanggang alas nuwebe nang

8 umaga. Sa muli, ito po si Teacher Zy, ang inyong Teacher Anchor na

9 nagpapaalalang, “Ang kaalamang taglay ay isang yamang hindi

10 maiaalis ninuman.”

11 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

12 TAGPAGDALOY: Mula pa rin sa bulwagan ng 107.9 ng LGU Polangui,

13 Radio and Internet TV. Ito ang Polangui Radyo Eskwela: Uswag

14 Polangui! Kaagapay niyo sa Pagkatuto, Walang Mahuhuli, Lahat

15 Matuto.Paalam!

16 INSERT SONG PAALAM NA SA IYO NI TEACHER CLEO

-END-

Prepared by:

MA. YVETTE NADINE O. BEJADO


Teacher Host

Checked by: NOTED:

FELISA B. BACHO TRIXIE A. SANTOR


Master Teacher II Principal I

You might also like