You are on page 1of 13

4 7

ARALING
PANLIPUNAN
Unang Markahan – Yunit 2:
ANG KINALALAGYAN NG PILIPINAS
Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid gamit
ang pangunahin at pangalawang direksyon. (MELC)
RADIO BROADCASTING SCRIPT

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Ikaapat na Baitang


Topic: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Mrs. Luelia P. Bagasol , Teacher III
Objective: Pagkatapos mapakinggan ang episode na ito, ang mga mag-aaral sa Ikaapat na
Baitang ay inaasahang matukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa
mga nakapaligid gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon..

Session 1
1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw minamahal naming mag-aaral ng ikaapat baitang,

4 mga magulang ,kapatid o tagapag-alaga! Ito ang inyong paaralang

5 panghimpapawid sa Araling Panlipunan!

6 Natutuwa akong makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng

7 radyo. Ako ang magiging guro ninyo ngayon Ginang Luelia P. Bagasol mula sa

8 Paaralang Elementarya ng Mumulaan, Paoay..

9 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

10 HOST: Kumusta ang araw mo ? Handa ka na bang maglakbay , mawili at matuto?

11 (PAUSE).Maalala n’yo pa ba ang mga pangunahing direksyon? Saang

12 direksyon sumisikat ang araw? Kung nakaharap ka sa direksiyong sinisikatan ng

13 araw ang direksyon sa likuran mo ay ______kanluran_? Tama. At ang

14 direksiyon sa kaliwa mong kamay naman ay (PAUSE) hilaga . Sa anong

direksiyon makikita ang ‘yong kanang kamay ? Magaling! Ano ano ang mga

pangalawang direksiyon? (PAUSE). Tumpak! Hilagang Silangan,Hilagang


Kanluran, Timog Silaangan at Timog Kanluran.
Ngayon tayo;y mabilisang maglakbay sa labas ng iyong tahanan. Isulat ang mga

bagay o lugar na makikita ninyo sa pangunahin at gayundin sa pangalawang

direksiyon. Isulat ito sa notbuk na AP.Bibigyan ko kayo ng limang minuto. Na

gawin an iyan at pagkatapos balik na kayo sa inyong study area. Mag-ingat.

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

16 HOST: Alam kong nawili kayo sa inyong ginawa. Sa puntong ito, nais ko munang

17 ihanda n’yo ang sarili ating muling paglalakbay upang matuto. Sa mga naka

ka access ng online isearch sa you tube ang link na ito https: _____________

18 upang panoorin at pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa modyul . Sa

19 mga naka offline, makinig sa ating pagtatalakay habang tinitingnan ang

20 modyul. Handa na ba kayo? Siguruhin na katabi n’yo ang modyul, bolpen ,at

21 notbuk. (PAUSED).

22 HOST: Tingnan mabuti ang mapa ng mundo modyul. Kaya mo bang tukuyin ang

23 kinalalagyan ng Pilipinas? (PAUSED) Magaling! Anong bansa ang makikita

24 sa hilaga ng Pilipinas? Saang direksiyon makikita angVietnam?Indonesia?

25 Bashi Channel? Dagat Celebes? Dagat ng Pilipinas?

26 HOST: Bihasa na kayo sa pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas batay sa kaugnayan

27 na kinalalagyan nito o sa madaling salita relatibong lokasyon ng Pilipinas.

28 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

29 HOST: Kaya pa ba? (PAUSE). Ngayon buklatin na ang ibinigay na mga

30 gawain mula sa inyong guro at dumako tayo sa Unang Activity Sheet.

31 Sunding mabuti ang panuto. At tiyaking sasagutan lahat ang mga pagsasanay.
32 HOST: Ang bilis ng panahon kapag kasama kayo. Oras na upang magpaalam.

33 Pero bago ‘yan gusto mayroon kayong takdang aralin para bukas . Sa mga

34 batang may smartphone at connection, ihanda ang map application. Sa mga

35 ibang bata pag-aralan maigi ang mapa ng Pilipinas sa inyong aklat.

36 HOST: Bukas ihanda muli ang inyong mga sarili sa mahaba-habang

37 paglalakbay muli sa mundo ng Araling Panlipunan.

38 HOST: Ako ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling

39 Panlipunan, Ginang Luelia P. Bagasol.

40 Paalam!

-MORE
SESSION2

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Isang maligayang pagbabalik sa ating paglalakbay sa mundo ng Araling

4 Panlipunan. Bago tayo magpatuloy sa leksyon, ating balikan ang nakaraan.

5 (REVIEW). Maalala pa ba ninyo na ang relatibong lokasyon ng bansa ay

6 pagtukoy sa mga direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng

7 mga katabi nitong lugar? Kung ganun, saan lokasyon matatagpuan ang Isla ng

8 Palu? Brunei? Karagatang Pasipiko? Wow! Bihasa na kayo.

9 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

10 HOST: Inaasahan ko ang mga batang may smartphone ay nakahanda na at sinubukan

11 na nilang gamitin ang google map app . Sa mga batang walang smartphone,

12 huwag kayong mag-alala dahil sasamahan ko kayo sa paglalakbay gamit ng

13 mapa na naibigay sa inyo. Handa na ba ang lahat? (PAUSE)

14 HOST: Sa bilang na tatlo mag-umpisa na tayo. Isa, dalawa, tatlo! Gamit ang google

15 map at ang mapa na aking binigay , ituro ang bansang nasa kanluran ng

16 Pilipinas. Lahat kaya ay tama ang itinuro? Ang bansang aking tinutukoy ay

17 Vietnam. Anong anyong tubig ang makikita sa hilagang –silangan ng

18 Pilipnas?Saang direksiyon makikita ang Dagat Celebes at Dagat Sulu?Anong

19 bansa ang nakapaligid sa hilagang

20 bahagi ? (PAUSE) Saan direksiyon makikita ang Isla ng Paracel sa Pilipinas?

21 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

22 HOST: Nagagalak akong nakikipaglakbay sa inyo . Kayo nagustuhan ba ninyo ang


23 ating paglalakbay? (PAUSE)

24 HOST: Ngayon dumako naman tayo sa inyong gawain. Ilabas ang Ikalawang

25 Activity Sheet. Basahing mabuti at unawain ang panuto. Maingat na sagutin

26 ang bawat bilang.

27 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

28 HOST: Ang oras ay hindi natin mapipigilan kaya naman , bukas ihanda muli ang

29 inyong mga sarili sa mahaba-habang paglalakbay muli sa mundo ng Araling

30 Panlipunan.

31 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan,

32 Ginang Luelia Bagasol nagsasasabing mahal ko kayong lahat .Tandaan: Sa

33 Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at Matuto!

-MORE-
SESSION 3

1 BIZ: MSC OUT

2 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 HOST: Isang mahiwagang pagbabalik muli sa ating paglalakbay sa mundo ng Araling

5 Panlipunan. Bago natin simulan ang ating gawain, balik-tanaw tayo sa aralin

6 natin kahapon . Pumalakpak ng isang beses kung ang sasabihin kong bansa o

7 lugar ay tama ang lokasyog batay sa kinalalagyan ng bansa at pumalakpak

8 ng dalawang beses kung mali ang lokasyong tinutukoy. (PAUSENanay, tatay,

9 ate, kuya, auntie, uncle kayo ang titingin sa mga bataa natin kung tama ang

10 sagot. UUlitin ko pumalakpak ng isang beses kung ang sasabihin kong bansa

11 o lugar ay tama ang lokasyog batay sa kinalalagyan ng bansa at

12 pumalakpak ng dalawang beses kung mali ang lokasyong tinutukoy

13 (REVIEW OF PREVIOUS LESSON)

14 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

15 HOST: Handa na ba kayo? (PAUSE) Ang Taiwan ay nasa Hilaga ng Pilipinas.

16 Matatagpuan ang Indonesia sa kanluran ng bansa.

17 Bashi Channel ang anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas sa Silangan,

18 Ang Vietnam ay matatagpuan sa Kanluran ng Pilipinas

19 Sa hilangang-silangan ng Pilipinas makikita ang Dagat Pilipinas

20 Isla ng Paracel ang matatagpuan sa timog-kanluran ng bansa.

21 HOST: Mukhang handang handa ka na naman para sa susunod na gawain. Sige nga

22 isigaw ang ating kapaangyarihan sa Araling Panlipunan? Maglakbay, Mawili at


Matuto!
23 HOST: Sa tulong ng mapa na binigay ko sa inyo o ang google map, gumawa ng talata

24 na nagpapahayag ng mga lugar na nakapaligid sa ating bansa. Gamitin ang

25 pangunahin at pangalawang direksiyon sa inyong paglalarawan ng relatibong

26 lokasyon ng Pilipinas. Basahin sa harap ng inyong magulang o sinuman na

27 nakakatanda sa inyo ang inyong ginawa.

28 HOST: Bilang isang mag-aaral bakit mahalagang malaman o matukoy ang relatibong
lokasyon ng ating bansa?

29 HOST: Ang inyong mga output ay kokolektahin sa hapon ng Biernes. Kung mayroon

30 kayong katanungan , maari ninyo akong kontakin sa numerong 0929-3204-921

31 maamula Lunes hanggang Bierns sa ganap na ikapito’t kalahati ng umaga

32 hanggang ikalima ng hapon.

33 HOST: Kaya naman, bukas ihanda muli ang inyong mga sarili sa mahaba-habang

34 paglalakbay muli sa mundo ng Araling Panlipunan.

35 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan,

18 Ginang _Luelia Bagasol. .Sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at Matuto!

-MORE-
SESSION 4

1 HOST: Magandang araw mga bata ! Sino ang katabi mo sa inyong study area?

2 (PAUSE) Bakit ko ito tinatanong? Siya kasi ang makakasama mong

3 maglalakbay ngayon.

4 Sa mga batang may smartphone at connection sa internet , tingnan ang baterya

5 baka malowbat. Magsaliksik ng karagdagang informasyon tungkol sa

6 kinalalagyan ng bansa. Sa mga batang walang smartphone ilabas ang nabigay

7 na karagdagang handout . Basahin at unawain. Isulat ang nakalap na

8 impormasyon tungkol sa kinalalagyan ng Pilipinas. Isulat sa kwaderno

9 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

10 HOST.:Handa na ba kayo?Bibigyan ko kayo ng 10 minuto para gawin ang

11 pagsasaliksik at pagtatala.

12 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

13 HOST: OOPS. Tapos na ang sampung minutos. Ngayon dumako naman tayo sa

14 susunod na gawain. Ilabas ang Ikatlong Activity Sheet. Basahing mabuti

15 ang panuto. Sundin ang nakapaloob sa gawain.

16 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

17 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan

18 Ginang Luelia Bagasol. Tandaan: Sa Araling Panlipunan Maglakbay, Mawili at


Matuto!

18 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
SESSION 5

1 BIZ: MSC OUT

2 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 HOST: Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagayan ng bansa ay ang

5 direksiyon o loksyon ng isaang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o

6 kalapit nitong lugar.Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kontinenteng Timog-

7 Silangang Asya. Kung gagamitin ang pangunahing direksiyon, ang Pilipinas

8 ay napapaligiran ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga. Karagatang

9 Pasipiko sa Silangan.Bansang Brunei , Indonesia at mga dagat Celebes at Sulu

10 sa timog. Ang Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.

11 Gamit ng pangalawang direksiyon naman. Dagat Pilipinas ang nasa hilagang


12 silangan. Isla ng Palau sa timog-silangan. Isla Paracel sa hilagang-kanluran .

13 Bansang Borneo ang makikita sa timog-kanluran.

14 HOST: Mahiwagang araw ng paglalakbay, pagkawili at pagkatuto sa mundo ng

15 Araling panlipunan.

16 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

17 HOST: Ikalimang araw ng ating paglalakbay.

18 Kaya naman, ihanda ang inyong sarili at dadako na tayo sa madugong bahagi.

19 . Titingan ko kung gaano ninyo naunawaan ang ating paglalakbay sa

20 “ Kinalalagyan ng Pilipinas”

21 HOST: Handa na ba kayo sa maikling pagsusulit?

22 Basahin at unawain ang panuto . Pagkatapos saguti ang mga katanungan.


23 BIZ: MSC UP AND UNDER

24 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan,

25 Ginang Luelia Bagasol. Tandaan: Sa Araling Panlipunan Maglakbay, Mawili

at Matuto!

25 BIZ: MCS STATION ID

26 BIZ: MSC UP AND UNDER


#

You might also like