You are on page 1of 12

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa Ikalimang Baitang

Topic: Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansiyang Pagkain

Format: School-on-the-Air Length: 30 minutes

Scriptwriters: Cecille S. Ogario

1. Objective: Pagkatapos mapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 5 EPP ay
inaasahang Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal,
tanghalian, at hapunan) ayon sa badyet ng pamilya.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 Host: Magandang araw at magandang buhay sa mga mag aaral sa ika-5 na taon. Ito ang inyong

4 paaralang panghimpapawid sa EPP (PAUSE) Lubos kaming nagagalak na

5 ihahandog sa inyo ang mahahalagang kaalaman at impormasyon na aming ibabahagi

6 dito sa paraang broadcasting sa radyo. Ako si ____ mula sa _________

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 Host: Alam ko na kayo ay nasasabik na sa inyong mapapakinggan na aralin sa araw na ito.

9 Kaya nais ko’y dapat kayo ay may konsentrasyon sa pakikinig at palawakin ang isip

10 habang nakikinig para lubusan ninyong mauunawaan at

11 maiintindihan ang leksyon sa araw na ito.

12 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

13 Host: Mga bata maaring bang kunin na ninyo ang inyong modyul hinggil sa leksyong

14 Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansiyang Pagkain? Tama ang dinig ninyo. Ang leksyon

15 na pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansiyang

16 Pagkain.

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 Host: Nasa kamay na ba ninyo ang inyong modyul nang sa ganun ay magsisimula na tayo

19 (PAUSE) Pero bago natin simulan ang bagong leksyon ay atin munang aalamin at
20 susukatin ang inyong kaalaman.
21 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
1 Host: Tiyak kong kayo ay handa na kaya paki buksan ang inyong modyul sa pahina

2 bilang 9 at 10 sa bahaging Subukin.

3 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER


4 Alam ko na tapos na ninyong sagutin ang gawain (SUBUKIN)

5 Paalala lang mga bata na huwag kayong mag atubiling sagutin ang mga gawain sapagkat

6 iyan ay susuriin ng inyong guro sa oras ng pagbisita nila sa inyo.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 Sa puntong ito, magbalik-aral muna tayo sa ating nakaraang leksyon. Naaalala pa ba ninyo

9 ang nakalipas na leksyon? Buksan ang inyong modyul sa pahina bilang 11

10 sa bahaging (BALIKAN)

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

12 Sa bahaging balikan makikita ninyo ang mga katanungan na inyong sasagutin upang malaman

13 kung naaalala pa ba ninyo ang nakaraang leksyon.

14 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

15 Basahin at isulat sa inyong kwaderno ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong

16 pamamaraan sa paglikha ng malikhaing proyekto, MALI kung hindi. Sagutin ninyo sa loob

17 ng 5 minuto (PAUSE) Maaari niyo ng simulan.

18 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

19 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

20 Host: Ano sa palagay ninyo mga bata? Sino sa inyo ang nakakuha lahat ng tamang

21 sagot? Walang duda na kayo ay magagaling kaya inaasahan namin na lahat kayo

22 ay nakakuha ng malaking puntos. Nabitin ba kayo sa ating unang gawain? Huwag

23 kayong mag- alala sapagkat mamaya ay may mga kasunod pa na mga gawain. Kaya huwag

kayong bibitaw sa pakikinig.


1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

2 BIZ: MSC OUT

3 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

4 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

5 Host: Handa na ba kayo sa ating bagong leksyon? Natitiyak kong kayo ay kanina pa handa.

6 Maya maya lamang ay sisimulan na natin ang bagong aralin sa araw na ito.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

8 Ano ang bagong leksyon na ating tatalakayin ngayon? Tama. Ang leksyon ay tungkol sa

9 Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansiyang Pagkain. Ihanda na ang inyong modyul dahil

10 sa puntong ito ay nasasabik na ang inyong mga guro na ibahagi sa inyo ang bagong leksyon.

11 Ito ang aralin bilang ____ at narito na sina Teacher mula sa _____

12 BIZ: MSC SEGUE TO

13 BIZ: LESSON ID

14 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UN


1 RT 1 : Magandang araw ika-5 baitang! Ako ang inyong guro si Tchr 1 at ako naman si Tchr 2.
2 Kaming dalawa ngayon ang magbabahagi sa inyo ng panibagong leksyon.
3 RT 2: Sa nakaraan natin leksyon ay tinalakay natin ang tungkol sa _____________
4 at ngayon naman ay ating tatalakayin ang Pagpaplano at Pagluluto ng
5 Masustansiyang Pagkain. Eksayted na ba kayo?

6 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER


7 RT 1 : Pagkatapos ng aralin na ito ay inaasahan naming maisasagawa ninyo ang
8 pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal, tanghalian
9 hapunan) ayon sa badyet ng pamilya
10 Both: Halina at making!
11 RT 2: Makining ng maigi at ihanda ang inyong kwaderno at panulat
12 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
13 RT 1 : Sa pahina bilang 12 ng inyong modyul ay may mababasa kayong dayologo.
14 RT 2 : Ito ay pinamagatang Hapag Kainan.
15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
16 RT 1 : Kung ikaw ay nagbabalak ng pagkain para sa inyong mag-anak,
17 Ano-ano ang dapat mong isalaang-alang? Isulat ang iyong sagot sa patlang
18 pagkatapos ng dayalogo.
19 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

20 RT 2: Makinig ng mabuti sa dayalogo ng mag anak.

21 Naghahapunan ang mag-anak nina Mang Robin at Aling Badette.


22 Roy (Panganay na anak): Inay, sabi po ng kaklase ko madalas daw nilang
23 pagkain ay pritong manok o baboy, chopsuey, hotdog, kanin, at ice cream.

24 Rhea (Bunsong anak): Kuya, masarap ang kinakain nila palagi.

25 Rena (Pangalawang anak): Oo nga po. Pwede po kayang ganoon na rin lagi
26 ang kainin natin, Inay?

27 Mang Robin: Hindi natin kayang laging ganon ang kakainin. Hindi sapat ang ating pera.

28 Aling Badette: Subalit ang mahalaga, ay ang sustansyang dulot ng pagkain.


29 Mura man o pangkaraniwan ang pagkain, higit na mahalaga ang
30 sustansyang dulot nito. Isa pa, makatitipid pa tayo sa presyo ng pagkain.
1 RT1: Napakinggan ba ninyong mabuti ang dayologo ng mag-anak? Ngayon ay isulat
2 ninyo ang inyong sagot sa kawaderno. Bibigyan ko kaya ng 3 minuto. (TUKLASIN)
3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

5 RT2: Ito na!! At magsisimula na tayo sa ating bagong leksyon!!

6 RT1: Sa pahina 12 ng inyong modyul, sa bahaging SURIIN ay tatalakayin natin

7 Ang Pagpaplano at Pagluluto ng Masustansiyang Pagkain.

8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

9 RT1: Mahalagang pagtuunang mabuti ang pagpaplano ng pagkain ng mag-anak.

10 Maraming bagay na isinasaalang-alang upang maayos na maisakatuparan ito.

11 Ilan dito ay ang mga taong pinaglalaanan, pangangailangan, salaping

12 nakalaan, at tagal ng paghahanda.

13 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

14 RT2: Narito ang ilang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang sa

15 paghahanda. Ano ano nga ba ang mga ito?

16 RT1: Una. Talaan ng Putahe (Menu Pattern). Ginagamit ito sa pagpaplano ng menu.

17 upang makabuo ng resipi para sa tiyak na age group. Ang tradisyonal na

18 food based menu pattern ay ang agahan, tanghalian, at hapunan.

19 Mahalaga ang menu pattern sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya dahil

20 napag- iisipang mabuti ang mga ihahaing pagkain

21 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

22 RT2: Ikalawa. Resipi. Ito ang talaan ng mga sangkap at pamamaraan

23 para sa paghahanda ng isang lulutuing putahe o ihahandang pagkain


1 Tiyaking kompleto ang mga gagamiting sangkap sa pagluluto upang

2 tuloy-tuloy ang paghahanda.

3 RT1: Ikatlo. Menu.Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan.

4 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

5 RT2: Ika apat. Sustansiyang nakukuha sa pagkain. Kailangan may mga sustansiya ang

6 mga pagkaing ihahanda. Mahalagang bigyang-pansin ang food pyramid upang

7 maging gabay sa paghahanda ng pagkain upang matiyak na wasto ang pagkaing

8 ihahain. Huwag din kalilimutan na ibatay ng mga pagkaing ihahanda sa tatlong

9 batayang pangkat ng pagkain; Pagkaing tagapagbuo ng katawan,

10 Pagkaing tagapagbigay ng init at lakas sa katawan, at

11 Pagkaing tagapagsaayos ng katawan.

12 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

13 RT1: Ika-lima. Badyet para sa pagkain. Ibinabatay ang pagkaing ihahanda sa perang

14 guguhulin na nakalaan para sa lulutuing pagkain.

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

16 RT1: Ika anim. Laki ng mag-anak. Laging isaalang-alang ang bilang, edad, at kasarian ng

17 bawat kasapi ng mag-anak.

18 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

19 RT2: Ika-pito. Kagustuhan ng mag-anak. Mas mainam kung ang pagkaing ihahanda

20 ay gusto ng lahat.

21 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

22 RT1: Ika-walo. Panahon. Higit na Magana kumain kapag malamig o tag-ulan ang

23 panahon kaysa tag-init.

24 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

25 RT2: Ika-siyam. Oras ng gugugulin sa paghahanda ng pagkain. Kailangang sapat ang oras

26 sa gagawing paghahanda at pagluluto. Laging isaalang-alang ang


1 oras ng paghahanda kung ito ba ay agahan, tanghalian, o hapunan.

2 Kailangang ihanda nang maaga ang lahat ng mga sangkap na gagamitin

3 para hindi gahulin sa oras ng pagkain.

4 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

5 RT1: Ika-sampu. Lutuing ihahain. Dapat malaman kung gaano kadali o kakomplikado

6 ang mga pagkaing iluluto o ihahanda. Iwasan ang pag-uulit ng pagkain sa isang kainan.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

8 RT2: Ang mga nabanggit kanina ay ang sampung mahahalagang salik na dapat

9 isa alang-alang sa paghahanda.

10 RT1: At ngayon naman ay ating aalamin ang mga uri ng pagkain na dapat ihanda.

11 RT2: Anu-ano nga ba RT1 ang mga uri ng pagkain na dapat na ihanda?

12 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

13 RT1: Ang una ay Agahan. Ito Ang unang pagkain sa loob ng isang araw.
14 Ang batang katulad ninyo ay hindi dapat laktawan ang agahan para sa
15 tamang pagsisimula ng araw. Ito ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw
16 Inihahanda ng almusal ang katawan para sa mga gawaing sinisimulan
17 sa umaga pagkalipas ng mahabang oras na walang laman ang tiyan sa buong
18 magdamag. Ito ay maaring ihain mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga.
19 Maaaring ang almusal magaan o light, katamtaman o medium, at mabigat
20 o heavy ayon sa gawain ng kakain.
21 RT2: Makikita ninyo sa inyong modyul ang mga larawang halimbawa ng Agahan.
22 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

23 RT1: Ang ikalawang uri ng pagkain ay Tanghalian. Tingnan ninyo ang mga
24 Larawan. Iyan ang mga halimbawa ng tanghalian. Ihihahain ang tanghalian
25 mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon. Bahagi ng tanghalian ang sabaw,
26 2 kanin, ulam na sagana sa protina, gulay, at himagas.
27 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

28 RT2: Ang ikatlong uri ng pagkain ay Hapunan. Maari itong ihain mula 5:30
ng hapon hanggang 10:00 ng gabi. Katulad din ng tanghalian ang pattern ng
ginagamit sa hapunan.
1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
2 RT1: Makikita sa pahina bilang 15 ng inyong modyul ang kahon na naglalaman ng
3 huwaran ng masustansiya, mura, at sapat na pagkain ng mag-anak. Isa isahin natin.
4 RT2: Agahan : Saging, Daing na bangus at kamatis, sinangag at tsokolate.

5 RT1: Tanghalian: Inihaw na baboy, Adobong tangkong, vegetable

6 soup, kanin at saging.

7 RT2: Hapunan: Tinolang manok, beefsteak, sarsiyadong isda kanin at pinya.

8 RT1: Iyon ang mga uri ng pagkain na dapat ihanda. Agahan, Tanghalian at Hapunan.

9 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

8 RT2: Inaasahan namin na kayo ay nakakaunawa sa ating leksyon tungkol sa


Pagpaplano

9 at Paglultuto ng masustansiyang pagkain.

10 RT1: Kami ang inyong mga guro na walang sawa na maghahatid sa inyo ng

11 makabuluhang aralin sa pamamagitan ng radyo. Hanggang sa susunod

12 ako si Tchr 1 ng ___at ako naman si Tchr 2 ng ____para sa paaralang


panghimpapawid

13 sa ikalimang baitang EPP.

14 RT1: Huwag kayong bibitaw sapagkat mamaya ay magkakaroon kayo ng mga

15 gawain o pasulit hinggil sa ating tinalakay na leksyon. Narito si Mam___

16 para sa karagdagang kaalaman. Magandang araw at maraming salamat.

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

18 Host: Maraming salamat Mam Tchr 1 at Tchr 2. Hindi mapapagkailang naintindihan

19 ninyo ang leksyon tungkol sa Pagplano at Pagluluto ng

20 Masustansiyang Pagkain sapagkat ito ay natalakay ng maayos at kumprehinsibo ni

21 Tchr 1 at Tchr 2. Pagkatapos nito ay tiyak kung kayo ay may plano na kung ano

22 ang ihahandang masustansiyang pagkain. Tutulungan ninyo si Nanay ha sa


paghahanda

23 at ibahagi rin ninyo sa kanya kung ano ang mga natutunan ninyo sa

24 leksyon natin ngayon tungkol sa pagpaplano at

25 pagluluto ng masustansiyang pagkain.

26 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

28 Maghanda kayo dahil mayroon tayong mga gagawing pagsusulit

29 pagkatapos ng isang paalala. Magbabalik ang Paaralang Panghipapawid sa EPP 5.


1 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN : XXXXX THEN CUE OUT: XXXXX)

2 BIZ : MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 Host: Tayo ay nagbabalik sa Paaralang Panghimpapawid sa ika-limang baiting sa EPP.

4 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

5 Sa tinalakay na leksyon natin kanina ibinahagi ni Tchr 1 at Tchr 2 ang Pagpaplano

6 At Pagluluto ng masustansiyang Pagkain.

7 Handa na ba kayong pagyamanin ang inyong kaalaman? Kayo’y handang


8 handa na kaya’t buksan ang inyong modyul sa pahina bilang 15.
9 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
10 Sa gawain 1 Kilalanin ang tinutukoy ng pangungusap o sitwasyon sa
11 pagbabalak ng pagkain. Isulat ang salitang masustansya kung ang tinutukoy
12 ng pangungusap ay masustansyang pagkain; mura kung ang tinutukoy ay tungkol
13 sa murang pagkain; sapat kung ang tinutukoy ay sapat na pagkain; at badyet o
14 pagbabadyet kung ang tinutukoy ng pangungusap ay tungkol sa badyet. Isulat ang
15 sagot sa patlang bago ang bilang. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
16 Maaari na kayong magsimula. (PAGYAMANIN)
17 BIZ : MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

18 Host : Tapos na ba ninyo ang gawain 1 ? Ngayon ay dumako naman tayo


19 sa Gawain 2 sa pahina Bilang 16 ng inyong modyul. Gamit ang graphic
20 organizer na ito, magbigay ng 6 (anim) na mahahalagang salik na
21 dapat isaalang-alang sa pagpaplano at pagluluto ng
22 pagkain (almusal, tanghalian o hapunan) ayon sa badyet ng pamilya.
23 Isulat ito sa petal ng flower organizer. Isulat ito sa kawaderno.
24 May 3 minuto kayo para gawin ito. Simulan niyo na.
25 BIZ : MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
26 Host: Sa oras na ito, alam king siksik na kayo sa kaalaman tungkol
27 sa pagpaplano at paghahanda ng masustansiyang gawain. Maisasagawa
28 na ninyo ang pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain (almusal
29 tanghalian, at hapunan) ayon sa badyet ng inyong pamilya.
30 BIZ : MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
1 Host: Sa puntong ito nais kong buksan ni ninyo ang inyong kwaderno at tingnang

2 muli ang mga natalakay kanina nina Tchr 1

3 Tchr 2 sa Pagpaplano at Paghahanda ng masustansiyang Pagkain

4 BIZ; MSCUP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

5 Host: At ngayon naman ay sasagutin ninyo ang bahaging Isaisip (ISAISIP) sa


6 pahina bilang 17 ng inyong Modyul. Punan ng mga salita ang bawat patlang.
7 Pumili sa mga salitang nasa Kahon. Handa na ba kayo? Simulan na natin.
8 BIZ; MSCUP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
9 Host: Unang tanong: Kahit na maliit ang kita, mahalaga pa ring pumili ng ______
10 pagkain. Ano ang tamang sagot? Ang tamang sagot ay masustansiya.
11 Pangalawang Tanong: Makatitipid kung ang pagkaing nasa ________ ang bibilhin at
12 ulutuin. Ano ang iyong sagot? Ang tamang sagot ay menu.
13 Pangatlong tanong: Sa ________ nakasalalay ang halagang iuukol sa
14 pamimili ng pagkain at uri ng pagkain. (PAUSE) Ang tamang sagot ay badyet ng mag-anak.
15 Pang-apat na tanong : Ang ________ o dami ng taong bumubuo sa mag-anak
16 ay dapat ding isaalang-alang sa paghahanda ng pagkain upang malaman and dami ng
17 ihahanda. Ano ang tamang sagot? Magaling! Ang tamang sagot ay kabuuang mag-anak.
18 Pang-limang tanong: Ang kaalaman sa ________ ay mahalaga ring isaalang-alang
19 sa paghahanda ng pagkain. Ang tamang sagot ay resipe.
20 Pang anim na tanong: Inihahain ang ___________ mula 11:00 hanggang 1:00
21 ng hapon. Ano sa palagay ninyo ang tamang sagot? Ang tamang sagot ay tanghalian.

22 Host: Pang pitong tanong: Maaaring ang ___________ay magaan o light, katamtaman
23 o medium, at mabigat o heavy ayon sa Gawain ng kakain. Ang tamang sagot ay almusal.
24 Pang walong tanong: Dapat malaman kung gaano kadali o kakomplikado
25 ang mga ___________. Ano ang tamang sagot? Magaling! Ang tamang sagot
26 ay ihahain. Pang siyam na tanong: Siguruhing may ____________ sa pagluluto kung
27 ito ba ay agahan, tanghalian o hapunan. Ano kaya ang tamang sagot? Ang tamang
28 sagot sa pang siyam na tanong ay sapat na oras.
29 Pang huli at pang sampung tanong: Ang ________ ang pinakamahalagang kailangan
30 ng mga tao upangmaisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain. Ano ang inyong
31 Sagot? Tama! Ang tamang sagot ay pagkain. Ilan ang nakuha ninyong tamang sagot?
32 Magaling! Batid kong may natutunan kayo sa aralin natin ngayon.
1 BIZ; MSCUP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

2 Host: Ang ating leksyon ay tapos na at ngayon naman ay may ibibigay ako
3 sa inyo na gawain. Isulat sa kwaderno ang inyong mga sagot.
4 Sa pahina bilang 18 gumawa ng sariling menu pattern para sa inyong
5 pamilya sa loob ng isang linggo. Gamitin ang rubrik
6 upang masukat ang kasanayan sa paggawa ng menu pattern.
7 Alam kong kayang kaya ninyo ito sapagkat ito ay tinalakay na natin kanina.
8 May 5 minuto kayo para isagawa ito (ISAGAWA). Simulan niyo na
9 BIZ; MSCUP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
10 Kayo ba’y tapos na? Napakahusay. Kami ay lubos na natutuwa dahil kayo ay
11 talagang naglaan ng panahon at oras upang kami ay mapakinggan at maibahagi
12 namin ang mga aralin na laan para sa inyo.
13 BIZ; MSCUP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

14 Host: Oras na para ating sukatin ang inyong kaalaman sa tinalakay natin ngayon.

15 BIZ: QUIZ MSC THEME UP FOR 6 SECONDS

16 Host: Sa pahina bilang 19 isulat sa kwaderno ang inyong sagot. Isulat ang titik ng
17 tamang sagot sa patlang. May limang minuto kayo para sagutin ito. Simulan niyo na.
16 BZ: MSC OUT
17 Host: Sa wakas. Tapos na ang ating pagsusulit. Sana ay napagtagumpayan
18 ninyong sagutin ang mga pagsusulit.
19 BIZ; MSCUP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
20 Host: At ngayon dumako naman tayo sa pinakahuling gawain.
21 BIZ; MSCUP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
22 Host: Buksan sa pahina bilang 21 ang inyong modyul. Sa bahaging
(Karagdagang Gawain) ang gagawin niyo lang ay lagyan ng tsek ang
23 kaukulang kolum ayon sa sagot ng iyong nanay o sa naghahanda
24 ng pagkain sa inyong pamilya. Basahin ninyo at sagutin upang
25 mas mapahubog pa inyong kaalaman sa leksyon na ating tinalakay.
26 BIZ : MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
27 Host: Kung mayroon kayong mga katanungan maaari ninyong kontakin ang inyong mga
28 guro sa pamamagitan ng tawag or mensahe.
29 BIZ : MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
30 Host: Ang susunod na leksyon at tungkol sa _____
1 BIZ : MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
2 Host: Panatilihing makinig sa paaralang panghimpapawid tuwing ______
3 Ako si __________ (host). Laging tandaan: Mag-aral ng maigi para buhay ay mapabuti.
4 Hanggang sa susunod. Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos.

Prepared by:

CECILLE S. OGARIO
Script Writer

Corroborated by:

HONEYLOU P. PACALDO LUJIZZL JANE S. DELA PENA


Teacher-I Teacher-III

VIVIEN MAE L. GABAS REMEDIOS S. ABAD


Teacher-I Master Teacher-I

MARGIE E. RABE

You might also like