You are on page 1of 5

1.

DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER


2. Isang masaya at magandang araw para sa lahat ng mga
3. studyanteng nakikinig upang ipagpatuloy ang
4. inyong pag aaral ng mga aralin Sa Edukasyon sa Pagpapakatao
5. sa ika Siyam na Baitang! Kayo ay nakikinig sa atingmjm
6. himpilan ng radio dito sa Tarlac National High School ANNEX, San
7. Miguel,Tarlac, City sa DWRR 88.9 FM Radyo Mayap, Sulong
8. kabyasnan. Ako ang inyong lingkod, guro ng Edukasyon sa
9. Pagpapakatao ika siyam na baitang, Ginoong Robert V. Pring.
10. sasamahan at gagabayan ka sa Most Essential Learning
11. Competency na:Nakagagawa ng journal ng mga gawaing
12. natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may
13. motibasyon sa Paggawa
14. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
15. Natitiyak kong kayo ay handang-handa na mga anak sa
1. ating pagpapatuloy ng ating aralin sa araw na ito. Bago natin
2. simulan ang pagtalakay sa bagong aralin, Napag-aralan natin
3. ang tungkol sa Kasipagan at Pagpupunyagi. Upang subukin kung
4. inyo pang natatandaan ang ating napag aralan magbibigay
5. ako ng ilang katanungan, Maari ninyong itext ang inyong mga
6. kasagutan sa numerong 09774626488 upang ito ay aking
7. mabasa.Para sa ating Katanungan, “Ayon sa financial expert na
8. si Francisco Colayco, Ano ang tatlong Dahilan kung bakit
9. kailangang mag-impok ang tao?
10. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
11. Basahin natin ang sagot mula kay Trixia Mae ng 9-Zinc
12. ayon sa kaniya ito daw ay proteksiyon sa buhay,
13. Tama! Ito nga ay isa sa dahilang kung bakit kailangang mag
14. impok. Basahin naman natin ang sagot ni Johanna Cate ng
15. 9-Gold, sabi niya “Ito po ay para sa hangarin sa buhay”. Very
16. good Cate, at bilang panghuli basahin natin ang sagot ni
17. Bob Dylan ng 9-Iron, sabi niya ang isa pa pong
18. dahilan kung bakit kailangang mag-impok ay para sa
19. pagreretiro. Mahusay! Tama ang inyong kasagutan. Maraming
20. Salamat sa lahat ng nakilahok sa ating pagbabalik aral
21. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
22. Naniniwala ako na natandaan niyo pa ang mahahalagang
23. punto sa ating nakaraang talakayan. Ngayon ay handa na ba
1. kayo sa ating panibagong aralin?Simulan na natin ang talakayan
2. Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay pagpapatuloy
3. pa rin ng ating aralin hinggil sa Kasipagan, Pagpupunyagi
4. Pagtitipid, at Wastong Pamamahala ng Naimpok.
5. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
6. Nuong nakaraang episode ay binigyang diin natin ang
7. pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok. Sa araw na ito
8. kayo ay gagawa ng isang journal ng inyong mga gawain ng
9. natapos nang pinaghandaan ayon sa pamantayan at may
10. motibasyon sa paggawa. Marahil ay sa oras na ito ay marami ka
11. nang naiisip na iyong isusulat sa iyong journal na mga Gawain
12. na iyong natapos, subalit atin munang susuriin kung ang mga
13. gawaing ito na nais mong isulat sa journal ay iyo nga bang
14. pinaghandaan ayon sa pamantayan at may motibasyon sa
15. paggawa.
16. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
17. Mahalaga na ang bawat kilos o gawain na iyong matatapos ay
18. naayon sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa.
19. Basahin natin ang journal ni Mira na isang mag-aaral sa Baitang
20. siyam kung paano niya isinagawa ng may pamantayan at
21. motibasyon ang kaniyang gawain. “March 5 2020, nang hapon,
22. nalilito na ako sa dami ng aking dapat asikasuhin, Ang dami ko
23. nang hindi nagawa sa gawaing bahay at ang aking mga
24. takdang aralin sa paaralan. Naku po lahat yun ay deadline
1. na!.Nasabi ko sa aking sarili. Nagkaroon
2. ako ng motibasyon na gumawa ng listahan ng mga dapat kong
3. gawin sa hapong iyon. Ito ay nakikita ko kay Nanay, gumagawa
4. siya ng mga listahan ng mga dapat niyang gawin.
5. Isinulat ko ang lahat, Pagkatapos, ito ay sinuri ko mula sa
6. pinakamahalaga at pinakakailangan nang maipasa
7. sapagkat malapit na ang deadline. Sinumulan kong iranggo ang
8. lahat ng dapat kong gawin.Nilagyan ko ng bilang isa (1) ang
9. pinakamahalaga. Ibinatay ko ang pagmamarka sa nakita kong
10. dahilan kung bakit ko ito kinakailangang gawin o ang aking
11. priyoridad. At dahil nalaman ko na kung alin ang dapat kong
12. unahin, naging madali na sa akin na gawin lahat ang mga ito.
13. Sinunod ko ang mga pamantayan sa paggawa ng mga proyekto
14. kagaya na lamang ng ipapasa kong sanaysay sa Edukasyon sa
15. pagpapakatao, Sinunod ko at isinaalang-alang ang Rubriks o
16. Kraytirya kung paano ako makakahuha ng mataas na puntos. At
17. dahil isinaalang alang ko ang aking priyoridad, at ang mga
18. pamanatyan sa lahat ng gawain ko sa ibat ibang asignatura,
19. natapos ko rin ang lahat. Isa sa naging motibasyon
20. ko ay ang aking pangarap sa buhay upang lalo akong
21. magpursige na matapos ng maayos ang aking gawain
22. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
23. Naging motibasyon din sa akin ang aking pamilya, Nais kong
1. mabigyan sila ng kasiyahan, kaya lahat ng aking takdang aralin,
2. proyekto at mga gawain sa paaralan ay aking ginagawa ng
3. buong husay upang ako ay makakuha ng mataas na marka.
4. Naisip ko na madali lang naman ang makakuha ng mataas na
5. marka, unang una, kinakailangan lamang isaalang alang ang
6. mga pamantayan, kapag ito ay nasunod maganda ang
7. magiging resulta, tulad na lamang ng aking ginawa, sinunod ko
8. ang pamantayan o rubriks sa bawat proyekto at Gawain na
9. aking ginawa at ipinasa. Lahat ng ito ay aking pinaghandaan
10. at pinaglaanan ng oras at buong husay kong ginawa, kaya
11. Naman ang naging resulta ay mataas na
12. marka ang aking nakuha.
13. Ngayon ay aking napagtanto na kinakailangan kong
14. pahalagahan ang aking oras, Naiintindihan
15. ko na ngayon ang halaga ng pagtatakda ng
16. Tunguhin, Pagkakaroon ng priyoritasyon, Alam ko na din na
17. pamahalaan ang mga sagabal o interapsyon sa aking Gawain.
18. Natutunan ko na din na hindi ko dapat ipagpa bukas pa ang mga
19. bagay at gawain na dapat kong gawin at higit sa lahat ang
20. gumawa ng iskedyul nang aking gawain. Masaya ako, na
21. natapos ko na ang aking mga gawaing bahay at gawain sa
22. paaralan. Ngayon ako ay makakapagpahinga na upang
23. maging handa ulit sa aking mga gawain.
1. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
2. Naibigan niyo ba ang journal na ating binasa? Mahusay kung ang
3. inyong sagot ay Opo. Nalaman natin na mahalaga na tayo ay
4. May sinusunod na pamantayan upang higit na maging maganda
5. at maayos ang kalalabasan ng isang gawain, Upang higit na
6. maging maayos ang iyong gawain narito ang ilang paala ala na
7. maari mong isaalang-alang.
8. Una, Magtakda ng iyong tunguhin. Upang malaman kung ano
9. ang iyong gawain na gagawin. Maging kalmado sa
10. pagharap sa mga deadline o mga komitment. Magtanong sa
11. mga nakakataas (Boss, magulang o guro) upang kompirmahin
12. ang prayoridad, nararapat din na isaalang alang na magiging
13. maganda ang kalalabasan sa paggawa bago ito simulant.
14. Ikalawa, Prayoritasyon, gawin ang mga gawain na nasa mataas
15. na prayoridad, Alamin kung ilan ang guguguling oras sa bawat
16. gawain. Nararapat na ikaw ay may kamalayan sa halaga ng
17. bawat gawaing natapos gawin. Magtakda ng prayoridad sa
18. bawat bagong gawaing dumating ayon sa nasusuring
19. kahalagahan nito.
20. Ikatlo,(3) Pamamahala ng Interapsyon, Matutong iwasan
21. at pamahalaan ang mga interapsyon sa araw araw na
22. paggawa, higit na bigyang tuon ang mahahalagang gawain.
23. Tapusin ang nakatakdang gawain sa opisina o paaralan upang
1. hindi na ito babaunin pag-uwi.

2. Ikaapat (4) Pagpapabukas bukas, Maayos na tapusin ang


3. gawain bago pa deadline nito, sundin ang deadline at huwag
4. masanay na humihingi ng palugit. Maging tapat sa araw araw na
5. iskedyul ng paggawa sapag kumpleto ng mga gawain.
6. At ang Ikalima, Pag-iiskedyul, Maglaan ng oras sa pag paplano
7. At paggawa ng iskedyul, Mag plano din ng oras para sa mga
8. Hindi inaasahan, Maglaan din ng oras para sa pamamahinga
9. (break) sa araw -araw na paggawa
10. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
11. Makakatulong din upang magkaroon ng motibasyon ang
12. pagtatakda ng iyong tunguhin (goal) sa paggawa, kung alam
13. mo ang iyong patutunguhan, makikita kung ano talaga ang
14. gawaing kailangang gawin at tapusin. Ang paggawa ay
15. madalas kailangan ng motibasyon. Araw-araw
16. tayo ay may mga bagay na ginagawa, kaya mahalaga na
17. merong tayong talaan tulad ng journal kung saan doon natin
18. makikita kung ano ang ating mga nagawa sa loob ng
19. maghapon. Maari natin itong balikan upang tayo rin ay
20. magkaroon ng motibasyon na lalo pang paghusayan
21. sa mga darating na araw na ating gagawin.
22. Ang journal ay isang mapagkakatiwalaang kasama, isang
1. madamaying kaibigan sa isang daigdig na walang habag. Ang
2. journal ay nagpapahintulot sa atin na ingatan ang isang
3. koleksiyon ng mga larawan na nagtatala ng ating personal na
4. paglalakbay sa buhay. Maari natin makita kung nagpamalas ba
5. tayo ng kasipagan sa pinaghandaang gawain sa pamamagitan
6. ng journal. Kung ano ang mga naging motibasyon upang gawin
7. ang gawain na ito
8. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDER
9. Ngayon na nasuri mo na ang iyong mga ginawang gawain kung
10. ito ay ayon sa pamantayan at may motibasyon, Maari mo nang
11. isulat ang mga ito sa iyong journal upang upang maging gabay
12. mo ito sa mga susunod mo pang gawain. Ang karanasan mo na
13. ito ay makakatulong upang higit mo pang mapaunlad
14. ang iyong sarili. Maari mong isulat sa iyong journal ang bunga ng
15. iyong kasipagan, maari mo ring itala ang mga pangyayari sa
16. buhay mo kung saan naipakita mo ang pagpupunyagi
17. Maari mo ding isulat sa iyong journal ang mga talaan ng
18. iyong gastusin upang mas higit mo pang maisabuhay ang
19. Pagtitipid upang lalo mong mapangasiwaan ng maayos ang
20. iyong naimpok. Sa ganitong paraan makakatulong ang iyong
21. journal upang maging gabay mo sa araw araw
Sana ay marami kayong natutunan sa ating aralin ngayong araw na ito
1. DZTC: MSC UP AND UNDER
2. Sa pagkakataong ito, ako ay magpapaalam na pansamantala,
3. Nawa’y may naiwan sa inyong puso’t isipan sa ating naging
4. talakayan sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig!
5. samahan nyo ako sa mga susunod pa nating talakayan,
6. Muli ako si Sir Robert Pring, ang iyong Gurong Tagapagsalita
7. Sa Edukasyon sa Pagpapakatao. na nagpapaalala na “Gamitin
8. ang isip huwag ang damdamin upang ang lahat ng desisyon sa
9. buhay ay patungo sa ikabubuti ng sarili. Hanggang sa muli.
10. DZTC BIZ: MSC UP AND UNDEr

-END-

You might also like