You are on page 1of 39

MODYUL

SA
EDUKASYON
SA
PAGPAPAKA
TAO III
MS. ZENAIDA C.
MABELIN, LPT
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAUNANG SALITA………………………………………………………………………….. i

PANIMULA………………………………………………………………………………….… ii

PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO…………………………………………….…. iii

YUNIT 1

ARALIN 1 - Lakas at Katatagan ng Loob ………………………………………………… 2, 3

Panimulang Pagtataya…………………………………………........................... 4

Gawain 1……………………………………………………………………………. 5

Gawain 2……………………………………………………………………………. 6

Gawain 3……………………………………………………………………………. 7

Pangwakas na Pagtataya………………………………………………………… 8

ARALIN 2 - Malusog na Pamumuhay……………………………………………………. 9, 10

Panimulang Pagtataya………………………………………….......................... 11

Gawain 1…………………………………………………………………………… 12

Gawain 2…………………………………………………………………………… 13

Gawain 3…………………………………………………………………………... 14

Pangwakas na Pagtataya……………………………………………………….. 15

ARALIN 3 - Pagiging Tapat………………………………………………………………. 16, 17

Panimulang Pagtataya…………………………………………........................ 18

Gawain 1………………………………………………………………………….. 19

Gawain 2…………………………………………………………………………. 20

Gawain 3…………………………………………………………………………. 21

Pangwakas na Pagtataya……………………………………………………… 22

ARALIN 4 - Pagpapahalaga sa Aking Pamilya………………………………………. 23, 24

Panimulang Pagtataya…………………………………………...................... 25

Gawain 1………………………………………………………………………… 26

Gawain 2………………………………………………………………………… 27

Pangwakas na Pagtataya……………………………………………………... 28

ARALIN 5 - Maayos na Pakikipag-Usap……………………………………………… 29, 30

Panimulang Pagtataya…………………………………………..................... 31

Gawain 1……………………………………………………………………….. 32

Gawain 2……………………………………………………………………….. 33

Pangwakas na Pagtataya……………………………………………………. 34
Mahal naming mambabasa,
Isang maligayang pagdating sa bagong yugto ng Pagpapakatao:
Paghuhubog ng Pagkatao paa sa Pagtibay ng Bansa Ang Bagong Baitang
III.
Ang Modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nito ang
tulungan ka upang mahubog ang iyong kamalayan sa kasalukuyang
kalagayan ng iyong kapwa, hindi lamang sa sariling bansa kundi maging
sa pandaigdigang komunidad
Matutuklasan mo ang iba’t ibang anyo ng buhay ng bawat babae at
lalaki, ng mga bata at matanda, at ng mayayaman at mahihirap. Makikita
mo rin kung paanong hamunin ang bawat isa na kumilos ayon sa iba’t
ibang kalagayan ng buhay gamit ang mga batayang kaalaman na
natutuhan mo sa mga aralin sa aklat na ito.
Tandaan na sa iyong bukas at tapat na pagtanggap sa asignaturang
ito, matutuklasan mo na maganda ang mabuhay sa isang maayos na
pamayanan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at kaugalian.
Habang aktibo mong isinasabuhay ang mga natutuhan mo sa araw-araw,
maiisip mong maari palang mabuhay sa isang pamayanan na ang mga tao
ay may tunay na pagmamalasakit, pagkalinga, at pagmamahal sa isa’t isa.
Sa katapusan ng iyong pag-aaral, maaari mo nang masabi, “Tunay na
masayang mabuhay kasama ng aking pamilya, pamayanan, bansa, ng
Diyos at ng kanyang mga nilikha!”
Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaari niyong gamitin ang
inyong kakayahan at kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng mga
pagsasanay na buong sipag na aming inihanda oara sa iyo.

Nawa ay iyong magustuhan!

-Ang may Akda-

i
PANIMULA
MAGING HANDA!
 Maging handa sa pagtuklas at pag-aaral ng
aralin
at pinagtutuunan nitong pagpapahalaga.

HUMINTO AT MAG-ISIP!
 Gamitin at pagnilayan ang mga
pagpapahalaga, gayundin ang pagtukoy sa
mga gawi na dapat
mong iwasan.

PILIIN AT GAWIN!
 Sagutin ang mga pagsusulit at pagsasanay,
pagsasagawa ng mga gawain at
pagsasakatuparan ng mga gawain sa
pagganap.

LAGING TANDAAN
 Gamitin ang mga natutunan sa mga tunay
na karanasan mo sa buhay.

SURIIN ANG SARILI


Sagutan nang buong katapatan ang

mga ebalwasyon upang
matulungan kang matukoy ang
mga aspektong dapat mo pang
pagbutihin at paunlarin.

ii
TANDAAN:
a. Siguraduhing malinis at
tuyo ang inyong mga
kamay bago gamitin ang
modyul na ito.

b. Panatilihing malinis ang


modyul.

c. Iwasan ang pagtupi o


pagpiklas sa mga pahina
ng modyul.

d. Gamitin ng maayos at may


pag-iingat ang modyul
upang maiwasan ang
pagkasira ng bawat bahagi
nito.

iii
YUNIT I

PAGPAPAHALAGA
SA
AKING SARILI
AT
SA AKING PAMILYA

1
ARALIN 1
LAKAS
AT
KATATAGA
N
NG
LOOB
2
Ang “Lakas ng loob” ay isang magandang katangian ng pagiging matapang lalo sa panahon ng panganib,
takot at pagsubok. Makatutulong ito sa iyo upang gawin ang mga bagay nang mag-isa, kahit na mahirap
pa itong gawin. Matututuhan mong labanan ang kabagutan, katamaran at kawalan ng pag-asa.

Malakas at matatag ang iyong loob kung:

1. Nabubuhay ka sa mabuting paraan, sinisikap mong gawin ang tama, at nakikitungo ka nang
mabuti sa iyong kapwa;
2. Natatapos mong gawin ang maraming bagay sa sarili mong pagsisikap kahit na gaano pa ito
kahirap; at
3. Nagagawa mo nang maayos ang anumang tungkulin at palagi kang nakahandang tumulong sa
iba higit na sa iyong pamilya.

Mga Halimbawa:

 Ginagawa ni Hanna nang mag-isa ang kanyang proyekto. Natuwa siya sa kinalabasan ng kanyang
ginawa.

 Natutulog nang mag-isa sa silid si Roger nang nakapatay ang ilaw. Hindi na siya takot mag-isa sa
dilim.

 Pumapasok si Janah ng mag-isa. Hindi na siya natatakot na maglakad sa kalsada papuntang


paaralan.

3
PANIMULANG
PAGTATAYA

1. Bilang mag-aaral, papaano mo ipinakilala ang


iyong sarili ng may lakas ng loob at may katatagan
sa harap ng maraming tao?

2. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang


pagiging totoo at may katatagan ang loob sa
pagpapakilala sa sarili?

4
GAWAIN I
Panuto: Basahing mabuti ang usapan. Suriing mabuti
at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Roniel: “Magandang umaga sa inyong lahat lalo na sa


ating guro na si Bb. San Pablo. Ako si Roniel Lakasloob.
Galing ang pangalan ko sa pantig ng mga pangalan ng
aking mga magulang na si Roda at Daniel Lakasloob.
Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod
ng Marikina noong Hunyo 5.”
Guro: “Magaling Roniel. Binabati kita sapagkat
matapang mong naipakilala ang iyong sarili sa harap ng
bago mong kaklase. Nagpapakita ito ng katatagan at
lakas ng iyong loob.”
Roniel: “Maraming salamat po sa iyo Ma’am. Ito po ang
turo saakin ng aking nanay . hindi daw po dapat ikahiya
ang sarili lalo na kapag wala namang ginagawang
masama.”
Guro: “Nais kong makausap ang iyong mga magulang.
Maaari mo ba silang papuntahin sa Lunes sa paaralan
sa ganap na ika-siyam ng umaga?”
Roniel: “Opo Ma’am. Ipaparating ko sa kanila ang
inyong kahilingan.”
Sagutin at gawin ang sumusunod:
1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya
ang nagpapakita ng katatagan ng loob. Isa-isahin
at patunayan ito.
2. Papaano hinahangaan ni Bb. San Pablo si
Roniel. Isalaysay ito sa klase.
3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakilala ang
iyong sarili ng may lakas ng loob at may
katatagan sa harap ng maraming tao?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga
ang pagiging totoo at may katatagan ng loob sa
pagpapakilala sa sarili.
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng
guro ang mga magulang ni Roniel. Magbigay ng
sapat na batayan.

5
GAWAIN II
Sino ang iyong hinahangaan sa pagkakaroon ng malakas at matatag na
kalooban? Paano mo siya matutularan? Magtala ng ilang bagay tungkol
sa kanya?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

6
GAWAIN III
Sagutin ang katanungan.

Paano maipapakita ng isang batang katulad mo ang pagkakaroon ng


kakatagan ng kalooban? Isulat ang sagot sa loob ng mga puso.

Binabati kita dahil sa magaling mong nagawa ang araling ito, maaari
mo nang alamin ang susunod na leksyon.

7
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang bilang ng mga sitwasyon na nangangailangan
ng lakas ng loob at ( X ) naman kung hindi.

___________ 1. Nag-aya ng away ang iyong kamag-aral.

___________ 2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit.

___________ 3. Magwawalis ka ng iyong kapaligiran.

___________ 4. Magsasagot ka ng mahirap na katanungan ng iyong guro

___________ 5. Mag-aalaga ka ng tanim.

___________ 6. Sasawayin mo ang maling gawa ng iba.

___________ 7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan.

___________ 8. Matutulog kang mag-isa sa dilim kahit walang katabi.

___________ 9. Makikipag-usap ka sa principal ukol sa isang paligsahan sa

labas ng paaralan.

___________ 10. Makikipaglaro sa sa iyong mga kaedad.

8
ARALIN
II
MALUSOG
NA
PAMUMUHA

9
Mayroong mahahalagang aral na magsisilbi mong gabay sa

iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Makatutulong ang mga

ito upang higit kang maging mabuting bata sa sariling mong

tahanan, paaralan at pamayanan. Isaisip at isabuhay mo ang

mga aral na ito:

1. Mananatili kang malusog sa pamamagitan ng wasto

mong pangangalaga sa katawan.

2. Maiiwasan mo ang pagkakasakit sa pamamagitan ng

pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, at

3. Higit kang magiging masaya at produktibo sa

pamamagitan ng pagtulong mo sa paglinis ng iyong

tahanan at pamayanan.

10
PANIMULANG PAGTATAYA

Mayroon tayong kasabihang, “Kayamanan ang Magandang Kalusugan.”

Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa kaya ang iba’t ibang paraan upang

magkaroon ng magandang kalusugan?

Kantahin ang awit sa tono ng “Sitsiritsit Alibangbang.” Pagkatapos,

basahin ito ng pa-rap.

“Mga batang kagaya ko


Kalusugan ingatan niyo
Kaligtasan ng isip ko
Tamang gawi ang alay ko.
Masustansiyang pagkain
Ehersisyo huwag kalimutan
Ang taong mapagpasensiya
Magandang buhay, makukuha.”

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Tungkol saan ang awit?
2. Anong mga tamang gawain ang nasambit sa kanta tungkol sa
pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng pangangatawan laban
sa mga sakit o karamdaman?
3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at
pagkamahinahon ay isa sa mga paraan sa pagkakaroon ng
magandang kalusugan?
4. Mayroon ka din bang mga gawain ukol sa kalusugan na hindi
nasambit sa kanta/rap? Ibahagi ito sa mga kaklase.

11
GAWAIN I

Isulat sa loob ng bawat lobo ang mga tamang gawi upang


pangalagaan ang iyong pangangatawan at kaligtasan.

Magaling! Maari ka nang magpatuloy sa sunod na gawain.

12
GAWAIN II

Mag-isip o tumukoy ng taong may advocacy tungkol sa kaligtasan at


sa pangangalaga ng katawan o kalusugan.

Sino siya? Isulat ang pangalan sa frame. Maaari mo ring ipaskil ang kanyang
larawan at lagyan ng maiksing paliwanag kung paano mo siya naging
inspirasyon. Ibahagi ito sa iyong kamag-aral.

Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa natapos mong


aralin. Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na aralin!

13
GAWAIN III

Kantahin ang awit sa ibaba na may tono ng “ Hawak-Kamay”

“Hawak-Kamay”

Magkaisa,

Para sa magandang kalusugan,

at “alright” na kaligtasan,

Magkaisa,

tara na, tulong na sa pagkamit.

1. Ano ang naunawaan sa kanta?

2. Sino ang mga tao na gusto mong hikayating magkaroon ng

magandang kalusugan at maayos na pangangatawan?

3. Bakit gusto mo silang hikayatin? Ilista ang mga paraang naisip mo.

14
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

WORD SEARCH
Hanapin ang mga salitang nagpapakita ng magandang resulta ng pagkakaroon ng
magandang kalusugan.

L M A L A K A S A M
I C R F D G D F R A
S M A L I K S I S S
T L L I G T A S G A
O S B O B S Y H L Y
O M L M Z R R W Q A

 Anong mga salita ang iyong nabuo?

1.

2.

3.

4.

5.

 Nakikita mo ba sa iyong sarili ang mga salitang iyong nabuo?

 Magbigay ng mga bagay na kayang gawin ng isang batang may mabuting


kalusugan?

- Mahusay mong nagawa ang aralin na ito. Maaari mo ng gawin ang susunod
na aralin.

15
ARALIN
III
PAGIGING
TAPAT
16
Pagiging MATAPAT

o Pagiging bukas sa nararamdaman na siya ring nakatutulong


upang mabuo ang matatag na ugnayan sa kapwa.

o Kapag nagsabi ka ng totoo, nagpapakita ka ng respeto sa


ibang tao at nakapgdudulot ng matibay at mabuting samahan
sa pamilya at buong pamayanan.

o Kapag nagsasabi ka ng tototo, igagalang ka ng ibang tao at


pagkakatiwalaan ka nila sa lahat ng pagkakataon.

o Kailangan mong iwasan ang pangdaraya at pagsisinungaling


upang hindi ka makasakit ng iba at hindi makapagdulot ng
pagkasira ng isang mabuting pagkakaibigan.

Magaling! Maari ka nang magpatuloy sa sunod na


gawain.

17
PANIMULANG PAGTATAYA
Paano mo ipinakikita ang pagiging matapat. Isulat
kung ano ang iyong ginagawa.

1. Sa paaralan

2. Sa bahay

3. Sa mga kaibigan

34
18

GAWAIN I
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na mga pangyayari. Paano mo
ipakikita ang katapatan sa bawat sitwasyon? Isulat ang sagot sa mga linya.

1. Ipinagtapat sa iyo ng iyong kapatid na kinopya niya ang proyekto ng


kanyang kamag-aral.

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

2. Gustong angkinin ng iyong kamag-aral ang pitakang napulot niya sa


pasilyo ng paaralan.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
3. Tinatanong ka ng iyong guro tungkol sa takdang-aralin na nakalimutan
niyang gawin.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Hindi inaasahang nabasag mo ang plorera ng iyong nanay at


natatakot kang mapagalitan niya.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5. Naiwala mo ang bolpen na hiniram mo sa iyong kamag-aral.


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
19

GAWAIN II
Sino ang iniidolo mo sa pagiging matapat? Bakit siya ang iyong napili?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
20

GAWAIN III
Bumuo ng isang grupo. Ang bawat grupo ay mag-aarte sa unahan at
ipapakita ang pagiging matapat sa napiling sitwasyon.

( Ang guro ang magpapasiya o mag gugrupo sa mga mag-aaral.)


2

PANGWAKAS
PANGWAKASNA
NA
PAGTATAYA
PAGTATAYA

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) ang mga pahayag kung ito ay nagpapakita


ng katapatan at ( X ) naman kung hindi.

1. Ginagawa ni Jho nang mag-isa ang kanyang takdang-aralin.

2. Inaamin ni Precy ang kanyang pagkakamali.

3. Nandaraya sa mga pagsusulit si Joel.

4. Pinaalalahanan ko ang aking mga kamag-aral na maging

tapat.

5. Sinasabi ni Nancy sa iba ang sekreto ni Jannah.

6. Ibinabalik ko sa may-ari ang mga bagay na aking napupulot.

7. Kapag may sobrang sukli sa pagbili, ibinabalik ito agad ni Roy.

8. Sinisisi ni Janine sa ibang tao kapag siya ay napapagalitan.

9. Dinadala ko sa kinauukulan ang anumang mahahalagang

bagay na aking napupulot.

10. Hindi ipinagagawa ni Karen sa iba ang kanyang mga

proyekto.
ARALIN IV
PAGPAPAHALAGA
SA
AKING
PAMILYA

23
PAGPAPAHALAGA SA AKING PAMILYA

o Bilang bahagi ng iyong pamilya, hindi sapat na sabihin mo

lamang ang iyong pagmamahal gamit ang mga saita,

bagkus ipadama mo ito sa pamamagitan ng pagkilos at

paggawa ng mabubuting bagay sa iyong pamilya.

o Ang anumang gawain at tungkulin na iyong ginagampanan

sa tahanan, maliit man o malaki, ay lumilikha ng mga

magagandang alaala sa iyong pamilya.

o Pagpapakita ng malasakit tulad ng pagkalinga sa iyong mga

kapatid na may pinagdaraanang suliranin, pagtulong sa

iyong nanay sa mga gawaing bahay, pag-aalaga mo sa

mga nakababatang kapatid at sa pagsalubong sa iyong

tatay kapag umuuwi siya ng bahay galing sa trabaho,

nadarama ng bawat kasapi ang pagmamahal, pagkakaisa,

at pagiging matatag ng pamilya.

24
PANIMULANG PAGTATAYA
Magandang tingnan ang bahay na masaya at
nagkakaisa an bawat miyembro ng pamilya.

PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang tula.

“Tuloy po Kayo”

Tara na, tuloy po kayo


Sa aming tahanan
Simple man
Maayos at malinis naman

Si nanay, si Tatay
Kanilang mg utos
Aming sinusunod
Ng may “po” at “opo”

Si Ate, si Kuya
Ako, at si bunso
Nagmamahalan
Ng taos puso.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Tungkol saan ang tula?
2. Maglista ng mga bagay na laging pinapaalala ng iyong mga
magulang?
3. Sinusunod mo ba ang utos at paalala ng iyong mga magulang?Bakit?
4. Anong mga bagay ang nagpapakita ng pagmamahal at pagkakasundo
sa iyong pamilya?
5. Ano ang iyong nararamdaman kapag nagmamahalan at
nagkakasundo ang miyembro ng iyong pamilya?

25
GAWAIN I

PANUTO: Isulat sa metacard ang isang regulasyon sa inyong tahanan na iyong


sinusunod.

Sa lahat ng mga regulasyon sa inyong tahanan, bakit ito ang


iyong napili?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

26
GAWAIN II
Mag-isip ng isang pangyayari sa iyong buhay na nagpapakita ng hindi mo
pagsunod sa mga paalala ng iyong mga magulang? Ano ang naging
epekto nito? Ano ang iyong natutunan?

Pangyayari:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Resulta:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Napulot na Aral:
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

27
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
PANUTO: Kulayan ng berde ang arrow kung ito ay ginagawa mo araw-araw,
yellow naman kung bihira at pula kung hindi.

S
MGA PAALALA SA AKIN

Nagagawa ko ang dapat kong gawin sa tahanan.

Nagdadabog ako kapag inuutusan.

Bumili ako kapag kailangan lamang.

Nagsasabi ako ng totoo.

Malinis ako sa aking katawan.

28
ARALIN
V
MAAYOS
NA
PAKIKIPAG-USAP

29
Maayos na pakikipag-usap:
1. Paggamit ng mga natatangi o salitang may “mahika” ay

nakatutulong upang:

o mapanatili ang mabuting ugnayan sa kapwa, at makalikha

ng isang masayang pamayanan.

o Tanda ng paggalang at pagpapakumbaba

o Ikaw ay higit na nagiging mabuting bata

o Ikaw ay mas nagiging mapagkumbaba sa iyong pakikipag-

ugnayan sa iba, sa tahanan, sa paaralan at pamayanan.

2. Salitang may “Mahika”

 “Please” o “Maaari po ba?”

- Kapag humihingi ng tulong o pabor

 “Excuse Me” o “Mawalang-galang na”

- Kapag nais na marinig

 “Sorry” o “Patawad po”

- Tunay ang pagsisisi

 “Thank you”

- Nais magpasalamat

30
PANIMULANG PAGTATAYA
Ikaw ba ay nagsasalita at nakikipag-usap sa maayos na paraan. Sagutin
ang pagsusulit at alamin kung alin pa ang dapat paghusayan o
pagbutihin. Lagyan ng tsek (  ) ang kahon na nagsasabi kung gaano mo
kadalas gawin o ipakita ang kilos.

Nagsasalita at nakikipag-usap ako sa


Hindi Bihira Minsan Lagi
maayos na paraan
1. Nagsasabi ako ng “please” o
“pakisap” kung ako ay humihingi
ng pabor o tulong.
2. Nagsasabi ako ng “sorry” o
“patawad” kung ako ay
nakagagawa ng pagkakamali.
3. Nagsasabi aki ng “thank you” o
“salamat” upang ipadama ang
aking kasiyahan.
4. Nagsasabi ako ng “I love you” o
“mahal kita” sa aking mga mahal
sa buhay.
5. Nagsasabi ako ng “kaya mo iyan”
upang maging magaan ang
pakiramdam ng isang taong may
pinagdaraanang suliranin.
6. Nagsasabi ako ng “hangad ko ang
lahat ng mabuti para sa iyo” upang
palakasin ang loob ng isang tao.
7. Nagsasabi ako ng “excuse me” o
“paumanhin” kung kailangan kong
putulin ang isang pag-uusap.

1. Ano ang iyong napansin sa mga sitwasyon sa bawat bilang?


2. Ibigay ang kahalagahan ng pakikipag-usap gamit ang salitang may
mahika?

31
GAWAIN I
Ano pang natatangi o mga salitang may “mahika” ang alam mo? Isa-
isahin ang mga ito at bumuo ng iba pang mga salita na nagpapakita ng
paggalang at pagpapakumbaba. Isulat ang mga ito sa loob ng mga
kahon.

32
GAWAIN II
Gumawa ng isang komik strip na nagpapakita ng iba’t
ibang salitang may mahika.

33
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) ang kahon kung ang pahayag ay nagpapakita ng
paggalang at pagpapakumbaba. Lagyan ng ( X ) kung hindi.

1. “Ibigay mo sa akin ang bolpen na iyan”, sabi ni Mary kay Jean.

2. Hindi ipinagyayabang ni Venjo ang kanyang mga karangalan sa paaralan.

3. Si Nehru, ang pinakamatalino sa klase, ay naglalaan ng oras upang


turuan ng aralin ang kanyang mga kamag-aral.

4. Inutusan ni Christine ang dyanitor na ibili siya ng pagkain sa kantina.

5. Pinagtatawanan ng isang pangkat ng mga bata ang isang matandang


lalaki sa tarangkahan ng paaralan.

6. Humingi ng paumanhin si Jesnin kay Nico nang hindi sinasadyang mabali


nito ang lapis ng kamag-aral.

7. Nagkusa sa paglilinis ng palikuran ng kanilang tahanan si Eleanor at ang


kanyang mga kapatid.

8. Pinagtawanan ni Ronel ang kamag-aral na nagbahagi ng kanyang


pinagdaraanang suliranin sa pamilya.

9. Lumabas ng bahay si Brina nang hindi nagpapaalam sa kanyang


magulang upang makipagkita sa kanyang mga kaibigan.

10. “Maaari mo bang iabot sa akin ang aklat?” sabi ni Dianne kay Louie na
kanyang katabi.

34

You might also like