You are on page 1of 80

Gabay 3

sa Pagpapakatao
Bagong Edisyon
PATNUBAY NG GURO
Thea Joy G. Manalo
Awtor

Angelita M. Esdicul
Konsultant

Josefina DG. Sison


Koordineytor

Published and Distributed by:

PUBLISHER • BOOKSELLER

Since 1936

Main
Visayas Mindanao
Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave.
2/F Cebu Holdings Center Abiva Bldg., 127 MacArthur Highway
1113 Quezon City
Cebu Business Park, 6000 Cebu City Matina, 8000 Davao City
( (632) 8712-0245 to 49 • 740-6603
( (032) 231-5145 • 231-5197 ( (082) 297-2275 • 297-2263
7(632) 8712-0486
7 (032) 231-5118 7 (082) 297-1291
 wecare@abiva.com.ph  wecare@abiva.com.ph  wecare@abiva.com.ph

1
Karapatang-ari 2020
ng ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., 1113 Quezon City

Reserbado ang Lahat ng Karapatan

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring ilimbag ninuman sa


ano mang anyo at hugis, para ipamahagi o ipagbili, nang walang
nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.

Inilimbag sa Pilipinas

ISBN 978-621-405-276-9
Mga Nilalaman

Paunang Salita, v
Tsart ng Lawak at Daloy ng mga Aralin, vii

Yunit 1 Ako—Mabuting Kasapi ng Pamilya


Aralin 1 Kakayahan Mo, Ipakita Mo ........................................................ 1
Aralin 2 Lahat ay May Kakayahan ........................................................... 2
Aralin 3 Si Tongtong, Ang Batang Mayabang ......................................... 3
Aralin 4 Kahanga-hanga si Eliza .............................................................. 4
Aralin 5 Pagtanggap ng mga Puna ........................................................... 5
Aralin 6 Kaya Ko Pala! ............................................................................ 6
Aralin 7 Maglaro at Maging Malusog ...................................................... 7
Aralin 8 Gawin Natin Ito, Kaibigan .......................................................... 8
Aralin 9 Bumalik Kayo! ........................................................................... 9
Aralin 10 Kampanya sa Kalusugan ............................................................ 10
Aralin 11 Maging Ligtas sa Lansangan ..................................................... 11
Aralin 12 Maging Ligtas sa Kapahamakan ................................................ 12
Aralin 13 Sumayaw Tayo ............................................................................ 13
Aralin 14 Ang Pamilyang Filipino ............................................................. 14
Aralin 15 Oras Na! ..................................................................................... 15
Pag-uugnay ................................................................................................. 15
Lagumang Pagsusulit ................................................................................. 16

Yunit 2 Ako—Magalang, Matapat, at Mapagmalasakit


Aralin 1 Gawain Mo Ba Ito? .................................................................... 17
Aralin 2 Ang Kamag-aaral Kong si Marie ............................................... 18
Aralin 3 Kapuwa Ko, Tutulungan Ko ...................................................... 20
Aralin 4 Kakaiba Ito! ............................................................................... 21
Aralin 5 Kaya Ko, Kaya Mo Rin! ............................................................ 22
Aralin 6 Mahalagang Kasali Ka ............................................................... 23
Aralin 7 Makabuluhang Kaarawan .......................................................... 24
Aralin 8 Mga Katutubo, Kapuwa-Filipino ............................................... 25
Aralin 9 Si Lino―Bakit Paborito?............................................................ 26
Aralin 10 Ang Team Maligaya ................................................................... 27
Pag-uugnay ................................................................................................. 27
Lagumang Pagsusulit ................................................................................. 28
Yunit 3 Ako—Mabuting Kasapi ng Pamayanan
Aralin 1 Ipagmalaki Natin, Mga Kaugaliang Filipino................................31
Aralin 2 Mano Po.........................................................................................32
Aralin 3 Ikaw Ba Ito?..................................................................................33
Aralin 4 Paano Ba Sumunod sa mga Tagubilin?.........................................34
Aralin 5 Nagkakaisa sa Pagsunod...............................................................35
Aralin 6 Paglilinis: Gawaing Pampamilya..................................................36
Aralin 7 May Pera sa Basura.......................................................................37
Aralin 8 Bayanihan sa Kalinisan.................................................................38
Aralin 9 Mga Tuntuning Pangkaligtasan....................................................39
Aralin 10 Kailangang Sundin: Mga Batas Pantrapiko..................................40
Aralin 11 Handa Na Ba Kayo?......................................................................41
Pag-uugnay....................................................................................................42
Lagumang Pagsusulit.....................................................................................42

Yunit 4 Ako—Nagpapahalaga sa mga Nilikha ng Diyos


Aralin 1 Manalig sa Diyos..........................................................................45
Aralin 2 Kumapit Ka...................................................................................46
Aralin 3 Igalang: Iba-Ibang Paraan ng Pagsamba.......................................47
Aralin 4 Oras Nang Kumilos.......................................................................49
Aralin 5 Laging May Pag-asa......................................................................50
Aralin 6 Mga Kaibigan―Biyaya ng Diyos.................................................51
Aralin 7 Mga Kaibigan―Handang Umalalay.............................................52
Aralin 8 Gantimpala sa Kabutihan..............................................................53
Aralin 9 Mga Magulang ng Taon................................................................53
Aralin 10 Walang Katumbas ang Pagtulong sa Kapuwa...............................55
Aralin 11 Tamang Gamit ng Kalikasan.........................................................56
Aralin 12 Gising Na at Kumilos!..................................................................57
Aralin 13 Hindi Pa Huli ang Lahat................................................................58
Pag-uugnay....................................................................................................59
Lagumang Pagsusulit.....................................................................................59

iv
Paunang Salita

Ang Patnubay ng Guro para sa serye ng Gabay sa Pagpapakatao Baitang K–


6 (Bagong Edisyon) ay inihanda para sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Ang mga araling inilahad sa serye ay alinsunod sa
mga pamantayan at kakayahan sa pagkatuto ng K to 12 Curriculum ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Ang Patnubay na ito ay magbibigay sa guro ng mga mungkahing estratehiya at
hakbang na tutulong sa paglinang ng mga kasanayan at pagpapahalaga sa bawat aralin.
Sa Patnubay na ito ay inilatag ang bawat aralin sa sumusunod na bahagi:
• Paglulunsad ng Yunit (Layunin, Mga Kagamitan, Mga Gawain)
• Mga Aralin
– Pamagat ng Aralin
– Layunin/Mga Layunin
– Kagamitan/Mga Kagamitan
– Paksa
– Paghahanda/Pagganyak
– Paglilinang
– Pagtataya
– Takdang-Aralin
• Pag-uugnay (sa katapusan ng bawat yunit)
• Lagumang Pagsusulit (sa katapusan ng bawat yunit)
Sinikap ng may-akda na ilagay ang mga angkop na gawain sa bawat aralin upang
matiyak na malilinang ang mga layunin at maisabuhay ito ng mga mag-aaral.
May Tsart ng Lawak at Daloy ng mga Aralin upang makita ng guro ang kabuuan
at pagkakahanay ng mga kasanayan at pagpapahalaga na nakapaloob sa buong worktext
ng Gabay sa Pagpapakatao Baitang K–6 (Bagong Edisyon).
Ang Patnubay na ito ay gabay lamang at pantulong na materyal para sa guro.
Maaaring baguhin o dagdagan ang ilang bahagi, o gamitin ito nang walang pagbabago―
ang mahalaga ay maitugma ng guro ang kaniyang pagtuturo ayon sa pangangailangan at
kawilihan ng mga mag-aaral.
Ang May-akda
Tsart ng Lawak at Daloy ng mga Aralin

Yunit 1 Ako―Mabuting Kasapi ng Pamilya

Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Natutukoy ang natatanging Kuwento Pagninilay ng sariling mga kilos Filipino―paghihinuha sa
Kakayahan Mo, kakayahan Pagpapakita ng mga natatanging Pagdedesisyon damdamin at katangian batay
Ipakita Mo kakayahan sa kilos o sinasabi
Pagpapahalaga sa sariling
kakayahan
Aralin 2: • Nakapagpapakita ng Kuwentong-larawan Pagdedesisyon Filipino―paghihinuha sa
Lahat ay May natatanging kakayahan nang Paglalarawan (character damdamin at katangian batay
Kakayahan may pagtitiwala sa sarili sketch) ng wastong ugali at sa kilos o sinasabi
pagmamalasakit sa kapuwa
Aralin 3: • Napahahalagahan ang Kuwento Pagdedesisyon Science―pagkilala sa mga bahagi
Si Tongtong, Ang kakayahan sa paggawa Pagpapakita ng mga natatanging Pagbuo ng mga pahayag ng katawan, ang mga ginagawa
Batang Mayabang kakayahan nito, at mga pangkalusugang
Pagpapahalaga sa sariling gawi
kakayahan PE―pagkilala sa mga hubog ng
katawan at mga kilos
Aralin 4: • Nakatutukoy ng mga Kuwento Pagsusuri ng mga larawan Filipino―paghinuha sa
Kahanga-hanga damdamin na nagpapamalas ng Pagpapakita ng wastong pag- damdamin at katangian batay
si Eliza katatagan ng kalooban uugali sa iba’t ibang sitwasyon sa kilos o sinasabi
na nagpapamalas ng katatagan
ng loob
vi Kaugnay na Kaisipan
ii Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 5: • Napahahalagahan ang pagkilala Kuwento Pagsusuri sa mga sitwasyon Filipino―paghihinuha sa
Pagtanggap sa kayang gawin ng mga Pagpapakita ng wastong pag- Pagsusuri sa mga gawi at gawain damdamin at katangian batay
ng mga Puna kamag-aaral na sumusukat sa uugali sa iba’t ibang sitwasyon sa kilos o sinasabi
kanilang katatagan ng loob na nagpapamalas ng katatagan
tulad ng pagtanggap sa puna ng ng loob
ibang tao Paglalarawan ng wastong pag-
uugali sa pagtanggap ng puna
Aralin 6: • Napahahalagahan ang pagkilala Maikling Kuwento Pagsusuri sa mga sariling gawi at Filipino―paghihinuha sa
Kaya Ko Pala! sa kayang gawin ng mga Pagpapakita ng wastong pag- gawain damdamin at katangian batay
kamag-aaral na sumusukat sa uugali sa iba’t ibang sitwasyon sa kilos o sinasabi
kanilang katatagan ng loob na nagpapamalas ng katatagan
tulad ng pagbabago ayon sa ng loob
nararapat na resulta Paglalarawan ng wastong pag-
uugali sa pagtanggap ng puna
Aralin 7: • Nakagagawa ng mga wastong Kuwento Pagsusuri sa sariling pananaw at Health―pangangalaga sa sariling
Maglaro at Maging kilos at gawi sa pangangalaga Pagpapahalaga sa sariling damdamin kalusugan
Malusog ng sariling kalusugan at kaligtasan at kalusugan Science―pagkilala sa mga bahagi
kaligtasan Pag-alam sa mga gawaing ukol ng katawan, ang mga ginagawa
sa pangangalaga ng sariling nito, at mga pangkalusugang
kalusugan gawi
Aralin 8: • Nakahihikayat ng kapuwa Tula Pagdedesisyon Health―pangangalaga sa sariling
Gawin Natin Ito, na gawin ang dapat para sa Paghihikayat sa kapuwa kalusugan
Kaibigan sariling kalusugan at kaligtasan na panatilihing malinis Science―pagkilala sa mga bahagi
ang kapaligiran upang ng katawan, ang mga ginagawa
mapangalagaan ang sariling nito, at mga pangkalusugang
kalusugan gawi
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 9: • Napatutunayan ang ibinubunga Kuwento Pagsusuri sa sariling mga gawi at Health―pangangalaga sa sariling
Bumalik Kayo! ng pangangalaga sa sariling Pagpapatunay na ang malusog gawain kalusugan
kalusugan at kaligtasan― na pangangatawan ay dulot Science―pagkilala sa mga bahagi
maayos at malusog na ng pangangalaga sa sariling ng katawan, ang mga ginagawa
pangangatawan kalusugan nito, at mga pangkalusugang
gawi
Aralin 10: • Napatutunayan ang ibinubunga Larawang-kuwento Pagsusuri sa mga sitwasyon Health―pangangalaga sa sariling
Kampanya ng pangangalaga sa sariling Paghihikayat sa kapuwa upang Pagdedesisyon kalusugan
sa Kalusugan kalusugan at kaligtasan― pangalagaan ang sariling Science―pagkilala sa mga bahagi
kaangkupang pisikal kalusugan ng katawan, ang mga ginagawa
nito, at mga pangkalusugang
gawi
Aralin 11: • Napatutunayan ang ibinubunga Kuwento Paggawa ng poster na may slogan Health―pagsusuri sa mga
Maging Ligtas ng pangangalaga sa sariling Pagpapatunay na ang malusog impormasyon tungkol sa
sa Lansangan kalusugan at kaligtasan― na pangangatawan ay dulot kalusugan
kaligtasan sa kapahamakan ng pangangalaga sa sariling Math―pag-aayos at pag-unawa
kalusugan sa mga impormasyong
nakalahad sa mga graph
Aralin 12: • Napatutunayan ang ibinubunga Kuwento Paggawa ng poster Health―pagsusuri sa mga
Maging Ligtas ng pangangalaga sa sariling Pagpapakita ng wastong impormasyon tungkol sa
sa Kapahamakan kalusugan at kaligtasan― pag-uugali para sa tamang kalusugan
kaligtasan sa kapahamakan kalusugan at kaligtasan Math―pag-aayos at pag-unawa
sa mga impormasyong
nakalahad sa mga graph
Aralin 13: • Napatutunayan ang ibinubunga Kuwento Paggawa ng slogan Araling Panlipunan―pagkilala at
Sumayaw Tayo ng pangangalaga sa sariling Pagtupad sa mga tungkuling pag-unawa sa mga tungkulin at
kalusugan at kaligtasan― itinakda ng tahanan pananagutan ng batang
masaya at maliksing katawan Pilipino sa kaniyang sarili at sa
kaniyang pamilya
Math―pag-aayos at pag-unawa
sa mga impormasyong
nakalahad sa mga graph
ix
x Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 14: • Nakasusunod nang kusang- Tula Pagsusuri sa sariling mga gawi at Araling Panlipunan―pagkilala at
Ang Pamilyang loob at may kawilihan sa mga Pagtupad sa mga tungkuling gawain pag-unawa sa mga tungkulin at
Filipino panuntunan sa tahanan itinakda sa tahanan pananagutan ng batang
Pilipino sa kaniyang sarili at sa
kaniyang pamilya
Math―pag-aayos at pag-unawa
sa mga impormasyong
nakalahad sa mga graph
Aralin 15: • Nakasusunod sa mga Talatakdaan/Kuwento Pagsagot sa mga tanong Araling Panlipunan―pagkilala at
Oras Na! pamantayan/tuntunin ng Paggawa ng talatakdaan pag-unawa sa mga tungkulin at
mag-anak pananagutan ng batang Pilipino
sa kaniyang sarili
at sa kaniyang pamilya
Math―pag-aayos at pag-unawa
sa mga impormasyong
nakalahad sa mga graph
Pag-uugnay • Mapag-ugnay-ugnay
ang mga kaisipan at mga
pagpapahalagang natutuhan sa
yunit

Yunit 2 Ako—Magalang, Matapat, at Mapagmalasakit

Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakapagpapadama ng Mga Larawan Pagsagot sa mga tanong Filipino―paghihinuha sa
Gawain Mo Ba Ito? malasakit sa kapuwa na may Pagpapakita ng malasakit sa Pagbibigay ng katwiran sa damdamin at katangian batay
karamdaman sa pamamagitan kapuwa sariling desisyon sa kilos o sinasabi
ng pagbabahagi
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 2: • Nakapagpapadama ng Kuwento Paggawa ng get-well card Filipino―paghihinuha sa
Ang Kamag-aaral malasakit sa kapuwa na may Pagpapakita ng malasakit sa damdamin at katangian batay
Kong si Marie karamdaman sa pamamagitan kapuwa sa kilos o sinasabi
ng mga simpleng gawain―
pagtulong at pag-aalaga
Aralin 3: • Nakapagpapadama ng Kuwento Pagsusuri sa mga pahayag Filipino―paghihinuha sa
Kapuwa Ko, malasakit sa kapuwa na may Pagpapakita ng malasakit sa Pagsagot sa mga tanong damdamin at katangian batay
Tutulungan Ko karamdaman sa pamamagitan kapuwa sa kilos o sinasabi
ng mga simpleng gawain
Art―pag-unawa sa isang guhit
―pagdalaw, pag-aliw, at
pagdadala ng mga pagkain o
anumang bagay na kailangan
Aralin 4: • Nakapagpapakita ng malasakit Kuwento Pagsusuri sa mga larawan Filipino―paghihinuha sa
Kakaiba Ito! sa mga may kapansanan sa Pagpapakita ng malasakit sa Pagsagot sa mga tanong damdamin at katangian batay
pamamagitan ng pagbibigay kapuwa na may karamdaman Pagdedesisyon sa kilos o sinasabi
ng simpleng tulong sa kanilang o kapansanan
Art―pag-unawa sa isang guhit
mga pangangailangan
Aralin 5: • Nakapagpapakita ng malasakit Kuwento Pagsagot sa mga tanong English―recall important
Kaya Ko, Kaya sa mga may kapansanan sa Pagmamalasakit sa kapuwa sa Pagbibigay ng ebalwasyon information in the story read;
Mo Rin! pamamagitan ng pagbibigay pamamagitan ng pagbibigay sa sariling kilos batay sa respond to the story or poem
ng pagkakataon upang sumali ng pagkakataon sa mga may pamantayan through discussion, music, art,
at lumahok sa mga palaro o kapansanan sa paaralan drama, and various activities
sa larangan ng isport at sa iba
pang programang pampaaralan
Aralin 6: • Nakapagpapakita ng malasakit Kuwento Pagbasa ng kwento English―infer the characters’
Mahalagang sa mga may kapansanan sa Pagmamalasakit sa kapuwa sa Pagsagot sa mga tanong feelings, traits, and motives
Kasali Ka pamamagitan ng pagbibigay pamamagitan ng pagbibigay based on their actions or
ng pagkakataon upang sumali ng pagkakataon sa mga may what they say; respond to
at lumahok sa mga palaro kapansanan sa pamayanan literary texts through the
at sa iba pang paligsahan sa appreciation of literary devices
pamayanan and an understanding of story
grammar
xi
xi Kaugnay na Kaisipan
i Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 7: • Naisasaalang-alang ang Komiks Pagsusuri ng mga pangyayari sa Araling Panlipunan―pag-
Makabuluhang katayuan/kalagayan Pagsasaalang-alang ng kuwento unawa at pagpapahalaga sa
Kaarawan ng pangkat-etnikong katayuan ng kapuwa-bata sa Paggawa ng get-well card pagkakakilanlang kultural ng
kinabibilangan ng kapuwa- pamamagitan ng pagbabahagi iba’t ibang pamayanan
bata sa pamamagitan ng ng pagkain at ibang
pagbabahagi ng pagkain, pangangailangan
laruan, damit, gamit, at iba pa
Aralin 8: • Naisasaalang-alang ang Kuwento Pagsusuri ng damdamin sa mga English―infer the characters’
Mga Katutubo, katayuan/kalagayan Pagsasaalang-alang ng gawain feelings, traits, and motives
Kapuwa Filipino ng pangkat-etnikong katayuan ng kapuwa-bata sa Paghingi ng pananaw ng iba based on their actions or what
kinabibilangan ng kapuwa-bata pamamagitan ng pagbabahagi they say
ng pagkain at ibang Art―understanding that a
pangangailangan drawing can be realistic
or imaginary; useful
and decorative
Aralin 9: • Naipakikita nang may Kuwento Pagdedesisyon Araling Panlipunan―aktibong
Si Lino―Bakit kasiyahan ang pakikiisa sa Pagpapakita ng kasiyahan sa Pagbuo ng kaisipan o pahayag pakikilahok o pakikiisa sa
Paborito? mga gawaing pambata gaya ng pakikiisa sa mga gawaing mga proyekto at gawain ng
paglalaro pambata pamahalaan at mga pinuno sa
kinabibilangang pamayanan
tungo sa kabutihan ng lahat
(common good)
Aralin 10: • Nakapagpapakita ng malasakit Kuwento Pagsulat ng kuwentong kaugnay Araling Panlipunan―aktibong
Ang Team sa mga may kapansanan sa Pagpapakita ng kasiyahan sa ng aralin pakikilahok o pakikiisa sa
Maligaya pamamagitan ng pagbibigay pakikiisa sa mga gawaing Pagbubuo ng kaisipan gamit ang mga proyekto at gawain ng
ng pagkakataon upang sumali pambata mga larawan pamahalaan at mga pinuno sa
at lumahok sa mga palaro at sa kinabibilangang pamayanan
iba pang paligsahan sa paaralan tungo sa kabutihan ng lahat
at sa pamayanan
Pag-uugnay • Mapag-ugnay-ugnay ang mga
kaisipan at pagpapahalagang
natutuhan sa yunit
Yunit 3 Ako―Mabuting Kasapi ng Pamayanan

Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakapagpapakita ng mga Kuwento Pagsagot sa mga tanong Araling Panlipunan―
Ipagmalaki Natin, kaugaliang Pilipino tulad ng Pagsagot sa mga tanong pagpapahalaga sa mga
Mga Kaugaliang pagmamano at paggamit ng kaugaliang Pilipino
Filipino po at opo
Aralin 2: • Naipakikita ang mga Kuwento Pagsusuri sa mga sariling gawi at Araling Panlipunan―
Mano Po kaugaliang Pilipino tulad Pagsusuri sa sariling damdamin gawain pagpapahalaga sa mga
ng paggamit ng po at opo at at gawi kaugaliang Pilipino
pagmamano
Aralin 3: • Naipakikita ang mga Kuwento Pagsusuri ng sitwasyon at sarili sa Araling Panlipunan―
Ikaw Ba Ito? kaugaliang Pilipino tulad ng Pagbasa ng kuwento pagbuo ng mga desisyon pagpapahalaga sa mga
pagsunod sa mga tamang Pagsagot sa mga tanong kaugaliang Pilipino
tagubilin ng mga nakatatanda
Aralin 4: • Naipakikita ang mga Kuwento Pagsusuri sa sarili Araling Panlipunan―aktibong
Paano Ba Sumunod kaugaliang Pilipino tulad sa Pagbasa ng kuwento pakikilahok o pakikiisa sa
sa mga Tagubilin? pagsunod sa tamang tagubilin Pagsagot sa mga tanong mga proyekto at gawain ng
ng mga nakatatanda pamahalaan at mga pinuno sa
kinabibilangang pamayanan
tungo sa kabutihan ng lahat
Aralin 5: • Nakapagpapahayag na isang Kuwento Pagbubuo ng konsepto sa Araling Panlipunan―pag-
Nagkakaisa tanda ng mabuting pag-uugali Pagbasa ng kuwento pamamagitan ng pananaliksik unawa sa kahalagahan ng
sa Pagsunod ng Pilipino ang pagsunod sa Pangangalap ng mga balita pangangalaga sa kapaligiran
mga tuntunin ng pamayanan Pagbuo ng mga pangungusap Science―conservation and
preservation of natural
resources/environment

xi
ii
xi Kaugnay na Kaisipan
v Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 6: • Napananatiling malinis at Diyalogo Pagsusuri sa mga gawain at gawi Araling Panlipunan―pag-
Paglilinis: Gawaing ligtas ang pamayanan sa Pagsusuri sa mga pangyayari sa ng pamilya unawa sa kahalagahan ng
Pampamilya pamamagitan ng paglilinis kuwento pangangalaga sa kapaligiran
at pakikiisa sa mga gawaing Science―conservation and
pantahanan at pangkapaligiran preservation of natural
resources/environment
Aralin 7: • Nakapagpapanatili ng malinis Sanaysay Pagbuo ng desisyon English―identify cause and effect
May Pera at ligtas na pamayanan sa Pagbasa ng sanaysay of specific events in a literary
sa Basura pamamagitan ng wastong Pagsagot sa mga tanong selection
pagtatapon ng basura Art―demonstrate understanding
that a drawing can be realistic
or imaginary; useful and
decorative
Aralin 8: • Napananatiling malinis at Sanaysay Pagbuo ng desisyon Health―demonstrate safety
Bayanihan ligtas ang pamayanan sa Pagbasa ng sanaysay Pagbibigay ng katwiran sa practices in daily activities
sa Kalinisan pamamagitan ng palagiang Pagsagot sa mga tanong sariling desisyon
pakikilahok sa mga proyekto
ng pamayanan na may
kinalaman sa kapaligiran
Aralin 9: • Nakasusunod sa mga tuntunin Sanaysay Pagsusuri sa sarili kaugnay sa Health―demonstrate safety
Mga Tuntuning na may kinalaman sa kaligtasan Pagbasa ng sanaysay tuntuning pangkaligtasan practices in daily activities
Pangkaligtasan tulad ng mga babala at batas- Pagsagot sa mga tanong
trapiko
Aralin 10: • Nakasusunod sa mga tuntunin Kuwento Pagsasaliksik/Panayam kaugnay
Kailangang na may kinalaman sa kaligtasan Pagbasa ng kuwento ng mga batas-trapiko
Sundin: Mga Batas tulad ng mga babala at batas- Pagsagot sa mga tanong
Pantrapiko trapiko
Aralin 11: • Nakapagpapanatili ng ligtas na Sanaysay Pagsusuri sa mga sariling gawi at
Handa Na Ba pamayanan sa pamamagitan ng Pagsagot sa mga tanong gawain
Kayo? pagiging handa sa mga sakuna
o kalamidad
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Pag-uugnay • Mapag-ugnay-ugnay ang mga
kaisipan at pagpapahalagang
natutuhan sa yunit

Yunit 4 Ako―Nagpapahalaga sa mga Nilikha ng Diyos

Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 1: • Nakapagpapakita ng pananalig Tula Paggawa ng dasal
Manalig sa Diyos sa Diyos Pagsagot sa mga tanong
Aralin 2: • Nakapagpapakita ng pananalig Kuwento Pagsusuri ng sariling damdamin English―infer the characters’
Kumapit Ka sa Diyos Pagsagot ng mga tanong Pagsagot sa mga tanong sa feelings, traits, and motives
pamamagitan ng pagguhit o based on their actions or what
larawan they say
Aralin 3: • Nakapagpapakita ng paggalang Kuwento Pagsulat ng dasal
Igalang: Iba-ibang sa paniniwala ng iba sa Diyos Pagbasa ng kuwento
Paraan ng Pagsagot sa mga tanong
Pagsamba
Aralin 4: • Naipamamalas ang Kuwento Pagdedesisyon
Oras nang Kumilos pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagbasa ng kuwento Pagninilay at pagbibigay katwiran
ng Diyos at sa Kaniyang mga Pagsagot sa mga tanong sa sariling desisyon
biyaya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kahalagahan
ng pag-asa para makamit ang
tagumpay

x
v
x Kaugnay na Kaisipan
vi Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 5: • Naipamamalas ang Kuwento Pagsusuri sa sariling mga gawi at
Laging May pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagbasa ng kuwento gawain
Pag-asa ng Diyos at sa Kaniyang mga Pagsagot sa mga tanong
biyaya sa pamamagitan ng
pagpapakita at pagpapadama
ng kahalagahan ng pagbibigay
ng pag-asa sa iba
Aralin 6: • Naipamamalas ang Kuwento Pagdedesisyon
Mga Kaibigan— pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong
Biyaya ng Diyos ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng suporta sa mga
kaibigan o pagiging mabuting
kaibigan
Aralin 7: • Naipamamalas ang Komiks/Kuwento Pagsusuri sa sariling mga gawi at English―infer the characters’
Mga Kaibigan— pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong gawain feelings, traits, and motives
Handang Umalalay ng Diyos at sa Kaniyang mga based on their actions or what
biyaya sa pamamagitan ng they say
pagpapakita ng suporta sa
kaibigan o pagiging mabuting
kaibigan
Aralin 8: • Naipamamalas ang Kuwento Pagsusuri sa sarili
Gantimpala sa pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong
Kabutihan ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kabutihan at
katwiran
Kaugnay na Kaisipan
Aralin/Pamagat Layunin Dulog/Estratehiya Pagtataya
sa Ibang Asignatura
Aralin 9: • Naipamamalas ang Kuwento Pagsusuri sa mga sitwasyon
Mga Magulang pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong
ng Taon ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kabutihan at
katwiran
Aralin 10: • Naipamamalas ang Diyalogo Pagsusuri sa mga sitwasyon
Walang Katumbas pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong
ang Pagtulong sa ng Diyos at sa Kaniyang
Kapuwa mga biyaya sa pamamagitan
ng pagtulong sa mga
nangangailangan
Aralin 11: • Naipamamalas ang Kuwento Pagdedesisyon Science―conservation and
Tamang Gamit ng pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong preservation of natural
Kalikasan ng Diyos at sa Kaniyang mga resources/environment
biyaya sa pamamagitan ng
pag-iingat at pangangalaga sa
kalikasan
Aralin 12: • Naipamamalas ang Tula Pagsusuri sa sarili Science―conservation and
Gising na at pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong Pagsagot sa mga tanong preservation of natural
Kumilos! ng Diyos at sa Kaniyang mga resources/environment
biyaya sa pamamagitan ng
pag-iingat at pangangalaga sa
kalikasan
Aralin 13: • Naipamamalas ang Komiks/Kuwento Pagsusuri sa damdamin ayon sa Science―conservation and
Hindi Pa Huli ang pagmamahal sa lahat ng nilikha Pagsagot sa mga tanong mga larawan preservation of natural
Lahat ng Diyos at sa Kaniyang mga Pagsusuri sa mga sitwasyon resources/environment
biyaya sa pamamagitan ng
pag-iingat at pangangalaga sa
kalikasan
Pag-uugnay • Mapag-ugnay-ugnay ang mga
x kaisipan at pagpapahalagang
vi natutuhan sa yunit
Yunit 1 Ako—Mabuting Kasapi ng Pamilya

Paglulunsad ng Yunit
Layunin
Ilahad sa mga mag-aaral ang mga aralin sa Yunit 1

Mga Kagamitan
• mga larawan ng mga bata na tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika,
nagluluto, nagsasayaw, umaawit, at gumagawa ng puzzle
• manila paper
• panulat

Mga Gawain
1. Ilunsad ang yunit. Gawin ang sumusunod:
a. Pangkatin ang mga mag-aaral nang apatan. Gupitin ang mga larawan upang
gawing mga puzzle. Bigyan ng mga manila paper at panulat ang bawat pangkat.
b. Ipabuo ang puzzle sa bawat pangkat at ipapaskil sa manila paper.
c. Ipasulat sa mga pangkat ang pangalan ng mga kakilala nila na may talento na
katulad sa nabuo nilang puzzle. Maaari nilang ilagay ang pangalan nila, ng
kanilang mga kamag-aaral, o iba pang kakilala.
2. Ipakuwento sa bawat pangkat ang kanilang ginawa.
3. Ipamasid sa ibang pangkat ang ginawa ng ibang mga mag-aaral.
4. Sabihin sa mga mag-aaral na tingnan ang talentong ipinaskil ng ibang pangkat.
Ipasulat sa manila paper nila ang mga pangalan ng iba pang bata na alam nilang may
mga talento na katulad ng mga nasa larawan.
5. Sabihin: Nakikita ninyo na ang inyong mga kamag-aaral at kakilala ay may iba’t
ibang angking talento. Ang bawat isa sa inyo ay may angking talento. Ano ang
maaari ninyong ipakita? Paano ninyo maipakikita ang inyong mga talento nang may
kababaang-loob?

Aralin 1: Kakayahan Mo, Ipakita Mo


Layunin
Natutukoy ang natatanging kakayahan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng iba’t ibang kakayahan

Paksa
“Kakayahan Mo, Ipakita Mo,” mga pahina 2–8

1
Paghahanda/Pagganyak
Sabihin sa mga mag-aaral na sila ay magtatanghal ng isang talent show. Ipatala ang
gusto nilang ipakitang talento. Tulungan ang mga batang mahiyain.

Paglilinang
1. Pagkatapos ng pagtatanghal ng talent show, itanong: Nasiyahan ba kayo sa inyong
ginawa? Ano ang nararamdaman ninyo kapag naipakikita ninyo ang inyong talento?
Ano-ano pa ang iba ninyong kayang gawin?
2. Ipabasa ang kuwentong “Kakayahan Mo, Ipakita Mo” sa mga pahina 2 at 3.
3. Pag-usapan ang kuwento at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
4. Patnubayan sila sa kanilang gawain sa Suriin.
5. Ipagawa ang Magdesisyon at talakayin ang kanilang mga sagot.
6. Ipabasa ang Tandaan. Ipaulit ito nang pangkatan, dalawahan, at isahan.
7. Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Patnubayan sila sa kanilang pagsagot. Pag-usapan
ang kanilang mga sagot.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Gabayan sila sa paggawa nito. Tumawag ng
ilang mag-aaral at pabigyang-paliwanag ang kanilang mga sagot.

Takdang-Aralin
Sabihin sa mga mag-aaral: Kasama ang magulang o nakatatandang kapatid, gumawa
ng collage ng sariling mga talento mula sa mga lumang magasin. Ipakita ito sa klase sa
susunod na pagkikita.

Aralin 2: Lahat ay May Kakayahan


Layunin
Nakapagpapakita ng natatanging kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Lahat ay May Kakayahan,” mga pahina 9–15

Paghahanda/Pagganyak
1. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mag-aaral na ipakita ang collage na ginawa sa
kanilang takdang-aralin.
2. Balikan ang ginawang talent show sa paglulunsad ng yunit. Itanong: Nasiyahan ba
kayo sa pagpapakita ninyo ng inyong mga talento? Nahihiya ba kayong ipakita ang
inyong mga kakayahan?
Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kuwentong-larawan sa mga pahina 9 hanggang
11. Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyo sa mga larawan? Matatawag bang mga
talento o kakayahan ang mga ito? Sa anong mga lugar at okasyon maipakikita ang
mga ito?
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa sa bawat pangkat ang Suriin. Pag-usapan
sa klase ang kanilang mga sagot.
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot. Ipahambing sa
kanilang katabi ang natapos nilang gawain. Ipasabi kung anong gawain ang pareho
nilang gusto.
5. Itanong: Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa inyong sarili? Bakit hindi pantay-
pantay o pare-pareho ang talento ng bawat isa? Kapag mayroon kang angking
talento, paano mo dapat ipinakikita ito? Kailangan ba itong ipagmayabang? Bakit?
6. Ipabasa ang Tandaan nang isahan, dalawahan, o pangkatan. Magpabigay ng mga
halimbawang sitwasyon.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Gabayan ang mga mag-aaral sa gawaing ito.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
magulang.

Aralin 3: Si Tongtong, Ang Batang Mayabang


Layunin
Napahahalagahan ang kakayahan sa paggawa

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Si Tongtong, Ang Batang Mayabang,” mga pahina 16–21

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng talakayan mula sa mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang takdang-
aralin.
Ipabuo ang sumusunod:

Ipagpapatuloy ko ang
.
Sisimulan kong
.
Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan na .
Paglilinang
1. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano ang nararamdaman ninyo kapag may mga kamag-aaral o kaibigan kayo na
nagyayabang?
b. Ipinagyayabang ba ninyo ang inyong mga kakayahan? Bakit?
2. Ipabasa ang kuwentong “Si Tongtong, Ang Batang Mayabang” sa mga pahina 16
at 17. Ipasabi ang kanilang naging damdamin sa kuwento.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral.
4. Isunod na ipagawa ang Suriin. Itanong: Ano ang natuklasan ninyo sa inyong sarili sa
pagsagot sa bahaging ito?
5. Ipasagot ang Magdesisyon. Itanong: Bakit kailangang mapahusay pa ang talento o
kakayahan?
6. Ipabasa ang Tandaan. Itanong: Paano ninyo higit na pinahuhusay ang inyong mga
kakayahan?

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang kanilang mga
sagot.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 4: Kahanga-hanga si Eliza


Layunin
Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan ng kalooban

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• manila paper

Paksa
“Kahanga-hanga si Eliza,” mga pahina 22–27

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipaalaala sa mga mag-aaral ang nakaraang aralin. Itanong: Ano ang nararamdaman
ninyo kapag may kaibigan kayong madalas na nagyayabang? Bakit hindi ninyo ito
nagugustuhan? Paano nga ba dapat ipinakikita sa iba ang sariling kakayahan?
2. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.

Paglilinang
1. Bago ilahad ang kuwento, magkaroon ng character sketch. Pangkatin ang mga mag-
aaral. Bigyan ng manila paper ang bawat pangkat. Ipasulat sa kanila ang lahat ng
mga katangian na kanilang hinahangaan sa mga tao.
2. Bigyan ng pagkakataon ang mga pangkat na ibahagi ang kanilang mga isinulat.
3. Ipabasa o basahin ang kuwentong “Kahanga-hanga si Eliza” sa mga pahina 22 at 23.
4. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang kanilang mga sagot. Bumuo
ng isang concept map tungkol sa katatagan ng loob. Itanong: Paano nakikita ang
katatagan ng loob ng isang bata?
5. Ipasagot ang Suriin. Pag-usapan ang mga sagot ng ilang mag-aaral. Itanong: Sino
ang may karanasan na katulad ng kay Eliza? Ipakuwento ang kanilang karanasan.
6. Ipagawa ang Magdesisyon. Bigyan ng pagkakataon na ibahagi ng ilang mag-aaral sa
klase ang kanilang desisyon. Pangkatin ang mga mag-aaral na may magkakatulad na
karanasan.
7. Ipabasa o basahin ang Tandaan. Itanong: Paano ninyo ipinakikita ang katatagan ng
loob sa mga sitwasyong naranasan?

Pagtataya
Ipagawa nang pangkatan ang Pag-isipan at Sagutin. Talakayin sa klase ang natapos
na gawain ng mga pangkat. Itanong: Paano ipinakita o ipinakikita ng mga nasa larawan
ang katatagan ng loob?

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Sabihing ilalahad nila ito sa klase kinabukasan.

Aralin 5: Pagtanggap ng mga Puna


Layunin
Napahahalagahan ang pagkilala sa kayang gawin ng mga kamag-aaral na sumusukat
sa kanilang katatagan ng loob tulad ng pagtanggap sa puna ng ibang tao

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Pagtanggap ng mga Puna,” mga pahina 28–33

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Pag-usapan ang mga liham. Hikayatin sila na magdagdag sa ipinahayag ng mga
kamag-aaral.
3. Itanong: Ano ang nararamdaman ninyo kapag may pumupuna sa mga gawa ninyo?
Paano kaya tinanggap ng pangunahing tauhan sa ating kuwento ang mga puna sa
kaniya?

Paglilinang
1. Basahin ang kuwentong “Pagtanggap ng mga Puna” sa mga pahina 28 at 29. Pag-
usapan ang tungkol sa pagbibigay ng puna at pagtanggap nito. Ipaulit at ipasadula sa
mga mag-aaral ang kuwento.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipabasa ang dalawang sipi sa loob ng kuwento
at pag-usapan ito.
3. Ipasagot ang Suriin. Pag-usapan ang mga sagot sa bawat bilang. Itanong: Paano
dapat ang kilos o sagot sa mga puna?
4. Sabihin sa mga mag-aaral na maghanap ng kanilang kapareha. Ipagawa ang
Magdesisyon. Ipabasa ang mga sagot sa klase.
5. Gabayan ang mga mag-aaral na basahin ang Tandaan. Magpabigay ng mga
halimbawang sitwasyon.

Pagtataya
Magpabigay sa ilang mag-aaral ng kanilang karanasan sa mga natanggap nilang
puna. Itanong: Ano ang ginawa ninyo sa mga ganoong sitwasyon? Ipasagot ang Isapuso
at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
nakatatanda sa tahanan.

Aralin 6: Kaya Ko Pala!


Layunin
Napahahalagahan ang pagkilala sa kayang gawin ng mga kamag-aaral na sumusukat
sa kanilang katatagan ng loob tulad ng pagbabago ayon sa nararapat na resulta

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kaya Ko Pala!,” mga pahina 34–40

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Tanungin ang ibang mag-
aaral kung may maidaragdag pa sila.
2. Itanong: Ano ang nararamdaman ninyo kapag may pumupuri sa inyong talento?
Nahihiya ba kayong ipakita ang inyong talento?
3. Pabuksan ang aklat sa mga pahina 34 at 35. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa
iba’t ibang kuwento sa aralin.

Paglilinang
1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo at bigyan ng tig-isang kuwento. Ipabasa sa
bawat pangkat ang kuwentong ibinigay sa kanila.
2. Talakayin ang bawat kuwento at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Gabayan ang
mga mag-aaral sa pagsagot ng bahaging ito.
3. Ipagawa ang Suriin. Ipalahad sa klase ang mga sagot. Bigyang-diin ang maaaring
mangyari kapag tinatanggap nang maayos ang mga puna.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Pag-usapan ang mga sagot ng ilang mag-aaral.
5. Ipabasa ang Tandaan. Magpabigay sa ilang mag-aaral ng kanilang mga karanasan
kaugnay nito.

Pagtataya
Pag-usapan kung paano magpapakita ng kababaang-loob kapag may pumupuri sa
ipinakikitang talento. Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Ipaalaala na maaari silang magpatulong sa
nakatatanda sa tahanan.

Aralin 7: Maglaro at Maging Malusog


Layunin
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng mga batang nag-eehersisyo, naglalaro, at sumasayaw

Paksa
“Maglaro at Maging Malusog,” mga pahina 41–47

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipakita ang mga larawan sa Magdesisyon sa nakaraang aralin.
2. Pumili ng ilang mag-aaral at ipakita ang unang larawan. Itanong: Ano ang dapat
gawin sa ganitong sitwasyon?
3. Ganito rin ang gawin sa ikalawang larawan.
4. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa susunod na aralin. Itanong: Ano ang mga
ginagawa ninyo pagkagising ninyo tuwing umaga? Paano ninyo inaalagaan ang
inyong sarili?

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Maglaro at Maging Malusog” sa mga pahina 41 at 42.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Magbigay ng mga halimbawa ng mga gawaing
nagpapalusog. Bigyan ng pagkakataong maipakita ng ilang mag-aaral ang mga
gawain.
3. Ipagawa ang Suriin. Ipalahad ang kanilang mga sagot. Pag-usapan ang mga ito.
4. Ipagawa ang Magdesisyon nang isahan. Pagkatapos ay pangkatin ang mga mag-
aaral. Ipalahad sa kanila ang mga pinili at kung bakit nila ito ginagawa.
5. Itanong:
a. Ano ang mga gawaing nakapagpapalusog ng katawan?
b. Bakit mahalaga na maging malusog at ligtas?
c. Bakit tungkulin ninyo sa sarili ang maging malusog?
6. Ipabasa ang Tandaan. Itanong kung bakit kailangang gawin ang mga ito.

Pagtataya
Papiliin ang mga mag-aaral ng kanilang kapareha. Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.
Pag-uusapan ng magkapareha ang kanilang pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon. Ipalahad
ang kanilang nabuong gawain.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Ipaalala na ilalahad nila ito sa klase kinabukasan.

Aralin 8: Gawin Natin Ito, Kaibigan


Layunin
Nakahihikayat ng kapuwa na gawin ang dapat para sa sariling kalusugan at kaligtasan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Gawin Natin Ito, Kaibigan,” mga pahina 48–54

Paghahanda/Pagganyak
1. Itanong: Ano ang mga gawain upang maging malusog at ligtas?
Hikayatin ang mga mag-aaral na may tamang sagot na pumunta sa pisara nang
pakandirit.
2. Ipakuwento sa mga mag-aaral ang kanilang karanasan kapag sila ay nag-eehersisyo
o gumagawa ng mga gawain na nakapagpapalusog ng sariling katawan.

Paglilinang
1. Ipabasa ang tulang “Gawin Natin Ito, Kaibigan” sa pahina 48. Ipaulit ang pagbasa
nang pangkatan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot.
3. Ipasagot ang Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng bahaging ito.
Maaaring talakayin muna ang pagbibigay ng marka.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang natapos na gawain sa
klase.
5. Ipabasa o basahin ang Tandaan. Itanong: Sumasang-ayon ba kayo rito? Bakit o bakit
hindi?
Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Ipaliwanag nang mabuti ang panuto. Maaaring
magbigay muna ng halimbawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa
nakatatanda sa tahanan.

Aralin 9: Bumalik Kayo!


Layunin
Napatutunayan ang ibinubunga ng pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan―
maayos at malusog na pangangatawan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Bumalik Kayo!,” mga pahina 55–60

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng talakayan katulad ng isang TV morning show. May magkukunwaring
emcee. Ipaulat ang mga ginagawa ng mga mag-aaral upang hikayatin ang kapuwa-
bata na maging malusog ang pangangatawan.
2. Itanong: Ano ang mangyayari kapag hindi inaalagaan ang katawan? Ano kaya ang
hindi inalagaan ng pangunahing tauhan sa kuwentong ating babasahin?
3. Itanong kung sino sa kanila ang ginagawa ang mga ito.

Paglilinang
1. Pabuksan ang aklat sa mga pahina 55 at 56 at ipabasa ang kuwentong “Bumalik
Kayo!” Talakayin ang kuwento at bigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa
sariling katawan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot.
3. Ipagawa ang Suriin. Pabigyang-paliwanag sa ilang mag-aaral ang kanilang mga sagot.
4. Ipagawa nang pangkatan ang Magdesisyon. Ipaulat ang mga sagot ng bawat
pangkat. Bukod sa mga ngipin, ano pa ang ibang bahagi ng katawan na dapat
pangalagaan? Paano ito gagawin?
5. Itanong:
a. Ano ang mga paraan upang mapangalagaan ang sariling kalusugan?
b. Bakit mahalaga na pangalagaan ang sariling kalusugan?
c. Paano mo hihikayatin ang kapuwa na pangalagaan ang sariling kalusugan?
6. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan.
Pagtataya
Ipaliwanag ang panuto ng Isapuso at Isagawa. Ipagawa ito at pagkatapos ng isang
linggo, itanong: Ano ang napapansin ninyo sa inyong mga ngipin? Bakit mahalaga ang
pagsisipilyo?

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Maaari silang humingi ng tulong sa mga
nakatatanda sa kanilang tahanan.

Aralin 10: Kampanya sa Kalusugan


Layunin
Napatutunayan ang ibinubunga ng pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan―
kaangkupang pisikal

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kampanya sa Kalusugan,” mga pahina 61–67

Paghahanda/Pagganyak
1. Pabalik-aralan ang mga gawain para sa pangangalaga sa mga ngipin at kabuuang
kalusugan ng katawan. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Itanong: Paano mo hihikayatin ang kapatid mo o kaibigan na maging malinis sa
katawan?

Paglilinang
1. Ituon ang atensiyon ng mga mag-aaral sa mga larawan sa mga pahina 61 at 62.
Pabigyang-paliwanag ang kabutihang idudulot ng mga nasa larawan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin at talakayin sa klase ang mga sagot.
3. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kanilang kapareha at ipagawa ang Suriin.
Ipalahad ang sagot ng magkakapareha sa klase.
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipaulat ang kanilang mga pinili. Itanong sa klase kung
sumasang-ayon sila sa mga desisyon ng kanilang mga kamag-aaral. Hikayatin ang
mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang mga naging desisyon.
5. Itanong:
a. Paano mo mahihikayat ang kapuwa-bata na ugaliin ang pagiging malusog at
malinis?
b. Bakit mahalaga na pangalagaan ang sariling kalusugan?
Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Gabayan ang mga mag-aaral kung kinakailangan.
Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang mga nakatatanda sa bahay.

Aralin 11: Maging Ligtas sa Lansangan


Layunin
Napatutunayan ang ibinubunga ng pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan―
kaligtasan sa kapahamakan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng mga traffic sign

Paksa
“Maging Ligtas sa Lansangan,” mga pahina 68–74

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng maikling balik-aral sa nakaraang aralin. Ipaulat sa ilang mag-aaral
ang ginawa nilang takdang-aralin.
2. Ipakita ang mga larawan ng mga traffic sign. Itanong: Saan ninyo ito nakikita?
Ano ang mga karanasan ninyo sa lansangan? Ano ang dapat tandaan kapag kayo ay
nasa lansangan?

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kuwentong “Maging Ligtas sa Lansangan” sa
mga pahina 68 hanggang 70. Talakayin ang kuwento at bigyang-diin ang
kahalagahan ng kaligtasan sa lansangan.
2. Ipaulit ang kuwento sa pamamagitan ng dula-dulaan ng mga mag-aaral.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipaulat ang mga sagot ng ilang mag-aaral.
4. Ipaliwanag ang panuto at ipagawa ang Suriin. Pangkatin ang mga mag-aaral at
ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang mga sagot sa klase.
5. Ipagawa ang Magdesisyon sa bawat mag-aaral. Gabayan sila kung kinakailangan.
6. Itanong:
a. Ano ang maaaring panganib sa mga lansangan?
b. Bakit mahalaga ang pag-iingat kapag nasa lansangan lalo na sa pagtawid?
c. Ano ang laging dapat ugaliin kapag tumatawid ng lansangan?
7. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag ang panuto ng Isapuso at Isagawa. Itanong: Ano ang ipakikita ninyo sa
poster upang mahikayat ang mga tao na maging maingat sa lansangan?
Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang humingi ng tulong sa
nakatatanda.

Aralin 12: Maging Ligtas sa Kapahamakan


Layunin
Napatutunayan ang ibinubunga ng pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan―
kaligtasan sa kapahamakan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Maging Ligtas sa Kapahamakan,” mga pahina 75–81

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng balik-aral. Itanong kung ano-ano ang batas-trapiko.
2. Itanong: Lagi ba kayong gumagamit ng internet? Ano ang karaniwang ginagawa
ninyo sa internet? Alam ba ninyo na ang kaligtasan ay hindi lang sa lansangan kung
hindi sa internet din? Bakit kaya?
3. Sabihin: Alamin sa kuwento kung ano ang maaaring mangyari kapag hindi kayo
nag- iingat sa paggamit ng internet.

Paglilinang
1. Ipabasa ang “Maging Ligtas sa Kapahamakan” sa mga pahina 75 at 76. Itanong:
Batay sa nabasang kuwento, ano ang nalaman ninyo tungkol sa pagkikipag-ugnayan
sa internet?
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Bigyang-diin ang konsepto na ang kaligtasan ay
hindi lamang sa lansangan kung hindi maging sa internet.
3. Ipasagot ang Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng bahaging ito.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Ipalahad ang natapos na gawain sa klase.
5. Ipabasa o basahin ang Tandaan. Hayaang ipahayag ng mga mag-aaral sa kanilang
sariling salita ang nilalaman ng Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Ipaliwanag ang panuto. Maaaring magbigay ng
mga ideya.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa
nakatatanda sa tahanan.
Aralin 13: Sumayaw Tayo
Layunin
Napatutunayan ang ibinubunga ng pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan―
masaya at maliksing katawan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• video ng dance exercise

Paksa
“Sumayaw Tayo,” mga pahina 82–87

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng maikling balik-aral sa nakaraang aralin. Ipaulat sa ilang mag-aaral
ang ginawang takdang-aralin.
2. Ipapanood ang video ng dance exercise. Gawin ito. Itanong: Ano ang nararamdaman
ninyo sa ginawa nating pag-eehersisyo? Alamin sa kasunod na kuwento ang mga
karanasan ng isang pamilya nang sabay-sabay silang nag-ehersisyo.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Sumayaw Tayo” sa mga pahina 82 at 83.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot ng ilang mag-aaral.
3. Ipasagot ang Suriin. Sabihin sa mga mag-aaral na humanap ng kanilang kapareha at
ikuwento ang kanilang mga sagot sa Suriin.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Hayaang ipaliwanag ng ilang mag-aaral ang kanilang
mga sagot.
5. Basahin nang pangkatan ang Tandaan. Talakayin ang kaisipan na nakapaloob dito.
Ipabasang muli ang Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag ang informational advocacy material. Ito ay babasahin na
nakapaghikayat sa mga tao na gawin ang isinasaad. Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.
Ipaulat sa mga mag- aaral ang kanilang ginawa. Talakayin ang ginawa nila.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing ilalahad nila ito sa klase kinabukasan.
Aralin 14: Ang Pamilyang Filipino
Layunin
Nakasusunod nang kusang-loob at may kawilihan sa mga panuntunan sa tahanan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• manila paper
• panulat
• larawan ng pamilya ng mga mag-aaral
• larawan ng isang pamilyang Filipino

Paksa
“Ang Pamilyang Pilipino,” mga pahina 88–94

Paghahanda/Pagganyak
1. Itanong: Paano ninyo pinapaalalahanan ang sarili pagdating sa sariling kalusugan?
2. Ipalahad ang takdang-aralin.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa tulang “Ang Pamilyang Filipino” sa pahina
88. Itanong: Paano ninyo ilalarawan ang pamilyang Filipino?
2. Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ng manila paper at panulat. Ipasulat ang
kanilang paglalarawan sa isang pamilyang Filipino. Ipabahagi ang kanilang mga
isinulat.
3. Ipabasa o basahin ang tula.
4. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang kanilang mga naging sagot.
Bumuo ng isang concept map tungkol sa pagsunod sa mga itinakda sa tahanan.
5. Ipasagot ang Suriin. Itanong: Ano ang mga ugali o tuntunin sa inyong pamilya na
kakaiba sa ibang pamilya? Mayroon din bang gawain na nakatakda sa inyong
pamilya? Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit o bakit hindi?
Ipakuwento ang kanilang mga karanasan.
6. Ipagawa ang Magdesisyon. Bigyan ng pagkakataon na ibahagi ng mga mag-aaral sa
klase ang kanilang desisyon. Pangkatin ang mga mag-aaral na may magkakatulad na
karanasan.
7. Itanong: Paano ninyo ipinakikita ang katatagan ng loob sa mga sitwasyong
naranasan? Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipaliwanag ang panuto ng Pag-isipan at Sagutin. Ipagawa ito at pagkatapos ng isang
linggo ay ipaulat ang kanilang damdamin tungkol dito.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Ipalahad ito sa klase.
Aralin 15: Oras Na!
Layunin
Nakasusunod sa mga pamantayan/tuntunin ng mag-anak

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• halimbawa ng talatakdaan (schedule) na may nakalagay na mga gawain ng mga
kasapi ng pamilya

Paksa
“Oras Na!,” mga pahina 95–102

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng maikling balik-aral sa nakaraang aralin. Ipaulat ang ginawa ng mga
mag-aaral sa kanilang takdang-aralin.
2. Ipakita ang isang halimbawa ng mga talaan ng mga gawain ng isang pamilya.
Itanong: Mayroon din ba kayong nakatalang mga gawain sa inyong tahanan?
Sinusunod ba ninyo ito? Bakit o bakit hindi?

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa talatakdaan sa aralin sa pahina 95. Talakayin
ang nakalagay rito. Ipabasa ang kuwento. Bigyang-diin ang kahalagahan ng
pagtupad sa mga itinakda o tuntunin.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipaulat sa klase ang mga sagot ng ilang mag-
aaral.
3. Ipasagot nang pangkatan ang Suriin. Ipaulat ang sagot ng bawat pangkat sa klase.
Pagsama-samahin ang magkakapareho ang mga tuntunin. Pag-usapan ang kanilang
mga sagot.
4. Ipagawa ang Magdesisyon sa bawat mag-aaral. Gabayan ang bawat isa kung
kinakailangan.
5. Basahin nang pangkatan ang Tandaan. Talakayin ang kaisipan na nakapaloob dito.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Ipaulat sa mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.
Talakayin ang ginawa nila.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang humingi ng tulong sa
nakatatanda.

PAG-UUGNAY
Pangkatin ang mga mag-aaral nang apatan. Ipagawa ang gawain sa Pag-uugnay sa
pahina 102. Maaaring ipagawa ito sa isang ¼ na kartolina.
LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Basahin ang mga pangungusap. Alin ang nagpapakita / hindi nagpapakita ng tamang
ugali? Lagyan ng tsek (✓) ang hanay ng iyong sagot.
Oo Hindi
1. Mag-aral isang araw bago ang pagsusulit.
2. Kumain nang labis sa kayang kainin.
3. Sumali sa paligsahan at paghandaan ito.
4. Tuksuhin ang mga kamag-aaral na hindi gaanong nagpa-
pakita ng kanilang kayang gawin.
5. Lumiban sa klase at gawing dahilan ang pag-eensayo para
sa nalalapit na paligsahan.
6. Mag-relaks bago sumabak sa paligsahan.
7. Matulog sa tamang oras.
8. Umiyak kapag napahiwalay sa magulang sa isang pook-
pasyalan.
9. Kahit masama ang loob, tanggapin ang pagkatalo sa isang
laro.
10. Tanggapin ang puna ng guro tungkol sa isang nagawang
pagkakamali.

B. Itala ang mga hinihingi ng bawat bilang.


Tatlong (3) gawain upang mapaunlad ang
kakayahan. 1.
2.
3.
Tatlong (3) gawain upang maging malusog ang
pangangatawan. 4.
5.
6.
Dalawang (2) gawain upang maging ligtas sa lansangan at sa internet.
7.
8.
Dalawang (2) gawain upang mahikayat ang kapuwa na panatilihin ang kalusugan at
kaligtasan.
9.
10.
Susi ng Sagot:
A.
Oo Hindi
3 1
6 2
7
9 4
10 5
Yunit 2 Ako—Magalang,
Matapat, at
Mapagmalasakit

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Ilahad sa mga mag-aaral ang mga aralin sa Yunit 2

Mga Kagamitan
• bond paper
• mga kagamitan sa pagguhit
• mga pangkulay
• mga lumang magasin
• gunting
• paste

Mga Gawain
1. Sabihin: May natuklasan ba kayo sa inyong mga sarili sa mga aralin sa Yunit 1?
Ano ang mga ito? Gumawa kayo ng character sketch ng sarili. Iguhit sa gitna ng
bond paper ang sariling itsura. Iguhit naman sa kaliwang bahagi ang mga katangian
ng sarili na pinakagusto mong ipakita. Maaaring gumupit ng mga larawan sa mga
lumang magasin.
2. Kapag natapos na ng mga mag-aaral ang kanilang character sketch, pag-usapan ang
kanilang mga ginawa. Ipaliwanag na mahalaga ang maging mabait na bata. Subalit
mahalaga rin ang maging mapagmalasakit sa kapuwa.
3. Itanong: Ano naman ang gagawin ninyo upang maipakita ang pagmamalasakit sa
kapuwa?
4. Ipaguhit sa kanang bahagi ng kanilang papel ang mga gawain na nagpapakita ng
kanilang pagmamalasakit sa iba.
5. Ipaskil ang mga gawa ng mga mag-aaral sa nakikitang lugar sa silid-aralan.

Aralin 1: Gawain Mo Ba Ito?


Layunin
Nakapagpapadama ng malasakit sa kapuwa na may karamdaman sa pamamagitan ng
pagbabahagi

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit
Paksa
“Gawain Mo Ba Ito?,” mga pahina 104–111

Paghahanda/Pagganyak
1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang gagawin upang ipakita ang
kanilang malasakit sa kapuwa. Magkaroon ng talakayan batay sa kanilang mga
napag- aralan na.
2. Ipakita ang mga larawan ng mga nagmamalasakit sa kapuwa katulad ng pagtulong
sa mga may kapansanan.
3. Itanong: Anong mga paraan ng pagmamalasakit sa kapuwa ang ipinakita sa mga
larawan?
4. Pag-usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag- aaral sa mga larawan sa mga pahina 104 at 105.
Itanong kung ano ang nakikita nila sa mga larawan at ang mensahe ng bawat isa.
2. Pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin. Magbigay ng iba pang sitwasyon at tanungin
ang mga mag-aaral sa kanilang mga gagawin.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral. Ipagawa ang Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral
kung kinakailangan. Bigyang-diin ang mga gawain nila na dapat ipagmalaki at ang
mga gawain naman na hindi dapat ipagmalaki. Ipaliwanag kung bakit hindi dapat
ipagmalaki ang mga gawaing ito.
4. Ipagawa ang Magdesisyon sa bawat mag-aaral. Ipalahad ang kanilang sagot sa klase.
5. Ipabasa ang Tandaan. Bigyang-diin ang pagbabahagi bilang pagpapadama ng
malasakit sa kapuwa.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Ipaalaala sa mga mag-aaral ang kanilang
nagawang pagmamalasakit sa mga may sakit. Ipasulat ito sa timbangan. Sabihin na ang
isusulat nila sa ibabang kahon ay ang higit na matimbang o mas mahalaga sa kanila.
Sabihing maghanap sila ng kapareha at pag-usapan ang kanilang mga sagot.

Takdang-Aralin
1. Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihan ang mga mag-aaral na ilalahad nila ang
nagawa kinabukasan.
2. Magpadala ng mga lumang magasin.

Aralin 2: Ang Kamag-aaral Kong si Marie


Layunin
Nakapagpapadama ng malasakit sa kapuwa na may karamdaman sa pamamagitan ng
mga simpleng gawain―pagtulong at pag-aalaga
Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• manila paper
• panulat

Paksa
“Ang Kamag-aaral Kong si Marie,” mga pahina 112–118

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipaulat sa mga mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan sila ng manila paper at panulat. Ipatala sa
mga pangkat ang mga katangian na pinakagusto nila sa isang kaibigan. Ipalahad ito
sa ilang mag-aaral.
3. Itanong: Ano-ano ang pinakagusto ninyo sa inyong kaibigan? Bakit? Ano-ano
naman ang pinakaayaw ninyo? Bakit?
4. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong Ang “Kamag-aral Kong Si Marie” sa mga pahina 112 at
113. Pag-usapan ang kuwento.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipasagot ang Suriin. Pabigyang-paliwanag sa ilang
mag-aaral ang kanilang mga sagot.
4. Ipaliwanag ang panuto ng Magdesisyon. Magbigay ng halimbawa kung
kinakailangan. Ipalahad sa mga mag-aaral ang sagot sa klase.
5. Itanong:
a. Bakit kailangan na magmalasakit sa kapuwa?
b. Nakaranas ka na bang tulungan o pagmalasakitan ang iyong kapuwa? Ano kaya
ang nararamdaman ng mga tinutulungan mo?
c. Bakit mahalaga na isipin ang ikabubuti nang nakararami?
6. Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa gamit ang dala nilang mga lumang magasin. Ipaskil
ang nagawa ng mga mag-aaral sa paskilan.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
nakatatanda.
Aralin 3: Kapuwa Ko, Tutulungan Ko
Layunin
Nakapagpapadama ng malasakit sa kapuwa na may karamdaman sa pamamagitan
ng mga simpleng gawain―pagdalaw, pag-aliw, at pagdadala ng mga pagkain o anumang
bagay na kailangan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan sa evacuation center at sa mga tao roon
• manila paper
• panulat

Paksa
“Kapuwa Ko, Tutulungan Ko,” mga pahina 119–125

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang takdang-aralin ng ilang mag-aaral. Sabihing magpangkat-pangkat ang
may magkakatulad na mga sagot. Itanong: Pagdating sa pagmamalasakit sa kapuwa,
ano ang markang ibibigay ninyo sa inyong sarili?
2. Ipakita ang mga larawan sa evacuation center. Itanong: Ano ang nararamdaman
ninyo sa nakikita ninyo sa larawan? Ano ang gusto ninyong gawin? Bakit?

Paglilinang
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwentong “Kapuwa Ko, Tutulungan Ko” sa mga
pahina 119 at 120. Pag-usapan ang kanilang binasa.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ng manila paper at panulat ang bawat
pangkat. Sabihin na marami na silang nababasa o naririnig tungkol sa mga biktima
ng iba’t ibang kalamidad. Itanong: Bilang mga bata, gusto ba ninyong makatulong?
Bakit? Ano naman ang inyong maitutulong? Itala sa manila paper ang mga gagawin
ninyo upang makatulong.
4. Ipasagot sa mga pangkat ang Suriin. Ipapaliwanag ang kanilang mga sagot.
5. Ipagawa ang Magdesisyon sa kaparehong mga pangkat. Ipaliwanag ang gawain bago
ito ipagawa. Ipalahad ang natapos na gawain ng mga pangkat. Bigyang-pansin ang
dapat tularang mga gawain at ang mangyayari kung gagawin ito o hindi.
6. Ipabasa ang Tandaan. Magpabigay ng mga halimbawang sitwasyon.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Bigyang-diin ang pagpapaliwanag ng kanilang
mga sagot.

Takdang-Aralin
Ipaliwanag ang panuto sa Pag-isipan at Sagutin. Sabihing ito ang kanilang takdang-
aralin.
Aralin 4: Kakaiba Ito!
Layunin
Nakapagpapakita ng malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng simpleng tulong sa kanilang mga pangangailangan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kakaiba Ito!,” mga pahina 126–132

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang takdang-aralin ng ilang mag-aaral.
2. Itanong: Tumulong na ba kayo sa inyong kapuwa?
Ipakuwento sa mga mag-aaral ang karanasan nila sa pagtulong sa kapuwa.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Kakaiba Ito!” sa mga pahina 126 at 127. Bigyang-diin ang
pagtulong ni Mang Pandoy sa mga may kapansanan. Itanong sa mga mag-aaral kung
may alam silang mga kompanya na nagbibigay ng trabaho sa mga may kapansanan.
Ipakuwento ito sa klase.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Bigyang-pansin ang pagmamalasakit sa kapuwa lalo na sa mga may kapansanan.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipasagot ang Suriin. Ipalahad ang mga sagot.
Talakayin ang mga gawain na kahanga-hanga at hindi kahanga-hanga kaugnay ng
pagmamalasakit sa mga may kapansanan.
4. Ipagawa ang Magdesisyon sa bawat mag-aaral. Pag-usapan ang mga sagot ng ilang
mag-aaral.
5. Itanong:
a. Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa kapuwa?
b. Sino ang dapat mo pagmalasakitan: ang gusto mo lang o kahit na sino?
c. Ano ang nararamdaman ng mga taong pinagmamalasakitan? Ano naman ang
nararamdaman ninyo kapag kayo ay nakatulong?
6. Ipabasa ang nilalaman ng Tandaan.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Pag-usapan ang mga sagot ng ilang mag-aaral.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin.
Aralin 5: Kayo Ko, Kaya Mo Rin!
Layunin
Nakapagpapakita ng malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagbi-
bigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o sa larangan ng isport at
sa iba pang programang pampaaralan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Kayo Ko, Kaya Mo Rin!,” mga pahina 133–138

Paghahanda/Pagganyak
1. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa ginawang takdang-aralin ng ilang
mag- aaral.
2. Magpalaro ng paunahan sa pagsagot. Isulat ang mga tanong sa isang manila paper.
Halimbawa ng tanong: Ano kaya ang mangyayari?
1. Noong nakaraang bagyo, marami ang namahagi ng relief goods sa mga lugar na
kayang puntahan ng sasakyan.
a. Marami ang nabigyan ng relief goods sa mga evacuation center.
b. May mga lugar na hindi nabigyan ng relief goods.
c. Dumami ang nagsilikas at pumunta sa evacuation center dahil sa relief
goods.
2. Nalaman ng nanay mo na nasa ospital ang lolo mo. Sumama ka upang dalawin
siya.
a. Magagalit ang lolo mo dahil sumama ka sa ospital at ito ay hindi para sa
mga bata.
b. Matutuwa siya at nakita niyang may malasakit ang kaniyang apo.
c. Matutuwa ka dahil hindi ka pumasok sa paaralan.
3. Nadapa ang kamag-aaral mo sa palaruan kaya siya ay nasa clinic. Wala ni isa
man sa mga kamag-aaral ninyo ang sinamahan siya.
a. Lalo siyang manghihina.
b. Magiging masigla siya para makabalik sa klase.
c. Iiyak siya dahil wala ang nanay niya.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Kaya Ko, Kaya Mo Rin!” sa mga pahina 133 at 138.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipakuwento ang pagkakataon na tumulong sila
sa isang may kapansanan o kaibigan na nangangailangan.
3. Ipagawa ang Suriin. Ipalahad ang kanilang mga sagot. Magpabigay pa ng ilang
sitwasyon kung saan nakatulong sila sa mga nangangailangan.
4. Pangkatin ang mga mag-aaral nang tatluhan. Ipagawa ang Magdesisyon.
5. Itanong:
a. Bakit mahalaga ang pagtulong sa mga may kapansanan?
b. Paano ninyo ipakikita na may pagmamalasakit kayo sa mga may kapansanan?
6. Ipabasa ang Tandaan. Pag-usapan ang mga pahayag.
Pagtataya
Pasagutan ang Isapuso at Isagawa. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral.
Pagsama- samahin ang mga may magkakatulad ang sagot. Sabihing pag-usapan nila ito.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
nakatatanda sa kanilang tahanan.

Aralin 6: Mahalagang Kasali Ka


Layunin
Nakapagpapakita ng malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at sa iba pang
paligsahan sa pamayanan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagtulong sa mga may
kapansanan

Paksa
“Mahalagang Kasali Ka,” mga pahina 139–145

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang mga plano tungkol sa pagtulong sa mga
nangangailangan lalo na sa mga may kapansanan.
2. Ipakita ang mga larawan ng pagtulong sa mga may kapansanan.
3. Itanong:
a. Ano kaya ang karaniwang pakiramdam ng mga taong may kapansanan?
b. Ano kaya ang kanilang nararamdaman kapag may tumutulong sa kanila?
Ipakuwento ang mga pagkakataong tumulong sila sa mga may kapansanan.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Mahalagang Kasali Ka” sa mga pahina 139 hanggang 141.
2. Pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipaliwanag ang panuto sa Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral sa gawain.
4. Ipagawa ang Magdesisyon. Pabigyang-paliwanag sa mga mag-aaral ang kanilang
mga sagot.
5. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipabasa sa bawat pangkat ang Tandaan. Hikayatin
ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang bawat kaisipan.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.
Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
nakatatanda sa kanilang tahanan.

Aralin 7: Makabuluhang Kaarawan


Layunin
Naisasaalang-alang ang katayuan/kalagayan ng pangkat–etnikong kinabibilangan ng
kapuwa-bata sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit, gamit, at
iba pa

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan na nagpapakita ng mga pagdiriwang ng kaarawan

Paksa
“Makabuluhang Kaarawan,” mga pahina 146–154

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin
2. Ipakita ang mga larawan ng mga pagdiriwang ng kaarawan.
Itanong: Paano ninyo ipinagdiriwang ang inyong kaarawan?
Ipakuwento ito sa ilang mag-aaral.

Paglilinang
1. Itanong: Paano kaya ipagdiriwang ng pangunahing tauhan ang kaniyang kaarawan?
Ano ang isang makabuluhang kaarawan para sa inyo?
2. Ipabasa ang “Makabuluhang Kaarawan” sa mga pahina 146 hanggang 148.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
4. Ipaliwanag ang mga gawain sa Suriin. Ipagawa ito. Papiliin ng kapareha ang mga
mag-aaral at sabihing pag-usapan ang kanilang mga sagot.
5. Pasagutan ang Magdesisyon. Pabigyang-paliwanag ang kanilang mga sagot.
6. Basahin o ipabasa ang Tandaan. Magpabigay ng mga halimbawang sitwasyon.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Hayaang ipakita ng ilang mag-aaral sa harap ng
klase ang kanilang ginawang get-well card.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa
nakatatanda.
Aralin 8: Mga Katutubo, Kapuwa-Filipino
Layunin
Naisasaalang-alang ang katayuan/kalagayan ng pangkat–etnikong kinabibilangan ng
kapuwa-bata

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng iba’t ibang katutubong pangkat

Paksa
“Mga Katutubo, Kapuwa-Filipino,” mga pahina 155–162

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin.
2. Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang pangkat-etniko sa bansa. Itanong: Nakakita
na ba kayo o nakipagkaibigan na sa mga pangkat-etniko?
3. Ipakuwento ang karanasan nila tungkol sa mga ito. Itanong: Tinatangkilik ba ninyo
ang kanilang mga produkto? Sabihin: Alamin natin sa susunod na kuwento ang
ginawang pagsasaalang-alang ng mga mag-aaral sa mga kapuwa-bata na kabilang sa
isang pangkat-etniko.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Mga Katutubo, Kapuwa-Filipino” sa mga pahina 155 at
156. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng kuwento. Ipaliwanag ang ibig
sabihin ng: “Atin ito, tangkilikin natin ito! Gawang Filipino, Ipagmalaki.”
2 Itanong: Anong mga gawa o produktong Filipino ang inyong ipinagmamalaki? Bakit?
3. Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang sagot.
4. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
5. Ipagawa nang pangkatan ang Suriin. Gabayan sila sa pagsagot at ipalahad ito sa
kanila sa klase. Isunod na ipagawa o ipasagot ang Magdesisyon.
6. Itanong: Ano ang inyong natutuhan sa pagtangkilik ng mga produkto o gawang
Filipino? Nakatutulong ba tayo sa mga pangkat-etniko kapag tinatangkilik natin ang
kanilang mga gawa? Paano? (Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang
mga sagot).
7. Basahin o ipabasa ang Tandaan sa mga mag-aaral.

Pagtataya
Bago ipasagot ang Isapuso at Isagawa, itanong sa mga mag-aaral kung anong mga
bagay ang nakapagpapasaya sa kanila. Ipabasa sa kanila ang bawat gawain at ipamarka
ang kanilang damdamin tungkol dito. Bigyan ng pagkakataon ang ilang mag-aaral na
maipaliwanag ang kanilang mga sagot.

Takdang-Aralin
Sabihin sa mga mag-aaral na magpatulong sa mga magulang sa pagsagot ng
Pag-isipan at Sagutin.
Aralin 9: Si Lino—Bakit Paborito?
Layunin
Naipakikita nang may kasiyahan ang pakikiisa sa mga gawaing pambata gaya ng
paglalaro

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Si Lino―Bakit Paborito?,” mga pahina 163–168

Paghahanda/Pagganyak
1. Tumawag ng ilang mag-aaral at ipabasa ang kanilang takdang-aralin. Tanungin ang
mga mag-aaral na nakikinig kung may maidaragdag pa sila rito.
2. Itanong: Bukod sa pagtulong sa mga nangangailangan, ano pa ang ibang gawain na
inyong madalas salihan sa tahanan man o sa paaralan?

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa pamagat ng kuwento: “Si Lino―Bakit
Paborito?” sa mga pahina 163 at 164. Sabihin sa mga mag-aaral na kanilang
aalamin kung bakit paborito ang pangunahing tauhan ng kuwento. Bigyang-diin ang
pagpapakita ng mabuting ugali sa pagsali sa mga gawaing pambata.
2. Basahin o ipabasa ang kuwento. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Itanong sa mga mag-aaral kung may naranasan na silang tulad ng nasa kuwento.
Ipakuwento ang karanasan nila.
4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Suriin. Pabigyang-paliwanag ang
kanilang mga sagot.
5. Pangkatin ang klase. Ipasagot ang Magdesisyon. Gabayan sila sa pagsagot. Ipalahad
ang kanilang sagot.
6. Itanong: Bakit mahalaga na makisali sa mga gawaing pambata? Ano-ano ang
magandang naidudulot ng pagsaling ito?
7. Ipabasa ang Tandaan. Pabigyang-paliwanag sa mga mag-aaral ang mga kaisipan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Hikayatin ang mga mag-aaral na ikuwento ang mga
gawain na gusto nilang salihan at ang kanilang paliwanag kung bakit gusto nilang sumali.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang nakatatandang nasa bahay.
Aralin 10: Ang Team Maligaya
Layunin
Nakapagpapakita ng malasakit sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at sa iba pang
paligsahan sa paaralan at pamayanan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ang Team Maligaya,” mga pahina 169–173

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin. Pag-usapan ang
kanilang mga sagot. Bigyang-diin ang kahalagahan ng pagsali sa mga gawaing
pambata.
2. Magpaskil ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang sulok ng silid-aralan katulad ng
pagsali sa mga larong pangkatan, paglilinis ng mga ilog o daluyang tubig,
pagtatanim ng mga puno, pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan,
pagtakbo bilang class officer, at iba pa.
3. Sabihin sa mga mag-aaral na sa mga nakapaskil na mga gawain, pumili sila ng
kanilang pinakagusto. Tumayo sila sa tapat ng napiling gawain.
4. Pabigyang-paliwanag sa ilang mag-aaral kung bakit nila gustong sumali rito.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Ang Team Maligaya” sa mga pahina 164 hanggang 170.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Bigyang pansin ang kasiyahan ng pagsali sa
mga gawaing kasama ang iba pang mga bata. Magpakuwento ng mga karanasan sa
mga mag-aaral na nakasubok nang sumali. Itanong: Ano ang pakiramdam ng isang
sumasali?
3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Suriin. Itanong: Ano ang maaari mong
maitulong sa mga kapuwa bata na gustong sumali ngunit dahil sa kapansanan ay
nahihirapang sumali?
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad o ipasadula ang isang pangyayari. Ipabasa at
ipabigkas ang Tandaan nang pangkatan, dalawahan, at isahan.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa at ang Pag-isipan at Sagutin.

PAG-UUGNAY
1. Bigyan ng mga bond paper, panulat, at mga pangkulay ang mga mag-aaral.
2. Ipagawa ang Pag-uugnay sa pahina 174.
3. Ipaliwanag ang kanilang gagawin at gabayan ang bawat isa sa kanilang pagsagot.
LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Basahin ang mga pahayag na nagpapakita ng malasakit sa kapuwa. Isulat ang DG
kung dapat itong gawin at HDG kung hindi dapat gawin ang sinasabi sa pahayag.
1. Pagtawanan ang kamag-aaral na kabilang sa pangkat-etniko dahil
naiiba ang suot nitong damit.
2. Samahan sa school clinic ang kaibigan na nasaktan sa palaro.
3. Tulungan sa mga aralin ang kamag-aaral na matagal na hindi
nakapasok dahil sa pagkakasakit.
4. Ibahagi ang ilang damit na maaayos pa sa mga nasalanta ng bagyo.
5. Tumulong sa nanay na alagaan ang kapatid na may sakit.
6. Lumahok sa mga proyektong tumutulong sa mga pangkat-etniko.
7. Sumali sa mga kabarangay na nagbabalot ng pagkain para sa mga
biktima ng sunog.
8. Tuksuhin ang bagong kamag-aaral na mula probinsiya.
9. Lumahok sa mga proyekto ng paaralan kung saan ang mga mag-aaral
na may kapansanan ay makasasali.
10. Pagtawanan ang kakaibang itsura ng kamag-aaral na may kapansanan.

B. Iguhit ang mukha ng damdamin ng mga bata sa bawat sitwasyon.


masaya

walang damdamin

malungkot

Damdamin Sitwasyon
1. Isang batang bagong lipat ng paaralan—sa unang araw ay
kinantiyawan siya ng kaniyang mga bagong kamag-aaral.
2. Mga bata sa evacuation center—dinalaw ng mga mag-aaral ng
isang paaralan upang bigyan ng mga bagong gamit
3. Isang batang may kapansanan na hirap sa pagtawid sa
lansangan—tinulungan ng mga batang magkakaibigan na
makatawid
4. Nag-iisip ang mga mag-aaral ng ikatlong baitang ng bagong
proyekto upang matulungan ang mga kamag-aaral na
nasalanta ng nagdaang bagyo.
5. Isang batang may kapansanan na binigyan ng pagkakataon ng
guro na sumali sa palaro ng paaralan
6. Isang batang mula sa isang katutubong pangkat—binigyan ng
pagkakataon ng guro na maibahagi niya ang kaniyang sariling
kultura sa mga bago niyang kamag-aaral
7. Isang batang mababa ang nakuhang marka—kinausap ng mga
kaibigan at sinabihan na sa susunod ay sikaping makakuha ng
mas mataas na marka
Damdamin Sitwasyon
8. Isang batang may kapansanan–binansagan ng mga kamag-
aaral ng nakakatawang bansag
9. Isang batang natapilok dahil sa pakikipaglaro–sinamahan ng
kaniyang mga kamag-aral sa clinic
10. Isang batang nadapa–pinagtawanan ng kaniyang mga kamag-
aaral

Susi ng Sagot:
A. 1. HDG 6. DG
2. DG 7. DG
3. DG 8. HDG
4. DG 9. DG
5. DG 10. HDG

B. 1.  6. 
2.  7. 
3.  8. 
4.  9. 
5.  10. 
Yunit 3 Ako—Mabuting Kasapi ng
Pamayanan

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Ipaalam sa mga mag-aaral ang mapag-aaralan nila sa Yunit 3

Mga Kagamitan
• mga lumang magasin
• paste
• manila paper
• gunting
• panulat
• mga pangkulay

Mga Gawain
1. Ilunsad ang yunit. Gawin ang sumusunod:
a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bigyan ng mga kagamitan ang bawat
pangkat.
b. Sabihin sa mga mag-aaral na maghanap ng iba’t ibang larawan na nagpapakita
ng pagtutulungan ng mga tao sa isang pamayanan. Magbigay ng mga
halimbawa kung kinakailangan.
c. Ipaayos sa mga pangkat ang mga larawan upang makagawa sila ng mga poster
tungkol sa pagtutulungan. Maaari rin silang mag-drawing ng sariling disenyo
na kanilang kukulayan.
2. Ipaulat sa mga pangkat ang kanilang mga gawa. Ipaskil ang mga ito sa takdang lugar
sa silid-aralan.
3. Ipakilala ang mga mapag-aaralan sa yunit sa pamamagitan ng pagsasabi ng:
Sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan ay makikita ang pagtutulungan ng
bawat kasapi.
4. Itanong: Ikaw, bilang kasapi ng pamayanan, paano mo ipakikita na ikaw ay nakikiisa
sa inyong pamayanan?
5. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa larawan sa yunit 3 sa pahina 175.
6. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga pangungusap tungkol sa mga
larawan.
Aralin 1: Ipagmalaki Natin, Mga Kaugaliang
Filipino
Layunin
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at paggamit ng
po at opo

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawang nagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino

Paksa
“Ipagmalaki Natin, Mga Kaugaliang Filipino,” mga pahina 176–181

Paghahanda/Pagganyak
1. Sa anong mga pangkat kayo kasali? Anong mga gawaing pambata ang inyong
sinasalihan? Ano ang pakiramdam ng sumasali sa mga pangkat?
2. Ipakuwento sa mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan.
3. Ipakita ang mga larawan ng mga kaugaliang Pilipino. Itanong kung alin dito
ang ginagawa nila. Itanong kung ano pang ibang gawaing Pilipino ang kanilang
ipinagmamalaki.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa pamagat ng aralin: “Ipagmalaki Natin, Mga
Kaugaliang Filipino” sa pahina 176 at 177.
2. Ipabasa ang talumpati ni Nessa at kung paano niya ipinagmamalaki ang mga
kaugaliang Pilipino.
3. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Magbigay ng mga halimbawa ng ibang kaugaliang Pilipino na maipagmamalaki sa
iba katulad ng pagiging magalang sa mga nakatatanda, pagkakaroon ng takot sa
Diyos at pagiging relihiyoso, at pagpapahalaga sa pamilya.
4. Pangkatin ang mga mag-aaral at gabayan sila sa pagsagot sa Suriin.
5. Ipasagot ang Magdesisyon. Pagsama-samahin ang mga mag-aaral na may magka-
katulad na mga sagot. Ipalahad ito sa kanila.
6. Itanong: Anong magandang ugali o gawain ang dapat tularan? Ipabasa ang Tandaan
nang sabayan, pangkatan, at dalawahan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihin na maaari silang magpatulong sa
nakatatanda sa kanilang tahanan.
Aralin 2: Mano Po
Layunin
Naipakikita ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng paggamit ng po at opo at
pagmamano

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• larawan ng mga batang nagmamano
• iba pang larawan na nagpapakita ng mabubuting kaugaliang Pilipino

Paksa
“Mano Po,” mga pahina 182–187

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang ginawang takdang-aralin. Muling ipabasa ang Tandaan sa Aralin 1.
2. Ipakita ang larawan ng mga batang nagmamano. Itanong: Ginagawa ba ninyo ang
ginagawa ng bata sa larawan? Ano ang tawag dito? Alam ba ninyo na dito lang
ginagawa sa Pilipinas ang pagmamano sa mga nakatatanda? Bakit nagmamano sa
mga nakatatanda?

Paglilinang
1. Sabihin: Alamin natin sa ating aralin ngayon ang ipinakitang kaugaliang Pilipino ng
mga pangunahing tauhan sa kuwento.
2. Basahin o ipabasa ang kuwentong “Mano Po” sa mga pahina 182 at 183. Ipasagot ang
Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipagawa ang Suriin. Ipakuwento sa ilang bata ang kanilang karanasan kaugnay ng
kuwento o mga sitwasyon sa Suriin.
4. Bigyang-diin ang kaugalian ng mga Pilipino na nagbibigay-galang sa matatanda o
nakatatanda. Ipasagot ang Magdesisyon.
5. Itanong:
a. Ipinagmamalaki mo ba na ikaw ay Pilipino? Bakit?
b. Bukod sa nabanggit, paano mo ipinakikita ang paggalang sa mga nakatatanda?
c. Ano ang ipinakikita ng pagmamano sa mga nakatatanda?
Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Gabayan
sila sa paglalahad ng kanilang mga sagot.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihan ang mga mag-aaral na palagdaan sa mga
magulang ang nabuong gawain.
Aralin 3: Ikaw Ba Ito?
Layunin
Naipakikita ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagsunod sa mga tamang tagubilin
ng mga nakatatanda

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Ikaw Ba Ito?,” mga pahina 188–195

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang takdang-aralin. Pabigyang-paliwanag
sa kanila ang bawat larawan.
2. Itanong: May mga tuntunin ba sa inyong bahay na kailangang sundin? Ano ang mga
ito? Anong mga tuntunin ang sinusunod ninyo? Lagi ba ninyo itong sinusunod?
Bakit?
3. Bigyan ng pagkakataong makapagpahayag ang mga mag-aaral ng kanilang mga sagot.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Ikaw Ba Ito?” sa mga pahina 188 hanggang 190. Tanungin
kung ano ang masasabi nila tungkol sa pangunahing tauhan na si Elena.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Sabihin sa mga mag-aaral na maghanap ng kanilang kapareha at sagutin ang Suriin.
Ipalahad ang kanilang ginawa.
4. Ipaliwanag ang panuto sa Magdesisyon. Ipasagot ang mga tanong.
5. Itanong: Ano ang mga ibubunga ng pagsunod sa mga tagubilin ng mga nakatatanda?
Ipabasa ang Tandaan nang isahan, dalawahan, at pangkatan. Hikayatin ang mga
mag- aaral na magbigay ng mga halimbawa ng ginawa nilang pagpapakita ng
pagsunod sa kanilang mga magulang.

Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipasagot ito sa mga mag-aaral.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing palagdaan nila ito sa magulang.
Aralin 4: Paano Ba Sumunod sa mga Tagubilin?
Layunin
Naipakikita ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin ng
mga nakatatanda

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Paano Ba Sumunod sa mga Tagubilin?,” mga pahina 196–203

Paghahanda/Pagganyak
1. Muling ipabasa ang Tandaan ng nakaraang aralin. Ipalahad ang takdang-aralin ng
ilang mag-aaral.
2. Itanong: Nagkaroon ba ng pagkakataon na pinagalitan kayo ng inyong mga
magulang? Ano ang dahilan? Ano ang inyong naramdaman? Sa palagay ninyo, ano
ang nararamdaman ng inyong mga magulang kapag hindi kayo sumusunod sa
kanila?

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Paano Ba Sumunod sa mga Tagubilin?” sa mga pahina 196
hanggang198. Itanong kung ano ang kanilang pakiramdam sa ginawa ng
pangunahing tauhan na si Henry.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ipalahad ang
sagot ng bawat pangkat.
3. Basahin at ipaliwanag ang panuto sa Suriin. Ipagawa ito sa mga pangkat. Hayaang
magsama-sama ang mga pangkat na magkakatulad ang mga sagot. Ipabigkas ang
mga sagot na magkakatulad.
4. Ipaliwanag ang gagawin sa Magdesisyon. Magpakita ng halimbawang pagsagot sa
pisara kung kinakailangan. Ipagawa ang gawain sa mga mag-aaral at ipalahad sa
klase ang kanilang mga sagot.
5. Hikayatin ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang mga sagot.
Itanong:
a. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga magulang?
b. Ano ang nararamdaman ng mga magulang kapag sila ay sinusunod? kapag
hindi sila sinusunod?
6. Ipabasa ang Tandaan sa bawat pangkat.

Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipasagot ito sa mga mag-aaral.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing palagdaan sa magulang ang kanilang
gawain.
Aralin 5: Nagkakaisa sa Pagsunod
Layunin
Nakapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod
sa mga tuntunin ng pamayanan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng mga ordinansang nakapaskil sa mga lansangan katulad ng No
Littering, Bawal Magtapon ng Basura, at iba pa
• manila paper
• panulat

Paksa
“Nagkakaisa sa Pagsunod,” mga pahina 204–211

Paghahanda/Pagganyak
1. Sabihin sa mga mag-aaral na ipaliwanag ang kanilang mga sagot sa ginawang
takdang- aralin.
2. Ipakita ang mga larawan ng mga halimbawa ng mga ordinansa. Ilahad ito sa mga
mag-aaral.
3. Itanong: Nakakita na ba kayo ng mga ganitong ordinansang nakapaskil sa inyong
lugar? Ano ang ipinahahayag nito? Kailangan bang sundin ang mga ito? Bakit?
4. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kuwentong “Nagkakaisa sa Pagsunod”
sa mga pahina 204 at 205. Sabihin: Marami tayong nakikitang mga ordinansa sa
ating barangay o pamayanan. Bakit mahalagang sundin ang mga ordinansang ito?
Alamin natin sa ating kuwentong babasahin.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Nagkakaisa sa Pagsunod” sa mga pahina 204 at 205.
Ipabasa ito nang dalawang ulit. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Hayaang
bigkasin ng ilang mag-aaral ang kanilang mga sagot.
2. Pangkatin ang klase. Ipasagot ang Suriin. Bigyan ng manila paper at panulat ang
bawat pangkat. Ipapaskil ang mga nabuong gawain sa pisara. Talakayin ang gawa ng
bawat pangkat. Bigyan ng pagkakataon ang ilang pangkat na ipahayag ang naiisip
nila tungkol sa kanilang ginawa.
3. Panatilihin ang mga pangkat. Ipagawa o ipasagot ang Magdesisyon. Basahin at
ipaliwanag muna sa kanila ang gawain. Gabayan ang mga pangkat habang
sumasagot.
4. Itanong: Bakit mahalagang sumusunod sa mga patakaran ng pamayanan? Anong
kaugaliang Pilipino ang ipinakikita sa pagsunod sa mga ordinansa o tuntunin ng
pamayanan? Basahin o ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Sabihin sa mga mag-aaral na maghanap ng dalawa pang kamag-aaral at bumuo ng
mga pangkat. Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Talakayin ang mga sagot ng bawat
pangkat.
Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 6: Paglilinis: Gawaing Pampamilya


Layunin
Napananatiling malinis at ligtas ang pamayanan sa pamamagitan ng paglilinis at
pakikiisa sa mga gawaing pantahanan at pangkapaligiran

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Paglilinis: Gawaing Pampamilya,” mga pahina 212–218

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung anong uri ng pamayanan ang gusto nila at
pabigyang- paliwanag kung bakit. Muling ipabasa o ipabigkas ang mga kaisipan sa
Tandaan sa nakaraang aralin.
3. Itanong: Anong uri ng lugar ang nais ninyong mapuntahan? Bakit? Nais ba ninyo ng
malinis o maruming lugar? Bakit?
4. Sabihin: Kung nais ninyo ang magandang lugar, ano ang dapat gawin ng mga
nakatira rito?

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa mga gawaing sama-samang ginagawa ng
pamilya tulad ng paglilinis. Ipabasa ang kuwentong “Paglilinis: Gawaing
Pampamilya” sa mga pahina 212 at 213. Hikayatin ang mga mag-aaral na ipahayag
ang kanilang karanasan na katulad sa kanilang nabasang kuwento.
2. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipasagot ang Suriin at ipagawa ang Magdesisyon. Ipalahad ang kanilang mga sagot
sa klase. Hikayatin ang iba na magpahayag ng kanilang damdamin o nasa sa isip
tungkol sa paksa.
4. Itanong:
a. Bakit mahalaga ang kalinisan sa tahanan at kapaligiran?
b. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagsasama-sama ng pamilya sa mga
gawaing pangkalinisan?
c. Paano mo hihikayatin ang iyong mga magulang at kapatid na magtulong-tulong
sa paglilinis ng sariling tahanan at kapaligiran ng tahanan?
Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipagawa sa magkakapareha ang Isapuso at Isagawa.
Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Aralin 7: May Pera sa Basura


Layunin
Nakapagpapanatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng wastong
pagtatapon ng basura

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng mga malikhaing gawa mula sa basura

Paksa
“May Pera sa Basura,” mga pahina 219–225

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Muling ipabasa ang
Tandaan
sa nakaraang aralin.
2. Ipakita ang mga larawan ng ilang magagandang likha mula sa mga basura
(kung mayroong aktuwal na gamit na recycled, iyon ang ipakita).
Itanong: Nakikita ba ninyo ang gamit na ito? Maganda ba? Alam ba ninyo na
recycled na materyales ang mga ito? Bakit mahalagang mag-recycle? Ano ang
nagagawa nito sa kapaligiran?

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa pamagat ng kuwentong “May Pera sa Basura”
sa mga pahina 219 hanggang 221. Itanong kung naniniwala sila na ang mga basura
ay mapakikinabangan. Magpabigay ng mga halimbawa ng mga pakinabang mula sa
basura.
2. Ipabasa ang kuwento at ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang sagot
ng klase sa bawat bilang.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipasagot ang
gawain. Ipalahad sa bawat pangkat ang kanilang mga sagot.
4. Ipasagot ang Magdesisyon.
5. Itanong: Ano ang nagagawa para sa kapaligiran kapag ang mga tao ay nagbabawas
ng basura? Ano ang mga pakinabang mula sa basura? Basahin o ipabasa ang
Tandaan.

Pagtataya
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Sabihin na magpatulong sa nakatatanda kung
kailangan.
Aralin 8: Bayanihan sa Kalinisan
Layunin
Napananatiling malinis at ligtas ang pamayanan sa pamamagitan ng palagiang
pakikilahok sa mga proyekto ng pamayanan na may kinalaman sa kapaligiran

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Bayanihan sa Kalinisan,” mga pahina 226–233

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Bigyang-diin ang
kabutihang naidudulot ng pagkakaisa sa tamang pagtatapon ng mga basura. Ipabasa
muli ang Tandaan ng nakaraang aralin.
2. Ipakita ang larawan ng isang pangkat ng mga taong nagbabayanihan.
Itanong: Anong magandang kaugaliang Pilipino ang ipinakikita ng pagbabayanihan?
May nakikita ba kayong bayanihan upang mapanatili ang kalinisan ng kalikasan?
Hayaang makapagpahayag ang mga mag-aaral ng kanilang mga karanasan.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa larawan sa pahina 226. Hikayatin ang mga
mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga damdamin tungkol dito.
2. Ipabasa sa buong klase ang kuwentong “Bayanihan sa Kalinisan” sa mga pahina 226
at 227. Ipaliwanag ang mga programang katulad ng Wildlife Protection Program at
ilan pang lokal na programa para sa pangangalaga ng kalikasan.
3. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
Ipalahad ang mga sagot ng bawat pangkat.
4. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin at
pasagutan ito. Ipalahad ang mga sagot ng ilang pareha.
5. Ipaliwanag ang panuto sa Magdesisyon at ipasagot ito sa bawat mag-aaral.
6. Itanong: Ano ang pananagutan ng bawat pamilya sa pamayanan? Bakit mahalaga
ang pagpapanatili ng sariling pamayanan at maging sa ibang pamayanan?
7. Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot sa mga magkapareha ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.
Aralin 9: Mga Tuntuning Pangkaligtasan
Layunin
Nakasusunod sa mga tuntunin na may kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala
at batas-trapiko

Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng mga traffic sign

Paksa
“Mga Tuntuning Pangkaligtasan,” mga pahina 234–240

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Bigyang-diin ang
kainaman ng pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan.
2. Magpakita ng mga karaniwang traffic sign. Itanong kung saan nila nakikita ang mga
ito. Itanong: Ano pa ang ibang mga traffic sign na makikita sa mga lansangan? Para
saan ang mga babalang ito?
3. Sabihin: Alamin natin sa ating aralin ngayon ang ilan pa sa mga babala na
karaniwang makikita sa mga lansangan.

Paglilinang
1. Pabuksan ang aklat sa pahina 234. Isa-isahin ang mga babala na karaniwang nakikita
ng mga mag-aaral sa kanilang kapaligiran. Ipabasa ang buong teksto ng “Mga
Tuntuning Pangkaligtasan” sa mga pahina 234 at 235.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipasagot ang Pag-aralan sa Sagutin. Ipalahad sa
bawat pangkat ang kanilang mga sagot. Hikayatin ang iba na magtanong sa inilahad
ng ibang pangkat.
3. Ipasagot sa mga pangkat ang Suriin. Magkaroon ng maikling talakayan sa mga sagot
na ibinigay.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon bago ito ipagawa. Gabayan ang bawat
pangkat sa kanilang gawain. Hikayatin ang mga mag-aaral na magkuwento tungkol
sa kanilang mga karanasan na kaugnay ng pagsunod sa mga babala. Bigyang-diin
ang kahalagahan ng mga babalang ito upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan
ng mga naninirahan sa pamayanan.
5. Itanong: Anong magandang pag-uugali ang natutuhan natin ngayon? Ipabasa ang
Tandaan.

Pagtataya
Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral. Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihan ang mga mag-aaral na maaari silang
magpatulong sa mga nakatatanda sa kanilang bahay.
Aralin 10: Kailangang Sundin: Mga Batas Pantrapiko
Layunin
Nakasusunod sa mga tuntunin na may kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala
at batas-trapiko

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng mga taong kahanga-hanga

Paksa
“Kailangang Sundin: Mga Batas Pantrapiko,” mga pahina 241–247

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Muling ipabasa ang
natutuhang magandang pag-uugali na nakatala sa Tandaan sa Aralin 9.
2. Itanong: Ano ang ginagawa ninyo sa bahay kapag walang pasok?
3. Hikayatin ang mga mag-aaral na magsabi ng kanilang mga gawain.

Paglilinang
1. Magpakita ng mga karaniwang traffic sign. Itanong kung ano ang kahalagahan ng
mga babalang ito. Ipabasa sa buong klase ang kuwentong “Kailangang Sundin: Mga
Batas Pantrapiko” sa mga pahina 241 at 242. Talakayin ang mahahalagang punto sa
kuwento katulad ng kahalagahan ng pagsunod sa mga batas-trapiko upang maging
ligtas sa lansangan.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral. Pagbigayin sila ng iba pang katulad na mga
halimbawang babala.
4. Ipaliwanag ang gagawin sa Suriin. Ipagawa ito sa mga pangkat at ipalahad ang
kanilang mga sagot.
5. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon bago ito ipagawa sa mga pangkat. Ipapaskil
ang nabuong gawain.
6. Itanong: Ano ang nagagawa ng pagsunod sa mga tuntunin?
7. Gabayan ang mga pangkat sa pagbasa ng Tandaan.

Pagtataya
Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa gawain sa Isapuso at Isagawa. Ipaliwanag ang
halimbawa. Gawin muna ito sa pisara. Ipagawa ito sa mga magkakapareha.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Maaari silang magpatulong sa mga nakatatanda
sa tahanan.
Aralin 11: Handa Na Ba Kayo?
Layunin
Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagiging handa sa
mga sakuna o kalamidad

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga lumang pahayagan na nagpapakita ng epekto ng mga kalamidad

Paksa
“Handa Na Ba Kayo?,” mga pahina 248–254

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad ang ginawang takdang-aralin ng ilang mag-aaral. Balikan ang ilang
mahahalagang punto sa pagsunod sa mga batas-trapiko. Magbigay ng mga
halimbawa kung ano ang mangyayari kapag hindi sumunod sa mga babalang ito.
2. Ipakita ang mga larawan ng mga nagdaang bagyo o iba pang kalamidad.
Itanong: Ano ang ipinakikita ng mga larawan? Bakit kaya nangyari ang mga ito?
Hikayatin ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang mga karanasan sa mga
nagdaang sakuna o kalamidad. Itanong: Ano ang nararamdaman ninyo sa mga
ganitong sitwasyon?
3. Sabihin: Marami na ang ating naranasang sakuna. May magagawa ba tayo upang
maging handa sa ano mang kalamidad? Basahin natin ang ating aralin ngayon.

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Handa Na Ba Kayo?” sa mga pahina 248 hanggang 250.
Itanong: Sang-ayon ba kayo sa iminumungkahing paghahanda sa kalamidad? Bukod
dito, may maimumungkahi pa ba kayo ng paraan kaugnay sa paghahanda sa mga
kalamidad?
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at pasagutan ang Pag-aralan at Sagutin. Magsagawa
ng maikling talakayan tungkol sa kanilang mga sagot.
3. Ipagawa ang Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot nito.
4. Ipaliwanag ang gagawin sa Magdesisyon. Ipakita ang halimbawa. Hikayatin ang
mga mag-aaral na magkaroon muna ng halimbawa o trial bago gawin ang
Magdesisyon.
5. Itanong:
a. Bakit kailangan na maging handa bago pa dumating ang mga kalamidad?
b. Ano ang imumungkahi ninyo upang maging handa ang inyong tahanan laban sa
mga sakuna?
6. Ipabasa ang Tandaan. Pag-usapan ang mga kaisipan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihin na palagdaan ang gawain sa kanilang
magulang.
PAG-UUGNAY
1. Ipaliwanag ang gagawin sa Pag-uugnay sa mga pahina 255 at 256. Pagsama-
samahin ang magkakatulad na mga sagot at ipaskil sa pisara.
2. Ipalahad sa mga mag-aaral ang sariling opinyon tungkol sa mga natutuhan sa Yunit 3.

LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Pag-aralan ang mga sitwasyon. Isulat sa katapat na kahon ang maaaring mangyari.

Sitwasyon Maaaring Mangyari


1. Hihikayatin mo ang mga kaibigan na
ipakita ang inyong paggalang sa mga
nakatatanda sa inyo sa pamamagitan
ng pagmamano at paggamit ng po at
opo kapag kinakausap sila.
2. Nananawagan ang punong barangay na
sumunod sa mga ordinansa tungkol sa
pagtatapon ng mga basura. Sumunod
naman ang lahat ng mga tagabarangay.
3. Pinaghahandaan ng pamilya Ayeng
ang paligsahan sa pagre-recycle sa
barangay. Nag-iipon sila ng mga papel
at plastic at ginagawa nilang mga
bagong kagamitan.
4. Kahit may mga babala na nakapaskil,
marami pa ring mga tao ang
tumatawid sa hindi tamang tawiran.
Nakikipagsapalaran ang ibang tao na
tumawid sa lansangan kahit walang
pedestrian lane.
5. Sa balita sa radyo, malakas ang
paparating na bagyo. Ang mga lokal
na opisyal ay humiling na maghanda
ang lahat para sa paparating na bagyo.
Agad namang tumugon ang mga tao sa
pamamagitan ng paglikas sa higit na
ligtas na lugar.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin dito ang nagpapakita ng paghahanda upang maging ligtas sa sakuna?
a. Huwag makinig sa radyo.
b. Mag-imbak ng sapat na pagkain.
c. Huwag sundin ang mga panawagan ng barangay na maghanda.
d. Ipagpatuloy ang gawain kahit bumabagyo.
2. Alin ang pag-iingat sa paggamit ng internet?
a. Gamitin ang internet kapag may kasamang magulang o nakatatandang
kapatid.
b. Pumasok sa mga hindi kilala o sa kahit anong website.
c. Ibigay ang tunay na pangalan at tirahan kapag hiningi ng ka-chat.
d. Ipahiya sa napiling social media site ang kamag-aaral na nakaaway.
3. Alin ang nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda lalo na sa magulang?
a. Huwag tulungan ang matandang tumatawid.
b. Huwag magpalit ng damit pagkatapos ng laro kahit pa ibinilin ito ng
magulang.
c. Huwag kalimutang magpaalam sa magulang kapag maglalaro sa mga
kapitbahay.
d. Pagtawanan ang mga pulubi na nadaanan sa lansangan.
4. Alin ang nagpapakita ng pagsunod sa babalang “Dito ang Tamang Sakayan at
Babaan”?
a. Ang mga tao ay sasakay sa kahit saang bahagi ng lansangan.
b. Ang mga tao ay sasakay sa kanto ng isang intersection.
c. Ang mga tao ay sasakay at bababa sa gitna ng lansangan.
d. Ang mga tao ay sasakay at bababa sa itinakdang hintuan ng mga jeepney at
bus.
5. Alin ang nagpapakita ng tamang pagtatapon ng mga basura?
a. Itapon ang mga basura sa mga kanal at estero.
b. Itapon ang mga basura upang dumaloy sa dagat.
c. Ihiwalay ang mga basurang nabubulok at ibaon sa compost pit.
d. Itapon ang mga pinagbalutang plastic kahit saan sa lansangan.
6. Alin ang mangyayari kapag ang lahat ng kasapi ng pamayanan ay nagtulong-
tulong?
a. Magiging marumi ang pamayanan.
b. Wala kaibahan ang mga pamayanan na malinis at hindi malinis.
c. Magulo at walang pakialam ang mga kasapi sa bawat isa.
d. Mapayapa at maayos ang pamayanan na nagtutulong-tulong ang mga
mamamayan.
7. Alin sa mga ito ang tuntunin tungkol sa kalinisan ng kapaligiran?
a. Bawal pumitas ng mga bulaklak sa halamanan.
b. Tumawid sa tamang pook-tawiran.
c. Irespeto ang mga nagdarasal. Huwag mag-ingay.
d. Ugaliin ang paghihiwalay ng basurang nabubulok at hindi nabubulok.
8. Alin ang tuntunin tungkol sa pagsunod sa batas-trapiko?
a. Mag-ingat sa basang sahig.
b. Tumawid sa tamang pook-tawiran.
c. Bawal lumangoy paglagpas ng lubid.
d. Bawal magtapon ng basura rito.
9. Alin ang paghahanda sa malakas na bagyo?
a. Itago ang ilang damit upang hindi mabasa.
b. Maging handa sa paglikas kapag mataas na ang baha.
c. Mag-imbak ng pagkain at tubig na inumin.
d. Sabihan ang mga kapitbahay na maghanda rin.
C. Piliin ang mga gawain na ipinagmamalaki mo. Bilugan ang  kung dapat
ipagmalaki at ang kung hindi dapat ipagmalaki.

  1. Magmano sa mga nakatatanda.


  2. Sumagot nang magalang kapag kinakausap ng magulang.
  3. Bumabati ng “Magandang araw” kapag may nakasalubong
na
nakakatanda.
  4. Tumatawid sa kahit saang bahagi ng lansangan kasi
nagmamadali.
  5. Nakikipag-chat sa hindi kilalang tao at ibinibigay ang mga
detalye ng
tirahan.
  6. Nag-iisip ng paraan upang magamit muli at mapakinabangan ang
ilang bagay na patapon na.
  7. Nagpapatulong sa magulang na gumawa ng compost pit sa likod
ng
bahay.
  8. Pinangungunahan ang recycling drive para sa mga PET bottle
atmga lumang pahayagan.
  9. Nagpapaalam sa magulang bago umalis ng bahay upang
maglaro.
  10. Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

Susi ng Sagot:
A. Markahan ayon sa sumusunod na rubrics.
(2)–nakagagawa ng pangungusap tungkol sa maaaring mangyari sa bawat sitwasyon
at tama ang pangungusap
(1)–nakagagawa ng pangungusap ngunit hindi kompleto ang impormasyon
(0)–kapag mali ang pangungusap na isinulat o walang naisulat

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot:


1. b 6. d
2. a 7. d
3. c 8. b
4. d 9. c
5. c

C. Ipinagmamalaking gawain:
1.  6. 
2.  7. 
3.  8. 
4.  9. 
5.  10. 
Yunit 4 Ako—Nagpapahalaga sa mga Nilikha
ng Diyos

Paglulunsad ng Yunit

Layunin
Ilahad sa mga mag-aaral ang mga aralin sa Yunit 4.

Kagamitan
mga larawan ng mga Muslim sa loob ng mosque, mga taong nagpuprusisyon, mga
taong nasa Bible study, at mga pamilya na papasok sa simbahan o kapilya

Mga Gawain
1. Ipaskil ang mga larawan.
2. Pangkatin ang mga mag-aaaral nang limahan. Bigyan ang bawat pangkat ng
pagkakataon na mapagmasdan ang bawat larawan.
3. Hikayatin ang mga pangkat na magtanong tungkol sa mga larawan. Maaaring isulat
ang mga tanong sa pisara.
4. Sabihin: Sasagutin lahat ng inyong tanong sa mga araling tatalakayin natin sa yunit
na ito.

Aralin 1: Manalig sa Diyos


Layunin
Nakapagpapakita ng pananalig sa Diyos

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Manalig sa Diyos,” mga pahina 258–264

Paghahanda/Pagganyak
1. Pabalik-aralan ang huling aralin ng Yunit 3. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang
kanilang mga natutuhan.
2. Itanong: Ano ang lagi ninyong ipinagdarasal?
3. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa tulang “Manalig sa Diyos” sa pahina 258.
Ipabasa ito. Itanong: Ano ang mensahe ng tula?
2. Ipabasang muli sa mga mag-aaral ang tula. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral.
3. Ipasagot ang Suriin sa buong klase. Magkaroon ng talakayan tungkol sa mga sagot
ng mga mag-aaral.
4. Bigyang-diin ang konsepto ng pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng mga
halimbawa katulad ng sumusunod.
a. Hindi natatakot sa dilim kapag matutulog na
b. Hindi natatakot sa mga multo o mga kuwentong katatakutan
c. Hindi nahihiya kapag sinasabihan na maging kinatawan sa isang paligsahan,
naghahanda at nagdarasal bago ang paligsahan
d. Sinusunod ang mga utos ng mga magulang
e. Hindi nag-iingay kapag nasa loob ng pook-sambahan o may mga nagdarasal sa
loob ng bahay
(Magbigay pa ng ibang halimbawa.)
6. Sabihin sa mga mag-aaral na maghanap ng kapareha. Ipaliwanag ang gawain sa
Magdesisyon. Ipasagot ito at ipalahad sa magkakapareha.
7. Itanong:
a. Paano ipinakikita ang pananalig sa Diyos?
b. Ano ang ipinakikita kapag nagdarasal sa Diyos?
c. Ano ang inyong ipinagdarasal sa Diyos?
8. Ipabasa nang sabayan ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Talakayin ang mga larawan ng mga mag-aaral sa
susunod na pagkikita.

Aralin 2: Kumapit Ka
Layunin
Nakapagpapakita ng pananalig sa Diyos

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga papel na nakahugis-puso
• manila paper

Paksa
“Kumapit Ka,” mga pahina 265–271
Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Hikayatin ang mga
nakikinig na mag-aaral na magbigay ng kanilang puna sa mga paglalahad. Muling
ipabasa ang mga pahayag sa Tandaan ng nakaraang aralin.
2. Bigyan ang bawat mag-aaral ng “puso.” Ipasulat sa kanila ang mga bagay na
ipinagdarasal nila sa Diyos.
3. Ipadikit sa manila paper na may guhit ng simbahan o mosque (depende kung alin
ang gustong gamitin).
4. Hikayatin ang ilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang dalangin.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa pamagat ng Aralin 2. Itanong: Nakaranas ka
na ba na sabihan ng ‘Manalig ka’? Kailan nakikita na nananalig ang isang bata sa
Diyos?
2. Ipabasa ang kuwentong “Kumapit Ka” sa mga pahina 265 at 266 at ipasagot ang
Pag-aralan at Sagutin. Magsagawa ng malayang pagbibigay ng puna sa mga sagot
na ibinigay.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Hikayatin ang
mga mag-aaral na basahin nang mabuti ang mga sitwasyon at suriin ang
pinakaangkop na pagpapakita ng pananalig sa Diyos.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon. Ipasagot ito at ipalahad ang kanilang mga
gawa.
5. Itanong: Paano ninyo ipinakikita ang pananalig sa Diyos?
6. Ipabasa ang kanilang gawain at ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang
pagsagot.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa. Hikayatin silang magpatulong sa nakatatanda sa
bahay.

Aralin 3: Igalang: Iba-ibang Paraan ng Pagsamba


Layunin
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba sa Diyos

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng iba’t ibang pook-sambahan

Paksa
“Igalang: Iba-ibang Paraan ng Pagsamba,” mga pahina 272–277
Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Ipabasang muli ang mga
pahayag sa Tandaan sa Aralin 2.
2. Gawing mga puzzle ang mga larawan ng iba’t ibang pook-sambahan.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipabuo sa bawat pangkat ang mga puzzle.
4. Itanong kung nakakita at nakapunta na sila ng mga simbahan/sambahan na katulad
nito.
5. Sabihin na sa aralin ngayon ay malalaman na nila ang iba-ibang paraan na pagsamba
ng mga tao. Matututuhan nila ang ilan sa mga paraan pagsamba ng mga tao.

Paglilinang
1. Magkaroon ng sabayang pagbasa ng kuwentong “Igalang: Iba-ibang Paraan ng
Pagsamba” sa mga pahina 272 at 273. Maaaring gawing dalawahan o maramihan
ang pagbasa. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga paraan ng pagsamba sa
pamamagitan ng pagpapakita ng graphic organizer.

Relihiyon Paano Sumasamba Namumuno sa Pagsamba

2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Itanong: Ano ang dapat iasal kapag may
kamag- aaral na iba ang paniniwala o ang relihiyon?
3. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Pangkatin ang mga mag-aaral nang
tatluhan bago ito ipasagot. Ipalahad ang mga nabuong gawa.
4. Ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad ang mga sagot. Bigyang-diin ang mga
sitwasyon na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba. Maaaring pagbigayin
ang mga mag-aaral ng ilan pang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa paniniwala
ng iba.
5. Itanong: Paano ninyo ipakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba? Ipabasa o
basahin ang mga pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa
bahaging ito.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Sabihin na maaari silang magpatulong sa magulang
kung kinakailangan.
Aralin 4: Oras Nang Kumilos
Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahalagahan ng pag-asa para makamit ang
tagumpay

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Oras Nang Kumilos,” mga pahina 278–286

Paghahanda/Pagganyak
1. Magtanong kung paano nila ipinakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba.
Hayaang magpahayag ng kanilang karanasan ang mga mag-aaral.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral. Magkaroon ng tableau o dula-dulaan tungkol sa
pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba. Iproseso ang kanilang ginawa sa
pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa ginawang tableau.
a. Paano nila nagawa ang dula?
b. Sino ang nagbibigay sa kanilang ng pag-asang tapusin ang kanilang mga gawain?
3. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa susunod na aralin.

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isang kuwento tungkol sa pagbibigay ng pag-asa
upang makamit ang tagumpay. Ipabasa ang “Oras Nang Kumilos,” mga pahina 278
hanggang 280 at talakayin ang mga ginawa ng mga tauhan. Ipasagot ang Pag-aralan
at Sagutin. Pag-usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral. Ipaliwanag sa bawat pangkat ang gawain sa Suriin.
Ilahad ang halimbawa.
3. Ipagawa ang Magdesisyon sa bawat mag-aaral. Talakayin ang mga sagot ng mga
mag- aaral.
4. Itanong:
a. Nakaranas na ba kayo ng gawain na sobrang hirap? Paano ninyo napagtagum-
payan ito? Sino ang nagbibigay ng pag-asa sa inyo kapag sobrang hirap na ng
gawain?
b. Bakit mahalagang huwag mawalan ng pag-asa sa lahat ng gawain?
c. Paano nagiging matagumpay ang isang taong hindi nawawalan ng pag-asa?
5. Basahin o ipabasa ang mga payahag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Gabayan ang mga mag-aaral kung kinakailangan.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.
Aralin 5: Laging May Pag-asa
Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapadama ng kahalagahan ng pagbi-bigay
ng pag-asa sa iba

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Laging May Pag-asa,” mga pahina 287–293

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Ipalahad ang karanasan ng
mga mag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng pag-asa sa kanilang mga ginagawa.
2. Itanong: Ano ang pakiramdam ninyo kung may nagbibigay ng pag-asa sa inyo sa
bawat mahirap na gawain?
3. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang nararamdaman.

Paglilinang
1. Ipabasa sa mag-aaral ang kuwentong “Laging May Pag-asa” sa mga pahina 287 at
288. Maaaring gawing padula ang pagbasa ng kuwento. Talakayin ang kuwento.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin sa buong klase. Maaaring ipabasang muli ang
kuwento.
3. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Maaaring ipagawa sa mga pangkat o ipadala sa
bahay ang gawain upang masagot kasama ang pamilya. Ipalahad ang gawain sa
klase at magsagawa ng malayang talakayan.
4. Basahin at ipaliwanag ang gawain sa Magdesisyon. Gabayan ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa sa pisara. Gawing pangkatan ang gawain
kung nahihirapan ang mga mag-aaral.
5. Itanong: Paano ninyo itinuturo sa kaibigan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-
asa?
6. Basahin o ipabasa ang mga pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
magulang o ibang kasapi ng pamilya.
Aralin 6: Mga Kaibigan—Biyaya ng Diyos
Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng suporta sa mga kaibigan o pagiging mabuting
kaibigan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mga Kaibigan―Biyaya ng Diyos,” mga pahina 294–301

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin.
2. Maghanda ng kahit anong kuwento tungkol sa pagtulong sa kapuwa.
3. Pag-usapan ang mga nararamdaman ng mga taong tumutulong at ng mga
tinutulungan.
4. Sabihin: Ano, para sa inyo, ang inyong mga kaibigan? Ang ating susunod na aralin
ay tungkol dito.

Paglilinang
1. Ipabasa o basahin ang kuwentong “Mga Kaibigan―Biyaya ng Diyos” sa mga pahina
294 hanggang 296. Ipabasa rin ito sa bawat pangkat.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Maaari itong ipauwi sa mga mag-aaral upang
magabayan ng pamilya. Ipahanap ang kamag-aaral na may katulad na sagot at
ipabigkas nang sabayan ang kanilang sagot.
4. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ipaliwanag at ipasagot ang gawain sa
Magdesisyon. Ipalahad ang mga sagot at talakayin ang ilang sagot ng mga pangkat.
5. Itanong: Ano ang turing ninyo sa inyong mga kaibigan? Basahin o ipabasa ang mga
pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin na kasama ang tatlong kamag-aaral.
Aralin 7: Mga Kaibigan—Handang Umalalay
Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng suporta sa kaibigan o pagiging mabuting
kaibigan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Mga Kaibigan―Handang Umalalay,” mga pahina 302–308

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang ginawa nilang dasal. Pag-usapan sandali ang mga
dasal. Pagkatapos, ipabigkas muli ang mga pahayag sa Tandaan ng nakaraang aralin.
2. Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang sarili. Ipasulat ang kanilang pangalan sa
ilalim ng kanilang guhit.
3. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila tungkol sa kanilang sarili,
ano ang gusto nilang gawin o kaya ay kung saan sa palagay nila sila ay magaling.
Tulungan ang mga mag-aaral na masabi kung saan sila magaling.

Paglilinang
1. Ipabasa o basahin ang kuwentong “Mga Kaibigan―Handang Umalalay” sa mga
pahina 302 at 303.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Pag-usapan sandali ang mga sagot ng mga mag-aaral.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipasagot ito sa bawat mag-aaral. Ipahanap sa ang
mga kamag-aaral na may katulad na mga sagot at ipabigkas nang sabayan ang
kanilang mga sagot.
5. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ipaliwanag at ipasagot ang gawain sa
Magdesisyon. Ipalahad ang mga sagot at talakayin ang mga ito.
6. Itanong: Paano ka nagiging mabuting kaibigan? Paano mo ipinakikita ito sa iyong
mga kaibigan? Basahin o ipabasa ang mga pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Sabihing maaari silang magpatulong sa mga
nakatatanda sa bahay.
Aralin 8: Gantimpala sa Kabutihan
Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan at katuwiran

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Gantimpala sa Kabutihan,” mga pahina 309–316

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Muling ipabigkas ang mga
pahayag sa Tandaan ng Aralin 7.
2. Itanong: Ano ang kabutihang ginagawa ninyo sa kapuwa sa kasalukuyan? Dapat
bang gantimpalaan ang taong nakagawa ng kabutihan sa kapuwa? Bakit?

Paglilinang
1. Ipabasa ang kuwentong “Gantimpala sa Kabutihan” sa mga pahina 309 at 310.
Maaaring ipasadula ang kuwento sa mga mag-aaral.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Itanong: Ano ang naramdaman ninyo matapos
basahin ang kuwento?
3. Ipasagot ang Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagsagot sa bahaging
ito. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang kanilang mga sagot.
4. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng Magdesisyon. Bigyan ng isang linggo
ang mga mag-aaral upang kompletuhin ang gawain.
5. Ipabasa o basahin ang Tandaan. Magpabigay sa mga mag-aaral ng mga
halimbawang sitwasyon.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Gabayan ang mga mag-aaral kung kinakailangan.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang mga kasapi ng pamilya.

Aralin 9: Mga Magulang ng Taon


Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan at katwiran
Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga manila paper
• mga panulat

Paksa
“Mga Magulang ng Taon,” mga pahina 317–324

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang ginawang takdang-aralin. Muling ipabigkas ang
mga pahayag sa Tandaan ng nakaraang aralin.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan sila ng mga manila paper at mga panulat.
3. Sabihin na magkakaroon ng recognition ceremony ang mga natatanging mag-aaral
ng klase. Mag-iisip sila ng award o parangal na ibibigay nila sa kanilang mga
kamag- aaral. Hindi nila maaaring bigyan ng parangal ang kanilang sarili. Magbigay
ng halimbawa katulad ng Natatanging Tagalinis, Pinakaaktibo sa Klase, at iba pa.
4. Sa kanilang mga manila paper, ipakopya sa kanila ang sumusunod na laman ng
sertipiko.

Elementary School Lungsod ng

Gawad Parangal
Iginagawad kay

dahil sa kaniyang kontribusyon sa

Ipasulat sa kanila ang pangalan ng paaralan at ng lungsod.


5. Ipagawa ang awarding ceremony at tanungin ang mga nabigyan kung ano ang
kanilang naramdaman.

Paglilinang
1. Sabihin: Babasahin natin ang isang kuwento tungkol sa mga magulang na ginawaran
ng parangal. Alamin ang dahilan kung bakit sila ginawaran ng parangal. Ipabasa ang
kuwentong “Mga Magulang ng Taon” sa mga pahina 317 at 318.
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa mga
taong ginawaran ng parangal dahil sa kabutihang ipinakita sa kapuwa. Ipasagot ang
Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipasagot ang Suriin. Ipalahad ang mga sagot sa klase Pagsama-samahin ang mga
mag- aaral na magkakatulad ang sagot at sabihan na pag-usapan nila ito.
4. Pangkatin ang klase at ipasagot ang Magdesisyon. Ipalahad ang natapos na gawain.
Hikayatin ang ibang pangkat na magbigay ng puna o dagdag na kaisipan.
5. Itanong:
a. Bakit mahalagang magpakita ng kabutihan sa kapuwa?
b. Naniniwala ka ba na ang paggawa ng kabutihan ay tanda ng pagmamahal sa
mga nilikha ng Diyos?
6. Ipabasa ang mga pahayag sa Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin at sabihing maaari silang magpatulong sa kanilang
pamilya.

Aralin 10: Walang Katumbas ang Pagtulong sa


Kapuwa
Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan

Kagamitan
aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)

Paksa
“Walang Katumbas ang Pagtulong sa Kapuwa,” mga pahina 325–332

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin. Bigyang-diin ang kaisipang
ang pagbibigay ng tulong sa kapuwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa mga nilikha
ng Diyos.
2. Ipabasang muli ang Tandaan ng nakaraang aralin.
3. Pangkatin ang mga mag-aaral. Sa bawat pangkat, ipatala ang magagandang nagawa
nila sa kanilang kapuwa nang nakaraang araw.
4. Ipabasa ang kanilang mga nabuong talaan.

Paglilinang
1. Itanong sa mga mag-aaral: Tumutulong ba kayo sa kapuwa kahit na walang kapalit?
Bakit o bakit hindi?
2. Sabihin: Alamin sa kasunod na aralin kung paano tumutulong sa kapuwa ang isang
mabuting tao nang walang hinihinging kapalit. Ano kaya ang pakiramdam ng
kaniyang mga tinutulungan?
3. Ipabasa sa buong klase ang kuwentong “Walang Katumbas ang Pagtulong sa
Kapuwa” sa mga pahina 325 at 326. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
4. Pangkatin nang tatluhan ang mga mag-aaral at ipagawa ang Suriin. Gabayan sila sa
gawain. Ipalahad ang mga sagot ng bawat pangkat.
5. Ipasagot ang Magdesisyon sa bawat mag-aaral. Ipalahad ang kanilang mga sagot.
6. Itanong: Bakit sinasabi na ang pagtulong sa kapuwa ay tanda ng pagmamahal sa
mga nilikha ng Diyos? Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin.

Takdang-Aralin
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa.

Aralin 11: Tamang Gamit ng Kalikasan


Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pag-iingat at pangangalaga sa kalikasan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng malinis at maruming kapaligiran

Paksa
“Tamang Gamit ng Kalikasan,” mga pahina 333–341

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang mga sagot sa kanilang takdang-aralin.
Talakayin ang kanilang mga sagot.
2. Ipakita ang mga larawan ng malinis na kapaligiran at ng hindi malinis na
kapaligiran. Itanong sa mga mag-aaral ang nararamdaman nila sa dalawang larawan.
Hikayatin ang bawat isa na magpahayag ng kanilang damdamin.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa kuwentong “Tamang Gamit ng Kalikasan” sa
mga pahina 333 hanggang 335. Ipabasa ang kuwento at maaaring ipasadula ito sa
mga mag-aaral.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin.
3. Ipasagot ang Suriin. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagsagot sa bahaging
ito. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang kanilang mga sagot.
4. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng Magdesisyon. Pabigyang-paliwanag ang
kanilang mga sagot.
5. Ipabasa o basahin ang Tandaan. Magpabigay ng mga halimbawang sitwasyon.

Pagtataya
Ipasagot ang Isapuso at Isagawa. Gabayan ang mga mag-aaral kung sakaling
kailangan nila ng tulong.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin kasama ang mga kasapi ng kanilang pamilya.

Aralin 12: Gising Na at Kumilos!


Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pag-iingat at pangangalaga sa kalikasan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga manila paper at mga panulat

Paksa
“Gising Na at Kumilos!,” mga pahina 342–348

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipaulat sa mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa kanilang takdang-aralin.
Talakayin ang mga ugaling dapat ipagpatuloy at ang mga hindi dapat ipagpatuloy.
Ipaliwanag kung bakit dapat o hindi dapat ugaliin ito ng mga mag-aaral.
2. Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan sila ng mga manila paper at mga panulat.
Ipatala sa mga pangkat ang mga bagay na maaari pang pakinabangan tulad ng mga
lumang pahayagan, mga retaso ng tela, mga takip ng bote, mga lumang bote, at iba
pa. Magbigay ng mga halimbawa: ang lumang bote ay maaaring gawing plorera.
3. Talakayin ang mga sagot ng mga mag-aaral.

Paglilinang
1. Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa tulang “Gising Na at Kumilos!” sa mga
pahina 342 at 343. Itanong: Paano inilarawan ni Lolo Juan ang kapaligiran noon at
ngayon?
2. Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan sila ng mga manila paper at mga panulat.
Ipasulat ang kanilang paglalawaran sa kapaligiran noon at ngayon.
3. Ipabasa o basahin ang tula nang may damdamin. Maaaring ipabigkas din ito nang
dalawahan at pangkatan.
4. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Pag-usapan ang kanilang mga naging sagot.
5. Ipasagot ang Suriin. Itanong: Sumasang-ayon ba kayo kay Lolo Juan sa kaniyang
palagay sa kapaligiran? Ipakuwento ang kanilang mga karanasan at mga kuwento ng
kanilang mga magulang.
6. Ipagawa ang Magdesisyon. Bigyan ng pagkakataon na ibahagi ng mga mag-aaral sa
kanilang mga kamag-aaral ang kanilang desisyon. Pangkatin ang mga mag-aaral na
may magkakatulad na sagot at pag-usapan nila ito.
7. Itanong: Ano ang nangyayari kapag labis ang paggamit sa kalikasan? Ano ang iyong
masasabi tungkol sa mga nararanasang matitinding bagyo o tag-init sa kasalukuyan?
Naniniwala ba kayo na isa itong palatandaan na labis na ang paggamit sa kalikasan?
Bilang mga bata, ano ang inyong imumungkahi tungkol sa pagpapanatili ng
kaayusan ng kalikasan? Ipabasa o basahin ang Tandaan.

Pagtataya
Ipagawa ang Isapuso at Isagawa.

Takdang-Aralin
Ipagawa ang Pag-isipan at Sagutin. Maaari silang magpatulong sa mga nakatatanda.

Aralin 13: Hindi Pa Huli ang Lahat


Layunin
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at sa Kaniyang mga
biyaya sa pamamagitan ng pag-iingat at pangangalaga sa kalikasan

Mga Kagamitan
• aklat na Gabay sa Pagpapakatao 3 (Bagong Edisyon)
• mga larawan ng dynamite fishing

Paksa
“Hindi Pa Huli ang Lahat,” mga pahina 349–356

Paghahanda/Pagganyak
1. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang kanilang takdang-aralin.
2. Ipabigkas muli ang mga pahayag sa Tandaan ng nakaraang aralin.
3. Ipakita ang mga larawan ng dynamite fishing na ginagawa ng ilang mangingisda.

Paglilinang
1. Ipabasa o basahin ang kuwentong “Hindi Pa Huli ang Lahat” sa mga pahina 349
at 350.
2. Ipasagot ang Pag-aralan at Sagutin. Ituon ang kanilang pansin sa kasunduan ng mga
mangingisda sa kuwento.
3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbubuklod upang mabago ang
mga gawain na nakasisira sa kalikasan.
4. Ipaliwanag ang gawain sa Suriin. Ipasagot ito sa bawat mag-aaral. Ipahanap sa
kanila ang mga kamag-aaral na may katulad na sagot at ipabigkas nang sabayan ang
kanilang mga sagot.
5. Ipaliwanag at ipasagot ang gawain sa Magdesisyon. Ipalahad ang mga sagot at
talakayin ang mga sagot ng ilang mag-aaral.
6. Itanong: Bakit mahalagang ugaliin ang wastong paggamit ng kalikasan?
7. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangyayari kung labis-labis ang pagkuha o
paggamit sa kalikasan. Ipabasa ang Tandaan.

Pagtataya
1. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Isapuso at Isagawa.
2. Ipasagot ang Pag-isipan at Sagutin. Gabayan sila kung kinakailangan.

PAG-UUGNAY
Ipagawa ang Pag-uugnay sa pahina 357.
Markahan ang nabuong gawain. Bigyan ng dalawang (2) puntos ang bawat gawaing
mababanggit.

Tiyakin na may mga gawain tungkol sa sumusunod:


• Pananalig sa Diyos
• Paggalang sa paniniwala ng iba
• Pagpapakita ng pag-asa upang magtagumpay
• Pagiging mabuting kaibigan
• Pagpapakita ng kabutihan
• Pag-iingat at pangangalaga sa kalikasan

LAGUMANG PAGSUSULIT
A. Lagyan ng tsek (✓) ang bawat patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pananalig sa Diyos.
1. Tinutukso ang kapuwa-bata na nakadamit na pang-Muslim dahil naiiba
ang kanilang paniniwala
2. Ipinakikita ang paggalang sa paniniwala ng iba sa pamamagitan ng
pananahimik kapag naimbitahan na pumunta sa pook-sambahan nila
3. Hindi natatakot na matulog nang mag-isa sa kuwarto kahit pa madilim
4. Inaaway ang mga taong naglilibot sa barangay na nangangaral ng
kanilang relihiyon
5. Sinasabi sa kamag-aaral na mali ang kaniyang mga magulang dahil
naiiba ang kanilang pinaniniwalaang relihiyon
6. Tahimik na nagdarasal sa pook-sambahan
7. Nagdarasal kapag natatakot sa oras ng malakas na bagyo
8. Nagdarasal sa simula ng mga gawain tulad ng bago kumain at kapag
matutulog na
9. Iginagalang ang paniniwala ng kaibigan na iba ang relihiyon
10. Sinusunod ang mga payo ng magulang dahil ito ang ipinahahayag ng
relihiyon kung saan kabilang ang inyong pamilya
B. Aling gawain ang nagpapakita ng pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos? Lagyan
ng tsek (✓) ang pangungusap na sinasang-ayunan.

Hindi
Mga Gawain Sang-ayon
Sang-ayon
1. Masinop ako sa paggamit ng tubig at koryente.
2. Nakikipagkaibigan ako sa ibang bata kahit ano
pa man ang itsura niya.
3. Hindi ako nananakit ng mga hayop na gala
katulad ng ibon, aso, pusa, at iba pa.
4. Sinisigawan ang kasambahay
5. Nagtatapon ng mga basura sa daluyan ng tubig
dahil pumupunta namin ito sa karagatan
6. Hinahayaan kong tumutulo ang tubig sa gripo
habang nagsisipilyo
7. Sumasali ako sa mga gawain ng paaralan tulad
ng tree planting
8. Sinusunod ko palagi ang mga utos ng mga
magulang
9. Tinutulungan ko ang kamag-aaral na may
kapansanan
10. Hindi ko kinakaibigan ang bagong kapitbahay
kung mukha itong mahirap

Susi ng Sagot:
A. Pagpapakita ng pananalig sa Diyos
Mga pangungusap bilang 2, 3, 6, 7, 9, at 10

B. 1. Sang-ayon
2. Sang-ayon
3. Sang-ayon
4. Hindi Sang-ayon
5. Hindi Sang-ayon
6. Hindi Sang-ayon
7. Sang-ayon
8. Sang-ayon
9. Sang-ayon
10. Hindi Sang-ayon

You might also like