You are on page 1of 39

NOT

6
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 4
Paggamit ng Wastong Pang-uri/ Pagsagot sa mga
Tanong sa Binasang Talaarawan/Pagtukoy sa
Mahahalagang Pangyayari sa Binasang Sanaysay
at Pagbibigay Kahulugan sa Pamilyar
at Di-Pamilyar na Salita

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Filipino- Grade 6
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 4: Paggamit ng Wastong Pang-uri/ Pagsagot sa mga
Tanong sa Binasang Talaarawan/Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Binasang
Sanaysay at Pagbibigay Kahulugan sa Pamilyar
at Di-Pamilyar na Salita

Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay
sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Tangub City

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Agustines E. Cepe, CESO V

Mga Bumuo sa Pagsulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6

Manunulat: Laliane S. Taga-an

Reviewers: Analiza R. Solatorio, Sisinia T. Tomarong
Illustrator and Layout Artist: Laliane S. Taga-an

Management Team
Chairperson: Agustines E. Cepe, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar

Assistant Schools Division Superintendent

Members
Carmelita A. Jubay, CID Chief
Relita P. Decina, EPS-Filipino
Gina L. Mandawe, LRMS Manager
Marilou S. Galvez, PDO II
Binepie M. Tapao, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Division of Tangub City
Office Address: Anecito St.,Mantic, Tangub City,
Telefax: (088) 395-3372
E-mail Address: www.depedtangub.net
6
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Paggamit ng Wastong Pang-uri/ Pagsagot sa mga
Tanong sa Binasang Talaarawan/Pagtukoy sa
Mahahalagang Pangyayari sa Binasang Sanaysay
at Pagbibigay Kahulugan sa Pamilyar
at Di-Pamilyar na Salita

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling guro,

punong-guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa Kagawaran ng
Edukasyon- Sangay ng Lungsod Tangub. Hinihikayat ang lahat ng guro at mga
stakeholder sa edukasyon na mag-email sa kanilang mga puna, komento o
mungkahi sa DepEd-Sangay ng Lungsod Tangub sa depedtangub.net

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND DISCLAIMER:

This SLM (Self Learning Module) is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included
in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to
those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman

Leksiyon 1:
Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Iba’t ibang Sitwasyon .....................1
Layunin .......................................................................................................................1

Tuklasin ......................................................................................................................1
Suriin ...............................................................................................................................2
Pagyamanin .................................................................................................................4
Isaisip..............................................................................................................................5
Tayahin.... ………………………………………………………………………...5

Leksiyon 2:
Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Binasang Talaarawan .............6
Layunin .......................................................................................................................6

Tuklasin ......................................................................................................................6
Suriin ...............................................................................................................................7
Pagyamanin .................................................................................................................8
Isaisip..............................................................................................................................9
Tayahin.... ……………………………………………………………………....10

Leksiyon 3:
Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Sanaysay .11
Layunin .......................................................................................................................11

Tuklasin ......................................................................................................................11
Suriin ...............................................................................................................................12
Pagyamanin .................................................................................................................14
Isaisip..............................................................................................................................15
Tayahin... …………………………………………………………………………16

Gabay sa Pagwawasto .................................................................................................................... …17

Apendiks……………………………………………………………………………………………………. 20
Sanggunian ……………………………………………………………………………………………….. 33
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 4 ukol
sa Paggamit ng Wastong Pang-uri at Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Binasang
Sanaysay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipinakikilala sa iyo sa

maraming paraantulad ng kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtatalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ng maikling pangkalahatang konsepto tungkol sa

paksa at makamit ang kasanayang lilinangin.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain

Pagwawasto sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Maging tapat sa pagsagot sa mga pagsasanay at pagwawasto sa naging kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

II
Paggamit ng Wastong
Pang-uri sa Paglalarawan
Leksiyon sa Iba’t ibang Sitwasyon
1
Alamin
Pagkatapos ng leksiyon na ito, inaasahan na magagamit mo nang
wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.

Tuklasin
Gawain 1
Bilugan ang salitang naglalarawan sa pangungusap. (Isulat
ang sagot sa inilaang Worksheet Bilang 1, Leksiyon 1 Tuklasin 1.)

1. Mainit ang kape sa tasa.

2. Pumasok kami sa malinis na silid-aralan.
3. Mabaho ang bulaklak na pinitas niya.
4. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
5. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga nakakatanda sa
kanya.

Gawain 2
Pansinin ang mga salita sa loob ng kahon. Subukin mong hiwalay ang
mga salitang-ugat na nakakabit sa bawat salita. (Sagutin ito sa inilaang
Worksheet Bilang 1, Leksiyon 1, Gawain 2.)

nabasa mataas umiyak

marami matanda
taos-puso malusog matalino
matangos abot-tanaw

Paano mo hiniwalay ang bawat salita? Pinakapayak ba ang inihiwalay

mong salita? Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang ito?

1
Suriin
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba.

Ang Bakuran ni Alvy

Noong Linggo ay buong araw ako sa tahanan ng aking matalik na

kaibigang si Alvy. Sila ay sa Montalban nakatira. Palibhasa’y sa masikip na
lugar sa magulong lungsod ako tumitira, ako’y talagang tuwang-tuwa sa pook
nilang mag-anak.
Katamtaman ang laki ng kanilang bahay ngunit ang bakuran ay
mahabang-mahaba. Kalahating ektarya raw iyon. Punong-puno ng mga
punongkahoy ang maluwag na duluhan. Dalawang punong mangga ang hitik
sa bunga. Sa gilid ay may matatayog na puno ng niyog. Iba’t ibang puno ang
naroon tulad ng bayabas, kaimito, abokado, sampalok at suha. Espesyal ang
bunga ng santol-Bangkok. Malalaki ang bunga at ang lamukot ay makapal at
matamis.
Inaalagaang mabuti ng tatay ni Alvy at kanyang iisang kapatid na lalaki
ang mga punongkahoy. Pinauusukan daw nila ang mga iyon at binubomba ng
gamot upang lumayo ang mga mapanirang kulisap. Sapat din sila sa tubig na
galing sa malalim nilang balon. Sa aking palagay ay marami silang kinikita sa
mga bungang-kahoy mula sa sariling bakuran. Masaya ako nang umuwi.
Marami akong dalang hinog na prutas.

-Sining sa Wika 6, pahina 126-127

2
Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang kuwento.
(Gamitin ang inilaang Worksheet bilang 1, Leksiyon 1, Suriin)

1. Sino ang matalik na kaibigan ng nagsasakaysay sa kuwento?

2. Saan nakatira si Alvy?
3. Ano-anong mga punongkahoy ang makikita sa bakuran nina Alvy?
4. Paano inaalagaan ng tatay at nag-iisang kapatid na lalaki ni Alvy ang mga
punongkahoy?
5. Ano-anong mga pang-uri ang nakikita mong ginamit sa kuwento?
6. Magtala ng limang pang-uri na ginamit sa kuwento at gamitin sa
pangungusap ang bawat isa.

Ngayon, ikumpara ang iyong kasagutan sa nakalaang gabay sa

pagwawasto sa hulihang bahagi ng modyul na ito. Ano ang natutunan mo sa
kuwento? Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita na may pagpapahalaga
ka sa mabuting asal at gawain?
Naalala mo pa ba kung ano ang pang-uri? Paano ito ginagamit?
Kung maaalala mo, ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan tungkol
sa pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang maglarawan.

Gawain 3
Subukin mong ilarawan ang sitwasyon na makikita sa larawan na nasa ibaba.
(Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 1, Leksiyon 1, Gawain 3)

-Larawang kuha ni Laliane S. Taga-an, Villaba ES

3
Pagyamanin
Sumulat ng isang talata at gamitan ng wastong pang-uri sa
paglalarawan ng sitwasyon sa mga larawan na nasa ibaba.
(Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 1 Leksiyon 1, Pagyamanin)

1.

Larawang kuha ni Laliane S. Taga-an, Villaba ES

_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2.

_______________________________________________________________________

4
Gawain 5: Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng maaliwalas at
magandang paligid. (Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 1, Leksiyon 1,
Gawain 5)

1. malawak
2. mabangong-mabango
3. sariwa
4. maganda
5. abot-tanaw

Isaisip

Tandaan Mo

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsiyon o

turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba
pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang-linaw ang isang
pangngalan.

Tayahin
Sumulat ng isang talata na gumagamit ng angkop na pang-uri tungkol
sa “Kapistahan sa Barangay.” (Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 1,
Tayahin)

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Pagsagot ng mga Tanong
tungkol sa Binasang
Leksiyon Talaarawan
2
Alamin
Pagkatapos ng leksiyon na ito, inaasahan na makasasagot ka sa mga
tanong tungkol sa binasang talaarawan.

Tuklasin
Bilugan ang tamang titik ng salitang bubuo sa pangungusap. (Sagutin
ito sa inilaang Worksheet bilang 2, Leksiyon 2, Tuklasin)

1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita

ng pagtatala ng mga pangyayari .

a. kapag may araw

b. araw-araw
c. lingguhan
d. buwanan

2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunod-sunod ang

mga .

a. tauhan
b. tagpuan
c. pangyayari
d. usapan

3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng

.

a. bagay
b. kulay
c. pangalan
d. petsa

6
4. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na maging
.

a. pamalagian
b. pansamantala
c. di kapani-paniwala
d. makatotohanan

5. Personal ang talaarawan kaya .

a. dapat ipabasa sa iba

b. ilihim sa iba
c. huwag ipabasa sa iba
d. sa gabi lang sulatan

Anong mahahalagang pangyayari sa iyong buhay ang hindi mo

malilimutan? May pagkakataon bang ninais mong isulat ang bawat pangyayari
sa araw na iyon? Saan mo itinala? Araw-araw ba ang iyong pagtatala?
Ano-anong mga detalye ang isinulat mo?

Suriin
Basahin ang halimbawa ng isang talaarawan.

Enero 25 – Linggo

Kaarawan ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit,

biko at spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Niregaluhan
ako ni tatay ng pulang sapatos. Binigyan ako ni nanay ng P500 kaya nagpunta
ako sa mall. Ibinili ko ng notebook ang P180, damit naman ang P 150 at
kumain ako ng ice cream. Idinagdag ko sa baon ko ang natirang pera.

Enero 26 – Lunes

Parang dalawang beses kong ipinagdiriwang ang kaarawan ko. Kasi,

nagluto uli si nanay ng pansit at spaghetti. Nagpaluto rin siya ng suman.
Dumating kasi ang mga pinsan ko mula sa Maynila.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang sa

talaarawan. (Gawin ito sa inilaang Worksheet bilang 2, Leksiyon 2, Suriin)

1. Anong buwan isinulat ang talaarawan?

2. Ano ang ipinagdiriwang ng sumulat nito?
3. Ano-ano ang kanyang handa?
4. Bakit siya nagpunta sa mall?
5. Paano niya nabili ang kaniyang mga bagong gamit?
6. Bakit dalawang beses siyang nagdiriwang ng kanyang kaarawan?

7
Ngayon, ikumpara ang iyong kasagutan sa nakalaang gabay sa
pagwawasto. Nasagutan mo ba lahat? Kung tama lahat ang sagot mo,
mahusay.

Napuna mo ba ang pagkakaugnay ng petsa at mga pangyayari? Itinala

ng nagsasalaysay ang petsa ng kanyang kapanganakan. Sa petsang ito ay
inilahad niya ang mga pangyayaring naganap ayon sa pagkakasunud-sunod.
Alam mo ba ang tawag sa isinulat ng nagsasalaysay?

Tama ka. Ang tawag dito ay talaarawan. Pansinin mo ang salitang

talaarawan. Napuna mo ba ang pagtatambal ng mga salitang tala at araw?
Kasi, ang talaarawan ay tala ng mga pangyayaring nagaganap araw-araw.

Paano mo ipakikita ang paggalang sa talaarawan ng iba? Ano ang

natutuhan mo aralin?

Pagyamanin
A. Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.

Agosto 12 – Sabado

Tanghali na akong bumangon dahil alam kong walang pasok. Pagkatapos

kong mag-almusal ay naghugas ako ng mga plato. Naglinis din ako ng bahay at
inayos ang mga kasangkapan sa kusina na dapat linisin. Naghanda na akong
magbihis dahil dadalawin namin ni Inay sina Lolo at Lola na matagal-tagal na
naming hindi nabibisita. Halos lahat ng anak at apo ay naroroon kaya parang
naging “reunion” ng pamilya ang nangyari.

Agosto 13 – Linggo

Maaga pa lamang ay nagtungo na kami ng aking mga kapatid at magulang

sa simbahan upang magbigay-puri sa Panginoon. Namasyal kaming mag-anak sa
parke. Pagdating ng bahay, inihanda ko na ang mga dapat kong dalhin sa
paaralan kinabukasan. Biglang dumating ang aking kamag-aral upang maghiram
ng aklat sa Filipino.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang

talaarawan. (Gawin ito sa inilaang Worksheet bilang 2, Leksiyon 2,
Pagyamanin A)

1. Ano-anong araw isinulat ang talaarawan?

2. Sino ang kanilang dadalawin?
3. Saan sila nagtungo sa araw ng Linggo?
4. Bakit siya naghanda ng kanyang mga gamit?

8
B. Narito ang halimbawa pa ng talaarawan. Basahin ito at sagutin ang mga
tanong tungkol dito. (Gawin ito sa inilaang Worksheet bilang 2, Leksiyon 2,
Pagyamanin B)

Setyembre 8-Lunes

Bukas pa ang pista sa Sto. Niño pero ngayon pa lang ay pupunta

na kami sa probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis
ako kasi hindi aircon bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe.
Mag-aala-singko na ng hapon nang dumating kami sa Sto. Niño. Abala sa
pagluluto ang mga kamag- anak namin.

Setyembre 9-Martes

Araw ng kapistahan ni Sto. Niño. Maaga kaming nagsimba.

Maraming naging bisita kaya pati ako napagod sa pag- aasikaso. Gabi na
nang magdaos ng prusisyon.

Setyembre 10-Miyerkules

Tanghali na kami umuwi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa

bus.

Mga tanong:

1. Anong pagdiriwang mayroon sa kanilang probinsya?

2. Bakit siya nainis sa kanilang sinakyan na bus?
3. Ano ang kanilang ginawa sa araw ng pista?

Isaisip

Tandaan Mo

Mahalaga ang pagkakaroon ng talaarawan sapagkat dito maisusulat

ang mga mahahalagang nangyari sa iyong buhay na maaari mong balikan
pagdating ng panahon, labasan ng problema at mga saloobin.

9
Tayahin
Basahin nang mabuti ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.
(Gawin ito sa inilaang Worksheet bilang 2, Tayahin)

Enero 5, 2020

Mahal kong Talaarawan,

Maaga akong gumising ngayon dahil unang araw ng pagsusulit. Pero bago ako
pumasok sa paaralan ay naligo muna ako, nagbihis, nagsuklay ng buhok, kumain at
nagsipilyo ng ngipin. Binigyan ko ng pagkain ang aming alagang aso na si Bantay. Nakasabay
ko aking kamag-aral na si Tinay sa paglalakad patungong paaralan. Pagdating sa aming silid-
aralan ay naroon na ang aming guro. Naglinis muna kami at pagkatapos ay naghanda na para
sa pasulit.
Sinundo ako ni tatay pagkatapos ng klase. Pagdating sa bahay ay naghanda si nanay
ng puto at juice. Tumulong rin ako sa mga gawaing bahay bago nag-aral para sa pagsusulit
kinabukasan.
Nagmamahal,
Karen

Mga tanong:

1. Anong petsa isinulat ang talaarawan?

2. Ano-ano ang ginawa niya bago pumasok sa paaralan?
3. Bakit maaga siyang gumising?
4. Sino ang sumundo sa kanya sa paaralan?
5. Ano ang kanyang ginawa pag-uwi niya sa bahay?

10
Pagtukoy sa Mahahalagang
Pangyayari sa Nabasang
Sanaysay at Pagbibigay ng
Kahulugan sa Pamilyar
Leksiyon at Di-Pamilyar na Salita
3
Alamin
Pagkatapos ng leksiyon na ito, ang mag-aaral ay inaasahang
makatutukoy ng mahahalagang pangyayari sa nabasang sanaysay at
maibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat.

Tuklasin
Marami tayong mapagkukunan ng impormasyon sa mga
mahahalagang pangyayari ng tao, bagay o sitwasyon. Maaaring magmula ito
sa taong nakakaalam, telebisyon, radio o internet.

Nanonood ka ba ng telebisyon, nakikinig ng radyo o kaya’y

nagbabasa ng diyaryo? Ano ang pinapanood, pinakikinggan o nababasa mo?
Nasisiyahan ka bang panoorin, pakinggan o basahin ang mga ito?

Gawain 1

Basahin mo ang unang dalawang saknong ng awiting “Anak” ni

Freddie Aguilar at sagutin ang mga tanong sa ibaba. (Sagutin ito sa
inihandang Worksheet bilang 3, Leksiyon 3, Gawain 1)

Nang isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y

Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo

11
Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng awitin?
2. Sino-sino ang mga binanggit sa awitin?
3. Maaari mo bang ilarawan ang mga pangyayari sa awiting binasa?
4. Ano ang mensahe o aral ang nais iparating ng awiting ito?

Suriin
Mabisang pagbabasa ang kasanayan na dapat mong mahasa upang
matukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nabasang sanaysay,
kuwento o balita.
Ituon ang iyong buong atensyon sa pagbabasa sa mga sanaysay sa
modyul na ito. Bago iyan, mahalagang malaman mo muna ang kahulugan ng
mga salitang maaaring di-pamilyar sa iyo na nasa mga seleksiyon na iyong
babasahin.

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin ang kasalungat ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B at

pagkonektahin ang mga ito. (Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 3, Leksiyon 3,
Gawain 2)

Hanay A Hanay B

mahinang resistensya hindi kapuri-puri

nagsikap limitado

kumurap-kurap walang gusto

paghihimagsik malusog

dakila nanatiling nakabuka

mahilig hindi umaabuso

ibagsak nagpabaya

malawakan pagsang-ayon

pagmamalabis naitaguyod

12
Gawain 3: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. (Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 3, Leksiyon 3, Gawain 3)

Si Mikrobyo Sipon

Malakas ako. Kaya kong pagkasakitin ang

sinuman. Nagsisimula ako sa ilong at lalamunan.
Sa bandang huli, maaari rin akong bumaba sa
baga. Dala-dala ko ang impeksyon na
magpapasakit ng lalamunan. Tonsilitis daw ang
tawag dito. Maaaring mauwi ito sa pulmonya kapag
bumaba ang impeksyon sa baga. Madali akong
pumasok sa katawan ng biktima, lalagnatin at
manghihina. May sipon na siya at madali siyang
makahahawa sa iba maging bata man o matanda.
Higit na malubha ang sipon sa mga batang paslit.
Kaya kayong mga bata, mag-ingat kayo sa akin.
Ako, si Mikrobyong Sipon.
Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!
-LP in Filipino 5, 2012 p.1

Mga Tanong:

1. Saan nagsisimula ang sipon?

2. May mga sintomas ba ito? Ano-ano ang mga ito?
3. Sino-sino ang maaaring dapuan nito? Bakit?
4. Mayroon bang paraan upang maiwasan ito?

Napakahalaga sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang wastong

pagbabasa o pakikinig upang magkaroon ng kaalaman o makakuha ng
bagong impormasyon.
Ang fishbone at ang spider web ay ilan lamang sa mga graphic
organizer na mainam gamitin sa pagtatala ng mga mahahalagang
impormasyon sa nabasang ulat o sanaysay.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Mabisang Pagbasa

 Dapat nasa kondisyon ang mga paningin at kalusugan.

 Umiwas sa mga maingay na lugar para hindi masira ang
konsentrasyon.
 Sikaping pumili ng komportableng upuan.
 Kailangang may tiyak na layunin sa pagbabasa.
 Mahalaga din ang saloobin upang maging mabisa at kawili-wili.
 Malaking tulong din ang malawak na talasalitaan.
 Kailangan ding maabot ang talinghaga sa pagitan ng mga salita
o pangungusap.
 Mahalaga rin ang lubos sa kaalaman sa mga bantas.

13
Gawain 4: Subukin mong ibigay ang mga mahahalagang detalye sa sanaysay na “Si
Mikrobyong Sipon” gamit ang fishbone. (Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 3,
Gawain 4)

Mga Detalye
Mga Detalye

Pamagat

Mga Detalye

Pagyamanin
Basahin nang mabuti ang sanaysay tungkol kay Andres Bonifacio.

Si Andres Bonifacio ay masikap at

matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang matutong
bumasa at sumulat. Tinulungan niya ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga
lathalaing sinulat ng ating manunulat na Pilipino.
Mahilig siyang magbasa ng mga aklat ni Dr. Jose
Rizal, mga aklat tungkol sa digmaan at batas.
Pagkatapos ng kanyang gawain sa maghapon,
saka siya magbabasang mag-isa. Inaabot siya ng
hatinggabi sa pag-aaral na ang tanging tanglaw
ay kumukurap-kurap na ilawang langis.
Bunga ng pang-aalipin, pang-aabuso at
pagmamalabis ng mga Kastila sa mga Pilipino,
itinatag ni Andres Bonifacio ang samahang
Katipunan na ang layunin ay ibagsak ang
pamahalaan ng Kastila.
Noong ika-23 ng Agosto 1896,
nagtipon-tipon ang mga Katipunero sa Pugad
Lawin, isang liblib na baryo sa Caloocan.
Noon nila sinimulan ang balak nilang
paghihimagsik. Pinunit ng lahat ng dumalo ang
kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa
pamahalaan ng Kastila.
Kahit kulang ang armas at kaalamang pangmilitar ay naitaguyod niya ang
malawakang paghihimagsik ng mga Katepunero labas sa lakas ng mga Kastila. Tiniis
nila ang gutom at pagod. Sa dilim ng gabi sila nagpupulong o naglalakbay. Siya ay
tinawag na Ama ng Katipunan dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.

-LP in Filipino 5, 2012 p.2

14
Gawain 5: Ibigay ang mahahalagang impormasyon tungkol kay Andres
Bonifacio gamit ang spider web. (Sagutin ito sa inilaang Worksheet bilang 3 sa
Gawain 5)

Andres Bonifacio

Isaisip

TANDAAN
Upang maging mabisa ang pagbabasa, kinakailangan ang buong
atensyon ay nasa binabasa at higit sa lahat itala ang mahahalagang
detalye o impormasyong nakapaloob sa nabasang sanaysay, balita o
artikulo. Magiging madali ito kung gagamitin ng fishbone diagram at spider
web.
Isa sa mga paraan upang mabigyan mo ng kahulugan ang mga
pamilyar o di-pamilyar na salita ay sa pamamagitan ng pag-iisip sa
kasalungat nito. Madaling malaman ang kasalungat ng isang salita sa
pamamagitan ng pagpansin kung paano ito ginamit sa pangungusap.

15
Tayahin

A. Hanapin at bilugan ang titik ng kasalungat na salita ng magkasingkahulugang

salita na may salungguhit sa pangungusap. (Sagutin ito sa inilaang
Worksheet bilang 3, Leksiyon 3, Tayahin)

1. Kailangan ang determinasyon at pagsusumikap sa buhay ngayong panahon

ng pandemya.

a. katamaran b. sipag c. tiyaga d. pagpupursigi

2. Mabuting linangin at pagyamanin ang talino ng mga mag-aaral.

a. tamnam b. pabayaan c. payabungin d. paunlarin

3. Mag-aral kang mabuti nang makamit at makuha mo ang iyong pangarap sa

buhay.

a. maabot b. mapabayaan c. maranasan d. marating

4. Naging mabilisan at madalian ang ginanap na programa sa paaralan.

a. dagli b. matagalan c. kagyat d. agad-agad

5. Nagkakaalitan at nagkakagalit kami minsan ng aking mga kapatid.

a. nagkakatampuhan b. nagkakaaway c. nagkakasira d. nagkakasundo

B. Basahin nang mabuti ang sanaysay at ibigay ang mga pangyayari sa

pamamagitan ng pagsagot sa fishbone diagram. (Gawin ito sa inilaang
Worksheet bilang 3, Leksiyon 3, Tayahin B)

Pag-iyak, Nakatutulong sa Kalusugan

Sa isang pag-aaral, pinatunayan na nakakabuti ang pag-iyak sa kalusugan

ng tao. Ayon kay Dr. William Frey, director ng Psychiatry Research Laboratories ng
St. Paul, Minnesota, ang mga lalaki at babae ay nakararamdam ng pagbuti ng
katawan matapos umiyak. Samantalang ang mga bata na hindi makaiyak ay higit na
nakararanas ng kabiguan kahit sa maliit na problema. Sila ay pinapawisan,
naglalaway, at nagkakaroon ng galis sa balat.
Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga babae ay limang ulit na higit na
madalas ang pag-iyak kaysa mga lalaki. Ang pag-iyak na ito ay nagaganap sa
pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Maituturing na ito ang mga oras na
nagaganap ang di-pagkakaunawaan sa pamilya at nakararamdam ng kalungkutan
ang karamihan.

-Landas sa Wika 6, 1999 p.6

16
17
LEKSYON 1
TUKLASIN
Gawain 1
1. mainit
2. malinis
3. mabaho
4. mapayapa
5. magalang
Gawain 2
basa dami lusog
taas tanda tangos
iyak puso
tanaw talino
SURIIN
A. Kwento: Ang Bakuran ni Alvy
1. Ang matalik na kaibigan ng nagsasalaysay ay si Alvy.
2. Si Alvy ay nakatira sa Montalban.
3. Ang mga punongkahoy na makikita sa bakuran nina Alvy ay manga, niyog, bayabas, kaimito,
abokado, sampalok, suha, at santol.
4. Inaalagaan ng Tatay at kapatid ni Alvy ang mga punongkahoy sa pamamagitan ng pagpapa-
usok nito at pagbubomba ng gamot upang lumayo sa mga mapanirang kulisap.
5. Ang mga pang-uring makikita sa kwento ay matalik, masikip, magulo, tuwang-tuwa,
katamtaman, mahabang-mahaba, kalahati, punung-puno, maluwang, dalawa, hitik, matatayog,
iba’t iba, malalaki, makapal, matamis, iisang, mapanirang, malalim, marami, at hinog.
6. (Ipakita mo sa iyong guro ang isinulat mong mga tala. Siya ang magwawasto nito.)
B. Gawain 3 (Iba-iba ang kasagutan)
Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang magwawasto nito.
PAGYAMANIN - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.
TAYAHIN- Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.
Gabay sa Pagwawasto
LEKSYON 2
TUKLASIN
1. b
2. c
3. d
4. d
5. c
SURIIN
1. Isinulat ang talaarawan sa buwan ng Enero.
2. Ipinagdiriwang ng sumalat nito ang kanyang kaarawan.
3. Ang mga handa niya ay pancit, biko at spaghetti.
4. Pumunta siya ng mall para bumili ng notebook, damit at kumain ng ice cream.
5. Nakabili siya ng mga bagong gamit sa pamamagitan ng perang ibinigay ng kanyang Nanay.
6. Dalawang beses siyang nag-birthday dahil dumating ang kanyang mga pinsan mula Manila.
PAGYAMANIN
A.
1. Isinulat ang talaarawan sa araw ng Sabado at Linggo.
2. Dadalawin nila ang kanyang Lolo at Lola.
3. Pumunta sila sa simbahan.
4. Inihanda niya ang kanyang mga gamit dahil may pasok kinabukasan.
B.
1. Mayroong pagdiriwang ng pista sa kanilang probinsya.
2. Nainis siya sa bus na kanilang sinakyan dahil hindi ito aircon at mabagal ang takbo.
3. Ang ginawa nila sa araw ng pista ay nagsimba, nag-asikaso sa mga bisita at nagkaroon ng
prusisyon.
TAYAHIN
1. Isinulat ang talaarawan noong ika-5 ng Enero 2020.
2. Bago pumasok sa paaralan, siya ay nagbihis, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng
ngipin.
3. Maaga siyang gumising dahil unang araw ng kanilang pagsusulit.
4. Sinundo siya ng kanyang tatay.
5. Siya ay kumain at tumulong sa mga gawaing bahay bago nag-aral.
19
LEKSYON 3
TUKLASIN
Apendiks
Gawain 1
1. Ang pamagat ng awit ay Anak.
2. Ang mga binaggit sa awitin ay sina tatay at nanay.
3. (Maaaring magkaiba ang kasagutan.)
4. (Maaaring magkaiba ang kasagutan.)
SURIIN
Gawain 2
mahinang resistensya -malusog
nagsikap- nagpabaya
kumurap-kurap – nanlilisik
paghihimagsik – pagsang-ayon
dakila –hindi kapuri-puri
mahilig – walang gusto
ibagsak –itaguyod
malawakan –limitado
pagmamalabis – hindi umaabuso
Gawain 3
1. Nagsimula ang sipon sa ilong at lalamunan.
2. Ang mga sintomas ng sipon ay pagsakit ng lalamunan, pulmonya, lagnat at panghihina.
3. Maaaring madapuan ng sipon ang mga bata at matanda.
4. Maging maingat upangmaiwasan ang sipon.
Gawain 4 - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.
PAGYAMANIN
Gawain 5 - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.
TAYAHIN
A.
1. a
2. b
3. b
4. b
5. d
B. Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang magwawasto nito.
18
WORKSHEET Blg. 1
Leksiyon 1
Wastong Paggamit ng Pang-uri
Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang
sitwasyon. (F6OL-IIa-e-4)
Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

TUKLASIN

Gawain 1: Bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Mainit ang kape sa tasa.

2. Pumasok kami sa malinis na silid-aralan.
3. Mabaho ang bulaklak na pinitas niya.
4. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
5. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga nakakatanda sa kanya.

Gawain 2: Tukuyin ang mga salitang-ugat sa mga salita sa loob ng kahon.

nabasa mataas umiyak

marami matanda
taos-puso malusog matalino
matangos abot-tanaw

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
SURIIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang salaysay at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Ang Bakuran ni Alvy

Noong Linggo ay buong araw ako sa tahanan ng aking matalik na

kaibigang si Alvy. Sila ay sa Montalban nakatira. Palibhasa’y sa masikip na lugar sa
magulong lungsod ako tumitira, Ako’y talagang tuwang-tuwa sa pook nilang
mag-anak.
Katamtaman ang laki ng kanilang bahay ngunit ang bakuran ay
mahabang-mahaba. Kalahating ektarya raw iyon. Punong-puno ng mga
punongkahoy ang maluwag na duluhan. Dalawang punong mangga ang hitik sa
bunga. Sa gilid ay may matatayog na puno ng niyog. Iba’t ibang puno ang naroon

20
tulad ng bayabas, kaimito, abokado, sampalok at suha. Espesyal ang bunga ng
santol-Bangkok. Malalaki ang bunga at ang lamukot ay makapal at matamis.
Inaalagaang mabuti ng tatay ni Alvy at ng iisang kapatid na lalaki ang
mga punongkahoy. Pinauusukan daw nila ang mga iyon at binubomba ng gamot
upang lumayo ang mga mapanirang kulisap. Sapat din sila sa tubig na galing sa
malalim nilang balon. Sa aking palagay ay marami silang kinikita sa mga
bungangkahoy mula sa sariling bakuran. Masaya ako nang umuwi. Marami akong
dalang hinog na prutas.

1. Sino ang matalik na kaibigan ng nagsasalaysay?

________________________________________________________________
2. Saan nakatira si Alvy?
________________________________________________________________
3. Ano-anong mga punongkahoy ang makikita sa bakuran nina Alvy?
________________________________________________________________
4. Paano inaalagaan ng tatay at nag-iisang kapatid na lalaki ni Alvy ang mga
punongkahoy?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ano-anong mga pang-uri ang nakita mo sa kuwento?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6. Ipatala sa mga mag-aaral ang mga pang-uri na ginamit sa kuwento at ipagamit

sa pangungusap ang bawat isa. (Gamitin ang puwang sa ibaba)

1. a. Pang-uri:
b. Pangungusap:

2. a. Pang-uri:
b. Pangungusap:

3. a. Pang-uri:
b. Pangungusap:

4. a. Pang-uri:
b. Pangungusap:

5. a. Pang-uri:
b. Pangungusap:

21
Gawain 3. Ilarawan ang sitwasyon sa larawan sa ibaba gamit ang mga angkop
na pang-uri.

________________________________________

Gawain 4: Sumulat ng isang talata gamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan
ng sitwasyon sa mga larawan na nasa ibaba.

1.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

22
Gawain 5: Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng maaliwalas
at magandang paligid.

1. malawak
2. mabangong-mabango
3. sariwa
4. maganda
5. abot-tanaw

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________

Panuto: Sumulat ng isang talata na gumagamit ng angkop na pang-uri tungkol sa
“Kapistahan sa Barangay.”

_______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________.

23
WORKSHEET Blg. 2
Leksiyon 2
Pagsagot sa Tanong tungkol sa Binasang Talaarawan
Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang talaarawan.

Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

TUKLASIN
Panuto: Bilugan ang tamang titik ng salitang bubuo sa pangungusap.

1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng

pagtatala ng mga pangyayari .

a. kapag may araw

b. araw-araw
c. lingguhan
d. buwanan

2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga

.

a. tauhan
b. tagpuan
c. pangyayari
d. usapan

3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng

.

a. bagay
b. kulay
c. pangalan
d. petsa

4. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na maging

.
a. pamalagian
b. pansamantala
c. di kapani-paniwala
d. makatotohanan
5. Personal ang talaarawan kaya .

a. dapat ipabasa sa iba

b. ilihim sa iba
c. huwag ipabasa sa iba
d. sa gabi lang sulatan

24
SURIIN

Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga katanungan.

Enero 25 – Linggo

Kaarawan ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit,

biko at spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Niregaluhan
ako ni tatay ng pulang sapatos. Binigyan ako ni nanay ng P500 kaya nagpunta
ako sa mall. Ibinili ko ng notebook ang P180, damit naman ang P 150 at
kumain ako ng ice cream. Idinagdag ko sa baon ko iyong natirang pera.

Enero 26 – Lunes

Parang dalawang beses kong ipinagdiriwang ang kaarawan ko. Kasi,

nagluto uli si nanay ng pansit at spaghetti. Nagpaluto rin siya ng suman.
Dumating kasi ang mga pinsan ko mula sa Maynila.

Mga Tanong:
1. Anong buwan isinulat ang talaarawan?
______________________________________________________________
2. Ano ang ipinagdiriwang ng sumulat nito?
______________________________________________________________
3. Ano-ano ang kanyang handa?
______________________________________________________________
4. Bakit siya nagpunta sa mall?
______________________________________________________________
5. Paano niya nabili ang kaniyang mga bagong gamit?
______________________________________________________________
6. Bakit dalawang beses siyang nagdiriwang ng kanyang kaarawan?
______________________________________________________________

PAGYAMANIN
Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.

Agosto 12 – Sabado

Tanghali na akong bumangon dahil alam kong walang pasok. Pagkatapos kong
mag-almusal ay naghugas ako ng mga plato. Naglinis din ako ng bahay at inayos ang
mga kasangkapan sa kusina na dapat linisin. Naghanda na akong magbihis dahil
dadalawin namin ni Inay sina Lolo at Lola na matagal-tagal na naming hindi nabibisita.
Halos lahat ng anak at apo ay naroroon kaya parang “reunion” ng pamilya ang nangyari.

Agosto 13 – Linggo

Maaga pa lamang ay nagtungo na kami ng aking mga kapatid at magulang sa

simbahan upang magbigay-puri sa Panginoon. Namasyal kaming mag-anak sa parke.
Pagdating ng bahay, inihanda ko na ang mga dapat kong dalhin sa paaralan
kinabukasan. Biglang dumating ang aking kamag-aral upang maghiram ng aklat sa
Filipino.

25
Mga Tanong:

1. Ano-anong araw isinulat ang talaarawan?

______________________________________________________________
2. Sino ang kanilang dadalawin?
______________________________________________________________
3. Saan sila nagtungo sa araw ng Linggo?
______________________________________________________________
4. Bakit siya naghanda ng kanyang mga gamit?
______________________________________________________________

Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Setyembre 8-Lunes

Bukas pa ang pista sa Sto. Niño pero ngayon pa lang ay pupunta na kami
sa probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis ako kasi hindi
aircon bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe. Mag-aala-singko na ng
hapon nang dumating kami sa Sto. Niño. Abala sa pagluluto ang mga kamag-
anak namin.

Setyembre 9-Martes

Araw ng kapistahan ni Sto. Niño. Maaga kaming nagsimba. Maraming

naging bisita kaya pati ako napagod sa pag- aasikaso. Gabi na nang magdaos ng
prusisyon.

Setyembre 10-Miyerlules

Tanghali na kami umuwi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa bus.

Mga tanong:

1. Anong pagdiriwang mayroon sa kanilang probinsya?

___________________________________________________________
2. Bakit siya nainis sa kanilang sinakyan na bus?
___________________________________________________________
3. Anong ang kanilang ginawa sa araw ng pista?
___________________________________________________________

26
TAYAHIN

Panuto: Basahin ng mabuti ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.

Enero 5, 2020

Mahal kong Talaarawan,

Maaga akong gumising ngayon dahil unang araw ng pagsusulit. Pero bago ako
pumasok sa paaralan ay naligo muna ako, nagbihis, nagsuklay ng buhok, kumain at
nagsipilyo ng ngipin. Binigyan ko ng pagkain ang aming alagang aso na si Bantay. Nakasabay
ko ang aking kamag-aral na si Tinay sa paglalakad patungong paaralan. Pagdating sa aming
silid-aralan ay naroon na ang aming guro. Naglinis muna kami at pagkatapos ay naghanda na
para sa pasulit.
Sinundo ako ni tatay pagkatapos ng klase. Pagdating sa bahay ay naghanda si nanay
ng puto at juice. Tumulong rin ako sa mga gawaing bahay bago nag-aral para sa pagsusulit
kinabukasan.
Nagmamahal,
Karen

Mga tanong:

1. Anong petsa isinulat ang talaarawan?

______________________________________________________________
2. Ano-ano ang ginawa bago pumasok sa paaralan?
______________________________________________________________
3. Bakit maaga siyang gumising?
______________________________________________________________
4. Sino ang sumundo sa kanya sa paaralan?
______________________________________________________________
5. Ano ang kanyang ginawa pag-uwi niya sa bahay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

27
WORKSHEET Blg. 3
Leksiyon 3
Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Sanaysay
Layunin:

a. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang sanaysay.

(F6PN-IId-18)
b. Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat. (F6-IIe-h-1.8)

Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

TUKLASIN

Gawain 1: Basahin ang unang dalawang saknong sa awiting “Anak” at sagutan ang
mga tanong.

Nang isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo’y

Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo

Mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng awit?

_____________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga binanggit sa awitin?
_____________________________________________________________
3. Maaari mo bang ilarawan ang mga pangyayari sa awiting ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang mensahe o aral ang nais iparating ng awiting ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

28
SURIIN
Gawain 2: Hanapin ang kasalungat ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B at
pagkonektahin ang mga ito.

Hanay A Hanay B
mahinang resistensya hindi kapuri-puri

nagsikap limitado

kumurap-kurap walang gusto

paghihimagsik malusog

dakila nanlilisik

mahilig hindi umaabuso

ibagsak nagpabaya

malawakan pagsang-ayon

pagmamalabis naitaguyod

Gawain 3: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

Si Mikrobyo Sipon

Malakas ako. Kaya kong pagkasakitin ang sinuman. Nagsisimul ako sa

ilong at lalamunan. Sa bandang huli, maaari rin akong bumaba sab aga.
Dala-dala ko ang impeksyon na magpapasakit ng lalamunan. Tonsilitis daw
ang tawag ditto. Maaaring mauwi ito sa pulmonya kapag bumaba ang
impeksyon sab aga. Madali akong pumasok sa katawan ng biktima, lalagnatin
at manghihina. May sipin na siya at madali siyang makahahawa sa iba
maging bata man o matanda. Higit na malubha ang sipin sa mga batang
paslit. Kaya kayong mga bata, mag-ingat kayo sa akin. Ako, si Mikrobyong
Sipon.
Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!

Mga Tanong:

1. Saan nagsisimula ang sipon?

___________________________________________________________
___________________________________________________________

29
2. May mga sintomas ba ito? Ano-ano ang mga ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Sino-sino ang maaaring dapuan nito? Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Mayroon bang paraan upang maiwasan ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 4: Ibigay ang mahahalagang detalye sa sanaysay na si “Mikrobyong Sipon”

gamit ang fishbone.

Mga Detalye
Mga Detalye

Pamagat

Mga Detalye

PAGYAMANIN
Basahin nang mabuti ang sanaysay para sa Gawain 5.

Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang

matutong bumasa at sumulat. Tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng ating manunulat na Pilipino. Mahilig siyang
magbasa ng mga aklat ni Dr. Jose Rizal, mga aklat tungkol sa digmaan at batas.
Pagkatapos ng kanyang gawain sa maghapon, saka siya magbabasang mag-isa.
Inaabot siya ng hatinggabi sa pag-aaral na ang tanging tanglaw ay kumukurap-kurap na
ilawang langis.
Bunga ng pang-aalipin, pang-aabuso at pagmamalabis ng mga Kastila sa mga
Pilipino, itinatag ni Andres Bonifacio ang samahang Katipunan na ang layunin ay
ibagsak ang pamahalaan ng Kastila.
Noong ika-23 ng Agosto 1896, nagtipon-tipon ang mga Katipunero sa Pugad
Lawin, isang liblib na baryo sa Caloocan. Noon nila sinimulan ang balak nilang
paghihimagsik. Pinunit ng lahat ng dumalo ang kanilang sedula bilang tanda ng
paglaban sa pamahalaan ng Kastila.
Kahit kulang ang armas at kaalamang pangmilitar ay naitaguyod niya ang
malawakang paghihimagsik ng mga Katepunero laban sa lakas ng mga Kastila. Tiniis
nila ang gutom at pagod. Sa dilim ng gabi sila nagpupulong o naglalakbay. Siya ay
tinawag na Ama ng Katipunan dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.

30
Gawain 5: Ibigay ang mahahalagang impormasyon tungkol kay Andres
Bonifacio gamit ang spider web.

Andres Bonifacio

TAYAHIN

A. Hanapin at bilugan ang titik ng kasalungat na salita ng magkasingkahulugang

salita na may salungguhit sa pangungusap.

1. Kailangan ang determinasyon at pagsusumikap sa buhay ngayong panahon

ng pandemiya.

a. katamaran b. sipag c. tiyaga d. pagpupursigi

2. Mabuting linangin at pagyamanin ang talino ng mga mag-aaral.

a. tamnam b. pabayaan c. payabungin d. paunlarin

3. Mag-aral kang mabuti nang makamit at makuha ang iyong pangarap sa

buhay.

a. maabot b. mapabayaan c. maranasan d. marating

4. Naging mabilisan at madaliang ang ginanap na programa sa paaralan.

a. dagli b. matagalan c. kagyat d. agad-agad

5. Nagkakaalitan at nagkakagalit kami minsan ng aking mga kapatid.

a. nagkatampuhan b. nagkakaaway c. nakakasira d. nagkakasundo

31
B. Basahin nang mabuti ang sanaysay at ibigay ang mga pangyayari sa
pamamagitan ng pagsagot sa fishbone diagram.

Pag-iyak, Nakatutulong sa Kalusugan

Sa isang pag-aaral, pinatunayan na nakakabuti ang pag-iyak sa kalusugan

ng tao. Ayon kay Dr. William Frey, director ng Psychiatry Research Laboratories ng
St. Paul, Minnesota, ang mga lalaki at babae ay nakararamdam ng pagbuti ng
katawan matapos umiyak. Samantalang ang mga bat ana hindi makaiyak ay higit na
nakararanas ng kabiguan kahit sa maliit na problema. Sila ay pinapawisan,
naglalaway, at nagkakaroon ng galis sa balat.
Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga babae ay limang ulit na higit na
madalas ang pag-iyak kaysa mga lalaki. Ang pag-iyak na ito ay nagaganap sa
pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Maituturing na ito ang mga oras na
nagaganap ang di-pagkakaunawaan sa pamilya at nakararamdam ng kalungkutan
ang karamihan.

Mga Detalye Mga Detalye

Pamagat

Mga Detalye

32
Sanggunian
Hiyas sa Wika 6, pp. 123-126

LP in Filipino 6, p.200

LP in Filipino 5, 2012 p.1 & 2

Landas sa Wika 6, 1999 p.6

Sining sa Wika 6, pahina 126-127

Project EASE (Effective Alternative Secondary Education), Filipino 1, Modyul 20,

Pagsulat ng Talaarawan
(https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-20.pdf)

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14832

33
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Tangub
Anecito Siete St., Mantic, Tangub City
Telefax: (008) 395 3372
Email Address: www.depedtangub.net

You might also like