You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan –Modyul 2 (Week 2)
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang
Romano
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2 (Week 2): Mga Kontribusyon ng Kabihansnang Romano

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Livia G. Bermudez
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit: Morlee Bruce G. Bermudez
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente
Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2 (Week 2)

Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan
ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin


Subukin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


Balikan ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin ang


bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa pag-usbong ng mga
sinaunang kabihasnang Romano at ang mga kontribusyon nito sa kasaysayan ng daigdig.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo na malaman ang mga kontribusyon ng mga Romano
sa daigdig at ang kahalagahan nito sa kasalukuyang henerasyon. Mahalagang malaman mo ang mga
kontribusyon ng mga Romano upang inyong malaman kung ito ba ay ginagamit o nakikita pa natin sa
kasalukuyan.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano (AP8DKT-IIc-3);
2. Natutukoy ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano;
3. Nakakagawa ng timeline sa mga kontribusyon ng kabihasnang Romano at;
4. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa kasaysayan ng daigdig.

Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at pag-isipang mabuti kung ano ang
pinakawastong sagot sa bawat katanungan.

1. Ang mga Pilipino ay mga sikat na boksingero, isa na rito ay si Manny Pacquiao na
ang kanyang mga laban ay nagagaganap sa isang “boxing ring”. Ang mga Romano
naman ay may mga alipin o bihag na tinatatawag nilang “gladiator” na
nakikipaglaban sa isang mabangis na hayop. Saan naman sa tingin mo makikita
ang labanan ng mga “gladiator”?
A. Arch B. Arena C. Atrium D. Colosseum
2. Ang mga Romano ay kilala bilang dakilang mambabatas. Ano ang tawag sa
itinayong bulwagan kung saan nagsilbi ito bilang korte at doon din sila
nagpupulong?
A. Arch B. Arena C. Basilica D. Colosseum
3. Ang pagtatanim ay isa sa mga hanapbuhay ng mga Pilipino. Noong unang panahon
naman, ang mga Romano ay naging tanyag sa larangan ng agrikultura. Ang mga
sumusunod ay ang mga itinanim ng mga Romano MALIBAN sa:
A. Barley B. Bayabas C. Gulay D. Trigo

4. Si Morvia Regla ay isang Patrician, nais niyang lumabas ng bahay upang


mamasyal. Ngunit siya ay nag-alinlangan sa kanyang isusuot. Bilang patrician na
babae, ano ang dapat niyang isuot?
A. Palla B. Toga C. Palla at Stola D. Toga at Tunic

1
5. Si Joel ay isang orador at manunulat. Siya ay gumawa ng isang tula para sa
kanyang bayan na pinamagatang “Ang Magiting na Romano”. Sa anong larangan
ng kontribusyon
ng kabihasnang Romano ang pagiging orador at manunulat?
A. Agrikultura B. Arkitektura C. Panitikan D. Sining
6. Si Morlee Bruce ay isang Romanong arkitekto. Nais niyang gumawa ng isang obra
maestra na kanyang maipagmamalaki sa kanyang sarili, sa bayan at sa buong
mundo. Siya ay gumawa ng isang disenyo ng kanilang katedral. Sa anong larangan
ng kontribusyon ng kabihasnang Romano ito nabibilang?
A. Agrikultura B. Arkitektura C. Panitikan D. Sining
7. Ang mga Romano na nasa lungsod ay nahirapan sa kanilang tubig. Dahil dito
naisipan ng mga tao na gumawa ng isang pamamaraan kung saan ang tubig ay
madadala nila sa lungsod. Ano ang tawag sa pamamaraang ito?
A. Appian Way C. Aqueduct
B. Colosseum D. Parthenon
8. Ang lahat ng daan ay may patutunguhan. Sa mga Romano naman, ang kasabihang
ito ay tinawag na “Ang lahat ng daan ay patungo sa Roma”. Ano ang tawag sa
daang ito?
A. Appian Way C. Gladiator
B. Aqueduct D. Twelve Tables
9. Ang lipunan sa India ay nahahati sa tinatawag na “caste system”. Samantala ang
Roma naman ay nahahati sa dalawang uri. Sa anong uri ng lipunan sa Roma
nabibilang ang mga taong mayayamang may-ari ng lupa?
A. Maharlika C. Patrician
B. Mangagalakal D. Plebian
10. Si Kim ay isang Plebeian at naisipan niyang bumili ng maraming damit panlalaki
na pambahay. Ano ang dapat niyang bilhin?
A. Palla B. Toga C. Stola D. Tunic

Aralin
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
2
Isang masayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Sa naunang modyul, natutunan mo ang tungkol sa kabihasnang Minoan,
Mycenaean at kabihasnang klasiko ng Greece. Ngayon, mas mapapalawak at
mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga kontribusyon ng kabihasnang
Romano sa daigdig.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga
kontribusyon ng kabihasnang Romano sa daigdig. Mapapahalagahan ang mga
kontribusyon ng Romano sa kasaysayan ng daigdig.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

2
Balikan
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at pag-isipang mabuti kung ano ang
pinakawastong sagot sa bawat katanungan.

1. Siya ang haring maalamat kung saan sa kanyang pangalan kinuha ang
kabihasnang Minoan.
A. Haring Minos C. Haring Julius
B. Haring Draco D. Haring Brutus
2. Ang lugar na ito ay kinilala bilang isang makapangyarihang lungsod na sumakop sa
kabuuanng Crete.
A. Dorian C. Minoan
B. Knossos D. Mycenaean
3. Sila ay isang pangkat ng tao na mayroon ding kaugnayan sa mga Myceneaean na
tumungo sa timog ng Greece sa lupian ng Asia Minor sa hangganan ng karagatang
Aegean.
A. Dorian B. Ionian C. Minoan D. Mycenaean
4. Ito ay salitang may kinalaman sa pamayanan na hango ang salitang polisya, politika
at politiko.
A. Estado B. Lingsod C. Polis D. Rural
5. Uri ng lungsod-estado o polis kung saan matatagpuan ang matatayog na palasyo
at templo.
A. Agora B. Estado C. Lungsod D. Acropolis

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1: SALITA AT LARAWAN KO! HULAAN MO!
Panuto: Sa pamamagitan ng larawan at ng mga letrang nagkakabaliktad, ayusin mo
ang mga salitang ito upang mabuo ang kontribusyon ng kabihasnang Romano. Isulat
mo ang iyong sagot sa patlang.
LARAWAN 1 LARAWAN 2

VEELTW ABELST NAIPPA YAW

1.__________________________ 2.________________________

3
LARAWAN 3 LARAWAN 4

CELMOOSSU ROTAIDALG

3._______________________________ 4._______________________________

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: APAT NA SALITA, ISAHIN MO!


Panuto: Buuin ang konseptong hinihingi sa bawat kahon na may apat (4) na
salita na siyang maging gabay ninyo para mabuo ang inaasahang wastong
sagot.

Orador Romano Daan Patungo

3 Pantay Karapatan Lahat Roma


3

1. C __ __ E __ O 2. A __ __ I __ N W __ Y
3

Kasuotan Panlalaki Damit Panlalaki


Pambahay Tuhod Labas Bahay

3. T __ N __ C 4. T __G__

Kasuotan Pambabae
Pambahay Talampakan

5. S__ O __ A

4
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: ROMANO AKO, MGA KONTRIBUSYON KO!
Panuto: Basahin at unawain ang kwento ng isang Romano na ibinibida ang kanilang
kontribusyon sa kasaysayan ng daigdig. Suriin ito kung makikita o ginagamit pa
hanggang sa kasalukuyan. Gawin ito sa pamamagitan ng pagmamarka ng tsek (√)
sa Data Retrieval Chart .

ROMANO AKO, TAAS NOO!


Livia G. Bermudez

Ako ay isang Romano taas-noo kung ipinagmamalaki ang aming mga


kontribusyon sa kasaysayan ng daigdig. Nahahati ang mga ito sa walong larangan:
Batas, Panitikan, Arkitektura, Inhenyeriya, Tirahan, Libangan, Pananamit at Agrikultura.

Sa larangan ng Batas, kami ay nakilala bilang pinakadakilang mambabatas dahil


sa aming Twelve Tables kung saan ang bawat mamamayan ay may karapatan na
malaman ang pamamaraan ng aming batas. Sa panitikan naman ay kilala si Cicero,
isang orador at manunulat na nagsasabing ang batas ay dapat hindi nadadaan sa yaman
at kapangyarihan. Ang aming arkitektura ay naging tanyag sa buong mundo dahil sa
aming Colosseum na isang bulwagan para sa labanan ng Gladiator. Nakagawa rin kami
ng isang Basilica kung saan ginawa naming korte at pinagpupulungan. Sa inhenyeriya
naman ay ginawa namin ang Appian Way daan patungo sa Timog Italy at dito ay naging
tanyag kami sa kasabihang “Lahat ng daan ay papunta sa Roma”. Gumawa rin kami ng
mga Aqueduct, isang pamamaraan upang ang mga tubig ay madala sa lungsod. Ang
aming mga tirahan ay may dalawang uri: tirahan ng mga mayayaman na yari sa bato at
marmol, may atrium o bulwagan; ang mahihirap naman ay umuupa lamang sila sa isang
palapa na may taas na pitong talamapakan. Ang aming libangan ay ang mga gladiator o
bihag na aming inihaharap sa pakikipaglaban sa mga mababangis na hayop. Ang aming
mga kasuotan ay Tunic para sa pambahay ng mga lalaki at ang Toga ay inilagay sa
ibabaw ng Tunic kung lalabas ng bahay. Ang Stola ay pambahay ng babae at
pinapatungan ng Palla para sa paglabas ng bahay. Ang pinakahuli ay ang aming
agrikultura kung saan karamihan sa amin ay magsasaka at pagpapastol. Nagtatanim
kami ng trigo, barley, gulay at prutas. Nag-aalaga rin kami ng mga hayop.

Yan kami mga Romano, mga gawa namin tanyag sa buong mundo.

5
Epekto
Lagyan ng tesk (/)
Larangan ng Partikular na
Hindi
Kontribusyon Halimbawa
Kaaya-aya Kaaya-aya
1. BATAS
2. PANITIKAN
3. ARKITEKTURA
4. INHENYERIYA
5. TIRAHAN
6. LIBANGAN
7. PANANAMIT
8. AGRIKULTURA

Pamprosesong mga tanong:


1. Ano ang nais ipahiwatig ng isang Romano sa kanyang kwento?
2. Ano ang iyong masasabi tungkol sa kwento?
3. Sa iyong palagay, ang mga kontribusyon ba ng kabihasnang Romano sa daigdig
ay nakaimpluwensiya sa ating kasalukuyang panahon? Bakit?
4. Paano nakatulong ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa daigdig?
5. Gaano kahalaga ang kontribusyon ng kabihasnang Romano sa daigdig?
6. Bilang isang mamamayan, paano mo mapapahalagahan ang mga kontribusyon ng
kabihasnang Romano?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: KONTRIBUSYON MO, MAYROON KAMI!
Panuto: Makikita sa unang hanay ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano sa
daigdig sa bawat nakalistang aspeto o larangan. Isulat sa pangalawang hanay ang
mga halimbawa na sa tingin mo ay hawig o kaugnay ng mga kontribusyon ng
kabihasnang Romano na ginagamit natin kasalukuyan.

Kontribusyon ng mga Romano Mga Halimbawa na Kapareha o


Kaugnay na Ginagamit sa Kasalukuyan
1. Batas: Twelve Tables
2. Panitikan: Cicero (orador / manunulat)
3. Arkitektura: Colosseum
4. Inhenyeriya: Appian Way
5. Tirahan: Atrium
6. Libangan: Gladiator

6
7. Pananamit: Toga o Stola
8. Agrikultura: Pagsasaka o Pagpapastol
Pamprosesong mga tanong:
1. Sang-ayon ka sa iyong mga sagot?
2. Mula sa iyong mga sagot, paano mo pahahalagahan ang mga kontribusyon ng
mga Romano?
3. Bilang isang Pilipino, paano nakakatulong sa iyo ang mga kontribusyon ng mga
Romano?

Isaisip
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
1. BATAS
Twelve Tables: Tanyag na mga mambabatas at nakatuon sa karapatan ng
mga mamamayan at ang pamamaraan sa batas.
2. PANITIKAN
Cicero: isang orador at manunulat na nagsasabing ang batas ay hindi
dinadaan sa kapangyarihan at pera.
3. ARKITERKTURA
Colosseum: isang lugar kung saan ginaganap ang labanan ng Gladiator
Basilica: isang bulwagan na ginawang korte at pinagpupulungan.
Arch: mga disenyong ginamit sa templo
4. INHENYERIYA
Appian Way: daan n nag-uugnay sa Rome at Timog Italy
Aqueduct: paraan ng pagdala ng tubig sa lungsod
5. TIRAHAN
Tirahan ng mayayaman: bahay na yari sa bato, marmol at may atrium o
bulwagan
Tirahan ng mahihirap: umuupa lamang ng bahay na may 7 palapag
6. LIBANGAN
Gladiator: isang alipin o bihag na nakikipaglaban sa isang hayop.
7. PANANAMIT
Kasuotan ng Lalaki:
Tunic: damit na pambahay na hanggang tuhod
Toga: inillagay sa ibabwa ng tunic tuwing lalabas sa bahay
Kasuotan ng Babae:
Stola: damit na pambahay hanggang talampakan
Palla: ipinapatong sa ibabaw ng stola kung sila ay lalabas ng bahay

8. AGRIKULTURA
Magsasaka, nag-aalaga ng hayop, nagtatanim ng trigo, barley at prutas

7
Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: BATAS MO, BATAS KO! IPAGLABAN MO!
Panuto: Suriin ang mga batas na nakapaloob sa Twelve Tables ng kabihasnang
Romano at ikumpara mo ito sa ating 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, (Artikulo 3,
Seksyon 1 -22-Kalipunan ng mga Karapatan-Mga piling seksyon lamang).

TWELVE TABLES
1. Kung ikaw ay tinawag ng korte, kailangang pumunta ka kung hindi ka pupunta, ikaw ay
kukunin sa marahas na paraan.
2. Kung ikaw ay nangangailangan ng saksi at hindi siya pumayag pwede mo siyang puntahan
sa kanilang bahay sa loob ng tatlong araw at sigawan siya sa tapat ng kanyang bahay.
3. Kung ikaw ay nanghiram ng pera, bibigyan ka ng korte ng tatlumpung araw na bayaran ito.
4. Kailangan ang dalawa at kalahating talampakan ang agwat ng lupa sa iyong mga
kapitbahay.
5. Kung ang iyong lupa ay nasa kalsada, kailangang lagyan niya kaagad ng koral.
6. Kung ang puno ng iyong kapitbahay ay napunta sa iyong bakuran, idaan mo ito sa legalidad
kung ito ay iyong puno, ang mga bunga nito ay sa iyo kahit mapunta pa ang puno nito sa iba.
7. Kung ang pagnanakaw ay nangyari sa gabi at mapatay siya ng may-ari ng bahay walang
kasalanan ang may-ari.
8. Kung ang isang tao ay nagsisinungaling siya ay bibitayin sa Tarpeian Rock
9. Walang pagtitipon sa gabi
10. Bawal pumatay ng taong hindi kombiktido.
11. Hindi pwedeng sunugin sa lungsod ang isang patay.
12. Hindi pwedeng ikasal ang isang Patrician sa isang Plebeian.
https://rome.mrdonn.org/12tables.html

ARTIKULO III
Kalipunan ng mga Karapatan
SEK. 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan
ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,


pamamahay, papeles at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam
sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warant sa paghalughog o
warant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom
matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o
patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na
sasamsamin.

SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa
legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa
itinatakda ng batas.

(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang
ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.

SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag,


o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon
sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan
8

of attainder.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihyon, o nagbabawal sa malayang
pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa
ng paghahayag ng relihyon at pag-samba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin
ang pagsusulit panrelihyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.

SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng
mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawahan
ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang
pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.

SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapag-pabatiran hinggil sa mga bagay-
bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at
papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa
pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa
mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.

SEK. 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa
publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga
layuning hindi labag sa batas.

SEK. 9. Ang pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong
kabayaran.

SEK. 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata.

SEK. 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga
kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.

SEK. 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang
mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat
na kakayahan at malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung hindi niya makakayanan
ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga
karapatang ito maliban kung nakasulat at sa harap ng abogado.
(2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano
pa mang paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim na
kulungan, solitaryo, ingkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon.
(3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha
nang labag sa seksyong ito o Seksyon 17 nito.
(4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong
ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga pagpapahirap o
katulad ng mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.

SEK. 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarusahan ng
reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat
mapyansahan ng sapat na pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana
ng batas. Hindi dapat bawahan ang karapatan sa pyansa kahit na suspindido ang pribilehyo ng writ
of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa.

https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

9
SEK. 14 (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi sa
kaparaanan ng batas.

(2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t
hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa
pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya,
magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo
at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw
ng ebidensya para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring
ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at
di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.

SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may
pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.

SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang
mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o
pampangasiwaan.

SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.

SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang mga paniniwala
at hangaring pampulitika.

(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung
kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.

SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong
parusa, o ang parusang
Pamprosesong kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang
mga tanong:
kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na krimen. Dapat ibaba sa reclusion
1. Ano ang
perpetua ang mga napapansin
naipataw mo sakamatayan.
nang parusang Twelve Tables at ng ating 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, Artikulo 3, Seksyon 1 – 22?
(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing
pagpaparusa
2. Mula sasamga sino mang bilanggo o detenido
impormasyon na inyongo ang paggamitanu-ano
nabasa, ng mga kaluwagang penal na at
ang pagkakaiba di-
makatao.
pagkakatlad ng Twelve Tables at ng mga piling seksyon ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, Artikulo 3, Seksyon 1-22?
SEK. 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.
3.Bilang mag-aaral, paano nakakatulong sa iyo ang mga nilalaman ng Twelve Tables
at ng mga piling seksyon ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo 3, Seksyon 1-
SEK. 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang
paglabag. Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan, ang pagkaparusa
o pagkaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon
ding kagagawan.

SEK. 22. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder.
22?
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

10
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at pag-isipang mabuti kung ano ang
pinakawastong sagot sa bawat katanungan.

1. Si Brusko ay isang Romano na lumaking walang mga magulang, mag-isa lang siya
sa buhay. Hindi siya nakapag-aral at tinaguriang mangmang at wala siyang
inaasahan kundi ang kanyang sarili lamang. Kung iisipin, siya ay kapit sa patalim
upang mabuhay. Isang araw, naisipan niyang magnakaw sa kanilang kapitbahay
para meron siyang makain pero sa kasamaang palad siya ay nahuli. Ano kaya ang
magiging parusa niya ayon sa batas ng mga Romano?
A. Kung siya ay nagnakaw sa gabi at napatay ng may-ari ng bahay ito ay
tinatawag na
legal na pagkapatay ng may-ari.
B. Kung siya ay nagnakaw sa umaga hindi siya dapat mapatay ng may-ari ng bahay
at kung hindi maiwasan dapat tumawag ang may-ari ng bahay ng
saksi sa krimeng magaganap.
C. Kung ano ang iyong ninakaw ay siya mo ring ibabalik sa iyong pinagnakawan.
D. Tama ang A at B

2. Ayon sa “twelve tables” kung ang isang saksi ay hindi pupunta sa korte upang
sumaksi, ano ang pwedenggawin ng taong nais siyang maging saksi?
A. Pwede siyang gawan ng marahas
B. Pwede siyang bigyan ng kahihiyan
C. Pupuntahan sa kanilang bahay at sisigawan sa loob ng tatlong araw
D. Pwede siyang bayaran upang maging saksi

3. Bilang Romano, alam nilang dapat silang sumunod sa nilalaman ng Twelve Tables.
Ngunit para sa kanila may isang bagay na hindi nagpapakita ng pagkakapantay-
pantay. Ano sa tingin mo ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pagpatay sa mga magnanakaw
B. Hindi dapat makasal ang Patrician sa isang Plebian
C. Ang hindi pagsunog ng mga patay sa lungsod
D. Ang pagbakod sa iyong lupa

4. Kahit sino sa atin ay hindi maiwasan ang magsinungaling. Ngunit ayon sa Twelve
Tables ng mga Romano ang pagsisinungaling sa loob ng korte ay may katumbas
na parusa.Ano ito?
A. Bibitayin sa Tarpeian Rock C. Susunugin ng buhay
B. Papatayin sa pamamagitan ng latigo D. Ipaparada sa buong lungsod

5. Ang mga Romano ay may dalawang uri ng tirahan: tirahan para sa mayayaman at
tirahan para sa mahihirap. Ang mga tahanan ng mayayaman ay gawa sa marmol
at bato; samantala ang mga mahihirap naman ay:
A. Umuupa ng bahay na may 7 talampakan C. Gawa sa semento
B. Gawa sa kahoy D. Wala sa nabanggit

11
6. Alam natin na ang tao minsan ay nagigipit, kaya naisipan nating mangutang, Ilang
araw na palugit upang mabayaran ang utang ayon sa nakasaad sa Twelve
Tables?
A. Mahigit labing-limang (15) araw C. Kulang dalawampung (20) araw
B. Mahigit tatlumpung (30) araw D. Sa loob lamang ng tatlumpung (30) araw

7. Si Morfe ay isang senador na tapat sa kanyang katungkulan. Bilang isang senador,


lagi niyang ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao lalung-lalo na sa kalaaman
sa pamamaraan sa batas. Sa anong kontribusyon ng kabihasnang Romano
makikita ang pagiging pantay sa batas?
A. Konstitusyon C. Aqueduct
B. Kodigo ni Hammurabi D. Twelve Tables

8. Ang mga tao sa lungsod ng Roma ay nagkaproblema sa kanilang tubig. Dahil dito,
sila ay umalma sa kanilang emperador na mabigyan sila ng tubig. Isa sa ginawa ng
mga Romano ay ang pamamaraan na madala ang tubig sa lungsod. Ano ang tawag
sa kontribusyong ito ng kabihasanang Romano sa daigdig?
A. Appian Way C. Gladiator
B. Aqueduct D. Twelve Tables
9. Kung ang iyong puno ay nabali at napunta sa bakod ng iyong kapitbahay, ano ang
mangyayari sa mga bunga nito?
A. Ang mga bunga ay mapupunta sa iyong kapitbahay
B. Ang mga bunga ay mananatili sa may-ari ng puno
C. Ang mga bunga ay itatapon kahit saan
D. Ang mga bunga ay mapupunta sa gobyerno

10. Ang mga Romano ay mahilig sa pag-aaalaga ng hayop. Ang mga sumusunod ay
ang kanilang inaalagan MALBAN SA:
A. Aso B. Baboy C. Baka D. Kambing

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: COLLAGE NG AKING BUHAY
Panuto: Gumawa ng Collage ukol sa mga kontribusyon ng kabihasnang Romano
sa
kasaysayan ng daigdig. Gawing gabay ang Rubrik na nasa ibaba.

Mga gabay na susundin sa paggawang Collage:


1, Gumamit ng 5-10 larawan lamang.
2. Isulat ang pamagat sa taas ng iyong Collage.
3. Ipaliwanag ang iyong collage sa loob ng 5 -10 pangungusap.
4.Sikaping maging malinis ang iyong gawa.
5. Idikit ang mga larawan sa kahon na nakalaan para dito

12
RUBRIK SA PAGGAWA NG COLLAGE
Mga 20 15 10 5
Pamantayan

Ang nilalaman ay Ang nilalaman Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay


Nilalaman angkop sa paksa ay may kaunting hindi gaanong hindi angkop sa
angkop sa paksa angkop sa paksa paksa

Ang Ang Ang


Ang pagkakagawa pagkakagawa ay pagkakagawa ay pagkakagawa ay
Presentasyon ay may kaunting hindi gaanong hindi detalyado,
detalyado,malinis at detalyado, detlayado, hindi malinis at
malikhain malinis at malinis at hindi malikhain
malikhain malikhain

Hindi magkakatulad May 2 na May 4 na May 6 na larawan


Larawan o pabalik balik ang larawan ang larawan ang ang magkatulad
mga larawan na magkatulad ang magkatulad ang ang ginamit
ginamit ginamit ginamit

PAKSA: Mga kontribusyon ng kabihasnang Romano

Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
DepEd-Bureau of Secondary Education, Curriculum Development Division, Kasaysayan ng
Daigdig, pages 134-141.
1. “Kabihasnang Roman, Ambag sa Kasaysayan” Privacy &Terms, Google last modified
Sept. 29, 2014.
https://www.slideshare.net/neridiaz18/ambag-ng-rome
2. “Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987.
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-
pilipinas-1987/
3.“The Laws of the Twelve Tables, c.450 B.C.” Privacy & Terms, Google, last revised Aug. 3,
2009.
http://www.historyguide.org/ancient/12tables.html
https://www.slideshare.net/neridiaz18/ambag-ng-rome
https://www.scribd.com/doc/284458237/Mga-Natatanging-Kontribusyon-Ng-
Imperyong-Romano

14

You might also like