You are on page 1of 25

33

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong
Tubig at Anyong Lupa ng Aking
Sariling Lalawigan at Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong-Tubig at
Anyong-Lupa ng Aking Sariling Lalawigan at Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Merlita Q. Bongoyan


Editor: Cynthia S. Tarrayo, Ramil P. Bingco, at Jingky A. Baculanta
Tagasuri: Cynthia D. Pagatpat, Debbie Calades, at Rosemarie M. Guino
Tagaguhit: Modesto Y. Sapinit
Tagalapat: Razle Jabelo
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu Nova P. Jorge
Thelma Cabadsan-Quitalig Elena S. De Luna
Renato S. Cagomoc Noel E. Sagayap
Geraldine P. Sumbise Avelina P. Tupa

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII


Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: (053)-323- 3156
E-mail Address: region8@deped.gpv.ph
3
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong
Tubig at Anyong Lupa ng Aking
Sariling Lalawigan at Rehiyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkakaugnay-ugnay
ng mga Anyong- Tubig at Anyong-Lupa ng Aking Sariling Lalawigan at Rehiyon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at
Anyong Lupa ng Aking Sariling Lalawigan at Rehiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Matapos mong pag-aralan at mahambing sa nakaraang aralin ang iba’t


ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng iba’t ibang lalawigan sa
sariling rehiyon, ay malalaman mo naman ang pagkakaugnay-ugnay nito sa
bawat isa.

Alam mo bang marami tayong mga natatanging anyong lupa at anyong


tubig sa ating lalawigan at rehiyon na nagkakaugnay-ugnay?

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. makapagsasabi ng pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at


anyong lupa sa sariling lalawigan at relihiyon; at

2. makapagpapahalaga sa pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at


anyong lupa sa sariling lalawigan at rehiyon.

Subukin

Gawain A
Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang tawag sa kipot na daluyan ng tubig sa pagitan ng lalawigan ng


Biliran at Leyte?
a. Biliran Strait
b. Leyte Strait
c. San Bernardo Strait
d. San Juanico Strait
1
2. Ano ang dalawang lalawigang pinag-ugnay ng San Juanico Bridge?
a. Biliran at Leyte
b. Leyte at Samar
c. Biliran at Samar
d. Leyte at Hilagang Samar

3. Ang tawag sa mataas na bundok ang nag-uugnay sa mga matataas na


kabundukan ng Northern Samar?
a. Kabundukan ng Samar
b. Kabundukan ng Biliran
c. Kabundukan ng Zamal
d. Kabundukan ng Eastern Samar

4. Anong kipot o strait ang makikita sa hilagang direksiyon ng Silangan ng


Dagat Pasipiko?
a. San Joaquin Strait
b. Northern Strait
c. San Bernardo Strait
d.San Juanico Strait

5. Anong lalawigan ang tinatawag na “Tagong Paraiso”?


a. Eastern Samar
b. Leyte
c. Northern Samar
d. Samar

2
Gawain B: Basahin ang kuwento tungkol sa pagbakasyon ng isang bata. Isulat sa
ibaba ang mga lugar na matatagpuan sa kuwento.

Ang Bakasyon ni Inday

Masayang nagliligpit si Inday ng kanyang mga gamit dahil


isasama siya ng kanyang lola na magbakasyon doon sa lugar ng
kanyang anak sa Southern Leyte. Si Inday at ang kanyang lola ay
nakatira sa Daram, Samar.

Tumagal ng isang araw ang kanilang pagbiyahe. Sumakay


sila ng lantsa mula sa Daram, sa kanilang biyahe, una, dumaan
sila ng San Juanico Strait at dumaan ang lantsa sa ilalim ng San
Juanico Bridge.
Sa pagdaong nila sa Siyudad ng Tacloban, nagpunta at
kumain sila sa Red Beach sa Palo, Leyte. Kinabukasan, sumakay
din sila ng bus papunta sa Southern Leyte. Masaya ang bakasyon
ni Inday dahil nakakita siya ng iba’t-ibang lugar.

Maglista ng limang lugar na nabanggit sa kuwento. Isulat ito sa


iyong kuwaderno.

1. _____________________________

2. _____________________________

3. _____________________________

4. _____________________________

5.______________________________

3
Aralin Pagkakaugnay-ugnay ng mga
Anyong Tubig at Anyong-Lupa sa
1 Aking Lalawigan at Rehiyon
Sa araling ito ay malalaman mo kung ano ang kaugnayan ng mga anyong-
tubig at anyong-lupa sa iyong lalawigan sa Rehiyon VIII. Malalaman mo kung
saang lalawigan sa Rehiyon matatagpuan ang mga ito at kung paano ito naging
kilala sa atin o maging sa buong bansa.

Balikan

Kilalanin ang sumusunod na mga anyong lupa at anyong tubig. Piliin sa


loob ng kahon kung saan ito matatagpuan.

A. Lungsod ng Calbayog D. Bayan ng Caibiran


B. Isla ng Biri E. Bayan ng Guiuan
C. Lalawigan ng Leyte

______1.

Rock Formation
4
______2.

Isla ng Calicoan

______3.

Tinago Falls

5
______4.

Tarangban Falls

______5

Bundok ng Amandewing

6
Tuklasin
Bigkasin nang maayos ang tula.

Pag-ugnayin natin!
Sa ating lalawigan ay matatagpuan
Mga bundok, burol, talampas at kapatagan
Ilog, lawa, talon at dagat ay mapaliliguan
Sapagkat mayaman ito sa likas na yaman.

Anyong lupa at anyong tubig ating pag-ugnayin


Upang makilala rehiyong
kinabibilangan natin
Ating alagaan at ganda’y panatilihin
Ipagmalaki ito at ating mahalin.

Tanong

1. Ano-anong anyong lupa at anyong tubig ang nabanggit sa tula?

2. Ayon sa tula, ano ang dapat mong gawin sa mga anyong-tubig


at anyong-lupa na matatagpuan sa ating rehiyon?

3. Bakit mahalagang malaman mo ang kahalagahan ng kaalaman


sa pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at anyong lupa?

7
Suriin

Ang kabundukan ng Leyte ay sumasakop ng malaking bahagi sa


timog at timog kanluran ng pulo, samantalang ang hilagang bahagi nito
ay karaniwang patag. Sa ibang banda, ang hilagang-kanlurang bahagi
ng Leyte ay may nagkakalat-kalat na mga baybayin.

Ang Timog Leyte ay tinawag na Lupa ng Katimugan ng Leyte


kung saan makikita sa dulong bahagi ng Rehiyon VIII. Ang lalawigang
ito ay pinagdudugtong-dugtong ng mga kabundukan at
kagubatan.Makikita rin ang ilang mga puting buhangin sa mga
baybayin ng lalawigan.

Ang Biliran naman ang tinatawag na lalawigan ng Magagandang


Isla. Dito rin makikita ang Kipot na tinatawag na Biliran Strait sa pagitan
ng lalawigang Biliran at Leyte.

Pinagdugtong din ang Lalawigan ng Samar sa Lalawigan ng


Leyte ng sikat na tulay ng San Juanico. Kasama ang Samar sa tatlong
probinsiya sa Isla ng Samar na nasa tatlong pinakamalaking Isla sa
buong Pilipinas. Makikilala ang Samar dahil sa kanyang kinatatayuan.
Maraming mga kuwebang matatagpuan sa Samar. Dito rin makikita
ang mga malalaking ilog. Sa silangang bahagi makikita ang probinsiya
ng Silangang Samar, sa Hilaga ang Hilagang Samar, sa Timog ang Golpo
ng Leyte at sa kanlurang bahagi ang dagat ng Samar.

8
Ang Hilagang Samar ay tinatawag ding Nakatagong Paraiso. Sa
hilagang hangganan nito ay ang Kipot ng San Bernardino, sa silangan
ay ang Dagat Pasipiko, samantalang sa timog at timog-silangan nito ay
ang Samar at Silangang Samar. Ito ay may mataas ding kabundukan.

Napakahalagang malaman natin ang iba’t ibang anyong tubig at


anyong lupa sa ating rehiyon para maipagmalaki natin ang mga ito. Ito
ay nagbibigay kabuhayan sa atin. Bukod dito ay nagiging tanyag ang
ating rehiyon. Ngunit, ang mga ito ay nangangib na masira at hindi natin
mapapakinabangan kung hindi natin ito mamahalin at iingatan.

9
Pagyamanin

Panuto: Punan ang patlang at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Biliran Dagat Pasipiko

Baybayin Kagubatan

Kabundukan

1.-2. Ang Timog Leyte ay pinagdudugtong ng mga ________ at


_________.

3. Ang Probinsiya ng ________ ay tinatawag na Lalawigan ng


Magagandang Isla.

4. Sa silangang bahagi ng Hilagang Samar ay matatagpuan ang


___________.

5. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Leyte ay may nagkakalat-kalat na mga


_________.

10
Isaisip

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng pahayag sa Hanay A. Isulat ang


iyong sagot sa kuwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Ang nagdurugtong sa a. San Juanico


Lalawigan ng Leyte at
Samar.

b. Biliran
2. Tinatawag ang lalawigang
ito na “Magagandang Isla”.

c. Hilagang Samar
3. Ang Nakatagong Paraiso

4. Sa lalawigang ito ay
matatagpuan ang maraming d. Samar
kuweba at ilog.

5. Makikita sa lalawigang ito e. Leyte


ang mga kalat-kalat ng mga
baybayin sa gawing
hilagang-kanluran.
f. Silangang Samar

11
Isagawa

Gawain A: Sundin ang isinasaad:

Panuto: Isulat sa talahanayan o talaan ang mga anyong lupa at anyong tubig na
matatagpuan sa bawat lalawigan at ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig Kahalagahan

Halimbawa: Napapadali ang transportasyon ng


kalakalan
Kipot

12
Tayahin

Hanapin sa kahon ang mga sagot sa tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

A. Timog Leyte B. Kipot ng Biliran

C. Kipot San Bernardino D. Kipot ng San Juanico

E. Samar F. Leyte

__________ 1. Anyong tubig sa pagitan ng Samar at Leyte.

__________ 2. Anyong tubig na makikita sa hangganan ng Hilagang Samar.

__________ 3. Anyong tubig na nasa pagitan ng mga lalawigan ng Biliran


at Leyte.
__________ 4. Lalawigang tinawag na “Lupa ng Kanluran”.

__________5. Lalawigang pinagdugtong sa Leyte sa pamamagitan ng


sikat na Tulay ng San Juanico.

13
Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang slogan tungkol sa kampanya upang mapangalagaan


ang ating mga anyong tubig at anyong lupa. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang
gabay sa gawain.

Kriterya 4 3 2 1

Ang mensahe
Ang mensahe Ang mensahe Walang
Nilalaman ay di-
ay mabisang ay hindi naipakitang
gaanong
naipakita. malinaw. mensahe.
naipakita.

Napakaganda Maganda
Maganda at Di-maganda at
at malinaw ngunit di-
Pagkamalikhain malinaw ang Malabo ang
ang gaanong
pagkakasulat pagkakasulat
pagkakasulat malinaw ang
ng mga titik. ng mga titik
ng mga titik. pagkakasulat

Di-gaanong Kaunti lang


May malaking Walang
Kaangkupan sa may ang
kaugnayan kaugnayan
Paksa kaugnayan kaugnayan
ang paksa sa ang paksa sa
ang paksa sa ang paksa sa
islogan. islogan.
islogan. islogan.

Malinis na D-gaanong
Kalinisan Malinis ang Marumi ang
malinis ang malinis ang
pgkakagawa pagkakagawa.
pagkakagawa pagkakagawa

Kubuoan

14
15
Balikan Tayahi
1. B 1. D
2. E 2. C
3. D 3. B
4. A 4. F
5. C 5. E
Subukin
Gawain A
1. A
2. B
3. C
4. C
5. C
Gawain B
1. Southern Leyte
2. Daram, Samar
3.San Juanico Strait
4.San Juanico Bridge
5.Red Beach
6. Palo Leyte
Susi sa Pagwawasto
16
Tuklasin
1. bundok, burol, talampas, kapatagan, ilog, lawa, talon, at
dagat
2. alagaan, panatilihin,ipagmalaki, at mahalin
3. Nagbibigay ng kabuhayan, nagiging madali ang paglalakbay
, at nagiging tanyag o sikat ang isang lugar
3. D
4. A
5. C
Pagyamanin Isaisip
1. kagubatan 1. A
2. kabundukan 2. B
3. Biliran 3. C
4. Dagat Pasipiko 4. D
5. baybayin 5. E
Sanggunian

Department of Education. n.d. Araling Panlipunan 3: Kagamitan ng Mag-aaral.


Philippines: Department of Education.
Department of Education. n.d. Araling Panlipunan 3: Teacher's Guide.
Philippines: Department of Education.
Department of Education. n.d. Araling Panlipunan Grade 3: Test Item Bank.
Philippines: Department of Education.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like