You are on page 1of 21

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Aralin 2
Etnisidad at Relihiyon ng Populasyon sa
Iba’t Ibang Pamayanan ng
Aking Lalawigan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Aralin 2 Etnisidad at Relihiyon ng Populasyon ng Iba’t – Ibang
Pamayanan sa Aking Lalawigan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Walang karapatang-sipi ang maaaring
manatili sa anumang gawain o akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. . Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Romeo T. Cabuello Jr.
Editor: Eloisa R. Zartiga
Tagasuri: Eloisa R. Zartiga
Tagaguhit: None
Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Carmela R. Tamayo
Moises D. Labian Jr.
Antonio F. Caveiro
Josefina F. Dacallos
Faustino M. Tobes
Eloisa R. Zartiga
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – SDO – Region VIII
Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Aralin 2
Etnisidad at Relihiyon ng Populasyon sa
Iba’t Ibang Pamayanan ng
Aking Lalawigan

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Baitang 3
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Etnisidad at
Relihiyon ng Populasyon sa Iba’t – Ibang Pamayanan sa Aking Lalawigan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ang
gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng tulong-aral na ito, inaasahang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan, Ikatlong Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Etnisidad at Relihiyon ng
Populasyon ng Iba’t – Ibang Pamayanan sa Aking Lalawigan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang modyul na ito.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

ii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang iyong mga sagot sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga aytem na susubok


at gagabay sa iyong pag-aaral.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Isauli ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot ng mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay, tatay, sa nakatatanda mong
kapatid o sinumang kasama sa bahay na maaaring makatulong sa iyo.
Laging tandaang hindi ka nag-iisa
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay mauunawaan at
matututunan mo and araling ito. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang masuri ang katangian ng


populasyon ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon gamit ang mga
ilustrasyon at mga datos. Maipapakita rito ang katangian ng populasyon batay
sa etnisidad at relihiyon na nakaaapekto sa pamumuhay. Mahalagang malaman
ang katangian ng populasyon ng mga lalawigan sa pagsulong at pagpapabuti ng
mga ito at ng rehiyon.
Halina’t maglakbay, sumalipawpaw at patuloy na dagdagan ang ating
kaalaman! Nakapaloob sa modyul na ito ang araling: Katangian ng Populasyon
ng Iba’t – Ibang Pamayanan sa Sariling lalawigan batay sa Etnisidad at Relihiyon

Pagkatapos mong mapag-aralan and modyul na ito, inaasahang ikaw ay


makapagsusuri sa katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa
sariling lalawigan batay sa etnisidad at relihiyon.

1
Subukin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Alin sa mga sumusunod na relihiyon ang may pinakamaraming kasapi o


bilang sa buong Pilipinas?
a. Katoliko
b. Protestante
c. Islam
d. Pagano

2. Ang mga sumusunod ay mga lugar sa Rehiyon VIII maliban sa isa. Alin
ang hindi?
a. Leyte
b. Eastern Samar
c. Samar
d. Southern Samar

3. Alin sa mga probinsiyang ito ang may pinakamalaking bilang ng


populasyon?
a. Samar
b. Eastern Samar
c. Northern Samar
d. Leyte

4. Aling lalawigan ang may pinakamaliit na populasyon?


a. Samar
b. Silangang Samar
c. Hilagang Samar
d. Leyte

2
Aralin Etnisidad at Relihiyon ng
Populasyon sa Iba’t Ibang
2 Pamayanan ng Aking Lalawigan

Mahalagang malaman at masuri ang katangian ng populasyon ng


sariling lalawigan at rehiyon. Ang kaalaman sa mga impormasyon ng sariling
lalawigan at rehiyon ay nakatutulong upang maunawaan mo ang iyong kultura
at kasaysayan. Nakatutulong din ito upang mas maliwanag ang iyong
paghahambing sa mga pisikal na katangian ng bawat lalawigan na kabilang sa
iyong rehiyon.

Balikan
Natatandaan mo pa ba ang ating naunang aralin. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
1. Ano ang dalawang katangian ng populasyon na pinag-aralan mo na?

2. Sa Rehiyon VIII, alin ang mas marami, babae o lalaki?

3. Anong lungsod ang may pinakamaraming babae?

4. Anong lungsod naman ang may pinakamaliit na bilang ng lalaki?

5. Anong idad ng populasyon kabilang ang mga manggagawa?

3
Tuklasin

Basahin ang kuwentuhan ng magkaibigang Karlo at Karla. Sagutin ang


sumusunod: Isulat ang iyong sagot sa papel.

Karla, naalala mo pa ba Oo naman, ito ba ang


ang napag-aralan natin tungkol sa populasyon
noon sa school? o dami ng tao sa isang
lugar?

Oo nga ano? Sa isang lugar pala ay At ang mga ito Karlo


iba-iba ang dami ng tao, at may
ay maaaring
katangian din pala ang populasyon
nakabatay sa edad,
na parang tao.
kasarian, etnisidad at
relihiyon

1. Tungkol saan kaya ang kanilang pinag-uusapan?


2. Ano kaya ang kahalagahan ng kanilang pinag-uusapan?

4
Suriin

Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga tao sa isang lugar. Ange


dad, kasarian ,etnisida, at relihiyon ay ilan lamang sa mga katangian na dapat
natin malaman. Tinalakay sa naunang aralin ang tungkol sa edad at kasarian. Sa
araling ito ay malalaman natin ang dalawa pang konsepto kaugnay sa
populasyon na tinatawag na etnisidad at relihiyon. Mahalagang malaman ang
mga katangian ng populasyon ng ating mga pamayanan. Ito ay makatutulong sa
pamahalaan sa pagpapasya at pagpaplano ng mga programa para sa mga
mamamayan.
Ang etnisidad ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga
tao na may magkakaparehong kultura batay sa kaugalian o tradisyon, wika,
kasuotan at pagpapahalaga. Ang wika ang pinakamahalagang pagkakakilanlan
ng etnisidad. Sa Rehiyon VIII, karamihan sa mga tao dito ay mga Waray na
nakatira sa kalakhang bahagi ng mga pulo ng Samar, Leyte at bahagi ng Biliran.
Sila ay nagsasalita ng Waray. Ang iba ay nagsasalita ng Sinugbuanong Bisaya at
nakatira sa Timog Leyte, iba pang bahagi ng Leyte, Biliran ,at Samar. Mayroon
ding mga Tagalog na nakatira dito.
Ang relihiyon ay ang paniniwala ng tao sa isang sinasamba at
pinaniniwalaang diyos. Ito rin ay pananaw sa mundo na nag-uugnay ng
sangkatauhan sa ispiritwalidad at moralidad na kaparaanan. Ang mga relihiyon
ng populasyon sa Rehiyon VIII ay nahahati sa sumusunod na bahagdan. Tingnan
at pag-aralan ang pie graph

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang etnisidad ng maraming mga tao sa Rehiyon 8?
2. Saan nakatira ang nagsasalita ng Sinugbuanong Bisaya?
3. Anong relihiyon ang pinakamarami sa Rehiyon 8?
4. Ano naman ang pinakamaliit?
5. Ano ang salita ng mga Waray?

5
Gawain A
Basahin at pag-aralan ang sumusunod na talahanayan. Sagutin ang mga

Pagyamanin

sumusunod na katanungan.
Relihiyon sa buong Rehiyon 8 Kabuuang Bilang

REGION VIII - EASTERN VISAYAS


Kabuuan 4,440,150
Aglipay 22,202
Association of Baptist Churches in Luzon, Visayas, and Mindanao 27
Association of Fundamental Baptist Churches in the Philippines 3,813
Bible Baptist Church 12,864
Bread of Life Ministries 105
Buddhist 297
Church of Christ 6,373
Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints 11,181
Convention of the Philippine Baptist Church 7
Crusaders of the Divine Church of Christ, Incorporated 122
Door of Faith 229
Evangelical Christian Outreach Foundation 986
Evangelicals (Philippine Council of Evangelical Churches) 49,969
Faith Tabernacle Church (Living Rock Ministries) 6,065
Good News Christian Churches 66
Iglesia Evangelica Unida de Cristo 47
Iglesia ni Cristo 41,245
Iglesia sa Dios Espiritu Santo, Incorporated 780
International Baptist Missionary Fellowship 24
International One-Way Outreach 279
Islam 5,681
Jehovah’s Witness 13,893
Jesus is Alive Community, Incorporated 656
Jesus is Lord Church 10,379
Love of Christ International Ministries 40
Lutheran Church of the Philippines 259
Miracle Revival Church of the Philippines 7

6
Missionary Baptist Churches of the Philippines 419
National Council of Churches in the Philippines 29,326
Philippine Benevolent Missionaries Association 111
Philippine Ecumenical Christian Church 197
Philippine Grace Gospel 367
Philippine Independent Catholic Church 2,539
Potter’s House Christian Center 88
Roman Catholic, including Catholic Charismatic 4,108,036
Salvation Army, Philippines 310
Seventh Day Adventist 29,610
Things to Come 56
UNIDA Evangelical Church 10
Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Incorporated 88
United Church of Christ in the Philippines 25,167
United Pentecostal Church (Philippines), Incorporated 6,880
Victory Chapel Christian Fellowship 554
Way of Salvation Church, Incorporated 33
Other Baptists 2,589
Other Protestants 3,833
Other Religious Affiliations 41,578
Tribal Religions 592
Walang relihiyon 12
Hindi napabilang sa pagrereport 159

Source: Philippine Statistics Authority, 2015 Census of Population

1. Anong relihiyon ang may pinakamaraming kasapi at bilang?


2. Anong relihiyon ang may pinakamaliit na bilang?
3. Ilan ang eksaktong bilang ng mga taong kabilang sa relihiyong Iglesia ni
Kristo?
4. Ilan ang kabuuang bilang ng mga taong walang relihiyon?
5. Sa lahat ng mga nabanggit na relihiyon, ano ang may maraming bilang
sunod sa Roman Catholic o Romano Katoliko?

7
Gawain B
Batay sa mga datos na nakalap mula sa Philippines Statistics Authority, 2015
Census of Population at sa patnubay ng nakatatanda gumawa ng sarililng bar
graph sa ibaba ayon sa hinihinging impormasyon.

A. Romano Katoliko ay may 85 % na kabuuang bilang.


B. Ang mga kasapi sa relihiyong Aglipayan ay 2%
C. 5% naman ang kasapi sa United Church of Christ/ Iglesia ni Cristo
D. Sunni Islam, Annimism at iba pang relihiyon ay 8%.

100

90

80

70

60

50

40

30

20

10
Romano Katoliko Aglipayan Iglesia Ni Kristo Islam

8
Isaisip

Ang mga katangia ng populasyon?


Ano ang etnisidad?
Ano naman ang relihiyon?

Isagawa

Pag-aralan ang pie graph at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Etnisidad ng mga tao sa Rehiyon 8


5%
10%

85%

Waray Cebuano Tagalog

1. Anong etnisidad ang pinakamarami ?


2. Alin sa tatlo ang may pinakamaliit ang kasapi?
3. Batay sa ilustrasyong sa taas ang inyong masasabi tungkol dito?

9
Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na relihiyon ang may pinakamalaking bahagdan
sa kabuuang bilang ng populasyon sa iyong lalawigan o pamayanan?
a. Romano Katoliko
b. Iglesia Ni Kristo
c. Aglipayan
d. Bible Baptist
2. Ang lahat ng mga nabanggit ay ang mga katangian ng populasyon maliban
sa isa. Alin ang HINDI?
a. Edad
b. Etnisidad
c. Kasarian
d. Rehiyon
3. Anong katangian ng populasyon ang tumutukoy sa karaniwang ginagawa
ng isang grupo ng mga tao na may sariling paraan at naniniwala sa iisang
Diyos?
a. Edad
b. Etnisidad
c. Kasarian
d. Relihiyon
4. Ang lahat ng mga pahayag ay tumutukoy sa relihiyon maliban sa isa. Ano
ito?
a. Sistema ng pangkat ng mga taong naniniwala sa isang Diyos.
b. Karaniwang pinamumunuan ng isang tao na tinatawag na pari o
pastor.
c. Ito rin ay pananaw sa mundo na nag-uugnay ng sangkatauhan sa
ispiritwalidad at moralidad na kaparaanan.
d. Pangkat ng taong may kultura
5. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga taong naninirahan sa Rehiyon
8 ang may pinakamaraming bilang ayon sa PSA Census 2015?
a. Waray
b. Bisaya
c. Tagalog
d. Muslim

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Alamin ang mga datos ng ating bayan. Sagutin ang sumusunod na
tanong:
1. Ano ang etnisidad ng iyong bayan at barangay?
2. Ano pa ang ibang etnisidad ng mga tao sa inyong bayan at barangay?
3. Ano ang relihiyong may pinakamaraming miyembro sa inyong bayan?
4. Ano ang relihiyong may pinakamaraming miyembro sa inyong barangay?
5. Ano pa ang ibang relihiyon sa inyong bayan at barangay?

6. Kung mayroong kang kaibigang iba ang etnisidad at wika, ano


ang gagawin mo?
7. Kung mayroong kang kaibigang iba ang relihiyon, ano ang gagawin mo?

11
12
Subukin Isagawa Balikan:
1. A 1. Waray 1. Kasarian at edad
2. C 2. Tagalog 2. Ormoc City
3. D 3. Mas maraming 3. Borongan City
4. C Waray ang 4. Tama
naninirahan sa 5. Bata
Rehiyon 8.
Tayahin
1. A
2. D
3. D
4. D
5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Araling Panlipunan 3 Patnubay ng Guro, pahina 14- 17

Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral pahina 34-49

www. Psa.gov.ph

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like