You are on page 1of 4

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng

Mga Layunin CODE


n Aytem Bilang

Nakatutukoy ng kahulugan ng mga


F3PT-IIIci-
tambalang salita na nananatili ang 33.33% 5 1-5
3.1
kahulugan.

nasasabi ang sariling ideya sa tekstong (F3PN-IIId-


33.33% 5 6-10
napakinggan 14)

(F3PS-IIId-
nakapagpahayag ng sariling opinyon o
1). 33.33% 5 11-15
reaksiyon sa isang napakinggang isyu

Kabuuan 100 15 1 – 15

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

nasasabi ang paksa o tema ng teksto; (F3PB-III-


33.33% 5 1-5
kuwento o sanaysay 10)

nakagagamit ng tamang salitang


(F3WG-
kilos/pandiwa sa pagsasalaysay ng 33.33% 5 6-10
IIIef-5)
personal na karanasan.

nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng
(F3KP-IIIe-
mga tunog upang makabuo ng bagong 33.33% 5 11-15
g-6)
salita.

Kabuuan 100 15 1 – 15
SUMMATIVE TEST 2
GRADE III – FILIPINO
SKAI KRU
SUMMATIVE TEST NO.2
GRADE III – FILIPINO
SKAI KRU

Pangalan:_____________________________________ Grade and Section:_________


I. Basahin at unawain ang sumusunod na mga teksto. Isulat ang paksa o tema na nais
iparating.

1. Si Nene ay may bagong sapatos. Kulay pula ito. Paborito ni Nene ang kulay pula.
Tuwang-tuwa si Nene nang makuha niya ang sapatos. Regalo ito ng kaniyang ina para
sa kaniyang kaarawan. Handa na siyang mamasyal kasama ang pamilya gamit ang
sapatos na pula na bigay sa kaniya.
Paksa o Tema ___________________________________________

2. Sina Noli at Jay-ar ay magkaibigang tunay. Lagi silang naglalaro sa hardin.


Nagbibigayan sila sa lahat ng bagay, ito man ay pagkain o laruan. Sabay din silang nag-
aaral ng aralin. Ang magkaibigan ay laging magkasama sa lahat ng gawain.
Paksa o Tema __________________________________________

3. Ang matandang puno ng akasya (Acacia) ay hinahangan sa bayan nila Mina at Jerry.
Sa tuwing nagsisimba sila ng kanilang pamilya ay humihinto sila sa tapat nito upang ito
ay tingalain. Napakatayog ng matandang puno kaya’t lalo nitong napapatingkad ang
malalapad na mga dahon. Ito ang palatandaan sa kanilang bayan upang madaling
mapuntahan.
Paksa o Tema __________________________________________

4. Ang traysikel ni Mang Dado ay sikat sa daan. Ito ang siyang tagahatid at tagasundo sa
mga bata papuntang paaralan. Malinis at may mga harang ang traysikel upang matiyak
ang kaligtasan ng sumasakay. Napapangiti ang mga batang sumasakay dito kapag
nakikitang paparating na si Mang Dado kasama ang kaniyang traysikel.
Paksa o Tema __________________________________________

5. Ang walis tambo ni Aling Perla ay mabentang-mabenta. Pulido at malinis ang


pagkakagawa nito. Matibay at hindi agad nasisira. Kaya naman maraming nag-aabang
kay Aling Perla at sa gawa niyang walis tambo.
Paksa o Tema _________________________________________

II. Basahin ang talata. Pagkatapos, pumili ng limang salitang kilos at gamitin ito sa
pangungusap.
Hindi Mapantayang Saya
Tuwing Sabado, pumupunta kami ng aking pamilya sa dagat upang maligo.
Masaya kaming magkakapatid na tumatakbo sa tabing dagat at naglalaro ng buhangin.
Hindi rin nakalilimutan ni kuya na magdala ng saranggola. Pinalilipad namin ito
nang sabay-sabay. At dahil hilig ko ang musika, kinakantahan ko sila sabay ang
pagtugtog ni Inay ng gitara habang ang iba ay sumasayaw sa indayog ng kanta.
Walang makapapantay sa sayang dala kasama angaking pamilya.

III. Piliin at isulat sa kuwarderno ang titik ng tamang sagot.

____11. Kung ang salitang bula ay daragdagan ng /g/ sa hulihan, anong salita ang
mabubuo?
a. bulag b. bulak c. bulan d. bulas

____12. Alin sa sumusunod na tunog ang ipapalit sa unahan ng salitang pantay para
mabuo ang salitang bantay?
a. /b/ b. /d/ c. /g/ d. /p/

____13. Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /t/ sa unahan ang salitang hitik?
a. titig b. tigil c. tinda d. titik

____14. Sa salitang laba, anong salita ang mabubuo kung daragdagan ng /n/?
a. lambat b. laban c. labas d. labis

____15. Sa mga salitang bahay, palay at kamay, anong tunog ang idinagdag sa hulihan?
a. /b/ b. /k/ c. /p/ d. /y/
ANSWER KEY:
I. III.
1. Ang sapatos
2. Ang magkaibigan 11. a
3. Acasia/puno 12. a
4. raysikel 13. d
5. Walis tambo 14. b
15. d
II.

You might also like