You are on page 1of 6

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA FILIPINO 3

SECOND QUARTER TEST


S.Y. 2023-2024
Learning No. of No. of Level of Behavior, Knowledge Dimension
Competencies Days Items % of and Item Placement
(with Code) Items R U Ap An E C
Nakapagbibigay ng wakas ang
1.2.3
binasang kuwento 5 3 10%
F3PB-Ih-14
Naiuulat ang mga
23,
naobserbahang pangyayari sa
3 3 10% 24,
pamayanan
25
F3PS-Ii-3.1
Nagbabago ang dating kaalaman
base sa mga natuklasang
kaalaman sa
3 2 7% 4 5
binasang teksto (WEEK 10 Q2)
F3PB-Ii-15
F3PB-IIj-15
Napayayaman ang talasalitaan sa
pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at
magkasalungat na mga salita,
pagbubuo ng
mga bagong salita mula sa
salitang-ugat, at paghanap ng
7,
maiikling 5 4 13% 6,8
9
salita sa loob ng isang mahabang
salita
F3PT-Ij-2.3
F3PT-IIh-2.3
F3PT-IIId-h-2.1
F3PT-IIId-h-2.1
F3PT-IVaf-2.2
Nagagamit ang magalang na
pananalita sa angkop na
3 1 3% 10
sitwasyon
(pagpapaliwanag) *
Natutukoy ang mga salitang 11,
3 2 7%
magkakatugma F3KP-IIb-d-8 12
Nakakagamit ng pahiwatig
upang malaman ang kahulugan
ng mga salita tulad ng paggamit
ng mga palatandaang nagbibigay
ng kahulugan (katuturan o
kahulugan ng salita, sitwasyong
3 2 7% 13 14
pinaggamitan ng salita, at
pormal na depinisyon ng salita)
F3PT-Ic-1.5
F3PT-IIc-1.5
FPT-IId-1.7
F3PT-IIIa-2.3
Naikokompara ang mga kuwento 4 3 10% 26,
sa pamamagitan ng pagtatala ng 27,
pagkakatulad at pagkakaiba 28
F34AL-IIe-14
Nakasusulat ng talata nang may
wastong baybay, bantas at gamit
ng malaki at maliit na letra
15 19 16,
upang maipahayag ang ideya, 6 5 17%
18 17
damdamin o
reaksyon sa isang paksa o isyu
F3KM-IIIi-3.2
Nakabubuo ng mga tanong
matapos mapakinggan ang isang 3 1 3% 20
teksto F3PN-IIj-13
Nagagamit ang angkop na
pagtatanong tungkol sa mga tao,
bagay lugar at pangyayari, ano,
21
sino, saan, ilan, kalian, ano-ano, 4 1 3%
at sino-sino
F3WG-IIIa-b-6
F3WG-IVab-6
Nababaybay nang wasto ang
mga salitang natutunan sa aralin/
29,
batayang talasalitaang 3 2 7%
30
pampaningin
F3PY-IIIb-2.2/2.3
Nakapaglalarawan ng mga tao,
22
hayop, bagay at lugar sa 5 1 3%
pamayanan F3WG-IIIc-d-4

50 30 100% 57% 30% 13%

DIFFICUL
EASY AVERAGE
T

Republic of the Philippines


Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Agusan del Sur
Prosperidad District
CORDOVA ELEMENTARY SCHOOL

SECOND QUARTER TEST IN FILIPINO 3

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: ______________

Basahin ang bawat talata, bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Piliin ang titik ng iyong sagot.
_____1. Matapat na bata si Evelyn. Minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya. Mabuti na
lang at kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ano kaya ang gagawin niya?
A. Isasauli sa may-ari ang pitaka.
B. Itatago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.
C. Kukuha ng pera sa pitaka at itatapon niya sa kalsada.
D. Hindi niya ito papansinin.
_____2. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya. Palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate ng kaniyang
Tatay tuwing galing siya sa trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag marami ang kaniyang
kakainin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang Tatay na may dalang maraming
tsokolate. Dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito. Ano kaya ang puwedeng mangyari sa kaniya?
A. Masaya si Aliya.
B. Mahimbing ang kaniyang tulog.
C. Di-nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
D. Sasakit ang ulo niya.
_____3. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia. Agad silang kumuha ng walis
tingting at nagwalis sa kanilang bakuran. Ano kaya ang mangyayari?
A. Nagalit ang kanilang ina.
B. Pinaalis sila ng kanilang ina.
C. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.
D. Paparysahan sila ng kanilang ina.
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapis. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Tsokolate, Oh tsokolate!
Sinulat ni: Ellainee C. Bagaslao
Sadyang napaka sarap kumain ng tsokolate
Hugis puso at bilog ang paborito ni Ate
Matamis at malambot nakakaalis ng lungkot.
Sabi ng iba, masama daw ang dulot ng tsokolate sa katawan
Nakakasira ng ngipin at nakakadagdag bigat sa tiyan
Sagot ko naman, aba! may benepisyo din ito sa ating kalusugan.
Anti-oxidants ang pinakamahalagang katangian ng tsokolate
Nakakaalis ng kulubot sa mukha at nagbibigay ng makinis na kutis
Tsokolate, oh tsokolate ang sarap mo, grabe!
Ngunit mga kaibigan lagi nating tatandaan
Limitahan ang pagpasok ng tsokolate sa ating katawan
Dahil ang sobrang pagkain nito ay mauuwi lamang sa ibat-ibang karamdaman.
Nakapagpapasaya at nakababawas ito ng stress
Lalong-lalo na at ang panahon ngayon ay nakaka-istres
Nakakatalino din ito dahil ginagawa nitong alerto ang utak mo.
_____4. Anong pagkain ang binanggit sa tula?
A Kendi B. Tsokolate C. Tinapay D. Prutas
_____5. Anong mahalagang kaalaman ang napulot mo sa tula?
A. Nalaman ko na marami pala ang may gusto ng tsokolate.
B. Nalaman ko na masarap pala kumain ng tsokolate.
C. Nalaman ko na hindi lang masama ang hatid ng tsokolate sa katawan kundi
marami pala itong benepisyong dulot.
D. Nalaman kong hindi dapat kumain ng tsokolate

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____6. Hanapin ang salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap.
Ang aming barangay ay sagana sa prutas, gulay at marami ring mga alagang hayop.
A. amin-mga B. hayop-gulay C. sagana-marami D. sagana-alaga
_____7. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
Uminom ng mainit na tubig ang matanda.
A. maliit B. magulo C. malamig D. masarap
_____8. Ano ang tamang panlapi upang makabuo ng bagong salita. . ____ulan ng malakas kahapon.
A. nag B. in C. mag D. um
_____9. Alin sa sumusunod na mga salita ang salitang-ugat ng masasalo?
A. masas B. asas C. salo D. masa
_____10. Ano ang maaaring maging tugon sa mga magagalang na pananalita na ibinigay sa usapan?
A. Magandang gabi po.
B. Makikiraan po.
C. Mano po lola.
D. Maraming Salamat po
_____11. Alin sa sumusunod ang pares ng salitang magkatugma?
A. duyan-kaway C. papel-lapis
B. kalabaw-sungay D. langit-sungit
_____12. Alin ang salitang katugma ng hari?
A. pari B. kabibe C. sawi D. sabi
_____13. Anong salita ang may kahulugang mga bagay o utos na iniwan upang gawin o sundin.
A. payo B. gawain C. bilin D. salin
_____14. Bigyang kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa tula.
Malinis na tubig ang iyong makikita
Asul ang kulay na lubhang kay ganda.
Samyo ng hanging sariwa
Walang amoy ng basura.
A. Asul ang kulay B. Samyo ng hanging C. hanging sariwa D. Walang amoy

______15. Ang _________ ay lipon ng mga pangungusap na pinaunlad upang maipahayag ang iisang
kaisipan.
A. parirala B. pangungusap C. talata D. tula
______16. Marami tayong hinahawakang maruming bagay? Tama ba ang bantas na ginamit sa
pangungusap?
A. Oo, dahil ang pangungusap ay nagtatanong.
B. Oo dahil kahit anong bantas ay pwedeng gamitin.
C, Hindi, dahil ang pangungusap ay nag-uutos.
D. Hindi dahil tuldok ang dapat gamitin sa pangungusap.
_____17. Alin sa sumusunod ang HINDI wasto sa pagsulat ng isang talata.
A. Ang unang pangungusap ay dapat nakapasok.
B. Ang mga salita ay wasto ang baybay.
C. Ang simula ng pangungusap ay nagsisismula sa maliit na titk.
D. Gumamit ng wastong bantas sa katapusan ng bawat pangungusap.
Basahin ang talata.
Magpinsan sina gina at fe. Nagkita ang dalawa at nagkumustahan. Pinag-usapan nila ang
kasalukuyang sitwasyon ng pag-aaral. Noong una, sila ay nahirapan sa pagbabago. Subalit
kalaunan, nasanay na rin sila sa bagong sistema ng edukasyon.
______18. Alin sa mga dapat tandaan sa wastong pagsulat ng talata ang hindi nasunod ng talatang iyong
binasa?
A. Ang unang pangungusap ay dapat nakapasok.
B. Ang mga salita ay wasto ang baybay.
C. Ang simula ng pangungusap ay nagsisismula sa malaking titk.
D. Gumamit ng wastong bantas sa katapusan ng bawat pangungusap.
______19. Bukod sa simula ng pangungusap, alin pa ang dapat nagsisimula sa malaking titik?
A. gina at fe B. sila C. sistema D. edukasyon
______20. Bumuo ng tanong batay sa nasa larawan.
A. Paano tumutulong si Emil sa mga gawain sa silid-aralan?
B. Ano ang gagawin mo upang hindi makagawa ng ingay sa silid?
C. Saan dapat gawin ang takdang aralin?
D. Sino ang nagtuturo ng leksiyon?

Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang isang katanungan.
______21. __________ ang pangalan ng bata sa teksto?
A. AnoB. Sino C. Saan D. Kailan

_____22. Anong salita ang ginamit sa paglalarawan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Ang
malawak na hardin ay laging malinis.
A. AngB. malawak C. lagi D. ay
Isulat ang Opo kung ang mga sumusunod na pangyayari ay naoobserbahan sa pamayanan ngayong
panahon ng pandemya at Hindi po naman kung hindi.
_____23. Naglalaro ang mga bata sa kalsada na walang suot na face mask.
_____24. Nagsusuot ng face mask kung lumalabas ng bahay.
_____25. Palagiang naghuhugas ng kamay.

Basahin ang sumusunod na pahayag. Iguhit ang kung ito ay may pagkakatulad at kung ito ay
may pagkakaiba.
_____26. Mga atleta sina Glen at Mar. Magaling sa larong basketbol si Glen samantalang sa
sipa naman si Mar.
_____27. Matulin kung tumakbo ang mga kabayo gayundin ang mga kuneho.
_____28. Bibong bata si Jen at tahimik naman si Len.

Isulat ang tamang baybay ng salitang ididikta ng guro.

29. __________________ 30. __________________

FILIPINO
1 A
2 C
3 C
ANSWER KEY:
4 B
5 C
6 C
7 C
8 D
9 C
10 D
11 D
12 A
13 C
14 A
15 C
16 D
17 C
18 A
19 A
20 D
21 A
22 B
23 Hindi po
24 Opo
25 opo
26
27
28
29
30

You might also like