You are on page 1of 25

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Katangiang Pisikal ng Iba’t Ibang
Lalawigan sa Rehiyon VIII
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan –Modyul 4: Katangiang Pisikal ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon
VIII
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Walang karapatang-sipi ang
maaaring manatili sa anumang gawain o akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapang gumawa nito kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Katherine P. Esposo
Editor: Eloisa R. Zartiga, Evangeline Gorduiz, Ramil P. Bingco, at Chinky F. Baculanta
Tagasuri: Catherine A. Dagami at Rosemarie M. Guino
Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Carmela R. Tamayo
Moises D. Labian Jr.
Antonio F. Caveiro
Josefina F. Dacallos
Faustino M. Tobes
Eloisa R. Zartiga

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII


Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Katangiang Pisikal ng Iba’t Ibang
Lalawigan sa Rehiyon VIII
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Ikatlong
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katangiang
Pisikal ng Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon VIII.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahang higit mo pang
hihikayatin at gagabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangiang Pisikal ng Iba’t
Ibang Lalawigan sa Rehiyon VIII.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutunan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, masusubok kung may
alam ka na sa araling ito. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawain para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
Pagyamanin
sa paksa. Maaari mong iwasto ang iyong
mga sagot sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga aytem na susubok
Isaisip
at gagabay sa iyong pag-aaral.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawaing naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutunang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.
Talaan ito ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na
makikita sa katapusang bahagi nito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Isauli ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot ng mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang magtanong sa iyong guro o tagapagdaloy. Maaari

iv
ka ring humingi ng tulong kay nanay, tatay, sa nakatatanda mong kapatid o
sinumang kasama sa bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging tandaang
hindi ka nag-iisa.
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay mauunawaan at
matututunan mo and araling ito. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makilala mo ang sarili mong


lalawigan bilang simbolo ng pagpapahalaga mo sa lalawigang iyong
kinabibilangan. Mahalaga sa atin ang ating lalawigan sapagkat dito tayo
nabibilang at ito rin ang nagsisilbi nating pagkakakilanlan. Kaya’t marapat
lamang na alamin natin kung ano ang natatanging katangian ng sariling
lalawigan at ng mga karatig-lalawigan ng ating rehiyon upang lubos natin itong
makilala at maipagmalaki.

Halika at pag-aralan mo ang magagandang lugar sa ating lalawigan, ang


mga anyong pisikal na makikita rito kasama ang mga tanyag na lugar na
nagpapakilala sa ating lalawigan at sa buong rehiyon.

Pagkatapos mong mapag-aralan and modyul na ito, inaasahang ikaw ay:

1. makasusuri sa mga katangiang pisikal ng mga lalawigan sa rehiyon;

2. makatutukoy sa mga kahalagahan ng mga anyong lupa o anyong tubig


na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon;

3. makapaghahambing sa mga katangiang pisikal ng iba’t ibang lalawigan


sa rehiyon; at

4. makapagpapakita ng kahalagahan ng mga katangiang pisikal na


nagpapakilala ng lalawigan at rehiyon.

1
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Saan makikita ang Lulugayan Falls?


A. Biliran
B. Leyte
C. Samar
D. Timog Leyte

2. Ano ang pinakamaliit na lalawigan sa Rehiyon VIII?


A. Biliran
B. Hilagang Samar
C. Samar
D. Leyte

3. Saan makikita ang pulo ng Limasawa?


A. Hilagang Samar
B. Leyte
C. Samar
D. Timog Leyte

4. Anong mga lalawigan ang pinagdurugtong ng San Juanico Bridge?


A. Biliran at Leyte
B. Hilagang Samar at Samar
C. Leyte at Samar
D. Leyte at Timog Leyte

5. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan sa pisikal na kaanyuan ng


Leyte?
A. Mabundok ang gitnang bahagi ng Leyte.
B. Maburol na lugar ang Leyte.
C. Maraming ilog ang makikita sa lugar.
D. Malaking parte ng lalawigan ay kapatagan.
2
Aralin
Katangiang Pisikal sa Iba’t Ibang
1 Lalawigan ng Rehiyon

Ang ating rehiyon ay ang Silangang Visayas o Rehiyon VIII. Ito ay


biniyayaan ng maraming magagandang anyong lupa at anyong tubig. Marami
tayong makukuhang yaman mula sa iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na
binigay ng ating Panginoong Diyos. Ito ang pinagmumulan ng ating kabuhayan.
Ito rin ang isang mahalagang pamana sa susunod pang henerasyon. Kaya dapat
natin itong ingatan at pagyamanin para sa kabutihan ng lahat.

Balikan

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at
MALI kung walang katotohanan.
1. Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng taong naninirahan sa
isang lugar.

2. Ang Lalawigan ng Leyte ang may pinakamataas na populasyon.

3. May mahigit 10 milyon ang populasyon ng Rehiyon VIII.

4. Ang alawigan ng Biliran ang may pinakamaliit na populasyon.

5. Ang pagkakaroon ng maraming lakas-paggawa ang isang magandang


epekto ng mataas na populasyon.

3
Tuklasin

Inimbitahan ni James ang pamilya ng pinsan niyang si Mara na makadalo


sa piyesta sa kanila. Malapit na kasi ang piyesta sa Lungsod ng Tacloban.
Manggagaling pa sa Lungsod ng Ormoc ang pamilya ni Mara.

Mara: Paano ba pumunta sa inyo?

James: Madali lang. Mula sa Lungsod ng Ormoc, babaybayin ang Maharlika


Highway na tinatawag ngayong Asian Highway. Habang binabaybay
ang zigzag na daan ng Capoocan hanggang sa Jaro, makikita mo sa
bandang kanan ang napakahabang bundok ng Amandewing na mas
tanyag sa tawag na Alto Peak. Pagdating sa rotonda ng Palo,
didiretso ka sa Lungsod ng Tacloban at bumaba sa Robinson’s Mall
sa Marasbaras.

Mara: O sige, titingnan na lang namin sa mapa ang papunta sa inyo.


Asahan mo kami sa piyesta. Sabik na rin kaming makita kayo,
pinsan! Babay!

4
Sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang usapan ng mag-pinsang James at Mara?


A. tungkol sa darating na Pasko
B. tungkol sa nalalapit na pasukan
C. tungkol sa nalalapit na piyesta ng Tacloban
D. tungkol sa nalalapit na kaarawan ni James

2. Ano-ano ang katangian ng mga lugar na madadaanan nina Mara mula sa


Lungsod ng Ormoc hanggang sa Lungsod ng Tacloban?
A. maraming isla ang kanyang dadaanan
B. halos kapatagan lahat ang lugar na kanyang madadaanan
C. halos mabundok simula Ormoc hanggang Tacloban
D. zigzag ang daan sa bahaging bulubundukin ng Capoocan at
kapatagan ang ilang bahagi nito.

3. Ang mga sumusunod ay mga lugar na madadaanan mula Ormoc patungong


Tacloban maliban sa isa. Alin dito?
A. Capoocan
B. Carigara
C. Jaro
D. Tanauan

4. Ang napakamahabang hanay ng kabundukan na makikita mula sa Ormoc


hanggang Jaro.
A. Bundok ng Amandewing
B. Bundok Arayat
C. Bundok ng Samar
D. Bundok ng Sierra Madre

5. Ang lungsod ng Tacloban na pupuntahan ni Mara ay matatagpuan sa anong


lalawigan?
A. Biliran
B. Leyte
C. Samar
D. Hilagang Samar

5
Suriin

Lakbay- Aral Patungong Silangang Visayas

Nagbabalak ka bang maglakbay sa Silangang Visayas ngunit di mo


alam kung ano ang unang pupuntahan? Kung gayon, sasamahan kita sa
iyong paglalakbay.
Ihanda ang iyong kamera dahil ikaw ay mamamangha sa iba’t ibang
porma at naglalakihang bato ng Biri Island sa lalawigan ng Hilagang
Samar. Maaari ka ring magtampisaw sa Isla ng San Antonio at gumawa
ng kastilyong buhangin sa kanilang malinis at maputing buhangin.
Puntahan naman natin ang Samar. Bagamat ito ay may
bulubunduking pisikal na katangian ng lugar ay makikita rito ang mga
kamangha-manghang mga tanawin. Makikita sa Calbiga, sa Lalawigan ng
Samar ang Langun-Gobingob na itinuturing na pinakamalaking kuweba
sa Pilipinas at pumapangalawa sa Timog-Silangang Asya. Dito rin
matatagpuan ang napakagandang Talon ng Lulugayan. Ngayon nama’y
sumakay ka ng bangka sa mahabang Ilog ng Ulot sa Paranas, Samar.
Talagang mapapasigaw ka sa bilis ng alon at liksi ng mga magagaling na
bangkero sa Torpedo Ride.
Kung nais mong mag-surfing maaari mong puntahan ang Isla ng
Calicoan sa Guiuan. Pagkatapos naman ay mamamangha ka sa
kagandahan ng Talon ng Amandaraga na makikita sa Lawaan sa Silangang
Samar.
Sunod naman nating puntahan ang patag na Lalawigan ng Leyte.
Maaari kang magpiknik sa paligid ng isang di-aktibong Bulkang Mahagnao
sa Burauen at mamangka sa Lawa ng Danao sa Ormoc. Halina’t akyatin
ang Mt. Amandewing o Alto Peak.

6
Nais mo bang maligo sa maraming talon sa Lalawigan ng Biliran?
Makikita dito ang Kasabangan Falls, Tinago Falls at Tomalistis Falls. Maaari
ka ring magpainit sa Bukal ng Mainit at magtanim ng palay sa kanilang
munting Hagdan- hagdang Palayan. Hindi kompleto ang iyong karanasan
sa Biliran kung hindi mo pupuntahan ang magandang Isla ng Sambawan.

Kung nais mo naman ng kakaibang karanasan tayo’y mag-zip line sa


Agas-Agas Adventure Park sa Lalawigan ng Timog Leyte. Bisitahin din
natin ang makasaysayang pulo ng Limasawa kung saan naganap ang
kauna-unahang misa sa Pilipinas.
Tunay ngang nakamamangha sa ganda ang mga anyong lupa at
anyong tubig ang ating rehiyon. Kaya’t itoy ating ipagmalaki at
pangalagaan.

7
Pagyamanin

Gawain A
Natatandaan mo pa ba ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa
inyong lalawigan at mga karatig nito? Sabihin kung saang lalawigan
matatagpuan ang mga kilalang anyong tubig at anyong lupang nasa larawan
bilang 1-5. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

Biliran Hilagang Samar Leyte


Samar Timog Leyte Silangang Samar

1. Pulo ng Biri

8
2. Iyus Hagdang Palayan

3. Lawa ng Danao

9
4. Talon ng Lulugayan

5. Mt Amandewing o Alto Peak

10
Isaisip

Buoin ang bawat pangungusap upang mailarawan ang iba’t ibang


lalawigan sa sariling rehiyon. Gawing batayan ang Lakbay- Aral Patungong
Silangang Visayas sa pahina 6. Isulat sa sariling sagutang papel.

1. Nais mong maligo sa Talon ng Lulugayan, ang probinsya ng


____________ ang iyong dapat pupuntahan.

2. Sa lalawigan ng Samar makikita ang pinakamalaking kuweba


sa Pilipinas na tinatawag na ___________.

3. Ang hindi aktibong Bulkang Mahagnao ay makikita sa lalawigan


ng Leyte sa Bayan ng ________________.

4. Ang Agas-Agas Adventure Park ay dinarayo dahil sa mataas na


zip lines na matatagpuan sa Lalawigan ng_______________.

5. Masarap maligo sa malamig na tubig ng Talon ng Tomalistis na


matatagpuan sa Lalawigan ng ___________________.

11
Isagawa

Maipagmamalaki mo ba ang inyong lalawigan? Ngayon, iguhit ang anyong


tubig o anyong lupa na nagpapakilala sa iyong lalawigan. Buoin ang brochure sa
ibaba tungkol sa iyong lalawigan at hikayatin ang mga tao na pumunta rito sa
pamamagitan ng paglalarawan ng kagandahan nito. Gawin ito sa isang malinis
na papel.

Ang aking lalawigan ay___________________________.

Makikita rito ang tanyag na ____________________________.

Ang anyong tubig o anyong lupa na ito ay _____________.

Kaya marami ang pumupunta rito dahil ________________.

Kaya’t inaanyayahan namin kayo na dalawin ang tanyag na lugar na ito


sa aming lalawigan. Tiyak na masisiyahan kayo!

12
Tayahin

Panuto : Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong katangiang pisikal mayroon ang Lalawigan ng Samar?


A. bulubundukin
B. patag
C. maraming ilog
D. maraming palayan

2. Anong bundok ang iyong madadaanan kung ang biyahe mo ay


mula sa Lungsod ng Ormoc papuntang Lungsod ng Tacloban?
A. Bundok Amandewing o Alto Peak
B. Bundok Capotoan
C. Bundok Lubi
D. Bundok Suiro

3. Bakit dinarayo ng mga turista ang Lalawigan ng Biliran?


A. May magandang lawa rito.
B. Matataas ang mga gusali sa lugar.
C. Maraming nagagandahang talon dito.
D. Magaganda ang pakikitungo ng mga tao.

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasaad ng pagpapahalaga


sa mga anyong lupa at anyong tubig sa isang lalawigan o
rehiyon?
A. Nagiging kilala ang lalawigan o rehiyon
B. Marami ang pasyalan na maaaring puntahan.
C. Nagiging marumi ito dahil sa pagbisita ng maraming tao.
D. Ito ay nakatutulong sa kabuhayan ng mga taong naninirahan.

13
5. Bilang mag-aaral, alin ang hindi nagpapakita ng matalinong
pagpapahalaga sa mga yamang pisikal ?
A. Pagmamalaki sa mga ito
B. Pag-aaral tungkol sa mga ito
C. Pagmimina at paggamit ng dinamita
D. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan

Karagdagang Gawain

Mag-isip ng isang tanyag na anyong lupa o anyong tubig sa inyong lugar.


Ilarawan ang katangiang pisikal nito. Gamitin ang rubrik bilang gabay sa
pagsulat.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________________________.

14
Rubrik sa pagsulat ng Talata

Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Kraytirya Napakahusay (4)
(3) (2) (1)

Kumpleto at May ilang


Kumpleto ang
komprehensibo kulang sa Maraming kulang
nilalaman at
ang nilalaman at nilalaman at at mali sa
Nilalaman wasto ang
wasto ang lahat may ilang mali nilalaman at
lahat ng
ng sa impormasyon.
impormasyon.
impormasyon. impormasyon.

Malikhaing
Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na
nailahad ang
nailahad at maayos na nailahad at hindi
Presentasyon nilalaman at
naunawaan nailahad ang naunawaan ang
maayos ang
ang nilalaman. impormasyon. nilalaman.
daloy.

Hindi organisado
Organisado na
Organisado at Organisado at ang ideya at
ideya pero may
malinaw ang malinaw, ang marami ang
Organisasyon bahaging di
nilalaman ng nilalaman ng bahagi na hindi
gaanong
ideya. ideya. malinaw ang
malinaw.
paglalahad.

Kabuuan

15
16
Pagyamanin Tayahin
Subukin Gawain A 1. A
1. C 1.Hilagang Samar 2. A
2. A 2. Biliran 3. C
3. D 3. Leyte 4. C
4. C 4. Samar 5. C
5. D 5. Leyte
Balikan
1. Tama Isaisip
2. Tama
3. Mali 1. Samar
4. Tama Karagdagang Gawain 2. Langon-Gobingob
5. Tama 3. Burauen
Magkakaiba-iba ang sagot. 4. Timog Leyte
Gagamitin ang rubric sa 5. Biliran
Tuklasin pagwasto ng sagot.
1. C
2. D
3. D
4. A
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
BiliranIsland.com. 2013. Island Attraction. January 28. Accessed June 25, 2020.
https://tourism.biliranisland.com/iyusan-rice-terraces.php.
Fabilane, Rocky. 2018. YouTube. October 12. Accessed June 25, 2020.
https://www.youtube.com/watch?v=wu2A5Q1RNy0.
Johceljozza. 2018. Wikimedia Commons. April 27. Accessed June 25, 2020.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bel-
at_Rock_Formation_at_Biri_Island,_Northern_Samar.jpg.
Manalo, Thea Joy G, Charity A Capunitan, Walter F Galarosa, Rodel C Sampang,
Arlene S DePaz, and Marissa G Martillo. 2015. Araling Panlipunan 3:
Kagamitan ng Mag-aaral. Philippines.
Manalo, Thea Joy G, Charity A Capunitan, Walter F. Galrosa, and Rodel C
Sampang. 2015. Araling Panlipunan 3; Gabay ng Guro. Philippines.
Ongan, Micaela. 2015. SlideShare. November 8. Accessed July 14, 2020.
https://www.slideshare.net/onganmico/region-8-eastern-visayas-
54871214.
Ybiosa, Jophel Botero. 2018. Wikimedia Commons. May 19. Accessed June 25,
2020.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BEAUTY_OF_LAKE_DANAO.jpg
.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like