You are on page 1of 23

2

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Kahalagahan ng Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Kahalagahan ng Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga


Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sharon S. Gorospe


Editor: Marilyn P. Nicolas
Tagasuri: Jenalyn I. Datuin, Alda B. Nabor,
Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno - CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod,


Lunsod Quezon
Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
2

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 3
Kahalagahan ng
Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Baitang 2 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling - Ang Aking Komunidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay inilaan para sa mga batang
mag-aaral sa Ikalawang Baitang. Inaasahan ng modyul
na ito na malinang ang kakayahan at kasanayan sa
napapanahong mga gawain sa pagkatuto na naaayon
sa kanilang interes at karanasan.
Ang inilaang gawain sa bawat aralin ay sadyang
ginawang kawili-wili at may pagkamalikhain upang
mapukaw at mapataas ang kanilang isipan at saloobin
sa bawat paksang tinatalakay.

i
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa - Ang Aking
Komunidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

ii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

v
Aralin Kahalagahan ng Komunidad
3

Alamin

Sa araling ito ay malilinang ng mga mag-aaral ang


kahalagahan ng komunidad. Inaasahan na ito ay
magsisilbing daan upang higit na mapaunlad pa ang
kamalayan sa kapaligiran at mapayaman ang
pagpapahalaga sa kasalukuyan at kinabibilangang
komunidad.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng komunidad

Subukin

Basahin ang pangungusap. Kulayan ang masayang


mukha ng dilaw kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng kahalagahan ng komunidad. Gawin ito sa hiwalay na
papel.

1
1. Sama-samang namumuhay nang payapa, may
pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa.
2. Ang ating pamilya ang nagbubuklod sa bawat isa,
sama-samang lumalaban sa kahit na anong
pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa.
3. May mga pampublikong parke kung saan maaaring
maglibang ang mga tao.
4. Ang pagmamahal sa kapwa ay limitado lamang sa
pamilyang kinabibilangan.
5. Nagbibigay ang komunidad ng libreng konsultasyon,
bakuna, gamot at seminar.

Balikan

Isulat ang letra ng larawan na nagpapakita ng


masaya at maayos na komunidad. Gawin ito sa
sagutang papel.
A. B. C.

2
D. E. F.

G. H I

Tuklasin

Masaya Kung Sama-sama - Filipino Folk Song for Children


(Karaoke)
Masaya Kung Sama-sama
Lyrics

Masaya kung sama-sama ang magkakaibigan,


Masaya kung sama-sama at may tawanan.
Kay inam ng buhay kung nag-aawitan.
Masaya kung sama-sama at may tawanan.

3
Suriin

Bakit mahalaga ang komunidad?


Ang komunidad ay tinatawag ding pamayanan na
tumutukoy sa isang lugar kung saan naninirahan ang isang
grupo o pangkat ng mga tao o mamamayan. Sama-
samang namumuhay nang payapa, may pagkakaisa at
pagtutulungan sa bawat isa.

KAHALAGAHAN NG BAWAT BUMUBUO SA


KOMUNIDAD
1. Pamilya
Ang pamilya ang sinasabing isang maliit na antas ng
lipunan. Ang pamilya rin ang isa sa pinakamahalaga at
pinakaimportanteng tao sa buhay ng bawat isa. Sila ang
pinakamagandang regalo ng Panginoon sa atin. Dito
natin mararamdaman ang tunay na pagmamahalan,
pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa. Dito rin
nagmumula ang pakiramdam ng pagiging ligtas at
payapa. Ang ating pamilya rin ang nagbubuklod sa
bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong
pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa.

4
2. Simbahan
Ang simbahan ang institusyon na tumutulong sa
bawat kasapi ng lipunan na magkaroon ng kamalayan sa
nararapat na moral at espiritwal na pamumuhay. Ito ang
naglalapit sa atin sa Panginoon na siyang lumikha sa
buong sangkatauhan.

3. Paaralan
Ang katulong ng pamilya, sa paaralan ikalawang
nahuhubog ang mga pag-uugali at mga pagpapahalaga
at dito nalilinang ang mga angking talento at kakayahan
ng isang kabataan. Ang edukasyon ay isa sa
pinakamahalagang bagay na dapat makamtan ng isang
tao sa kanyang buhay. Ito ang magsisilbing susi sa
tagumpay, ang humuhubog sa ating mga isipan,
damdamin at pakikisalamuha sa kapwa.
4. Sentrong Pangkalusugan
Ang sentrong pangkalusugan ay ang sektor na
nangangalaga ng kalusugan ng bawat mamamayan ng
komunidad. Ito ang nagpapanatili ng kaayusan at
maayos na mga pangangatawan at kalusugan upang
makaiwas sa anumang sakit na maaring maidulot ng
paligid.
5. Pamilihan
5
Ang pamilihan ay isang lugar kung saan maaring
bumili ang mga tao at mamayan ng kanilang mga
pangangailangan. Ito rin ang nagsusuplay ng mga kalakal
at serbisyo upang makatulong sa pagpapaunlad at
pagpapalago ng ekonomiya ng komunidad at ng lipunan.
MGA TULONG NG KOMUNIDAD
1. Tulong sa Pagkain
Tumutulong upang magkaroon ng malinis na
pagkain na mabibili sa tamang halaga.
2. Tulong sa Kaligtasan
Tumutulong upang magkaroon ng seguridad at
mahuli ang mga masasamang loob.
3. Tulong sa Pag-aaral
May mga pampublikong paaralan upang makapag-
aral ang lahat ng kasapi ng komunidad.
4. Tulong sa Paglilibang
May mga pampublikong parke kung saan maaaring
maglibang ang mga tao.
5. Tulong sa Pabahay
Tumutulong upang magkaroon ng bahay sa murang
halaga.

6. Tulong sa Kalusugan

6
Tumutulong upang maging malusog ang mga kasapi
ng komunidad. Nagbibigay ng libreng konsultasyon,
bakuna, gamot at seminar.

Pagyamanin

Gawain 1
Tingnan ang larawan. Isulat ang iyong saloobin at
ipahayag ito sa tatlong (3) pangungusap. Gawin ito sa
sagutang papel

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2

7
Basahin ang maikling talata tungkol sa komunidad.
Sagutin ang mga tanong sa iba pagkatapos kulayan ang
larawan.

Ito ang aking munting komunidad. Dito ako


naninirahan kasama ng aking pamilya. Nagtutulungan
ang bawat isa at ginagampanan ang tungkulin para sa
ikauunlad ng komunidad. Mahalaga ang ginagampanan
ng aking munting komunidad sa paghubog ng aking
pagkatao. Malaki rin ang naitutulong ng tahimik na
kapaligiran nito. Nabubuhay kami nang maayos at
masagana ayon sa uri ng hanapbuhay na mayroon sa
paligid ang aming komunidad.

1. Ano ang katangian ng Sagot:


komunidad na binanggit
sa talata?

8
2. Ano-ano ang Sagot:
kahalagahan ng
komunidad batay sa
salaysay ng bata?

3. Ano ang maibabahagi Sagot:


mo sa iyong komunidad?
Paano mo ito isasagawa?

4. Paano mo ipakikita ang Sagot:


pagpapahalaga sa iyong
komunidad?

Isaisip
Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng
pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan, pag-
uunawaan at pag-uugnayan ng bawat kasapi nito tungo
sa pagsulong at pag-unlad.

9
Isagawa

Ano ang kahalagahan ng isang komunidad? Isulat sa loob ng


bilog ang mga kahalagahan ng komunidad. Gawin ito sa hiwalay
na papel.

Kahalagahan ng
Komunidad

10
Tayahin
Basahin ang pangungusap. Kulayan ang masayang
mukha ng dilaw kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng kahalagahan ng komunidad.

1. Sama-samang namumuhay nang payapa, may


pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa.
2. Ang ating pamilya ang nagbubuklod sa bawat isa,
sama-samang lumalaban sa kahit na anong
pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa.
3. May mga pampublikong parke kung saan maaaring
maglibang ang mga tao.
4. Ang pagmamahal sa kapwa ay limitado lamang sa
pamilyang kinabibilangan.
5. Nagbibigay ang komunidad ng libreng konsultasyon,
bakuna, gamot at seminar.

Karagdagang Gawain

Gawain 1

Kulayan ang puso na nagsasaad sa kahalagahan ng


komunidad. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Ang bawat bata ay kabilang sa isang komunidad na dapat
pahalagahan.

11
2. Ang mga tao sa komunidad ay patuloy na nagsisikap upang
makamit ang kaunlaran.
3. Ang mga tao sa komunidad ay nagtutulungan upang
umunlad ang buhay.
4. May kaniya-kaniyang patakan ang pamilya sa bawat
komunidad.
5. Mahalaga ang pag-uugnayan ng bawat kasapi ng
komunidad.
Gawain 2

Isaisip:

Ang bawat bata ay may kinabibilangang


komunidad na dapat pahalagahan.
*Susi sa pagwawas
Mahalaga ang komunidad sa paghubog ng
pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan, pag-
uunawaan at pag-uugnayan ang bawat kasapi nito
tungo sa pagsulong at pag-unlad.

12
Susi sa Pagwawasto

5. 5.

4. 4.

3. 3.

2. 2.

1. 1.

Pagyamanin Pagyamanin

Sanggunian
LM sa Araling Panlipunan 2

https://drive.google.com/file/d/0B0e7RDIoLG9YNExhVW9JbjVWdU
k/view
https://image.slidesharecdn.com/aralingpanlipunan140307121114-
phpapp02/95/k-to-12-grade-2-learningmaterial-in-araling-panlipunan-54-
638.jpg? cb=139419458

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO-Quezon City

Schools Division Office-Quezon City

Telephone No.8352-6806/6809; Telefax-3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like