Professional Documents
Culture Documents
ADM Araling-Panlipunan1 Q3 Module-2
ADM Araling-Panlipunan1 Q3 Module-2
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Sa Paligid ng Paaralan
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 02: Sa Paligid ng Paaralan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Sa Paligid ng Paaralan
vi
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sa Paligid
Ng Paaralan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
vi
i
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paligid Ng Paaralan. Ang
modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Isaisip
vi
i
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang epekto
ng pisikal na kapaligiran sa iyong pag-aaral.
Alamin
Matututunan mo sa modyul na ito ang tahimik at payapang
paligid ng paaralan ay mahalaga upang maihanda mo ang iyong isip at
atensiyon sa pagkatuto ng iyong mga aralin.
Subukin
5
Panuto: Pagtambalin ang larawan at ang pangalan nito sa
pamamagitan ng linya.
pabrika
palengke
Mall
bukid
simbahan
6
Ang paaralan ay maaring matagpuan sa iba’t ibang lugar sa
isang barangay o bayan. May mga paaralan na matatagpuan
malapit sa palengke, mall, pabrika, simbahan at iba pang
pampublikong lugar.
Mayroon namang mga paaralan na matatagpuan sa gitna ng
kabukiran na malayo sa mga kabahayan. Ang ilan naman ay nasa
kabundukan.
Ang mga bagay na nakapaligid sa isang paaralan ay
nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung maingay ang
paligid, mahihirapan ang mga mag-aaral na maituon ang kanilang
atensyon sa kanilang aralin. Kapag tahimik at payapa ang paligid
ng paaralan ay mas nagiging mabilis ang pagkatuto ng mga mag-
aaral.
Balikan
5
Bukid tindahan
Bundok ilog
Palengke gusali
Tuklasin
Panuto: Basahin nang masigla ang tula
6
Luntiang paligid, mga kabukiran;
Malawak na kapatagan;
Malayo sa kabahayan;
Siyang nakapalibot sa aking paaralan;
Suriin
.
Ang paaralan ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang
lugar. Mayroong matatagpuan sa mga siyudad na mga sentro ng
kalakalan. Ito ay malapit sa mall, palengke, simbahan at iba pang
pampublikong lugar. May mga paaralan naman na malayo sa mga
kabahayan at ang iba naman ay matatagpuan sa mga kabundukan.
May kaugnayan ang kinalalagyan ng isang paaralan at
paligid nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga bagay na
nakapaligid dito ay maaaring makatulong o makaapekto sa pagkatuto
kapag tahimik at payapa ang paligid ng paaralan ay nagiging mabilis
ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Kung
maingay ang paligid, mahihirapan ang mga mag-aaral na maunawaan
ang itinuturo ng guro dahil nakadaragdag ang tunog o ingay na
kanilang naririnig sa labas ng kanilang silid-aralan.
Gawain
5
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay
nagdudulot ng magandang epekto sa pag-aaral at malungkot na
mukha naman kung hindi.
Pagyamanin
6
5
Isaisip
Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at ekis naman kung hindi.
Isagawa
6
Panuto: Gumuhit sa loob ng kahon ng isang lugar na malapit sa
iyong paaralan na maaring makaapekto sa iyong pag-aaral.
Tayahin
5
Panuto: Kulayan ng dilaw ang kahon kung tama ang sinasabi ng
pangungusap at berde naman kung mali.
1. 2.
Pagsabihan ang kaklase kung Mag-aral sa maliwanag na
siya ay nag-iingay habang lugar upang makita at mabasa
nagtuturo ang guro. ng maayos ang leksiyon.
Karagdagang Gawain
Panuto: Mamili at kulayan ang isa sa mga larawan kung saang lugar
ka mas makapag-aaral nang tahimik. Sa tabi ng larawan, isulat sa loob
ng kahon kung bakit ito ang iyong napili.
1.
6
2.
Susi sa Pagwawawasto
Balikan:
Bundok, palengke, gusali
5
Pagyamanin:
1. √ 2. X 3. √
4. √ 5. X 6. √
Tayahin Karagdagang Gawain:
1. dilaw
2. berde Maaring magkaka-iba ang
3. dilaw sagot.
4. dilaw
6
Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide, Araling Panlipunan 1