You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
NEW DUMANGAS NATIONAL HIGH SCHOOL
New Dumangas, T’boli, South Cotabato

Pamagat: Paaralang Panghimpapawid sa ESP 9


Paksa: Kasipagan Sa Paggawa
Pormat: School-on-the-Air
Oras: 30 Minuto
Manunulat: Shaira Mae R. Beja
Layunin:
a. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kasipagan sa paggawa
ESP9KP-IIIe-12.1
b. Natutukoy ang mga palatandaan ng taong nagtataglay ng
kasipagan ESP9KP-IIIe-12.1
c. Natutukoy ang mga kahalagahan ng pagpupunyaging taglay
ng tao ESP9KP-IIIe-12.1

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID (20 SECS)


2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE OUT
3 RADIO HOST: Isang pinagpalang araw ng Byernes sa lahat ng mag-aaral ng ika-siyam
4 na baiting! Gayundin sa mga magulang na walang sawang gumagabay
5 sa kanilang mga anak at sa lahat ng sumusubaybay sa programang ito.
6 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
7 RADIO HOST: Nagagalak kami na makasama kayong muli sa ating pag-aaral sa
8 pamamagitan ng radyo.
9 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
10 RADIO HOST: Ako ang inyong Host Teacher Rodel Esteban mula sa New Dumangas
11 National High School.
12 RADIO TEACHER: Ako naman ang inyong radio teacher Shaira Mae R. Beja, ang makakasama
13 niyo sa araling ito.
14 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
Page 2 of 10

15 RADIO HOST: Ito ang inyong Dreamweavers School On-Air mula sa dibisyon ng South
16 Cotabato, dito sa 103.3 Radyo Katribu, Tboli Knoon.
17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
18 RADIO HOST: Live na live po tayo ngayon at maaari kayong sumubaybay sa ating facebook.
19 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
20 RADIO HOST: Inaasahan ko na ang bawat isa ay nasa kumportableng lugar habang
21 nakikinig sa ating broadcast. Paalala sa lahat na ugaliing maghugas ng kamay
22 bago at pagkatapos gamitin ang inyong Learner’s Activity Sheets, notebook,
23 ballpen at iba pang kagamitan.
24 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
25 RADIO HOST: Lagi ring tandaan na ang kalinisan ang ating panangga laban sa pandemyang
26 Covid-19.
27 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
28 RADIO HOST: Sa puntong ito, nais kong kuhanin ninyo ang inyong Quarter 3, Learner’s
29 Activity Sheet 1, Week 6 sa ESP 9. Kung handa na kayo, narito ang ating
30 radio teacher na si teacher Shaira mula sa New Dumangas National High
31 School.
32 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
33 RADIO TEACHER: Thank you teacher Rodel. Isang napakagandang hapon mga bata
34 mula sa ika-siyam na baitang! Kumusta na kayo? Marami na ba kayong
35 natutunan sa buong linggong pag-aaral natin sa radyo?
36 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
37 RADIO TEACHER: Nag-eenjoy ba kayo sa nakaraan ninyong mga gawain at aralin?
38 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
39 RADIO TEACHER: Mabuti naman kung ganun. Alam kong kayo ay handa na para sa ating
40 panibagong aralin sa Edukasyon Sa Pagpapakatao.
41 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
42 RADIO TEACHER: Kayo ay inaanyayahan naming makinig ng maayos upang matulungan
43 kayong makasagot sa inyong Learner’s Activity Sheets. Kung handa na
44 maaring sabihin, “I Love ESP”.
45 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
Page 3 of 10

46 RADIO TEACHER: Talagang handa na nga! Okay, kung hawak- hawak na ninyo ang inyong
47 Quarter 3 Learner’s Activity Sheet 1, Week 6 sa ESP 9, ating tatalakayin
48 ang Kahulugan ng Kasipagan Sa Paggawa. Umpisahan na natin ang ating

49 aralin.
50 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
51 RADIO TEACHER: Sa araling ito, inaasahang matutuhan pagkatapos ng talakayan ang mga
52 sumusunod: una, naipaliliwanag ang kahulugan ng kasipagan sa paggawa
53 ikalawa natutukoy ang mga palatandaan ng taong nagtataglay ng
54 kasipagan at ikatlo, natutukoy ang mga kahalagahan ng pagpupunyaging
55 taglay ng tao.
56 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
57 RADIO TEACHER: Kasipagan sa paggawa. Ang taong masipag ay pinagpala. Ito ay bukang
58 bibig ng mga matatanda na palagi nating naririnig. Ano nga ba ang kasipagan?
59 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
60 RADIO TEACHER: Ang kasipagan ay aktibong paggawa ng isang gawain. Ito ay sa
61 pagsasagawa ng hindi umaasa sa iba at ginagawa niya ito ng buong husay at may
62 kasiglahan. Nakahanda siyang tapusin ang kanyang gawain na may
63 pagsasaalang-alang sa pagkamit ng layunin nito. Ang pagtataglay
64 ng kasipagan ay magagamit ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa
65 kapwa at sa kanyang lipunang ginagalawan.
66 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
67 RADIO TEACHER: Mga halimbawa na nagpapakita ng kasipagan sa paggawa. Una,
68 pagsikapang tapusin ang nasimulang gawain nang may
69 pagmamahal. Ikalawa, bigyan ng pagkakataon ang sarili na makaranas ng
70 mga gawaing magpapaunlad sa kakayahan at kagalingan. Pangatlo, maging
71 matiyaga sa bawat ginagawa upang maabot ang layunin o mithiin sa buhay.
72 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
73 RADIO TEACHER: Matapos nating malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa
74 kasipagan sa paggawa, ating linangin ang inyong kaalaman sa
75 pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 1, na may panuto (pause) isulat sa loob ng
Page 4 of 10

76 balloon ang bawat salitang may kaugnayan sa KASIPAGAN. Kayo ay


77 bibigyan ko lamang ng limang minuto sa pagsagot.
78 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
79 RADIO TEACHER: Tapos na ang inyong limang minuto. Tingnan natin kung ano-ano ba ang
80 mga naisulat niyo sa loob ng balloon. (Pause) Mahusay! Maaaring ilagay
81 ninyo sa loob ng balloon ang mga salitang matiyaga, masigasig, pinagpala,
82 pursigido at aktibong paggawa. At hindi lang yan, marami pang mga salita
83 ang maaari niyong ilagay na may kaugnayan sa KASIPAGAN.
84 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
85 RADIO TEACHER: Nabanggit ko rin ba ang mga sagot na naisulat niyo? Magaling! Dumako
86 naman tayo sa Gawain 2, na may panuto, maghanap ng isang
87 manggagawa sa inyong lugar na nagpapakita ng kasipagan at pagpupunyagi,
88 kapanayamin siya at ipakuwento ang kanilang nagging karanasan
89 sa trabaho at paano sila nag tagumpay. Isulat sa iyong kwaderno ang
90 nakalap na impormasyon sa anyong talata.
91 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
92 RADIO TEACHER: Paalala, bago gawin ang activity na ito, siguruhing nasusunod ang health
93 safety protocol laban sa covid-19. Magsuot ng facemask at faceshield at
94 dapat nasusunod din ang physical distancing.
95 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
96 RADIO TEACHER: Bilang gabay, kung paano ito gagawin. Bibigyan ko kayo ng isang
97 halimbawa. Ang manggagawa na aking nakapanayam ay si Jose Santos. Ang
98 kanyang trabaho noon ay isa siyang Dock Worker. Ating pakinggan ang
99 kanyang naging karanasan.
100 SIR RODEL: Bilang isang estiba o dock worker delikado ang aming trabaho, dahil kami ay
101 nagdidiskarga ng mga malalaking troso, bigas at iba pang mga mabibigat na mga
102 kargamento. Minsan ay naaaksidente pa ang mga kasamahan ko. Kung kaya’t
103 minsan napapaisip ako na kailangan ko pa ng dobleng sipag at pagbutihan pa
104 ang pagtatrabaho upang maiangat ko naman ang aking posisyon.
105 RADIO TEACHER: Talagang hindi madali ang kanyang pinagdaanan. Pakinggan naman natin
106 kung paano siya naging matagumpay.
Page 5 of 10

107 SIR RODEL: Pagdarasal, determinasyon, tiwala sa sarili at pokus sa bawat trabaho na
108 ginagawa ang tanging sikreto upang makamit ko ang posisyon na meron ako
109 ngayon. Hindi ako sumuko dahil naniniwala ako na bago mo matamasa ang
110 tamis ng pagkapanalo matitikman mo muna ang pait ng pagkatalo. Basta matibay ang
111 kalooban mo at nagsusumikap ka sa bawat hamon ng buhay tiyak na tutungo ka
112 sa hinahangad mong tagumpay.
113 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
114 RADIO TEACHER: Nasundan niyo ba Grade 9 Learners? (Pause) Mabuti naman, kung ganun.
115 Isang napakagandang karanasan ang ating napakinggan. Dadako tayo
116 ngayon sa inyong Quarter 3 Learner’s Activity Sheet 2 Week 6, sa ESP 9.
117 Tatalakayin naman natin ang mga palatandaan ng taong nagtataglay ng
118 kasipagan. Kung handa na kayo, bigkasin nga muli “I Love ESP”.
119 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
120 RADIO TEACHER: Okay, handa na nga. Talakayin na natin ang mga palatandaan ng taong nag
121 tataglay ng kasipagan. Ang kasipagan ang nagbibigay daan sa taong
122 mapalago ang kanyang pamumuhay at mapaunlad ang kanyang pagkatao,
123 ang lipunang kinabibilangan at sariling bansa. Ang mga sumusunod ay
124 manipestasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan.
125 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
126 RADIO TEACHER: Una, nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay
127 tinitiyak na maging maayos ang resulta ng kanyang Gawain. Ikalawa,
128 isinasagawa ang Gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong
129 nagtataglay ng kasipagan ay may pagmamalasakit sa trabaho. Ibinibigay
130 niya ang kanyang buong puso at tinitiyak na may kabuluhan ito.
131 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
132 RADIO TEACHER: Ikatlo, hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa
133 kanya. Ang taong masipag ay gumagawa ng kusa kahit pa walang kapalit.
134 Ito ay ginagawa niya nang maayos at buong husay. Maraming biyayang
135 matatanggap ang pagiging masipag ng isang tao. Halimbawa, gumagawa
136 ng kusa nang hindi na inuutusan. Binibigyang pokus ang bawat gawaing
137 ginagawa at gumagawa ng hindi nagrereklamo.
138 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
Page 6 of 10

139 RADIO TEACHER: Kumusta Grade 9 learners? Nagsisipag din ba kayo sa inyong pag-aaral?
140 Dahil kung oo, ipagpatuloy lang at tiyak na malayo ang mararating niyo. At
141 dahil alam kong kayo ay masipag, sasagutan natin ang Gawain 1. Panuto,
142 basahin at suriing Mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng
143 tsek kung ito ay nagpapakita ng kasipagan at ekis naman kung hindi.
144 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
145 RADIO TEACHER: Bilang una, sinisiguro na katanggap-tanggap ang kalalabasan ng Gawain.
146 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
147 RADIO TEACHER: Ikalawang bilang, nagmamadaling matapos ang trabaho dahil may
148 pupuntahang party.
149 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
150 RADIO TEACHER: ikatlong bilang, ibinibigay ang buong kakayahan at kagalingan upang
151 matapos nang may kahusayan.
152 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
153 RADIO TEACHER: ikaapat, may pagmamalasakit sa kanyang mga ginagawa.
154 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
155 RADIO TEACHER: bilang lima, mas madalas ang salita kaysa gawa.
156 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
157 RADIO TEACHER: Ika-anim, nakatuon ang pag-iisip sa paglalaro ng mobile legends kaysa sa
158 mga gawain.
159 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
160 RADIO TEACHER: ika-pito, hindi umiiwas sa anumang gawain na nakaatang sa kanya.
161 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
162 RADIO TEACHER: bilang walo, tinutulungan ang kasama kapag nakatapos na sa kanyang
163 gampanin.
164 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
165 RADIO TEACHER: bilang siyam, naghihintay na utusan bago gawin ang isang gawain.
166 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
167 RADIO TEACHER: panghuling bilang, marunong magpahalaga sa bunga ng mga ginagawa.
168 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
Page 7 of 10

169 RADIO TEACHER: Nasundan ba mga bata? Sige nga, tingnan natin kung ilang puntos ang
170 nakuha ninyo. Ang sagot sa bilang 1,3,4,7,8, at 10 ay tsek. Inuulit ko ang
171 sagot sa bilang 1,3,4,7,8, at 10 ay tsek
172 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
173 RADIO TEACHER: Ang sagot naman sa bilang 2,5,6 at 9 ay ekis. Inuulit ko ang sagot naman
174 sa bilang 2,5,6 at 9 ay ekis.
175 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
176 RADIO TEACHER: Ilan ang nakuha niyong score? Magaling! Sa mga medyo mababa ang
177 score, huwag kayong mag-alala at tiyak akong makakabawi rin kayo mamaya.
178 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
179 RADIO TEACHER: Sasagutan naman natin ang Gawain 2. Panuto, magtala ng limang hakbang
180 kung paano maisabuhay ang mga palatandaan ng kasipagan. Bibigyan ko
181 kayo ng limang minuto sa pagsagot.
182 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
183 RADIO TEACHER: Tapos na ang inyong sampung minuto. Anu-ano ang mga naisulat ninyo?
184 Bilang gabay magbibigay lamang ako ng tatlong halimbawa ng hakbang
185 kung paano maisabuhay ang mga palatandaan ng kasipagan.
186 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
187 RADIO TEACHER: Una, nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay
188 hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging
189 maayos ang kalalabasan ng kaniyang Gawain.
190 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
191 RADIO TEACHER: Pangalawa, ginagawa niya ang Gawain ng may pagmamahal. Ibinibigay
192 niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa, ibig sabihin naroroon ang
193 kaniyang malasakit. At pangatlo, hindi siya umiiwas sa anumang Gawain.
194 Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan kahit maging Gawain pa ng
195 iba ay kaniya pang ginagawa.
196 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
197 RADIO TEACHER: At marami pang mga hakbang na pwede niyong maisulat kung paano
198 maisabuhay ang mga palatandaan ng kasipagan. At sa puntong ito,
199 inaasahan kong may taglay na kasipagan ang mga Grade 9 learners kung
Page 8 of 10

200 kaya’t simulan naman natin ang talakayan sa inyong Quarter 3 Learner’s
201 Activity Sheet 3, week 6 sa ESP 9.
202 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
203 RADIO TEACHER: Isang katangian ng kasipagan ang pagpupunyagi. Ang pagpupunyagi ay
204 ang pagsusumikap na maabot o maakamit ang iyong layunin o mithiin sa
205 buhay. Kakikitaan ang taong may taglay nito ng pagpapatuloy sa paggawa kahit pa
206 nahihirapan na ngunit hindi pa rin sumusuko. Ito ay pagtanggap sa mga
207 hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo.
208 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
209 RADIO TEACHER: Ito rin ay ang patuloy na pagsasagawa ng mga Gawain hanggat hindi pa
210 nakakamit ang mga mithiin. Nakahanda siyang suungin ang mga problema
211 at hindi pinanghihinaan ng loob bagkus ay patuloy na nagiging matatag.
212 Tulad nga ng isang sikat na sawikain, “Never give up, Don’t quit because a
213 quitter never wins”.
214 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
215 RADIO TEACHER: Ngayon, ating subukin ang inyong kaalaman. Magkakaroon tayo ng
216 maikling Gawain. Sasagutan ninyo ang Gawain 1 at ang Gawain 2. Mayroon
217 kayong sampung minuto sa pagsagot. Maaari niyo na itong simulan!
218 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
219 RADIO TEACHER: Tapos na ba ang lahat? Panahon na para sa pagwawasto. Sa Gawain 1,
220 isulat sa bawat kahon ang mga salitang may kaugnayan sa pagpupunyagi. Anu-
221 ano ang mga naisulat ninyo?
222 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
223 RADIO TEACHER: Mahusay! Maaaring isulat ninyo ang mga salitang, pakikipaglaban, hindi
224 sumusuko, pagsusumikap, nagpapatuloy at determinasyon. Puntahan
225 naman natin ang Gawain 2. Ipaliwanag ang tanong: bilang mag-aaral, ano
226 ang nararapat mong gawin sa kabila ng problema at balakid sa buhay
227 upang makamit ang iyong mithiin?
228 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
229 RADIO TEACHER: Alam kong ang bawat isa sa inyo ay may mga mithiin na gustong makamit
230 sa buhay. Iba’t-iba rin ang mga sitwasyon na inyong pinagdadaanan at may
Page 9 of 10

231 kanya-kanya rin kayong mga hakbang kung paano niyo


232 mapagtatagumpayan ang iynong mga hangarin.
233 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
234 RADIO TEACHER: Magbibigay lamang ako ng ilang mga gabay para sa matagumpay na
235 pagkamit sa inyong mga mithiin. Una sa lahat, kailangan mo ng goal o
236 pangarap na gusto mong makamit. Dahil kung wala kang natatanging
237 layunin magiging katulad ka ng isang barkong nawawala sa dagat,
238 sumasabay lamang sa mga alon hanggang sa lumubog ito.
239 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
240 RADIO TEACHER: Pagsikapan ring magkaroon ng wisdom o karunungan sa pamamagitan ng
241 pag-aaral ng mabuti. Dapat malakas din ang iyong loob, may pagsisikap at
242 pagtitiyaga. Upang makamit mo ang iyong mga mithiin sa buhay,
243 nararapat mong alalahanin ang mga ito.
244 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
245 RADIO TEACHER: Kumusta, hindi ba nagkakalayo ang inyong mga sagot sa mga sagot na
246 ibinaggit ko? Kung ganun, binabati ko ang inyong kahusayan ganoon na din
247 ang inyong kasipagan! Dito na nagtatapos ang ating aralin sa linggong ito.
248 Hanggang sa muli ako ang inyong Radio Teacher, teacher Shaira mula sa
249 New Dumangas National High School.
250 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
251 RADIO HOST: Thank you, teacher Shaira. Isang napakagandang leksyon na naman ang ating
252 natapos. Kaya sa lahat ng mag-aaral, isaisip ninyo na ang bawat sandali ay
253 mahalaga hindi dapat na sayangin, kasipagan ay isagawa at itanim sa
254 damdamin upang sa gayon makamit ang mithiin.
255 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER
256 RADIO HOST: Siguruhing tumutok sa ating radio eskwela ang paaralang panghimpapawid
257 tuwing ala-una hanggang alas tres ng hapon, Lunes hanggang Byernes dito
258 lamang sa 103.3 Radyo Katribu, Tboli Knoon. Hanggang sa muli, ako si teacher
259 Rodel Esteban. Laging tandaan, sa gitna ng hamon, sabay-sabay tayong
260 babangon, sama-samang aahon para sa dekalidad na edukasyon. Manatiling
261 ligtas laban sa COVID-19. Paalam!
262 BIZ: MSC UP THEN OUT
Page 10 of 10

-WAKAS-

Prepared by:

SHAIRA MAE R. BEJA


Teacher I

Noted by:

_LEONARD A. TRAVILLA_
Assistant School Principal II

Recommending Approval:

CRISANTO M. BULADO
P-I/Principal In-Charge
Tboli West II District

Approved by:

RUTH C. ESTACIO PhD. CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent
Officer In-Charge
Office of Schools Division Superintendent

You might also like